Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 67

DEPARTMENT OF EDUCATION

Region III
Division of City of San Fernando (P)
PAMPANGA HIGH SCHOOL
Lourdes, City of San Fernando, Pampanga

Araling Panlipunan 9
PAKSA
Konsepto at Palatandaan ng Pambansang Kaunlaran
IKAAPAT NA MARKAHAN (WEEK 1 )

ARAW NG MGA GAWAIN BILANG NG MGA KABUUANG


PAGSAGOT KATANUNGAN PUNTOS
Unang Araw A. ISIPIN 1 : Insta Sagot Ang gawaing ito ay susukat sa iyong
B. ISIPIN 2 : Ang sa Akin Lang paunang kaalaman
C. ISIPIN 3 : Initial na
Kaalaman
Ikalawang D. Alamin/ Discussion Part Ang gawaing ito ay
Araw ISIPIN 4: Oo o Hindi susukat sa iyong
kaalaman
Ikatlong Araw E. ISIPIN 5: Venn Diagram
F. Kakayahang Mangatwiran Pagyamanin

G. Gawain 1: Islogan Ko! Performance Task 10 puntos

Ikaapat na H. ISIPIN 6: Final naKaalaman Pagyamanin


Araw I. Pagtataya: Pagsusulit 15 puntos
Ikalimang J. Karagdagang Gawain: Pagpapayaman sa aralin
Araw ISASIP 7: Essay

A. Pamantayang Pangnilalaman(Content Standards):


Ang mag-aaral ay may pag-unawa sa mga sektor ng ekonomiya at mga patakarang
pangekonomiya nito sa harap ng mga hamon at pwersa tungo sa pambansang
pagsulong at pagunlad

B. Pamantayan sa Pagganap(Performance Standards):


Ang mag-aaral ay aktibong nakikibahagi sa maayos na pagpapatupad at
pagpapabuti ng mga sektor ng ekonomiya at mga patakarang pang- ekonomiya
nito tungo sa pambansang pagsulong at pag-unlad
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto/Most Essential Learning Competencies

MELC No. 4 - Nasisiyasat ang mga palatandaan ng pambansang kaunlaran

D. Layunin (Objectives):

1. Nasusuri ang palatandaan ng pambansang kaunlaran


2. Naiisa-isa ang mga palatandaan ng pambansang kaunlaran
3. Naisa-isa ang pagkakaiba at pagkakatulad ng pagsulong at pag-unlad
4. Nasusuri ang kahalagahan ng Human Development Index bilang isa sa panukat ng
Page 1 of 10
pambansang kaunlaran
5. Nakagagawa ng slogan kung papaano makakamit ang pambansang kaunlaran

I. NILALAMAN(Content): Konsepto at Palatandaan ng Pambansang Kaunlaran


Kagamitang Panturo (Learning Resources)
A. Sanggunian (References)
1. Mga pahina sa Kagamitang Pang-mag-aaral (LMs 2015) p.340-345
LMs (2017) p.376-382
B. Iba pang Kagamitang Panturo: mga larawan
https://www.google.com/search?q=Picture+of+Dumpsite+black+and+white&tbm=isc
h&ved=2ahUKEwiP6enI5qvtAhUOHqYKHa5tBusQ2-cCegQIABAA&oq

UNANG ARAW
II. PAMAMARAAN(Procedures):
A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin (Subukin):

PANIMULA :
Pinagtuunan sa nakaraang markahan ang pambansang ekonomiya bilang kabahagi sa
pagpapabuti ng pamumuhay ng kapwa mamamayan tungo sa pambansang kaunlaran.
Sa dahilang ito ang pinakamithiin ng lahat sa atin, lubhang mahalaga ang maayos na
ugnayan ng lahat ng sektor ng ekonomiya upang ganap na matamo ang tunguhing ito.
Ang mga sektor ng agrikultura, industriya, at paglilingkod, gayundin ng impormal na
sektor at kalakalang panlabas, ay may mahahalagang papel na ginagampanan upang
maisakatuparan ang pagkakamit ng pambansang kaunlaran. Higit sa lahat, ikaw bilang
isang mag- aaral at mamamayang Pilipino ay may mga tungkuling dapat gampanan.
Subalit ano nga ba ang magagawa mo para sa bayan sa ngalan ng kaunlaran? Sa
ganitong aspekto papasok ang konsepto ng aktibong pakikisangkot at pagsusulong nito.
Kung kaya’t ang pangunahing pokus sa araling ito ay ang konsepto at palatandaan ng
pambansang kaunlaran. Pag-aaralan mo rin kung ano ang iba’t ibang tungkulin ng mga
mamamayang Pilipino upang makatulong sa sama-samang pagkilos para sa pagsulong
at pag-unlad ng bansa. Sa pagtahak sa landas ng kaalaman sa araling ito, ang mga
mag-aaral ay haharap sa mga tekstong magbibigay-kabatiran at mga mapanghamong
gawain na sadyang pupukaw ng kanilang interes at magbibigay sa kanila ng kaalaman.
Sa pagtatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang makapagbibigay ng
sariling pakahulugan sa pambansang kaunlaran at masiyasat ang mga palatandaan
nito. Inaasahan ding matutukoy nila ang iba’t ibang gampanin ng bawat mamamayan
tungo sa sama-samang pagkilos at pagplano kung paano makapag-aambag sa mithiing
ito.

Ang mga gawain sa bahaging ito ay tutuklas sa iyong kaalaman tungkol sa konsepto at
palatandaan ng pambansang kaunlaran at kung papaano ka makapag-aambang sa pag-
unlad ng bansa bilang mabuting mamamayan nito.

Paunang Gawain : INSTA-SAGOT


Pansinin ang mga larawan sa susunod na pahina. Suriing mabuti ang kalagayan ng bawat
larawan. Bigyan ng malikhaing pamagat ang bawat larawan. Gawin ito ng pasalita na lamang,
hindi na kinakailangang isulat ang sagot sa sagutang papel.

Page 2 of 10
Pamprosesong Tanong: Gawin ito ng pasalita na lamang, hindi na kinakailangang
isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Ano ang iyong napuna sa mga larawan? Alin ang higit na nakapukaw ng iyong pansin?
Bakit?
2. Alin sa malikhaing pamagat na ibinigay mo sa mga larawan ang ninais mong maging
kalagayan ng iyong lipunan at ng ating bansa?

B. Paghahabi sa layunin ng aralin (Panimula)

Matapos masuri ang mga larawan at nasagot ang mga katanungan ay nagkaroon ka ng
kaunting kaalaman tungkol sa pambansang kaunlaran.

Paunang Gawain: ANG SA AKIN LANG!


Panuto: Sagutin ang bahaging ito ng pasalita, hindi na kinakailangang isulat ang sagot
sa sagutang papel.

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin

Muling balikan ang mga konseptong iyong nakuha mula sa gawain 1 at 2


- Isulat sa unang kahon kung ano lamang ang iyong Initial na nalaman sa paksa.
- At sa huling bahagi ng paksa isulat mo ang iyong Final na nalaman ukol sa paksang
tinalakay.

Paunang Kaalaman: INITIAL at FINAL na Kaalaman


Initial na Kaalaman: Final na Kaalaman:
Hindi nuna sasagutan

IKALAWANG ARAW

D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan \\


#1(Paglinang/ Alamin Mo/Paunlarin)

PAUNLARIN:
Matapos mong malaman ang mga paunang impormasyon tungkol sa aralin, ngayon
naman ay iyong lilinangin ang mga kaalamang ito sa tulong ng mga teksto at mga gawaing
inihanda upang maging batayan mo ng impormasyon. Ang pinakatiyak na layunin ng bahaging
Page 3 of 10
ito ay matutuhan mo bilang mag-aaral ang mahahalagang ideya o konsepto tungkol sa
kaunlaran. Inaasahang magagabayan ka ng mga inihandang Gawain at teksto upang masagot
kung papaano ka makapag-aambag sa pag-unlad ng bansa bilang mabuting mamamayan nito.
Halina’t umpisahan mo na.

