Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 16

Filipino 10

1
Filipino – Ikasampung Baitang
Ikatlong Markahan – Modyul 6: Anekdota (Kasanayang Komunikatibo)
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Apple P. Salazar
Tagasuri: Ana Mae F. Santos at Shirley H. Amorada
Editor: Albert C. Nerveza at Melinda P. Iquin

Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin


OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig

2
Filipino 10
Ikatlong Markahan
Modyul 6 para sa Sariling Pagkatuto
Anekdota (Kasanayang Komunikatibo)
Manunulat: Apple P. Salazar
Tagasuri: Ana Mae F. Santos at Shirley H. Amorada/Editor: Albert C. Nerveza at Melinda P. Iquin

3
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang FILIPINO 10 ng Modyul 6 para sa
araling Anekdota (Kasanayang Komunikatibo)!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

4
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa FILIPINO10 Modyul 6 ukol sa Anekdota


(Kasanayang Komunikatibo)!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.

5
MGA INAASAHAN

Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


KASANAYANG PAMPAGKATUTO

1. Nagagamit ang kahusayang gramatika, diskorsal at strategic sa pagsulat


at pagsasalaysay ng orihinal na anekdota
2. Naisusulat ang isang orihinal na komiks batay sa isang anekdota

MGA LAYUNING PAMPAGKATUTO:

A. Naiisa-isa ang mga sangkap ng kasanayang komunikatibo;


B. Nasusuri ang mga salitang ginamit sa mga pangungusap; at
C. Nakabubuo ng isang orihinal na komiks na naglalahad ng sariling
anekdota na isinasaalang-alang ang mga kaalaman sa kasanayang
komunikatibo.

PAUNANG PAGSUBOK

Sa iyong pagsisimula, sagutin mo muna ang maikling gawain na ito


upang ating masukat ang iyong kaalaman tungkol sa paksang tatalakayin.
Simulan mo na!

PANUTO: Tukuyin ang isinasaad ng mga pahayag sa bawat aytem sa


pamamagitan ng pagsasaayos ng mga nakagulong letra upang mabuo ang
wastong salita. Isulat ang sagot sa loob ng kahon.

1. Ito ay isang babasahing isinalarawan at maaaring nagsasaad ng kuwento, buhay


ng tao o pangyayari.

K M I K O S Sagot:

2. Ito ay sangkap ng kasanayang komunikatibo na may kakayahang umunawa at


makabuo ng mga estruktura ng wika ayon sa mga tuntunin sa gramatika.

L W I N G S T G I I K Sagot:

3. Ito ay kasanayang komunikatibo na may kakayahang magamit ang berbal at


hindi berbal na uri ng komunikasyon sa paghahatid ng mensahe.

S T E G I R A T C Sagot:

6
4. Ito ay kasanayang komunikatibo na may kakayahang magbigay ng wastong
interpretasyon sa napakinggang pangungusap/pahayag upang makabuo ng isang
makabuluhang kahulugan.

D I O R S S K A L Sagot:
5. Ito ay kasanayang komunikatibo na may kakayahang magamit ang wika sa
isang kontekstong sosyal.

SYSOO- L G I S ING W I TK Sagot:

BALIK-ARAL
Halina’t iyong balikan ang nakaraang aralin. Ikaw ay susubukin sa
maikling gawain. Umpisahan mo itong sagutin.

PANUTO: Punan ng wastong letra ang crossword puzzle batay sa nakalatag na


mga letrang pantulong at sa deskripsyong inilalahad sa bawat bilang.

2.

1.
E Pahalang
4.

3.
A I A N 1. Ito ang tawag kay Jose Rizal noong siya
ay bata pa.
6. 3. Ito ang mensaheng nais ipabatid ng
5. N D 0 A kuwento sa mambabasa.
5. Ito ay kuwento ng isang kawili-wili at
nakatutuwang pangyayari sa buhay ng
I
isang tao.
0

Pababa

2. Ito ang pangkalahatang kaisipang nais palutangin ng may-akda sa isang


kuwento at ang kaisipang ito ang binibigyan ng layang maikintal sa isipang ng
mga mambabasa.
4. Tumutukoy sa mga taong gumaganap sa kuwento.
6. Tumutukoy sa layunin ng may-akda sa pagsulat ng isang akda.

