Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 15

Filipino 10

1
Filipino – Ikasampung Baitang
Ikatlong Markahan – Modyul 12:
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring
magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na
ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon.
Pinagsumikapang malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit
ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang
karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda.
Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o
ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Myline DG. Matundan at Paula Micaela P. Adeza
Tagasuri: Aurora M. Reyes at Melinda P. Iquin
Editor: Albert C. Nerveza

Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin


OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors


Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)
Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig

2
Filipino 10
Ikatlong Markahan
Modyul 12 para sa Sariling Pagkatuto
Dr. Marcelo Jaochico: Dakilang Doktor sa Baryo
Manunulat: Myline DG. Matundan at Paula Micaela P. Adeza
Tagasuri: Aurora M. Reyes at Melinda P. Iquin / Editor: Albert C. Nerveza

3
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino Baitang 10 ng Modyul
para sa araling Dr. Marcelo Jaochico: Dakilang Doktor sa Baryo

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

4
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 10 Modyul 12 ukol kay Dr. Marcelo


Jaochico: Dakilang Doktor sa Baryo. Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa
iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang
wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga
makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.

5
MGA INAASAHAN

Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

KASANAYANG PAMPAGKATUTO
1. Nasusuri nang pasulat ang damdaming nakapaloob sa akdang binasa at ng
alinmang social media.
2. Nabibigyang-kahulugan ang damdaming nangingibabaw sa akda.

MGA LAYUNING PAMPAGKATUTO:

A. Nailalarawan ang katangian ng pangunahing tauhan batay sa damdaming


naipahayag sa akda.
B. Nabibigyang -puna ang iba’t ibang damdamin at kaisipan na nakapaloob sa
akda.
C. Nakapagbabahagi ng sariling pananaw o impresyon na may kaugnayan sa
binasang akda.

PAUNANG PAGSUBOK
PANUTO: Hanapin sa loob ng kahon ang tinutukoy ng mga pahayag. Letra
lamang ang isulat sa patlang.

A. Diagnostic Test C. Frontliner

B. Diskriminasyon D. Doctor to the Barrios

E. Isolation Room

_____1. Hiwalay na silid sa pasyenteng may nakahahawang sakit.


_____2. Tagapaghatid ng pangunahing tulong.

_____3. Doktor na piniling manggamot sa mga liblib na probinsya.

_____4. Pagsusuri sa specimen upang malaman ang sakit.


_____5. Hindi pantay na pagtingin at pagtanggap sa grupo ng tao.

6
BALIK-ARAL
PANUTO: Isulat sa patlang ang ✔ (tsek) kung Tama ang pahayag at ✘ (ekis)
naman kung ito ay Mali.

_______1. Si Kibuka ay may alagang baboy na kulay itim.

_______2. Tapat si Kibuka sa pagiging pulis sa Ggogombola Headquarter.

_______3. Namatay ang baboy at agad itong inilibing.

_______4. Katabi ni Kibuka sa pagtulog ang baboy.

_______5. Nasarapan si Kibuka sa karne ng kanyang alagang baboy.

ARALIN
Dr. Marcelo Jaochico: Dakilang Doktor sa Baryo
Panayam: Cielo Jaochico news.abs-cbn.com
Muling isinalaysay ni: Myline DG. Matundan