KONSEPTO NG PAG-UNLAD
Batay sa diksiyonaryong Merriam-Webster, ang pag-unlad ay pagbabago mula sa mababa
tungo sa mataas na antas ng pamumuhay. Isa itong kaisipang maaaring may kaugnayan din sa
salitang pagsulong.

Sa aklat ni Feliciano R. Fajardo na Economic Development (1994), malinaw niyang inilahad


ang pagkakaiba ng pagsulong at pag-unlad. Ayon sa kanya, ang pagunlad ay isang progresibo
at aktibong proseso. Ang pagsulong ay ang bunga ng prosesong ito. Kung gayon, ang pagsulong
ay produkto ng pag-unlad. Halimbawa, ang makabagong pamamaraan ng pagtatanim ng palay
ay kinapapalooban ng isang proseso, at ito ang pag-unlad. Ang resulta nito ay mas maraming ani,
at ito ang pagsulong.

Ayon pa rin kay Fajardo, ang pagsulong ay nakikita at nasusukat. Ang mga halimbawa nito ay
mga daan, sasakyan, kabahayan, gusali, pagamutan, bangko, paaralan, at marami pang iba. Ang
mga ito ang resulta ng pag-unlad. Subalit hindi doon nagtatapos ang pag-unlad. Dapat itong
makalikha ng mas marami at lalong mabuting produkto at serbisyo. Dagdag pa niya, ang pag-
unlad ay isang progresibong proseso ng pagpapabuti ng kondisyon ng tao, gaya ng pagpapababa
ng antas ng kahirapan, kawalan ng trabaho, kamangmangan, di-pagkakapantay-pantay, at
pananamantala.

Inilahad nina Michael P. Todaro at Stephen C. Smith sa kanilang aklat na Economic


Development (2012) ang dalawang magkaibang konsepto ng pag-unlad: ang tradisyonal na
pananaw at makabagong pananaw ukol dito. Sa tradisyonal na pananaw, binigyang-diin ang pag-
unlad bilang pagtatamo ng patuloy na pagtaas ng antas ng income per capita nang sa gayon ay
mas mabilis na maparami ng bansa ang kaniyang output kaysa sa bilis ng paglaki ng populasyon
nito.Sa makabagong pananaw naman, isinasaad na ang pag-unlad ay dapat na kumatawan sa
malawakang pagbabago sa buong sistemang panlipunan. Dapat na ituon ang pansin sa iba’t
ibang pangangailangan at nagbabagong hangarin ng mga tao at grupo sa nasabing sistema
upang masiguro rin ang paglayo mula sa di-kaaya-ayang kondisyon ng pamumuhay tungo sa
kondisyon na mas kasiya-siya.

Sa akdang “Development as Freedom” (2008) ni Amartya Sen, kanyang ipinaliwanag na ang


kaunlaran ay matatamo lamang kung “mapauunlad ang yaman ng buhay ng mga tao kaysa sa
yaman ng ekonomiya nito”. Upang matamo ito, mahalagang bigyang pansin ang pagtanggal sa
mga ugat ng kawalang kalayaan tulad ng kahirapan, diskriminasyon at hindi pagkakapantay-
pantay at ng iba pang salik na naglilimita sa kakayahan ng mga mamamayan.

Gawain : OO o HINDI?
Bago dumako sa susunod na aralin, sagutin muna ang sumusunod na tanong na may
kinalaman sa pag-unlad ng pasalita. Sabihin mo kung sinasang-ayunan mo o hindi ang mga
pahayag. Hindi na isusulat ang sagot sa inyong sagutang papel.

PAHAYAG OO HINDI
1. May pag-unlad kung may mga nagtataasang gusali at naglalakihang
kalsada.
2. May pag-unlad kung lumalaki ang GNP at GDP ng isang bansa.
3. May pag-unlad kung may mga makabagong teknolohiya at makinarya.
4. May pag-unlad kung may demokrasya.
5. May pag-unlad kung napangangalagaan ang kapaligiran.
6. May pag-unlad kung tumataas ang export ng isang bansa.
7. May pag-unlad kung dumarami ang dayuhang mangangalakal.
8. May pag-unlad kung ang bayan ay naging lungsod.
9. May pag-unlad kung may mataas na pasahod.
10. May pag-unlad kung may trabaho ang mga mamamayan.
Page 4 of 10
Pamprosesong Tanong: Sagutin mo ang bahaging ito ng pasalita.

1. Alin sa mga pahayag ang higit mong nararanasan sa iyong lipunan?


2. Sa iyong palagay, ano kaya ang nagiging balakid sa pagpapatuloy ng pag-unlad sa mga
sumusunod na aspekto: (3 puntos)
- Kultural
- Sosyal (Lipunan)
- Politikal
3. Pitong taon mula ngayon paano mo nakikita ang iyong sarli bilang kabahagi ng pagkakamit
ng pambansang kaunlaran?
Matapos mong maunawaan ang konsepto ng kaunlaran, ngayon naman ay ihanda ang iyong
sarili upang maunawaan at masuri pa ang iba’t-ibang palatandaan nito.

IKATLONG ARAW
E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan (Paglinang/
Alamin Mo/Paunlarin)

Mga Palatandaan ng Pag-unlad


PAGSULONG
Maaari kayang magkaroon ng pagsulong kahit walang pag-unlad? Maraming bansa sa
kasalu- kuyan, tulad ng China at Malaysia, ang sinasabing progresibo. Maraming modernong
gusali ang na-itatayo sa mga nasabing bansa. Maraming mga korporasyon ang kumikita nang
malaki subalit karamihan sa mga ito ay pagmamayari at pinamamahalaan ng mga dayuhang
mamumuhunan. Sa katunayan, sa kaunaunahang pagkakataon ay naiulat ng United Nations
Conference on Trade and Development (UNCTAD) na noong 2012 ay mas malaki ang bilang
ng mga dayuhang mamumuhunan (FDI) sa mga papaunlad na bansa kompara sa mauunlad na
bansa.

Ang pagpasok ng mga dayuhang mamumuhunang ito ay nakapagtataguyod ng mas


mabilis na paglago at pagsulong ng kanilang ekonomiya. Subalit, laganap pa rin ang kahirapan,
kawalan ng sapat na edukasyon, at patuloy na pagbaba ng antas ng kalusugan sa mga
nasabing papaunlad na bansa.

Maliban sa mga pamumuhunan, malaki rin ang naitutulong ng mga likas na yaman tulad ng
langis sa pagsulong ng ekonomiya ng isang bansa. Karamihan ng mga bansa sa Gitnang
Silangan tulad ng UAE, Qatar, at Saudi Arabia ay nagtamo ng mabilis na paglago ng ekonomiya
dala ng kanilang kita mula sa langis ayon na rin sa ulat ng International Monetary Fund noong
2013. Nakapagpatayo sila ng maraming gusali at imprastraktura na talaga namang nakatulong
sa pag-unlad ng mga nasabing bansa. Bunga nito, nakapag-angkat sila ng mga makabagong
teknolohiya, magagaling na manggagawa, at mga dekalidad na hilaw na materyales mula sa
ibang bansa.

Bukod pa sa mga likas na yaman, may iba pang mga salik na maaaring makatulong sa
pagsulongng ekonomiya ng isang bansa. Sa librong Economics, Concepts and Choices (2008)
nina Sally Meek, John Morton at Mark Schug, inisa- isa nila ang mga ito.

1. Likas na Yaman. Malaki ang naitutulong ng mga likas na yaman sa pagsulong ng


ekonomiya lalong-lalo na ang mga yamang-lupa, tubig, kagubatan, at mineral. Subalit hindi
kasiguraduhan ang mga likas na yaman sa mabilis na pagsulong ng isang bansa.

