Professional Documents
Culture Documents
Araling Panlipunan 7
Araling Panlipunan 7
ARALING PANLIPUNAN 7
Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na pahayag. Bilugan ang titik ng pinakaangkop na sagot mula
sa mga pagpipilian.
5. Ang mga kalupaan sa mundo ay nahahati sa pitong kontinente. Alin ang pinakamalaki sa mga ito?
A. Asya B.Aprika C.Timog Amerika D.Hilagang Amerika
6. Nasasakop ng Asya ang mula ____ Timog hanggang ____ Hilagang latitude at mula ___ hanggang ___
Silangang longitude
A. 9° to 90° at 10° to 180° C. 10° to 90° at 11° to 175°
B. 9° to 100° at 11° to 190° D. 11° to 100° at 11° to 180°
8. Kung may pitong kontinente ang daigdig, may ilan naming rehiyon ang Asya?
A. Tatlo B. Apat C. Lima D. Anim
10. Kung ang Timog Silangang Asya ay nakatatanggap ng sapat na patak ng ulan. Saang rehiyon naman ang
bihirang umulan?
A. Timog B. Hilagang C.Timog Silanagn D. Kanluran
11. Sinasabing sa Asya matatagpuan ang pinakatanyag na hanay ng mga bundok, ang Himalayas kung saan
matatagpuan din ang pinakamataas na bundok sa daigdig. Ano ito?
A. Mt. Everest B. Mt. Kanchenjunga C. Mt. Mayon D. Mt. McKinley
14. Kung ako ay pupunta mga lugar tulad ng Gobi at Taklamakan, ano ang dapat na una kong dalhin sa aking
paglalakbay.
A. Damit B. Pera C. Tubig D. Mapa
15. Karamihan sa mga kagubatan sa Hilagang Asya ay nabibilang sa tinatawag na coniferous. Ano ang
mainam na maging hanapbuhay dito ng mga tao?
A. Pagtatanim B. Pagpapastol C. Pagmimina D. Pagtotroso
16. Bakit tinawag na Pacific Ring of Fire ang mga bansa sa Timog-Silangang Asya at Pasipiko?
A. Dahil sa mga aktibong bulkan C. Dahil sa madalas ang sunog dito
B. Dahil sa langis D. Dahil sa lupa
17. Isa sa mga salik na nakakaapekto sa klima ay ang altitude o ang taas ng isang lugar. Kung ako ay
nakatira sa bundok, ang klima dito ay _______.
A. Mainit B. Malamig C. Magihawa D. Maalinsangan
18. Sa mga bansang ang malaking bahagi ay damuhan, ano ang pangunahing kabuhayan ng mga tao?
A. pagtatanim ng palay C. pagtitinda ng mga damit
B. pagmimina ng langis D. pagpapastol ng hayop
19. Ang Siberia ay may epekto sa kabuhayan ng mga tao sa Hilagang Asya. Gayunpaman, anong likas na
yaman ang ipinagkaloob nito sa rehiyon?
A. Buhangin B. tubig C. karne D. langis
20. May iba’t ibang yamang mineral na matatagpuan sa Asya. Ano ang pangunahing yamang mineral
iniluluwas ng Kanlurang Asya?
A.Ginto at Pilak B. Langis at petrolyo C.Natural Gas D.Carbon at Copper
21. Makakapal ang Rain Forest ng Timog Silangang Asya partikular sa bansang Myanmar na tahanan iba’t
ibang punong kahoy. Alin sa mga sumusunod na punong kahoy ang makikita ditto?
A.Teak B.Palm C.Mahogany D.Narra
22. Bagamat salat sa lupang taniman ang Kanlurang Asya mayaman naman ang rehiyon na ito sa _______.
A. Ginto B. Bakal C. Langis D. Karbon
23. Kung ang pinakamalaking deposito ng ginto ay nasa Kyrgyztan, saan naman ang pinakamalaking
produksyon ng ginto?
