Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 24

7

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 2: Ang
Kapaligirang Pisikal ng Asya
Araling Panlipunan – Ikapitog Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 2: Ang Kapaligirang Pisikal ng Asya
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Juvy P. Bullecer
Editor: Ma. Ledevi R. Santerva

Tagasuri:

Tagaguhit:
Tagapamahala: Bianito Dagatan
Casiana P. Caberte
Marina S. Salamanca
Carmela M. Restificar
Jupiter I. Maboloc
Josephine D. Eronico

Department of Education – Region VII, Division of Bohol


Office Address: 50 Lino Chatto Drive, Barangay Cogon Tagbilaran City
Telefax: 501-7550
E-mail Address: deped.bohol@deped.gov.ph
7
Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 2: Ang
Kapaligirang Pisikal ng Asya
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan- Baitang Pito ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Ang Kapaligirang Pisikal ng Asya.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to 12
habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang
pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa
pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung


paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan
mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga
gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan- Baitang Pito ng Alternative Delivery Mode
(ADM) Modyul ukol sa Kapaligirang Pisikal Tungo sa Paghubog sa Kabihasnang Asyano.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat


mong matutuhan sa modyul.

ii
Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na
ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung
nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging ito ng
modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala


sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan
kang maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa mapatnubay


at malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa.
Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa
huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan


ang patlang ng pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa


iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat


ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong
kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng


mga gawain sa modyul.

iii
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat
ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin
lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng
tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga
kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-
iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang
pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!

iv
Alamin

PANIMULA

Ang pagkakaroon ng napakaraming uri ng kapaligirang likas ay kakanyahan ng Asya.


Mahalagang maunawaan mo na ang kontinente ng Asya ay biniyayaan at nagtataglay ng iba’t
ibang anyong lupa at anyong tubig na lubos na nakakaapekto sa takbo ng pamumuhay ng
mga Asyano.
Kaya, halina at ating alamin kung paano ang ugnayan ng tao at ng kanyang
kapaligiran ay siyang nagbigay-daan sa paghubog at pag-unlad ng kabihasnang Asyano.

Sa modyul na ito ay ating mapapahalagahan ang ugnayan ng tao at kapaligiran sa


paghubog ng kabihasnang Asyano.

Mga Aralin at Saklaw ng Modyul

Aralin 1 – Ang Kapaligirang Pisikal ng Asya

Sa araling ito, inaasahang matutunan mo ang mga sumusunod:


1. Nasusuri ang mga mahahalagang kaisipan ng kapaligirang pisikal ng Asya, ang
mga anyong lupa at anyong tubig;
2. Nailalahad ang mga uri ng klima at vegetation cover sa Asya; at
3. Napapahalagahan at nauunawaan ang ginagampanan ng kapaligiran tungo sa
paghubog ng kabihasnang Asyano.

Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ng mag -aaral ang pag - unawa sa ugnayan ng kapaligiran at tao sa
paghubog ng sinaunang kabihasnang Asyano.

Pamantayan sa Paganap
Ang mga mag-aaral ay malalim na nakapag-uugnay-ugnay sa bahaging ginampanan
ng kapaligiran at tao sa paghubog ng sinaunang kabihasnang Asyano.

Pamantayan sa Pagkatuto
Napapahalagahan ang ugnayan ng tao at kapaligiran sa paghubog ng kabihasnang Asyano
(AP7HAS -Ia – 1).

1
Subukin
Paunang Pagtataya
Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong
sagutang papel.

1. Ito ay isang anyong lupa kung saan binubuo ito ng mga hanay ng bundok.
A. bulkan B. bulubundukin C. kapatagan D. bundok
2. Ito ay ang pinakamataas na bundok sa buong mundo na matatagpuan sa Asya.
A. Mt. Everest B. Mt. Mayon C. Mt. Fuji D. Mt. Pinatubo
3. Ang rehiyon ng Asya kung saan monsoon climate ang uri ng klima dito.
A. Hilagang Asya B. Kanlurang Asya C. Silangang Asya D. Timog Asya
4. Sa maraming bansa sa Timog-Silangang Asya, itinuturing na pangunahing at
napakahalagang butil pananim ang palay. Bakit?
A. Maaaring ipalit ang palay sa mga butil ng trigo, mais, at barley.
B. Palay ang pangunahing pagkain ng mga tao sa Timog-Silangang Asya.
C. Sagana sa matatabang lupa at bukirin ang rehiyong ito na angkop sa pagtatanim.
D. Galing sa palay ang karamihan sa mga panluwas na produkto ng rehiyong ito.

