Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 20

COLEGIO DE SAN ANTONIO DE PADUA

DE LA SALLE SUPERVISED SCHOOL


GUINSAY, DANAO CITY

MODYUL 2 (Midterm)

SINING NG KOMUNIKASYON
Talaan ng Nilalaman
Modyul Bilang Petsa
ng
Pahina
Modyul 2 - Makrong Kasanayan sa Pakikinig

 Aralin 1- Kahulugan at Kahalagan ng Pakikinig _______ 2-4


Nilalaman ng Pagkatuto __________________

 Aralin 2 - Proseso ng Pakikinig


Nilalaman ng Pagkatuto __________________ 5-10

 Aralin 3 - Mga Elementong Nakaiimpluwensiya sa


Pakikinig
Nilalaman ng Pagkatuto __________________ 11

 Aralin 4 - Mga kasanayan sa Pakikinig

Nilalaman ng Pagkatuto __________________ 12-15

Kasanayang Pampagkatuto 1 16
Kasanayang Pampagkatuto 2 17
Kasanayang Pampagkatuto 3 18
Kasanayang Pampagkatuto 4 18
Kasanayang Pampagkatuto 5 18

MIDTERM EXAMINATION

1
Ikalawang Bahagi: Modyul 2 : Makrong Kasanayan sa Pakikinig
Aralin 1: Kahulugan at Kahalagan ng Pakikinig

Layunin:
1. natutukoy ang kahulugan at kahalagahan ng pakikinig
2. nasusuri ang mga kategorya ng mabisang pakikinig
Nilalaman ng Pagkatuto:
I. Kahulugan at Kahalagan ng Pakikinig

Ang pakikinig ay paraan ng pagkatanggap ng mensahe sa pamamagitan ng ating pandinig. Ito


ay bahagi ma ng pang araw-araw natinh buhay. Ayon kay Yagang (1993), ang pakikinig ay ang
kakayahang matukoy at maunawaan kung anak ang sinasabi ng ating kausap. Ayon naman kina
Howatt at Dakin (1974) sa kasanahang ito ay napakaloob din ang pag-unawa sa diin at bigkas,
balarila at talasalitaan, ay pag papakahulugan sa nais iparating ng tagapagsalita. Ang isang
mahusay ma tagapakinig ay may kakayahang magawa ang apat na ito nang sabay-sabay.
Sa pagsipang palang pa lamang ng isang sanggol taglay na niya ang kasanayan sa
pakikinig. Hindi man siya makapagsalita o makapaghayag ng kanyang damdamin tungkol sa
kanyang naririnig, nailalarawan niya ang kanyang pagsang-ayon o pagtutol sa bawat tunog na
kanyang naririnig sa pamamagitan ng kanyang paglaki ay unti-unti na siyang nagkakaroon ng
pang-unawa sa lahat ng kanyang naririnig sa pamamagitan ng mga kasanayang natutunan niya sa
kangyang pag-aaral o di kaya'y sa tulong ng media.
Binanggit ni Willis kay Yagang noong 1993 ang mga kasanayang micro sa pakikinig na
tinatawag niyang enabling skills tulad ng mga sumusunod:
 Paghihinuha kung ano ang mga magiging paksa ng usapan
 Paghuhula ng hindi kilalang salita o parirala
 Paggamit ng sariling kaalaman sa paksa para sa dagliang pag-unawa
 Pagtukoy sa mga mahahalagang kaisipan at pagbabalewala ng mga di mahahalagang
impormasyon.
 Pagpapanatili ng mga mahahalagang impormasyon sa pamamagitan ng pagtatala o
paglalagom
 Pagkilala aa mga diskora marker tulad ng kung gayon, ngayon, aa wakas, atb.
 Pagkilala sa mga cohesive devices gaya ng mga pangatnig, paghalip atb.
 Pag-unawa sa ibat ibang huwarang intonasyong at paggamit ng diin na maririnig maging
hudyat ng mensahe at kalagayang sosyal.
 Pag-unawa sa mga pahiwatig na impormasyon tulad ng intensyon o saloobin ng
tagapagsalita.

Ngunit, kung ating ililihim ang katayuan o kalagayan sa kasalukuya ng ating mga kasanayn
sa wika-pakikinig, pagsasalita, pagbasa, ang pakikinig ah karaniwang, di nabibigyan ng halaga.
Nakalulungkot isipin na ang mga mag-aaral ay nagiging mahusay sa pagbasa at pagsulat ngunit
may kahinaan sa aspeto o kasanayam sa pakikinig. Maging sa pag-unawa ng sariling
lenggwaheng naririnig ay nagkakaroon din ng kahinaan ang mga mag -aar. Marahil, hindi sila
lubos na naniniwa na ang wastong pakikinig ay makakatulong nang malaki sa pag-aaral maging
sa iba't iba pang gawain sa tahanan at sa wastong pamumuhay. Maaring nasasaisip nila ang
ganitong mga katanungan: Hindi iba't iba raw-araw ay lagi naman akong nakikinig? Bakit
kailangan pa na ako'y maglaan ng panahon upang higit kong matutunan ang mabising pakikinig?
Hindi kaya ito'y pag-aaksya lang ng aking oras at isip? Ayos naman ang lahat sa aking paligid.

