Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 11

THEME: “GRADWEYT NG K TO 12: HINUBOG NG MATATAG NA EDUKASYON”

1. Prosesyonal (Pagpasok ng mga Magsisipagtapos, Mga Magulang, Mga Guro at


Kawani ng Paaralan, Panauhing Pandangal)
2. Pagpasok ng Watawat ng Pilipinas at Sagisag ng Paaralan (Mga Lalaking Iskawt)
3. Pambansang Awit (Luisa R. Felipe)
4. Himno ng DepEd Region III, SDO Bulacan, at Paaralan (Cristina G. Rodriguez)
5. Pambungad na Panalangin (Jade Edlyn DC. Sison, May Mataas na Karangalan)
6. Awit ng mga Magsisipagtapos (Mga Magsisipagtapos)
7. Paghaharap sa mga Magsisipagtapos (Ma. Jocelyn S. Dionisio, EdD)
8. Pagmumungkahi sa mga Magsisipagtapos (Irene Labao Elizalde, EdD)
9. Pagpapatibay at Pag-aabot ng Katibayan sa mga Magsisipagtapos at Mensahe
(Norma P. Esteban, EdD. CESO V)
10. Pagtanggap sa Ngalan ng
a. (a) BARANGAY - Igg. Cesar Basco Chico (Punongbarangay ng Sta. Barbara)
b. (b) LUNGSOD - Igg. Ferdinand V. Estrella (Punong Lungsod ng Baliwag)
c. (c) LALAWIGAN - Igg. Daniel R. Fernando (Punong Lalawigan ng
Bulacan)
d. (d) DISTRITO - Igg. Augustina Dominique “Ditse Tina” C. Pancho (Kinatawan
ng Ikalawang Distrito ng Bulacan)
11. Pagbibigay ng Medalya sa mga Mag-aaral na Nagkamit ng Karangalan (Mga
Magulang)
12. Baitang Pamamaalam (Liam Aiden R. Mercado, May Mataas na Karangalan)
13. Pagpapakilala sa Panauhing Tagapagsalita (Ma. Jocelyn S. Dionisio, EdD)
14. TULOY-TULOY NA HANGGANG TALUMPATI (Ryan Sablan Ramos, Dentista)
15. Paggawad ng Pagkilala sa Panauhing Pandangal
16. Panunumpa ng mga Nagsipagtapos (Kerby James C. Tomas, May Mataas na
Karangalan)
17. Pangwakas na Awit (Mga Nagsipagtapos)
18. Resesyonal (Pagpasok ng mga Magsisipagtapos, Mga Magulang, Mga Guro at Kawani
ng Paaralan, Panauhing Pandangal)

FINAL SPIELS FOR ELEMENTARY GRADUATION BATCH 2023

OPENING SPIELS

ROBERT: Katulad ng pagragasa ng baha, tila nabulaga rin ang


lahat nang hatawin ng pandemya ang buong mundo
noong taong dalawang libo at labing siyam dahilan
upang mahinto ang ilang mahahalagang transaksyon na
lubhang nakaapekto sa marami nating kababayan.

CHERIMEL: Hindi maitatanggi na isa itong karanasan na makikintal


na sa isipan ng bawat isang mulat ang mata at tainga sa
malawakang dulot ng pandemya sa lahat ng aspeto ng
ating buhay.
ROBERT: Nariyang hindi nagpatinag ang tuloy-tuloy na daloy ng
dekalidad na edukasyon sa tulong ng makabagong
teknolohiya at bayanihan mula sa mga taong walang
ibang hangad kung hindi maihatid ang edukasyon na
siyang sapat at siyang nararapat.

CHERIMEL: Makalipas nga ang tatlong taon ng pagkilala sa mga


nagsipagtapos sa birtwal na mundo, halika at atin
namang saksihan ang maalab at nag-uumapaw na
dedikasyon ng mga magsisipagtapos na isang daan at
apat na lalaki at siyamnaput pitong babae na may
kabuuang dalawang daan at isa bitbit ang kanilang mga
sakripisyo at pangarap na may kalakip na pag-asa at
pagtitiyaga.

ROBERT: Ngayong umaga nga ay magtitipon ang buong


kalawakan kasama ang Grade 6 - Mercury

CHERIMEL: Grade 6 – Venus


ROBERT: Grade 6 – Uranus
CHERIMEL: Grade 6 – Saturn
ROBERT: Grade 6 – Jupiter
CHERIMEL: Grade 6 – SSES

ROBERT: Sa pagtatapos ng mga mag-aaral sa ikaanim na


baitang, lupon dalawang libo at dalawamput tatlo, na
may temang…..

