Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Buod ng El Filibusterismo

Isang bapor na nagngangalang Bapor Tabo na naglalakbay sa pagitan ng Maynila at Laguna. Nakasakay
ang mag-aalahas na si Simoun, Basillo, at Isagani.

Si Basillo ay nakarating sa San Diego upang dalawin ang yumao niyang ina sa libingan ng mga Ibarra. Di
inaasahang nakita niya si Simoun na nakilalang si Crisostomo Ibarra na ngayon nagkunwari.

Tinangka ni Ibarra na patayin si Basillo ngunit nagdesisyon siya na samahin si Basillo sa layuning maghiganti
sa mga Kastilla. Tinanggihan ng binate nang dahil nais niyang makatapos ng pag-aaral.

Nagkita muli si Simoun at Basillo at muling inalok nga magkaisa sa paghihimagsik sa Sta. Clara para agawin
si Maria Clara ngunit binawian ng buhay ang dalaga maghapon.

Samantala, ang mga mag-aaral ay pumunta sa isang salu-salo sa Panciteria Macanista de Buen Gusto
upang magtalumpati laban sa mga pari na hindi ipinagtibay ang pagpapatayo ng Akademya ng Wikang
Kastilla.

Ang unibersidad, kinabukasan ay natagpuan na may mga paskil na naglalaman ng paghihimagsik. Dahil
dito ay ibinintang ito sa mga nagtalumpati na mag-aaral at nadamay si Basillo.

Tuluyan na nilapitan ng kanyang kasintahan si Juli upang ipalaya ang binate. Pinilit din siya si Hermana Bali
sa kadahilanang ang pari ay nag-iisang maaring lapitan.

Napawalang-sala ang mga mag-aaral nang kanilang nilakad ng mga kamag-anak nila maliban kay Basillo
na wala siyang kamag-anak.

Nagpakamatay si Juli dahil naisagawa ni Padre Camorra ang paghahalay sa kanya.

Nagpatuloy si Simoun sa balak niyang paghiganti sa pamamagitan ng pakikipagsanib niya sa Negosyo ni


Don Timoeo Pelaez, ama ni Juanito, na ipinagkasundo na ipakasal kay Paulita Gomez, na ang ninong ay
ang Kapitan Heneral.

Ipinakita ni Simoun ang lamparang Granada na itanim niya bilang handog sa kasal ni Juanito at Paulita na
kung itataas ang apoy matapos Malabo ng dalawampung minute ay magpuputok ng Malaki bilang senyas
na magsisimula na ang paghihimagsik.

Sa araw ng kasal ay nasimula na nila ang plano. Nakita ni Basillo si Isagani na dating kasintahan ni Paulita
Gomez. Ipinagtapat ni Basillo ang plano kay Isagani at binalaang umalis para hindi madamay.

Nang iniutos ng Kapitan Heneral na pataasin ang mitsa ng lampara kay Padre Irene, biglang inagaw ni
Isagani at inihagis ang lampara sa ilog.

Nabigo ang balak ni Simoun kaya pumunta siya sa bahay ni Padre Florentino.

Uminom siya ng lason at ipinagtapat niya ang buong katauhan sa pari para hindi siya aabuting buhay.
Namatay si Simoun pagkatapos nangungumpisal. Itinapon ni Padre Florentino ang naiwang alahas ni
Simoun.

You might also like