2. Yamang-Tao. Isa ring mahalagang salik na tinitingnan sa pagsulong ng ekonomiya ang


lakas paggawa. Mas maraming output ang nalilikha sa isang bansa kung maalam at may
kakayahan ng mga manggagawa nito.

3. Kapital. Sinasabing lubhang mahalaga ang kapital sa pagpapalago ng ekonomiya ng isang


bansa. Sa tulong ng mga kapital tulad ng mga makina sa mga pagawaan ay nakalilikha ng mas
maraming produkto at serbisyo.

Page 5 of 10
4. Teknolohiya at Inobasyon. Sa pamamagitan ng mga salik na ito, nagagamit nang mas
episyente ang iba pang pinagkukunang-yaman upang mas maparami pa ang mga nalilikhang
produkto at serbisyo.

PAG-UNLAD
Masasabing ang pagsulong ay isa lamang aspekto ng pag-unlad. Sa pagsulong, sinusukat
ang halaga ng mga produkto at serbisyong nalikha sa loob ng isang panahon. Sa pagsukat nito,
ginagamit ang Gross Domestic Product (GDP), Gross National Product (GNP), GDP/ GNP per
capita at real GDP/ GNP. Sa kabilang banda, hindi sapat na panukat ang kabuuang halaga ng
mga produkto at serbisyo dahil hindi nito naipakikita kung paano naipamamahagi ang kita at
yaman ng bansa sa mga mamamayan nito. Samakatuwid, hindi sapat ang mga numero,
makabagong teknolohiya, at nagtataasang gusali upang masabing ganap na maunlad ang
isang bansa.
Higit pa rito ang kahulugan ng pag-unlad. Higit pa ito sa mga modernong kagamitan at mga
makabagong teknolohiya sapagkat kasama rito ang mga pagbabago sa lipunan at paraan ng
pamumu-hay ng mga tao. Ayon kay Fajardo, ang pagsulong ng isang ekonomiya dulot ng mga
dayuhang mamumuhunan at ang pag-unlad na inangkat ay walang kahulugan sa masa kung
ang mga ito ay hindi nararamdaman ng mga pangkaraniwang tao. Ayon pa kina Todaro at
Smith sa kanilang aklat na Economic Development, ang pag-unlad ay isang multidimensiyonal
na prosesong kinapapalooban ng malaking pagbabago sa istruktura ng lipunan, gawi ng mga
tao at mga pambansang institusyon, gayundin ang pagpapabilis ng pagsulong ng ekonomiya,
pagbawas sa di pagkakapantay- pantay at pag-alis ng kahirapan.

Gawain : PAGKAKAPAREHO AT PAGKAKAIBA


Gamit ang Venn diagram sa ibaba.Sagutin ang bahaging ito ng pasalita, hindi na
kinakailangang isulat ang sagot sa sagutang papel.

Pamprosesong Tanong: Sagutin ang bahaging ito ng pasalita, hindi na kinakailangang


isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Ano ang kaibahan ng pagsulong sa pag-unlad?
2. Maari bang magkaroon ng pagsulong kahit walang pag-unlad? Ipaliwanag
3. Maari bang magkaroon ng pag-unlad kahit walang pagsulong? Pagtibayin/Patunayan

F. Paglinang sa Kabihasnan (Gawin Mo/ Pagyamanin)

( Basahin ang kabuuang paksa ukol sa Human Development Index sa iyong aklat pahina
348-349 upang lubos mo itong maunawaan)

Sa pinakaunang Human Development Report na inilabas ng UNDP noong 1990, inilahad


ang pangunahing saligan ng sumunod pang mga ulat na nagsasabing “Ang mga tao ang
tunay na kayama-nan ng isang bansa.” Sa pamamagitan ng mga pahayag na ito, na
kinatigan pa ng maraming empirikal na datos at makabagong pananaw ukol sa pagsukat ng
kaunlaran, ang Human Development Report ay nagkaroon ng mahalagang implikasyon sa
pagbuo ng mga polisiya ng mga bansa sa buong mundo.

Page 6 of 10
Human Development Index
Maliban sa paggamit ng GDP at GNP, ginagamit ang Human Development Index bilang isa sa
mga panukat sa antas ng pag-unlad ng isang bansa. Ang Human Development Index (HDI)
ay tumutukoy sa pangkalahatang sukat ng kakayahan ng isang bansa na matugunan ang
mahahalagang aspekto ng kaunlarang pantao: kalusugan, edukasyon at antas ng
pamumuhay. Sa pagsukat ng aspektong pangkalusugan, ginagamit na pananda ang haba ng
buhay at kapanganakan. Ipinapahiwatig dito ang bilang ng taon na inaasahang itatagal ng isang
sanggol kung ang mga umiiiral na dahilan o sanhi ng kamatayan sa panahon ng kaniyang
kapanganakan ay mananatili habang siya ay nabubuhay. Sa aspekto naman ng edukasyon,
ang mean years of schooling at expected years of schooling ang mga ginagamit na pananda.
Ang mean years of schooling ay tinataya ng United Nation Educational, Scientific, and Cultural
Organization (UNESCO) batay sa mga datos mula sa mga sarbey at sensus ukol sa antas ng
pinag- aralan ng mga mamamayan na may 25 taong gulang. Samantala, ang expected years of
schooling naman ay natataya base sa bilang ng mga nag-aaral sa lahat ng antas ng edukasyon.
Itinakda ang 18 taon bilang expected years of schooling ng UNESCO. Ang aspekto ng antas ng
pamumuhay ay nasusukat gamit ang gross national income per capita.

Kahalagahan ng HDI
Ang HDI ay nilikha upang bigyang-diin na ang mga tao at ang kanilang kakayahan
ang dapat na pinakapangunahing pamantayan sa pagsukat ng pag-unlad ng isang bansa,
hindi lang ang pagsulong ng ekonomiya nito. Tinatangka ng HDI na ihanay ang mga bansa
mula 0 (pinakamababang antas ng kaunlarang pang- tao) at 1 (pinakamataas na antas ng
kaunlarang pantao). Maaari itong gamitin upang suriin at busisiin ang mga patakarang
pambansa ng dalawang bansang may parehong antas ng GNI per capita ngunit magkaibang
resulta hinggil sa kaunlarang pantao. Bawat taon, ang United Nations Development Programme
(UNDP) ay naglalabas ng Human Development Report ukol sa estado ng kaunlarang pantao sa
mga kasaping bansa nito.
Sa pinakaunang Human Development Report na inilabas ng UNDP noong 1990, inilahad
ang pangunahing saligan ng sumunod pang mga ulat na nagsasabing “Ang mga tao ang
tunay na kayamanan ng isang bansa.” Sa pamamagitan ng mga pahayag na ito, na kinatigan
pa ng maraming empirikal na datos at makabagong pananaw ukol sa pagsukat ng kaunlaran,
ang Human Development Report ay nagkaroon ng mahalagang implikasyon sa pagbuo ng mga
polisiya ng mga bansa sa buong mundo.
Ang Human Development Report ay pinasimulan ni Mahbub ul Haq noong 1990. Ayon
sa kaniya, ang pangunahing hangarin ng pag-unlad ay palawakin ang pamimilian (choices) ng
mga tao sa pagtugon sa kanilang mga pangangailangan. Ang mga pamimiliang ito ay maaaring
walang katapusan at maaaring magbago. Madalas na pinahahalagahan ng mga tao ang mga
bagay na nakamit na hindi kayang ipakita ng mga datos at impormasyon tungkol sa kita at
pagbabago. Ilan sa mga ito ang mas malawak na akses sa edukasyon, maayos na serbisyong
pangkalusugan, mas matatag na kabuhayan, kawalan ng karahasan at krimen, kasiya-siyang
mga libangan, kalayaang pampolitika at pangkultura, at pakikilahok sa mga gawaing
panlipunan.
Ang layunin ng pag-unlad ay makalikha ng kapaligirang nagbibigay ng pagkakataon sa mga tao
na magtamasa ng matagal, malusog, at maayos na pamumuhay.
Ang Human Development Report Office (HRDO) ng United Nations Development
Programme (UNDP) ay gumagamit ng mga karagdagang palatandaan upang masukat ang hindi
pagkakapantay-pantay (Inequality-adjusted HDI),kahirapan (Multidimensional Poverty Index) at
gender disparity (Gender Inequality Index). Ang Inequality-adjusted HDI ay ginagamit upang
matukoy kung paano ipinamamahagi ang kita, kalusugan, at edukasyon sa mga mamamayan
ng isang bansa. Ang Multidimensional Poverty Index naman ay ginagamit upang matukoy
ang paulit-ulit na pagkakait sa mga sambahayan at indibidwal ng kalusugan, edukasyon at
antas ng pamumuhay samantalang ang Gender Development Index ang sumusukat sa
puwang o gap sa pagitan ng mga lalaki at babae. Ang pagbibigay pansin sa kaunlarang pantao
ay lubhang mahalaga sa paghahanap ng pamamaraan upang mas mapabuti pa ang kalagayan
ng mga tao. Ang human development ay hindi nakapako sa iisang konsepto lamang.
Bagkus, habang nagbabago ang mundo ay patuloy ring nagbabago ang pamamaraan at
konseptong nakapaloob dito. Tanging ang katotohanang ang pagunlad ay tunay na nasusukat
lamang sa pamamagitan ng epekto nito sa pamumuhay ng mga tao
Pinagkunan:
Fajardo F. (1994) Economic Development, 3rd Edition. Manila: Navotas Press; Todaro, M. P., Smith S. C.(2012) Economic Development,
11th Edition. USA: Pearson; Meek, S., Morton, J., Schug, M.C.(2008) Economics Concepts and Choices.Canada:McDougal Mifflin
Company; United Nations Development Programme. Human Developemnt Reports. Retrieved from http://hdr.undp.org/en/content/
human-development-index-hdi on July 28, 2014; United Nations Development Programme. Human Developemnt Reports. Retrieved
from http://hdr.undp.org/en/humandev on July 31, 2014