BOTH: “GRADWEYT NG K TO 12: HINUBOG NG MATATAG NA


EDUKASYON”

ROBERT: Ako po si Sir Robert

CHERIMEL: At ako naman po si Ma’am Cherimel

ROBERT: Ang inyong mga tagapagdaloy sa umagang ito na mag-


iiwan ng mensaheng

BOTH: Ngayon pa lamang, congratulations, graduates!


I. Prosesyonal (Pagpasok ng mga Magsisipagtapos, Mga Magulang, Mga
Guro at Kawani ng Paaralan, Panauhing Pandangal)

CHERIMEL: Para sa unang bahagi ng ating programa, salubungin


natin ng may kagalakan ang pagpasok ng mga mag-
aaral na magsisipagtapos sa ika-anim na baitang at
kanilang mga magulang. Ang mga guro, kawani, at mga
administrador ng Mababang Paaralan ng Sta. Barbara,
gayundin ang ating mga kapita-pitagang mga bisita at
panauhing tagapagsalita.

NOTE: (kuhanin ang sunod-sunod ng pagpasok ng mga lalakad


sa processional para maipakilala saglit)

II. Pagpasok ng Watawat ng Pilipinas at Sagisag ng Paaralan (Mga Lalaking


Iskawt)

ROBERT: Sa pagkakataong ito ay ating salubungin ang


pagpasok ng watawat ng Pilipinas at Sagisag ng Paaralan
sa pangunguna ng mga piling iskawt sa ilalim ng patnugot
ni G. Jerome Alvaran, guro sa ikalimang baitang at BSP
coordinator.

III. Pambansang Awit (Luisa R. Felipe)

CHERIMEL: Maraming salamat sa mga piling iskawts at gayundin sa


kanilang tagapag-ensayo, G. Jerome. Manatili po tayong
nakatayo at sa puntong ito ay inaanyayahan ko ang lahat
na magbalik ng masidhing pagpapahalaga sa ating
lupang sinilangan sa pamamagitan ng pag-awit ng
Lupang Hinirang na kukumpasan ni Gng. Ma. Luisa R.
Felipe, guro sa ikalawang baitang.

(INTERLUDE: AAWIT NG LUPANG HINIRANG)


IV. Himno ng DepEd Region III, SDO Bulacan, at Paaralan (Cristina G.
Rodriguez)

ROBERT: Maraming salamat, G. Felipe. Sa loob ng anim na taon ay


baon-baon mo ang mga liriko ng kantang marahil ay
nakasaksi ng iyong bawat pagod at tagumpay. Kaya
naman sa pagkakataong ito, atinng sama-samang awitin
ang himno ng DepED ng Region 3, Schools Division of
Bulacan, at ang ating sinisintang mababang paaralang
pang-elementarya ng Sta Barbara na kukumpasan ni Gng.
Cristina G. Rodriguez, guro sa ikatlong baitang. Makalipas
ang pag-awit ng Lupang Hinirang ay manatiling nakatayo
para sa ating pambungad na panalangin.

V. Pambungad na Panalangin (Jade Edlyn DC. Sison, May Mataas na


Karangalan)

CHERIMEL: Maraming salamat, G. Rodrigiez. Sa puntong ito, ating


itaas at idulog sa Poong Maykapal ang katagumpayan ng
pagtatapos na ito na may kalakip na maalab na
pagpapasalamat sa isang taimtim na panalangin na
pangungunahan ni Jade Edlyn Sison, isa sa mga
magtatapos na may mataas na karangalan.

VI. Awit ng mga Magsisipagtapos (Mga Magsisipagtapos)

ROBERT: Maraming salamat, Jade Edlyn DC. Sison. Katulad ng


talulot ng bulaklak na marahang nahuhulog sa tigang na
lupa, o ng isang higad na unti-unting nagbabago patungo
sa isang paru-parong may makukulay na pakpak at
nagbibigay buhay sa isang hardin, gayundin ang bawat
yugto ng ating buhay, mayroong simula at mayroon ding
wakas.

