Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

REGION I
LA UNION SCHOOLS DIVISION
SAN GABRIEL DISTRICT

Unang Lagumang Pagsusulit sa Araling Panlipunan


IKALAWANG MARKAHAN

Pangalan: ________________________ Section:_________________

PANUTO: Basahin at unawain ang bawat tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot bago ang bilang.

______1. Anong uri ng pamahalaan ang pinairal ng mga Amerikano pagkatapos ilipat ng mga Espanyol
ang pamamahala sa Pilipinas?
A. Pamahalaang Militar B. Pamahalaang Sibil
C. Pamahalaang Demokratiko D. Pamahalaang Komunismo

______2. Ano ang tawag sa isang patakaran na may layuning supilin ang damdaming nasyonalismo ng
mga Pilipino?
A. Patakarang Sibil B. Patakarang Militar
C. Patakarang Kooptasyon D. Patakarang Pasipikasyon

______3. Ano ang tawag sa isang patakaran na may layuning supilin ang damdaming nasyonalismo ng
mga Pilipino?
A. Patakarang Sibil B. Patakarang Militar
C. Patakarang Kooptasyon D. Patakarang Pasipikasyon

______4. Ito ay ang pagpapadala ng mga mahuhusay na Pilipino sa Estados Unidos upang makamit ang
inaasam na pagsasarili. Anong hakbang ito?
A. Makataong Asimilasyon B. Misyong Pangkalayaan
C. Komisyon ng Pilipinas D. Pambansang Asamblea

______5. Anong batas ang ipinanukala na siyang nagbigay ng sandigan sa kalayaan ng bansa?
A. Batas Jones B. Batas Cooper
C. Batas Tydings-McDuffie C. Batas Hare-Hawes Cutting

______6. Ano ang naging bunga ng hindi pagkilala ng Amerika sa itinatag ni Heneral Emilio Aguinaldo na
Unang Republika ng Pilipinas?
A. Naging magkaibigan ang Pilipinas at Amerika
B. Naging malaya ang Pilipinas.
C. Nagkaroon ng digmaan.
D. Wala sa nabanggit.

______7. Ang Batas sa Bandila ay pinagtibay ng Komisyon ng Pilipinas noong Agosto 23, 1907. Alin sa
mga sumusunod ang ipinagbabawal sa batas na ito?
A. Pakipagkalakalan sa Amerika.
B. Pagbili ng mga produktong yari sa bansa.
C. Pagsuot ng mga kasuotang galling sa Amerika.
D. Paggamit o paglalabas ng lahat ng bandila, banderetas, sagisag o anumang ginamit ng
mga kilusang laban sa Estados Unidos.

______8. Alin sa sumusunod ang hindi naisagawa ng Komisyong Taft?


A. Nagtatag ng serbisyo sibil sa Pilipinas.
B. Tagagawa at tagapagpaganap ng mga batas.
C. Iminungkahi ang pangangalaga ng likas na yaman sa bansa.
D. Nagpalabas ng patakaran para sa kabutihan ng mga Pilipino.

______9. Alin sa mga sumusunod ang naging batayan ng mga programang isinulong at hakbanging
tinahak ng pamahalaang militar?
A. Pilipinisasyon B. Spooner Amendment
C. Konstabularyo ng Pilipinas D. Proklamasyon ng Makataong Asimilasyon

______10. Ang Batas sa Bandila ay pinagtibay ng Komisyon ng Pilipinas noong Agosto 23, 1907. Alin sa
mga sumusunod ang ipinagbabawal sa batas na ito?
A. Pakipagkalakalan sa Amerika.
B. Pagbili ng mga produktong yari sa bansa.
C. Pagsuot ng mga kasuotang galling sa Amerika.
D. Paggamit o paglalabas ng lahat ng bandila, banderetas, sagisag o anumang ginamit ng
mga kilusang laban sa Estados Unidos.

______11. Paano pinatunayan at ipinakita ng mga Pilipino ang kanilang kakayahan at pagsisikap tungo sa
pagsasarili sa pamamahala?
A. Pinagtuunan ng pansin ang kalakalan.
B. Pinairal nila ang kumpetisyon sa politika.
C. Pinaghusayan ang pamumuno sa pamahalaan.
D. Pinairal nila ang kaugalian ng mga Amerikano sa bansa.

______12. Bakit hindi gaanong nakinabang ang mga Pilipino sa pakikipagkalakalan sa mga Amerikano?
A. Hindi naibigan ng mga Amerikano ang produkto ng mga Pilipino
B. Mataas ang buwis na ipinataw ng Amerikano sa kalakal ng mga Pilipino.
C. Kontrolado ng Amerikano ang pamamalakad sa ekonomiya ng Pilipinas.
D. Dahil tumanggi ang mga Pilipino sa pakikipagkalakalan sa mga Amerikano.
______13. Alin sa mga sumusunod ang patakarang pinairal ni William Howard Taft sa Pilipinas?
A. Ang Amerika ay Para sa mga Pilipino.
B. Ang Pilipinas ay Para sa mga Amerikano
C. Ang Pilipinas ay Para sa mga Pilipino.
D. Ang mga Amerikano ay Para sa Pilipinas.

______14. Ang mga sumusunod ay epekto ng pagpapatupad ng Batas sa Rekonsentrasyon,MALIBAN sa


isa. Alin ito?
A. Maraming mga Pilipino ang namatay.
B. Namuhay nang tahimik ang mga Pilipino.
C. Naghirap ang mga lumalaban sa mga Amerikano.
D. Nagdulot ito epidemya at gutom sa maraming Pilipino.

______15. Bakit napalapit sa damdamin ng mga mamamayang Pilipino si William Howard Taft? Ano ang
naging pangunahing dahilan tungkol dito.
A. Pinag-aral niya lahat ng kabataan.
B. Makatao ang kanyang naging pamumuno.
C. Binigyan niya ng pabahay ang mga mahihirap.
D. Hindi niya ipinapahuli ang mga nagkakasala sa lipunan.

PERFORMANCE TASK

Panuto: Ipaliwanag ang iyong mga sagot sa sumusunod na tanong. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
1. Sa iyong palagay, bakit itinatag ang Pamahalaang Komonwelt? May naitulong ba ito sa pamumuno
ng mga Pilipino?
2. Paano mo bibigyang-halaga ang pagsusumikap ng ating mga ninuno sa pagtatatag ng
nagsasariling pamahalaan?

Rubrik
5 Puntos Naipaliwanag nang maayos ang mga sagot. Maayos ang
pangungusap at walang mali sa pagbabaybay ng
mahahalagang salita.
4 Puntos Naipaliwanag nang maayos ang sagot. Maayos ang
pangungusap at may kaunting mali sa pagbabaybay ng
mahahalagang salita.
3 Puntos Hindi masyadong naipaliwanag ang sagot. Hindi maayos ang
pagkakabuo ng mga pangungusap at may maraming mali sa
pagbabaybay ng mahahalagang salita.
2 Puntos Maraming mali sa ideya, sa pagkakabuo ng mga pangungusap,
at mga baybay ng mahahalagang salita.
1 Puntos Walang nabuong pagpapaliwanag.

You might also like