Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
Region XII
DIVISION OF SOUTH COTABATO
Polomolok Central I District
Eustacio Barcatan Elementary School

District Training on Literacy Instruction


February 12-19, 2021

Banghay Aralin sa Filipino 2


I. Layunin:
A. Pamantayang pangnilalaman (Content Standard): Natutukoy ang sanhi at
bunga ng mga pangyayari
B. Pamantayan sa Pagganap (Performance Standard): Naibibigay ang sanhi at
bunga ng isang pangyayari.
C. Kakayahang Pagkatuto (Learning Competency/Objective): Napag-uugnay
ang sanhi at bunga ng mga pangyayari ayon sa binasang teksto. F2PB-Ih-6
FILIPINO LAMP p.15

II. Paksang-aralin: Sanhi at Bunga

III. Sanggunian:
1. Kagamitang Pang guro: LC Code – F2PB-Ih-6 FILIPINO LAMP p.15
2. Kagamitang Pang mag-aaral: Aklat sa FILIPINO 2 “Ang Bagong Batang
Pinoy” K-12
3. Pahina ng aklat aralin: Pahina 344-346
4. Mga karagdagang kagamitang pagkatuto Resource (LR) portal: Mga
larawan at tsart
IV. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral: Ibigay ang sariling wakas ng mga sumusunod na larawan.

B. Panlinang na Gawain:
1. Pagganyak:
Awitin ang “Ako ay May Lobo”. Sumabay sa awitin mula sa video na ipapakita
ng guro.

Tanong: Mula sa awitin, ano ang binili ng bata? Ano ang nangyari sa lobo?
Nasayang ba ang pera ng bata? Bakit?
2. Pagtatalakay:
Ihanda ang mga tanong bago simulan kwento.
1. Sino ang nagpunta sa Divisoria?
2. Ano-ano ang pinamili ni Aling Sonia?
3. Ano ang dahilan kung bakit nagbabadyet siAling Sonia?
4. Tama bang ibadyet ang pera? Bakit?
5. Ano ang pamantayan niya sa pagpili niya ng kaniyang bibilhin?
6. Tama ba ang ginawa niya?
7. Paano mo siya tutularan?
8. Ano ang magiging resulta ng mahusay na pagbabadyet ni Aling Sonia?

Basahin ang kuwentong “Ang Pamimili ni Aling Sonia”.

Ang Pamimili ni Aling Sonia


Malapit na ang araw ng Pasko. Abala si Aling Sonia sa pag-aayos ng kaniyang
listahan ng mga bibilhin para sa mga anak. Kasama niya si Bing nang pumunta sa
Divisoria. Bumili siya ng dalawang t-shirt at dalawang pantalon para sa mga anak na
lalaki. Isang bestida naman para sa anak na babae at limang pares ng sapatos.
Pinagkakasya niyang mabuti ang kaniyang dalang pera. Pinipili niya ang mga
gawa sa ating bansa dahil naniniwala siya na magaganda at matitibay ang mga ito.
Masayang umuwi si Aling Sonia. Nabili niyang lahat ang nasa listahan.

3. Paglalahad/ Pagmomodelo:
Sagutin ang mga tanong ayon sa kuwentong binasa.
1. Sino ang nagpunta sa Divisoria? – si Aling Sonia
2. Ano-ano ang pinamili ni Aling Sonia?- Bumili siya ng dalawang t-shirt at
dalawang pantalon para sa mga anak na lalaki. Isang bestida naman para sa
anak na babae at limang pares ng sapatos.
3. Ano ang dahilan kung bakit nagbabadyet si Aling Sonia? -Upang magkasya
ang kaniyang dalang pera
4. Tama bang ibadyet ang pera? Bakit?-Opo, dahil nabili niyang lahat ang
nasa listahan
5. Ano ang pamantayan niya sa pagpili niya ng kaniyang bibilhin? -Pinipili
niya ang mga gawa sa ating bansa dahil naniniwala siya na magaganda at
matitibay ang mga ito.
6. Tama ba ang ginawa niya?-Opo
7. Paano mo siya tutularan? -Dapat tayo ay marunong magbadget ng ating
pera
8. Ano ang magiging resulta ng mahusay na pagbabadyet ni Aling Sonia?
- Si Aling Sonia ay mahusay sa pagbabadget ng kanyang pera kaya siya
ay masaya at nabili niya ang lahat ng kanyang bilhin.

(Pag-aralan natin ang mga sagot sa kuwento.)

Ano ang dahilan ng bawat isa? Ano ang naging resulta ng bawat pangyayari?

Basahin ang sitwasyon. alamin ano ang sanhi at bunga ng sumusunod.


Halimbawa:

1. Si Aling Sonia ay mahusay sa pagbabadget ng kanyang pera kaya siya


ay masaya at nabili niya ang lahat ng kanyang bilhin.

Si Aling Sonia ay mahusay sa pagbabadget ng kanyang pera


Sanhi
siya ay masaya at nabili niya ang lahat ng kanyang bilhin.
Bunga
2. Nadulas si Ana dahil natapakan niya ang balat ng saging.

