Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Grade8 – Edukasyon sa Pagpapakatao

Ikatatlong Marka, Ikatatlong Linggo – Modyul 3


SY 2021 – 2022

Teacher: RAIHANA G. MACARAMBON


MOBILE NO. : 09504880083

Pasasalamat sa Ipinamalas na Kabutihan ng


Aralin Kapwa! At Mga Angkop na Kilos ng
3 Pasasalamat!

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 8 ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Pagpapasalamat sa ginawang
kabutihan ng kapwa.

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan nito tayo ay maaaring matuto, lumikha, at magsakatuparan ng
gawain.Sa tulong-aral na ito, ikaw ang kamay na sumisimbolo nito, kaya bilang isang
mag-aaral, ikaw ay may angking kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na
kompetensi at kasanayan. Ang iyong pangakademikong tagumpay ay nakasalalay sa
iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong mabigyan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

MGA INAASAHAN

Naisasagawa ang mga angkop na kilos at pasasalamat sa kapwa.

MGA LAYUNIN

Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito ikaw ay inaasahang:

a. natutukoy ang kahulugan ng pasasalamat;

b. nabibigyang-halaga ang pagiging mapagpasalamat; at

c. nakabubuo ng paraan kung paano maipapakita ang pasasalamat sa bawat


miyembro sa loob ng tahana

d. nauunawaan ang kahulugan ng pasasalamat;

e. nasusuri ang sarili kung nagiging mapagpasalamat; at


1
f. nakaiisip ng praktikal na hakbang upang maipakita ang angkop na kilos ng
pasasalamat sa kapwa.

Aralin:

Pasasalamat sa Ipinamalas na Kabutihan ng Kapwa

Ngayong panahon ng pandemya


maraming nagpakita ng mabubuting gawa sa
kanilang kapwa. Nandyan ang pag-aabot ng
tulong sa mga pamilya na naapektuhan ng
community quarantine at marami pang iba.
Isa ang pamilya na ito na nabiyayaan ng
grocery, ng isang non-profit organization na
naglalayong makatulong sa mga kababayan
nila na naapektuhan ng malawakang
quarantine. Makikita sa pamilya ang abot
langit na ngiti sa natanggap na pagpapala.
Mayroon ba kayong kilalang tao na nagpakita
ng kabutihan sa kanilang kapwa ngayong
panahon ng pandemya? Maari mo silang
alalahanin at iabot ang iyong pasasalamat sa
kanila.

Ang pasasalamat ay ang pagkilala sa mga biyayang natanggap at bukal na


pagpapamalas ng pagpapahalaga sa taong gumawa ng kabutihan. Ang pasasalamat sa
salitang Ingles ay gratitude, na nagmula sa salitang Latin na gratus (nakalulugod),
gratia (pagtatangi o kabutihan) at gratis (libre o walang bayad).

Ang salitang "salamat" ay tumutukoy sa pagpapahayag ng ating damdamin na


kung saan nagbibigay pugay tayo o pinahahalagahan natin ang kung ano man ang
natanggap natin. Marahil hindi lahat ng tao ay madalas nagsasabi nito ngunit
naniniwala ako na ang bawat isa saatin ay may kanya kanyang paraan upang ipamalas
ang pagpapasalamat sa mga tao na tumulong sa atin.

Mga Angkop na Kilos ng Pasasalamat

Bahagi ng pasasalamat sa kapwa ay ang pagkakawanggawa o sa salitang Ingles,


charity. Ito ay ang pag-aabot ng ating kamay upang tugunan ang pangangailangan ng
iba at pagbalik ng tulong na ibinahagi sayo ng iyong kapwa. Sa pamamagitan ng
pagtulong, natutunan nating damhin ang pangangailangan ng iba at makapagisip ng
praktikal na paraan upang mabawasan ang kanilang paghihirap.

TALAAN NG TRABAHO SA EDUKASYONG PAGPAPAKATAO 8

2
Pangalan: _______________________ Section: ___________Score: ________________

GAWAIN 1: Basahin ang mga pangungusap at isulat sa patlang kung ang ito ay
MABUTI gawin upang isabuhay ang pasasalamat at HINDI MABUTI kung hindi.

_______________1. Pinapakita ni Erika ang kanyang pagmamahal sa kanyang magulang


sa pagtulong sa gawaing bahay.

