Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Ikatlong Markahan - Modyul 4 Mahalagang isaalang-alang ang ilang pamantayan sa pagtatakda ng mithiin.

Kinakailangan na
mayroon kang tinatawag na S.M.A.R.T.A.
Kahalagahan ng Pag-aaral
Natanong mo na ba ang iyong sarili? Ano nga ba ang nais ko? Saan ba ako mahusay? Alin nga ba ang • Tiyak (Specific)- Tiyak ang iyong mithiin kung ikaw ay nakasisiguro na ito ang iyong nais na
mangyari sa iyong buhay.
kinahihiligan kong gawain?
• Nasusukat (Measurable) – Una, nasusukat ang kakayahang makamit ang mithiin. Pangalawa,
➢ Ang pag-aaral ng mabuti ay isang paraan upang maging matagumpay ang isang tao. nasusukat mo ang iyong tagumpay sa pagsulong ng panahon patungo sa iyong mithiin.
• Naaabot (Attainable)- Ang mithiin ay makatotohanan, maaabot, mapanghamon at hindi
➢ Edukasyon ang maaaring ipamana ng mga magulang sa kanyang mga anak na hindi
mahirap gawin.
mananakaw ng sinoman. • Angkop (Relevant)- Marahil na kailangan timbangin ang bawat panig upang makita mo ang
higit na mabuti para sa iyo. Kung ito ba ay naaangkop o hindi.
Mga Pansariling Salik sa Pagpili ng Kurso
• May takdang panahon (Time-Bound)- Isipin mo kung gaano katagal mo kayang matupad
Mga Pansariling Salik ang iyong mithiin.
• Kayang Isakatuparan (Action-Oriented)-Ang pagpapahayag ng tunguhin ay kailanganng
1. Talento- ang teorya na binuo ni Dr. Howard Gardner na Multiple Intelligences na makatutulong sa nasa pangkasalukuyang kilos (present tense). Nararapat ding ito ay mga bagay na kaya mong
gawin.
pagbibigay kasagutan kung “Ano ang iyong talino?” kaysa “Gaano ka katalino?.”
Halaga ng Pag-aaral para sa Pagnenegosyo o Paghahanapbuhay
2. Hilig - Ito ay ang mga gawain na nagbibigay kasiyahan o kagalakan sa iyo. Higit ang pagbibigay mo ➢ Ika nga ni San Juan Bosco, “Kung ang mga kabataan ay nabibigyan nang maayos na
ng atensiyon sa mga gawaing iyong kinahihiligan. edukasyon, magkakaroon ng moral na kaayusan ang lipunan; kung hindi, bisyo at kaguluhan
ang maghahari rito.”
3. Kasanayan (Skills)- Ang ating kasanayan ay higit na mahalaga sa pagpapaunlad ng ating sarili ➢ Ang pag-aaral ay isang kilos o karanasan na humuhubog ng isip, asal o pisikal na kasanayan
upang mabuo ang ating mga pangarap. ng tao.
➢ Ito ay maaaring gamitin sa pagharap ng hamon sa buhay.
4. Pagpapahalaga- hindi lamang ito pagpapahalaga sa tao o bagay, bagkus tumutukoy din ito sa ➢ Ang edukasyon ang nagsu-supply ng mga kasanayan sa merkado ng industriya.
mabuting pag-uugali ng tao na dapat taglayin at pahalagahan. ➢ Ibig sabihin, ang mga nagtapos na may taglay na mga kasanayan ang tutugon sa
pangangailangan ng mga kumpanya sa mga kasanayang ito.
Mga uri ng pagpapahalaga ayon kay Santa Maria. ➢ Ang pag-aaral ng mabuti ang mabisang paraan ng paghahanda sa pagkuha ng angkop na
• Una, Mga Pagpapahalagang Kaugnay ng Paggawa (Work Values) tulad ng kahusayan track sa Senior High School na tutugon sa pangangailangang ito ng industriya.
sa paggawa, pagtanggap ng pagbabago at iba pa. ➢ Napakahalaga ng pag-aaral sapagkat nabibigyan ka ng sapat na panahon upang matuklasan
• Ikalawa, Mga Pagpapahalagang Kaugnay ng Pagpapaunlad ng Karera (Career at mapaunlad ang iyong talento, hilig, kakayahan, kasanayan at kung paano mo
Values) tulad ng pansariling pag-unlad, pag-angat at iba pa. malalampasan ang iyong mga kahinaan.
• At Mga Pagpapahalagang Kaugnay ng Pakikibahagi sa Lipunan- nararapat lamang na ➢ Higit na nakikilala ang iyong sarili tulad ng iyong mga kalakasan at kahinaan.
gumawa ng kabutihan higit lalo sa iyong kapuwa. ➢ Malaki ang kaugnayan ng paghahasa ng mga kasanayan at natapos na pormal na edukasyon
sa pagtatagumpay sa merkado sa paggawa.
5. Mithiin- Ang pagkakaroon ng mithiin ay dapat maging bahagi ng ating paglalakbay sa ➢ Ang merkado sa paggawa (labor market) ay ang supply ng mga manggagawa na may
buhay dahil ang iyong pangarap ang magdadala sa iyo sa rurok ng tagumpay at kaligayahan. kaugnayan sa mga trabahong mayroon sa industriya.
➢ Sa merkado sa paggawa, mayroong palitan ng impormasyon ukol sa kwalipikasyon,
• Kinakailangan na malinaw sa iyo ang nais mong mangyari sapagkat ito ang magbibigay kasanayan, at heograpikal na lokasyon ng mga manggagawa.
sa iyo ng direksiyon sa buhay. ➢ May pagpapalitan din ng impormasyon sa pagitan ng employer at mga naghahanap ng
• Mahalaga na may pananagutan sa pagpili ng mithiin. trabaho tungkol sa mga antas ng pasahod, mga kondisyon ng pagtatrabaho, mga antas ng
• Nararapat na isaalang-alang ang pansarili at kapakananan ng kapuwa. kumpetisyon, at lokasyon ng trabaho.
Bagamat natural ang maghangad ng mataas na suweldo, mabuting tandaan ang sumusunod na Pagbuo ng Career Plan
elemento sa pagpa-pasiya ng track o kursong kukunin:
➢ Ayon sa PBAS PROGRAMA, mahalaga ang pagkakaroon ng plano sa pang-araw-araw na
1. Nararapat na ang kaalaman at kasanayan ay naaayon sa ninanais na hanapbuhay. pamumuhay ng isang tao.
• Mahalagang may alam at magaling ka sa papasukin mong hanapbuhay dahil magpapanatag ➢ Ang plano ang tumatayong sandigan ng mga desisyon bunga ng mga hindi inaasahang
ito ng iyong kalooban. pagbabago sa buhay.
• Alam mong hindi ka magsasayang ng pagod at panahon dahil tatapusin mo ang track o kurso ➢ Kapag ikaw ay mayroong plano sa buhay ay magkakaroon ka ng layunin.
na angkop sa iyong mga talento at kasanayan.
➢ Ito ay mabisang inspirasyon upang maabot o matupad ang layuning nakasaad sa ginawang
• Magaganyak kang ibigay ang iyong buong sarili sa iyong ginagawa kung alam mo ang mga ito. plano.

