Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 32

Main Topic

I. PANIMULA

Sa pakikipagkomunikasyon ng tao, sa anyong berbal man o sa anyong di-berbal, ang


kanyang kakayahan sa larangan ng pagpapahayag ay lagi ng nasasangkot. Sa kahusayan niya sa
pagpapahayag nakasalalay ang linaw ng mensaheng nais niyang iparating sa kanyang kapwa.
Upang ang tao ay mag-angkin ng isang mabisa at maayos na paraan ng pagpapahayag
tungo sa isang matagumpay na pakikipagkomunikasyon, nararapat na paunlarin niya ang
kasanayang pangwika. Ang kasanayang pangwikang ito ang magiging tuntungang kaalaman ng
isang tao upang mabisa niyang maipahayag ang mensaheng nais niyang ipaabot.
Sa pagtuturo ng wika, nararapat lamang ilantad sa mga mag-aaral ang iba’t ibang
makatotohanang gawain upang iparanas sa kanila ang tunay na gamit ng wika. Maaaring bigyan
sila ng maraming babasahing aklat, palikhain ng tula at pasulatin ng maikling dula, paguhitin ng
magagandang tanawin-lahat ng mga karanasang ito’y magsilbing matibay na pundasyon sa
pagkakaroon ng mag-aaral ng isang maunlad na wika.
Buhat sa pagiging sanggol ay nakikinig na tayo kung kaya inaakala nating tayo’y
sadyang marunong nang making ang hindi naabot ng ating kabatiran ay ang katotohanang ang
pakikinig ay isang kasanayang maaaring linangin at higit na mapabuti. Ang malaking bahagi ng
ating buhay ay napapalaan sa pakikinig kaya’t kailangan pag-ukulan natin ito ng pansin.
ARALIN: 1 AT 2

 MAKRONG KASANAYAN SA PAKIKINIG


 MAKRONG KASANAYAN SA PAGSASALITA
 Mga bahagi ng Tainga

 KAHULUGAN NG PAKIKINIG
 Ang Pakikinig ay isang proseso ng pagtanggap ng mensahe mula sa naririnig. Ito ay
mula sa tunog o salita na narinig, sa pamamagitan ng auditory nerve, mabilis na dinadala
sa utak (brain) upang bigyan ng pagpapakahulugan at pagsususri (analyze) kung ano ang
narinig. Ang utak ang siyang nagbibigay ng interpretasyon at pag-unawa at doon
nagkakaroon ng kahulugan ang naririnig.
 Ang pakikinig ay pagtugong mental at pisikal sa mensaheng nais ipabatid ng tagapagdala
ng mensahe. Ang sensoring pakikinig ay nanatiling bukas at gumagana kahit na tayo ay
may ginagawa. At naririnig natin ang mga tunog na nagsisilbing stimuli. Ang wave
stimuli na ito ay dumaraan sa auditory nerve patungo sa utak.
 Ang pakikinig ay isang aktibong gawain. May nagaganap na pagpoproseso sa isip ng
tagapakinig na kung saan nagbibigay kahulugan ang mga tunog at salita. Ang mga tunog
na naririnig ay nabibigyang interpretasyon, nasusuri ang ating kaalaman sa estraktura ng
wika at naisasaisip ang mensahe, impormasyon at pahiwatig na napakinggan. Ang uri at
layunin sa pakikinig ay lumilinang sa kasanayan sa pakikipag-ugnay sa kapwa at
kapaligiran. Sa mabuting pakikinig, tayo ay nagiging disiplinado sa ating pagbibigay ng
atensyon at paggalang sa kapwa.
 Ang pakikinig ayon kina Howatt at Dakin, ay kakayahang kumilala at umunawa sa
sinasabi ng iba. Ito ay sumasaklaw sa pag-unawa sa diin at pagbigkas ng nagsasalita, sa
kanyang gramatika at talasalitaan, at sa mensaheng nais niyang maiparating.
 Ayon kay naman kay Yagang (1993), ang pakikinig ay kakayahang matukoy at
maunawaan kung ano ang sinasabi ng ating kausap.
 Ayon naman kay Alcantara, ang pakikinig ay isang komplikadong kasanayan na
nangangailangan ng hirap at atensyon.
 Mahalaga ang pakikinig sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Ayon nga kay Wilga
Rivers (1981), makalawang beses tayong nakikinig kaysa sa pagsasalita, makaapat na
beses kaysa sa pagbabasa at makalimang beses kaysa sa pagsulat.
 Napakahalaga ng pakikinig sa paglinang ng kakayahan sa pagsasalita. Gaya ng sinabi ni
Nida (1957), “Ang pagkatuto sa pagsasalita ng isang wika ay nakasalalay nang malaki
kung paano mo ito napakinggan nang mabuti.”

ANG KAHALAGAHAN NG PAKIKINIG


Mahalaga ang pakikinig sa bawat gawaing isinasagawa na may kaugnayan sa paglinang
nito ayon sa sumusunod na mga kadahilanan:

 Ang pakikinig ay isang mabilis at mabisang paraan ng pagkuha ng impormasyon


kaysa sa tuwirang pagbabasa.
 Ang pakikinig sa kapwa ay daan upang ang bawat isa ay magkakaunwaan at
magkaroon ng mabuting palagayan.
 Sa pakikinig kinakailangan ang ibayong konsentrasyon sap ag-unawa, pagtanda o
paggunita sa narinig.
 Sa pakikinig nagiging matagumpay ang tao sa anumang larangan sa buhay
 Sa pakikinig magkakaroon ng kabisaan ang pakikipagkomunikasyon sa iba’t ibang
sitwasyon
 Sa pakikinig napapalawak ang kaalaman sa iba’t ibang bagay
 Sa pakikinig nauunawaan at naigagalang ang kapwa nang sa ganoon ay igagalang ka
rin ng mga ito.

Sa pag-aaral na isinagawa mas maraming oras ang nagamit ng tao sa pakikinig kaysa sa
pagsasalita dahil mas madalas ay mas gudto pa niya ang making kaysa sa magsasalita.
Lalo na ang amg mag-aaral sa loob ng silid-aralan. Mas gusto pa ang making sa talakayan
ng guro at kapwa mag-aaral kaysa aktibong makilahok sa kanila.
45% ay nagagamit sa pakikinig
30% ay sa pagsasalita
16% ay sa pagbabasa
9% naman sa pagsusulat
PROSESO NG PAKIKINIG
Ang pakikinig ay isang komplikadong gawaing kinapapalooban ng isang masalimuot na
proseso. Hindi lamang taynga ang ginagamit sa pakikinig kundi pag-iisip rin. Sa bahaging ito ay
bibigyang paliwanag ang masalimuot na prosesong ito sa pamamagitan ng payak na paraan.
1. Pagtanggap ng mensahe (Hearing)
Paggising pa lamang natin sa umaga ay marami na tayong naririnig na tunog
ngunit hindi natin ito pinapansin sapakat hindi naman ito mahalaga sa atin. Sa dami ng
tunog na ating naririnig, namimili lamang tayo ng tunog na mahalaga kaya doon lamang
natin ipopokus ang ating pandinig. Ang ating taynga ay laging bukas sa mga tunog na
nagsisilbing stimuli. Ang stimuli ay magiging wave stimuli sa padaraanan nito sa
cuditory nerves patungong utak. Ang utak ang nagsasabi o kikilala ng tunog na narinig.
Kapag nasa utak na ang tunog, magsisimula na ang ikalawang proseso.

2. Pagpokus ng atensyon sa tinaggap na mensahe (Interpreting)


Kapag ang tunog ay nadala na sa ating utak, iniuugnay na nito ang iba pang
tunog mula sa mga tao o bagay-bagay na may kaugnayan sa tunog na ating naririnig.

Halimbawa, nakarinig tayo ng sigawan sa labas ng bahay, maaari nating isiping


may nag-aaway o nagkakatuwaan lamang. Para tayo makasiguro kung nag-aaway o
nakakatuwaan mga taong pinagmulan ng tunog, tayo ay lalabas upang tingnan kung
anong nangyayari.

3. Pagpapakahulugan sa mensahe (Judging)


Ang ikatlong proseso ay nasasalig sa dalawang nauna. Kapag hindi malinaw ang
tinanggap na mensahe ay tiyak na hindi rin maipopokus nang mabuti ang atensyondito
kaya ang bunga ay maling pagpapakahulugan. Halimbawa, kung ang sigaw na narinig
ay mula sa mga kabataang nagkakatuwaan, maaaring isiping nagbibiran ito ang mga ito

4. Pagtanda sa narinig (Remembering)


Hindi natin kayang tandaan ang lahat ng ating mga naririnig kaya makakatulong
ang pagtatala lalo na kung ito ay may mahalagang impormasyon o mensahe. Ito ay
kadalasan nating ginagawa kapag nakikinig tayo ng talakayan sa loob ng klasrum o kaya
ay nakikinig sa isang seminar.

