Ap9 Sum2

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ALILEM NATIONAL HIGH SCHOOL

Alilem, Ilocos Sur Parent’s Signature/Date


SY 2022 – 2023

ARALING PANLIPUNAN 9
IKALAWANG PAGTATAYA SA UNANG MARKAHAN

Iba’t-Ibang Sistemang Pang-ekonomiya


Mga Salik ng Produksiyon at ang Implikasyon Nito sa Pang-araw-araw na Pamumuhay ng Tao

Name: _______________________________ Grade and Section: _________________ Date: ____________ Score:


PANUTO: Basahing mabuti ang pahayag sa bawat bilang. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa patlang. 25 points
______ 1. Sa sistemang ito ay may kalayaan ang bawat tao na gumawa ng kanyang nais at hindi nanghihimasok ang
pamahalaan sa mga aktibidad ng ekonomiya.
a. Traditional Economy b. Command Economy c. Market Economy d. Mixed Economy
______ 2. Sa sistemang ito, kontrolado ng pamahalaan ang malaking bahagi ng ekonomiya upang mapalakas at
mapaunlad ang mga benepisyong panlipunan ng bansa.
a. Traditional Economy b. Command Economy c. Market Economy d. Mixed Economy
______ 3. Sa sistemang ito, ang lipunan ay nakagagawa ng alokasyon ng mga pinagkukunang-yaman batay sa kaugalian
at gawi na impluwensiya ng mga sinaunang pamamaraan ng tao.
a. Traditional Economy b. Command Economy c. Market Economy d. Mixed Economy
______ 4. Sa sistemang ito ay may regulasyon sa capital at kapitalista, at ang mga trabaho, talino, paggawa, at
kakayahan ay may katumbas na kita.
a. Traditional Economy b. Command Economy c. Market Economy d. Mixed Economy
______ 5. Sa sistemang ito, ang pamahalaan ang nagdidikta ng mga patakaran sa kalakalan at paggawa.
a. Traditional Economy b. Command Economy c. Market Economy d. Mixed Economy
______ 6. Sa sistemang ito, ang pamahalaan ang gumagawa ng mga batas o patakaran tungkol sa pagbubuwis, suplay ng