7
ARALIN

A. Panimulang Gawain

Magandang buhay! Sa bahaging ito, uumpisahan mo nang tuklasin


ang huling aralin. Simulan ito, sa pagsagot ng gawaing ito.
Pagganyak
PANUTO: Punan ng angkop na pahayag ng mga tauhan sa larawan, gawin ito
sa pamamagitan ng pagsasaayos ng mga salita sa loob ng kahon upang mabuo
ang kanilang diyalogo.

Diyalogo ng Ina:
agad Bakit anak
ka bumalik na ?
Diyalogo ng Anak:
at mayakap Gusto kasi
po na kitang makita .
Larawan mula sa Google

Ang tawag sa larawang nakita mo sa itaas ay komiks. Naalala mo pa


ba ang tungkol dito? Noong ikaw ay nasa ika-8 baitang ay natutuhan mo na
ang tungkol sa komiks kaya ngayon, isang pahapyaw na pagbabalik-tanaw
ang iyong gagawin. Halina’t iyong basahin.

B. Pagbibigay ng Input
Alam mo ba?

Ang komiks ay isang babasahing isinalarawan at maaaring nagsasaad ng


kuwento, buhay ng tao o pangyayari. Ang salitang komiks ay hango sa salitang
Ingles na “comic(s)” at isinulat lamang sa letrang ”k” alinsunod sa pagbabaybay sa
Filipino.

May iba’t ibang bahagi ng komiks, ito ay ang pamagat ng kuwento, kuwadro,
kahon ng salaysay, mga larawan ng tauhan sa kuwento, at lobo ng usapan.

Larawan mula sa Google


Larawan mula sa Google

8
Nakatutuwang balikan ang aralin sa Komiks ‘di ba? Alam mo bang
magiging maganda at malinaw ang mensahe ng komiks kung ang
nagsusulat nito ay mahusay sa pagkikipagtalastasan. Ang
pakikipagtalastasan ay isang mahalagang gawain ng mga tao upang
maipabatid sa kausap ang nais sabihin, kaya mahalaga na maging
malinaw at maaayos ang paglalahad ng mensahe upang hindi magdulot ng
kalituhan. Sa bahaging ito, iyong matutuhan ang tungkol sa kasanayang
komunikatibo na lubos na makatutulong sa iyo bilang isang indibiduwal.

C. Gramatika

Kasanayang Komunikatibo
-Ito ay tumutukoy sa kakayahan ng isang mag-aaral ng wika na makipag-
ugnayan sa ibang mag-aaral upang makabuo ng isang makabuluhang pag-uusap
na hindi binibigyang-pansin ang kaalaman nito sa linggwistika( Savignon, 2011).

Sa pagtuturo at pagkatuto ng wika, hindi sapat na matutuhan lang ang mga


tuntuning panggramatika. Ang pangunahing layunin sa pagtuturo ng wika ay
magamit ito nang wasto sa mga angkop na sitwasyon upang maging maayos ang
komunikasyon, maipahatid ang tamang mensahe, at magkaunawaan nang lubos
ang dalawang taong nag-uusap.

Mga Sangkap ng Kasanayang Komunikatibo

A. Kasanayang Gramatikal/Linggwistik
- ito ay ang kakayahang umunawa at makabuo ng mga estruktura ng wika
ayon sa mga tuntuning gramatikal. Mahalagang mabatid ang tuntuning
gramatikal dahil sa magagamit ang mga ito sa epektibong pagbuo ng
salita, pangungusap, tamang pagbigkas, pagbaybay at maging sa
pagbibigay-kahulugan sa salita.
Halimbawa:
 Wastong gamit ng mga salita tulad ng “kong” at “kung”; “ng” at
“nang”; “rin” at “din”.

