MMM MMMMMMMMMMMM

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Magandang umaga po sa ating lahat at Pagbati ng kapayapaan at kagalakan mula sa kaibuturan ng

aking puso kasama ng aking Partido na kapwa ko kandidato. Una po muna sa lahat nais ko na

pasalamatan ang lahat ng mga kabataan na ngayon ay naririto upang kami’y makilala. Maraming

salamat po. Salamat din sa may kapal sa pag bibigay ng napakahalagang araw na ito sa atin.

Pinasasalamatan ko rin ang aking mga kaibigan at mga magulang at lahat ng mga taong sumusuporta

sa akin maraming maraming salamat. Nais ko ring irecognize ang lahat ng mga kapwa ko kandidato

mula sa HIRAYA PARTYLIST. Nais ko ring pasalamatan ang lahat ng mga magulang na naririto salamat

po sa inyong lahat.

Mga kapatid kong kabataan, ang pagiging kabataan ang simula ng pagkahubog ng mga taong may

pangarap na makapaglingkod sa kapwa. Kaya’t piliin ninyo sana ang may kakayahan at abilidad na

kayo’y pamunuan at maging matalino po sa pagpili ng mga mamumuno sa ating mga kabataan. Ang

namumuno ay dapat makinig sa mga hinaing ng bawat kabataang kanyang

pinangakuang paglilingkuran.kaya’t Ako ngayon ay nakatayo sa inyong harapan upang ako’y inyong

lalo pang makilala. Ako ay tumatakbong Sk Chairman upang kayo’y paglingkuran ng taos-puso, bukal

sa aking kalooban. Nais ko lamang na ang lahat ng mga kabataan dito sa ating baranggay ay

mahubog sa tamang landas at malayo sa mga hindi kanais-nais na gawain. Bago ako pumasok sa

pulitika inihanda ko na ang aking sarili, laban sa mga hindi kanais-nais na mga puna at salita. Nang

magsimula na ang aking pagkandidato, nagsimula na rin ang aking inaasahan ang kabi-kabilang

batikos na laban sa akin. Oo normal lang ito sa pulitika. Ngunit kung akala nila madali akong

mapanghinaan ng loob, Yun ang malaking pagkakamali nila, dahil mas lalo kung hinangad na kayo’y

paglingkuran. Nais kong ang mga kabataan ay mamulat sa iba’t ibang larangan tulad ng SPORTS,

LIVELIHOOD PROGRAMS at iba pa. Dati ako ay tahimik lamang, tinanggihan ko ang unang alok sa

akin na ako’y kumandidato dahil sabi ko ang pulitika pag pinasok mo ay para ka na ring nanguha ng

batong ipopokpok mo sa ulo mo. Ngunit ng marinig at Makita ko ang hindi pagpansin sa mga hinaing

ng mga kabataan nakaramdam ako ng awa. Namuo sa aking puso na ang kabataan ay dapat

pakinggan, bigyan ng pansin. Kaya ako ngayon ay naririto upang inyong maging karamay at

katuwang bilang kapatid, sandigan bilang kaibigan, lakas at boses ninyo.

Sinbi ni gat Jose Rizal ang kabataan ang pag-asa ng bayan. Ibig sabihin dapat mahubog sa tamang

landas ang kabataan. Ang pag-asa ng bayan ay nasasaating mga kamay na ngayon.Iyan ang

pangunahin at p inakamahalagang papel nating mga kabataan. Kaya’t ang mga kabataan ay dapat

pakinggan dahil tayo ang


mag aangat ng ating bayan. Aking hinihingi ang inyong buong suporta at ako’y inyong pagkatiwalaan

at sa tiwalang ito, ating babalangkasin ang bagong pag-asa at hinaharap ng ating minamahal na

baranggay. Inyong panghawakan ang aking katapatan upang kayong kapwa ko kabataan at aking

kabaranggay ay aking lubos na mapaglingkuran. Muli po huwag na huwag ninyong kalilimutan sa

darating na pagpili ng mga mamumuno sa inyong mga kabataan MICHAEL VINCENT “IKING”

RONQUILLO para SK chairman. Maraming salamat po, Mabuhay kayong lahat….

You might also like