5. Pagtugon (Feedback)
Ang pagtugon ang pinakahuling proseso sa gawain pakikinig. Dito malalaman
kung ang pakikinig ay naging mabisa sapagkat walang tiyak na pagtugon kung sa
simula pa lamang ay hindi na nauunawaan ang napakinggan. Ang tamang pagtugon ay
nakasalalay sa tamang patanggap ng mensahe. Ito ay tumatanggap ng mensahe sa
pamamagitan ng kanyang reaksiyon sa mukha, paggalaw ng kanyang katawan o kaya ay
pagbitiw ng mga katagang maaaring sumasang-ayon o kaya ay sumasalungat.

LAYUNIN NG PAKIKINIG

1. Deskriminatibo
Matutukoy ang pagkakaiba ng pasalita at di-pasalitang paraan ng komunikasyon.
Binibigyang pansin ang paraan ng pagbigkas ng tagapagsalita at kung paano siya kumilos
habang nagsasalita.

2. Komprehensibo
Kahalagahan ay maunawaan ang kabuuan ng mensahe at maintindihan ang nilalaman at
kahulugan ng kanyang pinakikinggan.

3. Paglibang
Layunin ay upang malibang o aliwin ang sarili. Ginagawa para sa sariling kasiyahan.

4. Panggamot
Matulungan ng tagapakinig ang nagsasalita na madamayan o makisimpatiya sa
pamamagitan ng pakikinig sa hinaing o suliranin ng nagsasalita.
KRITIKAL NA PAKIKINIG

responding

evaluating

interpreting

sensing

Ayon kay SIER, may apat na proseso ng kritikal na pakikinig.

1. Sensing- pandinig sa mensahe


2. Interpreting - pagpapakahulugan sa mensahe
3. Evaluating - paghusga sa kahinaan at kalakasan ng mensahe
4. Responding - pagbibigay ng reaksyon ng tagapakinig ng mensahi

KASANAYAN SA PAKIKINIG

1. Impormal na Pakikinig
Madalas nating gamitin ang impormal na pakikinig kapag nakikipag-usap tayo sa
ating mga magulang, kapatid, kaibigan, kasintahan at mga guro. Ito rin ang ginagamit
natin sa pagbabahagi ng ating mga karanasan sa ibang tao at maging sa mga
pangkaraniwang usapan sa araw-araw. Kabilang dito ang pagpapakilala, paghatid ng
mensahe, paglalagom, paggawa ng balangkas ng kuwento, pagtatala, pagtanda at
pagsusunod-sunod ng mga pangyayari.

2. Kritikal at Mapanuring Pakikinig


Sa kasanayang ito ay mahalaga ang reaksyon sa ating napakinggan.
Kinakailangang unawaing mabuti ang napakinggan upang makagawa ng isang kritikal na
pagsusuri. Kabilang dito ang pagkuha ng mensahe ng awitin, pagpapahalagang moral sa
pabula at parabula at pagpuna sa mga pagkakatulad at pagkakaiba ng mga pahayag.

3. Kritikal at Pahusgang Pakikinig


May mga pagkakataong hindi tayo sumasang-ayon sa ating naririnig ngunit
madalas naman tayo ay naniniwala. Ito ay talagang nangyayari sapagkat natural sa atin
ang pagiging kritikal at mapanghusga sa anumang naririnig. Ang pagiging kritikal at
mapanghusga sa mga pinakinggan ay mga kasanayang mahalaga at nararapat na
madebelop sa mga mag-aaral upang matuto silang magtaya kung totoo o hindi ang ma
mensaheng napakinggan. Kabilang dito ang pagbibigay ng reaksyon sa patalastas o
komentaryo, pagkilala sa personalidad, pagtataya sa mga mangyayari sa kwento at iba pa.

4. Pagpapahalang Pakikinig
Kung mahusay tayong pumuna sa ating mga naririnig, nararapat lamang na
mahusay rin tayong magpahalaga sa ating mga napakinggan. Kabilang dito ang
pagbibigay nang mabubuti at kapaki-pakinabang na bagay na makukuha mula sa
napakinggan.

URI NG PAKIKINIG

1. Pagpapahalagang Pakikinig o Appreciative


Ginagamit ito sa pakikinig upang maaliw. Mahusay na halimbawa nito ang
pakikinig ng mga awit sa radio o konsyerto.
2. Pakikinig na Diskriminatibo
Dito binibigyang halaga ang mataas na antas ng pag-unawa. Kailangang aktibo
ang isipan na makuha ang mga nais ipakahulugan ng mensahe. Ang mga kaisipang
nagkakasalungat ang mga aral o pagpapahalaga na nais iparating sa mga tagapakinig at
iba pang mga gawaing may kinalaman sa pagbibigay reaksiyon mula sa mga narinig na
mensahe. Kritikal na pakikinig ito, ginagamit ito para sa organisasyon at analisis ng mga
datos na napakinggan. Sa pakikinig na ito inuunawa at inaalala ng tagapakinig ang mga
impormasyong kanyang napakinggan.

3. Mapanuring Pakikinig
Ebalweytib o selektib ang pakikinig na ito. Mahalaga rito ang konsentrasyon sa
napakinggan. Bukod sap ag-unawa ng napakinggan, ang tagapakinig ay bumubuo ng mga
konsepto at gumagawa ng mga pagpapasya ng balyu sa uring ito ng pakikinig.

4. Implied na Pakikinig
Sa pakikinig na ito, tinutuklas ng isang tagapakinig ang mga mensaheng nakatago
sa likod ng mga salitang naririnig. Ang hindi sinasabi nang tuwiran ay inaalam ng
tagapakinig sa uring ito ng pakikinig

5. Internal na Pakikinig
Pakikinig ito sa sarili. Ang pinagtutunan ditto ay ang mga pribadong kaisipan ng
isang indibidwal na pilit niyang inuunawa at sinusuri.

6. Pasibong Pakikinig
Ito’y isinasagawa kasabay ng iba panag Gawain. Walanag gaanong
konsemirasyong dahil abala sa iba pang Gawain/bagay.

MGA ELEMENTONG NAKAIIMPLUWENSIYA SA PAKIKINIG

1. ORAS/PANAHON
Sadyang may mga oras na ang ating pandinig at handing makinig, ngunit may
oras ding kulang iyon sa kahandaan o kaya’y ganap na walang kahandaan.

2. TSANEL
Madalas, ang daluyan na tunog ay nagiging sagabal sa pakikinig. Kung nais ng
isang taong maging malinaw ang pagdinig sa kanyang mensahe, siya ay nakikibagay
depende sa kung ano ang tsanel na gamit niya.

3. EDAD
Iba’t iba ang antas ng kasanayan sa pakikinig ng bawat tao. Isang batayan ng
pagkakaiba-iba ng antas ng kanilang kasanayan ay ang edad. Karaniwang mahina pa ang
kakayahan ng mga bata sa pagbibigay-kahulugan ng narinig samantalang karaniwang
humihina naman ang pandinig ng mga matatanda.

4. KASARIAN
May mga taong higit na nakikinig sa babae kung gaanong may iba namang sa
lalaki. Kung ano ang preperensya nila, malamang na higit na magiging epektibo ang
pakikinig nila kung ang nagsasalita ay ang kasariang higit nilang pinapaburan.
5. KULTURA
Hindi maihihiwalay ang kultura sa pakikinig. Sa pagbibigay-kahulugan sa mga
tunog na naririnig, ang isang tao ay laging naiimpluwensyahan ng kulturang kanyang
kinabihasnan at kinalakihan.

6. KONSEPTO SA SARILI
Ang konsepto sa sarili ng iba’t ibang tao ay maari ring makaimpluwensya sa
proseso ng komunikasyon. Iba-iba ang konsepto sa sarili ng bawat tao. Kung gayon,
maaari ring magkaiba-iba ang pagpapakahulugan nila sa mga tunog na narinig nila.

7. LUGAR
Ang tahimik at malamig na lugar ay lubusang nakahihikayat at nakapagpapataas
ng lebel ng konsentrasyon ng isang tagapakinig. Kabaliktaran naman ang nangyayari sa
isang mainit at magulong lugar na pinangyayarihan ng pakikinig. Kung gayon,
nakakaapekto ang lugar sa pakikinig ng isang tao.

8. DISTANSYA
Pag malayo ang kausap, anumang sigaw di maririnig, maririnig man ay bahagya’t
di pa maintindihan. Pag naman sobrang lapit nagkakailangan.

