Cot - 1 - 1ST - Esp

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

GRADE 1 to 12 School JESUS J.

SORIANO NATIONAL HIGH SCHOOL Level GRADE 9


Daily Lesson Teacher JODELYN A. LUCENA Subject EDUKASYON SA PAGPAPAKATO
Plan Date OCTOBER, 2023 Grading FIRST QUARTER

I. LAYUNIN
A. Pangkalahatang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa Lipunang Sibil (Civil Society), Media
Nilalaman: at Simbahan.
Natataya ng mag-aaral ang adbokasiya ng iba’t ibang lipunang sibil batay sa
B. Pamantayang Pagganap: kontribusyon ng mga ito sa katarungang panlipunan, pang-ekonomiyang pag-unlad
(economic viability), pakikilahok ng mamamayan.
1. Natutukoy ang mga halimbawa ng lipunang sibil at ang ginagampanang papel ng
C. Mga kasanayan sa mga ito tungo sa kabutihang panlahat. EsP9PL-Ig-4.1
Pagkatuto: 2. Nakagagawa ng islogan tungkol sa katangian ng lipunang sibil.
3. Naipahahayag ang kahalagahan ng lipunang sibil.
II. NILALAMAN Modyul 4: Lipunang Sibil, Media at Simbahan
III. KAGAMITANG PANTUTO
A. Sanggunian
1. Pahina sa gabay ng guro Gabay sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9 TG p. 1-5
2. Pahina sa kagamitang Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9 LM p. 50-54
mag-aaral
3. Mga pahina sa teksbuk Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9 p. 50-60
4. Mga karagdagang
kagamitan mula sa Learning http://lrmds.deped.gov.ph/list/kto12/subject/883
Resource portal
B. Iba pang kagamitan Panturong Biswal: LCD projector, laptop, libro
IV. PAMAMARAAN (Indicator 5)
 Pagdarasal, Pagbati, Pagsasaayos ng Silid-Aralan at Pagtatala sa mga
lumiban (3 mins)
 Pagpapaalala sa mga Houserules at Safety Precautions
 Paghikayat sa mga mag-aaral na may sira ang mata o mahina ang pandinig
na lumipat sa harapan at doon manatili

BALIK-TANAW (5 mins) (Indicator 3)

A. Pumili ng 3 mag-aaral na magbabahagi ng opinyon tungkol sa isang linya mula sa


isang awit ni Fr. Eduardo Hontiveros, “Walang Sinuman ang Nabubuhay para sa Sarili
A. Balik-aral sa nakaraang Lamang”. Sagutin ang sumusunod na katanungan (gawin sa loob ng 5 minuto)
aralin o pagsisimula ng (Reflective
bagong aralin Approach)

1. Bakit walang nabubuhay para sa sarili lamang?


2. Ano ang ipinakikita ng lipunang sibil?
B. Paghahabi sa layunin ng A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layunin ng aralin.
aralin
1. Natutukoy ang mga halimbawa ng lipunang sibil at ang ginagampanang papel ng
mga ito tungo sa kabutihang panlahat. EsP9PL-Ig-4.1
2. Nakagagawa ng islogan tungkol sa katangian ng lipunang sibil.
3. Naipahahayag ang kahalagahan ng lipunang sibil.

A. Tumawag ng 2-3 mag-aaral upang magbahagi ng opinyon tungkol sa


sitwasyon.
Isa kang mananampalatayang aktibo sa paglilingkod sa gawain ng Panginoon sa
simbahan. Isang araw nagkaroon ng rally o pagpropotesta sa inyong lugar. Hinihikayat
ka ng kaibigan mong sumama sa rally dahil magtataguyod daw ito ng kabutihang
panlahat. Sasama ka ba o hindi? Ipaliwanag. (gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective
Approach)

1. Pag-uugnay ng mga
halimbawa sa bagong
aralin

(Indicator 2 & 4)
2. Pagtatalakay sa bagong
konsepto at paglalahad Pangkatang Gawain (gawin sa loob ng 10 minuto) (Collaborative Approach)
ng bagong kasanayan 1 (Indicator 1 & 6)

Unang Pangkat - Gamit ang sumusunod na salita/konsepto, lumikha ng isang tula


tungkol sa Lipunang Sibil na humihikayat sa mga tagapakinig na mag-ambag sa
pagsulong ng kabutihang Panlahat. (English 7 – elements of poem, English 9, Filipino
8 – 2nd quarter Module 1)
1. Media 5. Pagsulong
2. Kabituhang Panlahat 6. Lipunang sibil
3. Simbahan 7. Likas-kayang pag-unlad
4. Usapin

Ikalawang Pangkat – Gumawa ng pananaliksik sa pamayanan tungkol sa mga


nagawang tulong ng mga organisasyon. Magbigay lamang ng limang Non-
Government Organizations (NGOs) at ang uri ng paglilingkod.
Hal.
Red Cross – nagbibigay proteksyon sa buhay at kalusugan

English: Non-government Organizations


Tagalog: Organisasyong di-pampamahalaan
Bisaya: Dili pang-gobyerno nga organisasyon (Indicator 4)

Ikatlong Pangkat – Sagutin ang mga sumusunod.


Lipunang Sibil Ano ang mga Adhikain Ano ang mga
nito? pagpapahalagang
itinataguyod nito?
Media
Simbahan

Ikaapat na Pangkat – Gumawa ng isang slogan tungkol sa Lipunang Sibil, Media at


Simbahan. Gumamit ng illustration board para sa gagawin na slogan.

