Professional Documents
Culture Documents
Noong Unang Panahon, May Isang Babaeng Nagngangalang Daragang Magayon
Noong Unang Panahon, May Isang Babaeng Nagngangalang Daragang Magayon
Isang araw habang naliligo si Magayon sa ilog, bigla siyang nadulas at
nahulog sa malalim na parte nito. Hindi marunong lumangoy ang dalaga.
Mabuti na lamang at nakita siya ni Panganoron at iniligtas ang dalaga.
agpunta ang dalaga sa lugar ni Pagtuga upang ibigay ang sarili upang
N
pakawalan nito ang kanyang ama. Napag-alaman ni Panganoron ang ginawa
ni Magayon. Tinipon nito ang kanyang mga matatapang na mandirigma upang
iligtas ang mag-ama laban kay Pagtuga.
Isang malaking digmaan ang naganap sa pagitan ng dalawang kampo.
Nanaig si Panganoron laban kay Pagtuga at napatay niya ito. Noong makita ni
Magayon na napatay ng kanyang kasintahan ang kalaban ay dali-dali itong
tumakbo patungo kay Panganoron. Ngunit bago pa man magkalapit ang
dalawa ay isang ligaw nasibat ang tumusok sa likod ni Magayon. Habang
bumagsak si Magayon ay tinaga naman sa likod si Panganoron ng
mandirigma ni Pagtuga. Nakita ni Rajah Makusog ang nangyari. Sinundan
nito ang taong pumatay kay Panganoron at pinaslang ito.
ang matapos ang digmaan, iniuwi ng Rajah ang walang buhay na katawan
N
nila Magayon and Panganoron. Humukay ito at inilibing na magkasama ang
magkasintahan.
Ilang araw ang lumipas ng mapansin ng mga taong bayan na ang libingan ay
tumaas. Lumaki ang libingan at ang lupa ay naghugis apa. Tinawag ito ng
mga taong bayan ng Mayon mula sa kanilang magandang prinsesang si
Magayon. Kung minsan maririnig ang Mayon na dumadagundong at
lumilindol, ayon sa mga tao ito ang patunay ng pagmamahalan nila Magayon
at Panganoron.