Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
CONCEPCION EAST DISTRICT
CAFE ELEMENTARY SCHOOL
Concepcion, Tarlac
UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT
FILIPINO 6

Pangalan_________________________________________________Iskor______________
Baitang/Pangkat_________________________________________ Petsa____________
I. Panuto: Basahin ang pabula. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

Ang Kabayo at Kalabaw

Isang magsasaka ang nais manirahan sa ibang bayan kaya isang araw ay inipon niya ang kanyang mga gamit at inilulan
sa kanyang alagang kabayo at kalabaw. Maaga pa ay sinimulan na nila ang mahabang paglalakbay.
Makaraan ang ilang oras ay nakaramdam ng matinding pagod at panghihina ang kalabaw dahil sa bigat ng kanyang pasang gamit.
"Kaibigang kabayo, di hamak na mas mabigat ang pasan kong gamit kaysa sa iyo. Maaari bang tulungan mo ako at pasanin mo yung
iba?" pakiusap ng kalabaw.
"Aba, yan ang ipinataw sa iyong balikat ng ating amo kaya pagtiisan mo," anang kabayo na lalo pang binilisan ang paglalakad.
"Parang awa mo na tulungan mo ako. Di ko na kakayanin ang bigat ng dala ko. Nanghihina ako. Alam mo namang
kailangan kong magpalamig sa ilog kapag ganito katindi ang init ng araw dahil madaling mag-init ang katawan ko," pakiusap pa rin
ng kalabaw.
"Bahala ka sa buhay mo," naiinis na sagot ng kabayo. Makaraan pa ang isang oras at lalung tumindi ang init ng araw. Hindi nagtagal
at ang kalabaw ay iginupo ng bigat ng kanyang dala at siya ay pumanaw.
Nang makita ng magsasaka ang nagyari ay kinuha niya ang lahat ng gamit na pasan ng kalabaw at inilipat sa kabayo na bahagya
namang makalakad dahil sa naging napakabigat ng kanyang mga dalahin.
"Kung tinulungan ko sana si kasamang kalabaw ay hindi naging ganito kabigat ang pasan ko ngayon," may pagsisising
bulong ng kabayo sa kanyang sarili.

1. Ano ang pamagat ng nabasang pabula?


A. Ang Kabayo at Kalabaw C. Ang Kabayo at Magsasaka
B. Ang Kabayo at ang Uwak D. Ang Paglalakbay ng Magsasaka

2. Sino-sino ang tauhan sa pabula?


A. kabayo C. kalabaw at usa
B. kabayo at kalabaw D. kabayo, kalabaw, at magsasaka

3. Sino ang unang nakaramdam ng matinding pagod at panghihina?


A. kabayo B. agila C. kalabaw D. pusa

4. Ano ang pakiusap ng kalabaw sa kabayo?


A. Nakiusap ang kalabaw na pasanin ang kanyang ibang gamit.
B. Nakiusap ang kalabaw na tumigil muna sila sa paglalakbay.
C. Nakiusap ang kalabaw na pasanin lahat ang kanyang mga gamit.
D. Nakiusap ang kalabaw na takasan nila ang kanilang amo.

5. Bakit kailangang magpalamig sa tubig ang kalabaw kapag matindi ang init?
A. Gusto ng kalabaw ang magbabad sa tubig. C. Hindi maaaring maglakbay ang kalabaw kapag mainit.
B. Madaling uminit ang katawan ng kalabaw. D. Manghihina ang kalabaw kapag hindi maligo sa tubig.

6. Ano ang sagot ni kabayo nang humingi ng tulong ang kalabaw?


A. Aba, matuto kang maglakbay sa matinding init!
B. Aba, yan ang ipinataw sa iyong balikat ng ating amo kaya pagtiisan mo!
C. Matuto kang pasanin ang ibinigay sa atin ng ating amo.
D. Oo, tutulungan kita sa pagbuhat ng iyong mga gamit.

7. Ano ang mahihinuha mong katangian ni kabayo sa kanyang sagot.


A. Isa siyang mabuting kasama sa paglalakbay. C. Matulungin siya bilang isang kasama.
B. Hindi niya alam tumulong sa kanyang kapwa. D. Naiintindihan niya ang kakayahan ng iba
.
8. Ano ang naramdaman ng kabayo sa bandang huli?
A. Pagkagalak B. Pagkainis C. Pagsisisi D. Pagmamalaki

Address: Brgy. Cafe, Concepcion, Tarlac


Telephone No.: 0949-4459198
Email Address: 106393.cafees@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
CONCEPCION EAST DISTRICT
CAFE ELEMENTARY SCHOOL
Concepcion, Tarlac
9. Ano ang natutunan mong aral sa parabulang, Ang kabayo at kalabaw?
A. Maging matulungin sa kasamahan.
B. Hindi dapat tulungan ang hindi kayang maglakbay.
C. Nararapat lamang sundin ang amo upang hindi mahirapan.
D. Huwag tanggihan ang humihingi ng tulong dahil maari itong
magdudulot ng pagpapahirap sa iyo.

