Filipino

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 15

Filipino 10

1
Filipino – Ikasampung Baitang
Ikatlong Markahan – Modyul 5: Anekdota (Tsinelas ni Jose Rizal)
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Apple P. Salazar
Tagasuri: Ana Mae F. Santos at Shirley H. Amorada
Editor: Albert C. Nerveza at Melinda P. Iquin

Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin


OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig

2
Filipino 10
Ikatlong Markahan
Modyul 5 para sa Sariling Pagkatuto
Anekdota (Ang Tsinelas ni Jose Rizal)
Manunulat: Apple P. Salazar
Tagasuri: Ana Mae F. Santos at Shirley H. Amorada/Editor: Albert C. Nerveza at Melinda P. Iquin

3
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang FILIPINO 10 ng Modyul 5 para sa
araling Anekdota (Ang Tsinelas ni Jose Rizal)!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

4
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa FILIPINO10 Modyul 5 ukol sa Anekdota (Tsinelas


ni Jose Rizal)!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.

5
MGA INAASAHAN

Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


KASANAYANG PAMPAGKATUTO
1. Nasusuri ang binasang anekdota batay sa paksa, tauhan, tagpuan,
motibo ng awtor, paraan ng pagsulat at iba pa
2. Naibibigay ang sariling opinyon tungkol sa anekdotang napanood sa
youtube

MGA LAYUNING PAMPAGKATUTO:


A. natutukoy ang paksa, tauhan, tagpuan, motibo ng awtor at paraan ng
pagsulat sa nabasang anekdota;
B. naiisa-isa ang mahahalagang impormasyon sa pagsuri ng anekdota;
at
C. nakapagbibigay ng sariling opinyon tungkol sa mahalagang
kaganapan sa anekdota.

PAUNANG PAGSUBOK
Sa puntong ito, sagutin mo muna ang ilang katanungan tungkol sa
tatalakaying aralin upang ating masukat ang iyong kaalaman tungkol dito.
Simulan mo na!

PANUTO: Tukuyin ang isinasaad ng mga pahayag sa bawat aytem. Piliin ang
letra ng wastong sagot at isulat ito sa patlang bago ang bilang.

____1. Ito ang palayaw na ginamit ni Dr. Jose Rizal noong siya ay bata pa.
A. Pedring B. Pepe C. Pepeng D. Pepito
____2. Sa lugar na ito masisilayan ang mga lawa at ilog na kulay bughaw na may
halong luntian kung walang sigwa na binanggit ni Rizal sa kanyang
anekdota.
A. Boracay B. Davao C. Laguna D. Palawan
____3. Ito ang bagay na hindi sinasadyang nahulog sa lawa noong sila Dr.Jose
Rizal ay nakasakay sa bangka.
A. libro B. panyo C. sapatos D. tsinelas
____4. Ito ang estilong ginamit sa pagsulat ng may-akda sa panimulang bahagi ng
kanyang pagsasalaysay sa anekdota.
A. Paglalarawan sa tauhan C. Pagbabalik-tanaw sa nakaraan
B. Paglalarawan sa tagpuan D. Paglalahad ng diyalogo ng tauhan
6
____5. Ang pagtapon ng isa pang tsinelas ng bata sa lawa ay nagpapakita na siya
ay__________________.
A. walang pagpapahalaga sa gamit
B. sabik na makatama ng isda sa lawa
C. nagnanais na mabilhan ng panibagong panyapak
D. umaasang magkakaroon ito ng silbi sa ibang makakukuha

BALIK-ARAL

Bago ka dumako sa ikalawang aralin, magkaroon ka muna ng


pagbabalik-tanaw sa naunang aralin upang matiyak ko ang iyong lubos na
pagkatuto. Handa ka na ba? Tara, iyo nang sagutan.

PANUTO: Tukuyin ang isinasaad sa bawat bilang sa pamamagitan ng


pagtatambal ng hanay A sa hanay B. Isulat ang letra sa patlang bago ang
bilang.