*Ang islogan ay isang kasabihan o motto ng isang kompanya o ng mga aktibista na madali
maalaala. Sa mga channel sa telebisyon, isa sa mga pangagailangan nila ay ang mag-taguyod
ng isang islogan. (Filipino 8 – 1st quarter : Naisusulat ang sariling bugtong, salawikain,
sawikain o kasabihan na angkop sa kasalukuyang kalagayan)

3. Pagtatalakay sa bagong
Malikhaing pagpapamalas ng bawat pangkat sa gawaing nakaatang sa
konsepto at paglalahad
kanila. (gawin sa loob ng 12 minuto) (Collaborative Approach)
ng bagong kasanayan 2
Tumawag ng 2-3 mag-aaral upang magbahagi ng kanilang opinyon ukol sa mga
katanungan. (Indicator 2 & 3)
4. Paglinang ng Kabihasaan
(Tungo sa Pormatib
1. Ano-ano ang isinusulong ng lipunang sibil tungo sa kabutihang panlahat?
Assesment)
2. Ano pa ba ang dapat isulong ng media? May napansin ka na bang paglabag sa
katotohanan ng media? Kung mayroon, ano ang ginawa mo upang ituwid ito?

Pasagutan sa mga mag-aaral ang katanungan. Tumawag ng 3-5 mag-aaral upang


magbahagi sa klase ng kanilang kasagutan.
5. Paglalapat ng aralin sa
1. Mahalaga ba ang lipunang sibil? Pangatuwiranan.
pang-araw araw na buhay
2. Bilang mag-aaral, paano mo isasabuhay ang kabutihang panlahat? Magbigay ng
halimbawa.

Ang Lipunang Sibil ay nagsasagawa ng mga pagtugon na sila mismo ang


nagtataguyod, kung kaya nagkakaroon ng likas kayang pag-unlad (sustainable
development) na hindi tulad ng minadali at pansamantalang solusyon ng pamahalaan
at kalakalan. (Indicator 4)

Ang media ay pinaglalagakan lamang ng mga katotohanang kailangan ng lipunan para


sa ikabubuti ng bawat kasapi nito. Hindi ikabubuti nino man ang kasinungalingang
6. Pagbubuo/Paglalahat sa
bunga ng pagbabawas o pagdaragdag sa katotohanan. Ang kapangyarihan ng media
Aralin
ay hindi isang lakas na nananalasa, kundi isang pag-ibig na lumilikha.

Sa sama-sama nating paghahanap ay naoorganisa natin ang ating sarili bilang isa
pang anyo ng lipunang sibil, isang panrelihiyong institusyong tinatawag ng marami
bilang simbahan. Sa pamamagitan ng mga lider at iba pang mga kasapi ng simbahan,
nailalagay natin sa mas mataas na antas ng kabuluhan ang mga materyal na bagay na
ating tinatamasa.
Panuto: Isulat ang T kung ang isinasaad sa pangungusap ay Tama at isulat naman
I. Ebalwasyon ang M kung ang isinasaad sa pangungusap ay Mali. Isulat ang mga sagot sa iyong
kuwaderno.
_____ 1. Ang Lipunang Sibil ay nagsasagawa ng mga pagtugon na sila mismo ang
magtataguyod, kung kaya nagkakaroon ng likas-kayang pag-unlad na hindi
tulad ng minadali at pansamantalang solusyon ng pamahalaan at
kalakalan.
_____ 2. Ang mamamayan ay nag-oorganisa ng mga kilos protesta upang sirain ang
ating pamahalaan.
_____ 3. Ginagamit ang media para isiwalat ang mga korapsiyong nangyayari sa ating
pamahalaan at may personal na mithiin sa bayan.
_____ 4. Ang Gabriela ang humihimok sa mga mamamayan na gumawa ng ingay at
kilos protesta laban sa pamahalaan.
_____ 5. Sa tulong ng media, nalalaman ng mamamayan kung may paparating na
bagyo, kung kaya nakagagawa sila ng kaukulang paghahanda.

Ihanda ang mag-aaral sa kasunod na gawain tungkol sa mga katangian ng iba’t ibang
anyo ng lipunang sibil. Sa pamamagitan ng iba’t ibang presentasyon kagaya ng
pagsasadula, sabayang pagbigkas, rap, awit o malikhaing paggalaw, ipakita ang iba’t
ibang anyo ng lipunang sibil.Pangkatin sa lima ang klase.
J. Takdang aralin at
remedyasiyon Unang Pangkat: Pagkukusang-loob
IkalawangPangkat: Bukas na Pagtatalastasan
Ikatlong Pangkat: Walang Pang-uuri.
Ikaapat na Pangkat: Pagiging Organisado
Ikalimang Pangkat: May Isinusulong na Pagpapahalaga

V. REMARKS
VI. REFLECTION
A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% na
pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba
pang Gawain para sa
remedyasiyon
C. Nakatulong ba ang
remedyal? Bilang ng mga
mag-aaral na nakaunawa sa
aralin?
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa
remedyasiyon?
E. Alin sa mga estratehiyang
panturo ang nakatulong ng
lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasan na nasolusyonan
sa tulong ng aking punong-
guro at superbisor
G. Anong kagamitang panturo
ang aking nadibuho na nais
kong ibahagi sa aking
kapwa guro?

Inihanda ni: Inimasid ni:

JODELYN A. LUCENA ERANIE L. BUYOC


Teacher I Head Teacher III

You might also like