5. Halos lahat ng mga bansa sa rehiyong ito ay may klimang tropical.


A. Kanlurang Asya B. Silangang Asya C. Timog Asya D. Timog-Silangang
Asya

6. Ang mga sumusunod ay mga katangi-tanging lawa na matatagpuan sa Asya, maliban sa:
A. Caspian Sea B. Lake Michigan C. Lake Baikal D. Dead Sea

7. Ang pagkakaiba-iba ng klima sa Asya ay bunsod ng iba’t ibang salik kabilang na rito ang
lokasyon at topograpiya ng isang lugar. Kung sa Kanlurang Asya ay bihira ang ulan at hindi
palagian ang klima, at sa Hilagang Asya naman ay mahaba ang taglamig at maigsi ang tag-
init, ano naman ang katangian ng klima sa Timog-Silangang Asya?
A. Ang mga bansa sa rehiyon ay nakararanas ng tag-init, taglamig, tag-araw at tagulan.
B. May mainit na panahon sa ilang bahagi at may mga bahagi ng rehiyon na nababalutan ng
yelo.
C. Mahalumigmig, taglamig, tag-init at tagtuyot ang nararanasan sa rehiyong ito sa iba’t-
ibang buwan sa loob ng isang taon.
D. Sobrang lamig sa rehiyon at hindi kayang panirahan ng tao.

8. Ito ay uri o dami ng mga halaman sa isang lugar tulad ng kagubatan o damuhan.
A. vegetation cover B. klima C. mountain tract D. boreal forest
9. Ang karaniwang panahon na nararanasan ng isang lugar sa loob ng mahabang panahon ay
tinatawag na ______________.
A. klima B. average weather C. weather forecast D. vegetation cover
10. Ang mga sumusunod ay mga rehiyon sa Asya, maliban sa:

2
A. Hilagang Asya B. Kanlurang Asya C. Timog- Kanlurang Asya D. Silangang Asya

Aralin Ang Kapaligirang Pisikal ng


1 Asya

Naunawaan mo sa nakaraang aralin ang katangiang pisikal ng Asya. Nalalaman mo


rin ang paghahating heograpiko sa iba’t ibang rehiyon sa Asya kung saan ito ay nahahati sa
Hilagang Asya, Kanlurang Asya, Timog Asya, Silangang Asya, at Timog-Silangang Asya. Sa
paghahati-hati ng mga rehiyon sa Asya ay umusbong din ang iba’t ibang uri ng pamumuhay
na nakadepende sa kapaligirang pisikal sa Asya.
Sa puntong ito ay magsisimula na tayong alamin ang tungkol sa kapaligirang pisikal
ng Asya tungo sa paghubog ng kabihasnang Asyano. Halina na at ating simulan!

Balikan

Gawain 1: REHIYON-BANSA MATCH!


Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang ilang bansa na bumubuo sa iba’t ibang rehiyon sa
Asya. Isulat ang mga bansa kung saang rehiyon sila napapabilang.

Sri Lanka China Taiwan Malaysia Pilipinas


Saudi Arabia India Turkmenistan South Koreaa Israel
Tajikistan Kuwait Pakistan Iraq Nepal
Japan Uzbekistan Lebanon Thailand Cambodia

1. Hilagang Asya-
2. Timog Asya-
3. Kanlurang Asya-
4. Silangang Asya-
5. Timog-Silangang Asya-

Nabigyan mo ba ng kasagutan ang gawain? May natutunan ka ba sa iyong pagsagot? Ang


mga kasagutan sa gawain ay may kinalaman sa katangiang pisikal sa Asya. Sa bandang ito,
tayo ay dadapo na sa kapaligirang pisikal sa Asya. Halina at atin pang tuklasin ang aralin!

3
Tuklasin
GAWAIN 2: SALITA-BUO!
Panuto: Iayos sa wastong salita ang mga pinaghalong letra sa ibaba at isulat ito sa iyong
sagutang papel.

GIBUT GNOYNA 1.

AMILK 2.

ALUP GNOYNA 3.

AYIPARGOEH 4.

NARIGILAPAK 5.

