CO 2 Joaneh LP Final

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Mala-masusing Banghay Aralin sa Filipino 8

(COT 2 – Hunyo 14, 2022)


I. Layunin
Pagkatapos ng aralin ang mag-aaral ay inaasahang:
a. Nakapaglalahad ng damdaming namamayani sa mga tauhan batay sa napakinggan. (F8PN-IVg-h-37)

II. Paksa
Ikaapat na Markahan – Modyul 3: Paglalahad ng Damdamin
Lunsaran: Dalawang Ama, Tunay na Magkaiba – Florante at Laura
Kagamitan : Laptop, TV, videos mula sa internet, makukulay na pantulong Biswal
Sanggunian : Filipino 8 Modyul 3: Sandigan ng Lahi…Ikarangal Natin, Pinagyamang Pluma
Bilang ng Araw : 1 Sesyon

III. Proseso ng Pagkatuto (Ind.2: Display proficient use of Mother Tongue, Filipino and English to
facilitate teaching and learning)
1. Panimula
 Panalangin at Pagbati
 Pagtala ng Liban
 Alituntunin at Pagpapaalala sa IATF Protocol (Ind.4:Establish safe and secure learning
environments to enhance learning through the consistent implementation of policies guidelines
and procedures)
 Pagtse-tsek ng takdang aralin
 Balik-aral
2. Pagganyak (Pagpapakita ng bidyu, naglalahad ng dalawang ama na magkaiba)
3. Paglalahad ng Paksa (Paglalahad ng damdamin at mahahalagang pangyayari batay sa
napakinggan).
 Pagpapabasa ng layunin.
4. Pagtatalakay (Pagbabahagi ng sipi sa mag-aaral)

Ang damdamin o saloobin ay may kinalaman sa nararamdaman ng isang tao, sa isang bagay, tao
o pangyayari kagaya ng Pagmamahal, Pagkamuhi, Paghahangad, Pagkatuwa, Pagkalungkot,
Pagdamdam, Pagkaglit, Pagkaawa, Pagkabahala, Pag-alala, Pangangamba, pagkainis, paghanga
atbp.

Hal. Nakakalungkot ang sinapit ng ama ni Florante sa kamay ni Konde Adolfo.

5. Paglalapat (Pagbabahagi ng sipi ng lunsaran)


Gabay na tanong (Ind.6: Maintain learning environments that nurture and inspire learners to
participate, cooperate and collaborate in continued learning)
1. Sino-sino ang mga tauhan sa nabasang akda?
2. Anong uri ng ama si Duke Briseo ayon sa mga panaghoy ng anak niyang si Florante?
3. Paano naiba ang ama ni Aladin sa ama ni Florante?
4. Sa panahon ngayon, mayroon din bang mga amang tulad ng ama ni Aladin? Patunayan.
Panuto: Isulat ang pagkakaiba at pagkakatulad sa loob ng bilog.

Pagkakaiba Pagkakaiba

Duke Ali-Adab
Pagkakatulad
Briseo

6. Paglalahat (ind.5: Maintain learning environments that promote fairness, respect and care to
encourage learning)
1. Batay sa inyong nabasa/napanood ano-ano ang inyong reaksyon sa dalawang ama?
2. Base sa mga pangyayaring naganap sa akda, ano ang napagtanto ni Aladin?

7. Pagpapahalaga (ind. 1: Apply knowledge of content within and across curriculum teaching areas)
(ind.3: Use effective verbal and non-verbal classroom communication strategies to support learner
understanding, participation, engagement and achievement)
1. Kung ihahambing mo ang iyong ama sa ama ni Florante o ni Aladin, kanino siya higit na
nakatutulad? Bakit?
2. Bakit dapat maging huwaran ang isang ama sa kanyang mga anak/ mga anak?

8. Ebalwasyon (Ind.7: Apply a range of successful strategies that maintain learning environments that
motivate learners to work productively by assuming responsibility for their own learning)
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na tanong.Isulat ang salita na nagpapakita o
nagsasaad ng damdamin o saloobin sa patlang bago ang bilang.

_____1. Nahabag si Ana sa batang nasagasaan.


_____2. Mangingibang bansa na si Aling Marta upang maghanapbuhay na lubos naman ikinalungkot
ng kanyang pamilya.
_____3. Masayang nagdaos ng kaarawan si May.
_____4. Labis na ikinatuwa ni Jose ang pagkapanalo ng kanyang kaibigang si Pedro sa Palaro ng
kanilang paaralan.
_____5. Umiiyak ang sanggol dahil sa gutom.
_____6. Masayang umuwi si Analyn na may dalang Medalya.
_____7. Hinahangaan ni Stella si Ning.
_____8. Natakot si Jose sa kanyang ina dahil naiwala niya ang tupperware.
_____9. Ikinalungkot ng showbiz industry ang pagpanaw ng beterang aktres na si Susan Roces.
_____10. Natakot si Maria sa magnanakaw kaya wala siyang magawa kundi ibigay ang kanyang
cellphone.

Susi ng Pagwawasto:
1. Nahabag
2. Ikinalungkot
3. Masaya
4. Ikinatuwa
5. Umiiyak
6. Msaya
7. Hinahangaan
8. Natakot
9. Ikinalungkot
10. Natakot

IV. Takdang Aralin


Panuto: Isulat sa buong papel.
1. Sumulat ng mensahe para sa inyong ama, o ina na tumatayong ama sa inyo.

Inihanda ni: Tagapagsanay:

JOANEH P. CLAPANO JOCELYN P. BALASUELA


Guro sa Filipino Punong Guro

You might also like