MGA SAGABAL SA PAKIKINIG

1. Mga Suliraning Eksternal – nakapaloob dito ang mga distrakyong awral tulad
ng ingay na likha ng bel, makina o malakas na usapan. Ang mga problema sa
pasilidad tulad ng di- komportableng upuan, at ang labis na mainit o malamig na
temperatura sa silid ay maaari ring maikategorya sa ilalim ng uring ito.

2. Mga Suliraning Mental – ilang halimbawa nito ay ang preokupasyon o pag-iisip


ng ibang bagay tulad ng mga problema o pangangarap ng gising. Maikakategorya
rin sa ilalim nito ang pananakit ng ulo at kakulangan ng pag-iisip.
3. Iba pang mga tanging salik – may iba pang ispesyal na salik na maaaring
maging sagabal sa pakikinig. Ilan sa mga ito ay ang labis na pagiging mahirap o
kompleks ng isang konsepto o labis na kadalian niyon na maaaring kawalan ng
interes ng tagapakinig, lubos na nagkasalungat na opinion ng nagsasalita at
tagapakinig at distraksyong biswal tulad ng mannerism at ang anyo ng
pagsasalita.

KATANGIAN NG MABUTING TAGAPAKINIG

1. HUWAG LAGING MAGING TAGAPAGSALITA (MONOPOLIZE)


Sa klase at sa pagtitipon, hindi tayo makakaligtas sa mga “monopolize”. Sila ang
mga taong palaging “bida” at hindi nakikinig sa sinasabi ng iba. Kailangang magbigay ng
daan para sa iba na masabi rin ang kanilang gusting sabihin.

2. HUWAG MAGSALITA KAPAG MAYROON PANG TAGAPAGSALITA


(INTERUPTER)
Patapusin muna ang nagsasalita bago sumingit. Matutong maghintay ng tamang
oras kung saan maaaring sabihin ang sariling palagay. Kailangan ng respeto.

3. HUWAG TUMALON SA KONKLUSYON


Huwag agad magbigay ng konklusyon, haka o asampsyon.

4. MAKINIG SA PAGITAN NG BAWAT LINYA


Nararamdaman ng tagapakinig kung nagsasabi ng totoo o hindi ang tagapagsalita.
Ang mga “clue” ay maaaring nakita sa tono ng tagapagsalita, sa hitsura ng mukha o kilos.

5. MAGTANONG
Kung may alinlangan o kalabuan sa sinabi ng tagapagsalita, kailangang
magtanong.

6. HINDI KAILANGANG MADISTRAK NG KAPALIGIRAN


Huwag gawing hadlang sa pakikinig ang “ambiance” ng kapaligiran, hitsura,
punto, gawi, kilos ng tagapagsalita. Pagtuunan ang mensahe at hindi sa kapaligiran.

7. MAGBUKAS ANG ISIP


Huwag sarhan ang isip lalo na kung taliwas o hindi tugma sa iyong paniniwala
ang sinasabi ng tagapagsalita. Tandaang ang layunin ng pakikinig ay makakuha ng
impormasyon.

8. GAMITIN ANG IYONG “BRAINPOWER”


Limiin, bigyan ng ebalwasyon at isipin ang mga sinasabi ng tagapagsalita upang
kapag dumating ang debate o tanungan ay mas epektibo itong magagawa.

9. MAGBIGAY NG FIDBAK O TUGON

Magkaroon ng “eye contact” sa tagapagsalita. Maging mahinahon sa


pagtatanong. Iwasan ang kilos mayabang. Ang epektibong tagapakinig ay nagbibigay ng
berbal o di berbal na sagot o pahiwatig sa sinasabi ng tagapagsalita. Ang iyong sagot ay
tinatawag na tugon o fidbak.

URI NG TAGAPAKINIG

1. Eager Beaver – Siya ang tagapakinig na ngiti nang ngiti o tango ng tango habang
may nagsasalita sa kanyang harapan, ngunit kung naiintindihan niya ang kanyang
naririnig ay isang malaking tanong.

2. Sleeper - Siya ang tipo ng tagapakinig na nauupo sa isang tahimik na sulok ng silid.
Wala siyang tunay na intensyong makinig.

3. Tiger - Siya ang tagapakinig na laging handang magbigay ng reaksyon sa anumang


sasabihin ng tagapagsalita upang sa bawat pagkakamali ay parang tigre siyang
susugod at mananagpang.

4. Bewildered - Siya ang tagapakinig na kahit na anong pilit ay walang maiintindihan sa


naririnig. Kapansin-pansin ang pagkunot ng kanyang noo, pagsimangot at anyong
pagtataka o pagtatanong ang kawalan niya ng malay sa kanyang mga naririnig.

5. Frowner - Siya ang tipo ng tagapakinig na wari bang lagi na lang may tanong at
pagdududa. Makikita sa kanyang mukha ang pagiging aktibo, ngunit ang totoo, hindi
lubos ang kanyang pakikinig kundi isang pagkukunwari lamang sapagkat ang
hinihintay lamang niya ay ang oportunidad na makapagtanong para makapag-
paimpres.
6. Relaxed - Isa siyang problema sa isang nagsasalita. Paano’y kitang-kita sa kanya ang
kawalan ng interes sa pakikinig. Itinutuon ang kanyang atensyon sa ibang bagay at
walang makitang iba pang reaksyon mula sa kanya, positibo man o negatibo

7. Busy Bee - Isa siya sa pinakaaayawang tagapakinig sa anumang pangkat, hindi


lamang siya nakikinig, abala rin siya sa ibang gawain tulad ng pagsusulat,
pakikipagtsismisan sa katabi, pagsusuklay, o anumang gawaing walang kaugnayan sa
pakikinig.

8. Two-eared Listener - Siya ang pinakaepektibong tagapakinig, nakikinig siya gamit


hindi lamang ang kanyang tainga kundi maging ang kanyang utak. Lubos ang
partisipasyon niya sa gawain ng pakikinig. Makikita sa kanyang mukha ang kawilihan
sa pakikinig.

I. Pangalawang paksa: MAKRONG KASANAYAN SA PAGSASALITA

II. Discussion/Talakayan:

Ang pagsasalita ay naka-tinig na anyo ng komunikasyon ng tao. Ginagamit karaniwan


ang pagsasalita sa araw-araw na pamumuhay. Dahil sa pagsasalita nabibigyan ng mga
posibilidad ang mga pangyayari o ang mga nais ipabatid o ipahiwatig sa iba. Nakakatulong din
ito sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa kapwa
Ang pagsasalita ay kakayahan at kasanayan ng tao na maihayag ang kanyang ideya, paniniwala
at nadarama sa pamamagitan ng paggamit ng wikang nauunawaan ng kanyang kausap. Ito ang
pag-uusap ng dalawa o higit pang bilang ng tao: ang nagsasalita at ang kinakausap. Ito ay ang
pagbibigay, pagbabahagi ng kaisipan at mensahe sa pamamagitan ng verbal na paraan na
ginagamit ang wika na may wastong tunog, tamang gramatika, upang malinaw na maipaliwanag
ang damdamin at kaisipan.
KAHALAGAHAN NG PAGSASALITA

1. Komunikasyon ng mga ideya at damdamin sa pamamagitan ng mgasimbolong nakikita at


naririnig mula sa tagapagsalita
2. Nagiging kasangkapan sa pagkakaunawaan ng mga tao.
3. Nakakapanghiyakat o umpluwensiya ng saloobin ng nakikinig.
4. Higit na may oportunidad at nakalalamang ang isang taong mahusay magsalita.
5. Naipapahayag sa publiko ang pananaw ng katwirang may kabuluhanat kapakanang
panlipunan upang magamit sa pagbuo ng mgapatakaran at istratehiya sa pagpapatupad
nito
6. Maiibahagi at magpamana ng karunungan sa mga susunod sa salinlahi.
7. Magbahagi ng karunungang natatamo sa pamamagitan ngpakikipagusap ay higit na
mabilis at marami
8. Magagamit sa iba’t-ibang pagkakataon, kasama na ang mga gawaing pang-akademiko.

