Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

ABRA STATE INSTITUTE OF SCIENCES AND TECHNOLOGY


Bangued Campus
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
AY: 2023-2024

Paksa: Kasaysayan ng Sanaysay sa Panahon ng Kastila


Taga-ulat: Irish Beverly B. Blanza

I. Pagganyak

Panuto: Siyasatin ang ginulong mga letra. Buuin ito at tuklasin ang orihinal
na salita o pangalan mula rito.

Halimbawa: DEROP TERNOPA – PEDRO PATERNO

1. JSEO IRLAZ – JOSE RIZAL


2. DRESAN OICATBION – ANDRES BONIFACIO
3. ANNTOOI UNAL – ANTONIO LUNA
4. RIONALIPOA INIBAM – APOLINARIO MABINI
5. OMARIAN CENOP – MARIANO PONCE

II. Pagtalakay

SANAYSAY SA PANAHON NG KASTILA


Ang Panitikang Filipino ng Panahon ng Kastila ay nagsimula lamang ng
opisyal na maitatag ni Legazpi ang kapangyarihan ng Espanya sa Pilipinas
noong 1565. Kumulang humigit sa 44 na taon muna ang nakaraan simula
ng makarating si Magellan sa Pilipinas noong 1521 bago opisyal na nasakop
ang Pilipinas ng Espanya.
Layunin ng mga Kastila ang pagpapalaganap ng Relihiyong Katolika
Apostolika. Dahil sa layunin nila ang pagpapalaganap ng Kristyanismo,
sinunog nila ang mga nakasulat na panitikan ng mga katutubo sa dahilang
ang mga iyon daw ay likha ng demonyo.
Pinalaganap nila ang tungkol sa pananampalataya nila. Nag-aral ang mga
prayle ng mga wika sa kapuluan at sumulat sila ng mga gramatika at
diksyunaryo.
Nang nasakop ng mga Espanyol ang Pilipinas, nagsikap ang mga
mananakop sa tulong ng mga pari na magsulat ng mga sanaysay ukol sa
relihiyon at wika na maaaring ituro sa mga katutubo. Ito ay ang:
1. Declaracion de los mandamientos de la ley de dios
- isang paliwanag ukol sa Sampung Utos.
2. Arte y reglas de la lengua Tagala
- nagsasaad ng mga batas sa pagsulat at pagsasalita ng wikang
Tagalog.

 Librong Pag-aaralan nang manga Tagalog nang Uicang Castila


- sinulat ni Tomas Pinpin noong 1610 at maituturing na unang
sanaysay na sinulat ng isang Pilipino.

 TOMAS PINPIN
- unang Pilipino-Intsik na manunulat. Itinuturing si Tomás
Pinpín na “Ama ng Paglilimbag” sa Filipinas dahil siya ang
unang tanyag at kinikilalang manlilimbag na katutubo, nang
ipasok ang imprenta ng mga Español.
- Ipinalalagay na isinilang siyá sa loob ng mga taóng 1580 at
1585 sa Abucay, Bataan at naging katulong sa limbagan doon
ng mga Dominiko.
- Inimprenta ni Pinpin ang aklat ni Padre Francisco Blancas de
San Jose na “Arte y Reglas de la Lengua Tagala” (Sining at mga
Tuntunin ng Wikang Tagalog) noong 1610.

Dito ay sunod- sunod nang natuto ang mga tao ng mga prosa, tulad
ng apuntes (memoirs) at informes (accounts). Kahit na pangpersonal
lang ang mga ito. Kadalasan, mababasa rin dito ang ilang mga isyung
pampolitika, relihiyon, at ekonomiya.

Sa pagsisimula ng samahang repormista, nagsimula ang mga


manunulat na magsulat ng mga sanaysay na naglabas ng mga pang-
aabuso ng mga mananakop, at humihiling sa mga Pilipino na kumilos
laban dito.

