Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Nagkaroon ng Anak sina Wigan at Bugan

Isang mabigat na tanong ang nasambit ni Bugan sa sa kanyang asawang si Wigan ito ay kung ano pa nga
ba ang sili ng kanyang buhay kung hindi naman sila mabiyayaan ng kahit isang anak. Dumating na sa
yugtong pati ang panalangin nila sa mga diyos ay tila hindi dinidinig. Nag-isip ang mag-asawa kung ano
ba ang kanilang dapat gawin, mga ilang sandal pa at nagdesisyon na si Bugan na magtungo sa silangan
kung nasaan ang tahanan ng mnga diyos.

Sinimulan na ni Bugan ang kanyang mahaba-habang paglalakbay, Pumunta siya sa Ibyong, dumaan sa
Poitan, nagtungo siya sa silangan papuntang Nahbah, Baninan. Tumawid siya sa ilog ng Kinakin
at narating niya ang lawa sa Ayangan kung saan nakakita siya ng igat sa lawa inusisa nito kung
saan ang punta ni Bugan. Sinagot naman ito ni Bugan ngunit tinawanan lamang siya ng igat
dahil sa isinagot ni Bugan. Nagpatuloy sa paglalakbay ang magandang babae patungo sa lawa
ng mga Diyos.

Hindi nagtagal, narating niya ang lawa sa Lagud kung saan nakita niya ang buwaya. Kagaya ng
igat nagtanong sin ang buwaya kung saan patungo si Bugan, nang sabihin na ni Bugan ang
kanyang pakay at paroroonan humikab lamang ang Buwaya at tumanging kainin ang babae.
Kaya nagpatuloy pa ito sa paglalakbay hanggang marating ang tahanan ng mga pating.

Pilit pinaglabanan ni Bugan ang kanyang takot at hinarap niya at kinausap ang pating
nakiusap ito na kainin nalamang siya dahil sa problemang hindi sila magkaroon ng anak ng
kanyang asawa, ngunit maging ang pating ay hindi pumayag kaya, muling naglakad patungong
silangan si Bugan.

Ilang sandal pa ay naratin na ni Bugan ang tahanan ng mga diyos na sina Ngilin, Bumabakker, at
iba pang mga diyos. Hapong hapo siya kaya nagpasya na muna siyang magpahinga sa lusong

Hindi alam ni Bugan na nasa loob lamang ng bahay si Bumabbaker. Lumabas ito ng bahay upang
hanapin ang pinanggagalingan ng amoy. Nakita niya ang isang magandang babae na nakaupo sa
kanyang lusong. Kagaya ng ibang nakasalubong ni Bugan nagtanong din si Bumabbaker sa
dahilan ng pagparito ng babae. Nag kwento si Bugan kay Bumabbaker. Bilang solusyon sa
problema ni Bugan at ng kanyang asawa at tumulong ang mga diyos na mag bigay ng payo tulad
ng Bu-ad upang mabiyayaan ka ng mga anak, masaganang ani at pamumuhay.” Pagkalipas ng
ilang buwan, walang mapagsidlan ng kaligayahan ang mag-asawa dahil sa buhay na tumitibok sa
sinapupunan ni Bugan.

You might also like