Nasa kauna-unahang linyang tumutugon sa pangangailangang medikal,


inuuna ang pangangailangan ng mga kababayan; tiniis ang pangungulila sa mga
mahal sa buhay; nilalakad at sinusuong ang malalayong lugar maiabot lamang ang
tulong sa kapwa. Sila ang doktor, nars, medical practisioner, staff ng mga
pagamutan, pulis, dyanitor, guwardiya at mga nagtratrabahong manggagawa sa
pagawaan ng mga pagkain at iba pang serbisyong kinakailangan sa panahon ng
pandemya.
Ilan lamang sila sa mga taong nagbigay ng bagong mukha ng kabayanihan.
Ngunit tulad ng isang bayani ang ilan sa kanila ay nagbuwis din ng buhay. Kung
nagkaroon ng bagong mukha ng kabayanihan sa panahong ito nagkaroon din ng
mukha ang mapaniil na mananakop. Sila ay naging buhay sa katauhan ng mga
taong sarili lamang ang iniisip, ang mga nagpalayas, nandiri nagparanas ng
diskriminasyon at pang-aalipusta at hindi kinilala ang kabayanihan ng mga
Frontliners. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito ay mayroon din namang mga sumibol
na Pilipinong nagpakita ng paggalang, pagkalinga at tumanaw ng utang na loob sa
ating mga Frontliners. Isang ugaling buhay na buhay sa ating mga Pilipino ang
pagbabayanihan.
Ang COVID-19 ay isang kuwento ng kabayanihan at pag-asa Tulad na
lamang ng isang doktor na pumukaw ng aking pansin sa facebook. Malilimutan ba
ang isang doktor sa baryo na piniling manggamot sa mga liblib na lugar tulad ng
Pampanga? Siya ay si Dr. Marcelo Jaochico na matapos makaranas ng lagnat
noong Marso 11, 2020 ay nagkaroon ng matinding sintomas ng panghihina ng

7
katawan, Diarrhea at hirap sa paghinga. Siya ay patuloy at nanatiling nagkulong
sa kanyang bahay noong Marso 15, 2020 hanggang siya ay tuluyang itinakbo sa
pagamutan dahil sa lumalalang kundisyon ng sakit. Siya ay nagkaroon ng sakit na
Pneumonia noong Marso 17 na naging dahilan upang siya ay ilipat sa Intensive
Care Unit (ICU) ng pagamutan. Ito ang lubos na nagpalala ng kanyang kundisyon
hanggang sa nagkaroon ng tubig ang bahagi ng kanyang baga. Pagkaraang siya ay
nasuri at nagpositibo sa pagkaroon ng COVID-19, agad ding binawian ng buhay
ang doktor, sabi ng kanyang anak na babae na nagngangalang Cielo “Mabuti na
lang at bago siya binawian ng buhay noong Marso 24, 2020 ay lumabas ang
resulta ng kanyang COVID Test na nagsasabing siya ay nagpositibo sa COVID-19.”
na noong mga panahong iyon ay marami na ang may karamdaman at namamatay
bago pa lumabas ang resulta ng test.
Si Dr. Marcelo Jaochico ay naging residenteng doktor sa Manila Medical
Center at naging guro sa Emilio Aguinaldo College bago siya naging Doctor to the
Barrios (DTTB) isa itong programa ng gobyerno noong 1990 upang matugunan ang
maliit na porsyento ng mga kababayang hindi nararating ng medikal na lunas.
Sinabi ng kanyang anak sa isang panayam sa facebook, sa loob ng labing
anim na taon siya raw ay nagpapatawid-tawid sa ilog ng Calanas, Apayao, Siya ang
nagsilbing All around doctor sa iba’t ibang karamdaman tulad ng pagiging
Obstetrician, Pediatrician, Family Doctor. Natuto raw ang kanyang ama na
magpagaling ng mga karamdaman gamit ang kakarampot na pondong nakalaan
para sa mga pangangailangang medical. Sinikap nitong masugpo ang salot na
Dengue, Malaria at ibang kumakalat na epidemya sa maliit na baryong kanyang
pinaglilingkuran.
Wika ng anak “Ganun talaga kapag mahal mo ang ginagawa mo”
Nagpalipat siya sa Maynila upang mapalapit sa pamilya. Siya ay nagsilbing
consultant ng Mercury Drug Store at naglingkod din sa Department of Health’s
Bureaue of Local Health System and Development. Noong 2013 nagsimula muli
siyang manggamot sa Pampanga’s Provincial Health Office sa panahong ito ng
kanyang paglilingkod bilang Hepe ay kinilala ang probinsya sa titulong “Best Risk
Reduction Management Council “sa Central Luzon.
Sinabi rin ni Cielo na ang kanyang ama ay nakipaglaban upang masugpo
ang lumalalang kundisyon sa sakit na Dengue at Measles sa lugar. Isa sa naging
suliranin ng ama ay ang mahal na “Diagnostic Test “ito ang ginagawang pagsusuri
sa “specimen” upang malaman kung ang isang pasyente ay nagtataglay ng mga
nabangit na sakit. Hindi siya sumuko bagkus ay matiyaga niyang sinugpo ang
karamdamang ito upang bumaba ang panganib sa mga tao. Nanguna rin sa
pagtulong sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda noong 2013. Noong pumutok ang
Bulkang Taal nitong nakaraang Enero 2020, isa siya sa magigiting na doktor na
dumayo sa lugar na ito upang magbigay ng serbisyong medikal.
Wika ni Cielo “Nakikiusap ako, alalahanin ninyo ang aking ama hindi dahil sa
siya ay namatay sa COVID-19, alalahanin n’yo siya sapagkat marami siyang
nagawa para sa bayan at sa ating mga kababayan.”
Ang pinakamalungkot na bahagi sa pagkamatay ng kanyang ama ay nang
mamatay ito na nasa isang lugar na hindi maaring lapitan, ang” Isolation room”.