Ilan sa mga nakilalang manunulat noong panahon ng mga kastila ay


ang mga sumusunod:

 Pedro Paterno
- Isinulat ni Pedro Paterno ang Ninay. Isang nobelang
nagsasaad tungkol sa diwang makabansa.
- Ang Ninay ay itinuturing na kauna-unahang Filipino at
Tagalog na nobela. Ito ay isinulat ni Pedro Paterno at
nailathala sa taong 1908. Inilalarawan nito ang kayamanan
ng kapaligiran at kultura ng Pilipinas sa pamamagitan ng
magkakakabit-kabit na naratibo at mga paglalarawan ng
mga tanawin ng bansa at ritwal.
- Ito ay nagsilbi upang pawalang kabuluhan ang pahayag ng
Espanyol na ang Pilipinas ay walang kultura.
 Francisco Baltazar
- Si Francisco Baltazar (ipinanganak na Francisco Balagtas y
de la Cruz; 2 Abril 1788-20 Pebrero1862).
- Siya ay mas kilala bilang Francisco Balagtas.
- isang tanyag na Pilipinong makata, at malawakang
itinuturing na isa sa mga pinakadakilang Pilipinong
pampanitikan na laureate para sa kanyang epekto sa
panitikang Filipino.
 Modesto De Castro
- Si Padre Modesto de Castro ay itinuring na pangunahing
manunulat noong ika- 19 na daantaon Tubong Biñan,
Laguna.
- kinilala siya dahil sa kanyang angking kakayahan sa
pagsulat ng mga sermong pampolitika na kanyang
binibigkas at nang tumagal ay sinulat para malathala.
 Jose Palma
- Si Jose Palma ay isang makata at sundalong Pilipino.
- Siya ay naging tanyag sa pagsulat niya ng “Filipinas”, na
naging titik ng pambansang awit ng Pilipinas. Nakilala siya
sa kanyang tulang “Filipinas” na siyang pinaghanguan ng
mga titik na inilapat sa tugtuging nilikha ni Julian Felipe
bilang tugon sa kahilingan ni Heneral Emilio Aguinaldo kay
Julian Felipe na gumawa si Felipe ng isang tugtuging
martsa.
 Jose Dela Cruz
- Si José de la Cruz o Huseng Sisiw ang binigyan ng
karangalang Hari ng mga Makata sa katagalugan.
- Isinilang siya sa Tondo, Maynila noong 20 Disyembre 1746.
Hindi siya nakapag- aral ngunit sa sariling pagsisikap ay
natuto ng Katon at Cartilla, Doctrina Cristiana, Pilosopiya at
Teolohiya.
- Kinilala siya sa kahusayang sumulat ng mga tula kaya
marami ang nagpaturo sa kanya ng pagtutugma ng mga
salita.
- Ikinapit sa kanya ang taguring “Huseng Sisiw” dahil kung
may nagpapagawa sa kanya ng patulang liham ng pag-ibig,
ang hinihingi niyang kabayaran ay sisiw. Siya ang guro ni
Balagtas sa pagtula.
 Jose Rizal
- Malaki ang papel ng mga akdang isinulat ni Dr. Jose Rizal sa
pagmulat ng kamalayan ng mga Pilipino noon.
- Kilala si Rizal sa kanyang mga nobelang Noli Me Tangere at
El Filibusterismo, ngunit mula pagkabata, marami na siyang
naisulat na mga tula, liham, at sanaysay na naging
inspirasyon ng mga Pilipino para simulan ang rebolusyon at
labanan ang pagmamalupit ng mga banyaga.
- Si Rizal din ay gumamit ng dalawang sagisag-panulat, laong-
laan (amor patrio) at dimasalang (masonry). Itinatag ni Rizal
ang la liga filipina.
 Marcelo H. Del Pilar