10. Kung ikaw si kabayo, tutularan mo ba ang kanyang ginawa? Bakit?


A. Oo, dahil hindi dapat pasanin ang gamit ng hindi ibinigay sa iyo.
B. O o, dahil mas mahihirapan ka kung tutulong ka pa sa iba.
C. Hindi, dahil hindi magandang asal ang pagtanggi sa pagtulong kung kaya mo naman.
D. Hindi, dahil hindi mabuti ang hindi tumulong.

Mapagmahal na Kapatid
Si Ciara ay isang mabait na bata at mapagmahal na kapatid. Inaalagaan niya ito lalo na kung wala ang kaniyang nanay.
Ngunit isang araw, nagalit si Ciara. Sinira ng kaniyang nakababatang kapatid na lalaki ang papel na sinulatan ng kaniyang takdang-
aralin. Ipinatong niya ito sa ibabaw ng kama. Kinuha ito ni Hero, ang kaniyang kapatid. Pinaglaruan niya ito. Ginawa niya itong
eroplanong papel hanggang sa mapunit ito.
“Ayaw ko na sa kaniya!” Nasambit niya habang lumuluha at hawak ang papel. Pinagsumikapan niyang sumulat muli ng panibagong
takdangaralin. Makalipas ang ilang sandali ay nakarinig siya ng isang malakas na kalabog. Nahulog ang kanyang kapatid na si Hero
mula sa silya. May galos ito sa pisngi. Pumalahaw ito ng iyak. Umaagos ang luha nito. Nakalimutan ni Ciara ang kaniyang galit. Agad
na niyakap niya ang kaniyang kapatid.
11. Sino ang mabait at mapagmahal na kapatid?
A. Si Ciara B. Si Sarah C. Si Hero C. Si Henso

12. Bakit nagalit si Ciara sa kanyang kapatid?


A. Nahulog si Hero sa silya. C. Naiinis na siya sa kanyang kapatid.
B. Inaway ni Hero si Ciara. D. Sinira ni Hero ang kanyang takdang aralin.

13. Ano ang ginawa ni Hero sa takdang aralin ni Ciara?


A. Ginawa niya itong pamunas sa bahay.
B. Sinulatan niya ito at kinulayan.
C. Ginawa niya itong bangka at linagay sa tubig.
D. Ginawa niya itong eroplanong papel hanggang sa mapunit ito

14. Ano ang nasambit ni Ciara sa kanyang kapatid?


A. Ayaw ko na sa kanya! C. Natutuwa ako sa kanya!
B. Hahampasin ko siya ng papel! D. Huwag kang magpapakita sa akin!

15. Saan nahulog si Hero?


A. sa silya B. sa hagdan C. sa lamesa D. sa kama

II. Panuto: Bilugan ang tamang panghalip sa pangugusap.


16. (Ikaw, Ako, Siya) ay ang iyong kapitbahay.
17. (Ikaw, Ako, Siya) ang aming nanay si Len.
18. (Sila, Ako,Ikaw) ay pupunta sa ilog mamaya
19. (Akin, sila, ako) ang pulang bag na iyan.
20. (Ikaw, akin, sila) ba ang bumili ng tinapay kanina?

(Para sa bilang 21-23) Piliin ang tamang paghalip sa bawat pangungusap. Isulat ang tamang titik bago ang bilang.
____21. Ikaw, napasaya mo na ba ang lola mo?
a. Ikaw b. napasaya c. mo d. lola

____ 22. Siya ay kasing ganda ni Monalisa.


a. Monalisa b. Siya c. ganda d. ay

____ 23. Binigyan kami ng mainit na tsaa at tinapay ng ate ko.


a. niya b. binigyan c. kami d. tinapay

Address: Brgy. Cafe, Concepcion, Tarlac


Telephone No.: 0949-4459198
Email Address: 106393.cafees@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
CONCEPCION EAST DISTRICT
CAFE ELEMENTARY SCHOOL
Concepcion, Tarlac

(Para sa bilang 24-25) Basahin ang pangyayari at piliin ang maaaring kalalabasan o hinuha.Piliin ang tamang titik at isulat ito
bago ang bilang.