2
Subalit ang mga palagay kayang ito ay tama? Masusubok mo lamang ang iyong busay sa
pakikinig kung masasagot mo nang matapat ang mga sumusnod na tanong:

1. Nauunawaan ko kaya ang aking napakinggan?


2. Gaano ko nauunawaan ang aking napakinggan?
3. Walang labis kaya o kulang ang aking napakinggan?
4. Nagkaroon ba ako ng pag-unawa sa mensage ng aking napakinggan?
5. Gaano ko katagal natandaan ang sinabi ng aking kausap?
6. Gaano ko katagal natandaan ang aking narinig sa radyo o tagapagsalita?
Marahil, dapat ninyong mabatid ang katotohanang ang pakikinig ay isang kasanayang maaring
linangin at higit pang mapaunlad. Sa dahilang 60 hangganv 70 bahagdan ng iyong oras ay
inilalahan ninyo sa pakikinig sa inyong guro at mga kamag-aral, sa inyong mga magulang at iba
pang myembro ng tahanan, sa radyo at iba pang programa sa telebesyon, kailangang pag-ukulan
ninyo ito ng ibayong pansin.
Ang pakikinig ay napakahalaha sapagkat ito ay nakapagpapalawak ng kalaaman ng tao. Ito
ri. Ay maaring maging daan ng pag uunawaan, ang pag-unawa sa damdamin at kaisipan ng isang
tao upang sa gayon ay mabigyang katwiran ang kanyang mga gawi, kilos, at paniniwala.
May mga pagkakataon ding ang mabisang pakikinig ay nakagagaan sa kalooban ng isang
tao upang sa gayon ay mabigyang katwiran ang kanyang mga gawi, kilos, at paniniwala.
May mga pagkakataon ding ang mabisang pakikinig ay makagagaan sa kalooban ng isang
taong nagpapahayag ng kanyang suliranin. Sa pamamagitan ng kanyang mabisang pakikinig,
nakapagbibigay siya ng puna at payo sa taong kausap. Ang pakikinig din ay isang mabisang
paraan upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan.
Sa paaralan at sa tanggapan, ang mga impormasyon ay karaniwang ibinibigay nang
pasakita, halimbawa, sa pag-uutos, panayam, at pagtatalakayan na nangangailan ng buong
atensyon, pag-unawa, at pag tanda o panggunita sa narinig. Ang kakulangan sa alin man sa
tatlong ito ay ay maaring humantong sa pagtanggap ng mababang marka kung mag-aaral at
pagkawa sa tungkulin kung isang kawani.
Kapag ang isang tao ay natuto ng wasting paraan sa pakikinig, magiging maayos ang
kanyang pamumuhay at makakamit niya ang tagumpay.
Bakit kailangang ituro ang pakikinig?
Maraming kadahilanan kung bakit kailabgang ituro ang pakikinig. Ilan sa mga ito ay ang
mga sumusunod:
1. Ang pakikibig ay mahalaga sa ating pang-araw-araw na pakikipamuhay. Gaya ng sabi ni
Wilga Rivers (1981),

makalawang bese tayong nakikinig kaysa sa pagsasakita, makaapat na bese kaysa sa pagbabasa
at makalimang beses sa pagsulat.
Ayon naman kay Nida (1975), "Ang pagkatuto sa pagsasalita ng isang wika ag
nakasalalay nang malaki kung gaank iyo napakinggan nang mabuti." Kaya, napakahalaga ng
pakikinig sa paglinang ng kasanayan ng pagsasalita.

3
II. Kategorya at Uri ng Pakikinig

Mayroon tayong tinatawag na mga kategorya ng pakikinig. Ito ay ang mga sumusunod:
1. Malugod na Pakikinig
Ang pakikinig na ito ay isinasagawa nang may lugod at tuwa sa isang kwento, dula, tula at
musika.
2. Masigasig na Pakikinig
Sa layuning magkaroon ng angkop na kabatiran sa pangunahing ideya o paglalahat ng
tagapagsalita, ang nakikinig hanggat maari ay malapit sa nagsasalita o nag-uusap para sa ganap
na pag-unawa sa nilalaman ng usapan.

3. Marginal o Passive na Pakikinig


Ito'y hindi pangkaraniwang gawain ng pakikinig sapagkat ito'y isinasagawa sa kasabay ang iba
pang gawain. Halimbawa, pakikinig sa isang usapan habang kumakain, nagsusulat, naglalaba,
at iba pang gawain.

4. Mapanuring Pakikinig
Ang kategorya namang ito ay isang pakikinig na nag susuri at naghahatol sa kawastuhan ng
mensaheng napakinggan. Ang ganitong uri ng pakikinig ay naisasagawa kung nasasabi ang pag-
uugnayan ng mga kaisipan obideyang napakinggan; nasasabi ang kaibahan ng katotohanan sa
panstasyang totok o opinyon, at iba pa.

4
Aralin 2: Proseso ng Pakikinig
Layunin:
1. nasusuri ang mga proseso ng pakikinig
Nilalaman ng Pagkatuto:
Ang mga tainga ay palagi nang may tunog na naririnig. Ngunit sa kabila nito ay hindi
natin binibigyan pansin ang anumang tunog na ating napakinggan. Masasaktan natin ang isang
tao ay nag-uumpisa lamang ng lamang ng pakikinig kapag binibigyan na niya ng pansin ang mga
tunogna napakinggan at gumawa na ang pagsisikap upang mauunwaan at maipaliwanag ang mga
ito. Ang pakikinig ay magiging mabisa lamang kapag ang taong nakikinigay nagtataglay ng mga
kaalaman sa pagtanggap ng mensahe.
Narito ang ilang patnubay sa mabisang pagtanggap ng mensahe.

1. Huwag magsalita

Ito ang unang hakbanh upang maging mahusay na taga pagkinig. Bilang mag-aaral, dapat
ninyong, malaman na hindi kayo dapat na makipag-usap sa katabi habang nakikinig sa halip
dapat ninyong ituon ang inyong buong pag-iisip at konsentrasyon sa mensaheng pinagpakinggan.
2. Ihanda ang sarili sa pakikinig.
Sa pagtanggap ng mensahe, nararapat lamang na tanggalin ang anumang balakid sa isipan
upang matanggap ng buo, walang labis at walang kulang, ang mensahe ng taonh pinapakinggan.
Hindi lamang ang pag iisip ang dapat ihanda, bagkus ay dapat ding maging maayos ang pisikal
na pakiramdam ng taong nakikinig. Ang isanh taong nakikinig ay nararapat na mah karoon ng
masiglang pakiramdam ng taong nakikinig. Ang isang taong nakikinig ay nararapat na
magkaroon ng magsiglang pakiramdam at hindi inaantok upang sa gaykn ay matanggap niya nang
maayos ang sinasabi ng nagsasalita.

