Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 17

Filipino 8

Unang Markahan – Modyul 10


Pananaliksik
Learning Area- Filipino - Grade 8
Alternative Delivery Mode
Quarter 1 – Module 5: Pananaliksik
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaring
magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pag takda ng kaukulang
bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintuloy mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaring kopyahin o ilimbag
sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones, PhD
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio. PhD

Development Team of the Module

Writer(s): Mairenella Sebolino

Reviewer(s): Girlie T. Sumastre

Illustrator(s): Loreto B. Demetillo Jr.

Layout Artist: Loreto B. Demetillo Jr.

Management Team

Chairperson: Jesnar Dems S. Torres, PhD, CESO VI


Schools Division Superintendent

Co- Conniebel C. Nistal, PhD


Chairperson: Assistant Schools Division Superintendent

Pablito B. Altubar, CID Chief

Members: Arlene A. Micu, EPS Filipino


Himaya B. Sinatao, LRMS Manager
Jay Michael A. Calipusan, PDO II
Mercy M. Caharian, Librarian II
Printed in the Philippines by
Department of Education – Division of Gingoog City
Office Address: Brgy. 23,National Highway,Gingoog City
Telefax: 088 328 0108/ 088328 0118
E-mail Address: gingoog.city@deped.gov.ph
8
Filipino
Unang Markahan – Modyul 10

Pananaliksik
Aralin Pananda ng Pagsasaayos ng Datos
5.3
Alamin

Panibagong araw at panibagong pagsubok nanaman an gating haharapin. Handa ka na ba? Sa


modyul na ito ay nagagamit nang maayos ang mga pahayag sa pagsasa-ayos ng datos (una, isa pa, iba
pa)

Subukin
Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag. Piliin ang mga ginamit na mga
pananda sa loob ng pangungusap.
1. Pagkatapos siyang napag-utusan ay natulog na si Anna nang maaga.
2. Sa wakas ay natapos na si Jose sa kanyang pag-aaral
3. Unang dapat gawin kapag may kalamidad ay makinig sa balita.
4. Namanhikan si Jose kina Hanna saka sila magpagkasal.
5. Tunay na may mapagbigay ang pamilya Malario.
6. Sa umpisa nang paninilbihan ni Mayor Hidalgo sa aming bayan ay marami na
siyang natulungan.
7. Nag-aral nang maigi si Juliet at sa huli siya ay nakapagtapos ng pag-aaral.
8. Bilang paglalahat ng nakalap na impormasyon nakita ng mananliksik na
maraming naghihirap sa barangay Malaya.
9. Nakita sa graph na marami ang tumatangkilik at nasisiyahan sa brand x
walang duda na mabinta ang produkto.
10. Sa dakong huli nakamit ni Hilda ang kanyang pangarap.
Balikan
Panuto: Isulat ang Tama kung tama ang pahayag kung hindi naman totoo ang pahayag isulat ang
Mali. Isulat sa sagutang papel.

1. Sa paghahanda ng balangkas ay sinusigurado ng mananalksik na kailangang tiyak ang


paksa.

2. Sa hakbang ng pangangalap ng bibliyograpi ay masusing hinahanap ng mananaliksik ang


mga sanggunian na maaring mapagkunan ng datos.

3. Ang datos ay anumang uri ng kaalaman tungkol sa kahit anong bagay.

4.Ang sarbey ay isang palatanungan na walang pagpipiliang sagot.

5.Maaring kopyahin ang isang impormasyon na walang pahintulot.

Tuklasin!
Basa-Sagot
May kaalaman ba kayo sa pananda? Halika simulant natin ang pagtalakay ng pananda. Basahin at
unawin ang teksto.

Sa Filipino, ang mga panandang ito ay kadalasang kinakatawan ng mga pang-ugnay.


