Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Ang Mga Lumilipad Sa Buyon Ni Tata Berto

Ang Pammoboan ay isa sa tatlong barangay sa silangan ng sentro ng bayan ng Ballesteros. Ito ay
biniyayaan ng batis (o buyon) na mayaman sa pagkain. Mayroong kuhol, suso at banagan. May
mga isdang sidingan, gurami, hito, igat, dalag, ar-aro (___), at tilapia. Ang lalago pa ng mga
kangkong. Sa ilang bahagi, makapal ang damo para sa mga hayop.

Deretso pa noon ang batis. Ngunit nagka hatihati ito sa kalaunan. Pinatambakan ng mga
indibidwal ang para sa kanila. Sa kalaunan, ang mga ito ay naging hatchery ng mga isda. Ang mga
hatchery section ay tinatawag na fish ponds. Sa halip, ang pangalan ay nanatiling isang buyon
dahil sa luwang upang paglagyan ng mga batang isda/pispis hangang sila ay lumaki.

Isa si Tata Berto na may buyonna sa Pammoboan. Si Tata Berto ay masipag. Hindi niya
hinahayaang lumago ang mga damo sa pilapil ng kanyang buyon at fish pond. Tinataniman niya
ang mga ito ng mga gulay. Kamoti, sitaw (namumunga o tatalbusan), talong at sili.

Ang mga halaman ni Tata Berto ay namumulaklak. Kahit sa panahon ng tag-araw. Mamasa-masa
pa ksi ang mga pilapil. Kahit pa bumababa na buyon.

Sa Pammoboan, kakaiba ang buyon ni Tata Berto. Ito ay isang lugar ng mga iba't ibang klase ng
mga lumilipad. Nariyan ang woodpecker, ang tukling, ang tangad, ang kannaway, ang biding, ang
china-bird, ang bingi-bird, ang perperroka, ang papa, at ang salaksak.

Hinala ni Tata Berto, ang tahimik na buyonna ang dahilan. Ang pilapil nito sa kanlurang timog, na
may linya ng mga puno ng palma. Meron ding samak. Makapal ang mga barangbang sa pagitan
ng mga puno. Tapos may mga tanubong na nakalinya at nakalagay sa pagitan ng mga pilapil.

Bukod dito, hindi dinidestorbo ni Tata Berto ang mga lumilipad. Hinahayaan lang niya na kumuha
ang mga ito ng isda. Hinahayaan niya silang magpugad sa bahaging iyon ng kanyang buyuna.

Hindi naman maubus ang mga nakakulong na isda? wika ni Tata Berto. Malinis sa gitna ngunit
maraming kangkong sa gilid ng mga pilapil. Ang mga isda ay malayang makapagtago doon kapag
manggigil sa pagdagit ang mga biding.

Kaya ganoon na lamang ang kagustuhan ng mga apo ni Tata Berto pagdating ng hapon.
Inimbitahan nila ito sa buyon. Nakaupo sila sa makapal na damo ng mga bayog sa sulok ng
fishpond. At panoorin ang mga galaw ng mga ibon sa buyon.

"'Ano iyon, lolo?" tanong ni Mimil, ang pitong taong gulang na babaing apo ni Tata Berto. Itinuturo
niya ang kangkungan malapit sa harap nila. Isang hapon iyon ng Sabado.

“Tinatawag namin yan na Tangad, apo,” isinagot ni Tata Berto.

“Tangad? Bakit, marunong/magaling magtangad,, lolo?"

"Mahaba kasi ang leeg nya, tulad ng nakikita mo, apo. Kapag tumingala siya, malayo ang nakikita
niya.”

"Ganon pala, lolo."

“Payat din ang katawan nya. Karantiway ang mga paa nya. At mahaba ang sipit nya.

“Ano ang narapis, lolo? Yung karantiway?”

“Narapis apo ay payatin. Manipis o payat din ang karantiway.”


“Bakit merong kangkungan, lolo?”