B. Kasanayang Sosyo-linggwistik
- ito ay ang kakayahang magamit ang wika sa isang kontekstong sosyal.
Ayon kay Fantini (Pagkalinawan, 2004), may mga salik-panlipunan na
dapat isaalang-alang sa paggamit ng wika, ito ay ang ugnayan ng nag-
usap, paksa, lugar at iba pa. Sa pakikipag-usap, importanteng malaman
natin kung anong mga wika ang ginagamit ng iyong kausap, hindi kung
ano lang ang kanyang nauunawaang wika.
Halimbawa:
 Antas ng Wika (Pormal o Impormal)
 Paggamit ng “po” at “opo” kapag nakikipag-usap sa mas matanda o
awtoridad
 Lugar na kinaruruonan (opisina, simbahan, palengke, paaralan,
atbp.)

9
C. Kasanayang Diskorsal
- ito ay tumutukoy sa kakayahang magbigay ng wastong interpretasyon sa
napakinggang pangungusap/pahayag upang makabuo ng isang
makabuluhang kahulugan. Tinuturo ng paraang diskorsal kung sa
paanong paraan ang mga salita, parirala, at pangugusap ay
mapagsasama-sama o mapag-uugnay-ugnay upang makabuo ng maayos
na usapan, sanaysay, talumpati, e-mail at artikulo.

Halimbawa:
1. Kahulugan ng Pahayag
 Pangungusap 1: Hindi bago ang kanyang tinitindang damit.
(Kahulugan: Ang tininda niyang damit ay luma na.)
 Pangungusap 2: Hindi, bago ang kanyang tinitindang damit.
(Kahulugan: Ang tinitinda niyang damit ay bago pa.)

2. Pagbuo ng konklusyon sa isinagawang pananaliksik


Bilang konklusyon, napatunayan ng mga mananaliksik na malaki
ang kakayanan ng mga Pilipino sa larangan ng teknolohiya, patunay rito
ang mga pagkilala at paghihikayat ng pamahalaan na malinang pa ang
mga kakayanang ito. Tunay nga na ang mga teknolohiyang ito ay
nakatulong sa pangaraw-araw na buhay ng mga Pilipino. Hindi lamang
dito sa Pilipinas nakilala ang mga teknolohiyang ito kundi sa iba pang
mga bansa.
-Mula sa teknolohistang pinoy in IV. Konklusyon

D. Kasanayang Strategic
- ito ay tumutukoy sa kakayahang magamit ang berbal at hindi berbal na
uri ng komunikasyon sa paghahatid ng mensahe. Ang berbal na
komunikasyon ay ang wikang pasalita o pasulat; samantalang ang hindi
berbal ay hindi gumagamit ng wika. Maaaring ito ay kumpas ng kamay,
padyak ng paa o ekspresiyon ng mukha.

Halimbawa:
 Pagkumbinsi sa isang tao na tanggapin ang isang ideya na hindi
katanggap-tanggap sa kanya.
 Inilagay ng guro ang kanyang hintuturo sa tapat ng kanyang labi at
ito’y nakita ng mga nagdadal-dalang mag-aaral at sila’y biglang
nanahimik.

10
MGA PAGSASANAY

Matapos mong basahin ang huling modyul sa araling ito, susubukin


ang iyong pag-unawa sa aralin. Kailangan mong sagutin nang buong husay
ang mga inihandang pagsasanay.

PAGSASANAY 1
PANUTO: Tukuyin ang kasanayang komunikatibong ginamit sa bawat pahayag
o sitwasiyon. Isulat sa patlang ang letrang kumakatawan sa iyong sagot.

KD - Kasanayang Diskorsal KS - Kasanayang Strategic


KG - Kasanayang Gramatikal KSL-Kasanayang Sosyo-Linggwistik

______1. Paggamit ng mga pormal na salita habang nakikipag-usap sa guro.

______2. Pagsasaalang-alang ng wastong baybay ng mga salita sa pagsulat ng


maikling kuwento.

______3. Pagtungo-tungo ng ulo habang nakikinig sa sinasabi ng nagsasalita


bilang pagpapakita ng pagsang-ayon.
______4. Pagbigkas ng may tamang diin at hinto sa mga salita habang nagbabasa
nang malakas sa harap ng maraming tao.

______5. Pagbuo ng impormatibong sanaysay tungkol sa dokumentaryong


napanood na tumatalakay sa kinahaharap na pagsubok ng mamamayang
Pilipino sa panahon ng pandemya.

