Gawain 1 ESP 9 - 2023-2024

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Gawain 1: Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong.

Piliin ang pinakaangkop na


sagot at isulat ang titik nito sa sagutang papel.

1. Ayon kay Dr. Manuel Dy, isang propesor ng Pilosopiyasa Ateneo de Manila University, binubuo ng
tao ang lipunan at binubuo ng lipunan ang tao. Ito ay nangangahulugang:
a. Ang tao ang gumagawa sa lipunan at kaalinsabay nito ay ang lipunan at hinuhubog ng lipunan ang mga tao.
b. Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil mula sa kaniyang pagsilang ay nariyan na ang pamilyang nag-aaruga
sa kaniya; binubuo ng lipunan ang tao dahil matatagpuan ang tao salahat ng bahagi.
c. Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil ang kanilang mg kontribusyon ang nagpapalago at nagpapatakbo dito;
binubuo ng lipunan ang tao dahil ang lipunan ang nagbubuklod sa lahat ng tao.
d. Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil pamilya ang nag-aruga sa tao at dahil matatagpuan ang tao sa lahat ng
bahagi nito; binubuo ng lipunan ang tao dahil sa lipunan makakamit ang kaniyang kaganapan ng pagkatao.
2. Ang mga sumusunod ay hadlang sa pagkamit ng kabutihang panlahat maliban sa:
a. Paggawa ng tao ayon sa kaniyang pansariling hangad.
b. Pagkakaroon ng pakiramdam na mas malaki ang naiiambag ng sarili kaysa sa nagagawa ng iba.
c. Pakikinabang sa benepisyong hatid ng kabutihang panlahat subalit pagtanggi sa pagbabahagiapara sa
pagkamit nito.
d. Pagkakait ng tulong para sa kapwa na nangangailanga
3. Ano ang pagkakaiba ng lipunan sa komunidad?
a. Sa lipunan, ang nangingibabaw ay ang iisang tunguhin o layunin samantalang sa komunidad ang mahalaga ay
ang pagkakabukod-tanging mga kabilang nito.
b. Sa lipunan, ang pangkat ng mga tao ay may nagkakaisang interes, mithiin at pagpapahalaga samantalang sa
komunidad, ang namumuno ang nagbibigay ng direksiyon sa mga taong kasapi nito.
c. Sa lipunan, ang namumuno ay inatasan ng mga mamamayan na kamtin ang mithiin ng mga kasapi nito
samantalang sa komunidad, ang mga tao ang nararapat na manaig sa pagkamit ng kanilang mga mithiin.
d. Sa lipunan, mas malaking pamahalaan ang nakasasakop samantalang sa komunidad ay mas maliit na
pamahalaan.
4. Ang buhay ng tao ay panlipunan. Ang pangungusap ay:
a. Tama, dahil sa lipunan lamang siya nakapamumuhay
b. Tama, dahil lahat ng ating ginagawa at ikinikilos ay nakatuon sa ating kapwa
c. Mali, dahil may mgapagkakataong ang tao ang nagnanais na makapag-isa
d. Mali, dahil may iba pang aspekto ang tao maliban sa pagiging panlipunan
5. Ang mga sumusunod ay elemento ng kabutihang panlahat maliban sa:
a. Kapayapaan
b. Paggalangsa indibidwal na taod.
c. Tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan ng lahat
d. Katiwasayan
6. “Huwag mong itanong kung ano ang magagawa ng bansa para sa iyo, kundi itanong mo kung ano ang
magagawa mo para sa iyong bansa.” Ang mga katagang ito ay winika ni:
a. Aristotle b. St. Thomas Aquinas c. John F. Kennedy d. Bill Clinton
7. Ano ang tunay na layunin ng lipunan?
a. kapayapaan b. kabutihang panlahat c. katiwasayan d. kasaganaan
8. Ano ang kabutihang panlahat?
a. Kabutihan ng lahat ng tao
b. Kabutihan ng mga pangkat na kasapi ng lipunan
c. Kabutihan ng bawat indibidwal na kasapi ng lipunan.
d. Kabutihan ng lipunang nararapat bumalik sa lahat ng mga kasapi nito.
9. Ang tunguhin ng lipunan ay kailangang pareho sa tunguhin ng bawat indibidwal. Ang pangungusap:
a. Tama, dahil sa pagkakataon na ganito matitiyak na makakamit ang tunay na layunin ng lipunan
b. Tama, dahil mahalagang makiayon ang bawat indibidwal sa layuning itinalaga nglipunan
c. Mali, dahil may natatanging katangian at pangangailangan ang bawat isang indibidwal
d. Mali, dahil ang bawat indibidwal sa lipunan ang nararapat na nagtatakda ng mga layunin
10.Kalayaan at pagkakapantay-pantay ang nararapat na manaig sa lipunan. Ang pangungusap ay:
a. Tama, dahil ito ang mahalaga upang mangibabaw ang paggalang sa mga karapatan ng tao
b. Tama, dahil ito ay inilaan namakamit ng tao sa lipunan ayon saLikas naBatas
c. Mali, dahil sa kalayaan, masasakripisyo ang kabutihang panlahat at sa pagkakapantay-pantay, masasakripisyo
ang kabutihan ng indibidwal
d. Mali, dahil sa kalayaan, masasakripisyo ang kabutihan ng indibidwal at sa pagkakapantay-pantay,
masasakripisyo ang kabutihang panlahat

Gawain 2:
Panuto: Sigurado akong nakakita ka na ng recipe para sa pagluluto ng isang pagkain. Malinaw na
nakasulat dito ang mga sangkap at ang sukat ng mga ito. Nakasulat din ang malinaw na detalye ng paraan ng
pagluluto nito. Kung isusulat natin ang recipe para sa matiwasay na lipunan, ano kaya ang sangkap nito at paano
kaya ito makakamit? Gagawin mo iyan sa gawaing ito: RECIPE para sa MATIWASAY NA LIPUNAN…

Ang magiging nilalaman nito ay ang mga sumusunod:

• Sangkap na kinakailangan upang matiyak ang katiwasayan ng lipunan


• Mga tiyak na sukat nito, katulad ng tasa, kutsara o kutsarita, kilo, gramo, at iba pa.

Pamamaraan kung paano magagamit ang mga sangkap na inilagay (hal. Ilagay ang katarungan sa isang
malaking lalagyan at haluan ito ng pagmamahal. Matapos itong mapagsama ay budburan ito ng bukas na
komunikasyon)

Matapos ang gawain ay sagutin mo ang mga sumusunod na tanong:

1. Ano ang iyong naging realisasyon matapos maisagawa ang gawain?


2. Ano ang pinakamahalagang sangkap sa pagkakaroon ng matiwasay na lipunan? Ipaliwanag.
3. Ano ang pinakamahalagang pamamaraan sa pagkakaroon ng matiwasay na lipunan? Ipaliwanag.

You might also like