Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Pagsusuri ng Iba’t Ibang Iyung Panlipunan

GAWAIN BLG. 1-5

Pangalan: DELA CRUZ, EDLYN O. Petsa: May 25, 2023

Kurso at Taon: BEED 2 Marka:

Gawain 1: Basahin ang maikling kwentong may pamagat na “Geyluv”ni Honorio Bartolome De Dios.
Sagutin sa ibaba ang mga kaukulang tanong gamit ang kahon.

Link: http://bihirangpanitikangpilipino.blogspot.com/2013/08/geyluv-by-honorio-bartolome-de-dios.html

1. Anong klaseng mukha ng bakla o kabaklaan ang itinampok sa kuwento? Ilarawan ito.

Ang mukha ng bakla o kabaklaan na itinampok sa kwento ay kabaklaan na may respeto


at dignidad sa kanilang mga sarili. Kabaklaan na tinitiyak ang kanilang mga
nararamdaman upang maiwasan ang masaktan o makasakit ng damdamin ng iba.
Tinitiyak ang kagustuhan na mahalin ng buong puso di lamang bilang kaibigan , kundi
bilang isang kabiyak na handang tanggapin ang kanilang pagkakaiba at kakulangan.

2. Maliban sa pagiging bakla, magbigay ng iba pang isyu ang isiniwalat sa akda. Makatotohanan bang
naipakita ang mga ito o hindi? Bakit?

Sa pagitan ng kulot at tuwid, totoo na naipapakita ang diskriminasyon na nararanasan ng mga


kulot o mga katutubong kulay dahil sa mga mapanghusga at mapangmaliit na mga tao.
Nagkakaroon ng streotyping na kaisipan na pag sinabing kulot ay mga mangmang , walang
pinag aralan at sunodsunuran kapag tuwid naman ay syang matataas ang tingin sa kanilang
mga sarili. Gayun din sa pamimigay ng relief goods, may mga taong nagbibigay ng tulong
hindi dahil bukal ito sa kanilang kalooban at maipakita ang kanilang malasakit sa kapwa, kundi
may mga taong gusto lamang magpasikat at makilala upang may maiyabang man lang sa
harap ng madla, sa madaling salita impokrita.

3. Bigyan ng payo si Mike sa anyo ng liham sa kaniyang huling tanong sa sarili.


Hindi masamang aminin sa sarili at ipakita na ikay umiibig sa isang bakla, hindi
kasalanan na mapamahal ka sa isang taong kapareho mo ng kasarian. Kung ikaw ay
masaya, at wala kang inaapakan na tao, sundin mo ang iyong puso. Hindi kailan man
natuturuan ang puso, hindi mo alam kung kanino ito titibok, kaya bakla man ka man
na maituturing, ikay tao at may karapatang mag mahal sino man ang iyong naisin.

Gawain 2: Gamit ang isang maikling tula, ilantad ang isyung panlipunang
inilalarawan nito. Tiyaking magamit ang mga susing salita at bigyan ito ng
kaukulang mga patotoo.

PAKSIW NA AYUNGIN
ni Jose F. Lacaba

Ganito ang pagkain


ng paksiw na ayungin:
bunutin ang palikpik
(para sa pusa iyan
at ang matirang tinik),
at ilapit sa labi
ang ulo, at sipsipin
ang mga matang dilat;
pagkatapos ay mismong
ang ulo ang sipsipin
hanggang sa maubos ang
katas nito.
Saka mo
umpisahan ang laman.

Unti-unti lang, dahan-


dahan, at simutin nang
husto--kokonti iyang
ulam natin, mahirap
humagilap ng ulam.
Damihan mo ang kanin,
paglawain sa sabaw.
At huwag kang maangal.
Payat man ang ayungin,
pabigat din sa tiyan

SAGOT:

Ayon sa tula na pinamagatang "Paksiw Na Ayungin" , ipinapakita nito ang estado ng kahirapan sa lipunan. Ipinapakita na ang pagkain
ng ayungin ay sumisimbolo sa kahirapan. Pawang katotohanan lamang na bilang isang mahirap ay kinakailangang pahalagahan ang pagkain, ang
parte ay mahalaga , bawat laman sisimutin walang matitira, kung kailangan ay damihan ang sabaw ay gagawin upang mas marami ang makain at
mapagkasya sa buong pamilya. Sinasabing " Payat man ang ayungin,pabigat din sa tiyan" ay syang tunay, walang karapatang magreklamo sa
pagkain kung ika'y mahirap, kung ano lang ang kaya ay syang pakakasyahin, ang importante lamang ay mag kalaman ang tyan at makaraos sa
pang araw-araw na buhay.
Gawain 3: Gamit ang tula, ilantad ang isyung panlipunang inilalarawan nito.
Ipaliwanag sang sagot gamit ang mga totoong balita.
ANG PANDAY
Ni Amado V. Hernandez

Kaputol na bakal na galing sa bundok,


Sa dila ng apoy kanyang pinalambot;
Sa isang pandaya’y matyagang pinukpok;
At pinagkahugis sa nasa ng loob.