Ipinapakikilala nito ang mga pang-ugnay na namamagitan sa mga pangungusap o bahagi ng
teksto.
Mga tungkuling ginagampanan ng pananda:
1. Mga panandang naghuhudyat ng pagkasunod-sunod ng mga kilos/ pangyayari o
Gawain:
a. Sa pagsisimula: Una, sa umpisa, noong una, unang-una
b. Sa gitna: Ikalawa, ikatlo, …., sumunod,pagkatapos, saka
c. Sa wakas: sa dakong huli, sa huli, wakas
2. Pagbabagong-lahad- sa ibang salita, sa kabilang dako, sa madaling salita
3. Pagbibigay-pokus- bigyang pansin, pansinin, tungkol sa
4. Pagdaragdag- saka, at, sa pagdaragdag, pagpapatuloy
5. Paglalahat- bilang paglalahat, sa kabuoan, samatuwid
6. Pagtitiyak o pagpapasidhi- siyang tunay, walang duda
Upang mahasa ang iyong bagong kaalaman ay may gawain para sa iyo.

Panuto: Tukuyin ang pananda na ginamit at ang tungkulin ng panandang nakasalungguhit. Isulat ang
tamang sagot sa sagutang papel.

a. Naghuhudyat ng Pagkasunod-sunod
b. Pagbabagong lahad
c. Pagbibigay Pokus
d. Pagdaragdag
e. Paglalahat
f. Pagtitiyak

1.Walang duda na mahal siya ng taong bayan.


2.Bilang paglalahat maraming tao ang nasisiyahan sa bagong programa ng gobyerno.
3.Ang pagtatanim ng gulay sa sariling bakuran ay nakakatulong sa bawat pamilya saka sa kanyang
kommunidad niya,
4. Kasunod sa proseso ay ang paghihintay ng resulta.
5.Dapat bigyang pansin ng mga opisyal ang problema sa tubig.

Suriin
Hakbang-hakbangin
Kailangan ko ng tulong mo. Ako ay maglalaba ngunit hindi ko alam ang proseso. Maaari
mo ba akong tulungan? Itala ang proseso ng paglalaba sa graphic organizer.

Pagyamanin
Hakbang Isaayos
Sa tulong ng mga pananda mas madaling matukoy ang pagkasunod-sunod ng
pangyayari. Pagsunod-sunorin ang mga pangyayari ayon sa wastong ayos sa
pamamagitan ng pagsulat ng bilang 1-5. Isulat sa sagutang papel.
1.Sumunod ay nilinis niya ang kanilang bakuran.
2.Nang makita ng kanyang ina ang kanyang ginagawa siya ay natuwa.
3.Unang ginawa ni Jose sa umaga ay ang pagsasaing ng bigas.
4.Kaya niluto ng kanyang ina ang poborito niyang ulam.

5.Pagkatapos nilang kumain ay nagpahinga na sila.


Isaisip
Punan Mo Ako!
Kailangan ko ng kaalaman mo. Nawawala ang mga pananda kaya hinanap ko ito at
inilagay sa kahon ngunit hindi ko na alam kung saan ito ilalagay. Maari mo ba akong tulungan na
ilapat ang mga pananda sa wastong puwesto niya.
Panuto: Basahin at unawain ang tata sa ibaba. Piliin ang angkop na pananda upang mabuo ang
diwa. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Unang una Pangalawa Pagkatapos Pinakamahalaga panghuli

na dapat gawin kapag may kalamidad ay making sa balita upang alam


________na dapat Gawain kapag may kalamidad ay makinig sa balita upang alam natin ang mag
natin ang mga
nangyayari. _________ay nangyayari.
mag-imbak - at pagkain gaya ng mga de lata at biscuits upang hindi
ng tubig
magutom. ay ihanda ang mga ay kailangang
mag-imbakkagamitan
ng tubig atgaya ng gaya
pagkain flashlight,
ng mga kandila
de at pito. -
sa lahat ay manatiling kalmado tayo upang maiwasan ang dagdag na sakuna. At
lata at biscuits
sumubaybay sa balitaupang
para sahindi
mga magutom.
pagbabago. ay ihanda
ang mga kailangang kagamitan gaya ng flashlight, kandila at
pito. -
Isagawa
sa lahat ay manatiling kalmado tayo upang maiwasan

Itala Mo! ang dagdag na sakuna. At sumubaybay sa balita para


Natatandaan mo pa ba ang mga hakbang kung paano mo isinagawa ang iyong sarbey?
sa mga pagbabago.
Gamit ang mga pananda gumawa ng isang talata na naglalahad ng proseso kung paano mo
isinagawa ang iyong sarbey. Gumamit ng hindi bababa sa tatlong pananda at bilugan ito.

