Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

LAMBUNAO NATIONAL HIGH SCHOOL

IKALAWANG LAGUMANG PAGSUSULIT


UNANG KWARTER

FILIPINO 8

Pangalan: Cluster:

I. Basahing mabuti ang mga katanungan at piliin ang titik ng tamang sagot.
______1. Ang epiko ay isang akdang pampanitikan na:
a. Nagsasaad ng kabayanihan ng pangunahing tauhan na nagtataglay ng patas na katangiang
taglay ng karaniwang tao.
b. Nagsasaad ng kabayanihan at nagtataglay ng katangiang nakahihigit sa karaniwang tao.
c. Nagsasaad ng pakikipagsapalaran at pinagmulan ng pangunahing tauhan.
______2.Alin sa mga sumusunod na pahayag ang unang nangyari sa epikong “ Si Tuwaang at ang
Dalaga ng Buhong na Langit”?.
a. Nagsimula ang unang seremonya ng kasal.
b. Inuwi ni Tuwaang ang dalaga sa Kuaman .
c. Ang magkapatid ay ngumuya ng nganga.
_______3. Ano ang pangunahing paksa ng epikong tinukoy sa bilang 2?
a. pinagmulan ng isang lugar
b.pakikipagsapalaran
c.makapangyarihang tauhan
_______4.Ano ang taglay na kapangyarihan ni Tuwaang?
a. apoy b. espada c.laway
______ 5.Sino ang pangunahing tauhan sa epikong binasa?
a.Bai b. Tuwaang c. Gungutan
_______6. Alin ang hindi kabilang sa katangian ng talata?
a. May isang paksang diwa
b. May kaisahan at maayos ang pagkakalahad
c.Walang tiyak na wakas
_______7. Ano ang mahalagang pangyayari ang iyong nakita sa alamat ng Oton.
a. Napakasagana raw ng tanim na tumutubo sa pinakapampang ng ilog na pumapaligid sa
kabuuang bayan ng Oton.
b. May tatlong salaysay hinggil sa pinagmulan ng pangalan ng bayan.
c. Nagtatanong ang mga kastila sa mga katutubo.
______8. Mahalagang matutunan ang alamat ng isang lugar upang:
a. Magkaroon ng kaalaman tungkol sa isang lugar.
b. Malalaman ang mahalagang detalye o pangyayari na may kaugnayan sa isang lugar.
c. Malalaman ang mga kilalang tao sa naturang pook.
______9. Ang alamat ay isang akdang pampanitikan na:
a. Pinakapopular sa lahat at madalas ikuwento ng mga matatanda.
b. Kwentong nagpasalin-salin sa bibig ng mga taong bayan na naglalaman ng pinagmulan
ng isang pook, bagay, halaman, hayop, pangalan atbp.
c. Kwentong hindi kapani-paniwala, nagtataglay ng kapangyarihan ang pangunahing tauhan.
______10. Ang epiko at alamat ay may tatlong bahagi. Ito ang:
a. Simula, Banghay, at Katapusan
b. Simula, Gitna at Wakas
c. Banghay, Tagpuan at Tauhan
______11. Alin sa mga sumusunod ang hindi, nangyari sa epikong “ Hudhud ni Aliguyon”?.
a. Gumawa ng kasunduang kapayapaan sina Aliguyon at Pumbakhayon.
b. Nakipaglaban si Aliguyon sa ama ni Pumbakhayon at napatay ito.
c. Tinuruan ng ama ni Aliguyon kung paano makipaglaban.
______12. Sa aling bahagi ng epiko o alamat matatagpuan ang tagpuan:
a. Simula
b. Wakas
c. Banghay

II. Piliin ang tamang hinuha para sa sumusunod na mga saknong batay sa akdang
binasa.
_______13. Walang mahalagang hindi inihahandog ng may pusong mahal sa bayang nagkupkop,
dugo, yaman, dunong, katiisa’t pagod, buhay may abuting magkalagot-lagot.
a. Matatalino at mayayamang tao lamang ang maaaring maglingkod sa bayan.
b. Ang taong may wagas at dalisay na pagmamahal sa bayan ay handang mag-alay ng sarili
para sa tinubuang lupa.
c. Yaman, dugo at talino ang kailangan upang ang bayan ay mahango sa pagkaalipin.

_______14. Bakit? Alin ito na sakdal ng laki na hinahandugan ng buong pagkasi, na sa lalong mahal
nakapangyayari at ginuguluhan ng buhay na iwi.
a. Dahil sa laki ng Pilipinas, nararapat lamang na tayo rin ay mag-alay sa kanya ng mataas
na pagsinta.
b. Gugulin ang iyong buhay para sa kabutihan ng mga taong iyong minamahal.
c. Ang ating tinubuang lupang Pilipinas ay nararapat na handugan ng ating pagsinta at
pagmamahal, katumbas man nito’y buhay nating taglay.

_______15. Pati ang nagdusa’t sampung kamatayan wari ay masarap kung dahil sa bayan at lalong
maghirap o himalang bagay, lalong pag-irog pa ang kanya’y alay.
a. Walang kasindakila at kasinsarap ang mag-alay ng buhay para sa Inang Bayan.
b. Ang mamatay nang sampung ulit para sa bayan ay sapat na upang maituring kang isang
bayani.
c. Ang magdanas ng pagdurusa at kahirapan ang batayan upang masabing ikaw ay tunay na
nagmamahal sa bayan.

_______16. Kung ang bayang ito’y mapapasapanganib at siya ay dapat na ipagtangkilik ang anak,
asawa, magulang, kapatid, isang gawak niya’y tatalikdang pilit.
a.Huwag talikdan ang iyong mga mahal sa buhay, lalo na kung ang mga ito ay nasa gitna ng
panganib.
b.Handang isakripisyo ng ating mga bayani maging ang kanilang mga mahal sa buhay
mailigtas lamang sa panganib ang Inang Bayan.
c.Sakit at hilahil ay naramdaman sa puso ng magulang, asawa, anak, at kapatid para sa
kanilang mga mahal sa buhay na nasa panganib dahil sa pakikipaglaban.

_______17. Ipahandog-handog ang buong pag-ibig hanggang may dugo’y ubusing itigis, kung sa
pagtatanggol, buhay ay mapatid, ito’y kapalaran at tunay na langit.
a.Bahagi ng ating kapalaran ang mamatay para sa bayan.
b.Ang paghahandog ng buhay para sa Inang Bayan ay tunay na isang kabayanihan.
c.Kung nais mong maging bayani, ihandog ang iyong dugo sa mga nangangailangan.

III. Tukuyin ang mga sumusunod na pahayag kung ito’y a. Depinisyon, b. Pagtatambis, o
c.Pagsusuri. Titik lang ang isulat bago ang bilang. .
_______18.Ang pandemya ay salitang tumutukoy sa paglalaganap ng sakit sa buong mundo.
_______19.Ang pagkalat ng Spanish Flu ay may dulot sa lipunan. Ilan sa mga positibong dulot ay ang
paglinis ng kapaligiran, pagbubuklod ng pamilya, at pagbabalik pananampalataya sa diyos .
_______20. Ang corona virus ay isang sakit na lumaganap at nadiskubre noong mga huling mga araw
ng 2019,katulad ito ng sakit na SARS na kumalat noong 2003.

You might also like