8
Sa mga sandaling iyon wika niya “Dad, hindi ka karapat-dapat mamatay na
nag-iisa na hindi naririnig kung gaano ka namin kamahal. Hindi man lamang
namin nalaman na mayroon ka na palang nararamdaman. Dad, hindi ka man lang
namin nayakap sa huling sandali ng iyong buhay. Uuwi ka ritong abo na, ang
masakit Daddy ay hindi ka nagkaroon ng lamay at ng libing upang ang lahat sana
ng iyong mahal sa buhay at kaibigan ay nakapaghatid sa iyo sa huling hantungan.
Daddy, mahal na mahal ka naming lahat. Kami na po ang bahala kay mommy. Ako
na po ang bahala sa mga kapatid ko. Ipagagawa ko ang bahay na pinapangarap mo
para sa amin”.
Malungkot ngunit may pagmamalaking sinabi ni Cielo “Ang aking Daddy ay
si… Dr. Marcelo Jaochico, isang Doctor to the Barrios”.

Pagkatapos basahin ang akda ay suriin at subukin natin kung


naunawaan ito sa pamamagitan ng pagsagot sa mga gawain.

GAWAIN BLG.1
PANUTO: Kilalanin ang pangunahing tauhan. Hanapin sa loob ng kahon ang
katangian ng tauhan na nagingibabaw sa mga pangyayari sa akdang binasa.
Isulat ang letra ng sagot sa loob ng puso. Ang magiging sagot ay base sa nais
mong ranggo ng pagkakasunod-sunod nito. Walang susunding letra sa
pagkakaayos ng sagot.
A. Mapagmahal na ama
B. Handang magsakripisyo
C. Inuuna ang iba bago ang sarili
D. Matiisin sa hirap na dinanas sa baryo
E. Bukas- palad sa mga nangangailangan
F. May dedikasyon sa pagtugon sa tungkulin
G. Nakikiramay at inuunawa ang pangangailangan ng tao
H. May pagsisikap na masugpo ang mga sakit na kumakalat

Dr. Marcelino Jaochico

1.___ 3. ___ 5. ___ 7. ___

2. ___ 4.___ 6. ___8. ___

9
GAWAIN BLG. 2
PANUTO: Pagsunod-sunorin ang mga pangyayari sa binasang maikling kuwento.
Gumamit ng letrang A-E.
________1. Sa loob ng labing anim na taon ay nagpapatawid-tawid sa ilog ng
Calanas Apayao.
________2. Naging residenteng doktor sa Manila Medical Center at naging guro sa
Emilio Aguinaldo College.
________3. Nang pumutok ang Bulkang Taal noong Enero,2020 isa siya sa dumayo
upang magbigay ng serbisyong medikal.
________4. Nakipaglaban upang masugpo ang lumalalang sakit na Dengue at
Measle sa kabila ng suliranin sa mahal na Diagnostic Test ay hindi siya
sumuko.
________5. Nalipat sa Maynila upang mapalapit sa pamilya. Nagsilbing consultant
ng Mercury Drug Store at naglingkod sa Department of Health’s Bureau of
Local Health System.