Hanay A Hanay B

____1. Dito mababasa ang pangkalahatang moral


na dapat matutuhan ng mga Muslim. A. hari
____2. Sa lugar na ito, inihayag ni Mullah B. Iran
ang kanyang pangangaral sa mga tao.
C. Kenya
____3. Sa bansang ito nagmula ang akda
ni Mullah Nassreddin. D. mensahero
____4. Siya ang nagdala ng kautusan kay Mullah E. Mosque
na nagsasaad ng kanyang mahalagang
F. Q’uran
gawain na gagampanan sa loob ng tatlong
araw ng Biyernes.
____5. Siya ang nag-imbita kay Mullah upang
mangaral sa mga tao tungkol sa
pangkalahatang moral.

7
ARALIN
A. Panimulang Gawain
Magandang Araw! Bago ka tumungo sa mismong akdang iyong
babasahin para sa araw na ito, iyo munang subuking alamin kung sino o
ano ang nasa larawan.

2 Pics, 1 Word
PANUTO: Gamit ang mga larawan at gulo-gulong letra, tukuyin kung ano o
sino ang mga nasa larawan.

Ang mga larawan ay mula sa Google

A.) JSOE RAZIL= __________________

Ang mga larawan ay mula sa Google

B.) TLNESIAS= ___________________

Nagagalak akong nakarating ka na sa ikalawang bahagi ng ating


modyul, hangad ko na marami kang natutuhan sa nakaraang aralin dahil
sa araw na ito, mas palalawakin mo pa ang iyong kaalaman tungkol sa
anekdota. Simulan mo ito sa pagbasa ng mga mahahalagang impormasyon
sa pagsuri ng anekdota.
B. Paglalahad ng Aralin
Alam mo ba?
Mga Mahahalagang Impormasyon sa Pagsusuri ng Anekdota
1. Tema o Paksa ng akda –Ang tema ang pangkalahatang kaisipang nais
palutangin ng may-akda sa isang kuwento at ang kaisipang ito ang binibigyan ng
layang maikintal sa isipang ng mga mambabasa.
Maaaring maging tema ang mga sumusunod: palagay sa mga naganap na
pangyayari sa lipunan, obserbasyon ng may-akda tungkol sa pag-uugali ng tao,

8
paniniwala sa isang katotohanan o pilosopiyang tinatanggap ng tao sa buong
daigdig sa lahat ng panahon, o ang dahilan ng pagkakasulat ng may-akda.

2.Tauhan/Karakter sa Akda – Ito ay tumutukoy sa mga taong gumaganap sa


kuwento.

3.Tagpuan – Ito ay tumutukoy sa lugar na pinangyayarihan ng mga aksiyon o mga


insidente, gayundin ang panahon kung kailan naganap ang kuwento.

4.Paraan ng Pagkakasulat ng Akda – Ito ay tungkol sa masining na ekspresyon ng


mga ideya na pinili ng manunulat. Ito rin ay katauhan ng awtor sapagkat
maaninag ang personalidad ng manunulat dito. Makikita ang estilo ng manunulat
sa tulong ng kanyang wika o mga salitang ginamit, pagiging mapagbiro, pagiging
makatotohanan o pagiging seryoso.

5.Motibo ng Awtor – Ito ay tungkol sa layunin ng may-akda sa pagsulat ng


panitikan. Maaring nais niyang magpatawa, mangaral, manghikayat , magbigay-
impormasyon at kung ano-ano pa.

6.Mga Kaisipan/Ideyang Taglay ng Akda – Ito ay ang mensahe ng kuwento sa


mambabasa. Ito ay tuwirang pangangaral o pagsesermon ng manunulat sa
mambabasa.

C. Paglalahad ng Teksto

Ngayong ikaw ay nasa ikalawang modyul na, narito ang isa pang
anekdota na mula naman sa ating bansa na mismong buhat pa sa
karanasan ng ating Pambansang Bayani na si Dr. Jose P. Rizal na kilala rin
sa tawag na “Pepe”.