GAWAIN 3: ANYONG LUPA O TUBIG


Panuto: Isulat ang LUPA kung ang sumusunod ay isang anyong lupa at TUBIG kapag
ito ay isang anyong tubig.
_________1. Mt. Everest
_________2. Gobi Desert
_________3. Tibetan Plateau
_________4. Lake Baikal
_________5. Mt. Fuji
_________6. Caspian Sea
_________7. Dead Sea
_________8. Tigris at Euphrates
_________9. Huang Ho
_________10. Chocolate Hills

4
Suriin
Basahin at unawaain.
Ang pagkakaroon ng napakaraming uri ng kapaligirang likas ay kakanyahan ng Asya.
Mahalagang maunawaan mo na ang kontinente ng Asya ay biniyayaan at nagtataglay ng iba’t
ibang anyong lupa at anyong tubig na lubos na nakakaapekto sa takbo ng pamumuhay ng
mga Asyano.
Ngayon ay ilalahad ang ilang mga mahahalagang kaisipan hinggil sa kapaligirang
pisikal ng Asya. Suriin mo ang mga ito upang makapaglahad ng kasagutan sa mga
pamprosesong tanong.
Iba’t Ibang Anyong Lupa na Matatagpuan sa Asya
1. Bulubundukin o hanay ng mga bundok. Pinakatanyag dito ay ang Himalayas na may
habang umaabot sa 2,414 kilometro o 1,500 milya. Ang Hindu Kush (Afghanistan), Pamir
(Pakistan, Afghanistan, Tajikistan, at Kyrgyzstan), Tien Shan (Hilagang Asya), Ghats (Timog
Asya), Caucasus (Azerbaijan, Georgia, Russia at Armenia) at ang Ural (Kanlurang Asya) ay
ilan din sa mga bulubundukin ng Asya.
2. Bundok. Ang Mt. Everest na nakahanay sa Himalayas ay ang pinakamataas na bundok sa
buong mundo na may taas na halos 8,850 metro. Pangatlo naman ang Mt. Kanchenjunga
(8,586 metro) na nasa Himalayas din.
3. Bulkan. Dahil sa ang Insular Southeast Asia ay nakalatag sa Pacific Ring of Fire,
tinatayang nasa humigit kumulang 300 aktibong bulkan ang nasa Asya tulad ng Semeru,
Krakatoa, Fuji, Pinatubo, Taal at Mayon.
4. Talampas o ang kapatagan sa itaas ng bundok. Ang Tibetan Plateau na itinuturing na
pinakamataas na talampas sa buong mundo (16,000 talampakan) at tinaguriang “Roof of the
World” ay nasa Asya. Ang talampas ng Deccan na nasa katimugang bahagi ng Indo-
Gangentic Plain ng India ay kilala rin.
5. Disyerto. Ang Gobi Desert na siyang pinakamalaki sa Asya at pang-apat sa buong mundo,
ay isa lamang sa mga disyertong matatagpuan sa Asya. Makikita din dito ang mga disyerto ng
Taklamakan, Kara Kum, at mga disyerto sa Iraq, Iran, Saudi Arabia at India.
6. Kapuluan o Arkipelago. Pangkat ng mga pulo na marami sa Asya tulad ng Indonesia, ang
pinakamalaking archipelagic state sa buong mundo na binubuo ng humigit kumulang na
13,000 mga pulo, ang Pilipinas at ang Japan.
7. Pulo. Umaabot sa 770 libong milya ang kabuuang sukat ng mga pulo sa Asya at kabilang
dito ang Cyprus, Andaman, Sri Lanka, Maldives, Borneo, Taiwan, at marami pang iba.
8. Tangway o Peninsula. Lupain din ng mga tangway o anyong lupang nakausli sa karagatan
ang Asya. Tinatayang nasa tatlong milyong milya kwadrado ang sukat nito. Ilan sa mga ito ay
ang Turkey, Arabia, India, Korea, at Yamal.
9. Kapatagan. Halos sangkapat (¼) na bahagi ng lupain ng Asya ay kapatagan. Ang Indo-
Gangentic Plain at malaking bahagi ng Timog Silangang Asya ay bahagi nito.

5
Tulad ng pagkakaroon ng iba’t-ibang anyong lupa, ang Asya ay maituturing ding mayaman
sa iba’t-ibang anyong tubig tulad ng mga karagatan, lawa at ilog. Suriin ang mapa sa ibaba.

