Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

LAMBUNAO NATIONAL HIGH SCHOOL

IKA-APAT NA LAGUMANG PAGSUSULIT


UNANG KWARTER

FILIPINO 8
Pangalan:____________________________ Cluster:_____________________
Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot . Isulat sa patlang bago ang bilang.
_______1. Ang mga sumusunod ay layunin ng pananaliksik maliban sa isa:
a. Makadiskubre ng mga ng bagong kaalaman hinggil sa mga nabatid na.
b. Makakita ng mga sagot sa mga suliraning hindi pa ganap na nalutas.
c. Makalikha ng mga batayan para makapagpasya at makagawa ng polisiya, regulasyon at batas.
d. Makagawa ng awtput na makakapagpasikat sa mananaliksik.
________2. Aling bahagi ng pananaliksik ang nakasaad sa bahaging pambungad, kung ano ang problema na sinusubukan ng
pag-aaral?
a. Abstrak
b. Introduksyon
c. Metodolohiya
d. Resulta
________3. Ito ay nagpapahintulot sa iyo na suriin ang mga resulta at sumasalamin sa iyong proseso.
a. Kongklusyon
b. Resulta
c. Abstrak
d. Metodolohiya
________4. Ano ang paksa ng tekstong “ Tinig ng isang Anghel”?
a. Maagang pagtatrabaho ( child labor)
b. Kahirapan
c. Aborsyon
d. Edukasyon
________5. Ang mga sumusunod ay mga damdaming nangingibabaw sa tekstong “ Tinig ng isang Anghel” maliban sa isa:
a. Pananabik
b. Pagkagalit
c. Pagkalungkot
d. Panghihinayang
________6. Sino ang nagsasalita sa tekstong “ Tinig ng isang Anghel”?
a. Ama
b. Anak
c. Ina
d. Kapatid
________7. Isa sa mga dahilan kung bakit nangyayari ang aborsyon.
a. Kakulangan sa kahandaan
b. Labis na pagmamahalan
c. Kawalan ng pagmamalasakit sa kapwa
d. Sapat na edukasyon
________8. Tumitigil sa pag-aaral ang mga estudyante dahil sa mga sumusunod , maliban sa isa:
a. Walang perang panggastos
b. Maagang nagtatrabaho
c. May problema sa pamilya
d. Trip lang
_______9. Karapatan ng mga babae na dapat isaalang-alang.
a. Bigyan ng mas mataas na sahod sa trabaho.
b. Paglaanan ng atensyon
c. Bigyan palagi ng papuri
d. Pantay na karapatan sa lipunan.
________10. Epekto ng malnutrisyon sa akademikong pag-unlad ng mga estudyante.
a. Aktibong nakikilahok sa klase.
b. Palaging lumiliban.
c. Magaling sa ibat-ibang larangan.
d. Nahihirapan sa pag-unawa ng leksyon.
________11. Ang Gabriella ay samahang sumisimbolo sa tinig ng mga…
a. Kabataan
b. Kadalagahan
c. Kababaihan
d. Kalalakihan
________12. Ang mga maririkit na rosas na may ibat-ibang kulay ang siyang dumaragdag sa kagandahan ng paligid.
Ang salitang may salungguhit ay nangangahulugan ng…
a. Magaganda
b. Mahalimuyak
c. Sariwa
d. Kahali-halina
_________13. Ang pangkat ng mag-aaral ng grade-8 ay gumawa ng pananaliksik upang tuklasin ang dami ng kabataan na
nahuhumaling sa tiktok dance. Ano ang paksa ng kanilang pananaliksik?
a. Social media
b. Online games
c. Trending topics
d. Broadcast media
________14. Alin sa mga sumusunod ang napapanahong isyung maaaring maging paksa ng isang pananaliksik.
a. Paglabag sa karapatang pantao
b. COVID 19 pandemic
c. Natural na mga kalamidad
d. Wikang Filipino sa makabagong henerasyon
________15. Ano ang unang hakbang sa pagbuo ng simpleng pananaliksik?
a. Paglahad ng layunin
b. Pagpili ng paksa
c. Pagtala ng sanggunian
d. Pangangalap ng datos
________16. Alin sa mga sumusunod ang pangwakas na hakbang sa pagbuo ng pananaliksik?
a. Pangangalap ng datos
b. Pagtala ng sanggunian
c. Paggawa ng dokumentasyon
d. Pagsulat ng pinal na kopya ng pananaliksik
_______17. Ang sumusunod ay pagsagawa ng pansamantalang balangkas maliban sa isa:
a. Bumuo ng konseptong papel
b. Ilahad ang layunin
c. Ilista ang mga tanong
d. Ibigay ang kahalagahan ng paksa
18-20. May limang karapatang nakatala sa ilalim. Pumili lamang ng tatlong angkop sa karapatang pambata. Titik lang ang
isulat.
a. Karapatang bumuto
b. Mabigyan ng sapat na edukasyon
c. Maisilang at magkaroon ng pangalan
d. Karapatang pumili ng relihiyon
e. Magkaroon ng sapat na pagkain, malusog at aktibong katawan

________18. ___________19. __________20.

You might also like