Tayahin
Basahin at unawain ang mga pahayag. Piliin ang ginamit na mga pananda at isulat sa
sagutang papel.
1. Pagkatapos siyang napag-utusan ay natulog na si Anna nang maaga.
2. Sa wakas ay natapos na si Jose sa kanyang pag-aaral
3. Unang dapat gawin kapag may kalamidad ay making sa balita.
4. Namanhikan si Jose kina Hanna saka sila magpagkasal.
5. Tunay na may mapagbigay ang pamilya Malario.
6. Sa umpisa nang paninilbihan ni Mayor Hidalgo sa aming bayan ay marami na
siyang natulungan.
7. Nag-aral nang maigi si Juliet at sa huli siya ay nakapagtapos ng pag-aaral.
8. Bilang paglalahat ng nakalap na impormasyon nakita ng mananliksik na
maraming naghihirap sa barangay Malaya.
9. Nakita sa graph na marami ang tumatangkilik at nasisiyahan sa brand x
walang duda na mabinta ang produkto.
10. Sa dakong huli nakamit ni Hilda ang kanyang pangarap.

Karagdagang- Gawain

Binabati kita dahil nasa dulo ka nang modyul na ito. Upang wakasan ang modyul na ito may huling
gawain kang dapat matapos. Gamit ang mga sumulat ng isang talata na naglalahad ng
pagkasunod-sunod ng mga hakbang ng pananaliksik.

Ibuod mo!
Sana lahat ng natutunan mo a modyul na ito ay magamit mo sa hinaharap.
Mga tungkuling ginagampanan ng pananda:
1. Mga panandang Naghuhudyat ng pagkasunod-sunod ng mga kilos/
pangyayari o Gawain:
a. Sa pagsisimula: Una, sa umpisa, noong una, unang-una
b. Sa gitna: Ikalawa, ikatlo, …., sumunod,pagkatapos, saka
c. Sa wakas: sa dakong huli, sa huli, wakas
2. Pagbabagong-lahad- sa ibang salita, sa kabilang dako, sa madaling
salita
3. Pagbibigay-pokus- bigyang pansin, pansinin, tungkol sa
4. Pagdaragdag- saka, at, sa pagdaragdag, pagpapatuloy
5. Paglalahat- bilang paglalahat, sa kabuoan, samatuwid
6. Pagtitiyak o pagpapasidhi- siyang tunay, walang duda
Pagsulat ng Resulta ng
Aralin Pananaliksik
5.4

Alamin
Ako’y nagagalak sa iyong pagbabalik. Halika na at tayo ay may panibagong hamon.

Sa modyul na ito ay magagamit sa pagsulat ng resulta ng pananaliksik ang awtentikong datos na


nagpapakita ng pagpapahalaga sa katutubong kulturang Pilipino.

Subukin

Panuto: Halika at suriin natin ang graph at sagutan ang mga katanungan. Isulat ang
iyong sagot sa patlang.

Ano ang kadalasang binabasa mo?


60

50

40

30

20

10

0
Alamat Epiko Tula Nobela

Babae Lalake Kabuoan

1.Ilang ang kabuoang nagbabasa ng Alamat?


2.Aling uri ng panitikan ang kadalasang binabasa?
3.Aling uri ng panitikan ang may pinakamamababang mambabasa?
4.Ilang babae ang nagbabasa ng tula?
5.Ilang lalake ang nagbabasa ng epiko?
Balikan
Panuto: Ihanay ang mga pananda sa wasto niyang tungkulin.

Una sa umpisa noong una unang-una sa dakong huli

Ikalawa ikatlo sumunod pagkatapos saka sa huli wakas

Umpisa Gitna Wakas

Tuklasin

Guhit-Graph
Basahin ang sitwasyon at gumuhit ng graph na nagpapakita ng datos na
nakalap mula sa sarbey.