____ 24. Paglanghap ng makapal at maitim na usok na ibinubuga ng tambutso ng sasakyan.


a. tataba ang mga tao c. dadami ang mga tao
b. magkakasakit ang mga tao d. yayaman ang mga tao

____ 25. Pagpuputol ng puno sa kagubatan.


a. magkakaroon ng sakuna sa bayan c. magdudulot ng kalinisan
b. uunlad ang bayan d. magkakaroon ng pangkabuhayan

Ang Ahas
“Takbo!!! Dali! Sumunod kayo sa akin,” sigaw ni kabayo. “Naku! Sandali, di ka namin kayang sabayan kabayo ang bilis-bilis mo,”
sagot ni baboy at kalabaw. “Ha? Basta sumunod kayo,” wika ni kabayo. “Takbo, nandiyan na si ahas,” sagot ni baboy at kalabaw.
Si manok naman ay lumipad nang mabilis para hindi maiwan.
“Buti pa si manok mabilis. Ako talaga ang maiiwan kasi mabigat ako,” ang sabi ni baboy. “Sakay sa likod ko baboy,” payo ni kabayo,
“para makarga kita.” “Ay, salamat kaibigan,” malaking pasasalamat ni baboy.
“Takbo nang mabilis kalabaw,” sigaw ni kabayo, “Lagot tayo kay ahas kapag naabutan niya tayo. Nangangagat kaya iyon at
nakamamatay pa ang kamandag. Kailangang makalayo tayong lahat.”
“Oo nga kaibigang kabayo, salamat talaga ha! sa pagmamalasakit mo sa akin, at sa iba nating kasama,” sagot ni kalabaw na binilisan
ang takbo.

26. “Takbo! dali, sumunod kayo sa akin”, sigaw ni kabayo. Ano ang kahulugan ng kilos ng mga tauhang nabanggit sa pabula?
A. mabagal na pagkilos C. malumanay na pagtakbo
B. may kabagalang pagtakbo D. napakabilis tumakbo

27. “Naku! sandali! Hindi ka namin kayang sabayan, kabayo, ang bilis-bilis mo,” sagot ni baboy at kalabaw. Ano ang kahulugan ng
kilos na nasa sitwasyon sa pabula? Sobrang ____________.
A. maliksi tumakbo C. mabagal tumakbo
B. mahinhin tumakbo D. mabilis tumakbo

28. Si manok naman ay lumipad nang mabilis upang hindi maiwan. Anong ibig sabihin ng kilos ni manok sa napakinggang pabula?
Siya ay _____. A. iniwanan B. naabutan C. nakasabay D. hindi nakasabay

29. “Sakay sa likod ko baboy para madala kita,” sigaw ni kabayo. Kung ikaw ang kabayo, nanaisin mo bang magpakahirap upang
tulungan ang iba?
A. Hindi, dahil kailangan ng ibang hayop na iligtas ang kanilang sarili.
B. Hindi, dahil ayaw kong magpakahirap sa iba.
C. Oo, para tatanawin nila itong utang na loob.
D. Oo, dahil mainam ang tumulong sa kapwa ng walang kapalit.

30. “Lagot tayo kay ahas kapag naabutan niya tayo. Nangangagat kaya iyon at nakamamatay pa ang kamandag. Kaya kailangan
makalayo tayong lahat.” Ayon sa pahayag ng tauhan sa sitwasyon, ano ang kahulugan ng kilos ng kabayo, baboy, manok at kalabaw?
A. pagmamahalan C. pagmamalasakit
B. pagkakasama-sama D. pagwawalang-bahala

31. Parang nagkaroon ng delubyo sa malaking imburnal dahil sa sagupaan ng mga dagang lungsod at mga dagang bukid. Ang
kasingkahulugan ng delubyo ay ___________.
A. kabukiran B. sakuna C. imbakan D. ipunan

32. Mula ng mamatay ang kaniyang ama, pikit-matang nailipat sa kaniya ang pamumuno sa mga dagang bukid. Angng
kasingkahulugan ng pikit-mata ay ___________.
A. sapilitan B. walang awa C. galit na galit D. kawawa

33. Kung gusto mong maglubid ng buhangin, huwag sa harap ng mga taong nakakikilala sa iyo dahil mabibisto ka nila.
A. magsinungaling C. magpakatao
B. magbilang ng buhangin D. magpakatotoo

III. PANUTO: Ibigay ang kasingkahulugan ng salitang nakasalungguhit sa pangungusap.

Address: Brgy. Cafe, Concepcion, Tarlac


Telephone No.: 0949-4459198
Email Address: 106393.cafees@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
CONCEPCION EAST DISTRICT
CAFE ELEMENTARY SCHOOL
Concepcion, Tarlac
34. Ang mag-ina ay lupaypay na dahil sa walang tigil na paghahanap sa kamag-anak.
A. gutom B. sugatan C. marumi D. mahina