DALAWANG MGA KASANAYAN SA PAGSASALITA

1. Kasanayang Di-Pormal

Halimbawa:

pakikipag-usap
pagpapakilala sa sarili sa ibang tao
pakikipag-usap sa telepono
pagbibigay reaksyon at panuto
pagbibigay komento

2. Kasanayang Pormal

Halimbawa:

Masining na pagkukwento

pakikipagpanayam

pangkatang talakayan

balagtasan

pagtatalumpati

TALUMPATI
Ang talumpati ay isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan
ng pagsasalita sa entablado para sa mga pangkat ng mga tao. Layunin nitong humikayat,
tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang
paniniwala. Isang uri ito ng komunikasyong pampubliko na nagpapaliwanag sa isang paksa na
binibigkas sa harap ng mga tagapakinig.
Sining ito ng pagpapahayag ng isang kaisipan tungkol sa isang paksa sa paraang pasalita sa
harap ng tagapakinig. Ang panandaliang talumpati (extemporaneous speech) ay ang agarang
pagsagot sa paksang ibinibigay sa mananalumpati at malaya siyang magbibigay ng sariling
pananaw. Maaaring may paghahanda o walang paghahanda ang talumpati. Tinatawag
na impromptu sa wikang Ingles ang talumpating walang paghahanda kung saan binibigay lamang
sa oras ng pagtatalumpati. Sinusubok ang kaalaman ng mananalumpati sa paksa.
Maaaring binabasa, sinasaulo o binabalangkas ang talumpati. Sa binabasang talumpati, inihanda
at iniayos ang sinusulat muna ang talumpati upang basahin nang malakas sa harap ng mga
tagapakinig. Samantalang ang sinaulong talumpati, inihanda at sinaulo para bigkasin sa harap ng
mga tagapakinig. Habang naghahanda ng balangkas ng kanyang sasabihin ang binalangkas na
talumpati kung saan nakahanda ang panimula at wakas lamang.

URI NG TALUMPATI

1. Talumpating Walang Paghahanda – Ito ang isa sa pinakamahirap gawing


talumpati. Tinatawag ito na impromptu speech o daglian.

Ito ay talumpating biglaan at na bibigyan lamang ng ilang minuto o oras upang


makasagot at mag lahad ng ideya.

2. Talumpating Pabasa – Ito ay pinaghahandaan, sinusulat, at binabasa ng


nagtatalumpati. Binibigyan ng sapat na oras upang maghanda ang tagasalita.
3. Talumpating Pasaulo – Ito ay talumpating sinulat o minemorya pa. Hinahandaan
muna ang talumpati at pinag-eensayo muna bago gawin.

Ang talumpati ay maaaring maghatid ng tuwa o sigla, nagdaragdag ng kaalaman o


impormasyon, magpahayag ng katuwiran, magbigay paliwanag o mang-akit o mang-hikayat sa
isang kilusan o paniniwala. Maaari din namang magbigay papuri ang isang talumpati. Maaaring
pagpasyahan ang layunin ng anumang uri ng talumpati ayon sa pagkakataon, aksiyon ng
pagdiriwang o okasyon.

NAHAHATI SA TATLONG BAHAGI ANG TALUMPATI:

1. Pamagat - inilalahad ang layunin ng talumpati, kaagapay na ang istratehiya upang


kunin ang atensiyon ng madla.
2. Katawan - nakasaad dito ang paksang tatalakayin ng mananalumpati.
3. Katapusan - ang pagwawakas ang pinakasukdol ng buod ng isang talumpati. Dito
nakalahad ang pinakamalakas na katibayan, paniniwala at katuwiran upang makahikayat
ng pagkilos sa mga tao ayon sa layunin ng talumpati.

LAYUNIN NG TALUMPATI
 Mapabatid ang mga mahalagang ideya tungkol sa paksa
 Pukawain ang madla
 Makapagpanatili ng antensyon, interes at makapagpakilala sa isang hinagap Makapagbigay
ng kasiyahan sa madla
 Makapagpaniwala sa mga tagapakinig sa mgapaksang binabangit.

MGA KASANGKAPAN SA PAGSASALITA

1. Tinig

Ito ang pinakamahalagang puhunan ng isang nagsasalita. Kaakibat ng tinig ay ang himig.

2. Bigkas

Napakahalagang maging wasto ang bigkas ng isang nagsasalita.

3. Tindig

Kailangang may tikas.

4. Kumpas

ang kahulugan ng kumpas ay tumutugma sa kahulugan ng mga salitang binibigkas


kasabay ng kumpas.

5. Kilos

Ang mga mata, balikat, paa at ulo – ang pagkilos ng mga ito ay maaaring makatulong o
makasira sa isang nagsasalita.

MGA KATANGIAN NG MAHUSAY NA TAGAPAGSALITA

1. Kahandaan

-Malalaman agad ng mga tagapakinig kung pinaghandaang mabuti ang talumpati sa


panimula o introduksiyong binibigkas ng tagapagsalita.
-Kung maganda ang panimula, makukuha agad ang atensyon ng mga tagapakinig.

2 salik para sa panimula ng pananalita

a. Kilalanin ang tagapakinig


b. Isaalang-alang ang okasyon kung pormal o di-pormal

2. Lumalawak ang kaalaman sa pamamagitan ng pagmamasid. Ang taong mapagmasi


d ay maraming nakikita na hindi napapansin ng iba. Ang tunay na mapagmasid ay may k
asamang pagpapakahulugan sa mga napapansin at nakikita.

3. Pagbabasa.
Ang tumpak na pagbabasa ay may kasamang pag-uuri at pagtitimbang-timbang.
Napakahalaga nito para sa ikauunlad ng kaalaman. Isama narin natin ang pag-
…………………. aaral. Sa pag-aaral lagi at laging may kaalaman kung magiging matiyaga l
amang.

4. Tiwala sa sarili.
Mahihiwatigan sa maluwag na kilos ang galaw ng mga bisig at matuwid na tingin sa naki
kinig.

5. Kasanayan.
Sa paglinang ng kasanayan sa pagsasalita,
ang isang angkop na estratehiya ay pagtatalumpati, inaasahang taglay ng mahusay na ma
nanalumpati ang malawak na kaalaman,
tiwala sa sarili. Mayamang talasalitaan at kasanayan.

6. Kaalaman.
Mahalagang alam ng isang tagapagsalita ang kanyang sasabihin sa kanyang kausap. Kung
alam niya ang kanyang sinasabi, masasabing may laman ito o may kabuluhan.

ARALIN: 1 AT 2

 MAKRONG KASANAYAN SA PAGBABASA


 MAKRONG KASANAYAN SA PAGSULAT

Unang paksa: MAKRONG KASANAYAN SA PAGBASA

I. DISCUSSION/TALAKAYAN:

Ang pagbasa ay pagkilala, pag-unawa, pagpapakahulugan at pagtataya ng mga ideya sa


mga nakalimbag na simbolo. Ito ay proseso ng pag-unawa sa mga kaisipang hatid ng awtor sa
mga mambabasa. Sa pamamagitan ng pagbasa, nahahasa ang iba’t ibang kasanayan ng isang
indibidwal. Ang pagbasa kung gayon ay napakahalaga sa isang indibidwal sapagkat ito ang
tutugon sa kanyang pagkatuto tungo sa mas malawak na kaalaman sa kanyang kapaligiran, sa
bansa at marami pang iba na nahuhubog ng kanyang pagkatao.
Ang pagbasa ay isa ring kognitibong proseso ng pag-unawa sa mensaheng nakalimbag o
ng anumang wikang nakasulat. May kaugnayan ito sa pagsulat, sapagkat anumang binabasa natin
ay maaaring isulat at ang anumang naisusulat ng kamay ay nababasa ng mata na kakambal ng
pagpapakahulugan gayundin sa pagkatuto sapagkat ang kakayahan sa pagbasa ay daan tungo sa
kaalaman.
Ang pagbasa ay isa sa mga kasanayang pangwika na tulay ng mga estudyante upang
mapahusay at malinang ang kasanayan sa mabisang pag-unawa sa teksto. Ito ay may malaking
kaugnayan sa iba pang makrong kasanayang pakikinig, pagsasalita, pagsulat, at panonood ng
isang tao dahil nagkakaroon ng kakayahang makabuo ng mga kaisipan at makapagpahayag ng
damdamin at maayos na makipagkomunikasyon sa lahat ng disiplina o larangan. Ang mga
kaisipang nakukuha at nabubuo sa pamamagitan ng pagbasa, pakikinig, pagsasalita at panonood
ay maaaring sulatin upang maibahagi sa iba.

