Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

REVIEWER IN FILI-101

I. Multiple Choices: Basahing mabuti ang mga aytem. Isulat ang titk ng tamang sagot sa patlang.

_______1. Ano ang tawag sa mga pekeng balita o impormasyon na ipinapakalat sa online media?
a. Totoong Balita b. Pekeng Balita c. Fake News d. Legit na Impormasyon
_______2. Ano ang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon o ideya sa pagitan ng mga tao?
a. Pananaliksik b. Komunikasyon c. Fake News d. Pag-aaral
_______3. Ito ay isang sistematikong pagsusuri at pagsisiyasat ukol sa isang tiyak na paksa.
a. Pananaliksik b. Komunikasyon c. Fake News d. Pagsusuri
_______4. Sila ang nagmungkahi na dapat iugnay sa interes at buhay ng mga kalahok ang pagpili ng tukoy na
paksa.
a. Santiago at Enriquez b. San Pedro at Enriquez
c. Santiago at Del Pilar d. Sabaulan at Enriquez
_______5. Ano ang tawag sa mga pasilidad at teknolohiya na ginagamit para sa pagpapalaganap ng pekeng
balita?
a. Komunikasyon b. Fake News c. Propaganda d. Social Media
_______6. Ito ang ginagamit ng karamihan na mapagkukunang ng impormasyon at balita. Ito rin ay
nangangahulugang teknolohiya na inilaan upang maabot ang ng impormasyon ang madla.
a. ICT b. Mass Media c. Social Media d. Komunikasyon
_______7. Ayon sa kanila, ang pangmadalang midya ang nagtatakda kung ano ang pag-uusapan ng publiko.
a. Maxwell McCombs at Donald Shaw b. George Gerbner and Donald Shaw
c. Larry Selinker and Vygotsky d. Marshall McLuhan and Maxwell McCombs
_______8. Ayon sa kanya ang midya lalo na ang telebisyon, ang tagapagsalaysay ng lipunan na lumilinang sa
kaisipan ng mga madalas manood na ang mundo’y magulo at nakakatakot.
a. Maxwell McCombs b. George Gerbner c. Larry Selinker d. Marshall McLuhan
_______9. Ayon sa kanya binabago ng midya ang simbolikong kapaligiran ng mga tao at naiimpluwensiyahan
nito ang kanilang pananaw, karanasan, ugali, at kilos.
a. Maxwell McCombs b. George Gerbner c. Larry Selinker d. Marshall McLuhan
_______10. Ayon sa kanya, ang midya ay nagpapanatili sa ideolohiya ng mga may hawak ng kapangyarihan
sa lipunan.
a. Maxwell McCombs b. George Gerbner c. Stuart Hall d. Marshall McLuhan
_______11. Ito ay isang pagsusuri ng mga datos o impormasyon gamit ang pangmatematikang pamamaraan.
a. Eksperimental na Pananaliksik b. Statistika
c. Pagsasalaysay d. Kwalitatibong Pananaliksik
_______12. Ito ay mga orihinal na pahayag, obserbasyon at teksto na direktang nagmula sa isang indibidwal,
grupo o institusyon nakararanas, nakaoobserba, o nakapagsisiyasat ng isang paksa o phenomena.
a. Primaryang Batis b. Sekundaryang Batis
c. Kwantitatibong Pannaliksik d. Kwalitatibong Pananaliksik
_______13. Ito ay pahayag ng interpretasyon, opinyon at kritisismo mula sa indibidwal, grupo, o institusyon na
hindi direktang nakaranas, nakaobserba o nagsaliksik sa isang paksa o penomeno.
a. Primaryang Batis b. Sekundaryang Batis
c. Kwantitatibong Pannaliksik d. Kwalitatibong Pananaliksik
_______14. Sa ugnayan ng kapwa tao na ito, sinasadyang tinatanong at kinakausap ng mananaliksik ang
indibiwal o grupo na direktang nakakaranas ng penomenong sinasaliksik.
a. Mediadong Ugnayan b. Harapang Ugnayan c. Sarbey d. Pagsasalaysay
_______15. Sa ugnayan naman na ito, maaari tayong makakalap ng impormasyon mula sa kapwa-tao sa
pamamagitang ng ICT.
a. Mediadong Ugnayan b. Harapang Ugnayan c. Interbyu d. Pakikipagkwentuhan
_______16. Ang disenyong ito ay palasak ang pamamaraang survey na ginagamitan ng talatanungan at
eksperimento na may pretest at posttest.
a. Primaryang Batis b. Sekundaryang Batis
c. Kwantitatibong Pannaliksik d. Kwalitatibong Pananaliksik
_______17. Ang disenyong ito ay mas palasak ang panayam at pangkatang talakayan.
a. Primaryang Batis b. Sekundaryang Batis
c. Kwantitatibong Pannaliksik d. Kwalitatibong Pananaliksik
_______18. Ito ay isang kuwantitatibong disenyo ng pananaliksik kung saan sinusukat ang epekto ng
independent variable, na nagsisilbing interbensyon sa dependent variable, na tinatalaban ng interbensyon.
a. Experimental na Pananaliksik b. Panayam
c. Kwantitatibong Pannaliksik d. Kwalitatibong Pananaliksik
_______19. Ito ay isang interaksiyon sa pagitang ng mananaliksik bilang tagapag tanong at tagapakinig, at
tagapagbatid na siyang tagabahagi ng impormasyon.
a. FGD b. Interbyu c. Sarbey d. Pakikipanuluyan
_______20. Ito ay isang semi-estrukturadong talakayan na binubuo ng tagapagpadaloy na kadalasang
mananaliksik, at anim at hanggang sampung kalahok.
a. Pagtatanong-tanong b. Interbyu c. FGD d. Pakikipanuluyan
_______21. Ito ay isang di-estrukturado at impormal na usapan ng mananaliksik at tagapagbatid hinggil sa isa
o higit pang paksa kung saan ang mananaliksik ay walang ginagamit na tiyak na mga tanong at hindi nya
pinipilit igaya ang daloy sa isang direksyon.
a. Interbyu b. Pakikipagkwentuhan c. Pagdalaw-dalaw d. Pakikipanuluyan
_______22. Ito ay ang pagpunta-punta at pakikipag-usap ng mananaliksik sa tagapagbatid upang sila ay
magkakilala. Ito ay maaring kaakibat din ng ibang mga pamamaraan ng pagkuha ng datos kagaya ng
pakikipagkuwentuhan at pakikilahok.
a. Pagtatanong-tanong b. Pagdalaw-dalaw c. FGD d. Pakikipanuluyan
_______23. Ito ay ang pakikisalamuha sa mga tao at pakikisangkot sa ilan sa kanilang mga aktibidad.
Inaasahang malalim at komprehensibo ang impormasyong malilikom ng mananaliksik. Ito ay isa sa mga
pinakamabisang pamamaraan upang mapaunlad ang pakikipagkapuwa tao.
a. FGD b. Interbyu c. Sarbey d. Pakikipanuluyan
_______24. Ito ay isang di-estrukturado at impormal na usapan ng mananaliksik at tagapagbatid hinggil sa isa
o higit pang paksa kung saan ang mananaliksik ay napunta sa mga bahay-bahay upang magtanong-tanong.
a. Pagdalaw-dalaw b. Interbyu c. Pagmamasid d.Pagbabahay-bahay
_______25. Ito ay pag-oobserba gamit ang mata, ilong, taynga at pandama sa tao, lipunan at kapaligiran. Ito
ay kaakibat din ng iba pang mga pamamaraan ng pagkuha ng datos kagaya ng pakikilahok, pakikisangkot,
pagbabahay-bahay at pakikipanuluyan.
a. Pagmamasid b. Interbyu c. Pagbabahay-bahay d. Pakikipanuluyan