3. Magkaroon ng kontrol sa kapaligiran

Sa pakikinig, nararapat na tanggalin o alisin ang anumang bagay na maaring makagawa


ng ingay at makaapekto sa taong nakikinig. Ang isang tahimik na oras at lugar ay maaaring
makatulong sa mabisanh pagtanggap ng mesahe.

4. Sikaping magkaroon ng kawilihan


Ang pagpapahalaga o interes ng taong nakikinig ay lubhanhahalaha sa pagtanggap ng
mensahe. Ang isang, paksang pinapKinggan ay napakahanda at kawili-wili sa taonh may inyeres
sa pkikinig. Ngunit, anumang mesahengahanda ay nawawan ng kabuluhan sa isang taong Sal S
isip anv pakikinig. Karaniwan, ang ilan sa mga mag-aaral nasa loob lamang ng silid-aralan at
kunwaring nakikinig sa sinasabi ng kanilang guro. Subalit ang kanilang isip ay nakatuo. Sa iba't
ibang alahanin. Naglalakbay ang kanilang diwa sa ibang bagay na higiy na maganda para sa
kanila.
Mahalahagang isipin na mabuti na ang makinig upang kahit paano ay may mapulot na
pakikinabanh sa sinasabi ay may mapulot na pakikinabang aa sinaaabi ng magsasalita. Iwasa.
Ang pakakaroon ng negatibong kaisipan tungkol sa pinapakinabangan upang maging maayos
ang pagtanggap ng mensahe.

5. Ihanda ang kaisipan sa Pakikinig


Hindi lahat ng pahayag ng nagsasalita ay madaling unawain, mayrokn ding mababaw o
malalamin na pagkukulugan. May mga oahayag ma nasa mataas na uri ng kaisipan ngunit

5
kinakailngan din itong kawilihan ng nakikinig ay hindi dapat masanay sa pagtanggap ng
karaniwan ag mababaw na pahayag na hindi na nangangailangan ng paglihim l masusing pag-
iisip.

6. Kilalanin ang mahahalagang puntos.


Hanapin ang pinamadiwa sa pinakikinggan. Ang isang mabisanh tagapagkinig ay hindi
lamang nakikinig dahil sa paksang tinatalakay. Dapat alamin at kunin anh mahalaganh ideya,
gayundin ang layunin ng tagapagsalita at ang mga pamamaraang kanyang ginagamit upang
maisakatuparan ang kanyang layunin. Ang mga pag-ugnay-ugnayin upang lubos na maging
malawak ang pag-unawa sa mensaheng napakinggan. Mahalaga ring tandaan ang paglalagom ng
tagapagsalita sapagkatt naroon ang bahaging mahalaga.

7. Ang bagay na ito ay isa ring mahalagang proseso na dapat isaalang-alang ng nakikinig.
Kung ihahambing ang bilis ng pakikinig sa pagsasalita ay tiyak na mas mabilis ang
pakikinig. Mahanda ring subukin ang sariling buod ng sinasabi ng tagapagsalita. Sa ganitong
paraan ay mabibigyan natin ng tagapagsalita. Sa ganitong paraan ay mabibigyan natin ng pagitan
ang pakikinig at pagsasalita at nabibigyan pa tayo ng pagkakataong maging kasali sa
lakikipagtalastasa at higit sa lahat, maiwasan ang mangarap at maabala.

8. Iwasan ang maagang pagpuna sa tagapagsalita


Ang bagay na ito ay higit na makasisira sa kakayahan sa pakikinig. May mga tagapakinig
na sadyang metikulo. Sila ay nakapukos kaagad sa kakayanan ng tagapagsalita sa kilos, bigkas,
kalaliman o kababawan ng mensahe o anumang katangian o kapuntasan mayroon ang
tagapagsalita. Ang pagbibigay pansin sa ganitong mga bagay ay nagdudulot lamanh ng
pagkabigo sa pag-unawa ng mensahe ng nagsasalita.

9. Iwasan ang maagang pagpuna sa mensahe


Magiging makatarungan ang pagpuna ng mensahe kung ito ay gagawin matapos marinig
ang kabuuan ng sinasabi ng tagapagsalita. Dapat iwasan ng isang tagapagkinig na punahin
kaagad ang narinig hanggan hindi pa natatapos ang talumpati ng nagsasalita. Ang gawaing ito ay
nagpapahiwatig ng hindi patas na pag papapakahulugan sa mensahe ng nagsasalita.

10. Sikaping huwag pansinin ang mga bagay na makagagambala sa pakikinig


Sa isang nakikinig, dapat niyang tiyakin na ang kanyang buon isip ay nakatuon lamang sa
sinasabi ng nagsasalita. Kung magkagayon, hindi siya maliligaw sa diwa na sinasabi ng
tagapagsalita.

11. Husgahan ang nilalaman, huwag ang nagsasalita o ang paraan ng paghahatid.
May mga tagapagkinig na tumitingin aa pisikal na kaanyuan o kaya'y sa istilo ng
paghahatid ng mensahe ng nagsasalita. Ang magandang mukha, boses, at paraan ng pagbigkas
ay talagang malaking tulong sa pagkuha ng atensyon ng nakikinig. Subalit, mayroon din naman
tayong mga magagaling na tagapagsalita ngunit hindi kagandahan ang mukha. Dapat isaisip ng
isang tagapagkinig na maaring pangit ang mukha, ang tinig, ang paraan. Ng pagbigkas, nginit
ang mahalaga'y ang sinasabi.

