Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

SUMMATIVE TEST IN MTB 2

QUARTER 1
Pangalan:___________________________________ Baitang:____________________ Iskor: _________
Panuto: Basahin nang mabuti ang mga tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang
bilang.
____1. Binigyan ka ng laruan ng iyong ate, Ano ang sasabihin mo sa kanya?
A.Wala na bang iba? B. Maraming salamat po ate.
C.Walang anuman.
____2. Nais mong manood ng telebisyon sapagkat natapos mo na ang iniutos na gawain sa iyo ng iyong nanay,
paano ka magpapaalam sa kanya?
A.Maari po ba akong manood ng telebisyon? B. Manonood ako ng telebisyon.
C.Hindi na ako magpapaalam.
____3. Humingi ng paumanhin ang iyong kaibigan sapagkat nasira niya ang isa sa paborito mong laruan, ano
ang isasagot mo?
A. Ayoko ng maging kaibigan ka. B. Walang anuman, salamat.
C.Huwag kang mag-alala, pinapatawad na kita. Ipapaayos ko na lang iyan sa nanay ko.
____4. Isang tanghali ay nakasalubong mo ang iyong punung – guro malapit sa eskwelahan. Paano mo siya
babatiin?
A.Magandang tanghali po. B. Magandang umaga po. C.Hello!
____6. Hindi mo sinasadyang mabasag ang plorera na nakalagay sa mesa, ano ang sasabihin mo sa iyong ina?
A.Nay patawarin niyo po ako at hindi ko po sinasadyang masagi ang plorera.
B. Nay, kasalanan ko iyan ng kalaro ko.
C. Nay, bakit nakalagay ang plorera diyan? Nasagi ko tuloy.
_____ 7. Alin ang tamang pagpapantig ng salitang pagtitipon?
a. pagti-ti-pon b. pag-ti-ti-pon c. pagtiti-pon
_____ 8. Alin ang tamang pagpapantig ng salitang laruan?
a. la-ru-an b . la-ruan c. lar-u-an
_____ 9. Ilang pantig mayroon ang salitang alimango?
a. 2 b. 3 c. 4
_____ 10. Ilang pantig mayroon ang salitang manika?
a. 4 b. 3 c. 2
_____ 11. Alin ang tamang pagpapantig ng salitang pamilya?
a. pa-mil-ya b. pam-ily-a c. pa-mi-lya
_____ 12. Alin sa mga karaniwang pangngalan ang ngalan ng tao?
a.tubig b. daga c. pulis
____ 13. Alin sa mga karaniwang pangngalan ang ngalan ng bagay?
a. kalsada b. bubuyog c. sasakyan
_____ 14. Ang ilog ay karaniwang pangngalan ng _________.
a.lugar b. bagay c. hayop
_____ 15. Ang pagong ay karaniwang pangngalan ng ________.
a. hayop b. bagay c. tao
Punan ang patlang ng nawawalang klaster o diptonggo batay sa paglalarawan ng bawat pangungusap.

15. tata __ __ haligi ng tahanan

16. kalab __ __ hayop na katulong ng magsasaka

17. __ __ aso bahagi ng katawan na may kamay

18. __ __ ago ibon na may malaking mata

19. ar__ __ nagbibigay liwanag at enerhiya

20. __ __ utas pagkain na mabuti para sa kalusugan

SUMMATIVE TEST IN FILIPINO 2


QUARTER 1
Pangalan:___________________________________ Baitang:____________________ Iskor: _________
I . Panuto: Basahin ang kuwento. Sagutin ang mga sumusunod na tanong mula sa kuwentong
napakinggan. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.
Si Pagong at Si Unggoy

Isang araw , habang naglalakad si pagong at unggoy ay may nakita silang puno ng saging. Kinuha nila
ito at hinati. Agad na Pinili ni Unggoy ang kalahati ng saging na may mga dahon na. Ang bandang may ugat
naman ang binigay niya kay pagong, Sabay na itinanim ng dalawa ang saging. Pagkalipas ng mga araw,
nalanta at namatayang saging ni unggoy. Samantalang namunga naman ang kay Pagong.
Hindi kayang akyatin ni pagong ang puno kaya humingi siya ng tulong kay Unggoy sabay sabing hati
sila sa bunga ng saging. Dali-daling umakyat sa puno si Unggoy. Ngunit, sa halip na partihan si pagong ay
inubos niya ang saging. Sa galit n Pagong, nilagyan niya ng basag na bote ang ibaba ng puno. Kaya nasugatan
ang mga paa ni unggoy sa kanyang pagbaba.
Ganoon na lamang ang galit nito kay pagong sabay sabing ihuhulog siya sa kumukulong tubig.
Nagwika si pagong na gaganda ang kutis niya kapag ginawa iyon ni unggoy. Nagwika si Unngoy na itatapon
na lang daw niya si pagong sa ilog. Nagmakaawa si pagong na huwag itong gawin sa kanya dahil malulunod
siya. Ngunit hinagis siya ni unggoy sa ilog. Tuwang-tuwang lumangoy si pagong.

_____ 1. Sino ang mga tauhan sa kuwento?


a. Aso at pusa b. pagong at unggoy c. baka at kalabaw
____ 2. Saan naganap ang kuwento?
a. sa bayan b. sa dagat c. sa tabing ilog
_____ 3. Ano ang nakita nila habang naglalakad?
a. puno ng saging b. pagkain c. basket ng prutas
_____ 4. Ano raw ang mangyayari kay pagong kapag hinagis sa kumukulong tubig?
a. Mamatay b. makakatulog c. gaganda ang kutis
_____ 5. Ano ang unang nangyari sa kuwento?
a. Hinati nila ang puno ng saging c. Inihagis ni Unggoy si pagong sa ilog.
b. Nakakita sila ng puno ng saging
_____ 6. Matapos hatiin ang puno ng saging, ano ang kasunod na ginawa ng dalawa.
a. Iniwan nila ang puno c. Itinanim ang puno ng saging.
b. Kinain ang puno ng saging
_____ 7. Ano ang huling pangyayari sa kuwento?
a. Hinati nila ang puno ng saging c. Inihagis ni Unggoy si pagong sa ilog.
b. Nakakita sila ng puno ng saging
_____ 8. Kumain si Berto ng saging.Pagkatapos, inihagis niya ang balat sa daan. Maya-maya nagdaan si Lola
Linda. Hindi niya napansin ang balat ng saging, Ano ang mangyayari?
a. Pupulutin ni Lola ang balat. c. Hihinto sa paglakad si Lola.
b. Matatapakan niya ito at madudulas siya .
_____ 9. Sarap na sarap si Ben sa bagong lutong lugaw ni Nanay. Susubo na siya nang may mapansin siyang
langaw dito. Ano ang gagawin niya?
a. Hindi na lamang niya kakainin ang lugaw. C. Aalisin niya ang langaw.
b. Kakainin pa rin niya ang lugaw
_____ 10. Ipinagbabawal nang kapitan ng Baranggay Masagana ang pagtatapon ng basura sa mga kanal, ngunit
patuloy pa rin sa pagtatapon ang mga tao. Umulan nang malakas, ano ang mangyayari sa lugar nila?
a. Babaha sa kanilang lugar. c. Lilinis at magiging sagana.
b. Tutubo ang mga halaman

You might also like