salapi, interes o halagang ipinapatong sa produkto, palitan ng salapi, kalakalan sa pagitan ng ibang bansa,
pangangapital, at presyo ng mga bilihin.
a. Traditional Economy b. Command Economy c. Market Economy d. Mixed Economy
______ 7. Ito ang dapat isaalang-alang sa tanong na “Ano ang produkto at serbisyong dapat gawin?”.
a. Pangangailangan ng tao c. Dami ng produkto at serbisyo na gusto ng lahat
b. Uri ng produkto at serbisyo na gusto ng lahat d. Mga teknolohiyang nakapagpapabilis ng gawain
______ 8. Ito ang pinakamadaling gawan ng produkto at serbisyo dahil ang paraan ng produksyon ay batay sa
sinaunang pamamaraang itinuro ng matatanda sa pangkat.
a. Command economy b. Market economy c. Mixed economy d. Traditional economy
______ 9. Sa sistemang ito, ang konsyumer at prodyuser ay kumikita ayon sa kanilang kapakinabangan.
a. Command economy b. Market economy c. Mixed economy d. Traditional economy
______ 10. Ang pamahalaan ang may ganap na kapangyarihan upang makamit ang layuning pang-ekonomiya sa
sistemang ito.
a. Command economy b. Market economy c. Mixed economy d. Traditional economy
______ 11. Ito ang nagpapatunay na may naiibang katangian ang lupa bilang salik ng produksiyon.
a. Tinataniman ng mga magsasaka c. Itinuturing itong fixed o may takdang bilang
b. Pinapatayuan ng mga imprastraktura d. Pinagmumulan ito ng mga input sa produksyon
______ 12. Ito ang proseso ng produksiyon na nagpapalit-anyo ng produkto.
a. Paggamit ng mga hilaw na sangkap c. Pagsasama-sama ng mga salik upang makabuo ng output o produkto
b. Pagpapatayo ng mga pabrika d. Pagkamalikhain ng mga manggagawa
______ 13. Ito ay tumutukoy sa kabayaran sa paggamit ng kapital sa proseso ng produksiyon.
a. Interes b. Kita c. Pera d. Regalo
______ 14. Sa paraang ito nakatutulong ang paggamit ng makinarya sa produksiyon.
a. Maraming hilaw na sangkap ang magagamit c. Mas magiging mabilis ang paglikha ng mga produkto
b. Maraming output ang mabubuo d. matutugunan ang pangangailangan ng mga konsyumer
______ 15. Ito ang HINDI kabilang sa katangiang taglay ng isang entrepreneur.
a. Puno ng inobasyon c. May kakayahang magpatupad ng presyo sa pamilihan
b. Pagiging malikhain d. Handang makipagsapalaran sa kahihinatnan ng negosyo
______ 16. Sa paraang ito masasabi na kakambal ng paggawa ang kapital.
a. Ang paggawa at kapital ay parehong salik ng produksiyon
b. Kaakibat ng lakas at galing sa paggawa ang kalidad at dami ng kapital
c. Ang teknolohiya na gawa ng tao ay magagamit rin bilang kapital
d. Magkapareho ang dami ng manggagawa at kapital sa pagnenegosyo
______ 17. Ito ang dahilan kaya itinuring ang lupa na pangunahing salik ng produksiyon.
a. Pinagmumulan ito ng lahat ng produktong ibinebenta sa pamilihan
b. Dito nagmumula ang raw materials na kinakailangan sa pagbuo ng bagong produkto
c. Mas malawak ang sukat ng lupaing tinataniman
d. Patayuan ng mga imprastruktura na kailangan sa produksiyon
______ 18. Sa salik na ito nanggagaling ang kakayahan at kahusayan ng tao sa produksiyon.
a. Kapital b. Lupa c. Paggawa d. Teknolohiya
______ 19. Ito ang kita ng entrepreneur matapos magtagumpay sa pakikipagsapalaran sa negosyo.
a. Interes b. Sahod c. Subsidy d. Tubo o profit
______ 20. Ito ang input sa pagbuo ng mesa at silya.
a. Kagamitan, makinarya, manggagawa at lupain c. Kagamitan, makinarya, manggagawa at kahoy
b. Kahoy, kagamitan, makinarya at teknolohiya d. Tabla, makinarya, teknolohiya at kagamitan
______ 21. Ito ang nagpapatunay sa pagkakaiba ng produksiyon at pagkonsumo.
a. Ang produksiyon ay pagproseso ng produkto at ang pagkonsumo ay paggamit ng produkto.
b. Nililikha ang produkto sa produksiyon, samantala ginagamit ito sa pagkonsumo.
c. Ang produksiyon ay proseso ng pagsasama-sama ng mga salik upang makabuo ng produkto at ang
pagkonsumo ay pagbili at paggamit ng produktong magbibigay ng kapakinabangan sa tao.
d. Sa produksiyon maraming produktong bibilhin samantala sa pagkonsumo nasisiyahan ang mga tao sa
pagbili ng produkto.
______ 22. Ito ang materyal na gawa ng tao na ginagamit sa produksiyon.
a. Malawak na lupain c. Makinarya at teknolohiya
b. Libo-libong binhi ng prutas d. Maayos na daan at tulay
______ 23. Siya ang ekonomista na nagsabing “Mahalaga ang inobasyon para sa isang entrepreneur”.
a. Abraham Harold Maslow b. Edward Denison c. Joseph Schumpeter d. Upton Sinclair
______ 24. Ito ang salik ng produksiyon na tumutukoy sa kalakal na nakalilikha ng bagong produkto.
a. Enterprise b. Kapital c. Lupa d. Paggawa
______ 25. Dito nanggagaling ang lupa, lakas-paggawa, kapital at kakayahang entrepreneur bilang mga salik ng
produksiyon.
a. Bahay-kalakal b. Industriya c. Pamahalaan d. Sambahayan

You might also like