_______________2. Madalas makipag-away si Paolo sa kanyang kapatid.

_______________3. Masaya ang pamilya Mendoza sa munting salo-salo na inihanda para


sa kaarawan ni Joana.

_______________4. Sama-samang nagdadasal ang pamilya Madrigal upang magpasalamat


sa pag iingat ng Diyos sa kanilang buong pamilya.

_______________5. Madalas magbigay ng tip si Martin sa mga waiter na masipag na


nagtatrabaho.

GAWAIN 2: Sagutin ang sumusunod na katanungan:

_______1. Ang _________________ ay pagkilala sa mga biyayang natanggap at bukal na


pagpapamalas ng pagpapahalaga sa taong gumawa ng kabutihan.

a. Pasasalamat c. Pagmamahal

b. Pagtutulungan d. Pagbibigay

_______2. Ang pasasalamat sa salitang Ingles ay ____________.

a. gratitude c. patience

b. love d. kindness

_______3. Salitang Latin na __________ (nakalulugod).

a. gratus c. gratis

b. gratia d. gramo

_______4. Salitang Latin na __________ (pagtatangi o kabutihan).

a. gratia c. kabutihang panlahat

b. gratus d. gratis

_______5. Salitang Latin na __________ (libre o walang bayad).

3
a. gratis c. gratitude

b. gratus d. gratia

GAWAIN 3: Pagtapat-tapatin: Hanapin sa Hanay B ang sagot sa Hanay A. Isulat ang


titik lamang.

Hanay A Hanay B

__1.Pagkilala sa mga biyayang natanggap a. nakakalugod

__2. Ang pasasalamat sa salitang Ingles b. pagtatangi o kabutihan


__3.salitang Latin na gratus c. libre o walang bayad
__4.salitang Latin na gratia d. gratitude
__5.salitang Latin na gratis e. Pasasalamat
f. Patience

GAWAIN 4: Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung ang pangugusap ay nagpapahayag
ng mabuting gawain ng PASASALAMAT, isulat naman ang salitang MALI kung hindi.

_________1. Simulan ang araw na magpasalamat sa Diyos at tanggapin ang pag-ibig


Niya.

_________2. Manalangin na gamitin ka ng Diyos para abutin ang iba.

_________3. Laging isipin na may paraan kang magagawa upang matulong sa iyong
kapwa.

_________4. Himukin ang iba na maging kasama mo sa pag-abot ng iyong kapwa.

_________5. Maging mapagpasalamat. Sa bawat oportunidad na makatulong, ugaliing


magpasalamat.

4
Grade8 –
Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikatatlong Marka, Ikatatlong Linggo – Modyul 3
SY 2021 – 2022

Teacher: RAIHANA G. MACARAMBON


MOBILE NO. : 09504880083

Ang Paggalang na Ginagabayan ng


Katarungan at Pagmamahal At Bunga ng
Aralin Hindi Pagsunod at Paggalang sa Magulang
4 at Nakatatanda!

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 8 ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Pagpapasalamat sa ginawang
kabutihan ng kapwa.

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan nito tayo ay maaaring matuto, lumikha, at magsakatuparan ng
gawain.Sa tulong-aral na ito, ikaw ang kamay na sumisimbolo nito, kaya bilang isang
mag-aaral, ikaw ay may angking kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na
kompetensi at kasanayan. Ang iyong pangakademikong tagumpay ay nakasalalay sa
iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong mabigyan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

MGA INAASAHAN:

Nakikilala ang:

a. mga paraan ng pagpapakita ng paggalang na ginagabayan ng katarungan at


pagmamahal

MGA LAYUNIN

Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito ikaw ay inaasahang:

A. nauunawaan ang kahulugan ng paggalang;

B. nasusuri sa sarili ang paggalang na ginagabayan ng katarungan at


pagmamahal; at

C. nakaiisip ng praktikal na hakbang upang maipakita ang angkop na kilos


ng paggalang na ginagabayan ng katarungan at pagmamahal.
5
ARALIN:
Ang Paggalang na Ginagabayan ng Katarungan at Pagmamahal

Ano ang kahulugan ng Ano ang maaring ibunga ng


paggalang? kawalang-galang sa kapwa?