Maaari mo rin itong mapanood sa Youtube kung ikaw ay may internet,


i-type lamang ang link na ito, https://www.youtube.com/watch?v=2kCGo_
Aj1Dg. Kung wala naman, ay maaari mo itong basahin dito sa modyul.
Halina’t iyong tuklasin at mamangha sa akdang ito.

Ang Tsinelas ni Jose Rizal


Maganda ang mga lawa at ilog sa aming bayan sa Laguna. Bughaw na may
halong luntian kapag walang sigwa. Ang tubig sa wawa ay napaliligiran ng mga
kawayang sumasayaw na tila umiindak kapag nahihipan ng hangin.
Ang mga bangkang may layag ay parang mga paruparong puti na
naghahabulan. Ang bangka ay karaniwang gawa sa kahoy na inukit sa matibay na
kahoy na nakukuha sa aming gubat. Kung minsan ito ay may dalawang katig na
gawa sa matitibay at mahabang kawayan upang ang bangka ay hindi gumiwang
kapag ito ay nakatigil sa tubig. Karamihan sa gamit nito ay pangingisda nguni’t sa
aming lalawigan, ay ginagamit namin sa paglalakbay lalo na sa pagtawid sa ibayo
ng lawa. Mas mabilis ito kaysa gumamit ng kalabaw o ng karetela.
Naalala ko pa noon, kasalukuyan kaming nakasakay sa bangka nang
humulagpos ang isa kong tsinelas. Ang tsinelas ay ang gamit namin sa pagpasok
at pagpunta sa mga lakaran kung saan ang bakya na gawa sa kahoy ay hindi
nararapat. Mabilis itong inanod sa tubig bago ko nahabol para kunin. Malungkot
9
ako dahil iniisip ko ang aking ina na magagalit dahil sa pagkawala ng aking
tsinelas.
Tiningnan ako ng nagsasagwan nang kinuha ko ang aking isa pang tsinelas
at dali-dali kong itinapon sa lawa, kasama ang dasal na mahabol nito ang kapares
na tsinelas.
“Bakit mo itinapon ang iyong isa pang tsinelas?” tanong sa akin ng
kasamahan ko sa bangka.
“Isang tsinelas ang nawala sa akin at walang silbi sa makakakita. Ang isang
tsinelas na nasa akin ay wala ring silbi sa akin. Kung sino man ang makakuha ng
pares ng tsinelas ay magagamit niya ito sa kaniyang paglakad.”
Napatingin ulit sa akin ang mama. Marahil naunawaan niya ang isang
batang katulad ko.
Posted by Arnel B. Mahilom at Wednesday, September 01, 2010
Labels: Anekdota

MGA PAGSASANAY

Matapos mong basahin ang anekdotang hango mismo sa karanasan


ni Rizal noong siya ay bata pa, nais kong subukin at mapalalim pa ang
iyong pagkakaunawa sa akda. Narito ang ilang mga gawain na
magpapayabong pa sa iyong kaalaman. Tara na’t iyong sagutin!

PAGSASANAY 1
PANUTO: Tukuyin ang kahulugan ng mga salitang nakasalungguhit. Piliin ang
letra ng wastong sagot sa loob ng kahon at isulat ito bago ang
bilang.

A. bagyo B. bunganga ng ilog C. halaga D. lawa


E. makawala F.suporta sa bangka na ginagawang panimbang

_____1. Ang mga lawa at ilog sa bayan ng Laguna ay bughaw na may halong
luntian kapag walang sigwa.

_____2. Ang tubig sa wawa ay napaliligiran ng mga kawayang sumasayaw na tila


umiindak kapag nahihipan ng hangin.

_____3. Naalala ko pa noon, kasalukuyang kaming nakasakay sa bangka nang


humulagpos ang isa kong tsinelas.

_____4. “Ang isang tsinelas na nasa akin ay wala ring silbi sa akin.”

_____5. May dalawang katig na gawa sa matitibay at mahabang kawayan upang


ang bangka ay hindi gumiwang kapag ito ay nakatigil sa tubig.