12. Sa pagtatanggap ng mensahe, nararapat ang pagkakaroon ng bukasan na isipan.


Sa pagkakaiba ng tao sa isa’t isa, iba-ibang rin ang kanyang pananaw, ideya at opinion.
May mga taong malawak at mataas ang pananaw sa buhay. Mayroon din namang nasisiyahan na
lamang sa kung ano ang kanyang abot tanaw. Ngunit, sa kabila ng mga dahilang ito ay patuloy
pa aring nananatili ang karapatang pantao – ang paggalang sa ideya at opinion ng kapwa.

6
Sa isang mahusay na tagapakinig, isang magandang gawi ang ang paggalang sa
tagapasalita at sa kanyang karapatang magkaroon ng pansariling pananaw sa mga isyu na
kanyang tinatalakay.
Mahalagang unawain at marinig munang lahat ang kabuuan ng sinasabi ng nagsasalita.
Makagagawa ka lamang ng pagpapasya matapos mong marinig ang lahat ng pangangatwiran na
kanyang ipinahayag. Ngayon, ang paghuhusga mo’y maaring maimpluwensyahan ng iyong
napakinggan o dili kaya’y maari mo ng sabihin kung saang punto siya mali o saang punto mo
gusting magbigay ng katwiran ayon naman sa iyong sariling pananaw at pagkakaunawa.
13. Ang isang tagapakinig ay nararapat na maging mapanuri at malikhain habang
nakikinig.
Sa isang mahusay na tagapakinig, madali para sa kanya ang pagtanggap at pag-unawa
sa mensahe kung kaya nagiging mabilis ang tako ang kanyang isip. Dahil dito, nagkakaroon ng
pagtitimbang-timbang, magsuri, at magdagdag ng ideya habang nakikinig.
Sa isang dahilang siya ay sanay na at magaling na tagapakinig, maaring gawin niya
ang mga sumusunof na Gawain:
a. Iniisip niya ang susunod pang sasabihin ng nagsasalita.
b. Sinusuring mabuti ang maaring iba pang kahulugang dala ng mga linya.
c. Pinagtutunan niya ng pansin ang pagpapalit ng tono, pagbabago ng tinig, ekspresyon
ng mukha, ang kumpas ng kamay at iba’t ibang galaw ng katawan na may dalang iba’t
ibang kahulugan.
d. Pinag-uugnay sa isip ang sinasabi ng nagsasalita at inaalam kung anong punto ang
bibigyan ng diin.
e. Tinitimbang – timbang sa kanyang isip kung tama, totoo, makatwiran o makatarungan
ang sinasabi ng nagsasalita.
14. Mabisa ang pagtatala kung kailangan.
Napakahalaga ang pagtatala ng mahahalagang puntos upang hindi makalimutan ang
mga bahaging binibigyang diin ng nagsasalita. Magiging mabilis ang pagsasagawa nito kung
tayo ay magiging handa sa kagamitan gaya ng ballpen, papel o kwaderno. Maari ring gumamit
ng shorthand sa pagbabalangkas ng mensahe o kaya naman ay keyword sa pagsulat ng
mahahalagang salita o parirala.
IV. Pagtanggap ng Mensahe
Dagdag pa rito, mayroon din tayong tinatawag na ilang mga proseso sa pagtanggap ng
mensahe.
A. Proseso Top- Down
Habang nakikinig ang isag tagapakinig, maari siyang makarinig ng ilang impormasyon na
maari niyang maiugnay na dating kaalaman. Ang dating kaalaman at ang bagong narinig na ito
ang magiging patnubay niya upang hulaan ng uri ng impormasyong maari niyang mapakinggan.
Sa ganitong uri ng pakikinig, masasabi nating ang isang tao ay gumagamit ng prosesong “top-
down.” Malaki ang maitutulong upang lubos na mauunawaan ang napakinggan kung magagawa
ng tagapakinig na maiugnay ang narinig sa kung anumang impormasyong taglay na niya.
Mahalagang malaman ninyo na sa pakikinig ay kinakailangang makaroon muna ng isang
gawaing tinatawag na bago – makininig o pre- listening upang kayo ay matulungan kung paano
maiugnay ang pakikinggang teksto sa taglay na ninyong kaalaman.

7
B. Prosesong Bottom – up
Ang prosesong ito ay ginagamit kung ang napakinggan ay walang kaugnayan sa
impormasyong dating alam na. Ang bottom – up na pakikinig ay unti-unting pagbuo ng
kahulugan (building blocks) sa pamamagitan ng pag – unawa sa lahat ng mga datos linggwistika.
Ang ganitong prosesong pakikinig ay mas mahirap. Upang hindi mahirapan sa ganitong proseso
sa pakikinig ay huwag ninyong ipokus ang inyong atensyon sa mga “building rock” ; pagbigkas,
kaalaman sa talasalitaan atb. Sapagkat ang pokus naman ng pakikinig ay hindi upang bigyang
pansin ang magandang pagbigkas ng tunog o salita bagkus, tayo ay nakikinig upang makuha ang
mensahe ng pinakapakinggan. Kaya dapat ninyong matutuhan ang pakikinig upang makahulugan
ang mensahe: paggamit ng anumang hudyat na makakuha mula sa konteksto sa pinapakinggan
tulad ng sino ang nagsasalita, ano ang paksa, ang layunin, para kanino ang mensahe, saan ang
lugar na tinutukoy at iba pa upang maging makabuluhan sa inyo ang pinapakinggan.
Samantala, kailangan din ninyong matutuhan ang pakikinig na ang pokus ay
“whole-to-part”. Ito ay pakikinig upang maaunawaan ang kabuuan ng mensahe. Sa paggawa ng
ganitong bagay, dapat ninyong isaisip na ang kaalaman sa balarila, talasalitaan, at iba pa ay mga
pantulong lamang at hindi totoong mahalaga kung inyong uunawain ang mensahe ng kabuuan.
V. Aktibong Proseso ng Pakikinig
Kasabay ng pakikinig ng isang tao ay ang pagbuo niya ng sariling
papapakahulugan ukol sa narinig. Ginagawa niya ito sa pamamagitan ng pamaraang aspektong
kognitibo sa pakikinig kung saan, ginagawa niya ang mga sumusunod na hakbang:
- Pagtukoy sa pangunahing ideya.
- Pagtukoy sa pagsuportang detalye.
- Pagkilala sa mga pahayag na katotohanan sa opinion lamang.
- Paghula sa kahulugan ng mga bagong salitang napakinggan.