- Si Marcelo Hilario del Pilar y Gatmaitan, kilala rin bilang ang
“Dakilang Propagandista”, ay isang ilustrado noong panahon
ng Espanyol.
- Ang kanyang pangalan sa dyaryo ay Plaridel.
- Pinalitan niya si Graciano López Jaena bilang patnugot ng La
Solidaridad.
 Graciano Lopez- Jaena
- Kinilalang manunulat at mananalumpati sa “Gintong
Panahon Ng Panitikan At Pananalumpati”.
- Itinatag niya ang kauna-unahang magasin, ang “La
Solidaridad” na naging opisyal na bibig ng “Asociation
Hispano Filipina”.
 Antonio Luna
- Isang parmasyotikong dinakip at ipinatapon ng mga kastila
sa Espanya.
- Sumanib sa kilusang propaganda.
- Ang paksa ng kanyang mga isinusulat ay nauukol sa mga
kaugaliang Pilipino, at ang iba’y tumutuligsa sa
pamamalakad ng mga kastila.
- Ginamit niyang sagisag-panulat ay Taga-Ilog.
 Mariano Ponce
- Naging tagapamahalang patnugot, mananalambuhay at
mananaliksik ng Kilusang Propaganda.
- Mga sagisag-panulat na ginamit ay Tikbalang, Kalipulako at
Naning.
- Tungkol sa kahalagahan ng edukasyon ang karaniwang
paksa ng kanyang mga sanaysay.
- Inilahad din niya ang pang-aapi ng mga banyaga at ang
karaingan ng bayan.
 Andres Bonifacio
- Si Andrés Bonifacio y de Castro ay isang Pilipinong
makabayan at rebolusyonaryo ng Pilipinas.
- Binansagan siyang "Ama ng Katipunan".
- Siya ang nagtatag at lumaon naging Supremo ng kilusang
Katipunan na naglayong makamtan ang kasarinlan ng
Pilipinas mula sa Espanya at nagpasimula ng Himagsikang
Pilipino.
- Kinikilala rin siya ng ilang mga dalubhasa sa kasaysayan
bílang unang Pangulo ng Pilipinas, subalit hindi siya opisyal
na kinikilala.
 Apolinario Mabini
- Apolinario Mabini y Maranan, kilala bilang ang “Dakilang
Lumpo” o “Dakilang Paralitiko”, ay isang Pilipino teyoresta
na nagsulat ng konstitusyon ng Unang Republika ng
Pilipinas noong 1899-1902, at naglingkod bilang ang kauna-
unahang punong ministro noong 1900 na makikita sa
sampumpisong barya na isyu ng Bangko Sentral ng
Pilipinas.
- Ipinanganak siya sa Talaga, Tanauan, Batangas noong hulyo
23, 1864.
 Emilio Jacinto
- Si Emillio Jacinto y Dizon (disyembre 15, 1875- Abril 16,
1899), ay isang Heneral ng Pilipinas sa panahon ng
rebolusyong Pilipino.
- Isa siya sa pinakamataas na opisyal ng Rebolusyong Pilipino
at isa sa pinakamataas na opisyal ng rebolusyong lipunan
ng Kataas-taasan, kagalang-galangang Katipunan ng mga
Anak ng Bayan o mas kilala sa tawag na Katipunan.
- Tinagurian si Emilio Jacinto na “Utak ng Katipunan” dahil
sa mga sinulat niya para sa Katipunan, kabílang na ang
“Mga Aral ng Katipunan” at higit na kilalang “Kartilya ng
Katipunan”.
 Pio Valenzuela
- Si Pío Valenzuela (11 Hulyo 1869–6 Abril 1956) ay isang
doktor, at bayaning Pilipino na isa sa mga pinuno ng
Katipunan na lumaban sa mga Kastila noong Panahon ng
Himagsikan.
- Ipinangalan sa kanya ang Lungsod ng Valenzuela na
matatagpuan sa hilagang Kalakhang Maynila.

You might also like