Ang wika ay maaaring tumutukoy sa kakahayan ng tao na mag-angkin at gumagamit ng mga komplikadong sistemang pangkomunikasyon, o sa ispesipikong pagkakataon ng nasabing komplikadong sistemang pangkomunikasyon. Bilang isang pangkalahatang konsepto, ang wika ay tumutukoy sa kognitibong pakulti na nagbibigay-kakayahan sa mga tao upang matuto at gumamit ng mga sistema ng komplikadong komunikasyon. Ang salitang Ingles na language ay mula sa Latin na lingua na ang ibig sabihin ay dula. Ang metaporikal na relasyon ng mga wika at dila ay umiiral sa maraming wika at patunay ito sa historical na pagkaprominente ng sinasalitang wika. Ang mga eksperto sa wika ay may kaniya-kaniyang pagpapakahulugan sa wika bilang isang pangkalahatang konsepto man o bilang isang ispesipikong lingguwistik na konsepto. Panisinin at talakayin natin ang ilan sa mga ito. Ayon kay Webster (1974) ang wika ay isang sistema ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa pamamagitan ng mga pasulat o pasalitang simbolo. Ayon naman kay Hill (sa Tumangan, et al.,2000) sa kanyang papel na “What is Language?” wika ang pangunahing at pinakelaboreyt na anyo ng simboloking gawaing pantao. Ang mga simbolong ito ay binubuo ng mga tunog na nililikha ng mga aparato sa pagsasalita at isinasaayos sa mga klase at patern na lumilkha sa isang komplikado at simetrikal na estruktura. Halos gayon din ang kahulugang ibinigay ni Gleason (sa Tumangan, et al., 2000) sa wika. Ayon sa kanya, ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura. Mula sa mga katuturang nabanggit, mahahango natin ang mga pangunahing at unibersal na katangian ng wika na tatalakayin sa mga sumusunod na talataan.
1. Ang wika ay masistemang balangkas. Lahat ng wika sa daigdig ay sistematikong
nakasaayos sa isang tiyak na balangkas. Walang wika ang hindi nakaayon sa balangkas na ito 2. Ang wika ay sinasalitang tunog. Hindi lahat ng tunog ay may kahulugan. Sa tao, ang pinakamahulugang tunog na nilikha natin at kung gayo’y kasangkapan ng pagkakatao ay ang tunog na sinasalita. 3. Ang wika ay pinipili at isinasaayos. Sa lahat ng pagkakataon, pinipili natin ang wikang gagamitin. Madalas, ang pagpili ay nagaganap sa ating subconscious at magkaminsan ay ating conscious na pag-iisip. Bakit lagi nating pinipili ang wikang hindi nauunawaan ng ating kausap. 4. Ang wika ay arbitraryo. Kung ipinapalagay na ang wika ay arbitraryo, ano ang paliwanag sa pahayag na ito. Ayon kay Archibald A. Hill (sa Tumangan, et al., 2000) just that the sounds of speech and their connection with entities of experience are passed on to all members of any community by older members of that community. Kung gayon, ang isang taong walang ugnayan sa isang kumonidad ay hindi matututong magsalita kung paanong ang mga naninirahan sa komunidad na iyon ay nagsasalita sapagkat ang esensya ng wika ay panlipunan. 5. Ang wika ay ginagamit. Ang wika ay kasangkapan sa kumonikasyon at katulad ng iba pang kasangkapan, kailangang patuloy itong ginagamit. Ang isang kasangkapang hindi na ginagamit ay nawawalan na ng saysay. Gayon din ang wika,. Idagdag pa na kapag ang wika ay hindi na ginagamit, ito ay unti-unting mawawala at tuluyang mamamatay. Ano ang saysay ng patay na wika? Wala. 6. Ang wika ay nakabatay sa kultura. Paanong nagkaiba-iba ang mga wika sa daigdig? Ang sagot, dahil sa pagkakaiba-iba ng mga kultura ng mga bansa at sa mga pangkat. Ito ang paliwanag kung bakit may mga kaisipan sa isang wika ang walang katumbas sa ibang wika sapagkat wala sa kultura ng ibang wika ang kaisipang iyon ng isang wika. 7. Ang wika ay nagbabago. Dinamiko nag wika. Hindi ito maaaring tumangging magabago. Ang isang wikang stagnant ay maari ring mamatay tulad ng hindi paggamit niyon. Paano nagbabago ang wika? Ang isang wika ay maaaring nadaragdagan ng mga bagong bokabularyo. Bunga ng pagiging malikhain ng mga tao, maaaring sila ay nakalilikha ng mga bagong salita.