Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

PRELIMS

E: Isa sa mga katangiang likas sa mga Pilipino ang pagkakaisa – ang adhikaing higit na
mapagaan ang anumang Gawain sa pamamagitan ng pakikipagtulungan at
pakikipagdamayan
J: Sa pamamagitan ng pagkakaisang ito, walang mabigat at mahirap na suliranin ang hindi
kayang mapagtagumpayan kung bawat isa ay nagkakaisa, kung bawat isa ay may
bayanihan.
E: Nagdaan ang mga taong panuruan sa ilalim ng pandemya kung saan ang buong
kagawaran ng edukasyon ay humarap sa hamon ng pandemya. Hindi naging madali ang
mga taong ito para sa mga paaralan, sa mga guro at mga magulang, lalong higit sa ating
mga mag-aaral.
J: Subalit, naging madilim man ang nagdaang taon, hindi nag-isa ang Kagawaran ng
Edukasyon, lalong higit ang Dibisyong ng Oriental Mindoro sa patuloy na pagbibigay
serbisyo sa mga mag-aaral na Mindoreno.
E: Kaya naman, sa pagbubukas ng panibagong taong panuruang 2022-2023, tiwala ang
Dibisyon na sa pagbibigay ng kalidad na edukasyon sa gitna ng mga hamon, ikaw, ako,
tayong lahat ay patuloy na mag-iisa at magsama-sama para sa ating mga paaralan. Isang
nagkakaisa at ligtas araw po sa ating lahat, Ako po ang inyong lingkod EDDY A. DALISAY
J: Magandang umaga din po sa ating lahat, ako po ang inyong lingkod JOYCE C. MORTEL,
at amin po ang karangalangang ihatid sa inyo ang 2022 Brigada Eskwela Division Kick-off
na may temang
E&J: TUGON SA HAMON NG LIGTAS NA BALIK-ARAL
J: Kaisa natin sa gawaing ito ang _______________________________
E: Upang ganap na tanggapin ang bawat isa sa napakabuluhang programang ito, narito ang
isang pinuno na hindi matawaran ang dedikasyon at ang pagmamahal sa pagpapabuti ng
edukasyon, ang Tagamasid Pampurok ng Bongabong North District – Dr. PATRICIO R.
ANTHONY.
J: Maraming salamat po Sir Pat. Kagalakan namin ang kayong lahat ay makasama sa
pagtitipon na ito. At upang ilahad sa atin ang katuturan at kasaysayan ng programang ito,
malugod ko pong ibinibigay sa inyo ang isang lingkod ng kagawaran na may malaking puso
para sa ikaaangat ng kalidad ng edukasyon ng mga mag-aaral, ang ating Kawaksing
Tagapamanihala ng mga paaralan sa Dibisyong ng Oriental Mindoro, ang aming
pinakamamahal – Dr. RAFAEL G. MANALO.
E: Maraming salamat po Sir Raffy. Tayo po ay nagkakatipon sa araw na ito sapagkat pinag-
iisa tayo ng ating mga mabubuting hangarin para sa ating mga paaralan. At ang hangaring
ito ay pinagtibay na ng panahon at ng mga pagkakataon. Mapalad po ang Dibisyon ng
Oriental Mindoro sa pagkakaroon po ng mga kaagapay sa pagbibigay ng pinakamainam
para sa ating mga mag-aaral.
J: Sa taong panuruang 2022-2023, minarapat ng Dibisyon ng Oriental Mindoro na bigyan ng
highlight ang pitong mga programa at Gawain para sa buong taong pagsasagawa ng
Brigada Eskwekla. Sa puntong ito ay inaanyayahan po naming ang atingv mga program
owners at ang ating mga DepEd Key Officials at stakeholders para po sa unveiling of the
Programs, Projects, and Activities under the Brigada Eskwela.
E: Sa aming hudyat…
E: At upang magkaraoon ang bawat isa ng higit na pagkaunawa sa mga Programs, Projects,
and Activities na may kinalaman sa Brigada Eskwela, narito po ang 2 lider na kabila ng
pagiging babae ay patuloy ipinapamalas ang mahusay na pamumuno na may puso. Ang
Hepe ng Curriculum Implementation Division, Mam CHARITY A. CAPUNITAN, at ang
Opisyal na namamahala ng School Governance and Operations Division, Dr. HAIDE M.
PADUA, upang ilahad ang mga programa ng DepEd Oriental Mindoro.
J: Maraming salamat po Mam Charity at Mam Haide. At upang pagtibayin ang ating
partnership sa mga kaagapay nating mga magulang, at sa pagpapigting ng Adopt-a-Learner
Program sa ating Dibisyon, dadako po tayo sa paglagda ng Memorandum of Agreement sa
pagitan ng Department of Education at ng samahan ng mga magulang sa Oriental Mindoro.
J: Maraming salamat po sa ating mga DepEd Officials at mga kinatawan ng mga magulang.
Maituturing ngang isang kalakasan sa aming mga kalooban na makita ang inyong pakikiisa