CHERIMEL: Kung paanong naglalagas ang mga dahon sa puno at


muling nagyayabong sa tamang panahon, gayundin ang
bawat isang naririto na may matayog na hangarin hindi
lamang para sa kanilang sarili kundi sa kanila ring mga
mahal sa buhay.
ROBERT: Kaya naman sa puntong ito, sama-sama nating
namnamin ang bawat letra na sasambitin habang
marubdob na umaawit ang lahat ng magsisipagtapos sa
araw na ito.

CHERIMEL: Mga magiliw naming panauhin, upang handugan tayo


ng isang makahulugang awitin. Narito at aming inihahatid
sa inyo ang mga magsisipagtapos sa ika-anim na baitang,
lupon dalawanglibo at dalawamput tatlo.

VII. Paghaharap sa mga Magsisipagtapos (Ma. Jocelyn S. Dionisio, EdD)

ROBERT: Maraming salamat, mga magsisipagtapos. Mas lumalalim


talaga ang kahulugan ng isang kanta lalo na kung ito ay
maririnig mo ng sabay-sabay sa huling pagkakataon. Wari
bang nasa kagubatan ka at inaawitan ng mga ibon
kasabay ang pagwasiwas ng hangin na siyang
nagpapatunog sa iba’t-ibang dahon patungo sa iba’t-
ibang direksyon.

CHERIMEL: Talagang ang kanilang pag-awit ay sumisimbolo ng


kanilang pakikipagsapalaran sa nakalipas na anim na
taon. Tunay na walang kasingtamis ang pagtatapos na
bunga ng bawat gabing nagsusunog ng kilay at mga
araw na ang pawis ay kasingtamis ng tagumpay.

ROBERT: Kaya naman, ngayon ay dumako na tayo sa isa sa mga


mahahalagang yugto ng ating programa, ang
paghaharap sa mga magsisipagtapos na
pangungunahan ng isa ring simbolo at haligi ng paaralan.
CHERIMEL: Ang aming gabay sa mga panahong hindi alam ang
gagawin at gumagawa ng mahahalagang desisyon na
may kalakip na malasakit at pag-asa, walang iba kung
hindi ang punongguro apat ng ating mahal na paaralan,
Dr. Ma. Jocelyn S. Dionisio.

VIII. Pagmumungkahi sa mga Magsisipagtapos (Irene Labao Elizalde, EdD)

CHERIMEL: Maraming salamat, Dr. Dionisio. Sa puntong ito, amin


namang inihahatid sa inyo para sa pagmumungkahi sa
mga magsisipagtapos ang ina ng ating distrito ng timog
Baliwag.
ROBERT: Ang hindi nag-aatubiling ibahagi ang kaniyang oras at
panahon, talento at kasipagan, upang maihatid ang
dekalidad na edukasyon, at tunay na namumutawi sa
pagbibigay inspirasyon sa aming lahat, walang iba kung
hindi ang Tagamasid Pampurok ng Timog Baliwag, Dr.
Irene Labao Elizalde.

IX. Pagpapatibay at Pag-aabot ng Katibayan sa mga Magsisipagtapos at


Mensahe (Norma P. Esteban, EdD. CESO V)

CHERIMEL: Maraming salamat, Dr. Irene Labao Elizalde. Sadyang hindi


pa natatapos ang mga natatanging tao na sasaksi sa
pagtatapos na ito. Upang iabot ang sertipiko ng katibayan
sa mga magsisipagtapos at ibahagi ang kaniyang
mensahe para sa ating lahat.

ROBERT: Aming malugod na inihahatid sa inyo ang hindi


matatawarang dedikasyon bilang ikatatlumput siyam na
Pansangay na Tagapamanihala ng Dibisyon ng Bulacan,
atin pong salubungin ng masigabong palakpakan si Dr.
Norma P. Esteban.

X. Pagtanggap sa Ngalan ng
(a) BARANGAY - Igg. Cesar Basco Chico (Punongbarangay ng Sta.
Barbara)

CHERIMEL: Maraming salamat po, Dr. Norma P. Esteban. Sa yugtong


ito, aking inihahatid sa inyo ang ama ng barangay ng Sta.
Barbara at kabalikat ng paaralan sa pagsasakatuparan
ng mga proyekto para sa bawat mag-aaral,

ROBERT: Walang iba kung hindi ang Punongbarangay ng Sta.


Barbara, Iginagalang Cesar Basco Chico. Atin po siyang
pasalubungan ng masigabong palakpakan.