35. Puno ng hilahil ang mukha ng ina nang hindi matagpuan ang hinahanap. Ang kahulugan ng hilahil ay _____________.
A. Pagkagalit B. pag-aalala C. pagtataka D. pagsisisi

36. Nalalapit na ang pista. May mga patimpalak ang barangay. Kapit-bisig ang kailangan ng magkakapit-bahay upang maging maayos
at malinis ang kanilang kalye. Ano ang kahulugan ng nasalungguhitang salita?
A. tulong-tulong sa pagtatrabaho D. maging alerto ang mga tao
B. magkamayan ang mga tao
C. maglilinis ang mga nasa barangay

37. Madaling-araw pa lamang ay gumagayak na si Mang Pido upang magsaka ng kaniyang lupain. Kailangan niyang madoble ang
kanilang ani. Ninanais niyang maiahon ang kanilang buhay na isang kahig, isang tuka. Ano ang ibig sabihin ng isang kahig, isang
tuka?
A. gagawin ang lahat para mabuhay C. masayang pamumuhay
B. buhay na puno ng kahirapan.
D. Marangyang pamumuhay

38. ______________ ang kaniyang pangarap na makarating sa Amerika, naniniwala si Sonya na habang may buhay ay may pag-asa.
A. kuskos-balungos C. suntok sa buwan
B. mataas ang lipad D. kapit-bisig

39. Sabi ni Julia sa asawa, "Itaga mo ito sa bato, Kahit hindi nila ako tutulungan, aangat ang ating kabuhayan." Ano sa tingin mo ang
gustong sabihin ni Julia?
A. Managa si Julia C. Pupukpukin ni Julia ang bato
B. Tutuparin ni Julia ng walang sala ang kanyang sinabi D. Tatagain ni Juli ang bato

40. Bakit hindi ka makasagot diyan? Para kang natuka ng ahas. Ano ang ibig sabihin nito?
A. Namumutla C. May ahas na nakapasok sa bahay
B. Nangangati ang lalamunan D. Hindi nakakibo, nawalan ng lakas na magsalita

IV. Panuto: Piliin ang naging solusyon sa bawat suliranin na ipinapahayag. Piliin ang titik na tamang sagot.
____ 41. Mataas na singil sa tubig.
A. palaging magdilig ng mga halaman C. tipirin ang paggamit sa tubig
B. maligo ng 5 beses araw-araw D. hindi maghugas ng pinggan

____ 42. Sobra paglalaro ng ML sa internet.


A. lumipas sa pagkain B. disiplina sa sarili C. lumiban sa klase D. bigyan halaga ang internet

V. Panuto: Basahin ang mga tanong at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.
_____ 43. Habang naglalakad ka sa kalye may namamalimos na lumapit sa iyo. Ano ang gagawin mo?
A. bibigyan ng pera B. sisigawan ko siya. C. pagtatawanan ko siya. D. hahayaan na lang

_____ 44. May nakita kang matanda na tumawid sa kalsada na may maraming dala. Ano ang gagawin mo?
A. hayaan siyang tumawid. C. kukunin ko ang dala niya at dalhin sa bahay.
B. tutulungan ko sa pagtawid ang matanda. D. magpawalang kibo o wala akung nakita.

_____ 45. Ang _____sa inyo ay makakapagbibigay ng inyong mungkahi.


A. balana B. bawat isa C. iba D. lahat

VI. Panuto: Piliin sa loob ng kahon sa ibaba ang mga panghalip na panaklaw na angkop sa patlang upang mabuo ang
pangungusap.

46. ____________sa aming panauhin ay kaibigan ni kuya.


47. Tuwang – tuwa ang ____________ at sila’y __________masisigla sa nakita nilang iba’t ibang katutubong sayaw.
48. Noong una’y halos limot na ng ____________ang mga katutubong sayaw.

Address: Brgy. Cafe, Concepcion, Tarlac


Telephone No.: 0949-4459198
Email Address: 106393.cafees@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
CONCEPCION EAST DISTRICT
CAFE ELEMENTARY SCHOOL
Concepcion, Tarlac
49. Halos __________ng mga taga Barangay ay nanood ng paligsahan.
50. _______________kalahok ay binigyan ng sertipiko ng komiti.

___________________________________
Parent’s Signature
Prepared by:
LEA G. SAMBILE
Subject Teacher

Address: Brgy. Cafe, Concepcion, Tarlac


Telephone No.: 0949-4459198
Email Address: 106393.cafees@deped.gov.ph

You might also like