PAGPAPAKAHULUGAN NG MGA DALUBHASA

 Ayon kay Goodman (1967, 1971, 1973): “Isang psycholinguistic guessing game ang
pagbasa kung saan ang nagbabasa ay nagbubuong muli ng isang mensahe o kaisipan na
hinango sa tekstong binasa.”
 Ayon kay Coady (1979): “Upang lubusang maintindihan ang teksto, kailangang
maiugnay ng tagabasa ang dating alam sa kanyang kakayahang bumuo ng mga
konsepto/kasanayan/kaisipan mula sa mga naiprosesong impormasyon sa binasa.”
 Ayon kay G. James Lee Valentine (2000): “Ang pagbasa ay ang pinakapagkain ng ating
utak.”
 Ayon kay Hank (1983): “Ang pagbasa ay ang pag-unawa sa kahulugan ng nakalimbag o
nakasulat at pagbibigay ng interpretasyon dito.”
 Ayon kay Bond at Tinker (1967): “Ang pagbasa ay rekognisyon ng anumang nakasulat o
nakalimbag na mga simbolo na nagiging „stimuli‟ upang maalala ang kahulugan ng mga
nakalimbag na kaalaman o karunungan mula sa karanasan ng mga mambasa.”
 Ayon kay Austero (1999) Ang pagbasa ay paraan ng pagkilala at pagkuha ng mga ideya
at kaisipan sa mga sagisag na nakasulat upang mabigkas ng pasalita.
 Ayon kay Toze, ang pagbasa ay nagbibigay ng impormasyon na nagiging daan sa
kabatiran atkrunungan. Ito’y isang aliwan, kasiyahan, pakikipagsapalaran, paglutas sa
mga suliranin atnakapagdudulot ng iba’t ibang karanasan sa buhay.

ANO-ANO ANG KAHALAGAHAN NG PAGBASA?

1. Pangkasiyahan
Sa mga sandali ng kawalang magawa, sa halip na magtunganga, magmukmok, o
magpakabagot sa mabagal na pag takbo ng oras, sa pag babasa, makakapupulot ng siya

2. Pangkaalaman
Maraming impormasyon tungkol sa mga bagay-bagay sa kapaligiran, sa mgakutikutiti ng
pamumuhay, sa mga katriviahan o kabuluhan ng pakikipamuhayng mapa-panutuhan sa
pagbabasa.

3. Pangmoral
kinababatiran ng mga aral sa buhay na mapanghahawakan sa araw-araw na pakikilahok
sa mga problemang sumusubok sa tao na magpapabago sa kaniyang pananaw at direksyong
pupuntahan ang pagbabasa.

4. Pangkasaysayan
Nababalikan ang mga nakaraan, napag-iingatan ang kasalukuyan, napaghahandaan ang
kinabukasan sa tulong ng pagbabasa.

5. Pangkapakinabangan
Sa pagbasa nakakatuklas ng mga matatayog na kaisipan sa paglikha ng mga bagay-bagay
na nagsisilbing puwersa ng tao para lunsarin niya ang landas patungong inisyatibo ng
malayuning aktibidad.

6. Pampaglalakbay-diwa
Dahil sa pagbabasa, ang mga lugar na hindi pa nararating at hinahangad ay nagkakaroon
ng pamilyaridad gawa ng mga paglalarawan ng mga ito sa mga babasahin.

ANG DALAWANG PANGUNAHING LAYUNIN SA MAPANALIKSIK NA PAGBASA


Nagbabasa ang mga akademisyan para makapangalap ng mahahalagangimpormasyon,
gayundin, para mapataas ang antas ng pag-unawa.

1. Pagbabasang ang layon ay makakuha ng maraming impormasyon

 nagagawa ito sa pang araw-araw pagtunghay sa mga dyaryo, magasin, folyeto, at mga
kagayang babasahin.
 magagaan lamang itong intindihin
 hindi na gaanong pinag-iisipan
 isang paraan ito ng paglilipas oras, kaya'y paglilibang

2. Pagbasang layong mapalawak at magpalalim ng pang-unawa

 hindi ito kinasisiyahan dahil mabigat intindihin ang mga materyal nakinakailangan
basahin
 matataas ang antas ng nilalaman nito
 hinahamon nito ang bumabasa na mag-isip.
 ginagamit ang malarong imahinasyon, matalas na pag mamasid, matalinong panunuri at
masigasig na pagmumuni

MGA HAKBANG SA PAGBASA

 Pagkilala- ito ang proseso at pagkilala at pagtukoy sa mga nakalimbag sa salita o


simbolo at kakayahang magbikas ang tunog ng mga titik na bumubuo sa bawat salita.
 Pag-unawa- proseso ng pag-unawa sa mga nakalimbag na simbolo o salita.
 Reaksyon- proseso ito ng pagpapasya o paghatol sa kawastuhan at kahusayan ng teksto,
pagpapahalaga sa mensahe nito at pagdama sa kahulugan
 Pag-uugnay- ito ay kaalaman sa pagsasanib o pag-uugnay at paggamit ng mambabasa
sa kanyang dati at bagong karanasan sa tunay na buhay.
 Metacognitive na pagbabasa- pagkilala sa nakalimbag na salita at pag-unawa sa
kahulugan nito tatlong element ang isinasaalang-alang hinngil dito.

URI NG PAGBASA AYON SA LAYUNIN


Ang pagbasa ay kadalasang ginagawa ng bawat indibidwal na naayoon sa kanya-kanyang
layunin. Maaring maganda o hindi ang mga layuning ito. Gayundin, nababatay ito sa iba't ibang
istilo ng pagbasa.

1. Iskaning

Uri ng pagbasa sa kung saan ang nagbabasa ay nagsasagawa ng paggalugad sa materyal


na hawak tulad ng pagbasa sa mga susi na salita o key word, pamagat at sub-titles. Dito, ang
mahalagang salita ay di binibigyan pansin. Binibigyan pansin ang ganitong pagbasa ang
mahalagang mensahe sa pahinang binabasa o tinitingnan, halimbawa nito ay pagtingin sa diyaryo
upang alamin kung nakapasa sa isang Board Examination, pagtingin ng winning number ng
lotto.
Ang scanning ay isang uri ng pagbasa ng nangangailangan hanapin ang isang partikular
na impormasyon sa aklat o sa anumang babasahin. Ginagawa ito ng isang bumabasa sa
pamamagitan ng palaktaw-laktaw na pagbuklat sa materyal at pag-uukol ng mabilisang
pagsulyap sa mga ito. Nakatuon ang kanyang mga mata sa partikular na impormasyon sa isang
tiyak na pahina ng materyal. Nagagamit ang ganitong pamamaraan sa pagbasa ng mga nilalaman
(table of contents), index, classified ads at sa paghahanap ng numero ng isang taong nais
makausap.
2. Iskiming

Ito ay pagsaklaw o mabilisang pagbasa upang makuha ang pangkalahatang ideya o


impresyon, o kaya’y pagpili ng materyal na babasahin. Ito rin ay pagtingin o paghanap sa
mahalagang impormasyon, na maaaring makatulong sa pangangailangan tulad ng term paper o
pamanahong papel, riserts at iba pa.
Ang skimming ay pinaraanang pagbasa at pinakamabilis na pagbasang magagwa ng isang
tao. Ang gumagamit ng kasanayang ito ay pahapyaw na bumabasa ng mga pahiwatig sa
seleksyon katulad ng pamagat at paksang pangungusap. Binabasa niya nang pahapyaw ang
kabuuan ng seleksyon at nilalaktawan ang mga hindi kawili-wili sa kanya sa sandaling iyon.
3. Previewing

Sa uring ito, ang mambabasa ay hindi kaagad sa aklat o chapter. Sinusuri muna ang
kabuuan at ang estilo at register ng wika ng sumulat. Ang ganitong paraan ay makatutulong sa
mabilis na pagbasa at pag-unawa sa babasa. May iba’t ibang bahagdan ang pre-viewing gaya ng
mga sumusunod:
a. Pagtingin sa pamagat, heding at sub-heding na karaniwang nakasulat ng italik.
b. Pagbasa ng heding na nakasulat sa ng blue print.
c. Pagbasa sa una at huling talata.
d. Pagbasa sa una at huling pangungusap ng mga talata.
e. Kung may kasamang introduksyon o buod, larawan, graps at tsart, ito ay binibigyan suri o
basa.
f. Pagtingin at pagbasa ng table of contents o nilalaman.
4. Kaswal

Pagbasa ng pansamantala o di-palagian. Magaan ang pagbasa tulad halimbawa habang


may inaantay o pampalipas ng oras.
5. Pagbasang Pang-impormasyon

Ito’y pagbasang may layunin malaman ang impormasyon tulad halimbawa ng pagbasa sa
pahayagan kung may bagyo, sa hangarin malaman kung may pasok o wala. Maaari rin ang
pagbasa ng aklat sa layunin masagot ang takdang-aralin. Ito rin ay pagbasa na may hangarin na
mapalawak ang kaalaman.
6. Matiim na Pagbasa

Nangangailangan ito ng maingat na pagbasa na may layuning maunawaang ganap ang


binabasa para matugunan ang pangangailangan tulad ng report, riserts, at iba pa.
7. Re-reading o Muling pagbasa

Paulit na binabasa kung ang binabasa ay mahirap unawain bunga ng mahirap na


talasalitaan o pagkakabuo ng pahayag. Isinasagawa ang muling pagbasa upang makabuo ng pag-
unawa o masakyan ang kabuuang diwa ng materyal na binasa.
8. Pagtatala

Ito’y pagbasang may kasamang pagtatala ng mga mahalagang kaisipan o ideya bilang
pag-imbak ng impormasyon. Kasama rito ang paggamit ng marker para bigyan ng pansin o
highlight ang bahaging mahalaga sa binabasa lalo na’t ito’y sariling pag-aari.

