Fil11 Q2 Komunikasyon Module 14 Week 7 (15 Pages)

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 15

DEPARTMENT OF EDUCATION

REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF PAMPANGA
CITY OF SAN FERNANDO

MODIFIED STRATEGIC INTERVENTION


MATERIAL IN FILIPINO
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino
Kwarter 2: Modyul 14 (Week 7)

GRADE 11
Kasaysayan ng wikang pambansa

Alamin

Mayaman ang wika at isa itong malawak na larangan. Hindi nuubos ang mga
kaalamang natututuhan at natutuklasan tungkol sa wika. Halina’t tuklasin ang kasaysayan ng
wika upang higit itong mas maunawaan at mapalawak ang ating kakayahang komunikatibo.

LAYUNIN
PAMANTAYAN SA PAGKATUTO  Nailalahad ang mga pinagdaanang
Natitiyak ang mga sanhi at bunga ng kasaysayan ng Wikang Pambansa
mga pangyayaring may kaugnayan sa  Natutukoy ang iba’t ibang sanhi at
pagunlad ng Wikang Pambansa bunga ng mga pangyayaring sa
paunlad ng wikang Pambansa

Subukin

Dugtungan Tayo. Dugtungan ang bawat pahayg sa loob ng kahon para mabuo and diwa.

Halimbawa: Talagang masaya ang kuwentuhan…


Sagot: Talagang masaya ang kuwentuhan kung nasa wikang Filipino ang usapan

1. Mas uunlad pa ang Pilipinas...


2. Pinoy ako...
3. Kung may kaharap akong genie ngayon, hihilingin kong…
4. Sa aming bayan…
5. Makasaysayan ang pinagdaanan ng wikang Filipino …

Balikan

Sa loob ng mahabang panahon, maraming pananakop ang naranasan ng


Pilipinas. Una na rito ang pananakop ng Espanyol , kung saan itinuro ang
wikang Espanyol. Nang sakupin naman ng mga Amerikano ang ating bansa,
wikang Ingles ang nagging wikang opisyal. Pinasigla naman ng Pamahalaang
Hapon ang ating panitikan dahil ang panitikan ay nakasulat sa Tagalog.

SA IYONG PALAGAY, PAANO NAKAAPEKTO ANG


PANANAKOP NG ESPANYO,AMERIKANO AT HAPON SA
KASALUKUYANG HENERASYON?
Kasaysayan ng wikang pambansa

Tuklasin
Nagkaroon ng usapn ang tatlong magaaral tungkol sa mga pangyayari na may kaugnayan sa
pagunlad ng wikang Pambansa. Tunghayan mo ang pag - uusap ng dalawang bata. At
sagutan ang mga tanong.

Wag niyo din 1.Ano ang


Alam mo ba sa loob kalimutan ang paksang pinag-
ng tatlong daan pananakop ng mg
taon, sinsakop tayo uusapan ng
Hapon. Natutunan
ng mga Espanyol at na nating ang tatlong bata?
ito ang wikang
opisyal at ginamit
Niponggo, hinayaan 2.Sino- sino ang
Talaga? Pero pa nilang isulat natin
na wikang panturo? kalaunan , ang sarili nating
mga lahing
napailitan ito ng panitikan sa wikang sumakop sa ating
Ingles batay sa tagalog. bansa?
rekomendasyon
ng Komisyong 3.Paano
Schurman noong naimpluwensyah
Marso 4, 1899..
an ng mga
mananakop ang
Suriin ating Wikang
Pambansa?
Balakid sa Wika noong Panahon ng Kastila

Nang dumating Ferdinand Magellan (1521) at di naglaon ay sinundan ni Miguel Lopez de


Legazpi noong 1565, napag-alaman ng mga Kastila na ang mga Pilipino ay pinagwatak-watak ng
maraming wika.Kung kaya naging isa sa kanilang layunin ng pananakop ay magkalat ng
paniniwala at simulaing Kristiyano. Lalong lumaganap ang pananakop na espiritwal nang
dumating ang maraming prayle sa bansa. Ang pananakop ng Espanya ay masasabing tagumpay sa
relihiyon. Itinuro nila sa mga Indio ang Ebanghelyo at simulaing Kristiyano.