10
PAGSASANAY 2

PANUTO: Suriin ang anekdotang binasa sa pamamagitan ng paglalagay ng tsek


(✔) sa hanay na naglalahad ng wastong kasagutan.

Anekdota: Tsinelas ni Hanay A Hanay B


Jose Rizal
1. Paksa Pagiging positibo Pagiging
mapagkumbaba
2. Tauhan pp Pepe Pepeng

3. Tagpuan Lawa ng Laguna Ilog Pasig

4. Paraan ng Maligoy at mapagbiro Payak at kawili-wili


pagkakasulat ng akda

5. Motibo ng awtor Mabigay ng kaaliwan Magbigay ng aral

PAGSASANAY 3
PANUTO: Ilahad ang iyong saloobin sa pamamagitan ng pagsang-ayon o hindi
pagsang-ayon sa mahalagang tagpo ng akda. Gawin ito sa pamamagitan ng
grapikong pantulong.
Anekdota: Ang Tsinelas ni Jose Rizal
Mahalagang Tagpo: Saloobin:
Sang-ayon o Hindi Sang-ayon
Tiningnan ako ng nagsasagwan nang Ipaliwanag ang sagot.
kinuha ko ang aking isa pang tsinelas _______________________________________
at dali-dali kong itinapon sa lawa, _______________________________________
kasama ang dasal na mahabol nito ang _______________________________________
kapares na tsinelas. _______________________________________
_______________________________________

Pamantayan sa Pagbibigay Puntos


5-puntos Napakahusay Makatotohanan at malinaw
na naipahayag ang
kasagutan.
3-puntos Mahusay Malinaw na naisalaysay ang
kasagutan.
1-puntos Pagbutihin pa Hindi naipaliwanag ang
kasagutan.

11
PAGLALAHAT
Natapos mo nang masuri at mabatid ang mga mahahalagang
impormasyon tungkol sa akda. Ngayon ay nais kong malaman kung
naikintal sa iyong isipan ang mga mahahalagang impormasyon sa pagsuri
ng akda. Tara na’t iyong paghusayan ang pagsagot.

PANUTO: Magtala ng mahahalagang impormasyon tungkol sa pagsusuri ng


anekdota gamit ang grapikong pantulong na ito.

Anekdota

PAGPAPAHALAGA
Ang akdang iyong binasa at sinuri ay nagtataglay ng mahalagang
aral na kapaki-pakinabang sa ating pamumuhay na masasalamin sa
pahayag na binitiwan ni Dr. Jose Rizal o “Pepe”. Halina’t ito’y iyong
pagtuunan ng pansin.

PANUTO: Kompletuhin ang pahayag sa pamamagitan ng pagpilli ng akmang


salita sa loob ng kahon. Mabigay rin ng maikling ideya o paliwanag ukol sa
pahayag na nabuo.

“Isang tsinelas ang 1.__________sa akin at walang silbi sa


2._____________. Ang isang tsinelas na nasa akin ay wala ring 3. _____________sa
akin. Kung sino man ang makakuha ng pares ng 4.____________ ay magagamit
niya ito sa kaniyang 5. _________”
-Pepe (Jose Rizal)

makakakita nawala paglalakad silbi tsinelas

12
Paliwanag:
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Nasa huling bahagi ka na ng modyul na ito, hangad ko na


maipamalas mo ang iyong mga natutuhan sa naging aralin. Pagbutihin mo
ang pagsagot.

Panuto: Isulat ang T kung tama ang pahayag at M kung mali. Isulat ang sagot
bago ang bilang.

______1. Si Pepe ang pangunahing tauhan sa anekdotang binasa na ang tunay na


pangalan ay Jose Rizal.
______2. Ang pangyayari sa akda ay naganap sa lawa ng Laguna nakilala sa taglay
nitong kagandahan..
______3. Naging katawa-tawa ang pamamaraang ginamit ng may-akda sa pagsulat
ng anekdota simula umpisa hanggang sa dulo.
______4. Si Pepe ay labis na nanghinayang sa kanyang tsinelas na nahulog sa lawa
dahil wala na siyang magagamit na panyapak.
______5. Ang pangunahing layunin ng may-akda sa anekdotang binasa ay
hikayatin ang mga mambabasa na subukang sumakay ng bangka at
tuklasin ang yaman ng lawa ng Laguna.