A. Uzbekistan B. Tajikistan C. Kazakhstan D. Pakistan
24. Marami sa mga naninirahan sa Timog Asya ay nabubuhay sa pamamagitan ng pagsasaka. Ano kaya ang
ipinapahiwatig nito tungkol sa lupain sa Asya?.
A. Mahilig sa mga prutas at gulay ang mga tao sa Asya.
B. Mataba at mainam pagtaniman ang lupain sa Asya.
C. Tamad ang mga tao sa Asya.
D. Pagsasaka lamang ang alam gawin ng mga tao sa Asya.
25. Ang Tsina ay isa sa mga bansang nagsu-supply ng mga yamang mineral sa Asya. Ano ang maaaring
kabuhayan ng mga taga-Tsina?
A. pagmimina B. pagsasaka C. pangingisda D. paghahayupan
26. Kung ikaw ay nasa Rehiyon ng Hilagang Asya anong uri ng kasuotan ang mayroon ka?
A.Sando B.Jacket C.T-shirt D.Blusa
27. Sa kabila ng limitasyon sa mga lupaing sakahan ng rehiyon, patuloy na umunlad ang mga bansa sa
Silangang Asya. Ano kaya ang maaaring dahilan?
A. Ipinagbibili sa napakataas na halaga ang mga produktong nakukuha sa rehiyon
B. Iniipon ng mga tao ang kanilang kinikita sa pagbibili ng mga produkto
C. Patuloy na umaani ng mga produktong agrikultural at nanghuhuli ng mga lamang dagat
D. Maayos na paggamit sa mga likas na yaman upang gawing kapaki-pakinabang na produktong
maipagbibili sa ibang bansa
28. Alin sa mga sumusunod ang higit na makapagpapatunay na malaki ang kaugnayan ng yamang likas sa uri
ng pamumuhay ng mga ito?
A. Ang mga hilaw na materyales mula sa saganang likas na yaman ay nakapagtutustos sa mga
pangangailan ng mga tao.
B. Ang tanging batayan ng kaunlaran ng isang bansa ay ang pagtataglay nito ng saganang likas na
yaman.
C. Ang saganang likas na yaman ay nagagamit ng tao sa pansarili nitong kapakanan.
D. Maituturing na hindi maunlad ang isang bansa kung ito ay hindi sagana sa mga likas na yaman
29. Ano ang pinakamahalagang papel na ginagampanan ng tao sa paghubog ng kabihasnang Asyano?
A. Ginagamit ng tao ang mga likas na yaman upang umunlad ang ekonomiya.
B. Nilinang at pinaunlad ng tao ng kapaligiran na nagbunsod sa pag-unlad ng kabihasnan.
C. Ginamit ng tao ang kanyang kapaligiran para sa kanyang pansariling pangangailangan.
D. Pinabayaan ng tao na mawasak ang kanyang kapaligiran
30. Ano ang dapat gawin ng mga taga-Silangang Asya para mapangalagaan ang kanilang mga likas na
yaman?
A. Gamitin at kunin ang lahat ng likas na yaman na makukuha sa rehiyon upang mas mabilis ang pag-
unlad ng mgabansa sa rehiyon
B. Gumamit ng dinamita o iba pang kemikal sa panghuhuli ng mga lamang dagat paramas marami
ang kanilang mahuli
C. Pagbili ang mga nakukuhang likas na yaman sa napakataas na halaga
D. Huwag abusuhin o gamitin nang labis ang mga likas na yaman upang hindi ito masira
33. Ano ang tawag sa talino, kakayahan, lakas, dami, at iba pang katangian ng tao na magagamit sa paggawa
ng mga produkto at serbisyo?.
A. yamang dagat B. yamang lupa C. yamang mineral D. yamang tao
34. Ano ang maaaring magandang implikasyon o epekto ng malaking populasyon ng Asya sa pag-unlad ng
rehiyon?