sa anumang adhikain ng mga paaralan. Sa puntong ito, ay sabay-sabay nating saksihan ang
mensahe na magmumula sa 1 lingkod bayan na tunay ngang hindi matatawaran ang
pagtulong sa kanilang mga nasasakupan lalong higit sa mga paaralan. Narito po ang ama
ng bayan ng Bongabong: Kgg. ELEGIO A. MALALUAN.
E: Sa mga taon ng kanyang paglilingkod, kinakitaan natin siya ng marubdob na pagnanais
na mapabuti ang mga mag-aaral at mga mga paaralan sa kabuuan. Dahil sa siya ay naging
isang lider sa murang edad, ganoon na lamang kalapit ang kanyang puso sa mga
programang may kinalaman sa pagpapaunlad ng mga kabataan. Bilang ama ng ating
lalawigan, hindi matatawaran ang kanyang walang sawang suporta sa Dibisyon ng Oriental
Mindoro. At upang ihayag ang kanyang mensahe ng komitment para sa pagbubukas ng
pasukan at sa pagsisimula ng Brigada Eskwela, malugod ko po sa inyong ibinibigay ang
ama ng lalawigan ng Oriental Mindoro – ang napakahusay at napakamapagmahal, Gov.
HUMERLITO BONZ ATIENZA DOLOR.
E: Maraming salamat po Gov. Bonz sa inyong makabuluhang mensahe at isa pong
pagpupugay sa inyong walang sawang suporta sa mga programa ng Department of
Education. Tunay ngang itinuturing namin na pagpapala ang lahat ng inyong patuloy na
pagsuporta lalong higit sa pagbubukas ng mga paaralan. At upang ibigay ang hamon sa
bawat isa, naririto ang isang pinuno na kailan man ay hindi natitinag upang ibigay ang
pinakamahusay na paglilingkod para sa mga mag-aaral. Ang napakasipag na
Tagapamanihala ng mga Paaralan sa Dibisyon ng Oriental Mindoro – ang napakasigasig,
Madam SUSANA M. BAUTISTA.
J: Maraming salamat po Mam Susan sa inyong mapanghamong mensahe. Noong ika-22 ng
Hulyo, isang buwan bago ang pormal na pagbubukas ng mga paaralan para sa
kasalukuyang taong panuruan, isang nakalulungkot na balita ang ating nabatid ng masunog
ang anim na silid-aralan ng Bagong Bayan Central School sa bayan ng Bongabong.
E: Limang silid aralan at isang silid aklatan ang natupok ng malaking apoy. Napapaloob sa
mga silid na ito ang mga pinagpagurang learning materials, mga aklat, mga upuan, health
kits para sa mga bata at marami pang mga kagamitan na inihanda ng mga guro para sa
nalalapit na pasukan. Kaya naman, ang pagkakatong ito ay napapanahon upang muli ay
ipakita natin ang TRUE BAYANIHAN spirit ng mg Pilipino sa mga panahon ng
pangangailangan.
J: Ang bawat isa po ay malugod naming hinihikayat na magcommit ng kanilang mga pledges
para sa Bagong Bayan Central School maging sa buong Dibisyon ng Oriental Mindoro para
sa mas ligtas, mas maayos, mas kumpleto, at mas makabuluhang pasukan ngayong taon.
Naririyan po ang ating pledge walls. Malaya po tayong makapaghahayag ng ating mga
pledges para sa ating mga paaralan.
E: Tunay ngang kay gandang pagmasdan ang mga nagkakaisang guro, magulang,
pamayanan at mga kaagapay sa lipunan. Hindi matatawaran ang magiging bunga ng ating
sama-samang pagpupunyagi, lalong higit sa ating pagharap ng mga hamon sa darating na
implementasyon ng Face-to-Face classes. Ano man ang ating sitwasyon, walang
makapipigil sa patuloy nating pagtutulungan upang muli ay ihanda ang mga paaralan para
sa darating na pasukan. At upang ihayag ang mensahe ng pasasalamat sa bawat isa, narito
po ang Opisyal na namamahala ng School Governance and Operations Division, Dr. HAIDE
M. PADUA.
J: Maraming salamat po Mam Haide. Gayundin sa lahat na nakasama namin sa Division
Kick-off na ito at isang pagsaludo rin sa mga magulang at mga masugid naming partners
para sa inyong 100% pagsuporta.
Palagi po tayong mag-iingat at hangad po namin ang pagpapala ng Maykapal sa inyong
lahat. Muli ako po ang inyong lingkod JOYCE C. MORTEL.
E: Patuloy po naming inaasahan ang inyong pagsama sa mga paaralan sa muling
pagbubukas nito sa darating na pasukan. Hanggang sa susunod na pagpapamalas ng
Filipino Bayanihan Spirit. Ako po si EDDY DALISAY na nag-iiwan sa inyo ng paanyayang
J: Tayo na, magsama-sama na
E: Ano mang hamon ay ating kakayanin na
J: Para sa ligtas na pagbabalik eskwela
E&J: Tara na. Magbrigada na.

You might also like