Photo taken from DepEd LM

Mapapansin na ang kontinente ng Asya ay halos napaligiran ng mga karagatan at mga


dagat. Ang mga karagatan at mga dagat na ito ay gumaganap nang mahalagang papel sa
pamumuhay ng mga Asyano dahil ang mga ito ay nagsisilbing likas na depensa, rutang
pangkalakalan at sa paggagalugad, at pinagkukunan ng iba’t ibang yamang dagat at yamang
mineral.
Ang mga baybay-ilog ng Tigris at Euphrates, Indus, at Huang Ho ang nagsisilbing
lundayan ng mga sinaunang kabihasnan hindi lamang sa Asya kundi sa buong daigdig.
Maraming mga ilog ang dumadaloy sa Asya at patuloy na nagbibigay kapakinabangan sa tao.
Mga Ilog na Matatagpuan sa Asya
1. Sa bahagi ng Russia at umaagos sa Arctic Ocean- Lena River, Ob River, Irtysh River,
Yenisei River, Angara River, Yana River, Indigirka River, at Kolima River.
2. Anadyr River at Amur River ng Russia 7. Ganges River sa India
3. Huang Ho, Yangtze, at Xi River ng China 8. Salween River
4. Song Hoi An at Mekong River ng Vietnam 9. Bramaputra
5. Chao Praya River sa Thailand 10. Amu Darya at Syr Darya
6. Ilog Irrawaddy sa Myanmar Ganges

6
Apat na katangi-tanging lawa na matatagpuan sa Asya:
1. Caspian Sea- ang pinakamalaking lawa sa mundo mula sa Hilagang Iran, Kazakhstan,
Turmenistan, Azerbaijan, Armenia, at Georgia na may 371,000 kilometro kwadrado.
2. Lake Baikal- matatagpuan sa Timog-Silangang Siberia na may 31,500 kwuadrado. Ito ang
pinakamalalim na lawa sa buong mundo.
3. Dead Sea- ang hangganan sa pagitan ng mga bansang Israel at Jordan na may sukat na1,
409 kilometro kwadrado. Ito ay pangalawa sa pinakamaalat na anyong tubig sa buong
daigdig.
4. Aral Sea- ang hangganan ng mga bansang Uzbekistan at Kazakhstan, 64, 750 kilometro
kwadrado at isa sa pinakamalaking lawa na matatagpuan sa Asya.
Gaya ng iba pang mga anyong tubig sa Asya, ang mga lawang ito ay nakapagdulot din
ng paghubog sa uri ng pamumuhay ng mga naninirahan doon. Gaya rin ng ginawang
paglinang ng mga taong nagpasimula ng mga sinaunang kabihasnan, ang mga lawa at ilog ay
siyang pinakukunan ng tubig bilang inumin at ginagamit sa pang-araw-araw na gawain. Ito
rin ang pinagmulan ng sistema ng irigasyon sa mga palayan at pananiman, daanan ng mga
transportasyong pang-tubig, pinagkukuhanan ng pagkain at mga palamuti.
Pamprosesong Tanong
1. Bakit mahalaga ang mga anyong lupa at anyong tubig sa tao?
2. Batay sa impormasyon na nabasa, paano nakakatulong ang mga anyong lupa at anyong
tubig sa mga Asyano?
3. Bilang isang mag-aaral, paano mo mapahalagahan ang ating mga anyong lupa at tubig?

ANG MGA VEGETATION COVER NG ASYA


Ang vegetation o uri o dami ng mga halaman sa isang lugar tulad ng pagkakaaroon ng
kagubatan o damuhan ay epekto ng klima nito. Sa Hilagang Asya, ang katangiang pisikal ng
kapaligiran nito ay ang pagkakaroon ng malawak na damuhan o grasslands na nahahati sa
tatlong uri: steppe, prairie, at savanna.
1. Steppe- uri ng damuhan may ugat na mababaw o shallow-rooted short grasses. Maliit ang
damuhan sa lupaing ito dahil tumatanggap lamang ito ng 10-13
pulgada ng ulan.
2. Prairie- ang lupaing may damuhang matataas na malalalim ang
ugat o deeply-rooted tall grasses. Sa Hilagang bahagi ng mga
steppe ng Russia at Manchuria at
magiging Mongolia matatagpuan
ang prairie.

https://www.nationalgeographic.org/encyclopedia/steppe/

7
https://www.nationalgeographic.org/encyclopedia/prairie/
3. Savanna- matatagpuan sa Timog-Silangang Asya partikular sa Myanmar at Thailand ay
lupain nang pinagsamang mga damuhan at kagubatan.

