FIL4 Sanaysay Tungkol Sa Bayan

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

FIL4 Sanaysay tungkol sa bayan

Jaycel D. Cortiñas
Baka Pers Klass Yan!

Sa isang lugar sa Batangas, may isang bayan na napakagaling sa lahat ng


aspeto at larangan, iyon ay ang Lemery. Sa agrikultura ay tiyak may makikita kang
masasarap na bunga pati na din and naglalakihang mga isda. Sa establisyimento ay di
rin papahuli. Mayroong magagandang ‘malls’ at mayroon ding pampublikong bilihan. Sa
larangan ng edukasyon ay laging nangunguna. Napakarami ng paaralan dito halos
lahat nga ng barangay ay mayroon upang makasisiguradong lahat ng bata ay
makatatanggap ng libreng edukasyon. Mayroong paaralan sa primarya, sekundarya
pati na rin ang sa kolehiyo ay mayroon dito. Idagdag mo pa ang makikisig na mga lalaki
at naggagandahang mga babae. Saan ka pa?
Ito rin ang dahilan kung bakit ang aming bayan ay binansagang 1st class
municipality. Bagaman ang aming lugar ay isang rural ay hindi naman ito
magpapaangat sa iba. Mas gusto nga ng lugar na ito na higitan ang iba at maging
pinakamagandang bayan sa Pilipinas. Mas kakaunti man ang atraksyon dito kesa sa
ibang bayan ay marami pa ding ang nanabik mabisita ang lugar namin dahil malawak
na karagatang makikita. Ang Lemery ay sikat sa mga turista dahil sa mga magandang
resort at mga beaches. At dahil na rin sa karagatang ito ay nagkaroon ang masisipag na
Lemereño ng trabaho. Dahil dito lalong namuhay nang masagana ang aming bayan.
Kaya kami ay nagpapasalamat sa dagat ng Lemery at doon nagsimula at Sigpawan
Festival.
Ano nga ba ang Sigpawan Festival? Ito ay nagsimula sa salitang sigpaw na ang
ibig sabihin ay maliit na lambat na ginagamit para hulihin ang mga isda at minsan ay
ginagamit din ito panguha ng mga bunga sa puno. Nagaganap ang Sigpawan sa
pamamagitan ng parada. Dito ay makikiparada ang mga iba’t ibang makukulay na
banda na syang nagbibigay ng masisiglang tunog. Kasama din ang mga mananayaw
na magaling. At maya maya pa’y magkakaroon ng patimpalak sa pagsasayaw na dapat
naipapakita ang pagiging mayaman sa kultura ng bayan. At hindi lang sa sayawan
nagtatapos, mayroon pang paligsahan sa pagpinta sa ding ding at kung alin ang
pinakamagandang gawa ay siya ang mananalo. Makikita sa piyestahang ito ang
mayamang kultura ng bayan pati na rin ang pagsusumikap ng mga masisipag at
talentandong Lemereño.
Tayo naman ay maglakbay sa amin. Unahin na ninyo ang mga resort at beach na
pagkasarap lumigo kapag tag init. Hindi lamang yun mayroon ding para sa mga batang
palaruan at slides ang nasa pool na tiyak na sobrang kagagalakan ng mga bata pati na
rin mga bata. Nga pala, pangarap mo bang maging prinsipe o prinsesa noong ikaw ay
bata pa kung ganon tuparin natin ang iyong kahilingan at pumunta na sa fantasy world
na kung saan ay ito’y mala-palasyong lugar na kung saan ay pwede kang makapasok.
Itong fantasy world ay dapat ay isang parke na mayroong iba’t ibang rides at mga
laruan ngunit nalugi ang may-ari at naabanduna na lang ito. Upang mapanatili ang
kagandahang taglay nito ay binuksan ang Fantasy world at mayroong bayad kapag
ikaw ay papasok para mapanatili ang kaayusan dito. Itong lugar na ito ay sikat sa mga
ikakasal at doon nila ginaganap ang tinatawag na ‘pre-nup pictures’ na kung saan nag
aala-prinsesa at prinsipe ang mga ikakasal.
Marami pang mga masasayang aktibidad meron ang Lemery. Ngunit di ko na
maiisa – isa dahil nais kong ikaw ang makaranas ng magagandang alaala na iyong
makukuha sa bayan namin. Kaya tara! Sunod na dine sa amin at mag sinsay na sa
bayan ng Lemery.Ay aba! baka ‘first class municipality’ yan.

You might also like