Mayroon din namang tinatawag na apektib o pandamdam na pakinig. Ang isang


nakikinig ay maaring magsabi na ang kanyang pinapakinggan ay nakababagot o dili kaya
naman ay labag sa pagpapahalagang moral. Maari rin siyang masiyahan sa tinatalakay ng
nagsasalita. Dapat ninyong tandaan na ang interes, saloobin at pagpapahalaga ninyo
bilang tagapakinig ay nakabatay sa kung paano ninyo papakahulugan at tutungunin ang
mensaheng napakinggan.
Samantala, narito ang ilang hakbang sa aktibong proseso ng pakikinig na tinutukoy nina
Rivers at Temperly (1978, binanggit kina Nicholas, Lukong: 1988).
1. Habang ang isang tagapakinig ay patuloy na nakaririnig ng mga tunog o daloy ng
mga tunog, ang Una niyang ginagawa ay tukuyin kung ang mga ito’y makabuluhan (hal.
Wika a musika) o Di – makabuluhan.

2. Susunod niyang gagawain ay ang pagbuo ng isang balangkas o iskultura sa daloy


ng mga tunog.Sisikapin niya itong isa-isahin bilang mga salita at pangungusap kung ito’y
wika o dili kaya’y ang mga katumbas nitong elemnto kung ito’y isang musika.

3. Pagkatapos ay susuriin niya ang mga tunog sa kanyang isipan at pipiliin ang mga
makabuluhang tunog ayon sa kanyang pagtataya. Itatala niya ang mga mahahalagang
impormasyon sa kanyang isipan upang kuning muli sa darating na panahon kung
kinakailangan.

A. Pagpokus ng Atensyon sa Tinanggap na Mensahe

8
Isa sa mahalagang sangkap sa mabisang pakikinig ang pagpokus ng atensyon sa
tinatanggap na mensahe. Sa proseso ito nagsisimula ang kritikal na pag – uanwa at
pagpapahalaga sa bawat puntos na narinig sa nagsasalita. Dito tinitimbang ang bawat puntos na
binigyan diin ng nagsasalita. Ang pagpapahalaga ay batay sa narinig mula sa nagsasalita.
Mahalagang malaman ng isang tagapakinig na kailangang siya’y magtaglay ng isang layunin sa
pakikinig nang sa gayon ay maging makabuluhan sa kanya ang mensahe na kanyang
pakikinggan. Sa pagpokus ng atensyon, kinakailangang hawanin ng tagapakinig ang anumang
balakid na makakasira o makagagambala sa maayos niyang pakikinig nang sa gayon maging
malinaw sa kanyang pandinig ang sinasabi ng nagsasalita.

B. Pagpapakahulugan sa Mensahe ng nagsasalita kung ito ay balewala sa taong nakinig.


Ang pakikinig ay hindi lamang pagkuha ng mensahe o pagtatala ng mahahalagang datos
mula sa taong nagsasalita. Higit itong magiging makabuluhan kung ang mga datos na naitala o
ang diwa ng mensaheng napakinggan ay bibigyan ng pagpapakahulugan. Ang pagpapakahulugan
ay maaring gawin sa mga sumusunod:

1. Tinig
Iba’t ibang tinig ang maaring marinig sa tagapagsalita upang mabigyan ng diin ang
puntos na nais maitanim sa kaisipan ng mga nakikinig. Maaring ito ay tinig na mahinahon,
marahas, madiin, malakas, mahina, pagalit, nagsusumamo, masigla, malungkot, natatakot,
nangangamba, tinig ng pag-asa pagkabigo, pagkamuhi, paghihigante at iba pa ayon sa hinihingi
ng damdaming ipahahayag.

2. Ekspresyon ng mukha
Sari-saring ekspresyon din ang maaring mabigyang kahulugan ng ekspresyon ng mukha
batay sa damdaming isinasaad ng sinasabi. Kapag batay sa damdaming isinasaad ng sinasabi.
Kapag ang ekspresyon ng mukha ay nakangiti at maaliwalas ang kahulugan nito ay saya,
kaligayahan o dili kaya naman ay tagumpay. Kung nakasimangot naman ang nagsasalita,
maaring ito’y tanda ng pagkakayamot, pagkainis o kaya naman ay pag-kaasar. Mabibigyan din
ang kahulugan ang galit o matinding poot kapag matalim ang eskpresyon ng mukha ng
nagsasalita. Kapag ang nagsasalita ay malungkot, ang ekspresyon ng kahulugan ng nais niyang
ipahayag ay pagkabigo o maari rin namang suliranin.

3. Kumpas ng Kamay at galaw ng katawan


Sa pagsasalita ng isang tao, maging ito naman ay sa pangkaraniwang usapan o pormal na
talumpati, mahalaga ang kumpas ng kamay at galaw ng katawan sapagkat ito’y isang puntos na
binibigyan kahulugan ng anong kausap o nakikinig. Ang iba’t ibang damdaming nakapaloob sa
mensahe ng nagsasalita tulad ng mga nauunang nabanggit ay madaling nabibigyan ng kahulugan
sa pamamagitan ng bilis o bagal na kumpas ng kamay at kilos ng katawan.