PAGSASANAY 2
PANUTO: Tukuyin ang maling salitang ginamit sa pangungusap. Bilugan
lamang ang letra ng iyong sagot.

1. Dalangin ko na maging konti na lang ang bilang ng mga taong nagkakasakit.


A. B. C. D.
2. Kanino ka ba talaga sasama, sa kanila o samin? Ngayon din ay mamili ka na.
A. B. C. D.
3. Nagmadali kaming umuwi sa bahay ng biglang bumuhos ang malakas na ulan
A. B. C.
dahilan upang kami ay mabasa.
D.
4. Kahapon pa naghihintay nang perang padala si Aling Nena mula sa kanyang
A. B. C.
anak na nasa ibang bansa.
D.
5. Marami sa mga call centers ngayon ang nagsasagawa ng pagtatrabaho sa loob
A. B.
sa bahay para sa kaligtasan ng kanilang mga empleyado.
C. D.
11
PAGSASANAY 3
PANUTO: Bumuo ng orihinal na komiks batay sa sariling anekdota. Isaalang-
alang ang kaalaman sa kasanayang komunikatibo. Sundin ang pamantayan sa
paggawa. Gawin ito sa sagutang papel.

Pamantayan sa Paggawa ng komiks

1. Ang kuwentong isalalarawan ay buhat sa sariling karanasan sa panahon ng


pandemya.
2. Binubuo ng mga tauhang may diyalogo na isinasaalang-alang ang kaalaman sa
kasanayang komunikatibo.
3. Malikhain at malinis ang pagkakaguhit sa mga larawan. Gawin din itong
makulay.
4. Binubuo lamang ito ng 4-6 na kuwardo.
5. Naglalahad ng mahalagang aral sa buhay
Pamantayan sa Pagbibigay Puntos
5 – puntos Napakahusay Lahat ng pamantayan ay nasunod.
3 – 4 puntos Mahusay May isa o dalawang pamantayan ang hindi
nasunod.
1- 2 puntos Pagbutihin pa May tatlo o apat na pamantayan ang hindi
nasunod.

PAGLALAHAT

Sa bahaging ito, ipamamalas mo ang iyong natutuhan sa modyul na


ito. Ipakita mo ito sa pagsagot ng gawaing ito.

PANUTO: Gamit ang grapikong pantulong, punan ng mahahalagang


impormasyon ang loob ng kahon batay sa iyong natutuhan sa aralin.

Kasanayang Komunikatibo

Kasanayang Kasanayang Sosyo- Kasanayang Kasanayang


Gramatikal linggwistik Diskorsal Strategic

12
PAGPAPAHALAGA

Malayo na ang iyong narating sa modyul na ito. Marami ka na ring


natutuhan, kaya’t iyo namang bigyang-halaga ang aralin sa pamamagitan
ng pagsagot ng gawaing ito. Sagutan mo na.

PANUTO: Lagyan ng tsek (✓) ang pahayag na nagpapakita ng pagpapahalaga sa


kasanayang komunikatibo at ekis (X) kung hindi.

_____1. Sa pag-aaral ng wika, sapat nang matutuhan lamang ang tuntuning pang-
gramatika upang maging mahusay sa pakikipagtalastasan.

_____2. Sa pakikipag-usap, mahalagang malaman natin kung anong mga wika ang
ginagamit ng iyong kausap, hindi kung ano lang ang kanyang
naiintindihang wika.

_____3. Ang paggamit ng hindi berbal na salita ay higit na nakatutulong upang mas
madaling maunawan ang mensaheng nais ipabatid sa kausap.

_____4. Ang hindi berbal na salita ay wikang pasalita o pasulat na mas madalas
gamitin ng mga tao sa pakikipag-unayan sa bawat isa.

_____5. Mahalagang mabatid ang tuntuning gramatikal dahil sa magagamit ang


mga ito sa epektibong pagbuo ng salita, parirala o pangungusap.

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Nasa huling bahagi ka na ng modyul na ito kung saan susukatin ang


iyong natutuhan. Pagbutihin mo pa lalo dahil ito na ang panghuling
gawain.