Page 7 of 10
TATLONG ASPEKTO NG HDI
A. Kalusugan B. Edukasyon C. Antas ng Pamumuhay

PANUKAT NG PAG-UNLAD ASPEKTO NG HDI INDICATOR/Pananda


EDUKASYON Mean years of schooling
HDI Expected years of Schooling
KALUSUGAN Haba ng buhay at kapanganakan
ANTAS NG Gross National Income Per Capita
PAMUMUHAY

Very High Human High Human Medium Human Low Human


Development Development Development Development 145-up
1-49 50-102 103-144
1. Norway 50. Uruguay 103. Maldives 187. Niger
2. Australia 51. Bahamas 103. Turkmenistan 186. Congo
3. Switzerland 52. Montenegro 104. Mongolia. 185. Central African Rep
4. Netherlands 53. Belarus 105. Samoa 184. Chad
5. United States 54. Romania 117. Philippines 183. Sierra Lione
Ang kabuuang talaan ay maaring matunghayan sa iyong aklat pahina 351-352

Gawain : KAKAYAHANG MANGATWIRAN !


Panuto: Sagutin ang mga katanungan sa ibaba. Gawin ito ng pasalita hindi na
kinakailangang isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang iyong napuna sa mga bansang kabilang sa Very High Human Development?
2. Pansinin ang mga bansang nasa Low Human Development saang kontinente ng mundo ito
matatagpuan? Ano sa palagay mo ang dahilan bakit mahirap ang mga tao sa mga bansang
ito?
3. Bilang isang mag-aaral at mamamayan ano ang iyong magagawa upang umangat ang
kalagayan ng iyong bansa kung kabilang ito sa medium at low human development? (3-5
pangungusap)
4. Gaano kahalaga ang human development sa pagkakamit ng pambansang kaunlaran?
(3-hanggang 5 pangungusap)

G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay (Gawin Mo/ Pagyamanin

Gawain 1 : ISLOGAN KO! (Performance)


PANUTO: Gumawa ka ng isang islogan kung paano matatamo ang pambansang
kaunlaran. Kinakailangang gawin ito para sa iyong performance output.Gawin mo ito sa
iyong sagutang papel.

ISLOGAN KO!

Rubrics:
Kriterya 5 4 3
Nilalaman at Ang mensahe ay Ang mensahe ay Medyo magulo ang
Kaugnayan sa mabisang naipakita at naipakita at may mensahe at walang
paksa lubhang may kaugnayan kaugnayan sa kaugnayan sa paksa
sa paksa ang islogan paksa ang islogan
Pagkamalikhain at Napakaganda at Maganda at Maganda ngunit di
Kalinisan sa napakalinaw ng malinaw ang gaanong malinaw ang
paggawa pagkakasulat at pagkakasulat at pagkakasulat at hindi
Page 8 of 10
napakalinis ng ginawang malinis ang nagging malinis sa
islogan ginawang islogan. paggawa ng gawain
IKAAPAT NA ARAW
H. Paglalahat ng Aralin (Tandaan Mo/ Pagyamanin at Isaisip)

Gayon ay iyong balikan ang iyong natutunan ukol sa paksang tinalakay. Tukuyin mo
ang iyong naging final na kaalaman ukol sa paksa. Gawin ito ng pasalita hindi na
kinakailangang isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
Gawain : Final na Kaalaman

Final na Kaalaman:

Binabati kita! Matagumpay mong nagawa ang lahat ng mga gawain. Patunay ito na
handa ka na sa maikling pagsusulit na iyong gagawin.

I. Pagtataya ng Aralin (Natutuhan Ko/Isagawa) (Pagsusulit)

Test 1. Panuto: Piliin mula sa kahon ang tinutukoy sa ibaba: Isulat ang sagot bago ang patlang.
Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

Amartya Sen Pagsulong Todaro at Smith UNDP Human Dev. Index


Pag-unlad Inovator Merriam Dictionary Fajardo Gender Dev. Index

_________1. Tumutukoy sa pangkalahatang sukat ng kayamanan ng isang bansa na


matugunan ang mahalagang aspekto ng kaunlarang pantao,kalusugan,
edukasyon at antas ng pamumuhay.
_________2. Naglahad sa pagkakaiba ng pag-sulong at pag-unlad.
_________3. Nagpaliwanag na ang kaunlaran ay matatamo lamang kung”mapapaunlad
ang yaman ng buhay ng mga tao kaysa sa yaman ng ekonomiya nito”.
_________4. Ito ay ang kalagayan ng bansa na nagpapakita ng kabuuang proseso na
kinabibilangan ng iba’t-ibang aspekto ng lipunan,ekonomiya,politika,at
kultural. Ito ay nagpapakita ng pagbuti ng kalagayan at pamumuhay ng
mga mamamayan tulad ng mataas na antas ng pamumuhay, edukasyon,at
kalusugan.
_________5. Ang sumusukat sa puwang o gap sa pagitan ng babae at lalaki.Sapagkat
kung wala ang gap na ito ay mabibigya ng pansin ang kaunlarang pantao.
_________6. Kailangan sa pag-sulong ng bansa,sapagkat taglay nila ang kaalaman at
pagpaplano, pag-oorganisa,pag-uugnay at pag-papatupad ng mga
patakaran at gawain sa ekonomiya.
_________7. Naglahad na ang tunay na pag-unlad ay mula sa mababa tungo sa mataas
na antas ng pamumuhay.
_________8. Nagbigay kahulugan sa pag-unlad sa paraang tradisyunal at makabagong
pananaw. Tradisyunal kung saan ang sukatan ng pag-unlad ay batay sa
patuloy na pagtaas ng per capita income at sa makabagong pananaw na
kung saan ang pag-unlad ay dapat kumakatawan sa malawakang
pagbabago sa buong sistemang panlipunan.
_________9. Ito ang kalagayan ng bansa kung saan maaring masukat ang pagbabago
gaya ng pagkakaroon ng makabagong teknolohiya,modernong ospital,mga
gusali at makabagong teknolohiya.
_________10. Ito ang naglabas ukol sa estado ng kaunlarang pantao sa mga kasaping
bansa nito.
Page 9 of 10
Test 2. HAKBANG SA PAG-UNLAD

PANUTO: Bilang isang mag-aaral o mamamayan magtala ka ng limang paraan o


hakbang na sa tingin mo ay makakatulong upang makamit ng bansa mo ang
minimithing pag-unlad.