• Magbibigay ito sa iyo ng kasiyahan at magsisikap ka na matapos ang iyong gawain nang ➢ Makatutulong ito upang maging tiyak ang iyong mga aksiyon patungo sa mga layunin na nais
maayos. mong makamit.

• Mahalagang suriin ang sarili kung ano ang trabahong nais mo. ➢ Mahalagang magkaroon ng isang malinaw na plano ukol sa karera ang mga nagdadalaga at
nagbibinatang katulad mo.
2. Kailangang isaalang-alang kung ang trabahong mapapa-sukan pagkatapos mag-aral sa track
na napili ay may kabu-luhan sa iyo, sa iyong kapuwa at bansa. ➢ Makatutulong ito upang maging tiyak ang iyong mga aksiyon patungo sa mga layunin na nais
mong makamit.
❖ Nasasagot nito ang mga tanong na: Kailangan ba ito ng bansa? May kabutihan ba akong
maiaambag kung pipiliin ko? Makatutulong ba ito sa pipiliin mong paraan ng pakikibahagi sa ➢ Ang pagpaplano ukol sa karera (career planning) ay kinapapalooban ng istratehikong
kapuwa at pamayanan? pagpaplano at pamamahala ng isang tao sa kanyang hinaharap na propesyon.

✓ Pinakamabuting paraan ang pag-aaral sa pagpili ng track, kurso o karera. ➢ Kasama dito ang pagtatasa sa sarili o pagsaliksik ukol sa sarili upang maunawaan ang sariling
mga kakayahan, lakas at kahinaan at nang sa gayon ay maitugma ang mga ito sa mga
✓ Nalilinang nito ang iyong mga kasanayan na nakatutulong upang mapunta ka sa angkop na oportunidad sa karera.
track o kurso.
➢ Kabilang rin dito ang patuloy na pagpapahusay ng kaalaman at pagpapabuti para sa paglago
Samakatuwid, habang maaga ay mahalagang maunawaan mo nang lubos ang kahalagahan sa napiling karera.
ng pag-aaral upang malinang ang iyong mga talento, hilig at kasanayan.
➢ Kung ikaw ay hindi pa nakapagplano ukol rito, hindi pa huli na gumawa ng isang plano para sa
Mga Istilo ng Pagkatuto iyong sarili.
Ayon kay David Kolb, ang bawat tao ay may sariling istilong pagkatuto o learning style. ➢ Ang hinaharap ay puno ng kawalang katiyakan.
1. Visual Learning- ito ang paraan ng pagkatuto kung mas naiintindihan at mas naaalala ang aralin Ang pagkakaroon ng isang matatag na plano ukol sa karera ay tulad ng pagkakaroon ng
kung binabasa o nakikita ito. isang mapa na maaaring maghatid sa iyo saan mo man naising magtungo.
2. Auditory Learning- Mas madaling maunawaan o matutuhan ang aralin kung naririnig ito.

3. Tactile Learning- ito ang paraan ng pagkatuto kung mahilig sumulat at kumilos. Mas maraming
isinusulat, mas maraming natatandaan at nauunawaan.

4. Multimodal Learning- dalawa o higit pa na mga istilo ng pagkatuto ang ginagamit.

You might also like