PANUTO: Kilalanin ang tinutukoy ng bawat pahayag. Piliin ang letra ng


tamang sagot sa loob ng kahon.

A. anekdota B. diskorsal C. gramatikal


D. komiks E. sosyo-linggwistik F. strategic

____1. Ito ay kasanayang komunikatibo na may kakayahang piliin ang mga salitang
gagamitin sa pagkikipag-usap batay sa edad, posisyon, diyalekto at
salitang nauunawaan ng kausap.

13
____2. Ito ay kasanayang komunikatibo na isinasaalang-alang ang pagbuo ng
salita, pangungusap, tamang pagbigkas, pagbaybay at maging sa
pagbibigay kahulugan sa salita.

____3. Ito ay isang kasanayang komunikatibo na may kakayahang gamitin ang


berbal at hindi berbal na salita upang mas maging epektibo ang
pakikipagkomunikasyon.

____4. Ito ay isang kasanayang komunikatibo na may kakayahang gamitin ang mga
salita, parirala at mga pangungusap upang makabuo ng makabuluhang
interpretasyon sa napakinggang pangungusap/pahayag.

____5. Ito ay binubuo ng pamagat ng kwento, kuwadro, kahon ng salaysay, mga


larawang ng tauhan sa kwento at lobo ng usapan.

14
15
MODYUL 6
ARALIN 3.2 ANEKDOTA (Kasanayang Komunikatibo)
Paunang Pagsubok Paglalahat
1. KOMIKS (Ang puntos ay batay sa naitalang
2. LINGGWISTIK kasagutan ng bata buhat sa aralin)
3. STRATEGIC
4. DISKORSAL
5. SOSYO-LINGGWISTIK
Balik-Aral Pagpapahalaga
PAHALANG 1. X
1. PEPE 2. ✓
3. KAISIPAN 3. ✓
5. ANEKDOTA 4. X
PABABA 5. ✓
2. TEMA
4. TAUHAN
6. MOTIBO
Pagganyak
INA: Bakit bumalik ka na agad anak?
ANAK: Gusto na po kasi kitang makita at mayakap.
Pagsasanay 1 Panapos na Pagsusulit
1. KSL 1. E
2. KG 2. C
3. KS 3. F
4. KG 4. B
5. KD 5. D
Pagsasanay 2
1. B
2. C
3. B
4. B
5. A
Pagsasanay 3
(Ibatay ang puntos sa Rubriks)
SUSI SA PAGWAWASTO
Sanggunian

https://www.scribd.com/document/331620334/Kasaysayan-Ng-Komiks-Sa-Pilipinas

https://www.coursehero.com/file/36577004/06-Handout-16pdf/

https://prezi.com/c0n9efulxz1x/pagtuturong-komunikatibo-at-lingwistik/

https://quizlet.com/369598328/fil-3-kahusayang-gramatikal-diskorsal-at-strategic-flash-cards/

https://teknolohistangpinoy.wordpress.com/2008/03/19/konklusyon-at-rekomendasyon/

Mga Larawan

https://www.google.com/search?q=nak%20saan%20ka%20pupunta%20meme%20blank&tbm=isch
&hl=en&sa=X&ved=0CNIBEKzcAigAahcKEwjgi9bqz_TqAhUAAAAAHQAAAAAQAg&biw=1519&bih=72
2#imgrc=RZT6Xs2RnW3uNM

https://www.google.com/search?q=bahagi+ng+komiks&tbm=isch&hl=en&sa=X&ved=2ahUKEwjv0p
_CnvfqAhVCUpQKHUzKBJwQrNwCKAF6BQgBENUB&biw=1519&bih=722#imgrc=kHmfXT4EXwZvJM&
imgdii=vizSauIWqool2M

https://www.google.com/search?q=bahagi+ng+komiks&tbm=isch&hl=en&sa=X&ved=2ahUKEwjv0p
_CnvfqAhVCUpQKHUzKBJwQrNwCKAF6BQgBENUB&biw=1519&bih=722#imgrc=vizSauIWqool2M&i
mgdii=kHmfXT4EXwZvJM

16

You might also like