1. ________________________________________________
2. ________________________________________________
3. ________________________________________________
4. ________________________________________________
5. ________________________________________________

IKALIMANG ARAW
J. Karagdagang Gawain at Remediation

Gawain : Answer IT!


PANUTO: Gawin ito ng pasalita hindi na kinakailangang isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel.

1. Mahalaga ba ang mga likas na yaman sa pag-unlad ng isang bansa? Bakit?


_________________________________________________________________

2. Paano mo mahihahanda ang iyong sarili upang makatulong ka sa pagkakamit ng


pambansang kaunlaran?
_________________________________________________________________

Mahusay! Natapos mo na ang mga gawain para sa linggong ito

Page 10 of 10
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region III
Division of City of San Fernando (P)
PAMPANGA HIGH SCHOOL
Lourdes, City of San Fernando, Pampanga

Araling Panlipunan
PAKSA
9
Sama-Samang Pagkilos Tungo sa Pambansang Kaunlaran
IKAAPAT NA MARKAHAN (WEEK 2)
ARAW NG MGA GAWAIN BILANG NG MGA KABUUANG
PAGSAGOT KATANUNGAN/AYTEM PUNTOS
Unang Araw A. Isipin 1: FACT OR BLUFF
B. Isipin 2: PARAPARAAN Paunang Kaalaman
TUNGO SA PAG-UNLAD!
C. Isipin 3: LARAWAN SURI!
Ikalawang D. Isipin 4: AKO BILANG MAG- Ang gawaing ito ay
Araw AARAL susukat sa iyong
kaalaman
Ikatlong E. Gawain : INVENTORY MO! Pagyamanin
Araw F. Isipin 5: PANATA KO! Pagyamanin
G. Gawain 1: POSTER-RIFIC Performance 16 puntos
Ikaapat na H. Isipin 6: DEAR DIARY Pagyamanin
Araw I. Pagtataya Pagsusulit 15 points
Ikalimang J. Karagdagang gawain Pagpapayaman sa Aralin
Araw Isaisip 7: AKSYON PARA SA
PAGBABAGO

A. Pamantayang Pangnilalaman(Content Standards):


Ang mag-aaral ay may pag-unawa sa mga sektor ng ekonomiya at mga patakarang
pangekonomiya nito sa harap ng mga hamon at pwersa tungo sa pambansang
pagsulong at pagunlad
B. Pamantayan sa Pagganap(Performance Standards):
Ang mag-aaral ay aktibong nakikibahagi sa maayos na pagpapatupad at
pagpapabuti ng mga sektor ng ekonomiya at mga patakarang pang- ekonomiya
nito tungo sa pambansang pagsulong at pag-unlad
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto/Most Essential Learning Competencies

MELC No. 4 - Natutukoy ang iba’t ibang gampanin ng mamamayang Pilipino upang makatulong
sa pambansang kaunlaran

D. Layunin (Objectives):

1. Natutukoy ang iba’t ibang gampanin ng mamamayang Pilipino upang makatulong sa


pag-unlad ng bansa
2. Naisa -isa ang iba’t ibang gampanin ng mamamayang Pilipino upang makatulong sa
pambansang kaunlaran
3. Nakagagawa ng panata sa sarili kung papaano makakamit ang pambansang kaunlaran
4. Nakakagawa ng poster kung paano makapag-ambag bilang mamamayan sa pag-unlad
ng bansa.
Page 1 of 7
I. NILALAMAN(Content): Sama-Samang Pagkilos Tungo sa Pambansang Kaunlaran
Kagamitang Panturo (Learning Resources)
A. Sanggunian (References)
1. Mga pahina sa Gabay ng Guro (TGs):p.
2. Mga pahina sa Kagamitang Pang-mag-aaral (LMs 2017) p. 353-355
3. Mga pahina sa Teksbuk (Other references):

UNANG ARAW
II. PAMAMARAAN(Procedures):
A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin (Subukin):

Isipin 1: FACT OR BLUFF


Panuto: Lagyan ng happy face (☺) ang mga aytem na sa tingin mo ay nagpapakita ng
pambansang kaunlaran (Fact), sad face ()naman ang ilagay sa aytem na sa palagay
mo ay hindi nagpapakita ng konsepto ng pambansang kaunlaran (Bluff).Sagutin mo
ang mga pamprosesong tanong ng pasalita at hindi na kailangang isulat ang iyong sagot
sa iyong sagutang papel.

FACT STATEMENT BLUFF


1. Maunlad ang isang bansa
kung hindi lamang pag-
usad sa larangan ng
industriyalisasyon ang
kanyang konsentrasyon
kundi pati ang
pangangalaga at
pagpapanatili sa mga
likas na yaman at sa
kapaligiran nito.

2. Ang bansang maunlad ay


naglalaan ng maraming
oras, programa at pondo
para sa paglilinang ng
mga kakayahan ng
kanyang mga
mamamayan.

3. Walang mangyayaring
brain drain kung ang
pamahalaan ay
mamimigay ng kaukulang
trabaho sa mga Pilipino.

4. Maunlad ang bansa kung


marami sa mamamayan
nito ay manggagawa sa
ibang bansa.

5. Maunlad ang isang bansa


kung ang mga
mamamayan nito ay
nakikilahok sa mga
usaping pam-politika,
pang-ekonomiya, at pang-
sosyal nito.

Page 2 of 7
B. Paghahabi sa layunin ng aralin (Panimula)

Isipin 2: PARAPARAAN TUNGO SA PAG-UNLAD!


Panuto: Magbigay ng tatlong paraan kung paano ka makakatulong sa pag-unlad ng Pilipinas.
Sagutin mo ang pamprosesong tanong ng pasalita at hindi na kailangang isulat ang
iyong sagot sa iyong sagutang papel.
Upang makatulong ako sa pag-unlad ng aking bansa, ako ay:

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin

Isipin 3: LARAWAN SURI!


Panuto: Suriin ang larawan sa ibaba. Sagutin mo ang mga pamprosesong tanong ng
pasalita at hindi na kailangang isulat ang iyong sagot sa iyong sagutang papel.

Pamprosesong Tanong
1. Ano ang kaisipan na ipinapakita ng larawan?
2. Paano nakakamit ng isang bansa tuland ng Pilipinas ang nasa larawan?
3. Paano makatulong ang isang responsible at aktibong mamamayan sa pag-unlad ng
isang bansa?
IKALAWANG ARAW

D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan \\


#1(Paglinang/ Alamin Mo/Paunlarin)

Matapos mong maorganisa ang iyong mga paunang kaalaman tungkol saang gampanin ng
mamamayan ukol sa pag-unlad ng isang bansa, ihanda ang iyong sarili sa susunod na
bahagi ng aralin upang higit mong maunawaan ang iba’t ibang gampanin ng mamamayang
Pilipino upang makatulong sa pambansang kaunlaran.