C. Pagtanda sa Narinig
Ang pagtanda sa narinig ay isang proseso ng pakikinig na dapat gawin ng lahat ng
nakikinig. Ang pakikinig ay may layunin. Tayo ay nakikinig upang malaman ang sasabihin ng
kausap. Nakikinig din tayo upang malaman ang sasabihin ng kausap. Nakikinig din tayo upang
malaman ang opinion ng tagapagsalita tungkol sa isang paksang pinag-uusapan. Maari rin nating
gawing dahilan ng pakikinig ang layunin nating makapagbibigay ng ebalwasyon at konklusyon
batay sa naririnig na mga detalye, kaisipan o opinion ng nagsasalita. Ngunit, sa lahat, dapat
ninyong malaman na anuman ang inyong layunin sa pakikinig, ito ay magiging makabuluhan at
matagumpay lamang kung ang lahat ng mahalagang bagay na napakinggan ay natandaan ng
pakikinig.

Gaya ng nauunang nabanggit, may ilang mga pamamaraan upang madaling matandaan
ang narinig. Aliman sa mga pamamaraang ito ay maari ninyong gamitin depende sa kung ano
ang mas madali para sa inyo.

Bigyan nating halimbawa ang pagtanda sa mga mahalagang impormasyon na maaring


banggitin ng nagsasalita. Ito’y maaring tumutukoy sa kung ano ang tema na tinatalakay ng

9
nagsasalita. Maari rin namang isulat o itala ang mga taong tinutukoy ng nagsasalita, petsa at
lugar na marahil ay mababanggit din. Kapag ang binibigyang diin naman ay diwa, maaring itala
ang mga mahalagang kaisipan na binibigyang diin ng nagsasalita.

Kung magka – minsan ay bumabanggit din ang nagsasalita ng ilang mga sintas na halaw
niya sa isanng babasahin o nagmula sa bibig ng ilang mga kilalang tao. Mahalaga ring itala ang
mga bagay na ito. Kung ang mga mahalagang pangyayari naman ang bibigyan ng diin, maaring
mag-isip ang tagapakinig ng mahalagang salita na magsisilbing pagtanda o “key word” sa bawat
pangyayaring babanggitin ng nagsasalita.

Sadyang maselang gawin ang bahaging ito sapagkat ito’y nangangailangan ng buong
konsentrasyon ng nakikinig at Malaya sa anumang mapanirang element na maaring
makapagligaw sa matamang pakikinig sa nagsasalita. Isang maling impormasyon lamang na
maitala ay maaring magdulot ng pagkakamali sa pagbuo ng kaisipan at konklusyon ng taong
nakinig.

D. Pagtugon
Ito ang pinakahuling proseso ng pakikinnig. Sa bahaging ito masusukat kung ikaw ay
naging mahusay na tagapakinig sapagkat anuman ang iyong magiging tugon tungkol sa iyong
napakinggan ay batay sa kung anong klaseng tagapakinig ka. Ikaw kaya ay matiim na nakinig o
pinapakinggan mo lamang ay mga bagay na nais mo lamang pakinggan? Naging patas ka kaya sa
pakikinig o agad kang nagbigay ng sarili mong palagay o “comment”?

Ang isang kasiya-siyang pagtugon ay nangangailangan ng mga sumusunod na batayan:

a. Malawak na kaalaman ng tagapakinig sa paksang pinapakinggan.


b. Hindi bias o walang kinikilingang pagtugon.

10
Aralin 3: Mga Elementong Nakaiimpluwensiya sa Pakikinig
Layunin:
1. natutukoy ang mga elementong nakakaimpluwensya sa pakikinig
Nilalaman ng Pagkatuto:
May iba’t ibang element na nakaiimpluwensya sa pakikinig. Ang mga ito ay ang oras,
tsanel, edad, kultura, kasarian, at konsepto ng sarili.
A. Oras
Malaki ang nagiging epekto ng oras sa pakikinig. Ang tamang oras ng pakikinig ay
nakatutulong nang Malaki upang maging kawili-wili ang pakikinig ng isang tao, gayundin,
upang maunawaan niya ng lubusan at matandaan ang mensahe at mga detalye ng mga paksang
kanyang pinakikinggam. Karaniwan, ang oras na angkop sa pakikinig ay sa umaga sapagkat
sariwa pa ang kaisipan ng taong makikinig. Nagpapahinga ang kanyang katawan at isipan mula
sa pagkakatulog kung kayat Magana at magaang ang pakikinig niya sa umaga.
B. Tsanel
Ang tsanel ay tumutukoy sa daluyan ng komunikasyon. Mahalaga rin itong sangkap na
nakakaimpluwensya sa pakikinig kapag maayos at malinaw ang tsanel, madaling mauunawaan
ang mensahe. Halimbawa, ang isang taong nagsasalita ay gumagamit ng kanyang bibig bilang
tsanel.
C. Edad
May mga konsepto at teoryang lumalabas tungkol sa kaibahan ng bata at matanda
pagdating sa pakikinig. Ngunit sino ng aba talaga ang mas masaral maging tagapakinig, ang bata
kaya o ang matanda? Bigyan natin ng paghahambing ang dalawa. May mga nagsasabing mas
mahusay na tagapakinig ang mga matatanda sapagkat sa lawak na ng kanilang mga naging
karanasan, madali nilang mauunawaan ang sinasabi ng tagapagsalita. Bukas pa rito, madali
nilang maiuugnay ang kanilang narinig sa mga karanasang alam na nila. Ngunit, maari rin
namang sa dahilang alam na nila ang sinasabi ng nagsasalita, hindi na sila masyadong interesado
sa pakikinig.
D. Kasarian
Malaki rin ang nagagawang impluwensiya ng kasarian a pakikinig. Malaki ang kahulugan
kung ang tagapagsalita sa pakikinig. Malaki ang kahulugan kung ang tagapagsalita ay may
magandang personalidad. Karaniwan kapag ang tagasalita ay magandang babae at ang mga
tagapakinig ay mga lalaki, ganyak at wiling-wili sila sa pakikinig. Gayundin naman kapag ang
tagapagsalita ay isang matipunong lalaki at ang mga tagapakinig ay mga babae.
Kung ang pagbabatayan naman ng paksang pakikinggan ay tungkol sa mga hilig ng
babae at lalaki, iba – iba ang ang kanilang mga paksa batay sa kinalakhan nilang kasarian at
interes.
Samakatuwid, batay sa mga nabanggit, mahalagang ibatay ang paksang pag-uusapan sa
hilig at interes ang kani – kaniyang kasarian upang maging mabisa ang pakikinig.
E. Kultura