MGA PAGSASANAY

PAGSASANAY BLG.1
PANUTO: Piliin ang letra ng tamang sagot na tumutukoy sa katangiang
nangingibabaw sa bawat pahayag.

A. Determinasyon C. Mapagmahal E. Pagsasakripisyo


B. Makatao D. Mapamaraan

_____1. Natuto nga raw ang kanyang ama na mapagaling ang mga karamdaman
gamit ang kakarampot na pondong nakalaan sa pangangailangang
medikal sa baryo.
_____2. Nagpapatawid-tawid sa ilog ng Calanas, Apayao. Siya ang nagsilbing all
around doctor sa iba’t ibang karamdaman tulad ng pagiging Obstetrician,
Pediatrician, Family Doctor.
_____3. Hindi siya sumuko bagkus ay matiyaga niyang sinugpo ang
karamdamang ito upang bumaba ang panganib sa mga tao.
_____4. Nanguna rin sa pagtulong sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda noong
2013 at noong pumutok ang Bulkang Taal nitong nakaraang Enero, 2020
isa siya sa magigiting na doktor na dumayo sa lugar na ito upang
magbigay ng serbisyong medikal.
_____5. “Dad, hindi ka karapat-dapat mamatay na nag-iisa na hindi naririnig
kung gaano ka namin kamahal. Hindi man lamang namin nalaman na
mayroon ka na palang nararamdaman.”

10
PAGSASANAY BLG.2
SANHI AT BUNGA
PANUTO: Hanapin sa Hanay B ang BUNGA ng mga sitwasyon sa Hanay A.
Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.
HANAY A HANAY B
___1.Nagbigay ng sebisyong medikal sa A. Lumaganap ang diskriminasyon
liblib na lugar.
___2. Pagpapakita ng paggalang at B. Marami ang nakaligtas sa sakit
pagpapahalaga sa mga Frontliner.
___3. Mahal na Diagnostic Test at C. Marami ang nanganib ang buhay
kakarampot na pondong medikal.
___4. Buong- pusong naglingkod bilang D. Kinilala bilang bayani
doktor sa baryo.
___5. Takot na mahawa sa kumakalat na E. Tumaas ang moral sa serbisyong
virus. ibinibigay sa mga tao

PAGSASANAY BLG.3
PANUTO: Batay sa mga salita at ekspresyong ginamit sa pagpapahayag ng
damdamin sa iba’t ibang sitwasyon. Tukuyin ang damdaming nangingibabaw sa
mga pangyayari sa akda.

A. Paghanga C. Pagmamahal E. Panghihinayang

B. Paghiling D. Pagmamalaki

______1. Sinikap niyang masugpo ang kumakalat na sakit sa baryong kaniyang


pinaglilingkuran.

______2. “Daddy, mahal na mahal ka naming lahat kami na po ang bahala kay
Mommy.”
______3. “Nakikiusap ako, alalahanin ninyo ang aking ama hindi dahil sa siya ay
namatay sa sakit na COVID-19 kundi marami siyang nagawa para sa
bayan at sa ating kababayan.”

______4. “Hindi man lamang namin nalaman na mayroon ka na palang


nararamdaman.” hindi ka man lang namin nayakap sa huling sandali ng
iyong buhay”

______5. Malungkot ngunit may pagmamalaking sinabi ni Cielo “Ang aking Daddy
ay si Dr. Marcelo Jaochico isang Doctor to the Barrio.”

11
PAGLALAHAT
PANUTO: Tukuyin ang ideya sa bawat bilang kung ito ay nagpapahayag ng
kabutihan sa kapwa iguhit ang hugis puso ____ at ekis X naman kung hindi.

_____1. Inuuna ang pangngailangan ng kababayan sa panahaon ng pandemya.


_____2. Nagpalayas, nandiri, nagparanas ng diskriminasyon at pang-aalipusta at
hindi kinilala ang kabayanihan ng mga frontliner.
_____3. Mayroon din namang mga sumibol na Pilipinong nagpakita ng paggalang,
pagkalinga at tumanaw ng utang na loob sa ating mga frontliners.
_____4. Hindi siya sumuko bagkus ay matiyaga niyang sinugpo ang karamdamang
ito upang bumaba ang panganib sa mga tao.
_____5. Kakarampot na pondong inilaan sa baryo para sa mga pangangailangang
medikal.