Sama-Samang Pagkilos para sa Pambansang Kaunlaran

Hindi uunlad ang isang bansa kung hindi tutulong ang kaniyang mga mamamayan. Bawat
isa ay may gampanin sa pag-unlad ng bansa. Maaaring ang pagbibigay ng kontribusyon sa pag-
unlad ng bansa ay sa pamamagitan ng pansariling pagsisikap o sama-samang pagtutulungan.
Ang paglaya sa kakapusan ng bawat isa ay isang paraan na maaaring gawin ng isang indibidwal
sa pamamagitan ng matalinong pamamahala ng pananalapi. Kailangan ng sama-samang
Page 3 of 7
pagkilos ng lahat ng mamamayan. Maaaring gawin ang sumusunod bilang ilan sa mga
estratehiya na makatutulong sa pag-unlad ng bansa:

MAPANAGUTAN
1. Tamang pagbabayad ng buwis. Ang pagkakaroon ng kultura ng tamang pagbabayad ng
buwis ay makakatulong upang magkaroon ang pamahalaan ng sapat na halagang magagamit sa
mga serbisyong panlipunan tulad ng libreng edukasyon, murang programang pangkalusugan, at
iba pa.

2. Makialam. Ang mali ay labanan, ang tama ay ipaglaban. Paglaban sa anomalya at korapsyon
maliit man o malaki sa lahat ng aspekto ng lipunan at pamamahala. Mahalagang itaguyod ng mga
mamamayan ang kultura ng pagiging tapat sa pribado at publikong buhay. Hindi katanggap-
tanggap ang pananahimik at pagsasawalang-kibo ng mamamayan sa mga maling nagaganap sa
loob ng bahay, sa komunidad, sa paaralan, pamahalaan, at sa trabaho.

MAABILIDAD
1. Bumuo o sumali sa kooperatiba. Ang pagiging kasapi ng kooperatiba ay isang paraan upang
magkaroon ng pagkakataon ang bawat isa na maging kasapi sa paglikha ng yaman ng bansa.
Ang kooperatiba ay ang pagsasama-sama ng puhunan ng mga kasapi upang magtayo ng
negosyo na ang makikinabang at tatangkilik ay mga kasapi rin. Ang kanilang kita ay sa
pamamagitan ng pagkakaroon ng dibidendo o hati sa kita batay sa bahagi sa kooperatiba. Ang
nagpapatakbo ng kooperatiba ay mga kasapi ring naniniwala sa sama-samang pag-unlad.

2. Pagnenegosyo. Hindi dapat manatiling manggagawa lamang ang Pilipino. Dapat nating
sikapin na maging negosyante upang tunay na kontrolado ng Pilipino ang kabuhayan ng bansa
at hindi ng mga dayuhan.

MAKABANSA
1. Pakikilahok sa pamamahala ng bansa. Ang aktibong pakikilahok sa pamamahala ng
barangay, gobyernong lokal, at pambansang pamahalaan upang maisulong ang mga adhikain at
pangangailangan ng mga Pilipino ay kailangang gawin ng bawat mamamayan upang umunlad
ang bansa.

2. Pagtangkilik sa mga produktong Pilipino. Ang yaman ng bansa ay nawawala tuwing


tinatangkilik natin ang dayuhang produkto. Dapat nating tangkilikin ang mga produktong Pilipino.

MAALAM
1. Tamang pagboto. Ugaliing pag-aralan ang mga programang pangkaunlaran ng mga
kandidato bago pumili ng iboboto. Dapat din nating suriin ang mga isyung pangkaunlaran ng ating
bansa upang masuri kung sinong kandidato ang may malalim na kabatiran sa mga ito.

2. Pagpapatupad at pakikilahok sa mga proyektong pangkaunlaran sa komunidad. Ang


pag-unlad ay hindi magaganap kung ang pamahalaan lamang ang kikilos. Maaaring manguna
ang mga mamamayan sa pagbuo at pagpapatupad ng mga programang pangkaunlaran. Dapat
ay magkaroon tayo ng malasakit sa ating komunidad upang makabuo at makapagpatupad ng
mga proyektong magpapaunlad sa ating komunidad.

Isipin 4: AKO BILANG MAG- AARAL


Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong gamit ang mga konseptong iyong natutuhan mula
sa binasang teksto. Sagutin mo ang mga pamprosesong tanong ng pasalita at hindi na
kailangang isulat ang iyong sagot sa iyong sagutang papel.

1. Seryoso ang pamahalaan na labanan ang korapsyon, subalit patuloy pa rin ang maling
paggasta ng kaban ng bayan. Bilang isang mapanagutang mag- aaral, Paano ka makatutulong
upang masugpo ito?

2. Maraming tao na ang nagpatunay na hindi hadlang ang kahirapan upang magtagumpay sa
kahit anumang negosyo. Ilan sa mga ito sina Lucio Tan, Henry Sy, at Manny Villar. Bilang isang
maabilidad na mag-aaral, paano ka makapag-aambag sa ekonomiya ng bansa kahit sa maliit
na pamamaraan?

Page 4 of 7
3. Maliban sa mga nabanggit na halimbawa, paano mo ipinakikita ang iyong pagiging
makabansa?
IKATLONG ARAW
E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan (Paglinang/
Alamin Mo/Paunlarin)

Gawain : INVENTORY MO!


Panuto: Ikaw ay gagawa ng imbentaryo ng mga paraan na naisagawa o ginawa ng iyong
pamilya sa pagtugon ng mga suliraning pangkabuhayan na inyong naranasan. Pag-isipan mo
ang mga paraan na naging matagumpay. Punan ang sumusunod na tsart: Sagutin mo ng
pasalita ang Inventory box, hindi na kailangang isulat ang iyong sagot sa iyong
sagutang papel.

SULIRANING PAMARAAN NA EPEKTO


PANGKABUHAYAN NA ISINAGAWA UPANG
NARANASAN NG PAMILYA MASOLUSYUNAN ANG
SULIRANIN
1.
2.
3.

Pamprosesong Tanong: Sagutin mo ang mga pamprosesong tanong ng pasalita at hindi


na kailangang isulat ang iyong sagot sa iyong sagutang papel.

1. Maari kayang magamit ang mga paraan na nabanggit sa araling ito sa pagtugon sa mga
suliraning kinaharap ng inyong pamilya? Paano

2. Ano kaya ang naging susi sa matagumpay na paggamit ng mga paraang iyong sinulat sa
tsart?

F. Paglinang sa Kabihasnan (Gawin Mo/ Pagyamanin)

Isipin 5: PANATA KO!


Panuto: Ang pagkakaroon ng maunlad na ekonomiya ang hangarin ng maraming bansa sa
daigdig.Ilan lamang sa maraming gampanin ang inilahad sa teksto. Sa mga gampaning inisa-isa
sa iyong tekstong binasa, pumili ka ng isang gampanin. Gumawa ka ng isang panata at sagutin
mo ito ng pasalita at hindi na kailangang isulat ang iyong sagot sa iyong sagutang papel.

Pamprosesong Tanong: Sagutin mo ito ng pasalita at hindi na kailangang isulat ang


iyong sagot sa iyong sagutang papel.

1. Bakit mo napiling gawing panata ang nasabing gampanin?


2. Ano-ano ang handa mong gawin para sa ikauunlad ng ating bayan ? Pangatwiranan.
3. Paano mo maihahanda ang iyong sarili para maging isang mapanagutan, maabilidad,
makabansa, at maalam na mamamayan ng Pilipinas sa hinaharap?

