Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Intro: Magandang araw!

Ako si Jasmine Baracao from grade 7-1D, ngayong araw ay pag-uusapan natin
ang isyu tungkol sa bullying.

: Maraming bata ang nakakaranas ng pang bubully. Isa din ito sa rason kung bakit walang gana at takot
pumasok sa paaralan ang biktima ng bullying.

: Ano nga ba ang bullying?

: Ang bullying ay pangungutya, pangtutukso, at pagmamaltrato ng isang taong malakas laban sa mahina
at takot lumaban. Ang pang bubully sa paaralan o saan mang sulok ng mundo ay tinutukoy din na pang-
aabuso sa kapwa.

: Paano nga ba natin mapipigilan ang mga batang gumagawa nito?

: Mapipigilan natin ang mga batang patuloy paring gumagawa nito hanggang ngayon sa pamamagitan ng
pagsaway at pakiki-usap sa kanila. Maari rin nating sabihin sa kanila ang magiging epekto kung itutuloy at
hindi parin nila titigilan ang panunukso sa iba.

: Ano nga ba ang epekto ng bullying?

: Ang bullying ay maaaring makaapekto sa isang tao sa antas ng pisikal at emosyonal. Maari rin silang
makaramdam ng pgkabalisa, kawalan ng kumpiyansa sa sarili at iba pa.

: May pagkakataon pa bang magbago ang mga tao na nakasakit sa ibang tao tulad ng pangbubully?

: Depende ito sa kanyang sarili, kung totoong gusto niyang magbago ay humingi siya ng tawad sa mga
taong nagawan niya ng kasalanan at nasaktan niya, at kung ano man ang maging desisyon ng hiningan
niya ng tawad ay tanggapin niya ito mapatawad man siya o hindi dahil baka malala talaga ang trauma na
naabot niya sa taong iyon kaya sa ngayon ay hindi niya pa mapatawad ngunit alam kong balang araw ay
mapapatawad din kayo ng mga taong sinaktan niyo.

Outro: Hanggang dito nalang ang usapan natin tungkol sa bullying, sana ay may natutunan kayo at
maiapply ito ng ibang kabataan nang sa ganon ay mabawasan na ang mga taong mahilig mambully sa
iba. Maraming salamat sa pakikinig.

You might also like