PAGPAPAHALAGA
PANUTO: Ilahad ang iyong natutuhan sa akdang binasa. Gamiting gabay ang
pamantayan sa ibaba sa pagbuo ng isang talata.

Pamantayan sa Pagmamarka Mamarkahan ito ayon sa sumusunod:


A. Malinaw ang pagkakalahad ng 8 - 10 puntos – Naisagawa ang lahat ng
konsepto. pamantayan
B. Lutang sa akda ang damdaming 6 – 7 puntos - Tatlong pamantayan ang
binigyan ng paliwanag. naisagawa
C. Maayos ang pagkakabuo ng mga 3 - 5 puntos - Dalawang pamantayan ang
pangungusap. Naisagawa
D. Wasto ang pagkakagamit ng mga 1 - 2 puntos – Isang pamantayan ang
salita at mga bantas. naisagawa

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

12
PANAPOS NA PAGSUSULIT

PANUTO: Basahin ang sumusunod na pahayag. Isulat sa patlang ang letra ng


tamang sagot.

1. Programa ng gobyerno noong 1990 upang matugunan ang pangangailangang


medikal ng mga kababayan nating nasa liblib na lugar.
A. Medical Mission C. Doctor to the Barrios (DTTB)
B. Libreng Seguro (PhilHealth) D. Pantawid Pamilyang Pilipino(4P’s)

2. Tiniis na malayo sa pamilya upang mapaglingkuran ang mga kababayang nasa


baryo na nangangailangan ng atensiyong medikal.
A. Dr. Marcelino Jaochico C. Secretary Francisco Duque III
B. Dr. Maria Rosario Vergeire D. Herminio” Harry” Lopez Roque Jr

3. Nakiusap na alalahanin si Dr. Marcelino Jaochico hindi dahil namatay ito sa


sakit na COVID-19 kung hindi dahil marami siyang nagawa bilang doctor sa
baryo.
A. Anak C. Kaibigan
B. Asawa D. Kapatid

4. Lugar na tinulungan ni Dr. Marcelino Jaochico upang maiabot ang kanyang


serbisyo medical sa mga nasalanta ng kalamidad.
A. Bagyong Ursula sa Capiz
B. Pagputok ng bulkang Pinatubo
C. Itogon land slide/Leyte Capiz land slide
D. Bagyong Yolanda sa Leyte/ Pagputok ng Bulkang Taal

5. Sakit na kumitil sa buhay ni Dr. Marcelino Jaochico.


A. Malarya C. COVID -19
B. Dengue D. Tuberkulosis

13
14
MODYUL 12
ARALIN 3.5 MAIKLING KUWENTO
(Dr. Marcelo Jaochico: Dakilang Doktor sa Baryo)
PAUNANG PAGSUBOK PASASANAY BLG 1 PANAPOS NA PAGSUSULIT
1. A 1. D 1. B
2. C 2. E 2. A
3. D 3. A 3. A
4. E 4. B 4. D
5. B 5. C 5. C
BALIK-ARAL PAGSASANAY BLG 2
1. / 1. B
2. X 2. E
3. X 3. C
4. / 4. D
5. / 5. A
GAWAIN BLG 1 PAGSASANAY BLG 3
1-8 lahat ng sagot at tama 1. A
A hanggang H walang 2. C
Susunding pagkakaayos 3. B
GAWAIN BLG 2 4. E
1. B 5. D
2. A PAGLALAHAT
3. E 1.
4. D 2. X
5. C 3.
4.
5. X
PAGPAPAHALAGA
-Sundin ang pamantayan sa pagbibigay ng marka
SUSI SA PAGWAWASTO
Sanggunian
Nilalaman:

shorturl.at/iEFJK
shorturl.at/opI35

shorturl.at/nvL46

shorturl.at/tJM27
shorturl.at/vyKV6

shorturl.at/rwzP5

shorturl.at/afwHV
shorturl.at/iGMPW

15

You might also like