G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay (Gawin Mo/ Pagyamanin

Gawain 1 : POSTER-RIFIC (Performance)


Panuto: Gumawa g isang poster na magpapakita kung papaano ka makakatulong upang
makamit ang pambansang kaunlaran. Gawin ito sa isang Long Bond Paper

Page 5 of 7
RUBRIKS SA PAGGAWA NG POSTER
Pamantayan 1 2 3 4
Nilalaman Walang Hindi gaanong Ang Ang mensahe ay
naipakitang naipakita ang mensahe mabisang
mensahe ang mensahe sa ay naipakita sa
poster. poster naipakita poster
sa poster
Pagkamalikhain Walang Hindi gaanong Nagging Lubos na
naipamalas na naipakita ang malikhain nagpamalas ng
pagkamalikhain pagkamalikhain sa pagkamalikhain
sa pagguhit. sa pagguhit. pagguhit. sa pagguhit.
Organisasyon Hindi ganap ang Konsistent, may May Buo ang
pagkakabuo, kaisahan ngunit kaisipan at kaisipan,
kulang ang kulang sa may sapat konsistent, at
detalye at hindi detalye at hindi na detalye kumpleto ang
malinaw ang gaanong at malinaw detalye at
intension. malinaw ang na napakalinaw.
intension. intension.
Kaangkupan sa Hindi angkop Hindi gaanong Angkop Angkop na
paksa ang poster sa angkop ang ang poster angkop ang
paksa. poster sa paksa sa paksa poster sa paksa

IKAAPAT NA ARAW
H. Paglalahat ng Aralin (Tandaan Mo/ Pagyamanin at Isaisip)

Isipin 6: DEAR DIARY

Ngayon natutuhan mo na ang kahalagahan ng sama-samang pagkilos tungo sa


pagkakamit ng pambansang kaunlaran,gumawa ka ng sarili mong tala-arawan (Diary) sa
iyong natutuhan ukol sa aralin. Hindi na ito isusulat sa iyong sagutang papel

Binabati kita! Matagumpay mong nagawa ang lahat ng mga gawain. Patunay ito
na handa ka na sa maikling pagsusulit na iyong gagawin.

I. Pagtataya ng Aralin (Natutuhan Ko/Isagawa) (Pagsusulit)

I. Panuto: TAMA o MALI: Isulat ang TUMPAK kung ang isinasaad ng pahayag ay tama at
LAGAPAK kung ang pahayag ay mali. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

________1. Ang pag-unlad ay hindi magaganap kung ang pamahalaan lamang ang kikilos.
Mahalaga ang partisipasyon ng mga mamamayan upang ang mga programang
pangkaunlaran ay maisakatuparan.
________2. katanggap-tanggap ang pananahimik at pagsasawalang-kibo ng mamamayan sa
mga maling nagaganap sa loob ng bahay, sa komunidad, sa paaralan, pamahalaan,
at sa trabaho.
________3. Ang pagiging kasapi ng kooperatiba ay isang paraan upang magkaroon ng
pagkakataon ang bawat isa na maging kasapi sa paglikha ng yaman ng bansa
________4. Ang yaman ng bansa ay lumalaki tuwing tinatangkilik natin ang dayuhang produkto.
________5. Ang aktibong pakikilahok sa pamamahala ng barangay, gobyernong lokal, at

Page 6 of 7
pambansang pamahalaan upang maisulong ang mga adhikain at pangangailangan
ng mga Pilipino ay kailangang gawin ng bawat mamamayan upang umunlad ang
bansa.

II. Panuto: Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon sa ibaba at sagutan ang mga
pamprosesong tanong at isulat ito sa sagutang papel.

a) Nawalan ng hanapbuhay ang iyong mga magulang dahil sa pagbabawas ng kanilang


kumpanya ng mga trabahador sanhi ng pandemya. Dahil sa kawalan ng naipon na pera para sa
mga sitwasyong ganito ay laging nag-aaway ang iyong mga magulang. Sila ay nagsisisihan at
nagsusumbatan kung sino ang may mali. Kapwa sila nawalan ng lakas ng loob. Ang tatay mo ay
natutong uminom ng alak habang ang nanay mo naman ay naglalabada upang may
panggastos sa araw araw. Ano ang yong gagawin? Magbigay ng tatlong hakbang na iyong
maisasagawa na nagpapakita ng paglalapat ng mga natutuhan mo sa mga nakaraang aralin.
1. ____________________________________________________________________
2. ____________________________________________________________________
3. ____________________________________________________________________

b) Ang inyong kapitbahayan ay magulo, maingay, at maraming tambay. Maghapong nagsusugal


ang mga kababaihan. Sila ay nagbabakasakali na swertihin at mayroon silang maipandagdag sa
gastusin sa bahay. Ang mga kalalakihan naman at mga tambay at nag-iinuman magdamag. Ang
mga bata naman ay pinababayaan sa paglalaro maghapon sa kalsada dahil sa masisikip ang
mga bahay. Ang mga kabataan ay maagang nagsisipag-asawa dahil sa maagang
pagbubuntis. Ang mga ilan na nakatapos ng pag-aaral ay hindi makakuha ng trabaho. Ano ang
maaaring magawa upang mapabuti ang lugar na ito? Magbigay ng limang hakbang na iyong
maisasagawa na nagpapakita ng paglalapat ng mga natutuhan mo sa mga nakaraang aralin.
1. ____________________________________________________________________
2. ____________________________________________________________________
3. ____________________________________________________________________
4. ____________________________________________________________________
5. ____________________________________________________________________

IKALIMANG ARAW
J. Karagdagang Gawain at Remediation

Isaisip 7 : AKSYON PARA SA PAGBABAGO


Panuto: Ang bahaging ito ay sasagutan mo ng pasalita hindi na kinakailangang isulat
ang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Anong mahalagang papel ang ginagampanan ng mga mamamayan upang makamit ang
pambansang kaunlaran ?

2. Paano makatutulong ang mga mamamayan ng isang bansa upang makamit nito ang isang
maunlad at matatag na ekonomiya?

Mahusay! Natapos mo na ang mga gawain para sa linggong ito

Page 7 of 7
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region III
Division of City of San Fernando (P)
PAMPANGA HIGH SCHOOL
Lourdes, City of San Fernando, Pampanga

Araling Panlipunan
PAKSA
9
SEKTOR NG AGRIKULTURA
IKA-APAT NA MARKAHAN (WEEK 3)
ARAW NG MGA GAWAIN BILANG NG MGA KABUUANG
PAGSAGOT KATANUNGAN PUNTOS
Unang A. Isipin 1 : Ideya-konek! Ang gawaing ito ay susukat sa
Araw B. Isipin 2 : Kantang Bayan-Alam ko! iyong paunang kaalaman
C. Isipin 3 : Pamprosesong Tanong
Ikalawang D. Isipin 4: Larawan-Kilalanin! Pagyamanin
Araw
Ikatlong E. Gawain : Solusyon Ikamo? Pagyamanin
Araw

F. Isipin 5 : Ripples of Knowledge Pagyamanin

Ikaapat na G. Gawain 1: Agri-Logo Performance Task 15 puntos


araw H. Isipin 6 : Final na kaalaman
Pagyamanin
Ikalimang I. Pagtataya Pagsusulit 15 puntos
Araw J. Isipin 7: Karagdagang Gawain
AGRI-DIS-AGRI

A. Pamantayang Pangnilalaman(Content Standards):


Ang mag-aaral ay may pag-unawa sa mga sektor ng ekonomiya at mga patakarang
pangekonomiya nito sa harap ng mga hamon at pwersa tungo sa pambansang
pagsulong at pagunlad
B. Pamantayan sa Pagganap(Performance Standards):
Ang mag-aaral ay aktibong nakikibahagi sa maayos na pagpapatupad at
pagpapabuti ng mga sektor ng ekonomiya at mga patakarang pang- ekonomiya
nito tungo sa pambansang pagsulong at pag-unlad
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto/Most Essential Learning Competencies

MELC No. 3 - Nasusuri ang bahaging ginagampanan ng agrikultura, pangingisda, at


paggugubat sa ekonomiya
MELC No. 4 - Nasusuri ang mga dahilan at epekto ng suliranin ng sektor ng agrikultura,
pangingisda, at paggugubat
MELC No. 5 - Nabibigyang-halaga ang mga patakarang pang- ekonomiya
nakatutulong sa sektor ng agrikultura (industriya ng agrikultura, pangingisda, at
paggugubat)

Page 1 of 14
D. Layunin (Objectives):

1. Nakatutukoy at nasusuri ang agrikultura, pangingisda at paggugubat.


2. Nasusuri ang bahaging ginagampanan ng sektor ng agrikultura sa ekonomiya.
3. Nasusuri ang mga dahilan at epekto ng suliranin ng sektor ng agrikultura, pangingisda,
at paggugubat sa bawat Pilipino
4. Nabibigyang halaga ang mga patakarang pang-ekonomiya na nakatutulong sa sektor ng
agrikultura.
5. Nakagagawa ng logo patungkol sa sektor ng agrikultura

I. NILALAMAN(Content):
Kagamitang Panturo (Learning Resources)
A. Sanggunian (References)
1. Mga pahina sa Kagamitang Pang-mag-aaral (LMs 2015) p.
LMs 2017) p. 403-425
2. Mga pahina sa Teksbuk (Other references):
B. Iba pang Kagamitang Panturo: mga larawan

UNANG ARAW
II. PAMAMARAAN(Procedures):
A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin (Subukin):

Sa nakaraang aralin, tinalakay natin ang kahulugan at palatandaan ng kaunlaran.