11
Ang iba’t ibang kultura ng tao ay Malaki ang nagagawa sa mabisang pakikinig. Sa
dahilang magkaiba tayo ng kultura, mahalaga na malaman at mauunawaan nang kultura ng taong
nagsasalita upang makuha niya ang malinaw ang mensaheng sinasabi.
F. Konsepto ng Sarili
Dahil sa tinatawag na “individual difference”. Magkakaiba ang konsepto sa sarili ng lahat
ng tao. Sa pakikinig, nararapat na malaman na tagapakinig ang konsepto niya sa sarili upang sa
gayon, hindi ito maging sagabal sa konsepto ng taong pinakikinggan.
Aralin 4: Mga kasanayan sa Pakikinig
Layunin:
1. natutukoy ang mga kasanayan sa paikinig
2. nakakapagsagawa ng mga mungkahing Gawain hinggil sa paksang pakikinig
Nilalaman ng Pagkatuto:
Ang kasanayan sa pakikinig ay ginagamit sa pagkuha ng impormasyon, nagaganap kapag
nauunawaan at natatandaan ng tao ang sinasabi ng kanyang kausap.
Narito ang ilan sa mga gawain na nasa katergoya ng impormal na pakikinig:
1. Pagpapakilala
Sa gawaing ito, nakakakuha ng mahahalagang impormasyon ang taong nakiking para sa
madali niyang paglalarawan sa taong ipakilala.
Mungkahing gawain:
Maghanda ng magkapares para sa isang interbyu. Hayaang magtanungan ang bawat
tungkol sa mga personal na impormasyon na may kaugnay sa pangalan, tirahan, libangan, mga
paborito at iba pa. Maglaan ng ilang minuto upang maipakilala ang kapareha sa lahat.
2. Pagdadala ng mensahe
Sa ganitong gawain, kinakailangang maingat sa pakikinig ang bawat isa sapagkat isang
mali lang na impormasyon ang maibigay ay tiyak na maapektuhan ang kabuuan ng napakinggan.
Mungkahing gawain:
Bumuo ng dalawang pangkat na may tig- limang kasapi. Ayusin ang dalawang pangkat
upang makabuo ng dalawang linya. Ang nasa unahan ng bawat pangkat ang magsisilbing lider.
May isang mensaheng ibubulong ang tagapangunang gawain sa bawat lider ng pangkat. Sa
hudyat na “go,” ibubulong ang mensahe ay tatakbo sa unahan at sasabihin nang buong buo ang
mensaheng napakinggan. Ang sinumang mauunang makapagsabi ng tamang mensahe ang siyang
mananalo.
3. Paglalagom
Isang magandang kasanayan din ang paglalagom sapagkat dito masusukat ang kahusayan
sa pakikinig. Ito ay ang paggawa ng buod ng narinig na talumpati, kwentong, balita at iba pa.
madaling mauunawaan ang orihinal na talumpati halimbawa kung ito ay ginagawa ng
paglalagom sa paraang ang mga salitang gagamitin ay iyong mga madaling maunawaan.
Pormatib
Mungkahing Gawain:

12
Pumili ng ilang estudyante ng magsisilbing tagapag-ulat. Hayaan silang mag – ulat
tungkol sa isangnapapanahong balita. Ang mga hindi napili ang magsisilbing mga tagapakinig at
pagkatapos ay hingan sila ng paglalagom tungkol sa ginagawang pag-uulat.
4. Paggawa ng balangkas ng kwento
Ang balangkas ay ang pinakakalansay ng makakaugnay na pangunahing paksa at iba
pang detalyeng kaugnay nito. May tatlong paraan ng o paggawa ng balangkas.
a. Balangkas na Pangungusap
ito’y binubuo ng pangungusap at gumaganap ng mga panandang tambilang na Romano
para sa unag hati, malaking titik para sa ikalawang hati, bilang Arabiko para sa pangatlo at maliit
na titik na may panaklong para sa huling hati.
Halimbawa:
1.
A.
B.
1.
2.
(a)
(b)
b. Balangkas na Papaksa
ito’y binubuo lamang ng mga parirala, gumagamit din ng mga panandang tulad ng
balangkas na pangungusap.
Halimbawa:
1. Dalawang uri ng Pang-uri
A. Pang – uring Panlalarawan
B. Pang- uring Pamilang
1. Patakda
2. Pamahagi
(a) kalahati
(b) dalawang kapat
Bukod sa halimbawang nababanggit sa paggawa ng balangkas, maari ring
gumagamit ng
Decimal bilang panananda tulad halimbawa:
1.
1.1
1.2
2.3
1.3.1