Walang anu-ano’y naging kagamitan.


Araro na pala ang bakal na iyan;
Ang mga bukiri’y payapang binungkal,
Nang magtaniman na’y masayang tinamnan.

Ngunit isang araw’y nagkaroon ng gulo


At ang boong bayan ay bulkang sumubo,
Tanang mamamaya’y nagtayo ng hukbo,
Pagka’t may laban nang nag-aalimpuyo!

Ang lumang araro’y pinagbagang muli


At saka pinanday nang nagdudumali,
Naging tabak namang tila humihingi,
Ng paghihiganti ng lahing sinawi.

Kaputol na bakal na kislap ma’y wala,


Ang kahalagahan ay di matingkala —
Ginawang araro, pambuhay ng madla
Ginawang sandata, pananggol ng bansa!

Pagmasdan ang panday, nasa isang tabi,


Bakal na hindi man makapagmalaki;
Subalit sa kanyang kamay na marumi,
Nariyan ang buhay at pagsasarili!

Sagot:
Ang isyung panlipunan na ipinapahayag ng may akda ay ang pagkakaroon ng hidwaan sa pagitan ng
tao o bansa. Ang mga kagamitan na nilikha upang maging kapaki-pakinabang sa pang araw-araw na buhay ng
tao, ay kung minsan ay nagiging sanhi din upang makakitil ng buhay. Tulad na lamang ng mga sasakyang
pandagat , dati-rati ito ay nilikha upang maging sasakyan ng mga tao upang makatawid sa bawat isla o
magamit upang makahuli ng isda sa kadagatan, ngayon ay nagagamit narin na sasakyan sa pakikipagdigma ,
pinaglalagyan ng ibat ibang armas at kagamitan sa pakikidigma upang maipaglaban lamang ang kanilang
nasasakupan at bansa.
Gawain 4: Gamit ang isang maikling tula, ilantad ang isyung panlipunang
inilalarawan nito. Tiyaking magamit ang mga susing salita at bigyan ito ng
kaukulang mga patotoo.

HAPUNAN
Ni Teo T. Antonio

Naninilip ang buwan


Sa butas ng bubong at dingding
Tinatanglawan ng kapirasong liwanag
Ang kapirasong isda sa hapag
Maraming kamay na nag-uunahan
Hanggang sa tapunan ng titig
Ang payat na pusa sa kusina

Sagot:
Isinisiwalat ng may akda ang kahirapan. Inilalarawan ang buhay ng mga kapos palad na
nagsasalo-salo sa kapiranggot na pagkain. Ipinapakita ang labis na pagkalam ng sikmura at
pagkasabik na makakain nang malagpasan ang gutom na dinaranas ng bawat isa. Sa pahayag na "
Maraming kamay na nag uunahan, hanggang sa tapunan ng titig ang payat na pusa" ipinapahiwatig
nito na walang pinipili na pagkain ang kumukulong kalamnan. Syang tunay may mga tao na kaya
kumitil ng buhay o gumawa ng masama kapag hindi na nila kaya tiisin ang gutom. Kung minsan sila
pa ay nagkakalkal sa basurahan kahit pa ang mga ito ay sirang pagkain ay titisin nila, kahit mga
hayop na walang kamuang muang ay kakainin nila para lamang makaligtas sa buhay.

Gawain 5: Gamit ang isang maikling tula, ilantad ang isyung panlipunang
inilalarawan nito. Tiyaking magamit ang mga susing salita at bigyan ito ng
kaukulang mga patotoo.

Sabi ko, “Maganda ka.”


Sagot mo, ät di mura.”
Sabi ko, “gusto kita.”
Sagot mo, “bayad muna.”

Sagot:

Ipinapakita na may mga tao na ang gusto lamang sa isang tao ay pera. Hindi nila ibibigay ang isang bagay na
walang kapalit na salapi. Ultimo ang pag-mamahal ay binabayaran patunay na ang pera ang nagpapaikot sa mga taong
ganito. Halimbawa na lamang niton ang mga babaeng bayaran, na ginagawang puhunan ang kanilang katawan upang
kumita ng pera, nang sa gayon may maipangtustos sila sa mga problema nilang pang pinansyal at mabili nila ang kanilang
luho. Kahit mawala na ang dignidad at respeto sa sarili ay okay lang sa kanila ang importante lang sa kanila ay kumita at
makaraos sa hirap.

You might also like