Professional Documents
Culture Documents
Isyu NG Kahirapan Sa Pilipinas
Isyu NG Kahirapan Sa Pilipinas
Ang kahirapan ay ang kadalasan nating pinagtutuunan ng pansin, dahil ito ang isa sa
mgamabibigat na problema na ikinakaharap ng ating bansang Pilipinas kung saan
maramingnaaapektuhan lalo na ang mga kabataan. Ang kahirapan ay tumutukoy sa kalagayan
o katayuan ngisang tao na walang isang halaga ng mga pag-aaring materyal o salapi. Ito ay
isang kalagayan kung saan hindi nakakamptan ng nakakaranas nito ang mga pangunahing
pangangailangan sa pangaraw-araw. Ang isang tao, mahirap man o mayaman, ay may
karapatan na makatanggap ng pangunahing pangangailangan katulad ng pangangalaga ng
pangkalusugan, malinis na tubig, sapat na pagkain sa pang araw-araw, at malinis na
kapaligiran. Ngunit bakit hindi sila nakakatanggapnito kung ito ay isang karapatang panlahat?
Ayon kay Gaum (2016), may dalawang uri ang kahirapan. Una ay ang absolute ng
kahirapan, ito ang kalagayan o katayuan ng hindi pagkakaroon ng paraan o pamamaraan
upang makayanan o makapagdulot magkaroon ng payak o basikong mga pangangailangang
pantao,katulad ng malinis na tubig o naiinom na tubig, nutrisyon, pangangalaga ng
pangkalusugan, kasuotan, at tirahan. Ang pangalawa ay ang relatibong kahirapan, ito ang
kalagayan ng pagkakaroon ng mas kakaunting mga mapagkukunan o mas kakaunting kitang
salapi kaysa ibangmga tao sa loob ng isang lipunan o bansa, o kapag inihambing sa mga
karaniwang bilang sa buong mundo. May mga pangunahin at karaniwang dahilan kung bakit
nagiging matinding suliranin ng bansa ang kahirapan, absolutong kahirapan man o relatibo.
Ayon sa Academia, madalas nating sisihin ang maling pamamalakad ng mga pinuno ng
bansa, ngunit sila nga ba ang may kasalanan o tayo ring mga Pilipino? Sabi nga nila,
“Katamaran Ay katumbas ng kahirapan”. Sinasabi ng karamihan, kaya sila naghihirap ay sa
kadahilanang wala siyang trabaho, pero ang totoo, maraming trabaho ng nakalaan ngunit mapili
lamang talaga ang mga Pilipino, mas pipiliin pa nilang maupo na lang sa isang tabi at
manghingi ng limos kay magpapagod sa pinakamabigat na trabaho at kumita ng isang daang
piso sa isang araw, pero sa kadahilanang ito,pinapakita lang natin na tayo ay tamad na
nagiging dahilan ng kahirapan. Ngunit May mga sitwasyong hindi natin sila masisisi dahil hindi
maipagkakaila na may mga pangyayari at sitwasyon na hindi nila pinili.Isang halimbawa lamang
ito na nabibilang sa relatibong uri ng kahirapan.
Sa artikulo ng Bawal Ang Mahirap noong taong 2016, inisa-isa ang mga pangunahing
sanhi kung bakit nasasadlak sa kahirapan ang mga kababayan nating Pilipino. May mga sanhi
na kung saan ang mismong mga tao o pamilya ang nagiging dahilan. Una ay ang masamang
bisyo, Ang paggamit ng sigarilyo at alak ay nagdudulot ng pagkasira sa ating kaisipan,
kalusugan, pamilya,kabuhayan, pangarap at kinabukasan ng pamilya, at marami pang iba. Sa
halip na nagiging produktibo ang isang tao sa kanyang trabaho o pag-aaral, nauubos ang oras
niya dahil sa bisyo o di kaya kung siya ay magkasakit ay hindi na magawang pumasok. Bukod
sa nasayang ang pera, pagkakataon at oportunidad na umasenso sa buhay, nagdudulot din ito
ng pagkawasak ng pamilya. Ilang mag-asawa ang tuluyan nang naghiwalay o mga anak na
itinakwil ng magulang o malapit na kaanak nang dahil sa masamang bisyo, lalo kung sangkot
na sa ipinagbabawal nagamot. Pangalawa, ay kawalan ng malinaw na pagpaplano, Ang
padalos-dalos na desisyon aykadalasang walang magandang patutunguhan. Marami sa mga
kabataan ngayon ay pagwawalang bahala ang pag-aaral, sumama sa masamang barkada, o di
kaya’y maagang nabubuntis, nag-aasawa, o anak ng anak ang mag-asawa na hindi naman
kayang suportahan. Ang resulta, dumarami ang bilang ng mga tao o pamilyang naghihirap at
nagugutom sa ating bansa,gayundin ang mga taong nakatira sa squatter o di kaya’y sa
lansangan. Ikatlo ay ang mababang antas ng edukasyon, Marami sa mga mahihirap nating
kababayan ay mababa ang antas na pinag-aralan sa paaralan o hindi man lang nakaabot ng
kolehiyo. Ito ay sa kadahilanang walang sapat na perang pangtustos sa pag-aaral, o di kaya
mas inuna ang pagtatrabaho kaysa sa mag-aral sapagkat walang maayos na ikabubuhay ang
kanilang mga magulang. Sa panahon ngayon, halos lahat ng mga trabahong iniaalok sa mga