(b) LUNGSOD - Igg. Ferdinand V. Estrella (Punong Lungsod ng Baliwag)

CHERIMEL: Maraming salamat, Punongbarangay Cesar Basco Chico.


Kaniyang malasakit ay hindi matatawaran, pagmamahal
sa bayan tunay na nararamdaman.
ROBERT: Sa yugtong ito, aming inihahatid sa inyo ang Punong
Lungsod ng Baliwag, walang iba kung hindi si Punong
Lungsod Ferdinand V. Estrella. Atin po siyang
pasalubungan ng masigabong palakpakan.

(c) LALAWIGAN - Igg. Daniel R. Fernando (Punong Lalawigan ng


Bulacan)

ROBERT: Maraming salamat, Punong Lungsod Ferdie Estrella. Hindi


maitatanggi ang kaniyang kontribusyon sa lalawigan ng
Bulacan, mga responsibilidad na kailangang gampanan,
sa tuwina ay maasahan.

CHERIMEL: Hayaan niyong ihatid ko sa inyo ang ama ng lalawigan ng


Bulacan, lupang kanlungan ng mga bayani at makatang
mamamayan, walang iba kung hindi si Punong Lalawigan
Daniel R. Fernando. Atin po siyang pasalubungan ng
masigabong palakpakan.

(d) DISTRITO - Igg. Augustina Dominique “Ditse Tina” C. Pancho


(Kinatawan ng Ikalawang Distrito ng Bulacan)

ROBERT: Kaniyang gampanin ay hindi madali. Kaniyang suporta ay


hindi pahuhuli.

CHERIMEL: Mahal naming mga panauhin, aming inihahatid sa inyo


ang kinatawan ng ikalawang distrito ng lalawigan ng
Bulacan, atin pong salubungin ng masigabong
palakpakan si Iginagalang Agustina Dominique “Ditse
Tina” C. Pancho.

XI. Pagbibigay ng Medalya sa mga Mag-aaral na Nagkamit ng Karangalan


(Mga Magulang)

ROBERT: Maraming salamat po, Ditse Tina Pancho. Talagang lahot


ng pagod, sakripisyo, at pagsusumikap ay palaging may
kapalit. Ika nga nila, mapait man ang naging ugat,
matamis naman ang magiging bunga.
CHERIMEL: Ang susunod na yugto ng ating program ay marahil isa sa
mga inaabangan ng lahat dahil ito ay ang pag-gagawad
ng medalya sa mga mag-aaral na nagkamit ng
karangalan. At upang mas maging maayos ang daloy ng
ating palatuntunan, inaanyayahan ko po ang mga
magulang na maghanda na para sa tuloy-tuloy na daloy
ng pag-gagawad ng medalya.

ROBERT: Mayroon mang karangalan o wala, ang mahalaga ay


ibinigay mo ang iyong buong makakaya dahil marami
pang oportunidad sa labas ang sa inyoy naghihintay.
Kaya naman, akin nang ibinabahagi ang entablado sa
mga gurong tagapayo sa pagtawag sa mga mag-aaral
na nagkamit ng karangalan.

CHERIMEL: Muli, para naman sa mga magulang, pakiantabayanan


lamang ang inyong mga anak sa oras ng kanilang
pagtayo upang inyo silang agad na masamahan pag-
akyat sa entablado at sa pagkamit ng kanilang medalya
ng karangalan.

XII. Bating Pamamaalam (Liam Aiden R. Mercado, May Mataas na


Karangalan)

ROBERT: Katulad ng dulo ng isang tunnel, lahat ay may katapusan,


gaano man kadilim ang tinatahak na daan, sa dulo
naman ay may naghihintay na kaliwanagan.

CHERIMEL: Saan man makarating, baunin ang mga tagubilin, dahil


iyan ay hindi makukuha ninuman at magiging kalasag sa
oras na ikaw ay naguguluhan.

ROBERT: Kaya naman, sa tagpong ito, aming inihahatid sa inyo ang


isa sa mga magsisipagtapos na may mataas na
karangalan, nag-uumapaw sa talento at kasipagan, atin
pong salubungin si Liam Aiden R. Mercado para sa
kaniyang bating pamamaalam.
XIII. Pagpapakilala sa Panauhing Tagapagsalita (Ma. Jocelyn S. Dionisio, EdD)

CHERIMEL: Maraming salamat, Liam Aiden sa isang mapusong bating


pamamaalam. At upang mas patibayin ang ating mga
magsisipagtapos sa mga hamon ng buhay, kabiguan at
tagumpay, ating pakinggan ang pagpapakilala sa ating
panauhing tagapagsalita.

