Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang Pinagmulan ng Marinduque

Noo'y bago pa lamang kapapadpad sa ating dalampasigan ng mga Kastila. Sa balangay ng Batangan,
ngayo'y Batangas, ay kalakip ang Mindoro at mga lupalop ng timog-kanluran ng Laguna hanggang
Kamarines.

Si Batumbakal ay kilalang datu ng Batangan at mga balangay sa karatig nito. Sila'y mayaman at
makapangyarihan.

Tampok ng Katagalugan ang kanyang kaisa-isang anak na si Mutya Marin. Si Mutya Marin ay maganda,
mahinhin at halos ang lahat ng katangian ng dalagang Silangan ay napisan sa kanya. Siya'y kayumangging
kaligatan. Alun-alon ang buhok na hinabi ng hatinggabi. Mapungay ang mga mata, matangos ang ilong,
linalik ang baba at may gatla sa leeg. Siya'y may nunal sa batok. Balangkinitan ang katawan. Katamtaman
ang taas. Ang baywang ay hugis hantik. Manipis ang alak-alakang nagbabadyang siya ay masipag, ayon
sa matandang kasabihan.

Maraming tagahanga si Mutya Marin at kabilang dito ay si Datu Bagal na ubod ng yaman. Ang kaharian
niya'y kilala sa tawag na Mindoro (Mina de Oro). Sina Datu Sagwil ng Laguna at Datu Kawili ng Kamarines
ay mga tagahanga rin subali't ang nagpatangi sa lahat kay Marin ay isang dukhang mang-aawit, si
Garduque, manghahabi ng tula at tagahanga ng kalikasan. Siya'y taga-Taal at isang mandaragat sa
lawang Bunbon.

Isang araw, nagpabalita na magkakaroon ng palaro sa palasyo bilang parangal


sa mga anito. Ang mga manlalaro ng iba't ibang kaharian ay nagsidalo.

Dumating ang palarong pinakahihintay. Natipong lahat ang mga pambato ng


sarisaring palakasan. Angunang labanay pagbinitng palaso. Ang nakatamo ng
gantimpala ay bantog na Mangyan ng Mindoro na si Balindada.

Ang ikalawang paligsahan ay palayuan ng pagbato sa ibayong ilog. Ang nagkamit


ng karangalan ay Igorot na kinatawan ng Bulu-bundukin.

Ang karera sa kabayo ay isinunod at sinalihan ng mga prinsipe. Sinumang


makatalo kay Mutya Marin ay siya niyang paka-kasalan. Subali't lahat ay nabigo.
Sa bilis, si Mutya Marin ay kawangis ng limbas. kaya napahiyang lahat ng
kanyang tagasuyo.

Sa huli, si Marin ay itinanghal na reyna ng paligsahan at siya'y pinutungan ng


korona ng karangalan. Ang nagkapalad magputong ng korona ay walang iba
kundi ang makatang kasintahan.

Natapos ang parangal sa mga anito at nagsialis ang mga panauhin.

Nagbalik sa kaharian ang mga araw na katulad ng dati.

Dahil sa sina Datu Bagal, Sagwil at Kawili ay mga kapalagayang-loob ng ama ni


Marin, sa loob at labas ng kaharian ay nakapaghahandog sila ng pag-ibig sa
mutyang dalaga. Sa kabilang dako naman, ang binatang makata ay di-
mamakailang pinagbawalan ni Datu Batumbakal na huwag makipagkita sa
kanyang butihing anak.

Pinoy Edition © 2023 - All rights reserved.


Source: https://www.pinoyedition.com/mga-alamat/ang-pinagmulan-ng-
marinduque/

You might also like