Ang boreal forest o taiga- (rocky mountainous terrain) ay matatagpuan din sa


Hilagang Asya partikular na sa Siberia. Coniferous ang mga kagubatang ito bunsod ng
malamig na klima dahil sa presipitasyon na maaaring nasa anyong yelo o ulan.

https://africa.quora.com/Africa-s-Savannas

https://www.nationalgeographic.org/encyclopedia/taiga/

Sa bahagi ng
Russia at sa Siberia ay
matatagpuan ang tundra o treeless mountain tract.
Kakaunti ang mga halamang tumatakip at halos walang
puno sa lupaing ito dahil sa malimig na klima.

https://www.nationalgeographic.org/encyclopedia/tundra-biome/

Sa Timog-Silangang Asya at sa mga bansang


nasa torrid zone ang biniyayaan ng tropical
rainforest dahil mainam na klima nito na halos may
pantay na panahon ng tag-ulan at tag-araw.

https://www.conserve-energy-future.com/wp-content/uploas/2015/tropical-rainforest.jpg

ANG MGA KLIMA NG ASYA


Ang karaniwang panahon o average weather na nararanasan ng isang lugar sa loob ng
mahabang panahon ay tinatawag na klima. Kinapapalooban ito ng mga elemento tulad ng
temperatura, ulan at hangin.
 Mga salik ang nakakaapekto sa klima ng isang lugar:
A. lokasyon C. uri o dami ng mga halaman
B. topograpiya D. distansya sa mga anyong tubig

MGA URI NG KLIMA NG ASYA

8
Rehiyon Katangian ng Klima
Sentral Kontinental. Mahaba ang taglamig na karaniwang tumatagal ng anim
na buwan, at maigsi ang tag-init, ngunit may ilang mga lugar na nagtataglay ng
Hilagang Asya matabang lupa. Gayunpaman, malaking bahagi ng rehiyon ay hindi kayang
panirahan ng tao dahil sa sobrang lamig.

Hindi palagian ang klima. Maaaring magkaroon ng labis o di kaya’y


katamtamang init o lamig ang lugar na ito. Bihira at halos hindi nakakaranas
Kanlurang Asya ng ulan ang malaking bahagi ng rehiyon. Kung umulan man, into’y kadalasang
bumabagsak lamang sa mga pook na malapit sa dagat. Timog Asya.

Iba-iba ang klima sa loob ng isang taon. Mahalumigmig kung Hunyo


hanggang Setyembre, taglamig kung buwan ng Disyembre hanggang Pebrero,
Timog Asya at kung Marso hanggang Mayo, tag-init at tagtuyot. Nananatili malamig dahil
sa niyebe o yelo ang Himalayas at ibang bahagi ng rehiyon.

Monsoon Climate ang uri ng klima ng rehiyon. Dahil sa lawak ng rehiyong


into, ang mga bansa dito ay nakakaranas ng iba-ibang panahon- mainit na
Silangang Asya panahon para sa mga bansang nasa mababang latitude, malamig at nababalutan
naman ng yelo ang ilang bahagi ng rehiyon.

Timog-Silangang Halos lahat ng bansa sa rehiyon ay may klimang tropikal, nakararanas ng tag-
Asya init, taglamig, tag-araw at tag-ulan.

Malaki ang bahaging ginagampanan ng kapaligirang pisikal sa pamumuhay ng mga


tao dahil sa idinudulot nitong samu’t saring kapakinabangan. Ang patuloy na pinapauunlad
ng tao sa kasalukuyan.

GAWAIN 4: VEGETATION COVER, TUKUYIN MO!


Panuto: Tukuyin ang mga lawaran sa ibaba kung anong uri ng vegetation cover ang
mga ito.

1. ___________________________ 2. ________________________

3. _____________________

9
4.______________________ 5. _____________________

Pagyamanin

GAWAIN 5: TAMA O MALI!


Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung ang pahayag ay TAMA at isulat ang maling salita
kung ito ay MALI sa iyong sagutang papel.
________1. Halos lahat ng bansa Timog Asya ay may klimang tropikal.
________2. Ang Caspian Sea ang pinakamalalim na lawa sa buong mundo.
________3. Ang bulubundukin ay binubuo ng mga hanay ng bundok.
________4. Ang Dead Sea ay isa sa mga pinakamaalat na anyong tubig sa buong daigdig.
________5. Ang mga lawa at ilog ay siyang pinagkukunan ng tubig bilang inumin at
ginagamit sa pang-araw-araw na gawain.
________6. Ang vegetation ay karaniwang panahon o average weather na nararanasan ng
isang lugar sa loob ng mahabang panahon.
________7. Monsoon Climate ang uri ng klima ng Silangang Asya.
________8. Prairie ang lupaing may damuhang matataas na malalalim ang ugat o deeply-
rooted tall grasses.