ROBERT: Upang tamnan pa ang puso at isipan ng bawat isang


magsisipagtapos ng binhi ng pag-asa at pagsusumikap,
narito at muli naming inihahatid sa inyo ang ating masipag
at butihing punongguro apat, Dr. Ma. Jocelyn S. Dionisio,
para ipakilala ang ating panauhing tagapagsalita sa araw
na ito. Atin po siyang salubungin ng masigabong
palakpakan.

(TULOY-TULOY NA HANGGANG TALUMPATI - Ryan Sablan Ramos, Dentista)

XIV. Paggawad ng Pagkilala sa Panauhing Pandangal

CHERIMEL: Iba talaga ang laking Sta. Barbara, isang patunay diyan
ang ating panauhing tagapagsalita, Dr. Ryan Sablan
Ramos. Talaga namang kapupulutan mo ng aral ang mga
salitang binitawan ni Dr. Ryan.

ROBERT: Totoo yun, Ma’am Cherimel. Talagang maipagmamalaki


ang bawat binhing namunga rito sa ating mahal na
mababang paaralan ng Sta. Barbara, kaya naman sa
tagpong ito, hayaan niyong igawad naman namin
pabalik ang pagkilala sa ating panauhing tagapagsalita.
CHERIMEL: (BASAHIN ANG NILALAMAN NG SERTIPIKO)

XV. Panunumpa ng mga Nagsipagtapos (Kerby James C. Tomas, May Mataas


na Karangalan)

ROBERT: Maraming salamat, Ma’am Cherimel. At upang


pagtibayin ang kanilang katapatan at pagkilala sa
kanilang paaralang kinabibilangan, hayaan niyong ihatid
ko sa inyo ang isa sa mga nagtapos na may mataas na
karangalan upang pangunahan ang panunumpa ng
mga nagsipagtapos, walang iba kung hindi si Kerby James
C. Tomas.
XVI. Pangwakas na Awit (Mga Nagsipagtapos)

CHERIMEL: Ito na marahil ang yugto ng programang ito kung saan sa


huling pagkakataon ay sama-samang mag-aawitan ang
dalawang daan at isang nagsipagtapos, lupon dalawang
libo at dalawamput tatlo, kalakip ang galak na may
kasamang kirot dahil tuluyan na nilang lilisanin ang
kanilang ikalawang tahanan.

ROBERT: Huwag na nating patagalin pa, ating sama-samang


salubungin ng palakpakan na may kasamang kagalakan,
kaya naman, narito ang…….

BOTH: Mga nagsipagtapos taong dalawang libo at dalawamput


tatlo para sa kanilang pangwakas na awitin.

CLOSING SPIEL:

CHERIMEL: Malayo pa ang lalakbayin, pero katulad ng laging


tagubilin, huwag sayangin ang bawat sandali at sulitin ang
bawat pagkakataon. Sa bawat hamon ng buhay ay may
kaakibat na takot, ngunit ang maliit na hakbang ay
malayo ang mararating at mapupuntahan.

ROBERT: Katulad ng takipsilim na lumulubog ang araw, gayundin


ang bukang-liwayway na lumilitaw ito. Kaya naman,
palaging isipin na hanggat may buhay, mayroong pag-
asa. Huwag bastang sumuko at saan man kayo
makarating, baunin ang tiwala sa sarili, ang inyong bawat
karanasan, at lalo’t higit ang pananampalataya sa Diyos.
Muli, ako po si Sir Robert.

CHERIMEL: At ako naman si Ma’am Cherimel.

BOTH: At kami ang inyong tagapagdaloy sa araw na ito.


Maraming salamat po.
XVII. Resesyonal (Pgpasok ng mga Magsisipagtapos, Mga Magulang, Mga Guro
at Kawani ng Paaralan, Panauhing Pandangal)

CHERIMEL: Para sa ating resesyonal, hintayin lamang pong lumabas


ang watawat ng Pilipinas at sagisag ng paaralan.
Susundan ito ng ating panauhing tagapagsalita, sumunod
ang kawani ng paaralan, mga magulang at mga
nagsipagtapos.

ROBERT: Maraming salamat po sa inyong pakikibahagi sa


mahalagang araw na ito, Mag-ingat po ang lahat sa pag-
uwi, hanggang sa muli !

You might also like