“Naninilip ng kanyang pagkaing isda, apo. Malaking katulongan ang mahahabang leeg at sipit
nya.”

“May ibon sa bubong natin, lolo,” wika ni Dieydiey, na tatlong taong gulang na lalaki na apo din ni
Tata Berto.

Napatingala silang magaapo sa tinuro ni Dieydiey.

“Nagsasayawsayaw naman, lolo,” sabi ni Dieydiey. Natutuwang panuorin ang mga ibon.

"Lawlawigan din ang tawag jan," sinabi ni Tata Berto. "Magaling siyang sumayaw sa mga sanga."

"Kumakain din ba yan ng isda, lolo?" itinanong ni Mimil.

"Hindi. Uod ang karaniwang pagkain niya.

Biglang, mula sa sanga ng samak, merong lumipad na ibon. Pagbalik niya sa pinanggalingan ay
meron na siyang sakmal na anak ng dalag.

‘Ano po iyon, lolo?’ tinanong ni Etong, ang labindalawang taong gulang na apo ni Tata Berto.

“Biding yon, apo,”isinagot ni Tata Berto. "Ito ay kulay asul. Maliit ngunit mahusay. Magaling
magtingin ng pagkain niya."

"Maya-maya, meron na syang pagkain, lolo."

“Kanina pa yon nag-eespiya. Bihira ang paltos! Sinisigurado niya ang bawat dagit nya.

“Uubusin na nya, lolo, ang mga alaga mo,”sinabi ni Etong. "Magpapabili ako ng gagawin kong
pangtirador”

“Huwag, apo. Huwag mong sasaktan ang mga lumilipad. Malaki ang papel nila sa kalikasan.”

“Pero naga ubos naman ng mga isda, lolo...”

“Bayaan lang, apo. At isa pa, hindi naman mauubos. Ilan lang ang makain ng isang ibon sa
maghapon?"

Si Tata Berto ay dinapuan ng karamdaman. Dalawang linggo siyang nasa ospital. Nami-miss ng
kanyang mga apo ang pagpunta sa buyon. Kaya ganon na lang ang tuwa nila nang siya ay
makalabas.

Muli silang bumisita sa buyon noong hapong iyon. Nagtatampisaw ang mga isda. Natuwa si Tata
Berto.

“Lilong,” sabi ni Mimil. “Bakit, wala na yata ang ibon?”

Doon pa lang napansin yon ni Tata Berto. Oo nga. Kapag malamig ang simoy ng hangin noon,
magpaparamdam na ang mga lumilipad. Ngunit hindi sa sandaling iyon.

Braaannggggg!!!!

"Ano iyon, lolo?" singhal/sigaw ni Mimil kay Tata Berto.


Tunog ng air gun/baril na di bomba! Hindi naman siguro mali si Tata Berto.

"Nakuha! nakuha!" narinig nilang boses. Galing ito sa kabilang bahagi ng pilapil kung nasaan ang
mga pala isdaan.

“Dito ka na lang kayo, mga apo,” sabi ni Tata Berto. “May titingnan lang ako. Hintayin niyo ako."

Tinalunton si Tata Berto sa kanlurang bahagi ng pilapil ng palaisdaan. Sumingit sa mga


paleng/pala isdaan/fishpond. Tumingin sa kabuuan ng buyon. Dalawang binata ang tumakbo sa
kabilang bahagi ng pilapil. Ang isa ay may air gun/baril na di bomba habang ang isa naman ay
may dalang patay na ibon. Sa tingin niya ay apat na ibon na yon.

“Mga binata,” sinabi ni Tata Berto. “Kayo ba yong bumaril?” tanong niya kahit alam nanam na sila.

"Oo, lolo!" sinabi nila. "Bakit?"

"Huwag na sana ninyong uulitin, “sinabi niya.

“Bakit naman” banggit ng may air gun. May pabalang/angas sa kanyang pananalita.