13
14
MODYUL 5
ARALIN 3.2 ANEKDOTA (Ang Tsinelas ni Jose Rizal)
Paunang Pagsubok Paglalahat
1. B 1. Paksa
2. C 2. Tauhan
3. D 3. Tagpuan
4. B 4. Paraan ng Pagkakasulat
5. D 5. Motibo ng Awtor
6. Kaisipan/Ideya
Balik-Aral Pagpapahalaga
1. F 1. nawala
2. E 2. makakakita
3. B 3. silbi
4. D 4. tsinelas
5. A 5. paglalakad
Pagganyak Panapos na Pagsusulit
A. JOSE RIZAL 1. T
B. TSINELAS 2. T
3. M
Pagsasanay 1 4. M
1. A 5. M
2. B
3. E
4. C
5. F
Pagsasanay 2
Hanay A Hanay B
1. ✔
2. ✔
3. ✔
4. ✔
5. ✔
Pagsasanay 3
(Ibatay ang puntos sa Rubriks)
SUSI SA PAGWAWASTO
Sanggunian
https://teksbok.blogspot.com/2010/09/ang-tsinelas-ni-jose-rizal.html
http://www.depinisyon.com/translate.php
https://www.tagaloglang.com/hulagpos/
https://tl.wikipedia.org/wiki/Maikling_kuwento
https://philnews.ph/2019/07/19/elemento-ng-maikling-kwento-8-elemento-
kahulugan/
https://www.youtube.com/watch?v=2kCGo_Aj1Dg
Filipino 10 Modyul Para sa mga Mag-aaral

Mga Larawan
https://www.google.com/search?q=jose+rizal&sxsrf=ALeKk03Q64UvY89dAV1524w
EiBP7XTjHWA:1593853841290&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwj7ta
KgoLPqAhX4yosBHavDC5UQ_AUoAXoECCUQAw&biw=1536&bih=754#imgrc=kZdy
eHGw7jR9aM
https://www.google.com/search?q=batang+rizal&tbm=isch&ved=2ahUKEwjE19Db
obPqAhUDUpQKHQOEDXUQ2cCegQIABAA&oq=batang+&gs_lcp=CgNpbWcQARgA
MgQIABBDMgQIABBDMgQIABBDMgIIADICCAAyBAgAEEMyAggAMgIIADICCAAyAg
gAOgQIIxAnOgYIABAFEB46BggAEAgQHjoHCCMQ6gIQJzoFCAAQsQM6BwgAELED
EENQ08oEWOeDBWCMkwVoAXAAeASAAf8BiAHOD5IBBjAuMTAuMpgBAKABAaoB
C2d3cy13aXotaW1nsAEK&sclient=img&ei=GkkAX8TiDIOk0QSDiLaoBw&bih=754&
biw=1536
https://www.google.com/search?q=feet+animated&sxsrf=ALeKk01BpanaXUD1Dey
AZctgqtrlzrm5_A:1593855217909&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwiT
zdiwpbPqAhXCBKYKHXqzArsQ_AUoAXoECAwQAw&biw=1536&bih=754#imgrc=qN
8iZiFNnKc2UM&imgdii=B9NBz71zlD9uUM

https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.facebook.com%2F1
34288150081810%2Fphotos%2Fang-tsinelas-anekdota-ni-jose-rizalmaganda-ang-
dagat-at-ang-ilog-sa-aming-bayan-
%2F140249889485636%2F&psig=AOvVaw3V39FRYmsigi9BpTGT-
87w&ust=1593942264298000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCNCk
-uuns-oCFQAAAAAdAAAAABAP

15

You might also like