Ngunit, hindi lahat ng wika ay alam ng mga prayle at tulad din ng hinggil sa Tagalog, ang
karamihan sa mga prayle ay nakasumpong din ng mga balakid sa mga pag-aaral ng mga di litaw na
wika. Kung gayon, hindi lahat sa kanila ay nag-aral ng Tagalog, at ang ilan sa kanila ay nag-aral ng
mga iba pang wika.Ayon sa kasulatan noong 1618 na malawak na ang paggamit ng Tagalog at ito
ang wikang nauunawaan kahit saan (di lamang mga katutubo ng isla ng Luzon), pinasimulang
itayo ang konseho noong bahagi ng ikalabimpitong dantaon upang lutasin ang nakitang suliranin
sa wika.

Sa ulat na ginawa ni Juan de la Concepcion tungkol sa konseho, sinabi niya na gumawa ang
konseho ng isang komite na magsasasalin ng katesismo sa katutubong wika.Bagaman, ikinatuwa
ito ng mga pari ang mga katutubong wika ay nagbunga rin ito ng higit pang suliranin.Nakita sa
pag-aaral na ang wika ay hindi sapat sa pagtuturo, pagpapaunlad, at pagpapalawak sa simulain at
paniniwalang Kristiyano, kaya ipinasya ng Hari ng Espanya na ang mga prayle ay magturo ng
Kastila sa mga Indio.Tunay na hindi kayang maipaliwanag kung paano ipinag-utos ng Hari ng
Espanya na pagsabayin ang pag-aaral ng mga wika at pagtuturo ng Kastila sa mga katutubo.
Kung kaya, ang patakarang ito ay nabansot dahil na rin sa mabagal na komunikasyon kasama pa
ng maraming sumbong ng mga katutubo sa Espanya.Nagresulta ito ng di-pagkakaunawaan ng
mahigit sa 300 taon at ang pagbabago sa pamahalaan at edukasyon ay tuluyang di naisakatuparan.
Kasaysayan ng wikang pambansa

Suriin

Dagdag na Suliranin sa Panahon ng mga Amerikano

Ang pagdating ng mga Amerikano sa Pilipinas ay lalo pang nakadagdag sa suliranin sa


wika. Dumating sila noong Agosto 13, 1898 sa lungsod ng Maynila. Na sinundan ng
pagbubukas ng mga paaralang-bayan. Hulyo 1, 1900 nagsimulang pumasok ang may
100,000 mag-aaral sa panimulang paaralan na itinayo ng hukbo.Ang mga guro ay
pawang mga kawal na itinalaga ng Gobernador Militar. Ginamit pa rin ang mga
saligang-aklat na nasusulat sa Kastila at dahil wala silang alam sa mga wika sa
Pilipinas, kinailangan nilang malunasan ang suliraning ito.
Itinatag ni Pangulong McKinley ang isang lupong tagapagsiyasat na pinamunuan ni
Jacob Gould Schurman.Marso 4, 1899 nang dumating ang lupong Schurman sa
Maynila at pinasimulan ang gawain sa paglilikom ng mga datos nahihinggil sa
Pilipinas. Matapos maisagawa ang unang ulat noong Nobyembre 2, 1899 ay bumalik
ang lupon sa Washington. Nakapaloob sa ulat ang mga tiyak na impormasyon tungkol
sa pananakop ng mga Kastila.

Matapos nito ay muling bumuo ng ikalawang lupon ang Pangulong McKinley na ang
layunin ay pagtatatag ng pamahalaang sibil sa bansa. Pinanguluhan ito ni William H.
Taft noong Hunyo 3, 1900. Pinasimulan nila ang gawaing may kaugnayan sa
pagpapalawak ng pamamaraan ng edukasyong pinasimulan ng hukbong militar.
Isinaalang-alang ng lupon ang panimulang edukasyong walang bayad para sa lahat at
ito’y maging angkop sa mga tungkulin ng mga tao sa pagiging mayaman at sa
pagkakaroon ng karaniwang hanapbuhay. Ipinapalagay nila na ang dami ng wika ay
pangunahing sagabal sa pag-unlad ng bansa lalo na sa komunikasyon, kung kaya
itinuro nila ang wikang InglesIsa sa nagkaroon ng hilig sa mga wikang Pilipino ay si
David J. Doherty. Inilathala niya ang artikulo ukol sa Tagalog noong Disyembre, 1902,
nakapaloob sa artikulong ito ang magandang kapalarang naghihintay sa paglaganap
ng Tagalog sa buong bansa. Bago pa dumating sa Pilipinas ay matagal na siyang nag-
aral at nagsaliksik sa ating wika. Sa kanyang pag-aaral ay nabuo niya ang sumunod na
kongklusyon: 1) maaaring pagsama-samahin ang mga wika sa bansa

Sa panahong ito ay idinagdag ang wikang Ingles sa Kastila bilang wikang opisyal.
Ginamit ang Ingles sa pagtuturo kahit na hindi ito ang layunin ng Pangulong
McKinley, ito ay ipinasya lamang ng Lupong Taft (Taft Commission) na naniniwalang
maisasaayos lamang ang mga bagay sa Pilipinas sa pamamagitan ng bagong wikang
Ingles.Ipinaliwanag ni Taft na ang kapasyahang gamitin ang Ingles sa pagtuturo at sa
pamahalaan ay batay na rin sa pagpapasya ng mga Pilipino.
Kasaysayan ng wikang pambansa

Suriin

Dagdag na Suliranin sa Panahon ng mga Amerikano

Hindi linggid sa kaalaman ng marami na ang wikang Kastila ay siyang alam lamang gamitin
ng mga hukom, abogado, at iba pang kawani sa ating husgado noon. Kung kaya isang batas
ang pinagtibay na magamit ang Wikang kastila ng mga kawani hanggang Enero 1, 1906. At
ang paglilipat mula sa Kastila sa Ingles ay banayad na isinagawa.
Ang pag-unlad at paglaganap ng Ingles sa pagtuturo ay naging madali. Kung kaya, ang
Kastila ay unti-unti nang nawala. Nahilig ang mga Pilipino sa Ingles sa pagdaan pa ng
maraming taon.

Sa ganitong kalagayan, dumami rin ang umayon at nagtanggol sa Ingles na ito ay maging
wikang opisyal at gamitin sa pagkakaroon ng wikang pambansa. Ang pagpapahalaga sa
Ingles ay napatunayan sa pagkakasulat ng ating Saligang-Batas noong 1935.Kahit na nga
sinimulan ang paggamit ng Ingles may ilang pangkat pa rin ang nagkaroon ng hilig sa
wikang Pilipino. Kahit na nga may iba’t ibang layunin ito gaya ng politika at siyentipikong
pag-aaral.

Isa sa nagkaroon ng hilig sa mga wikang Pilipino ay si David J. Doherty. Inilathala niya ang
artikulo ukol sa Tagalog noong Disyembre, 1902, nakapaloob sa artikulong ito ang
magandang kapalarang naghihintay sa paglaganap ng Tagalog sa buong bansa.
Bago pa dumating sa Pilipinas ay matagal na siyang nag-aral at nagsaliksik sa ating wika. Sa
kanyang pag-aaral ay nabuo niya ang sumunod na kongklusyon: 1) maaaring pagsama-
samahin ang mga wika sa bansa sapagkat:

Pinaniniwalaang 50% o mahigit pa ang mga salitang magkakahalintulad, at ang balarila ng


lahat ay iisa, inisip niya na ang pagsasama-sama sa mga wika ay maaaring magawa sa
pamamagitan ng pagsulat ng pinagsamang talasalitaan, at ang mga manunulat ay dapat
sumulat sa panitikan na ang gagamitin ay ito. Kaya ginanyak niya si Lope K. Santos na
magtatag ng Akademyang Pilipino (Filipino Academy); 2) ang pagpapagamit ng wikang
dayuhan sa mga Pilipino ay walang katarungan gaya ng tinuran ni Schurman;
3) magagawa lamang ito kung gaganyakin ang mga guro at iba pang kawani ng pamahalaan
na mag-aral ng katutubong wika at magsalin ng mabubuting aklat at ipaabot ito sa mga tao.

Sa dalawampung taon o mahigit pang pananakop ng Amerika ay wala namang negatibong


reaksyon sa mga Pilipino ukol sa palatuntunan ng wikang Ingles.
Subalit habang tumatagal, ang mga Pilipino ay nagigising sa matagal na pagkakatulog
tungkol sa wikang pambansa. Noong Hunyo 26, 1902, ang El Renacimiento ay nag-ulat ng
Sociedad de Escritos de Tagalog. Ang mga pahayagang Pilipino sa mga unang araw ng
pananakop ng Amerika ay nakalathala sa Kastila at Tagalog. Ang karamihan sa mga kagawad
ng El Renacimiento ay nagkaroon ng mataimtim na pagnanasa sa bernakular bilang wikang
pambansa.
Kasaysayan ng wikang pambansa

Suriin

Dagdag na Suliranin sa Panahon ng mga Amerikano

Tinalakay sa Pambansang Kapulungan (Philippine Assembly) ang panukalang batas


bilang 148 na nagtatadhana sa pagtuturo ng katutubong diyalekto sa mga paaralang
bayan. Subalit ang batas ay hindi pinagtibay. Nagpasok ng panukalang batas si
Hukom Norberto Romualdez sa Philippine Commission noong 1908 sa pagtatayo ng
surian ng mga wika sa Pilipinas at nag-uutos din para sa pagsasanay ng mga guro sa
paaralang bayan. Ang panukalang batas ay hindi rin pinagtibay. Makikita na bagaman
hindi napagtibay ang dalawang panukalang batas ay naroroon pa rin ang pagnanasa
ng mga Pilipino na magkaroon ng wikang panlahat na batay sa bernakular.

Naglathala si Eusebio T. Daluz, kalihim ng Akademya ng Wikang Pilipino noong 1915


ng Filipino-English Vocabulary na inilaan sa pagtulong sa pagkakaroon ng panlahat
na wikang Pilipino. Ang Akademya ng Wikang Pilipino ay itinatag noong Abril 12, 1909
na ang gawain ay magsaliksik tungkol sa wika. Pinakamahalagang natalakay nito ay
tungkol sa alpabetong Pilipino.Itinatag noong 1918 ang Sanghiran San Binisaya
(Academy of the Leyte-Samar Bisayan Dialect) na ang pangulo ay si Norberto
Romualdez, isang Bisayang may masidhing pagtatangkilik sa Tagalog bilang batayan
ng wikang pambansa.Noong 1928, ang Philippine Collegian (pahayagan ng U.P) ay
unang naglathala ng kolum sa Tagalog.

Noong 1934 ang Kumbensyon Konstitusyunal ay nagpulong upang balangkasin ang


Saligang-Batas, hindi lamang para sa Pamahalaang Komonwelt, kundi maging sa
Republika ng Pilipinas, ay tinalakay ang tungkol sa wikang pambansa.
Itinatag ang isang lupon para sa Wikang Opisyal upang pag-aralan ang tungkol sa
wikang pambansa.Nang unang magpulong ang Unang Pambansang Kapulungan
(First National Assembly) ay masigasig na nakipagtalakayan si Pangulong Manuel L.
Quezon sa pagkakaroon ng wikang pambansa. Iminungkahi niya na dapat magtatag
ng Surian ng Wikang Pambansa upang pag-aralan ang suliranin sa wikang pambansa.
Layunin ng pangkat na gumawa ng isang deskriptibo at komparatibong sarbey sa isa
sa pangunahing wika sa Pilipinas at mula dito ay pipiliin ang pagbabatayan ng wikang
pambansa.Makalipas ang sampung buwan, napili nila ang Tagalog bilang batayan ng
wikang pambansa.
Kasaysayan ng wikang pambansa

Suriin

Nang Dumating ang Hapon

Nang ang Pilipinas ay masakop ng Hapon noong Enero 1942


pinahintulutan ng Hapon na ang pambansang pamahalaan ay
hawakan ng Pilipino bagamat ito ay nasa pamamatnubay ng batas
militar. Pinagsikapan nilang mapalaya ang mga Pilipino sa mga
Amerikano at burahin ang lahat ng impluwensiya ng mga Anglo-
Amerikano.Nagtaguyod sila ng simulaing “Co-Prosperity Sphere for
Greater East Asia” para malasap raw ang sariling kaunlaran at kultura
sapagkat ang “Asya ay para sa mga Asyano” at ang “Pilipinas ay para
sa mga Pilipino”.
pamahalaan.

Hunyo 24, 1942 ay ipinalabas ang Ordinansa Militar blg.13 na


nagsasaad na Niponggo at Tagalog ang mga opisyal na wika.
Sa panahong sding ito ay naitatag ang ang KALIBAPI (Kapisanan ng
Paglilingkod sa Bagong Lipunan) na may layuning mapabuti ang
edukasyon at moral na rehenerasyon at mapaunlad ang kabuhayan sa
Pilipinas. Si Benigno Aquino ang nagsilbing direktor nito. Ang
pangunahing proyekto ay palaganapin ang wikang Pilipino sa buong
kapuluan sa tulong ng Surian ng Wikang Pambansa (SWP).

Noong Oktubre 14, 1942 muling binuhay ang Wikang Pambansa.


Samantala, nagpalabas si Masao Tanaka ng mga lathalaing
impormatibo upang sagutin ang mga katanungan ng publiko tungkol
sa usapin ng Wikang Pambansa. Si Jose Panganiban ang nagturo ng
Tagalog sa mga Hapon at di Tagalog.
Kasaysayan ng wikang pambansa

Pagyamanin
GABAY NA GAWAIN 1
Batay sa iyong binasa, ano- ano ang mgandang naidulot ng mga bansang sumakop sa ating
bansa?

Sagutin ang mga


MALAYANG GAWAIN 1 PAMPROSESONG
TANONG.

1. Ano ang pangunahing layunin ng pananakop ng mg kastila sa ating bansa?


2. Bakit hindi naging maunlad ang paggamit ng wikang kastila?
3. Ayon sa mga Amerikano, ano ang pangunahing sagabal sa pag-unlad ng
bansa lalo na sa komunikasyon?
4. Ano ang naging dahilan kung bakit naganyak si Lope K. Santos na magtatag
ng Akademyang Pilipino (Filipino Academy)?
5. Ibigay at ipaliwanag ang mga layunin ng mga organisasyong nabuo sa
panahion ng mg hapon?

KARAGDAGAN IMPORMASYON
Kasaysayan ng wikang pambansa

MALAYANG GAWAIN 2

IBIGAY ANG MGA PANGYAYARI SA LOOB NG PANANAKOP NG MG DAUHAN SA ATING BANSA


AT KOMPLETUHIN ANG TALAHAYAN SA IBABA.

MGA IMPLUWENSYA
LAYUNIN SA
MGA DAYUHANG KILALANG SA WIKANG
PAGSAKOP SA MGA BATAS
SUMAKOP SA PILIPINAS PERSONALIDA PILIPINAS
PAMBANSA
D

1.

2.

3.

MALAYANG TAYAHIN

SAGUTIN ANG MGA SUMUSUNOD NA TANONG:


1. Ano ang nagging kontribusyon ng mga kawal sa panahon ng mga
Amerikano?
2. Paano napaunlad ang ating panitikan sa panahon ng mga
Hapon?
3. Sa kabila ng pagkatuto ng ibat- ibang linggwahe, bakit mahalaga
na magkaroon ng wikang Pambansa?
Kasaysayan ng wikang pambansa

Isaisip

1-10. Pagsulat ng Talata. Pagaralan ang sumusunod na mahahalagang yugto


sa ksaysayng ng wikang pambansa. Pumili ng isa at sumulat ng isng
sanaysay n tumutalunton sa yugtong napili.

A. PANAHON NG KASTILA
Ipinagamit ang wikang katutubo. Pinagaralan ng mg
kastilang mananakop ang wikang katutubo.

B.PANAHON NG MGA AMERIKANO


Malayang ipinagamit nag wikang Ingles. Itinuro ang Ingles sa
mga paaralan at ginamit ang Ingles bling wika ng pagtuturo.
Maraming Pilipino ang natuto at nagsalita sa wikang Ingles

C.PANAHON NG MGA HAPON


Tinawag na “ Gintong Panahon ng Tagalog”. Ipinagbawal
ang paggamit ng wikang Kastila at Ingles. Naging puspusan
ang paggamit ng Tagalog sa paaralan.

Rubrik sa Pagtasa ng isinulat na sanaysay:

A. Mayaman sa nasaliksik na impormasyon - 20 %


B. Malinaw na pagtatalakay at - 15 %
paghahanay ng mga kaisipan
C. Tama ang gamit na bantas , - 10%
baybay at kapitalisasyon
D. Nakawiwiling basahin - 5%
____________

KABUUAN – 50 %
Kasaysayan ng wikang pambansa

Isagawa
Kasaysayan ng wikang pambansa

Tayahin

A. MAY PAGPIPILIAN Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa
sagutang papel.

1. Kailan nagsimulang pumasok ang may 100,000 mag-aaral sa panimulang paaralan


na itinayo ng hukbo?
A. Hulyo 1, 1900 C. Hulyo 3, 1900
B. B. Hulyo 2, 1900 D. Hulyo 4, 1900
2. Anong taon ang kautusang nagtatakda na ang mga prayleng lokal ay maging
tagamasid na ex-officio sa mga paaralan.
A. Kautusan noong 1891 C. Kautusan noong 1893
B. kautusan noong 1892 D. Kautusan noong 1894
3. Sino ang namuno sa isang lupon ng tagapagsiyasat na itinatag ni Pangulong
Mckinley?
A. C. Everett Conant C. N.M. Saleeby,
B. Frank R. Blake D. Jacob Gould Schurman
4.Sinong pangulo ng Pilipinas ang masigasig na nakipagtalakayan sa pagkakaroon ng
wikang pambansa?
A. Pangulong Manuel L. Roxas C. Pangulong Ramon Magasaysay
B. Pangulong Manuel L. Quezon D. Pangulong Elpidio Quirino
5.Ano ang inilabas na Ordinansana ng mga hapon nagsasaad na Niponggo at
Tagalog ang mga opisyal na wika.
A.Ordinansa Militar blg.13 C. Ordinansa Militar blg.15
B. Ordinansa Militar blg.14 D. Ordinansa Militar blg.16

B. Kung bibigyan ka ng pahkakataong umakda ng tatlong Batas Pangwika , ano- ano


ito? Ano sa palagay mo ang magiging ambag nito upng mas mapaunlad ang
wikang pambansa?