II. Enumerasyon: Ibigay ang mga hinihingi.

A. Tatlong Klase ng Interbyu


26. estrukturadong interbyu
27. Semi-estrukturadong interbyu
28. Di - estrukturadong interbyu
B. Instrumento sa Pagkalap ng Datos Mula sa Kapuwa Tao
29. Talatanungan at gabay na katanungan
30. Pagsusulit at eksaminasyon
31. Talaan sa field work
32. Rekorder

C. Mga Dapat Ikunsidera sa Pananaliksik


33..Pumili ng mga angkop na salita na sumasalamin sa mga katunayan at datos ng PANANALIKSIK
ginawang pananaliksik.
34.Gumamit ng epektibo at wastong komposisyon.
35.Isaayos ang estruktura at daloy ng kaalamang ipinapahayag upang hindi
magdulot ng kalituhan.
36.Pukawin ang interes, damdamin at kamalayan ng mga kalahok o audience.
37.Gumamit ng wastong pananaw; una (ako,ko, akin, tayo, atin, natin, kami);
pangalawa (ikaw, kayo, ka, mo, inyo, ninyo); at pangatlo (siya, sila niya kaniya,nila, kanila)

III. Classification/Pag-Uuri: Tukuying kung primaryang batis o sekundaryang batis ang mga sumusunod.
Isulat and PB para sa primaryang batis at SB naman para sa sekundaryang batis.
PB 38. Awtobiyograpiya SB 45. Sabi-sabi
SB 39. Sanaysay PB 46. Sarbey
PB 40. Talaarawan SB 47. Manwal at gabay na aklat
SB 41. Kritisismo PB 48. Articulo sa journal
PB 42. Sulat sa koreo at email PB 49. Mga kagamitan sa pagtuturo
SB 43. Komentaryo SB 50. Mga record ng mga tanggapan ng
PB 44. Tesis gobryerno

You might also like