9. Pagsusuring Pagbabasa (analytical reading)

Nakasalalay sa mga materyales ang gawaingpagsusuri sa pagbasa. 6inagamit ditto ng


matalino at malalim na pag-iisip. 5ahahasa rito ang kahusayanng mag-aaral sa pamamagitan ng
kanyang mapanuring pag-iisip.

10. Pamumunang Pagbabasa (critical reading)

Dapat na matiyak ng mambabasa na naunawaanang buong nilalaman ng akda. Sa


pamumuna hindi lamang ang nilalaman ng akda ang binibigyan ng pansin. Kasama rito ang
pagpuna mula sa pamagat, simula, katawan (nilalaman) at wakas ng akda. Binibigyan din ng
pansin o puna ang istruktura ng mga pangungusap, ang mga ginamit na salita o istilosa pagsulat
ng may-akda. Tinitingnan din ang kalakasan at kahinaan ng paksa at may-akda.

11. Tahimik Na Pagbabasa (silent reading)

Mata lamang ang gumagalaw sa uri ng pagbasang ito, walang puwang dito ang paggamit
ng bibig kaya walang tunog ng salita ang nalilikha ng bumabasa n gteksto.

12. Pasalitang Pagbabasa (oral reading)

Pagbasa ito sa teksto na inaangkupan ng wastong pagbigkassa mga salita at sapat na lakas
ng tinig upang sapat na marinig at maunawaan ng mga tagapakinig.

13. Masining Na Pagbabasa

hindi ito “undertime pressure” na pagbasa. Binibigyan dito ng guro ang mga mag-aaral ng sapat
na panahon upang maisa-isang basahin at mapagtuunan ng pansin ang mgasalitang bumubuo sa
teksto. pagpapabasa sa mag-aaral sa bahay ng isang teksto at sa pamamagitan ng kanyang nabasa
ay ipalahad ang buod, aral at pananaw sa kanyang binasang aklat. Madadagdagan ang kanyang
kaalaman sa pamamagitan ng ganitong pamamaraan.
(5) LIMANG ANTAS NG PAGBASA
1. Pag-unawang literal
HAL: Sino, Ano, at Saan

2. Pagbibigay Interpretasyon

HAL: Ano ang sanhi at bunga ng mga pangyayari?


Bakit nagpariwara ang buahy ng tauhan?

3. Mapanuri o Kritikal na pagbasa

HAL: Paano nilutas ng pangunahing tauhan ang kanyang problema?


4. Paglalapat o aplikasyon
HAL: Kung ikaw ang nasa katayuan ng pangunahing tauhan, ano ang gagawin mo para
malutas ang iyon problema?
5. Pagpapahalaga
HAL: Kung ikaw ang susulat ng kwento, paano mo wawakasan ang kwento?

PAGKUHA NG PANGUNAHIN AT PANULONG NA IDEYA


 Una, ang talata ay may pamaksang pangungusap na nagpapahayag ng pangunahing
ideya o kaisipan. –ang pamaksang pangungusap a ito ang pinakapundasyon ng isang
talata.
 Ikalawa, lahat ng mg pangungusap sa isang talata ay tungkol sa isang paksa.
 Ikatlo, ang unang linya o pangungusap sa isang talata ay dapat ipasok.
 Ikaapat, matatagpuan sa huling pangungusap ang lohikal na kongclusiyon.
Pantulong na ideya
-ito ang kumokontrol sa mga ideya. Ito rin ang sumusuporta at ngpapaliwanag sa
pamaksang pangungusap.

Pagbuo ng mga Tanong


-Ang pagbuo ng mga tanong tungkol sa binasang teksto ay isang paraan o istratehiya na
ginagamit para maunawaan ang nilalaman ng teksto. Ang pag-unawa ng teksto ay napakahalaga
sapagkat walang pagpapahalagang mangyayari kung hindi nauunawaan ng mambabasa ang
teksto.

PAGBUO NG BUOD O ABSTRAK

 Ang pagbubuod ay pinakamaikling akda. Ito ay may mga (9) gabay

1. Dapat basahing mabuti ang orihinal na teksto


2. Kunin ang pangunahing ideya ng teksto
3. Piliin ang mga pantulong na ideya na ginagamit sa teksto
4. Itala ang mga mahahalagang salita na kailangang panatilihin sa paggawa ng buod.
5. Huwag nang isama ang mga hindi importanteng impormasyon.
6. Ayusin ang pagkasunod-sunod ng mga pangyayari.
7. Mahalaga na panatilihin ang pinakadiwa ng tekstong binasa.
8. Isulat sa sariling pangungusap ang mga impormasyong nakuha sa teksto.
9. Tandaan na kailangang isaisip na dapat magkaugnay ang mga pangungusap at
may kaisahan ang talata.

Sa pag-aaral na isinagawa mas maraming oras ang nagagamit ng tao sa pakikinig kaysa
sapagsasalita dahil mas madalas ay mas’ gusto pa niya ang makinig kaysa sa magsalita. Lalo na
ang mgamag-aaral sa loob ng silid-aralan. "as gusto pa ang makinig sa talakayan ng guro at
kapwa mag-aaralkaysa aktibong makilahok sa kanila
45% ay nagagamit sa pakikinig
30% ay sa pagsasalita
16% ay sa pagbabasa
9% naman sa pagsusulat

Pangalawang paksa: MAKRONG KASANAYAN SA PAGSULAT

I. Discussion/Talakayan:

KAHULUGAN AT KALIKASAN

Ang Pagsulat ito ay isang pisikal at mental na aktibiti na ginagawa para sa iba’t ibang
layunin.
Pisikal na aktibiti sapagkat ginagamit dito ang kamay sa pagsulat sa papel, o sa
pagpindot ng mga keys ng tayprayter o ng keyboard ng kompyuter. Ginagamit din sa
pagsulat ang mata upang imonitor ang anyo ng writing output kahit pa ito ay handwritten
lamang o rehistro sa monitor ng kompyuter o print -out na.
Mental na aktibiti sapagkat ito ay isang ehersisyo ng pagsasatitik ng mga ideya ayon sa
isang tiyak na metodo ng debelopment at pattern ng organisasyon at sa isang istilo ng gramar
na naayon sa mga tuntunin ng wikang ginamit.

KAHULUGAN NG PAGSULAT AYON SA IBA’T-IBANG TAO:


 Ang pagsulatay pagsasalin sa papel o sa anumang kasangkapang maaaring
magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng
isang tao o mga tao sa layuning maipahayag ang nasa kanyang kaisipan (Sauco, et
al., 1998).
 Ang pagsulat ang bumubuhay at humuhubog sa kaganapan ng ating pagiging tao.
(William Strunk, E.B White)
 Ang pag-iisip at pagsusulat ay kakambal ng utak, gayundin naman, ang kalidad ng
pagsulat ay hindi matatamo kung walang kalidad ng pag-iisip. (Kellogg)
 Ang pagsulat ay kabuuan ng pangangailangan at kaligayahan. (Helen Keller)
 Ito ay isang komprehensibong kakayahang naglalaman ng wastong gamit ng
talasalitaan, pagbuo ng kaisipan, at retorika. (Xing Jin)
 Ang pagsulatay paraan ng pagpapahayag ng pag-iisip at damdamin ng isang tao sa
pamamagitan ng sagisag o simbolo, ito ang paliwanag ni Ginoong Alcomster
Tumangan (1997). isang uri ito ng pakikipagtalastasan na ginagamitan ng mga
titik para makabuo ng diwa nang sa gayon ay maunawaan ng sinuman na
makakabasa nito.

URI NG PAGSULAT AYON SA ANYO

1. Pormal na Pagsulat

Sumusunod ito sa tamang pormat, tuntunin at hakbangin ng pagsusulat.


Pinaghandaan ito ng kaukulang panahon at sinasamahan ng pagsasaliksik para may sapat
na basehan sa mga paksa na tinatakay. Hindi pangkaraniwan ang paksa, dahil ang layunin
nito ay maghatid o maglahad ng mga impormasyon, ideya sa paraan na malinaw, maayos
at kawili-wili.

2. Di-Pormal na Pagsulat

Maaring paghandaan at hindi ito. Madalian o biglaan, kung kaya pwedeng hindi
susunod sa pamantayan at tuntunin ng wastong pagsulat. Kadalasan ang pinapaksa nito
ay bunga ng sariling karansan, obserbasyon, pananaw at paniniwala.

