Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Sitwasyon ng bawat pangkat: (dula-dulaan )

Ipakita ng grupo kung paano masolusyunan


ang mga problema sa bawat sitwasyon.
Pangkat 1- Nagkasunog at nawalan ng tirahan.
Pangkat 2-Nagkaroon ng malalang sakit ang isa
sa pamilya.
Pangkat 3- Nawalan ng trabaho ang mga
magulang,problemang pinansyal.
Pangkat 4- Nakaranas ng matinding bagyo na
dahilan ng pagkasira ng tirahan,problema sa
pagkain at tubig.
Tukuyin ang mahahalagang impormasyon sa
mga sumusunod na sitwasyon.
1. Nawalan ng pera ang inyong guro sa
oras ng recess. Nakita mo kanina ang iyong
kaklase na lumapit sa mesa ng iyong guro at
may kinuha dito.
2. Naglalaro ng kandila ang bunso mong
kapatid na iyong nakalingatan bantayan na
naging dahilan ng muntik ng pagkasunog ng
inyong bahay. Nagalit ang iyong mga
magulang sa nangyari.
3. Nakita mong tumaob ang sinasakyang
bangka ng iyong nanay at matalik na
kaibigan. Kapwa hindi sila marunong
lumangoy.
1.Ano ang gagawin mo kung sakaling alam
mo na isa sa mga kaklase mo ang kumuha
sa
pera ng iyong guro?
2.Paano mo sasabihin sa iyong mga
magulang napabayaan mo ang kapatid
mong maglaro ng apoy?
3.Sino ang una mong sasagipin kung pareho
silang nalulunod? Ang nanay mo o ang
matalik mong kaibigan? Bakit?

Pagsulat:
Bilang mag-aaral paano mo
masosolusyunan ang nagkalat na basura sa
inyong paaralan?
Basahin ang bawat sitwasyon. Iguhit ang
masayang mukha kung ang sitwasyon ay
nararapat at malungkot naman kung
hindi.
1. Masusing pinag-aralan ang mga
sitwasyon at pangyayari bago bago
magbigay ng pasya o desisyon.
2. Nakikinig sa payo ng mga magulang at
nakakatanda bago magpasya.
3. Sumasangguni sa mga aklat kung may
nais malaman.
4. Magpasya ng naaayon sa kagustuhan ng
mga kaibigan lamang.
5. Pagbibigay ng pasya o desisyon ng hindi
pinag-iisispan.
Tandaan natin:
Ang pagkabukas ng ating isipan ay ang
pagtanggap sa mga bagong ideya. Ito ay isang
pagpayag na susubukin at isaalang-alang ang
mga bagong bagay at ideya. Natutulungan nito
na malaman, mapayabong at mapatibay ang
paniniwala sa kaniyang sarili

Sagutin ang tanong:


Bilang isang anak at mag-aaral, paano mo
ipapakita ang iyong kusang loob na paggawa sa
mga gawaing iniatas saiyo?
Lagyan ng tsek (/) kung tama ang pahayag at
ekis (x) naman kung mali.
___1. Tumulong sa mga gawaing bahay nang
bukal sa kalooban.
___2. Magtrabaho lamang kung may nakamasid
na tao.
___3. Pinagbubuti ang mga gawaing iniatas
saiyo.
___4. Gawin ang takdang aralin nang bukal sa
kalooban at nang may pagkukusa.
___5. Tuparin at unawain ang mga pangaral ng
mga magulang at guro.

You might also like