"Hindi ko gusto na sinasaktan ninyo ang mga lumilipad."

“Ibon lang, ibabawal pa?” sabi naman ng may hawak ng mga nabaril na ibon.

“Oo, mga ibon lang sila. Pero hindi nila deserve na masaktan!"

“Ano ba yan... ibon, ibawal mo pa!”

"Ito na sana ang huli," sabi niya sa halip. “Ayoko nang mangyari ulit. Nandito kayo sa pinaka
lugar/solar ko!"

Paungol-ungol silang lumayo kay Tata Berto. "May batas laban sa pananakit ng mga hayop!"
bulalas niya. "Kung hindi ninyo ako papakinggan, ipahuhuli ko kayo!"

Naging malungkot ang mga apo ni Tata Berto sa mga sumunod na araw. Wala na ang mga
lumilipad. Natakot na sila.

"Babalik pa kaya sila, lolo?" tinanong ni Etong. Nakangiwi naman si Mimil at kumanlong kay Tata
Berto. Lakad naman ng lakad si Dieydiey sa malapit sa kanila. Hapon na naman. Sila magaapo ay
nasa ilalim ng bayog.

“Matagal pa siguro, apo,” sabi ni Tata Berto. “Sobra ang nangyari/truma sa kanila. Ang mga ibon,
umaalis sa lugar kapag nakaramdam sila ng banta/panganib. At babalik lang sila kapag sa palagay
nila ay nakaalis/wala na ang panganib na iyon."

"Paano nila malalaman na wala na sila sa panganib?"

“Palagi namang may bumibisita sa lugar na pinanggalingan nila. Ito ang mag-uulat sa kanila.
Ngunit kung ang mga bata ay patuloy ang pag tirador, at paggamit naman ng air gun ng mga
matatanda/may edad sa mga ibon malapit sa ating buyon, mas magtatagal bago sila makabalik."

Lalong nalungkot ang magkapatid na Mimil at Etong.


Lumipas ang isa, dalawa, tatlong linggo. Wala pa ring bumabalik na mga lumilipad. Naging Isang
buwan. Dalawang buwan. Tatlong buwan. Hanggang sa tumama ang pandaigdigang krisis.
Kumalat na ang virus na tinatawag na COVID-19.

Ipinagbawalan ang paglabas sa mga bayan. Wala na rin masyadong pagtitipon. Naging tahimik
ang mga kalsada, dagat, at mga nayon sa kanayunan.

Isinama ni TATA Berto ang kanyang mga apo noong/sa hapong iyon. Mamimingwit/magpapambis
sila sa buyon para sa ulam nila.

Dalawa ang dala nilang pamingwit/pambis. Tig isa sila ni Etong.

Hindi pa sila natatagalan na nakaupo sa silong ng bayog, nang may nagpapagaspas sa


kangkungan sa gitna.

“Ibon, lolo... ibon!” Natutuwa si Mimil na nagturo sa mga iyon.

Noong tingnan ni Tata Berto, ibon nga. Mangngubog at mga tukling! Tuwang tuwa ang kalooban
niya.

"Bumalik na sila, lolo!" Biglaang nailapag/naibaba ni Etong ang kanyang mingwit/pambis.

Biglang, sa ibabaw ng palaisdaan/fishpond, lumipad ang isang ibon. “

“Ano po iyon, lolo? Ngayon ko syang nakita!" tanong ni Etong.

Tiningnan ni Tata Berto ang masalita na ibon. Patungo malapit sa kanila. “Puek... oo, puek!” sabi
niya. “Ngayon lang na puek! Matagal-tagal na rin mula pa noong ako ay binata pa na huli akong
nakakita ng ganyang ibon!"

“Yeeeeyyyy! May kilala na naman akong ibang ibon!" bulalas patalontalon ni Mimil.

At masaya silang mag aapo na pinapanood ang ibat-ibang mga ibon na lumabas sa kanilang mga
pugad. At sa madadamong mga tanubong.

You might also like