10
________9. Ang talampas ay lupain din ng mga tangway o anyong lupang nakausli sa
karagatan ang Asya.
________10. Ang Gobi Desert na siyang pinakamalaking disyerto sa daigdig.

GAWAIN 6: BUUIN MO!


Panuto: Punan ang mga nawawalang letra ang mga salita sa ibaba. Isulat sa papel ang
tamang sagot.
_T. EV_RE_T 1. Ito ay nakahanay sa Himalayas at ang pinakamataas na bundok sa
daigdig.
TA_ _W_Y 2. Ito ay isang anyong lupa na nakausli sa karagatan.
TA_ _ MP_ S 3. Ang kapatagan sa itaas ng bundok.
L_ _ E BAI_ _L 4. Ang pinakamalalim na lawa sa buong mundo na matatagpuan sa Asya.
S_ _ P_ E 5. Uri ng damuhang may ugat na mababaw o shallow-rooted short grasses.
P_ A_ _ IE 6. Uri ng damuhang may ugat na mataas na malalim o shallow-rooted tall
grasses.
K_ I _ A 7. Ang karaniwang panahon na nararansan ng isang lugar sa loob ng
mahabang panahon.
V_G _ _ A_ _ ON 8. Uri o dami ng mga halaman sa isang lugar tulad ng kagubatan o
damuhan na epekto ng klima.

Isaisip
o Malaki ang ginagampanan na papel ng kapaligirang pisikal sa Asya tungo sa
paghubog ng kahibasnang Asyano sapagkat dito nakasalalay ang kanilang pang-araw-
araw na pamumuhay.
o Gaya rin ng ginawang paglinang ng mga taong nagpasimula ng mga sinaunang
kabihasnan, ang mga lawa at ilog ay siyang pinagkukunan ng tubig bilang inumin at
ginagamit sa pang-araw-araw na gawain. Ito rin ang pinagmulan ng sistema ng
irigasyon sa mga palayan at pananiman, daanan ng mga transportasyong pangtubig,
pinagkukuhanan ng pagkain at mga palamuti.
o Ang pamumuhay rin ng mga Asyano ay nakasalalay sa uri ng klima mayroon ang
rehiyon.
o Ang patuloy na interaksyon ng tao at kapaligiran ay siyang nagbubunsod sa
kabihasnang patuloy na pinauunlad ng tao sa kasalukuyan.

Isagawa

11
GAWAIN 7: POSTER MO! Gawin Mo!
Panuto: Gumawa ng isang poster tungkol sa ANYONG LUPA/TUBIG na iyong
makikita sa iyong lugar at isulat kung ano ang naitulong nito sa tao. Gawin ito sa isang
malinis na long bondpaper.

Rubric sa Pagmamarka ng Poster


Katangi-tangi Mahusay Nalilinang Nagsisimula
Pamantayan Puntos
(50 puntos) (40 puntos) (30 puntos) (20 puntos)
May malinaw at May malinaw Limitado ang Malabo at
malawak na na mensahe mensahe limitado ang
mensahe tungkol sa tungkol sa mensahe
Mensahe
tungkol sa anyong anyong tungkol sa
anyong lupa/tubig lupa/tubig anyong
lupa/tubig lupa/tubig
Komprehensibo Tumpak at may Tumpak ang Kulang sa
, tumpak at may kalidad na impormasyon impormasyon
kalidad na impormasyon tungkol sa tungkol sa
Nilalaman impormasyon tungkol sa anyong anyong
tungkol sa anyong lupa/tubig lupa/tubig
anyong lupa/tubig
lupa/tubig
Maayos, Wasto ang Lohikal ang Hindi maayos
detalyado at daloy, kaisipan organisasyon at
madaling at ngunit hindi maunawaan
maunawaan impormasyong sapat upang ang mga
Pagkamalik-
ang daloy ng inilahad tungkol mailahad ang impormasyon
hain at
mga kaisipan at sa anyong anyong g inilahad
Presentasyon
impormasyong lupa/tubig lupa/tubig tungkol sa
inilahad tungkol anyong
sa anyong lupa/tubig
lupa/tubig
Kabuuang Puntos