MGA LAYUNIN NG PAGSULAT

1. Pang-akademikong pagsulat

Pagsulat na isinasagawa ng mga mag-aaral sa pamamatnubay at pagtuturo ng mga guro


sa mga institusyon na pang-edukasyon. Karaniwan na sinasanay ng mga guro ang mga
estudyante na sumulat ng mga sanaysay na nagpapahayag ng saloobin nila hinggil sa kanilang
sari-sarling karanasan sa loob ng klase o kaya sa pagsagot sa katanungan sa panahon ng
pagsusulit.
Ito ay isang intelektwal na pagsulat dahil layunin nitong pataasin ang antas at kalidad ng
kaalaman ng mga estudyante sa paaralan.

HALIMBAWA:
-Kritikal Na sanaysay
-Lab report
-Eksperimento
-Term paper o pamanahong papel

2. Malikhaing Pagsulat
Naisasagawa ang pagsulat na may ganitong uri sa pamamagitan ng imahinasyon upang
makabuo ng diwa at paksa. Ang mahusay na halimbawa nito ay ang panitikan o literatura. Sa
pagkatha ng tula, awitin, kwento, dula at nobela, ang isang malikhain na manunulat ay
gumagamit ng matatalinghagang salita na magiging palaisipan ng mga mambabasa. Masining
ang uring ito ng pagsulat. Ang pokus dito ay ang imahinasyon ng manunulat bagamat maaaring
fiksyonal at di- fiksyonal ang akdang isinusulat.

HALIMBAWA:
-pagsulat ng tula
- nobela
- maikling katha

3. Pampahayagang Pagsulat o Jornalistik

Tinatawag itong responsableng pagsulat dahil may kinalaman ito sa mga pangyayari na
nagaganap dito sa loob at labas ng ating bansa. Pawang katotohanan at sinasaliksik, tinitimbang
ang tama at maling impormasyon at ito ay nangangailangan ng mga ebidensyang biswal o
limbag. Saklaw nito ang pagsulat ng balita, editoryal, kolum, anunsiyo at iba pang akdang
karaniwang makikita sa mga pahayagan o magasin.

4. Pampropesyunal na Pagsulat

Pagsusulat ito na kinapapalooban ng mga termino o teknikal na mga salita na nauukol sa


mga dalubhasa sa iba’t ibang larangan. Sa larangan ng batas, hindi karaniwan ang mga salita na
ginagamit sa paglilitis sa hukuman, ang mga doktor mayroon din silang termino na pang
medisina, sa mga inhenyero, sa arkitekto at mga guro. Uri ng pagsulat na nakatuon o ekslusiv sa
isang tiyak na propesyon.
HALIMBAWA:
- police report
- investigative report
- legal forms
- medical report

5. Panteknikal na Pagsulat

Pagsulat na iba ang katangian dahil ang mga salitang nakasaad ay pawang nauukol sa
mga modernong kagamitan tulad ng computer, cellphone at lahat na may kinalaman sa
teknolohiya at agham. Mga teknikal na mga salita na nagpapaliwanag para sa mga mambabasa.
Isang uri ng tekstong ekspositori na nagbibigay ng impormasyon para sa teknikal o komersyal na
layunin.

HALIMBAWA:
-ulat panlaboratoryo
-kompyuter

6. Referensyal

Uri ng pagsulat na naglalayong magrekomenda ng iba pang sanggunian hinggil sa isang


paksa.
HALIMBAWA:
-Bibliography, index, note cards

PAMAMARAAN NG PAGSULAT

1. Pag-asinta (Triggering)

Kailangang may isang bagay na magsisilbing daan upang tayo’y sumulat. Kung tayo’y
may paniniwala sa ating sarili, matutuklasan natin ang mga paraan upang magtagumpay sa
pagsulat. Makalilikha ng mabuting sulatin ang sinuman kung nailalagay niya ang kanyang sarili
sa paksa.

2. Pagtipon (Gathering)

Anumang paksang napili, kailangan pa ring magdaan sa masusing pagsasaliksik at


pagtuklas. Kailangang makangalap ng sapat na materyales at ebidensyang magpapatunay. Bukod
sa ating sariling karansan, maaari tayongmagsaliksik sa dyornal, magasin, ensayklopedya,
pahayagan, imterbyu at maging sa panonood ng sine at telebisyon.

3. Paghugis (Shaping)

Habang nangangalap tayo ng mga materyales, binibigyan na natin ng hugis ang ating
paksang susulatin. Maaari na nating sulatin ang burador na maaari ring maging batayan sa
pangangalap ng mga kagamitan. Kailangan makita natin ang pokus n gating paksa sa
pamamagitan ng pagtatanong sa sarili kung ano ang tunay na paksa.

4. Pagrebisa (Revising)

Ang isang sulatin ay hindi nakukuha sa isang upuan lamang. Ang isang mabuting papel ay
nagdadaan ng ilang yugto ng pag-unlad mula sa mga di-pormal na tala tungo sa unang burador,
hanggang sa paynal na papel. Karamihan sa mga nalathalang sulatin ay dumaan ng mga
pagbabago at muling pagsulat hanggang sa maabot nito ang pinaka –wasto at tumpak na
pamaraan ng pagsulat.
PROSESO NG PAGSULAT
1. Prewriting 2. Writing 3.Revising 4. Editing

Ang mga yugtong ito ay sunod-sunod ayon sa pagkakalahad, ngunit importanteng


mabatid na ang mga propesyunal na manunulat ay hindi. nagtratrabaho nang hakbang–
bawat-hakbang.
Makabubuti, kung gayon na ipalagay na ang pagsulat ay isang prosesong rekarsib at
ispayraling, kayat ang mga manunulat ay bumabalik-balik sa mga yugtong sa mga
yugtong ito ng paulit-ulit sa loob ng proseso ng pagsulat ng isang teksto.

Halimbawa, matapos ang ikalawang yugto o paglikha ng burador, ang isang


manunulat ay maaaring bumalik sa unang yugto, ang prewriting at magsagawa ng
karagdagang pananaliksik. Matapos ang editing, ang ikaapat na yugto, ang manunulat ay
maaring bumalik sa yugto ng rebisyon at reorganays ang materyal.

Nagkakaroon ng pabalik-balik na galaw o movement ang proseso ng pagsulat.


Nagaganap ang ganitong proseo upang mabuo ang epektibong resulta ng mga gawaing pagsulat.
Dahil sa pagnanais na makabuo ng isang epektibong sulatin, may mga sinusunod na gabay at
proseso tulad ng:
 Prewriting
Lahat ng pagpaplanong aktibiti, pangangalap ng impormasyon, pag iisip ng mga
ideya, pagtukoy ng istratehiya ng pagsulat at pag-ooraganisa ng mga materyales bago
sumulat ng burador ay nakapaloob sa yugtong ito.

Sa paggawa ng prewriting, maaaring gamitin ang mga sumusunod na mungkahi:


 Pagsulat ng jornal
 Questioning
 Sounding-out friends
 Sarbey
 Obserbasyon
 Eksperimento
 Interbyu
 Brainstorming
 Pananaliksik
 Pagsulat ng Burador
Sa puntong ito, ang iyong mga ideya ay kailangang maisalin sa bersyong
preliminari ng iyong dokumento na maaari mong irebays nang paulit-ulit depende kung
gaano mo kinakailangan. Sa pagsulat ng burador, iminumungkahing sundin mo ang iyong
balangkas nang bawat seksyon. Palawigin mo ang iyong mga parirala sa pangungusap.
Pagtuunan ng pansin ang mga salita, istruktura ng pangungusap, ispeling at
pagbabalangkas sa pagsusulat.

Sa pagsulat ng unang burador, importanteng hindi mawala ang momentum sa


pagsulat. Kung gayon, mas mabilis mong maisasalin sa papel ang mga salita ng mas
mabuti. Dahil nais mong makasulat nang mabilis sa yugtong ito, huwag mo muna
alalahanin ang pagpili ng mga salita, istraktura ng pangungusap, ispeling at pagbabantas.
Pagtuunan na lamang ito ng pansin matapos maisulat ang buong unang burador.

Maaaring akalain na matapos maisulat ang unang burador ay tapos na ang proseso
ng pagsulat. Ngunit maging mga batikang manunulat ay nangagkakaisa sa pagsasabing
maging sila’y nagkakamali rin sa pagpili ng mga salita, pag-oorganisa ng pangungusap,
pagbabaybay o pagbabantas kahit paminsan minsan. Paulit-ulit pa rin nilang binabasa ang
kanilang unang burador, ineebalweyt ang kanilang akda at hinahamon ang kanilang sarili
na mapabuti pa ang presentasyon ng kanilang mga ideya. Dito pumapasok ang yugtong
rebisyon at editing.

