Professional Documents
Culture Documents
Ibong Adarna (Summary)
Ibong Adarna (Summary)
Aahhhhh
Aaahhhh
Aaaaahhhh….
Aahhhhh
Aaaahhhh
Aaaaaahhhhhhh……
Scene 3: Berbanya
Reyna Valeriana: Ilang buwan na ang nakalipas ngunit wala pa ring balita sa aking panganay
na si Pedro. Ako at ang inyong Amang Hari ay lubusang nag-aalala sa kung anumang pwede
niyang sinapit.
Don Diego: Inang Reyna, huwag po kayong mag-alala. Bilang pangalawang panganay, payagan
ho ninyo akong hanapin ang aking kapatid na si Pedro, gayundin ang Ibong Adarna.
Reyna Valeriana: Mag-iingat ka, anak ko. Bumalik kayo ng iyong kapatid na ligtas, kasama
ang Ibong Adarna.
Scene 4: Bundok Tabor
Don Diego: Hay! Pagod na pagod na ako. (Sumandal sa isang puno) Ito na kaya ang sinasabi
nilang puno ng Piedras Platas?
(Naupo si Don Diego at mabilis na hinila ng antok. Ilang sandali lang ay dumapo na ang Ibong
Adarna, umawit at pagkatapos ay dumumi dahilan kung bakit naging bato siya katulad ng
kaniyang kapatid.)
Awit ng Ibong Adarna
Ang sikat sa silanganan,
Ang hanging, galing kung saan,
Lihim nito ay aapaw,
Aagos diwang mapanglaw.
Aahhhhh
Aaahhhh
Aaaaahhhh….
Aahhhhh
Aaaahhhh
Aaaaaahhhhhhh……
Scene 5: Berbanya
Haring Fernando: Wala pa rin bang balita sa ating dalawang anak?
Reyna Valeriana: Taon na ang lumipas at ni isa sa kanila ay hindi pa bumabalik. Ako’y
nangangamba at baka may masama ng nangyari sa kanila.
Haring Fernando: Ito na nga ba ang ikinababahala ko at baka magkatotoo ang laman ng aking
panaginip.
Don Juan: Ama, huwag po kayong mag-isip ng ganiyan. Hangad ko po na kayo ay gumaling.
Kung inyo pong mamarapatin, ako po’y pahintulutan ninyong umalis para hanapin ang aking
mga kapatid, at dalhin ang Ibong Adarna sa inyong tabi.
Haring Fernando: Oh, aking bunsong anak. Kung ikaw ay mawawala sa aking paningin ay
tiyak ‘kong ikamamatay.
Don Juan: Ngunit Ama, ang makita kang ganiyan ay mas mahirap para sa akin. Patawarin
ninyo ako ngunit kung hindi ninyo ako papayagan, ako ay aalis na lamang ng labag sa inyong
kalooban.
Haring Fernando: Kung gano’n, wala na akong magagawa kung ang desisyon mo ay buo na.
Don Juan: Bendisyon mo, Aking Ama, ang babaunin kong sandata.
Reyna Valeriana: Mag-iingat ka, anak ko.
Scene 6: Sa Gubat
(Habang naglalakad si Don Juan ay may nakasalubong siyang matanda.)
Matanda: Ginoo, maawa ka. Maaari bang makahingi kahit kaunting pagkain lang?
Don Juan: Ako nga po ay may natitirang isang tinapay na baon ko sa aking paglalakbay. Ito po
at tanggapin ninyo at ako ay busog pa naman.
Matanda: Naku, maraming salamat, Ginoo. Sana’y ikaw ay ipagpala. Kung hindi niyo
mamasamain, maaari ko bang malaman kung ano ang inyong pakay sa inyong paglalakbay?
Don Juan: Ang aking ama ay may malubhang sakit at ang tanging lunas ay ang awit ng Ibong
Adarna. Nauna na ang aking mga kapatid ngunit hindi pa sila nakakabalik.