Tayahin
Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong
sagutang papel.
1. Ang karaniwang panahon na nararanasan ng isang lugar sa loob ng mahabang panahon ay
tinatawag na ______________.
A. klima B. panahon C. vegetation cover D. weather forecast
2. Ang mga sumusunod ay mga katangi-tanging lawa na matatagpuan sa Asya, maliban sa:
A. Caspian Sea B. Dead Sea C. Lake Baikal D. Lake Michigan
3. Ano ang bahaging ginagampanan ng mga ilog at lawa sa pamumuhay ng mga Asyano sa
kabihasnan?
A. Ang lawa at ilog ang siyang pinagkukuhanan ng tubig bilang inumin.

12
B. Ito ay pinagmulan ng sistema ng irigasyon sa mga palayan at pananiman.
C. Ito ay daanan ng mga transportasyong pantubig at pinagkukunan ng mga pagkain.
D. Lahat ng nabanggit ay tama.

4. Ang mga sumusunod ay mga rehiyon sa Asya, maliban sa:


A. Hilagang Asya B. Timog-Kanlurang Asya C. Kanlurang Asya D. Silangang Asya

5. Sa rehiyong ito, ang mga bansa ay nakararanas ng iba-ibang panahon at monsoon climate
ang uri ng klima dito.
A. Timog Asya B. Hilagang Asya C. Silangang Asya D. Kanlurang Asya

6. Sa bahagi ng Russia at Siberia matatagpuan ang ___________ o treeless mountain tract.


Kakaunti ang mga halamang tumatakip at halos walang puno sa lupaing ito.
A. Prairie B. Steppe C. Taiga D. Tundra

7. Mayaman ang Asya sa iba’t ibang anyong tubig tulad ng mga karagatan, lawa, at ilog na
lubhang napakahalaga sa pamumuhay ng tao. Ang mga ilog ng Tigris at Euphrates sa Iraq,
ang Indus sa India at ang Huang Ho sa China ay ilan lamang sa mga ilog na ito na gumanap
ng malaking tungkulin sa kasaysayan ng Asya. Ano ang mahalagang gampaning ito?
A. Ang mga ilog na ito sa Asya ay pinagmulan ng mga kauna-unahang kabihasnan sa
rehiyon at sa buong daigdig.
B. Maraming mahalagang pangyayari sa kasaysayan ng rehiyon sa Asya ay naganap sa
mga ilog na ito.
C. Madalas magdulot ng pinsala sa ari-arian at pagkasawi ng mga buhay ang mga ilog na
ito sa tuwing may nagaganap na mga pagbaha.
D. Ang mga ilog na ito ay nagsisilbing daanan ng mga barko paloob at palabas ng bansang
kinabibilangan nito para sa kalakalan.

8. Ito ay ang pinakamalalim na lawa sa buong daigdig na matatagpuan sa Asya.


A. Lake Baikal B. Lake Lanao C. Lake Michigan D. Lake
Ontario

9. Sa maraming bansa sa Timog-Silangang Asya, itinuturing na pangunahing at


napakahalagang butil pananim ang palay. Bakit?
A. Maaaring ipalit ang palay sa mga butil ng trigo, mais, at barley.
B. Palay ang pangunahing pagkain ng mga tao sa Timog-Silangang Asya.
C. Sagana sa matatabang lupa at bukirin ang rehiyong ito na angkop sa pagtatanim
D. Galing sa palay ang karamihan sa mga panluwas na produkto ng rehiyong ito.

10. Bilang isang mag-aaral, paano mo maipakita ang pagpapahalaga sa ating mga anyong
lupa at tubig?
A. Pagtatanim ng mga puno at halaman.
B. Paglilinis sa mga baybayin, ilog, lawa at iba pang anyong tubig.
C. Pagmamahal at pangangalaga sa ating kapaligiran.
D. Lahat ng nabanggit ay tama.

13
Karagdagang Gawain

GAWAIN 8: TULA/KANTA LIKHAIN MO!