Sitwasyon: Si Anna ay gumawa ng isang sarbey upang malaman kung anong katutubong
kultura ng mga Pilipino pinakakilala ng kanyang mga kapwa mag-aaral.
Lumabas sa datos na nakalap ni Anna na mayroong 40 na mga kapwa mag-
aaral niya ang kilala Bayanihan, 50 naman alam ang Simbang Gabi at 30
naman ang nakikilala ang Semana Santa.

Suriin
Basa-sagot
Presentasyon, Pagsusuri at Interpretayson ng mga Datos
Ang bahagi ng pananaliksik na Presentasyon, Pagsusuri at Interpretasyon ay ang
pinakamahalaga. Sa kabanatang ito Inilalahad ang nilalaman ng pag-aaral na
kinapalolooban ng mga nakalap na datos mula sa mga kaisipang nasaliksik sa mga aklat,
tesis, disertasyon, jornal at iba pa.
a. Pag-ugnay-ugnayin ang mga kaisipang nasaliksik upang mabuo ang ang
paglalahad sa bawat paksang tatalakayin.
b. Suriin ang kaisipang natalakay sa pamamagitan ng paglalahad ng mga
datos na nakalap mula sa mga sarbey, pakikipanayam, at mga hinangong
sanggunian.
c. Iinterpret o bigyang kahulugan ang kaisipang nasaliksik batay sa resulta
ng pag-aaral. Maaring gumamit ng talahanayan, grap, tsart at iba pang
kaugnay ng mga ito.
Lagom, Konkluyson at Rekomnedasyon
Sa paglalagom ng resulta, ipakita ang pinakamahalang resulta na nakita sa pag-
aaral. Ibase naman ang konklusyon sa nakitang mga resulta sa pag-aaral. Ang
konklusyon ay ang kabuoang pahayag na maaring makapagbigay ng kasagutan sa
suliranin ng pananaliksik. Sa pagbibigay naman ng rekomendasyon, itukoy ito sa mga
partikyular na sektor at siguraduhing ang mga ito ay magagawa, dahil ang rekomendayon
ay ang mga planong dapat bigyan ng aksyon at maaring isaman sa mga susunod na
pananaliksik. Maaring ang mga rekomendasyon ay mga sariling pananaw at kaisipan ng
may-akda tungkol sa ikabubuti at ikasusulong ng ganitong pag-aaral. Dapat ding
matukoy sa rekomendasyon ang maiaambag ng ginawang pag-aaral sa pamumuhay ng
tao sa partikular na sektor na kaniyang kinabibilangan upang magsilbing pakinabang sa
kanyang lipunang ginagalawan.

Panuto: Basahin ang pangungusap at bilugan ang t.

1. Ito ay ang kabuoang pahayag na maaring makapagbigay ng kasagutan sa


suliranin ng pananaliksik.
a. Datos c. Rekomendasyon
b. Grap d. Konklusyon
2. Ito ay ay ang mga planong dapat bigyan ng aksyon at maaring isaman sa mga
susunod na pananaliksik.
a. Datos c. Rekomendasyon
b. Grap d. Konklusyon
3. Sa kabanatang ito inilalahad ang nilalaman ng pag-aaral na kinapalolooban ng
mga nakalap na datos mula sa mga kaisipang nasaliksik sa mga aklat, tesis,
disertasyon, jornal at iba pa.
a. Sanggunian
b. Kaugnay na Literatura
c. Lagom, Konklusyon at Rekomendasyon
d. Presentasyon, Pagsusuri at Interpretasyon ng mga Datos
4. Saan na angkop ang pahayag na ito: “Ayon sa panayam kay Gng. Herera ang
mga tao sa kanyang baranggay ay nahihirapan dahil sa pandemyang
kinakaharap.”?
a. Sanggunian
b. Kaugnay na Literatura
c. Lagom, Konklusyon at Rekomendasyon
d. Presentasyon, Pagsusuri at Interpretasyon ng mga Datos
5. Saan angkop ang pahayag na ito: “Batay sa nakalap na datos sa pag-aaral ay
lalong nasisira ang ang ating ozone layer kaya maaring gumawa ng isang
programa gaya ng Sagip Kalikasan na kung saan isinusulong nito ang tamang
pag-aalaga ng ating kalikasan.”?
a. Sanggunian
b. Kaugnay na Literatura
c. Lagom, Konklusyon at Rekomendasyon
d. Presentasyon, Pagsusuri at Interpretasyon ng mga Datos

