Summative Exam Module 3 4TH Q

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

SUMMATIVE EXAM

ARAL PAN 8

Panuto: Suriin at unawaing mabuti ang bawat katanungan at pangungusap. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong
sagutang papel.
1. Ang pagsisimula ng World War II ay maiuugnay sa:
A. pagkabigo ni Adolf Hitler na sakupin ang Inglatera.
B. paglusob ng mga Aleman sa Poland noong 1939.
C. pagpapadala ng Estados Unidos ng mga armas sa Inglatera.
D. pagpaslang sa maraming Hudyo sa Europa.
2. Sa pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, naganap ang mga sumusunod, maliban sa:
A. pagbagsak ng totalitariang ng Nazi ni Hitler, Pasismo ni Mussolini, at Imperyong Hapon ni Hirohito.
B. paghina ng pandaigdigang ekonomiya tulad ng mga industriya, transportasyon, komunikasyon, at pananalapi.
C. pagsilang ng malalayang bansa mula sa pagiging dating kolonya decolonization.
D. pagtitiwalag sa Alemanya sa Liga ng mga Bansa at pagbabawal na lumikha ng mga armas pandigma.
3. Alin sa mga sumusunod na pangkat ng tao sa Europa ang nakatanggap ng pinakamatinding pinsala sa buhay noong
Ikalawang Digmaaang Pandaigdig?
A. Aleman
B. Amerikano
C. Hudyo
D. Pranses
4. Ang mga sumusunod na pangungusap ay tumutukoy sa tunay na interes ng Hapon sa kanyang pag-atake sa Pearl
Harbor:
A. Maging kaanib ang mga bansa sa Asya sa samahan ng mga Nagkakaisang Bansa
B. Mapabilis ang kalakalan sa pagitan ng mga Hapon, Aleman at Italyano sa Pasipiko
C. Mapalawak ang imperyo ng Hapon sa Asya at ang kaisipang Asya para sa mga Asyano
D. Mapalaya ang mga bansa sa Asya na sakop ng mga Ingles, Pranses, Olandes at Amerikano
5. Ano ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
1. Pagdating ng Allied Powers sa Pransya bilang D-Day
2. Pagdeklara ng Estados Unidos ng digmaan laban sa Hapon
3. Paglusob ng Hapon sa Manchuria
4. Pagsalakay ng Alemanya sa Poland

Ang wastong pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari ay :


A. 2 - 4 - 3 - 1
B. 4 - 1 - 3 - 2
C. 3 - 4 - 2 - 1
D. 1 - 2 - 4 – 3
6. Ang D-Day sa Normandy noong June 6, 1944 ay inaalala bilang:
A. malagim na pagpatay sa mga Hudyo na nasa Europa.
B. matagumpay na pagdaong dito ng mga Allied Powers.
C. pagsuko ng mga Aleman sa Gran Britanya.
D. pag-urong ng Italya sa digmaan sa Europa.
7. Ang mga sumusunod ay naglalarawan sa dahilan ng pagsiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig MALIBAN sa isa:
A. Dahil sa kasunduan ng Liga ng mga Bansa sa Versailes.
B. Dahil sa pag-aagaw ng Japan sa bansang Manchuria sa Tsina
C. Dahil sa pagsakop ng Germany sa Poland.
D. Dahil sa pagsasanib ng mga bansang Austria at Germany.
8. Ang mga sumusunod na bansa ay ang bumubuo sa mga bansang naging malaya dahil sa Ikalawang Digmaang
Pandaigdig MALIBAN sa isa:
A. China
B. Pilipinas
C. Malaysia
D. Thailand
9. Bakit itinatag ang United Nations?
A. Upang mapanatili ang kapayapaan kapag natalo ang mga Nazi.
B. Upang matulungan ang mga mahihirap na bansa sa daigdig.
C. Upang itaguyod ang karapatan ng mga bata sa buong mundo.
D. Upang itaguyod ang karapatang pantao sa mga bansa
10. Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay naitatag ang Pandaigdigang Samahan ng mga Bansa o United
Nations upang maiwasan ang muling paglalabanan ng mga bansa sa daigdig. Kailan ito itinatag?
A. Oktubre 24, 1945
B. Oktubre 25, 1945
C. Oktubre 26, 1945
D. Oktubre 27, 1945
11. Ang mga sumusunod na pangungusap ay tungkol sa kinahinatnan ng ating kabuhayan makalipas ang Ikalawang
Digmaang Pandaigdig maliban sa isa.
A. Ang pagkakaroon ng malalayang bansa mula sa pagiging kolonya o bansang sakop ng mga taga-kanluran
B. Ang pagpigil sa Alemanya na lumikha ng mga armas pandigma at pagtitiwalag dito bilang kasapi ng Liga ng
mga Bansa
C. Ang pandaigdigang ekonomiya ay pansamantalang natigil at bumagal ang pag-unlad ng kabuhayan sa mundo
D. Ang totalitarianismo ni Hitler, Fascismo ni Mussolini at Imperyong Hapon ni Hirohito ay nagwakas.
12. Anong kasunduan ang nilabag ng Italya noong sinakop nito ang Ethiopia noong 1935?
A. Kasunduan sa Versailes
B. Kasunduan sa Liga ( Covenant of the League)
C. Kasunduan sa Paris
D. Liga ng mga Bansa
13. Isang bagong daigdig ang umusbong pagkalipas ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Alin ang hindi kabilang sa
mga pangyayari pagkatapos ng digmaan?
A. Naitatag ang United Nations.
B. Nagkaroon ng World War III
C. Nawala ang Facism at Nazism
D. Nagkaroon sa daigdig ng labanan ng ideolohiya.
14. Anong kongklusyon ang mahihinuha mo sa pahayag na “ Ang kasunduan sa Versailles ang nagsilbing binhi ng
World War II”
A. Pabor sa lahat ng bansang sangkot ang mga probisyon ng kasunduan sa Versailles.
B. Ang Kasunduan sa Versailles sa pagitan ng Allies at Germany ang opisyal na nagwakas sa Unang Digmaang
Pandaigdig.
C. Ang mga probisyon ng Kasunduan sa Versailles ang nagtulak sa Germany upang maghimagsik sa mga
arkitekto nito.
D. Naging mahina ang League of Nations na isa sa mga probisyon ng kasunduan upang mapanatili ang
kapayapaan ng mga bansa.
15. Ilang hukbong Nazi ang naipadala ni Hitler sa Rusya?
A. 4,000,000
B. 3,000,000
C. 5,000,000
D. 6,000,000

You might also like