Ang Diyamante Ni Sallie

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Ang Diyamante ni Sallie

Ni: Josephine P. Taupo

Isang araw sa bayan ng San Martin may mag-asawang nakatira sa isang liblib na
kabundukan. Dapit-hapon ng umuwi ang kanilang anak na si Pepe dala ang kanyang
napakadaming huling isda sa ilog. Habang ito ay hinihiwa ng kanyang ama bigla itong tumalon
kaya imbis na isda ang hihiwain ang kamay niya ang nasugatan. Nang makita ito ng kanyang
asawa agad niya itong pinuntahan para alalayan na magamot. Ngunit ang isda naman ay
hinahanap-hanap ng ama ni Pepe subalit hindi na niya ito matagpuan kaya hinayaan na lamang
ito.
Makalipas ang dalawang araw habang nagwawalis si Sallie “ang ina ni Pepe” ay may
nakita siyang isang napakagandang bagay. Ito ay kumikinang dahil ito ay napapalibutan ng isang
mamahaling diyamante”. Agad itong kinuha ni Sallie at dali -dali niya itong nilagay sa kanyang
bulsa at pumasok sa kanyang bahay.
Sa wakas! makakabili na din ako ng aking mga damit, sapatos at pagkain, gusto ko ng
makawala sa buhay na ito! Hindi ito ang aking pinangarap “ani ni Marie. Hindi lingid sa
kaalaman ng lahat na si Sallie ay anak ng isang negosyante noon ngunit nagbago ang kanyang
buhay ng napangasawa niya si Danny. Doon siya ay tinakwil ng kanyang ama dahil umibig siya
sa isang magsasaka at dukha lamang.
Lumipas ang ilang taon ay nagbunga ang pagmamahalan ni Sallie at Danny. Ngunit kasabay
noon ay ang pagbaon sa hirap dahil sa kanilang anak na palaging nagkakasakit. Kaya napilitan si
Danny na bumalik sila sa bukid kung saan iniwan sa kanya ng ama ang lupain na iyon. Doon ay
unti-unti ng gumaling si Pepe ngunit minsan ay sinusumpong pa din ito ng kanyang sakit. Hindi
nila alam kung anong sakit mayroon ang kanyang anak, hindi akalain ni Sallie na ang nakita
niyang diyamante ay siyang magpapagaling sa kanyang anak ngunit ito ay isasangla ni Sallie
dahil kailangan niya ng pera sa pangangailangan nila at pati na rin sa luho niya ngunit hindi niya
inisip kung saan hahantong ang kanyang gagawin. Naisip niya naman ang diyamante, kung
isasangla niya na ba ito? o hindi? pero mas nanaig pa rin ang mga naiisip niya kapag isinangla
niya ang diyamante na iyon mabibili niya lahat ang kanilang pangangailangan at makakain na ng
masarap na ulam.
Isang umaga nagtungo si Sallie sa sanglaan dito niya nilabas ang nakita niyang diyamante
sa kanilang bakuran. At laking pasasalamat ni Sallie na ang presyo na iyon ay umabot sa libo.
Hindi nagdalawang- isip si Sallie at ito ay pinagpalit niya ng pera. Masayang-masayang umuwi
si Sallie bitbit ang kaniyang mga pinamiling mga magagandang damit, hindi inaasahan ni Sallie
na sa kanyang pag-uwi ay madadatnan niya na nakahandusay na sa sahig ang kanyang anak na si
Pepe. Hindi alam ni Sallie ang kanyang gagawin sa oras na iyon. Dahil ang pera na presyo ng
sinangla niya ay nasa limang libo nalang at kulang na kulang ito pambayad sa hospital.
Walang ibang matatakbuan si Sallie kaya naisip niya na pumunta sa kanyang magulang.
Nagbabasakali ito na ang pagkamuhi ng kanyang magulang ay lumipas na at siya ay