Matanda: Mahabaging Diyos! Mahirap ang iyong binabalak pero maaari kitang matulungan.
Tandaan mo, mag-iingat ka upang ika’y hindi maging bato. Pagdating mo sa bundok ay may
makikita kang puno ngunit huwag ka doong tumigil. Tumingin ka lamang sa ibaba at may
makikita kang kubo, kung saan naninirahan ang taong magbibigay sa iyo ng payo upang mahuli
ang ibon. Heto at mahaba pa ang magiging byahe mo kaya kunin mo na ito.
Don Juan: Hindi ko po matatanggap ang tinapay. Naibigay ko na po iyan at ang bawiin pa ay
hindi ko magagawa.
Matanda: Kung gano’n, maraming salamat, Ginoo. Mag-iingat ka sa iyong paglalakbay.
Aahhhhh
Aaahhhh
Aaaaahhhh….
Aahhhhh
Aaaahhhh
Aaaaaahhhhhhh……
Aahhhhh
Aaahhhh
Aaaaahhhh….
Aahhhhh
Aaaahhhh
Aaaaaahhhhhhh……
Haring Fernando: Ang pakiramdam ko ay magaan na. Isa nga itong himala!
Reyna Valeriana: Ito ay isang magandang balita, aking Mahal.
Ibong Adarna: Mahal na Haring Fernando, nandito sa inyong harapan ang inyong bunsong
anak na nalagpasan ang pagsubok sa paghuli sa akin. Naiwasan niya na makatulog at maging
bato. Siya ang dahilan kung bakit nag-anyong tao muli ang kaniyang mga kapatid. Ngunit dahil
sa inggit, pinlano ng panganay ninyong anak na hamakin ang inyong bunso, binugbog at iniwan
sa gitna ng gubat. Sa sinapit ng bunso ninyong anak, ako ay nalumbay. Kaya ang pagkain o
pagkanta ay hindi ko magawa. Ayoko sa taksil ninyong mga anak kung kaya ang yaman ng
kaharian ay dapat mapunta Kay Don Juan.
Haring Fernando: Pedro! Diego! Totoo ba ang sinasabi ng Ibong Adarna?! Sumagot kayo!
Don Diego: Ama, patawarin ho ninyo kami. Iyon po ay plano ni Pedro.
Haring Fernando: Anong ginawa ninyo sa inyong kapatid? Ipatapon ang dalawang ito at
bawian ng karapatan. Hindi mapapantayan ng kapatawaran ang ginawa ninyong pagtataksil sa
inyong kapatid, sarili ninyong dugo’t laman!
Don Juan: Ama, mahabag ka. Anak mo din po sila. Sila po’y napatawad ko na at ang kanilang
ginawa ay tapos na. Ngayon, nandito ho ako at buhay pa. Kaawaan niyo po sila.
(Ilang sandali..)
Haring Fernando: Tama ka, aking bunso. Sila nga ay aking mga anak kaya’t kakalimutan ko
ang hatol na ito kapalit ng pangakong hindi na nila uulitin pa ang kanilang ginawa. Ngunit,
magkasala silang muli ay hindi ko na papatawarin at kamatayan ang magiging kapalit.
Naiintindihan ba ninyo?
Don Pedro at Don Diego: Opo. Amang Hari.
(Pagkalabas ng dalawa …)
Don Pedro: Hindi ko ito matatanggap. Maghihiganti ako sa kahihiyang ibinigay ni Juan sa atin!
Don Diego: Don Pedro, hindi ka ba natatakot sa maaaring mangyari kapag nalaman ito ng
Amang Hari?
Don Pedro: Bakit ako matatakot? Ang isang magiting na Don ay hindi dapat matakot kaya ikaw
ay sumunod na lamang sa akin. (Pabulong) Gisingin mo si Juan at siya ang ipagbantay mo sa
ibong adarna. Pagdating dito ay iwan mo siyang mag-isa at huwag mo siyang halinhinan. Kapag
ito’y nakatulog na, papakawalan natin ang Ibong Adarna.
Scene 14: Ikalawang Pagtataksil
Don Diego: Juan, inaantok na ako. Ikaw na muna ang magbantay sa Adarna. Hintayin mo na
lamang si Pedro na halinhinan ka pagkatapos.
Don Juan: Masusunod, Kuya Diego.
(Nang nakatulog na si Juan mula sa pagbabantay, unti-unting pumasok si Pedro at
pinakawalan ang Ibong Adarna.)
(Nang magising si Juan….)
Don Juan: Nasaan na ang Ibong Adarna? Hindi kaya’y nilinlang ulit ako ng aking mga
kapatid? Hindi ba sila natatakot sa banta ng Amang Hari? Ngunit ako ay may pagkukulang rin,
kaya ngayon, ang dapat kong gawin ay umalis at magtago upang mapagtakpan ang nagawang
kasalanan ng aking mga kapatid.
Don Juan: Paalam, Ama’t Ina. Paalam, Berbanya.
Scene 15: Don Pedro at Don Diego
Haring Fernando: Pedro, Diego, Juan! Nasaan na ang Adarna? Bakit wala ito sa kaniyang
hawla?
Don Diego: Hindi po namin alam. Si Juan po ang bantay kagabi.
Haring Fernando: Nasaan si Juan? Hanapin niyo siya!
Don Pedro: Ama, bakit kailangan pa naming hanapin ang taong taksil at sumuway ng inyong
utos na bantayan ang Adarna?
Haring Fernando: Tumahimik ka, Pedro! Ang utos ko ay hanapin si Juan at ibalik dito sa
kaharian! Umalis na kayo sa aking harapan!
Scene 16: Paghahanap Kay Don Juan
Don Diego: Ano na ang gagawin natin, Kuya?
Don Pedro: Huwag kang ganiyan, Diego. Ang iyong takot at hiya ay dapat ilihim kay Juan.
Lakasan mo ang iyong loob. May naisip ako upang makabawi tayo sa kaniya.
Don Diego: Ano naman iyon?
Don Pedro: Huwag na tayong bumalik sa Berbanya. Tayo’y sumama nalang kay Juan at
makipagsapalaran sa ibang kaharian.
Don Diego: Iyan nga ay isang magandang ideya.
Don Pedro: Oh, siya. Hanapin natin siya at lapitan.
(Maya-maya pa …)
Don Pedro: Si Juan! Juan!
Don Juan: Anong ginagawa ninyo dito?
Don Pedro: Kami ay nagkasundong lisanin na ang Berbanya at maglakbay sa malayo. Ibig sana
naming imbitahan kang sumama sa aming paglalakbay?
Don Juan: Oh, sige. Ako ay pumapayag.
Scene 17: Ang Balon
Don Diego: Tignan niyo, isang balong marmol at may mga gintong nakaukit!
Don Juan: Ito ay mahiwaga. Subukan nating bumaba at tuklasin ang nasa loob nito. Itali ninyo
ako at ihulog nang dahan-dahan ngunit huwag ninyong bibitawan.
Don Diego: Mas matanda ako sa iyo at ako muna ang mauuna.
Don Pedro: Aba! Wala ka ring karapatan sapagkat ako ang panganay sa ating tatlo. Ako na ang
mauuna.
(Tinalian na si Pedro at pumasok ito sa balon. Maya-maya pa ay umangat na siya.)
Don Diego: Narating mo ba ang hangganan? Ano ang iyong nakita?
Don Pedro: Maghintay muna kayo at ako’y kinukulang pa ng hininga. Hindi ko natagalan ang
loob ng balon. Sindak at takot ang aking nadarama, para akong sinasakal.
Don Diego: Takot? Sabi mo ang isang Don ay dapat walang kinakatakutan.
Don Pedro: Tumahimik ka Diego. Sige nga at ikaw naman ang sumubok.
(Pumasok si Don Diego sa balon.)
Don Juan: Oh, anong balita? May natuklasan ka ba?
Don Diego: Wala! Sa lalim na parang walang hangganan, ang takot ko ay umiral.
Don Juan: Kung iyan rin lamang ay ako na ang susubok.
Scene 18: Ang Kaharian sa Balon
Don Juan: Oh, Hiwaga! Mala-engkanto nga ang balon na ito.
Donya Juana: (Aawit)
“Kahit Ako’y Nag-iisa” by Jessa Zaragoza
Kahit paulit ulitin man akong iwan
‘Pagnadapa’y tumitindig kahit nasasaktan
Tumitibay natututong lumaban
Kailanman may ro’ng patutunguhan
Pangarap ko’y may pag asang laan
Kahit na ako’y nag iisa
Kakayanin kong
Muling magsimula
Bawat araw may
Nag hihintay na ligaya
Kahit na ako’y nag iisa
Ang isipan ko’t puso’y magpapasya
Ang sarili kong buhay
Muling iduduyan
Muling makakamtan
Don Juan: Magandang araw sa iyo, marilag na Prinsesa. Don Juan ang aking pangalan.
Donya Juana: Magandang araw rin sa iyo, Ginoo. Ang aking ngalan ay Donya Juana.
Don Juan: Sadyang ang tadhana ang nagdala sa akin dito upang ika’y makita.
(Hahalikan ni Don Juan ang kamay ni Donya Juana ngunit hindi man lang ito ngumiti.)
Don Juan: Kung wala kang pagmamahal na nadarama, kitilin mo na lamang ang aking buhay.
Ano pa ang halaga nito kung ikaw ay hindi rin lang makakamtan? Tinahak ko ang balong
kasindak-sindak, masilayan ka lamang, ngunit sawi pa rin ang aking buhay.
Donya Juana: Tanggapin mo ang aking puso. Kapag ito’y naglaho, patunay na ikaw ay
nagtaksil sa pangako.
Don Juan: Oh! aking Prinsesa. Ako’y kailanma’y hindi magtataksil. Panahon ang siyang
magsasabi.
Donya Juana: Ngunit, ngayon. Saan kita itatago laban sa higante na nagbabantay sa akin?
Kapag ika’y makita nito, tiyak na kamatayan ang iyong aabutin.
Don Juan: Aking Mahal, huwag kang mangamba. Hayaan mong labanan ko ang Higante upang
makamit mo ang kalayaan.
Scene 19: Higante
Higante: Juana! Ano itong naaamoy kong tao? Nasaan siya?
Don Juan: Pakawalan mo si Donya Juana!
Higante: Kung sinuswerte ka nga naman. Hindi ko na kailangan pang mamundok upang
makahanap ng makakain. Ikaw ang magiging ulam ko!
Don Juan: Tumahimik ka, Higante. Hindi mo ako makakain!
Higante: Kung ikaw man ay kilabot sa inyong kaharian, dito ay hindi. Kaya humanda ka at
ikaw ay magiging aking pagkain.
(Naglaban si Don Juan at ang Higante. Sa huli, napatay niya ang Higante at malaya na si
Donya Juana.)
Don Juan: Aking prinsesa, ika’y malaya na. Halina’t umalis na tayo at magpakasal.
Donya Juan: Sandali Juan. Hindi ko maiiwan ang aking kapatid. Nasa loob siya ng palasyo at
binabantayan ng isang serpyente. Ang aking hiling ay siya ay iyong iligtas din.
Don Juan: Kung iyan ang iyong kagustuhan. Hintayin moko at ako ay magbabalik.
Scene 20: Ang Serpyente at si Donya Leonora
Donya Leonora: Pangahas! Sino ka at bakit ka naparito?