Pagyamanin
I-Search Mo!
Ito na ang panahon na kung saan bubuksan mo ang iba pang mga aklat, dyaryo
o internet at magsaliksik hinggil sa katutubong kultura ng mga Pilipino gaya ng
Bayanihan, Flores de Mayo, Simbang Gabi, Tinikling at iba pa. Pumili lamang ng isang
katutubong kultura at isulat ang mga nakalap mong impormasyon. Huwag kalimutan na
itala rin ang pinagkunan mo ng impormasyon.

Isaisip
Itanong Mo
Matapos kang magsaliksik sa napili mong Katutubong Kultura ay panahon naman
upang magtanong ka sa mga taong nasa bahay niyo hingging sa paksa mo. Isulat ang
mga impormasyon na nakuha mo sa iyong panayam.

Isagawa
End Mo Na! Gamit ang nakalap na impormasyon, sumulat ng isang kognklusyon.
Tayahin
Panuto: Gumawa ng graph ayon sa ibinigay na datos at ng kongklusyon.
Nagkaroon ng sarbey hinggil sa kultura ng mga Pilipino na
tinatawag na “Mano”. Gusto nilang malaman kung ilang kabataan pa ba ang
nagmamano sa mga matatanda. At ayon sa kanilang tally 40 kabataan ang
nagmamano pa rin at ang 10 kabataan ay hindi na nagmamano.

Karagdagang- Gawain
Mayroon bang problema, pagkukulang o dapat gawin sa ating katutubong
kultura? Isulat ang iyong rekomendasyon batay rito.
Aralin 4 Aralin 3
Subukin Subukin
1. 40 1. Pagkatapos
2. Nobela 2. Sa wakas
3. Epiko 3. Unang
4. 30 4. Saka
5. 20 5. Tunay na
Balikan 6. Sa umpisa
Umpisa Gitna Wakas 7. Sa huli
Una Saka Sa huli 8. Bilang Paglalahat
Sa umpisa Ikalawa Sa dakong huli 9. Walang duda
Noong Una Ikatlo 10. Sa dakong huli
Unang-una Sumunod Balikan
Pagkatapos 1. Tama
2. Tama
Suriin 3. Tama
1. D 4. Mali
2. A 5. Mali
3. C Tuklasin
4. C 1. Walang Duda- F
5. D 2. Bilang Paglalahat -E
Isaisip 3. Saka-A
1. Unang-una 4. Kasunod-A
2. Pangalawa 5. Bogyang oansin-C
3. Pagkatapos Pagyamanin
4. Pinakamahalaga 1. 2
5. Panghuli 2. 3
Tayahin 3. 1
1.Pagkatapos 4. 4
2. Sa wakas 5. 5
3. Unang Tayahin
4. Saka 1. K
5. Tunay na 2. A
6. Sa Umpisa 3. G
7. Sa huli 4. C
8. Bilang Paglalahat 5. F
9. Walang duda 6. E
10. Sa dakong huli 7. J
8. I
9. B
10. D
Susing Sagot
Sanggunian
Marquez, Servillano Jr. T. Phd., “Pagbasa at Pagsuri ng Iba’t ibang
Teksto Tungo sa Pananaliksik”, SIBS Publishing House Inc.
2016
Pacay, Wilmor III L.,2016, “Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik”, JFS Publishing Services, Inc. 2016
Enjiro, W., et al., “Panitikang Pilipino- Ikawalong Baitang”, Book Media
Press, Inc. At Printwell, Inc. 2013
Villaverde, Sharon A., “Daluyan”, REX Publishing Inc. 2015
For inquiries or feedback, please write or call:
Department of Education — Division of Gingoog City
Brgy. 23, National Highway, Gingoog City
Telefax: 088-328-0108 / 088328-0118
E-mail Address: gingoog.city@deped.gov.ph

You might also like