Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Jazmin Lyka D.

Atienza Grade 10-Fibonacci

Suring Basa sa Maikling Kwentong


“Kung Bakit may Tagsibol at Taglagas”

I. Panimula
Pamagat: Kung Bakit may Tagsibol at Taglagas
May-akda: Isinalin sa Filipino ni Guene Bensig
Uri ng Panitikan: Mitolohiya
Bansang pinagmulan: Mito mula sa Gresya
Layunin ng Akda: Maglarawan at magsalaysay ng mga pininiwalaang kwento tngkol sa mga
Diyos at Diyosa, at kung paano ito mauuugnay sa makatotohanang pangyayari.
II. Pagsusuring Pangnilalaman
Tema o Paksa ng akda: Makabuluhan at napapanahon ngunit hindi makatotohanan ang paksa
nito sapagkat mayroong mahika at hindi makatotohanang elemento ang mitolohiyang ito.
Mga Tauhan sa Akda:

 Pluto
 Demeter
 Proserpina
Tagpuan / Panahon – Kailan naganap? Anong panahon? Binibigyan ng pansin sa
panunuring pampanitikan ang kasaysayan.
Balangkas ng mga Pangyayari – Paano binuo ang balangkas ng akda? Ano ang
mensaheng ipinahihiwatig ng kabuoan ng akda? May natutuhan ka ba sa
nilalaman ng akda?
Kulturang Masasalamin sa Akda – May nakikita bang uri ng pamumuhay,
paniniwala, kaugalian o kulturang nangibabaw sa akda? Nakaimpluwensiya ba ito
sa pananaw ng ibang tao o bansa?
III. Pagsusuring Pangkaisipan
Mga Kaisipan / Ideang Taglay ng Akda – Ano-ano ang mga kaisipang lumitaw sa
akda? Maaari ring salungatin, pabulaanan, mabago o palitan ang mga kaisipang
Jazmin Lyka D. Atienza Grade 10-Fibonacci

ito.
Estilo ng Pagkakasulat ng Akda – Epektibo ba ang paraan ng paggamit ng mga
salita? Angkop ba sa antas ng pang-unawa ng mga mambabasa ang pagkabuo ng
akda? May bisa kaya ang estilo ng pagkakasulat sa nilalaman ng akda?

 Bisa sa Isip – tumutukoy sa kung paano naiimpluwensiyahan ang pag-iisip o utak.


 Bisa sa Damdamin – Ano ang nadama at paano natigatig ang emosyon ng mambabasa?
Si Proserpina ay isang dalagang magandang-maganda. Katulong siya ng kanyang inang si Demiter sa
pangangalaga sa mga halaman sa lupa. Kung minsan ang mag-ina ay namimitas ng mga bulaklak na basa
pa ng hamog kung bukang-liwayway. Kung minsan naman ay nakikipagsayaw si Proserpina sa kanyang
mga kapwa dalaga sa gitna ng parang. Masaya ang buhay ng mag-ina.

Nang mga panahong yaon ay malungkot si Pluto. Nag-iisa siya sa kanyang kaharian sa ilalim ng lupa. Ibig
niyang magkaroon ng reyna. Marami nang dalaga ang kanyang pinaghandugan ng mga mahal at
magagandang hiyas, ngunit isa man ay walang mahikayat na tumira sa kanyang kaharian.

Isang araw ay nagtungo si Pluto sa ibabaw ng lupa. Nakalulan siya sa kanyang gintong karosa na hinihila
ng mga kabayong walang kamatayan. Mabilis ang takbo ng mga kabayo. Nagkataong nasa parang noon
sina Proserpina at ang kanyang mga kaibigan. Nakita siya ni Pluto.

“Siya ang gagawin kong reyna ng aking kaharian,” ang bulong ng hari.

Pinatakbo ni Pluto ang kanyang mga kabayo at inagaw ang dalagang namimitas ng mga bulaklak.
Humingi ng tulong si Proserpina. Tumawag siya sa kanyang amang si Seus, ngunit hindi siya narinig nito.

Walang nakarinig sa kanyang kasisigaw maliban sa isang mahiwagang diyosang ang pangalan ay Hekate.
Gayunman ay sumigaw rin nang sumigaw si Proserpina. Ang alingawngaw ng kanyang sigaw ay ikinalat
ng hangin sa mga burol at kagubatan hanggang sa narinig ni Demiter na noo’y nasa malayong pook.

Dali-daling nagbalik sa Sisilya si Demiter. Una niyang tinungo ang kanilang tahanan upang tingnan si
Proserpina. Wala roon ang dalaga. Naghanap si Demiter. Siyam na araw niyang hinanap ang nawawalang
anak. May dala siyang dalawang sulo na itinatanglaw sa lahat ng sulok ng lupa, ngunit di niya matagpuan
ang dalaga. Dahil sa laki ng kanyang kalungkutan ay hindi siya tumikim ng anumang pagkain ni inumin.

Dumating sa kanya si Hekate nang ikasampung araw. Ibinalita sa kanyang narinig niya ang mga sigaw ni
Proserpina ngunit hindi niya nakita kung sino ang umagaw.

Hindi naasikaso ni Demiter ang kanyang gawain sa ibabaw ng lupa. Namatay ang mga halaman at
nagkagutom ang mga tao. Habang lumalakad ang mga araw ay lalo silang nagkakagutom. Lumapit sila
kay Demiter at hiniling ditong patubuin na ang mga halaman sa lupa.

Naging matigas ang puso ni Demiter dahil sa kalungkutan. Sinabi niya sa mga tao na hangga’t hindi niya
nakikita ang kanyang anak ay hindi niya maasikaso ang mga gawain niya sa lupa.

Naghanap siya nang naghanap. Nang wala na siyang pag-asa ay lumapit siya kay Seus. Hiniling niya sa
diyos ng mga diyos na ibalik sa kanya si Proserpina.
Jazmin Lyka D. Atienza Grade 10-Fibonacci
“Kung siya’y ibabalik sa akin ay muling magkakaroon ng masaganang ani sa lupa,” ang sabi ni Demiter
kay Seus.

Naawa sa kanya si Seus. Ipinangako sa kanyang ibabalik sa piling niya si Proserpina kung ang dalaga’y
hindi kumain ng anuman samantalang siya’y nasa kaharian ni Pluto.

Natuwa si Demiter. Nagtungo siya sa ilalim ng lupa. Natagpuan niya si Proserpina sa palasyo ni Pluto.
Nagyakap ang mag-ina. Ibig na ibig na ng dalagang masilayan ang ibabaw ng lupa na sinisikatan ng araw.

Ngunit siya pala’y kumain ng araw na yaon ng anim na buto ng granada. Dahil sa pagkakain niyang yaon
ay minarapat ni Plutong mamalagi sa kanyang piling si Proserpina sa loob ng anim na buwan, at sa piling
naman ni Demiter sa nalalabing anim na buwan bawat taon.

Kung si Proserpina’y nasa piling ng kanyang ina ay tagsibol at tag-araw sa ibabaw ng lupa. Kung siya’y
nasa kaharian ni Pluto ay taglagas at taglamig sa ibabaw ng lupa.

Aral:

Ang pagtupad sa pangako ay magandang kaugalian at nakaaangat ng dangal bilang isang tao.

Huwag ipilit ang sarili sa iba lalo na kung hindi ka naman niya minamahal sapagkat lalo ka lamang
masasaktan.

You might also like