A. Marami ang taong pakakainin sa bawat bansa sa Asya
B. Marami ang kailangang makapagtapos ng pag-aaral sa Asya
C. Marami ang magrereklamo sa pamahalaan ng mga bansa sa Asya
D. Marami ang yamang tao at lakas paggawa na makapagpapaunlad sa Asya
35. Batay sa estadistika, normal ang hitsura ng population pyramid ng Pilipinas. Ibig sabihin, sapat ang dami
ng gitnang populasyon para matugunan ang mga pangangailangan ng buong populasyon. Ngunit sa kabila
nito ay mabagal pa rin ang pag-unlad ng bansa. Ano kaya ang maaaring dahilan?
A. Katamaran ng mga Pilipino C. Mataas na presyo ng mga bilihin
B. Kawalan ng trabahong mapapasukan D. Mabilis na paglaki ng populasyon
36. Ano ang tawag sa kakayahang magbasa, magsulat , at magbilang ng isang tao?
A. functional candidacy C. functional literacy
B. congenital literacy d. general education
38. Ano ang tawag sa pandarayuhan o paglipat ng tao ng tirahan upang humanap ng mas magandang
trabaho?
A. Aviation B. imbitasyon C. irigasyon D. migrasyon
39. Nagtapos sa kursong Nursing si Anton ngunit nagtatrabaho siya ngayon sa isang call center. Ano ang
tawag kay Anton?
A. Employed B. unemployed C. underemployed D. overemployed
40. Sa bansang Hapon ay mas marami na ang matandang populasyon kaysa gitna o batang populasyon.
Gayundin, mahaba ang inaasahang buhay ng populasyon nito. Ano ang maaring mangyari sa bansang
Hapon pagdating na araw?
A. Magkakaroon ng pagdiriwang C. Walang mangyayari
B. Magkakaroon ng krisis D. Magkakaroon ng mga bisita
41. Tumutukoy sa pangkat ng mga tao sa isang bansa na may magkakaparehong wika, kultura at etnisidad.
A. Pangkat etnoliggwistiko B. Tribo C. Pangkat Asyano D. Katutubo
42. Alin sa mga sumusunod ang HINDI batayan sa pagpapangkat ng mga pangkat etnoliggwistiko?
A. Wika B. Kultura C. Etnisidad D. Relihiyon
43. Mangyan : Pilipinas :: Balinese : _____________
A. Japan B. Indonesia C. China D. India
44. Ang mga Arab ay nakikilala sa pagiging lalalag o nomadic sa Kanlurang Asya tinatawag ito bilang
____________.
A. Bedouin B. Oasis C. Tribal D. Desertification
45. Ayon sa mga arkeologo ang mga ________________ ang isa sa mga sinaunang tao sa daigdig.
A. Arab B. Manchu C. Tajik D. Ngalops
46. Anong wika ang may malaking impluwensiya sa mga wikang ginagamit sa Silangang Asya?.
A. Sinitic B. Semitic C. Samtic D. Intsik
48. Sa kabila ng pagkakaroon ng mga pangunahing pangkat na naninirahan sa rehiyon, mayroon pa ring
maliliit na pangkat ng tao sa bawat rehiyon ng Asya. Ano ang ibig sabihin nito?
A. Pakalat-kalat ang mga Asyano sa buong rehiyon
B. Patuloy ang migrasyon o pandarayuhan sa Asya
C. Napakalaking populasyon ng Asya
D. Inaapi ng malalaking pangkat ang maliliit na pangkat ng tao sa Asya
49. Isang suliranin sa Asya ang diskriminasyon sa maliliit na pangkat ng tao. Ano ang maaaring gawin upang
maiwasan ito?
A. Pagbawalan ang malilit na pangkat ng tao na makihalubilo sa malalaking pangkat.
B. Hikayatin ang lahat na igalang ang bawat pangkat ng tao sa Asya, maliit man o malaki
C. Paalisin sa bansa o rehiyon ang maliliit na pangkat ng tao.
D. Paghiwalayin ang malalaki at maliit na pangkat ng mga tao.
50. Bagamat maraming lahing bumubuo sa Asya , isa sa mga minimithi ng mga Asyano ay ang
_____________ sa gitna ng pagkakaiba-iba.
A. Pagkakaisa B. Pagkakapantay-pantay C. Pag-uunawaan D. Pagtutulungan
ANSWER KEY: