Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Edukasyon sa Pagpapakatao 10

Aralin 2: Paghubog ng Konsensiya Batay sa Likas na Batas Moral-3

Ang Likas na Batas Moral Bilang Batayan ng Kabutihan at ng Konsensiya


 Ang Likas na Batas Moral ay ibinigay sa tao dahil nakikibahagi siya sa karunungan at kabutihan ng Diyos.
 Sa pamamagitan ng batas na ito, may kakayahan siyang kilalanin ang mabuti sa masama. Ngunit may kakayahan
din ang tao na gumawa ng mabuti o masama dahil sa kaniyang malayang kilos-loob.
 Kaya may Likas na Batas Moral upang bigyang direksiyon ang pamumuhay ng tao.
 Sa kaniyang pagsunod sa batas moral, siya ay gumagawa ng mabuti at isinasabuhay ang makabuluhang
pakikipagkapuwa.
 Subali’t hindi ito nangangahulugan na ang Likas na Batas Moral ay pangkat ng mga batas na dapat niyang isaulo
upang sundin araw-araw. Bagkus, kailangan niyang gawin ang mabuti dahil ito ay nakaukit na sa kaniyang
pagkatao.
 Samakatuwid, ang konsensiya ng tao kung saan nakalapat na ang Likas na Batas Moral ay ginagamit na personal na
pamantayang moral ng tao.
 Ito ang ginagamit sa pagpapasiya kung ano ang tama at kung ano ang mali sa kasalukuyang pagkakataon. Dahil
dito, mahalagang maunawaan ang mga prinsipyo ng Likas na Batas Moral.
Dalawang Prinsipyo ng Likas na Batas Moral

Unang Prinsipyo ng Likas na Pangalawang Prinsipyo ng Likas na Batas Moral


Batas Moral
1. Kasama ng lahat ng may buhay, may kahiligan ang taong pangalagaan
Una, gawin ang mabuti, ang kaniyang buhay.
iwasan ang masama. Hindi 2. Kasama ng mga hayop (mga nilikhang may buhay at pandama), likas sa
nagbabago ang Likas na Batas tao (nilikhang may kamalayan at kalayaan) ang pagpaparami ng uri at
papag-aralin ang mga anak.
Moral.
3. Bilang rasyonal na nilalang, may likas na kahiligan ang tao na alamin
ang katotohanan at mabuhay sa lipunan.

Bakit Mahalaga ang Paghubog ng Konsensiya?


 Nakatutulong ito sa tao na makilala ang katotohanan na kailangan niya upang magamit nang mapanagutan
ang kaniyang kalayaan.
 Anumang paghubog ay nag-uugat sa pagnanais ng tao na paunlarin ang kaniyang kaalaman ukol sa
katotohanan at ang kaakibat nitong pagnanais na gawin ang mabuti.

Paano nga ba 1. Matapat at masunuring isagawa ang paghahanap at paggalang sa katotohanan.


mahuhubog  Hinuhubog natin ang ating konsensiya kapag kumikilos tayo nang may pananagutan.
ang konsensiya Maipakikita ang pananagutan sakilos ng tao kung gagawin niya ang mga sumusunod
ng tao upang a. Kilalanin at pagnilayan ang mga tunay na pagpapahalagang moral na sangkot sa isang
kumiling sa kilos. Tinitimbang ng mga mapanagutang tao ang mga katotohanan bago kumilos sa halip
mabuti? na sinusunod lamang ang sariling kapritso at maling palagay.
Makatutulong b. Suriin ang mga sariling hangarin upang matiyak na kumikilos mula sa mga mabuting
kung susundin layunin at hindi mula sa makasariling interes.
ang mga c. Unawain at pagnilayan ang mga karanasan at hamon ng buhay. Kung sapat ang
hakbang ayon panahon na inilalaan ng isang kabataan sa pagninilay sa mga bagay na nagawa niya sa
kay Sr. bawat araw, mas magiging mulat siya sa kaniyang mga pagkukulang o pagmamalabis.
Felicidad Lipio d. Alamin at unawain ang mga talakayan tungkol sa mga napapanahong isyung moral at
(2004, ph 55- mga implikasyong panlipunan ng mga ito. Mahalagang kilalanin ang mga
58). pagpapahalagang nilabag ng mga ito.
2. Naglalaan ng panahon para sa regular na panalangin. Hinuhubog natin ang konsensiya
kapag nagdarasal tayo.

You might also like