Don Juan: Patawad sa aking kapangahasan. Ang ngalan ko ay Juan.
Donya Leonora: Hindi mo ba alam na kamatayan lang ang iyong aabutin dito? Kaya bago pa
dumating ang serpyente ay umalis kana!
Don Juan: Hindi gaanong masaklap mamatay kung ito’y sa iyong harap lamang.
Donya Leonora: Nagbibiro ka ba? Hindi ko kailangan na mamatay ka sa aking harapan.
Don Juan: Huwag kang magagalit. Kamatayan na ang nais ko kung ako’y mahiwalay sa iyo.
Ikaw na ang sa humatol sa aking buhay at handang-handa na akong mamatay sa iyong mga
kamay
Donya Leonora: Hindi rin ako makatiis. Don Juan, Hindi ko nais na ika’y habagin, kung sa iyo
man ay nagalit, pagsubok lamang iyon ng pag-ibig. Heto ang bote na makakapatay sa
serpyenteng aking bantay. Sa bawat ulo na mapuputol, ibuhos mo ito upang hindi na ito
mabuhay pa. Mag-iingat ka at ako’y iyong balikan.
Don Juan: Huwag kang mag-alala at pagbubutihin ko.
(Dumating ang serpyente at sila ay naglaban. Sa bawat ulong napuputol ay ibinuhos niya ang
laman ng bote at hindi na ito muling tumubo pa.)
Don Juan: Aking prinsesa, tapos na ang iyong pagdurusa. Halika at tayo’y umalis na.
Scene 21: Ang Ikatlong Pagtataksil
Don Juan: Aking mga kapatid, sila ang magkapatid na Sina Juana at Leonora, mga prinsesa ng
kaharian sa loob ng balon.
Don Diego: Ito nga ay isang hiwaga!
Don Pedro: Ikinagagalak namin kayong makilala, Donya Juana at Donya Leonora. (sabay halik
sa kamay ng dalaga)
Donya Leonora: Naku! Ang aking singsing. Iyon ay pamana pa sa akin ng aking Ina.
Nakaligtaan ko iyon sa palasyo.
Don Juan: Kung gayon ay dapat ko itong balikan. Hintayin ninyo ako dito.
Donya Leonora: Salamat, giliw ko.
(Ngunit habang bumababa si Don Juan, ay biglan namang pinutol ni Don Pedro ang lubid.)
Don Juan: Aaahhhh!
Donya Leonora: Juan! (Kay Pedro) Lapastangan! Kapatid mo iyon! Bakit mo pintulol ang
lubod? Ibig mo ba ang kaniyang kamatayan?
Don Pedro: Oo! Kung ito rin lamang ang paraan upang ika’y mapasaakin lamang.
Donya Juana: Kawalang-hiyaan! Hindi nababagay si Leonora sa iyo!
Don Pedro: Kayong dalawang prinsesa ay aming dadalhin sa Berbanya at doon ay ipapakilala
bilang aming magiging asawa.
Donya Leonora: Lubayan mo ako!
(Sa paglalakad ni Donya Leonora, lumitaw ang kaniyang alagang lobo.)
Donya Leonora: Pakiusap, puntahan mo si Don Juan. Kung siya man ay nasaktan, gamutin mo
an kaniyang mga sugat. Sabihin mong hindi ko kagustuhang iwan siya dito. Kami ay pinilit
lamang ng kaniyang mga kapatid.
Aahhhhh
Aaaahhhh
Aaaaaahhhhhhh......
Ibong Adarna: Mahal na prinsipe, ‘Kay tagal nating nawalay sa isa’t isa. Anong ligaya ang
aking nadarama, nang ika’y makitang muli. Ako ay umalis ngunit hindi dahil sa hinanakit kundi
dahil sa dalawa mong kapatid na plano kang hamakin. Sa kahapong nagdaan ay wala na tayong
magagawa kaya’t nararapat mo nang hanapin ang iyong kaligayahan.