mapapatawad na.
Habang nasa pintuan si Sallie hindi alintana ang pawis’ at kaba’ ng kanyang
naramdaman. Halo-halong emosyon ang nangingibabaw sa oras na iyon.Nang bumukas ang
pintuan nag bungad sa kanyang harapan ang kanyang ama at ina”.Hindi alam ni Sallie ang
kanyang sasabihin’ kaya siya ay napahagulgol lamang sa iyak. “Iyak na nagmamakaawa,’at iyak
ng nangungulila”. Hindi kinaya ni Sallie pangyayaring iyon’ kaya siya ay nahimatay.
Gabi nang gumising si Marie sa pamilyar na lugar, ito ay ang kanyang silid noon. Wala pa ding
pinagbago.Ngunit sa isang sulok ay nakita niya ang napakadaming regalo. Ito ay may mga
mensahe noong kaarawan, pasko at iba mahahalagang okasyon sa buhay niya.
Nagulat na lamang si Sallie ng makita ang isang malaking kahon. Ito ay nakabalot sa puting belo
at may nakalagay na mensahe. “Anak mahal na mahal ka namin ng ama mo” Iyak ng iyak si
Sallie sa kanyang nabasa. Hindi niya lubos akalain na sa kabila ng kanyang kasalanan sa
kanyang magulang ay inaalala pa din siya nito.
Bumukas ang pinto at pumasok ang kanyang magulang. Anak” patawarin mo kami’ nadala lang
kami sa galit kaya namin ikaw pinagtulakan palayo. Patawarin mo kami anak.”
Lumipas man ang maraming taon kahit kaylan ay inisip ni Sallie na mangyayari ang ganitong
tagpo sa kanyang buhay.Hindi nagsayang si Marie ng oras at sinabi sa kanyang magulang Ang
kanyang pakay. At natutuwa sila dahil makikita na nila ang kanilang apo.
Tinulugan si Sallie ng kanyang magulang sa pagpapagamot kay Pepe. Habang naglalakad si
Sallie pabalik sa hospital ay nakita niya ang lugar kung saan niya sinangla ang diyamante.Naisip
niya na baka sa pagsangla niya ng bagay na hindi sa kanya ay doon biglang inatake ng sakit ang
kanyang anak. Dahil may sapat naman na pera si Sallie ay tinubos niya ang diyamante. Naisip
niya na kapag sila na ay makauwi”, ibabalik niya ito sa bakuran kung saan niya ito napulot.
Lumipas ang isang taon, ay masagana at payapa na namumuhay ang pamilya ni Sallie.
Dahil sa pagbalik niya ng kwintas sa bakuran ay doon bumalik ang sigla ng katawan ng anak
niyang si Pepe. Buwan-buwan ding bumibisita ang pamilya ni Sallie sa kanyang magulang at
nagkaayos na din sila. Ngayon’ ay masayang-masaya sila dahil hindi lamang malusog si Pepe
kundi ay nadagdagan na din ang kanilang pamilya.
“Matutong magpakumbaba, walang magulang ang nagtatanim ng poot o galit sa anak
kahit ano pa man ang nagawa nating kasalanan, kapag nasa bingit tayo ng delubyo hinding-hindi
tayo pababayaan ng ating magulang. Lahat ng pangaral nila ay para sa ating ikakabuti. Nadapa
man tayo ngunit lalaban pa din para sa ating mga minamahal.Huwag basta-basta masilaw sa
isang bagay katulad ng diyamante. Ang mga bagay na hindi natin pagmamay-ari ay huwag natin
angkinin.”

MELC (Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang/nabasang pabula, kuwento, tekstong
pang-impormasyon at usapan (F6PN-Ia-g-3.1)( F6PN-Ia-g-3.1)( F6PB-Ic-e-3.1.2)( F6PN-Ia-g-3.1)
Nailalarawan ang tauhan batay sa damdamin nito at tagpuan sa binasang kuwento (F6RC-IIa-4)

You might also like