13
1.3.2
2.
2.1
2.2
2.2.1
2.2.2
c. Balangkas na Talata
ito’y binubuo ng mga talata. (Tulad halimbawa sa ibaba at ginagamitan ng panandang
tambilang na Romano). Sa uri ng balangkas na ito, sa halip na elementong pangungusap o
parirala gaya sa unang dalawang uri, ang elementoo nito ay talata.
Gaya ng mga nauna nang nabanggit, mahalaga ang pagtatala ng mga mahahalagang
impormasyon sa pinapakinggan upang maging madali ang paglalagom at paggawa ng
ebalwasyon. Magiging mabilis ito kung ang nakikinig ay laging handa sa mga kagamitan tulad
ng ballpen at papel. Maari rin siya gumawa ng palatandaan kung saan madali niyang
mauunawaan.
5. Pagtanda o pagsusunod-sunod ng mga pangyayari
Mahalaga ang kasanayang ito sapagkat ito ay nangangailangan ng konsentrasyon sa
pakikinig. Ang kasanayan ding ito ay nakatutulong upang makagawa ng buod ng narinig.
Aralin 5: Kritikal at Mapanuring Pakikinig
Layunin:
1. nasusuri ang kritikal at mapanuring pakikinig
Nilalaman ng Pagkatuto:
Ito ay tumatalakay sa masusi at mapananuring pakikinig. Ang gawaing ito’y ginagawa
upang unawain at suriin ang bawat salita, kaisipan at iba pang sangkap ng pinakikinggan. May
iba’t ibang mga gawain na nauukol dito tiulad ng mga sumusunod:
1. Pagkuha ng mensahe ng awitin
Ang gawaing ito ay nakapagdudulot ng kasiyahan at aliw sa taong nakikinig. Ang
pakikinig sa Mensahe ng awitin ay isang paraan upang mababatid natin ang damdamin ng isang
tao na napakaloob sa awitin.
2. Pagpupunta ng pagpapahalagang moral sa pabula at parabola
Ang pabula at parabola ay ang mga kwentong nag – iiwan ng magandang aral sa mga
nakikinig o Ang pagkakaiba lamang ng dalawa ay ang pabula ay kwentong ang ma tauhan ay
pawing mga hayop samantang ang parabola ay kwentong hango sa banal na bibliya
3. Pagpunta sas pagkakatulad at pagkakaiba Ang gawaing ito ay isang isinasagawa upang
Makita ng mga nakikinig at tuloy magkaroon ng paghahambing tungkol sa mga kaisiipang alam
na nila at mga kaisipang hindi pa nila nababatid. Malaki ang naitutulong ng gawaing ito upang
lubos na maunawaan ang anumang napakinggan.
IX. Kritikal at Pahusgang Pakikinig - Ang gawaing ito ay isinasagawa kapag ang mga nakinig
ay nagbibigay ng desisyon tungkol sa katwiran at kamalian, kaselanan ng mga ideya at kung
paano ipinahayag ang mga ito. Narito ang ilan sa mga gawaing kaugnay nito.

14
1. Pagbibigay ng reaksyon sa palastasan o komentaryo - Kadalasan ay sinusuri natin ang mga
palastasan at komentaryo upang malaman natin kung ang mga ito ay makaapekto sa kaisipan ng
mga nakikinig.
2. Pagkilala sa personalidad - Maaring ito ay gawin sa pamamagitan ng paglalarawan sa isang
popular na personalidad na hindi sinasabi ang kanyang pangalan. Maaring sabihin ng
naglalarawan kung bakit gusto o ayaw niya ang personalidad na ito. Maaring magkaroon ng
paghuhusga ang mga nakikinig tungkol sa pahayag ng nagsasalita o maari rin naman nilang
hulaan kung sino ang taong tinutukoy ng nagsasalita.
3. Pagtataya sa mga pangyayari sa kwento - Ang gawaing ito’y nangangailangan ng talino,
talas at kalawakan ng pag-iisip. Ang mga karansang taglay ng nakikinig ay Malaki ring tulong sa
pagsasagawa ng gawaing ito.
4. Pagtatala - Gaya ng parati nang binabanggit mahalaga ang pagtala upang maituon ang
kaisipan sa mensahe ng pinapakinggan. Ang mga naitalang datos ay makatutulong sa
paghuhusga sa narinig.
5. Pagpapahalagang pakikinig --Ang pagpapahalagang pakikinig ay nagaganap kapag
nasisiyahan ang mga nakikinig at nauunawaan ang mensahe na ipinanapahayag sa mga kwento,
tula, dula, musika at iniuugnay nila sa kanilang kaisipan ang larawan ng kanilang
napapakinggan. Ito ang pinakanakawiwili sa mga uri ng pakikinig.

15
Gawain Blg. 1:
A. Magbigay ng maikling paliwanag tungkol sa mga sumusunod:

1. Kahulugan ng pakikinig
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

2. Kalagayan ng aspeto ng pakikinig sa kasalukuyan


_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

16
Gawain Blg. 2:
Pannuto: Ipaliwanag ang sumusunod;
1. Tinig
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

2. Ekspresyon ng mukha

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

3. Kumpas ng Kamay at galaw ng katawan

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

17
Gawain Blg. 3
Panuto: Ipaliwanag ang sumusunod;
1. Bakit malaki ang epekto ng oras sa pakikinig?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________.
2. Ano ang ibig sabihin ng konsepto na “individualdifference” sa pakikinig?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________.

Gawain Blg. 4
Panuto: Bumuo ng isang balangkas ng pangungusap ng isang maikling kwento.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________.
Gawain Blg. 5
Panuto: Punan ang patlang ng tamang sagot.
1. Ang _________________ ay pakikinig na isinagawa na kasabay ang iba pang gawain.
2. Ang _________________ ay pakikinig ma ginagawa na hanggat maari’y malapit ka sa
nagsasalita o nang – uusap para sa ganap ng pag – unawa sa nilalaman ng usapan.
3. Ang pakikinig na isinasagawa nang may lugod at tuwa sa isang kwento, dula, tula, at musika
at tinatawag na _________________.
4. Ang tawag sa pakikinig na pagsusuri at naghahatol sa kawastuhan ng mensaheng napakinggan
ay ________________.
5. Sa kabuuan, mayroon tayong _________________ proseso sa pakikinig.

18
************************Wakas ng Modyul 2*************************

19

You might also like