Don Juan: Ngunit paano kung ang aking sinisinta na si Leonora ay kinuha na ni Pedro?
Ibong Adarna: Iyo nang limutin si Leonora mong iniibig sapagkat mayroong mas magandang
binibini na tinadhana sa iyo. Kaya tayo na, Don Juan, sa Reyno ng De Los Cristales
Scene 24: Si Donya Maria at ang Kaharian ng De Los Cristales
Donya Maria: (Awit)
“Buntala” by Fred Engay
Don Juan: Binibini, ako’y nabihag sa iyong taglay na kagandahan. Nang makita ang iyong
kariktan, puso ko’y kakaba-kaba. Ako’y anak ng Kaharian ng Berbanya. Narito ako upang ika’y
paglingkuran at ialay ang aking buhay magpakailan.
Donya Maria: Tumindig ka, Ginoo, kung ang sinasabi mo ay totoo.
Donya Maria: Sa ating pagsusuyuan, ang maglihim ay kataksilan. Ako ay isang prinsesa sa
kaharian ng De Los Cristales. Tumingin ka sa paligid. Lahat ng makikita mong bato ay buhay
na buhay na tao noon. Iyan ang inilapat na perusal ng aking ama sa mga prinsipeng hindi
nagtagumpay sa kaniyang pagsubok. Ngunit, Mahal, hindi ko hahayaang matulad ka sa kanila.
Tayo’y pumanhik sa palasyo at sisiguraduhin kong hindi ka magiging bato.
(Kinaumagahan)
Haring Salermo: Isang himala! Ikaw, Don Juan ang kauna-unahang nagtagumpay ng aking
pagsubok. Dahil diyan, tutuparin ko ang aking pangako sa iyo na pakasalan ang aking anak
ngunit hindi kay Maria kundi sa aking panganay na anak na babae.
Donya Maria: Ama, anong ibig sabihin nito?
Don Juan: Mawalang galang na po, pero si Maria ang gusto kong pakasalan.
Donya Maria: Juan, tumakas nalang tayo at hindi mo na mababago ang isip ng aking Ama.
Haring Salermo: Tumigil kayo, ngayon din. Kapag sinubukan ninyong umalis ng kaharian,
isinusumpa ko na malilimutan mo si Maria kapag lumapat ang iyong mga mata sa ibang babae.
Donya Mari: Huwag kang makinig Juan. Takbo!
Scene 26: Ang Sumpa
Utusan: Nakabalik na si Don Juan! Nakabalik na siya!
Donya Leonora: Si Juan?
Don Juan: Leonora?
Donya Maria: Huwag kang titingin sa kaniya. Ako ang Mahal mo!
Don Juan: Si Leonora ang gusto kong pakasalan. Bitiwan moko.
Donya Maria: Hindi. Hindi! (Exit)
Donya Leonora: Sa pitong taong paghihintay ay nasilayan ko din ang aking Mahal. Mahal na
Hari, ang magpakasal sa iba ay kataksilan sa aking mahal. Kaya ngayong nandito na sya, anong
saya ang aking nadarama.
Haring Fernando: Kung gayon, bukas na bukas din, kayo ay ikakasal.
Scene 27: Kasalan
(Naglalakad na si Donya Leonora patungong altar. Nang makalapit siya Kay Don Juan,
biglang papasok si Donya Maria.)
Donya Maria: Sandali, itigil ang kasal. Juan, ako ito, ang iyong iniirog. Pinagtagumpayan ang
pagsubok ng trigo upang aking kamay ay mapasaiyo. Ang makita kang ipakasal sa iba ay hindi
ko kaya, kaya’t pakiusap, magbalik ka sa iyong katinuan at ako ay pakasalan.
Donya Maria: (Awit)
“Sa Iyo” by Ima Castro
(DUET)