Natapakan niya ang balat ng saging


sanhi
nadulas si Ana
bunga

Itanong:
Ano ang dahilan? Ano ang resulta ng isang pangyayari?
Magbigay ng mga halimbawa upang lubos na maunawaan ng mag-
aaral ang aralin.

Tukuyin ang sanhi at bunga:

1.

2.

3.

4.

5.

C.Pagpapatnubay na Gawain
I. Isulat ang B kung ang parirala ay bunga at S kung ito ay sanhi.
1. _______ Nag-aral nang mabuti si Alex
_______ kaya matataas ang marka niya sa pagsusulit.
2. ______ Bumagsak si Joshua sa pagsusulit
______ dahil hindi siya nag-aral.
3. ______ May sugat si Andi
______ kaya iyak siya ng iyak.
4. ______ Bumaha sa EDSA
______ dahil sa malakas na ulan.
5. ______ Nasa ospital si Soomin
______ dahil mataas ang lagnat.
II. Tukuyin ang sanhi ng bawat larawan.Isulat ang titik ng tamang sagot sa inyong
papel.

1. A. kumain ng maraming prutas


B. kumain ng maraming kendi
C. walang kinain

2. A. nag-aral nang mabuti


B. nanalo sa paligsahan
C. tamad mag-aral

3. A. ayaw sumali sa paligsahan


B. laging nag-eensayo sa paaralan
C. malungkot sila
III. Tukuyin ang bunga ng bawat pangyayari.Isulat ang titik ng tamang sagot sa
inyong papel.
1. Matigas ang ulo ni Nala hindi siya nakikinig sa bilin ng kanyang ina na huwag
lumabas ng bahay upang maglaro sa kalsada.
A. nasagasaan si Nala
B. masaya si Nala
C. tumakbo si Nala

2. Masipag si Rob maglinis ng kanilang bakuran. Palagi niyang winawalisan ang


harapan ng kanilang bakuran. Binubunot niya ang tumubong damo upang
hindi ito pagbahayan ng mga lamok.
A. nagkakasakit sila dahil sa dumi
B. maayos at malinis ang paligid nila Rob kaya hindi sila nagkakasakit
C. nagyayabang si Rob

3. Sinabihan ni Aling Fina si Joy na magdala ng payong pag pasok sa paaralan.


Hindi sinunod ni Joy ang kanyang ina. Umulan nang malakas, nabasa si Joy.
A. masaya si Joy habang naliligo sa ulan
B. nilagnat si Joy kinagabihan dahil sa sipon at ubo
C. pinalo ni Aling Fina si Joy
D. Malayang Pagsasanay/Paglalapat:
I. Tukuyin ang Sanhi at Bunga ng mga pares ng larawan. Itaas ang

hinlalaki kung sanhi at ibaba ang hinlalaki kung bunga .

1.

2.

3.

4.

5.

II. Ibigay ang sanhi o bunga ng mga pangyayari.


1. Matindi ang sikat ng araw kaya ______________________________.
2. Nalanta ang mga halaman sa hardin ni Jessa dahil
_________________________________.
3. Kumakain si Cardo ng gulay at prutas kaya siya ay
____________________________________________.
4. Nakababad palagi si Julie sa tablet kaya
______________________________________________.
5. Natuwa ang nanay ni Ana dahil
______________________________________________.

E. Integrasyon sa Pagpapahalaga:
Itanong: Bakit kailangang tipirin ang pera? Matutong tayong magtipid para
makaipon at may magamit sa oras ng pangangailangan.

F. Paglalahat:
Ano ang sanhi? Ano ang bunga ng mga pangyayari?
Ipabasa sa mga mag-aaral ang Tandaan Natin
Tandaan Natin:
Ang sanhi ay nagsasaad ng dahilan ng isang pangyayari.
Samantalang ang bunga naman ay ang nagiging epekto o resulta ng isang
pangyayari.

V. Pagtataya:
Pag-ugnayin ang sanhi at bunga ng mga pangyayari. Isulat ang letra sa
patlang bago ang bilang.
_____ 1. A.

_____ 2. B.

_____ 3. C.

_____4. D.

_____ 5. E.

VI. Kasunduan:
Bilugan ang sanhi at salungguhitan ang bunga sa mga sumusunod na
sitwasyon.
1. Si Nitoy ay tamad mag-aral. Hindi siya nakapasa.
2. Masayang masaya si Norhan. Nanalo siya sa lotto.
3. Natuwa si Aling Nora. Nilinis ni Marie ang kanyang silid.
4. Mabango ang sampaguita. Maraming bumili nito.
5. Malusog ang sanggol. Sagana siya sa gatas ng ina.

Prepared by:

ESTELLA A. BULAON
Teacher II
APPROVED:

KATHERINE V. LAANAN
Principal I

NOTED:

GERALDINE T. HINALAO
Principal II/ Principal In-Charge

ZYNAFE CAIJO
ESP in English

You might also like