Panuto: Sa isang long bondpaper, lumikha ng isang tula o kanta tungkol sa
pamumuhay ng mga Asyano sa sinaunang panahon at paano nila napahalagahan ang
kapaligirang pisikal sa Asya.
Rubric sa Pagmamarka ng Tula/Kanta
Katangi-tangi Mahusay Nalilinang Nagsisimula
Pamantayan Puntos
(40 puntos) (30 puntos) (20 puntos) (10 puntos)
May malinaw at May malinaw Limitado ang Malabo at
malawak na na mensahe mensahe limitado ang
mensahe tungkol sa tungkol sa mensahe
tungkol sa sa pamumuhay sa pamumuhay tungkol sa sa
Mensahe
sa pamumuhay ng sinaunang ng sinaunang pamumuhay ng
ng sinaunang Asyano Asyano sinaunang
Asyano Asyano

Komprehensibo Tumpak at may Tumpak ang Kulang sa


, tumpak at may kalidad na impormasyon impormasyon
kalidad na impormasyon tungkol sa tungkol sa
impormasyon tungkol sa sa pamumuhay sa pamumuhay
Nilalaman
tungkol sa sa pamumuhay ng sinaunang ng sinaunang
pamumuhay ng ng sinaunang Asyano Asyano
sinaunang Asyano
Asyano
Maayos, Wasto ang Lohikal ang Hindi maayos
detalyado at daloy, kaisipan organisasyon at
madaling at ngunit hindi maunawaan
maunawaan impormasyong sapat upang ang mga
ang daloy ng inilahad tungkol mailahad ang impormasyon
Pagkamalik-
mga kaisipan at sa pamumuhay pamumuhay ng g inilahad
hain at
impormasyong ng sinaunang sinaunang tungkol sa sa
Presentasyon
inilahad tungkol Asyano Asyano pamumuhay ng
sa pamumuhay sinaunang
ng sinaunang Asyano
Asyano

Kabuuang Puntos

14
Susi sa Pagwawasto

Subukin Gawain 1:Rehiyon-Bansa Gawain 2: Salita-Buo!


Match!
1. B 1. ANYONG TUBIG
2. A 1. Hilagang Asya-
Tajikistan, Uzbekistan, 2. KLIMA
3. C
Turkmenistan
4. C 3. ANYONG LUPA
5. D 2. Timog Asya- Sri Lanka,
6. B India, Pakistan, Nepal 4. HEOGRAPIYA
7. A 5. KAPALIGIRAN
3. Kanlurang Asya- Saudi
8. A Arabia, Kuwait, Lebanon,
9. A Iraq, Israel
10. C
4. Silangang Asya- Japan,
China, Taiwan, South Korea
5. Timog-Silangang Asya-
Malaysia, Thailand,
Pilipinas, Cambodia

Gawain3: Anyong LUPA Pamprosesong Tanong Gawain 5: Tama o Mali!


o TUBIG!
1. Answers may vary 1. Timog Asya
1. LUPA 2. Caspian Sea
2. Answers may vary
2. LUPA 3. TAMA
3. LUPA 3. Answers may vary 4. TAMA
4. TUBIG 5. TAMA
GAWAIN 4: VEGETATION
5. LUPA COVER, TUKUYIN MO! 6. VEGETATION
6. TUBIG 1. rainforest 7. TAMA
7. TUBIG 2. steppe 8. TAMA
8. TUBIG 9. TALAMPAS
3. tundra
9. TUBIG 10. GOBI DESERT
4. taiga
10. LUPA
5. savanna

15
GAWAIN 6: BUUIN Tayahin
MO! 1. A
1. MT. EVEREST 2. D
2. TANGWAY 3. D
3. TALAMPAS 4. B
4. LAKE BAIKAL 5. C
5. STEPPE 6. D
6. PRAIRIE 7. A
7. KLIMA 8. A
8. VEGETATION 9. C
10. D

Sanggunian
Rosemarie C. Blanco, Adelina A. Sebastian, Angelo C. Espiritu, Erma C. Golveque, August
M. Jamora, Regina R. Capua, Armi S. Victor, Sandra I. Balgos, Allan F. Del Rosario, at

16
Randy R. Mariano. 2014. Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba- (Modyul ng Mag-aaral),
pp. 19-26. Pasig City, Philippines: Eduresources Publishing, Inc. and Department of
Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS).

Website
https://www.nationalgeographic.org/encyclopedia/steppe/
https://www.nationalgeographic.org/encyclopedia/prairie/
https://africa.quora.com/Africa-s-Savannas
https://www.nationalgeographic.org/encyclopedia/taiga/
https://www.nationalgeographic.org/encyclopedia/tundra-biome/
https://www.conserve-energy-future.com/wp-content/uploas/2015/tropical-rainforest.jpg

17
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like