Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Asignatura: Pagsulat sa Piling Larangan (Akademik)

Paksa: Pagsulat ng Abstrak


Disenyong Modular ni: G. Dave Michael B. Menguito Baitang: Ikalabindalawang
Semestre: Una Linggo: Ikalima (5th)

ABSTRAK
 Ang Abstrak ay isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng
mga akademikong papel tulad ng tesis, papel na siyentipiko, at teknikal
lektyur, at mga report. Ito ay kadalasang bahagi ng isang tesis o disertasyon
na makikita sa unahan ng pananaliksik pagkatapos ng title page o pahina ng
pamagat. Naglalaman din ito ng pinakabuod ng boung akdang akademiko o
ulat. (3)
 Ayon kay Philip Koopman (1997), bagamat ang abstrak ay maikli lamang,
tinataglay ang mahalagang elemento o bahagi ng sulating akademiko tulad
ng Introduksyon, mga kaugnay na literatura, metodolohiya, resulta at
konklusyon. (4)
Ayon kay Harper 2016 ang abstrak sa latin na salita ay “abstractus” na ibig
sabihin ay “drawn away o extract”
Isang maikling buod ng artikulo ,ulat at pag-aaral na inilalagay bago ang
introduksyon. Ito ang siksik na bersiyon ng mismong papel.
“Ginagamit bilang BUOD ng mga akademikong sulatin na kadalasang makikita
sa PANIMULA o INTRODUKSYON ng pag-aaral” (1,2 3)
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Abstrak
 Lahat ng mga detalye o kaisipang ilalagay rito ay dapat makikita sa kabuoan
ng papel; ibig sabihin, hindi maaring maglagay ng mga kaisipan o datos na hindi
binanggit sa ginawang pag-aaral o sulatin.
 Iwasan ang statistical figures o table sa abstrak sapagkat hindi ito
nangangailangan ng detalyadong pagpapaliwanag na magiging dahilan para
humaba ito.
 Iwasan ang paggamit ng sariling opinyon sa pagsulat ng abstrak
 Dapat ito ay naka dobleng espasyo
 Gumamit ng mga malinaw at direktang mga pangungusap. Huwag maging
maligoy sa pagsulat nito.
 Maging obhetibo sa pagsulat. Ilahad lamang ang mga pangunahing kaisipan
at hindi dapat ipaliwanag ang mga ito.
 Higit sa Lahat ay gawin itong maikli ngunit komprehensibo kung saan
mauunawaan ng babasa ang pangkalahatang (4)

Binibigyang pansin lamang ang bahagi ng pananaliksik partikular na ang…


1. Kaligiran ng Pag-aaral 4. Resulta
2. Pamamaraang Ginamit 5. Kongklusyon
3. Saklaw
 Kaligiran ng Pag-aaral
Dito makikita kung saan isinasagawa ang pag-aaral o pananaliksik
 Pamamaraan na Ginamit
Malaman kung ano ang disenyong ginamit ng pananaliksik (kuwalitabo o
kuwantitabo). Inilalahad din ang hakbang na isinagawa- kung paano at bakit
ginawa ang mga hakbang
 Saklaw at Limitasyon
Tumutukoy sa kung ano ang isyu o paksa na tatalakayin ng isang saliksik at ang
hangganan ng gagawing pananaliksik.
 Resulta
Naglalaman ng kanuuang kinalabasan ng pag-aaral
 Kongklusyon
Inilalahad ang mahalagang elemento ng patunay batay sa naging resulta ng
isinagawang pag-aaral.(1,2,3)

Mga dalawang URI ang ABSTRAK:

1. DESKRIPTIBO
-Pangunahing ideya ng teksto
-Binibigyang pansin ang bahagi ng pananaliksik na: kaligiran, Layunin at Paksa.
-Nauukol ito sa kuwalitatibong Pananaliksik: Sanaysay, Agham Panlipunan,
Huminades at Sikolohiya

2. IMPORMATIBO
-Mahahalagang punto ng teksto
-Binibigyang pansin ang kaligiran, layunin, paksa, metodolohiya at
resulta/kongklusyon
-Nauukol sa kuwantitatibong pananaliksik: inhenyera, agham, sikolohiya,
huminades (1, 2)

Mga hakbang sa pagsulat ng abstrak:

Magtungo sa silid-aklatan o magresearch


Basahin ng mga lubos na pag-unawa
Siyasatin kung ito ay nakaugnay sa tema
Siyasatin ang mga pangalan
Lagumin lamang ang pinapaksa
200-500 salita lamang
Isunod sa proseso ng pagsulat (1, 2,3)

Halimbawa ng Abstrak: (1)

Ang penomenolohikal na pag-aaral na ito ay nagpapakita ng mga buhay na karanasan


ng mga traysikad driver. Tinutumbok ng papel na ito na malaman ang mga karanasan
na nasasalamuha ng mga driver sa pang araw-araw nilang buhay. Naglalayon ang mga
mananaliksik na masagutan ang mga layunin(1)Ano ang nag-udyok sa mga sikad
drayber na nagtiyatiyagang magtrabaho sa pagsisikad?(2)Bakit ito ang napili nilang
trabaho? (3) Ano ang rason bakit humantong sila sa pagsisikad? Ang pananaliksik na
ito ay gumamit ng deskriptibong penomenolohiyang pag-aaral na sumusunod sa
pilosopiyang Husserlian at Colaizzi’s data analisis upang magkaroon ang mga
mananaliksik ng malawak na kaalaman at pag-unawa sa mga karanasan ng sikad dri

You might also like