 Revising
Ito ay proseso ng pagbabasang muli sa burador nang makailang ulit para sa
layuning pagpapabuti at paghuhubog ng dokumento. Maaaring sinusuri ng isang
manunulat dito ang istraktura ng mga pangungusap at lohika ng presentasyon. Maaaring
ang isang manunulat ay nagbabawas o nagdaragdag dito ng ideya. Maaari ring may
pinapalitan siyang pahayag na sa palagay niya’ y kailangan para sa pagpapabuti ng
dokumento. Ilan sa mga gabay na isinasagawa sa pagrerevisa ay ang mga sumusunod:
 Pagtuunan ng pansin ang paksa
 Paunlarin pa ang mga ideya sa kabuuan ng teksto
 Pagtukoy sa mga ideya
 Pagkakaayos ng kabuuan ng sulatin
 Gamit ng mga salita at magiging daloy ng mga kaisipan sa teksto

 Editing
Ito ang pagwawasto ng mga posibleng pagkakamali sa pagpili ng mga salita,
ispeling, gramar, gamit at pagbabantas. Ang editing ang pinakahuling yugto sa proseso
ng pagsulat bago maiprodyus ang pinal na dokumento.
May teknik na maaaring isagawa sa editing at pagrerebays:
1. Peer editing – kumuha ng kapareha at ipabas ang iyong sinulat o draft.
2. Professional editing - pagkonsulta sa mga kilalang propesyunal at may
kaalaman sa ganitong uri ng mga gawain halimbawa ay guro at editor. Sa
ganitong larangan kailangang maging bukas ang isipan ng manunulat sa
mga puna, mungkahi at pagwawastong isasagawa.
3. Suriin pa rin ang mga salitang ginamit at pagkakabaybay ng mga salita.
4. Paggamit ng maliit at malaking titik.

 Paglalathala

Ibinabahagi ng sumulat sa iba ang kanyang isinulat sa pamamagitan ng


pagpapaskil sa paskilan, pagsasama sa album, pagbasa ng komposisyon sa klase o
paglalathala sa pahayagang pampaaralan.

Sa pagbuo ng isang mahusay at makabuluhang dokumento ay dumaraan sa


tamang proseso ngunit may mga katangian itong dapat na taglayin at isaalang-alang. Ito
ay ang mga sumusunod:

1. May kaisahan - Nagpapakita ng pagkakaroon ng isang pokus ng


ideya ang loob sa talata. Nangangailangan ditto ng pagtukoy sa
nais na mga ideya na idedebelop pa para sa ikakaayos pa ng
dokumento

2. Kohirens -Tumutukoy ito sa pagkakaugnay-ugnay ng bawat


bahaging nasa loob ng talataan. May pagkakasundo ang paksa at
panaguri sa kabuuan ng talata, organisado ang mga ideya, epektibo
ang mga salitang ginagamit at maayos ang daloy ng mga
pangungusap sa talataan.

3. Empasis - May sapat at naaangkop ang diin sa bawat bahagi bg


sulatin sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga ideya sa talataan.

LAYUNIN NG GAWAING PAGSULAT

1. Pansariling Pagpapahayag
Pagsulat o pagtatala ng mga bagay na nakita, narinig, nabasa o naranasan. Sa layuning
ito, ginagawa ang pagsulat bunga ng paniniwalang ito’y mapapakinabangan. Ilan pa sa mga
halimbawa nito ang pagsulat ng dyornal, plano ng bahay, mapa at iba pa.
2. Impormasyonal na Pagsulat
Kung sa unang layunin ang makikinabang ang nagsusulat, dito ang makikinabang ay ang
tao. Ginagawa ang pagsulat upang mapaabot ng mensahe sa mga kaparaanang nangangatwiran,
nagpapayo, nagpapaliwanag at iba pa. Ilan sa mga halimbawa nito ay memorandum, rebyu at
riserts.

3. Malikhaing Pagsulat
Ang makikinabang dito ay ang sarili at ibang tao. Sa tulong ng imahinasyon at
kapangyarihan ng rehistradong wika, nagagawa ng manunulat na ilarawan ang uri ng lipunan na
kanyang ginagalawan. May kakaibang lakas ang mga salitang ginagamit dito upang ipadama sa
mambabasa ang panoramikong larawan ng buhay.Ilan sa halimbawa nito ang alamat, dula, at iba
pa.

ANG KAHALAGAHAN NG PAGSULAT AYON KAY ARROGANTE (2000):

a. Kahalagahang Panterapyutika
Ang taong may kahinaan sa pagsasalita ay mahilig sumulat para mailabas lamang
ang nasa kalooban may babasa man o wala. Gumagaan ang kanilang pakiramdam
pagkatapos makapagsulat. Para bang naibsan sila ng isang mabigat na dalahin.

b. Kahalagahang Pansosyal
Sumusulat ang mga tao dahil may namamagitan ng katahimikan o mga bagay na
siyang nagpapalayo sa isang relasyon ngunit likas ng tao ang magkarelasyon. Kung
nasasaktan ka at hindi mo masasabi nang tuwiran ang iyong nadarama, isulat mo
lang iyon. Madali ang ugnayan sa pamamagitan ng pagsulat. Ang isang
mamamayang sosyal ay sandatang panulat ang ginagamit para maipadama ang
kanyang saloobin tungkol sa mga pangyayari sa kanyang kapaligiran.

c. Kahalagahang Pang-ekonomiya
Ang tao’y sumusulat dahil kailangan para siya’y mabuhay, sa madaling salita
ito’y nagiging kanyang hanapbuhay. Pang- araw-araw na gawain niya ang pagsusulat
at ang paghahanap ng mga dapat isulat, lalo na kapag may hinahabol na deadline.

d. Kahalagahang Pangkasaysayan
Ang panulat ay mahalaga sa pagreserba ng ating kasaysayang pambansa at ang
mga naisasatitik ay nagsisilbing dokumento para sa mga sumusunod na henerasyon.

DALAWANG YUGTO NG PAGSULAT

1. Yugtong Pangkognitibo
Nasa isip lahat natin ang ating isinusulat
2. Mismong proseso ng pagsulat
Pagkakaroon ng hulma at tiyak na hugis ang mga ideya

TALONG URI NG PAGSULAT

1. Pormal – may sinusunod na proseso, lagging gamit ang ikatlong panauhan

2. Di-Pormal-malaya ang pagtatalakay sa paksa, masaya at may pagkapersonal na parang


nakikipag-usap lamang sa mga mambabasa

3. Kumbinasyon-karaniwan sa mga kabataang manunulat na nagsasagawa ng eksperimento ng


estilo, nilalaman at pormal na pagsususlat

ANYO NG PAGSUSULAT AYON SA LAYUNIN

1. Paglalahad – nakasentro ng pagbibigay linaw sa pangyayari, sanhi at bunga, at


magkakaugnay na mga ideya at pagbibigay ng mga halimbawa.

2. Pagsasalaysay-nakapokus sa kronolohikal o pagkakasunod-sunod na daloy ng pangyayaring


aktwal na naganap

3. Pangatwiran-isinasaad ang obserbasyon, kondisyon, palagay, damdamin ng isang manunulat


hinggil sa isang bagay, tao, lugar at kapaligiran

ORGANISASYON NG TEKSTO

1. Titulo o Pamagat
Naglalaman ito ng titulo o pamagat ng papel; pangalan ng sumulat, petsang pagsuslat o
pagpasa, at iba pang impormasyon na maaring tukuyin ng guro.

Halimbawa:

 "Ano ang kahalagahan ng Wika?"

2. Introduksyon o Panimula
Isinasaad dito ang paksa. At ipinapaliwanag dito ang tungkol sa pamagat.

Halimbawa:

 Ang wika ay isang lengwahe, idyoma, salita at diyalekto na ginagamit ng mga tao para
magkaintindihan.
3. Katawan
Dito matatagpuan ang mga pangunahing pagtatalakay sa paksa.

Halimbawa:

 Napakahalaga ng wikang dahil ito ang paraan para, magkakaintindihan ang bawat isa. Kahit
ano pa man ang gisnagamit o nakasanayang wika ng bawat indibidwal, ito ay mahalaga dahil
kung wala ito, tayong lahat ay hindi magkakaintindihan.

4. Kongklusyon
Dito nilalagom ang mga mahahalagang puntos ng papel. Isinasaad din dito ang mga
bahagi na napatunayan o napag-alaman batay sa paglalahad at pgsusuri ng mga impormasyon.

Halimbawa:

 Dapat nating pahalagahan ito dahil ito ang yaman nating mga Pilipino. Ito ang ginagamit
natin sa pakikipag komunikasyon sa isa't isa.

You might also like