classified ads sa dyaryo at internet ay nangangailangan makatapos ng college level o graduate
ang isang aplikante. Kaya ang resulta, marami ang pagtitiyaga sa mga trabahong hindi
nakakabuhay ang sahod (minimum wage na Php 512 kada araw sa Metro Manila) gaya ng
pagiging kargador sa palengke, pangangalakal ng basura, tricycle o pedicab driver,
kasambahay, street sweeper, atbp. upang makaraos sa araw-araw na gastusin ang kanilang
sambahayan. Ika-apat, ay ang malabis na paggastos at pangungutang, ang ilan sa mga
Pilipino na mahirap man o mayaman ay minsa’y gumagastos ng labis sa kanilang kinikita na
nagiging resulta ng pangungutang, may mga sitwasyon rin kung saan gumastos ang isang tao
sakanyang kagustuhan at hindi nagbabase sa kanyang pangangailangan. Ang mga ganitong
gawain ay nakakasanayan ng ibang Pilipino na nagiging dahilan ng kakulangan sa pera at
kahirapan.Ikalima naman ay ang katamaran, ito ang isa sa mga pinaka pangunahing sanhi ng
kahirapan. May mga Pilipino na paminsan umaasa na lamang sa gobyerno dahil sila ay
nawawalan na ng pag asaat inaasahan nila na magagawan ng solusyon ang kanilang
kinakalagayan. Tama na dapat solusyonan ng gobyerno ang ganitong isyu, ngunit madalas ay
puro sisi na lamang sa pamahalaan ang ginagawa ng mga tao na nagiging dahilan na lamang
ng sobrang katamaran. Madalas aymaraming opurtunidad ang nakaabang ngunit mismong tao
ang lumalayo rito dahil sa pagigingmapili at tamad. Ikaanim ay ang pag-aasawa nang hindi
handa. Karamihan sa mga kabataan ngayon ay nag-aasawa ng maaga at hindi pa handa. Ang
pag-aasawa ng hindi pa handa ay nagiging dahilan ng kahirapan, dahil ito ay hindi biro,
kailangan mo itong pag planuhan, pagplanuhan at paghandaan lalo na at marami ang gastusin
at kakailanganin.
Karagdagang pang sanhi ng kahirapan ayon kay Mactal (2016), ay ang imperyalismo at
ang halimbawa ay pagpasok ng “globalisasyon” na masasabi din na imperyalismo kung saan
ang mga dayuhan at mayayamang kapitalista na nagmamay ari ng iba’t ibang kompanya ang
siyang nagdidikta sa pamahalaan upang sisikilin ang karapatan ng mga manggagawa. At ang
pagsasanib pwersa ng pamahalaan at kapitalista ang siyang dumudurog sa unyon na siyang
pumapatay sa karapatan ng mga manggagawa upang magkaroon ng
tamang,pasahod,benepisyo at hustisya. Isa pang dahilan ng paghihirap ng bansa ay ang
matinding kapabayaan ng likas na yaman ng bansa.Ang pagputol ng mga puno na dahilan ng
pagbaha (illegal logging), landslide at erosion.Ang pagdudumi sa ilog at dagat, pag gamit ng
mga nakakalason na paputok at maling paraan ng pangingisda na sumisira sa yamang dagat.
Ang kapabayaan ng gobyerno at mamamayan sa likasna yaman ay isang malaking dahilan
upang unti unting mabaon ang bansa sa kahirapan.
Maraming masasamang epekto ang kahirapan hindi lamang sa ekonomiya ng ating bansa.May
mga masasamang epekto ito sa kalusugan, kalagayan at edukasyon ng mga pamilya lalo na
ng mga kabataan. Karamihan sa kanila ay hindi nakakatanggap ng paksang pangunahing
pangkalusugan, ito ay nagdudulot ng mga iba’t ibang sakit. Ang malnutrisyon ay ang pinaka-
karaniwang sakit sa mga taong nakakaranas ng kahirapan, ito ay dahil sila ay may kakulangan
sa wasto at masustansyang pagkain. Ang mga bata na nagtatrabaho sa mga kalye ay napakita
sa maraming mga panganib. Ang mga bata na gumagastos ng maraming oras sa pagtatrabaho
sa kalye ay mas madaling kapitan ng sakit tulad ng hirap sa paghinga, impeksyon, pneumonia
at iba pang mga sakit. Sila ay maaaring magamit bilang instrumento sa pagbenta ng droga,
robberies, huthotat pangingikil. Ang ilan pa ay sapilitang isinasali sa prostitusyon o iba pang
kriminal na gawain.Malaki rin ang epekto nito sa edukasyon ng kabataan. Dahil sa maliit at
kapos na suweldo ng mga magulang ay hindi na kayang pag-aralin ang mga anak at
ipinagtatrabaho na ito kahit sa murang edad pa lamang. Minsan naman ay dahil sa walang mga
sapat na paaralan na malapit sa kanilang tinitirahan kaya pinipili na lamang tumigil sa pag-aaral
upang mas pagtuunan ang pagkayod. Isang epekto rin ang maagang pagbubuntis. Karamihan
sa mga kabataan ngayon ay nakakaranas ng maagang pagbubuntis dahil hindi sila nabibigyan
ng sapat na impormasyon ukol sa pagbubuo ng pamilya at kung ano ang mga responsibilidad at
kahihinatnan nito. Ito rin ay isa sa mga pinagmumulan ng pagtaas ng populasyon sa bansa
dahil mas lalong nadadagdagan ang nanganganak.