Isa sa pinakapraktikal na paraan upang maipakita ang pagmamahal sa iba ay ang


paggalang. Sa iba marahil ay pangkaraniwan na lamang ang salitang paggalang subalit
ang mas malalim na kahulugan nito ay ang pagbibigay ng katarungan at pagmamahal
sa iba. Paano ito naipapakita sa iba? Narito ang mga halimbawa:
1. Kung ginagalang mo ang mga nakatatanda, hindi ba nagmamano ka sa
kanila at nasasabi ng po at opo. Ito ay pagmamahal sa paraang kinikilala mo na
sila ay higit sa iyo sa kaalaman at karanasan.

2. Ang taong gumagalang sa kapwa ay hindi basta-basta gumagawa ng bagay


na makakasakit sa iba.
3. Paggalang din ang hindi paninira o pagasasalita ng walang katotohanan sa
kanyang kapwa. Karangalan ng isang tao kung pipiliin niyang hindi maging
bahagi ng pagkalat ng tsismis o kasinungalingan.
4. Paggalang rin ang pagbibigay respeto sa iba’t-ibang pananaw, kultura at
kaalaman ng bawat tao.
5. Maituturing rin na paggalang ang pantay na pagtingin sa bawat isang
indibidwal na may iba’t-ibang kakayahan at katangian

Ang pagmamano ay isa sa mga magagandang kaugalian nating mga Pilipino


gayundin ang pagsasabi ng “po” at “opo”. Ito ang mga kaugaliang nagpapakita ng
paggalang. Itinuturo ang mga ito sa murang edad pa lamang. Ito ay ilan lamang sa ating
maipagmamalaki bilang isang Pilipino. Ngunit habang lumilipas ang panahon unti-unti
nang nawawala o bihira ng nakikita ito sa mga kabataan ngayon. Nakalulungkot isipin
na may mga kabataang sumusuway o hindi sumusunod sa mga utos ng mga magulang
at nakatatanda.

TALAAN NG TRABAHO SA EDUKASYONG PAGPAPAKATAO 8


(PART 2)

6
Pangalan: _______________________ Section: ___________Score: ________________

GAWAIN 1: Panuto: Basahin ang pahayag na nakasulat sa bawat pitak o


bahagi ng kahong ito. Kulayan ng pula ang pitak na naglalaman ng maaaring
maging “bunga ng HINDI pagpapamalas ng pagsunod at paggalang sa magulang
at nakatatanda”.

1. Pagbagsak o pagbaba 2. Mas minahal ng l olo


ng marka sa mga at l ola dahil sa
asignatura dahil sa pagbibigay re speto sa
hindi na kinig sa payo kanila.
ng magulang na
mag - aral ng mabuti .

4.
3.
Nagkasakit
Napagalitan dulot ng
ng nanay pandemya dahil
dahil sa sa paglabas ng
pagkasira ng
gamit na binili
bahay kahit na 7.
pinagbawalan
niya. na ng magulang. Naging
malusog at
walang sakit
dahil sa
6. pag - iingat at
Nakakuha ng
5. mataas na pagsunod sa
marka sa mga mga paalala
Nalulon sa asignatura dahil ng magulang.
ipinagbabawal sa pagsunod sa
na gam o t dahil utos ng
sa pagrerebelde magulang na
sa magulang mag - aral ng
mabuti.

GAWIN 2: Natutunan natin sa nakaraang aralin ang mga paraan ng pagpapakita ng


paggalang. Tingnan nga natin ang iyong natutunan?

Panuto: Iguhit ang puso ( ) sa mga bilang na nagpapakita ng paraan ng paggalang.

7
_______ 1. _______ 2.

_______ 3 . _______ 4.

_______ 5.
GAWAIN 3: Panuto: Isulat kung Tama o Mali ang mga pahayag. Itama ang
pahayag na mali at isulat sa nakalaang patlang sa ilalim ng pahayag.

____________ 1. Ang pagsunod at paggalang ay tanda ng pagmamahal.

____________ 2. Ang pagbibigay galang at pagiging masunurin ay hindi namimili


ng dapat sundin at igalang. Ito ay ginagawa dahil ito ang tama at nararapat na
gawin.
____________ 3. Ang pagsaway sa mga magulang ay kailangan din paminsan-
minsan.
____________ 4. Kapag ikaw ay magalang, masasabing ikaw ay masunurin din.

____________ 5. Pagsisisi ang maaring kahantungan ng pagsunod at paggalang


sa mga magulang at nakatatanda.

You might also like