Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

FILIPINO 8

Ang PAGHAHAMBING ay isang paraan ng paglalahad. Ito ay nakatutulong sa


pagbibigay-linaw sa isang paksa sa pamamagitan ng paglalahas ng pagkakatulad at
pagkakaiba ng dalawang bagay na pinaghahambing.
MAY DALAWANG URI NG PAGHAHAMBING:
1. Paghahambing na magkatulad
Ginagamit ito kung ang dalawang pinaghahambing ay may patas na
katangian. Ginagamitan ito ng mga panlaping kasing, sing, magsing at magkasing o
kaya ay ng mga salitang gaya, tulad, paris, kapwa at pareho.
2. Paghahambing na di-magkatulad
Ginagamit ito kung ang pinaghahambing ay may magkaibang katangian.
May dalawang uri ito:
1. Pasahol- Kung ang pinaghahambing ay mas maliit, gumagamit itong mga
salitang tulad ng lalo, di-gaano, di-totoo, di-lubha, o di-gasino
2. Palamang- Kung ang hinahambing ay mas malaki o nakahihigit sa
pinaghahambingan, gumagamit ito ng mga salitang higit, labis, at di-hamak.

TALATA:
 Ito ay bahagi ng isang nakasulat o nakalimbag na teksto na tumatalakay sa isang
tiyak na idea at kalimitang may identasyon sa simula (UP Diksiyonaryong
Filipino).
 Ito ay isang maikling kathang binubuo ng mga pangungusap na magkakaugna,
may balangakas, may layunin, at may pag-unlad ng kaisipang nakasaad sa
pinakapaksang pangungusap na maaaring lantad o hindi lantad ( Baisa-Julian, et
al.,2015).
Mga bahagi ng Talata
1. Panimula
 Nasa unahan ng talata
 Nagsasaad ng paksang tatalakayin na ipaliliwanag, ilalarawan,
isasalaysay, o bibigyan ng katuwiran.
2. Gitnang Talata
 Nasa gitna ng talata;
 Nagpapalalim at nagpapalawak ng paksa;
 Naglalahad ng mga detalye tungkol sa ideang nais ihatid ng sumulat
3. Wakas
 Nasa dulo ng talata;
 Naglalagom ng mga binanggit na idea tungkol sa paksa;
 Nagsasaad ng mahahalagang kaisipan na binanggit sa gitnang talata.
Mga teknik sa pagpapabisa ng talata:
1. May isang paksa
2. May kaisahan
3. May maayos na pagkakasunod-sunod
4. May mga angkop na pang-ugnay

PAGPAPALAWAK NG PAKSA:
 Ito ay lipon ng mga pangungusap na nagpapahayag ng kaisipan.
 Sa pagsulat ng talata, mahalaga ring bigyang-pansin ang pagpapalawak ng
paksa upang higit na maging mabisa at maliwanag ang pagsusulat o paglalahad.
 May iba’t-ibang paraan o teknik ang ginamit sa pagpapalawak ng paksa, ilan sa
mga ito ang sumusunod:
1. Pagbibigay – katuturan o depinisyon
 Kinakailangang bigyan ng katuturan o depinisyon ang mga salitang
hindi agad-agad maintindihan upang mabigyang-linaw ang isang
bagay na tinutukoy.
 Halimbawa:
 Ang katanungan tungkol sa corona virus. Ano ang corona virus?
2. Paghahawig o Pagtutulad
 May mga bagay na nasa kategoryang iisa at halos magkapareho. Sa
paghahambing ay naipapakita ang tiyak na katangian ng mga bagay
na magkakatulad.
 Halimbawa:
 Ang Coronavirus, sabi ng DOH, ay malaking pamilya ng mga
virus mula sa simpleng “common cold” hanggang sa mga mas
seryosong infections gaya ng MERS-CoV at SARS-CoV.
3. Pagsusuri
 Malawak ang saklaw ng pagsusuri, ipinapaliwanag nito hindi
lamang ang bahagi ng kabuoan ng isang bagay kundi pati na rin
ang kaugnayan ng mga bahaging ito sa isa’t-isa.
 Halimbawa:
 Nakakahawa ba ang coronavirus ng tao sa tao?
Ayon sa kasalukuyang sitwasyon, may ilang
coronavirus na maaaring maipasa ng tao sa tao
(human-to-human transmission). Kadalasan
nangyayari ito sa malapitang pakikisalamuha sa iba
ng taong mayroon nito. Gaya ng nasa bahay, trabaho
o health facility.
 Iba pang teknik sa pagpapalawak ng paksa:
o Paghahalimbawa
o Sanhi at bunga

You might also like