Batas 1: _____________________________________________
Ambag sa wika:_____________________________________________

Batas 2: _____________________________________________
Ambag sa wika:_____________________________________________

Batas 3: _____________________________________________
Ambag sa wika:_____________________________________________
PANGKAT ETNOLINGGUWISTIKO

SANGGUNIAN
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
nina Doleres R. Tayran, Jayson D. Petras, Jonathan V. Geronimo
http://www.slideshare.net/
Google Pictures
Google Images
PANGKAT ETNOLINGGUWISTIKO

Susi sa Pagwawasto
BALIKAN
SUBUKIN NATIN

1. Inaasahang iba-iba ang sagot. SA IYONG PALAGAY, PAANO NAKAAPEKTO


2. Inaasahang iba-iba ang sagot. ANG PANANAKOP NG
3. Inaasahang iba-iba ang sagot. ESPANYO,AMERIKANO AT HAPON SA
4. Inaasahang iba-iba ang sagot. KASALUKUYANG HENERASYON?
5. Inaasahang iba-iba ang sagot. - Inaasahang iba-iba ang sagot.

GABAY NA GAWAIN
Batay sa iyong binasa, ano-
TUKLASIN
ano ang mgandang naidulot
1. Mga Dayuhang nanakop sa
ng mga bansang sumakop sa
Pilipinas at impluwensya ng
ating bansa?
mg ito sa Wikang Pilipino
- Inaasahang iba-iba ang
2. Kastila, Amerikano, Hapon
sagot.
3. Kastila – Paggamit sa Wikang
Katutubo
Amerikano – Paggamit sa wikang
MALAYANG GAWAIN 1
Ingles at Kastila
1. Pagpapalaganap ng Relihiyon
Hapon- Malayang Paggamit ng
2. Paggamit ng Wikang Katutubo
wikang Pilipino at nihonggo
3. Dami ng Wika
4. Upang magkaroon ng Sariling Wikang
ISAGAWA Pambansa
TALAHAYANAN 5. Inaasahang iba-iba ang sagot.
- Inaasahang iba-iba ang sagot.

MALAYANG TAYAHIN
1. Nagsilbi silang mga guro MALAYANG GAWAIN 2
2. Malayang paggamit ng tagalog IBIGAY ANG MGA PANGYAYARI
3. Inaasahang iba-iba ang sagot. SA LOOB NG PANANAKOP NG
MG DAUHAN SA ATING BANSA
AT KOMPLETUHIN ANG
ISAISIP
TALAHAYAN SA IBABA.
1-10. Inaasahang iba-iba ang sagot. - Inaasahang iba-iba ang
sagot.

TAYAHIN
A. MAY PAGPIPILIAN
1. A 4. B
2. C 5. A
3. D

B. PAGPAPALIWANGA
1. Inaasahang iba-iba ang sagot. Inihanda ni:
2. Inaasahang iba-iba ang sagot.
3. Inaasahang iba-iba ang sagot JENOLAN ROSE
CAPULONG – BENGALA
MANGGA HIGH
SCHOOL
This material was contextualized by
the

Curriculum Implementation Division


(CID)
Learning Resources Management and Development System (LRMDS)
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF PAMPANGA

Bumuo sa Pagsusulat ng Modified Strategic intervention Material


Manunulat: Jenolan Rose C. Bengala
Editor: Cherry G. Vinluan, EdD
Celia R. Lacanlale, PhD, Chief, CID
Tagasuri: Cherry G. Vinluan, EdD
Ellaine D. Chua, PDO-LRMDS
Tagaguhit: Carlo S. Yambao/Timothy Bagang
Tagalapat: Roland M. Suarez

Tagapamahala: Zenia G. Mostoles, EdD, CESO V-Schools Division Superintendent

Leonardo C. Canlas, EdD,CESE-Asst. Schools Division Superintendent


Rowena T. Quiambao, CESE- Asst. Schools Division Superintendent
Celia R. Lacanlale, PhD, Chief, CID

Cherry G. Vinluan, EdD, EPS-Filipino

Ruby Murallo Jimenez, PhD, EPS-LRMDS


June D. Cunanan, EPS-ADM Division Coordinator

You might also like