Ipinaunawa sa atin ang kahulugan at mahahalagang impormasyong dapat makita upang
masukat ang kaunlaran ng isang bansa. Ipinakilala rin ang iba’t ibang elemento sa buhay at
kapaligiran bilang indikasyon ng kalidad sa pamumuhay ng mga tao. Kaugnay nito, ating
kikilalanin at aalamin ang kalagayan ng mga sektor ng ekonomiya na batayan sa pagsukat ng
mga produkto at serbisyo na nagagawa ng bansa, gayundin ang kontribusyon ng mga ito sa
pagtatamo ng kaunlaran.

Sisimulan natin ang pagtalakay sa Sektor ng Agrikultura. Ating susuriin kung ano ang
kahalagahan ng sektor na ito sa pang-araw-araw na buhay ng mga Pilipino. Iisa-isahin din natin
ang mga suliraning kinakaharap nito at ang mga patakarang pang- ekonomiyang itinataguyod ng
pamahalaan upang mapalakas ang sektor. Sama-sama nating unawain ang papel ng agrikultura
at ang kaugnayan nito sa pagkakaroon ng matiwasay na pamumuhay ng bawat mamamayan.

Bago ka magsimula sa pagbabasa ng araling ito, subukin mong sagutan ang


panimulang pagtataya upang masukat ang lawak ng kaalaman mo tungkol sa aralin.
Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

Huwag kang mangamba sa pagsagot. May mga tulong sapag-aaral na inihanda para sa
iyo. Maaari mo nang simulan ang pagsagot.

PAUNANG PAGTATAYA:
Gawain : IDEYA-KONEK!
PAALALA: Sagutin ang bahaging ito ng pasalita o sa iyong isip lamang, hindi na
kailangan na isulat pa ang sagot sa iyong sagutang papel.
Ihalintulad ang sarili sa isang puno na nasa larawan. Sukatin natin ang iyong kaa- laman tulad
sa lalim ng ugat ng puno. Kung gaano kalalim ang ugat ng isang puno, ganoon din kalalim ang
kaalaman mo sa sektor ng agrikultura. Sagutin ang tanong sa ibaba.

Page 2 of 14
Ano ang alam ko sa sektor
ng agrikultura?

Matapos mong maorganisa ang iyong mga paunang kaalaman tungkol sa sektor ng
agrikultura, ihanda ang iyong sarili sa susunod na bahagi ng aralin upang higit mong
maunawaan ng mas malalim ang konsepto ng sektor na ito.

Alamin:

Ang mga gawain sa bahaging ito ay tutuklas sa iyong kaalaman tungkol sa sektor
ng agrikultura at kung ano ang bahaging ginagampanan ng sektor na ito sa
ekonomiya ng bansa.

B. Paghahabi sa layunin ng aralin (Panimula)

Gawain : KANTANG BAYAN – ALAM KO!

Mag-isip ng limang bagay o anoman na pumapasok sa isip mo kapag binabasa,


naririnig o inaawit ang ‘Magtanim ay ‘Di Biro’?
Magtanim ay di biro Kay-pagkasawing-palad Halina, halina, mga kaliyag,
Maghapong nakayuko Ng inianak sa hirap, Tayo’y magsipag-unat-unat.
Di naman makatayo Ang bisig kung di iunat, Magpanibago tayo ng lakas
Di naman makaupo Di kumita ng pilak Para sa araw ng bukas

Bisig ko’y namamanhid Sa umagang pagkagising (Braso ko’y namamanhid


Baywang ko’y Lahat ay iisipin Baywang ko’y nangangawit.
nangangawit. Kung saan may patanim Binti ko’y namimintig
Binti ko’y namimintig May masarap na Sa pagkababad sa tubig.)
Sa pagkababad sa tubig. pagkain.
Pinagkunan: Retrieved from http://tagaloglang.com/Filipino-Music/Tagalog-Folk-
Songs/magtanim-ay-di-biro.html on January 13, 2015

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin

PAALALA: Sagutin ang bahaging ito ng pasalita o sa iyong isip lamang,


hindi na kailangan na isulat pa ang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Bakit ang limang bagay na ito ang naisip mo kaugnay ng awiting “Magtanim
ay Di Biro”?
2. Ano ang nabubuo o pumapasok sa isipan mo habang inaawit ang “Magtanim
ay Di Biro”?
3. Anong sektor ng ekonomiya nabibilang ang tema ng awitin? Ipaliwanag.

Page 3 of 14
Sa susunod na bahagi ay sasagutan moa ng isang diagram upang inisyal
na masukat ang iyong nalalaman tungkol sa sektor ng agrikultura

IKALAWANG ARAW

D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan \\


#1(Paglinang/ Alamin Mo/Paunlarin)

ANG SEKTOR NG AGRIKULTURA


Humigit kumulang na 7,100 isla ang bumubuo sa Pilipinas. Dahil sa lawak at dami ng mga
lupain, napabilang ang Pilipinas sa mga bansang agrikultural dahil malaking bahagi nito ang
ginagamit sa mga gawaing pang-agrikultura. Sa katunayan, malaking bilang ng mga
mamamayan ang nasa sektor na ito ng ekonomiya tulad ng ipinakikita sa Talahanayan 1.
Makikita na sa taong 2010, nasa mahigit 12 milyong Pilipinong manggagawa ang kabilang dito,
pangalawa sa sektor ng paglilingkod na nakapagbibigay ng hanapbuhay sa mga Pilipino.
Malaking bahagi ng ekonomiya ay nakadepende sa sektor ng agrikultura. Sinasabing ito ang
nagtataguyod sa malaking bahagdan ng ekonomiya dahil ang lahat ng sektor ay umaasa sa
agrikultura upang matugunan ang pangangailangan sa pagkain at mga hilaw na sangkap na
kailangan sa produksiyon.
Nahahati ang sektor ng agrikultura sa paghahalaman (farming), paghahayupan (livestock),
pangingisda (fishery), at paggugubat (forestry).
• Paghahalaman. Maraming mga pangunahing pananim ang bansa tulad ng palay, mais,
niyog, tubo, saging, pinya, kape, mangga, tabako, at abaka. Ang mga pananim na ito ay
karaniwang kinokonsumo sa loob at labas ng bansa. Ayon sa National Statistical
Coordination Board (NSCB), tinatayang umabot ang kabuuang kita ng sekondaryang
sektor na ito sa Php797.731 bilyon noong 2012. Ito ay nagmula sa mga produktong palay,
mais, at iba pang pangunahing pananim ng Pilipinas. Kasama rin dito ang produksiyon ng
gulay, halamang- gubat, at halamang mayaman sa hibla (fiber). Gayundin ang mani,
kamoteng kahoy, kamote, bawang, sibuyas, kamatis, repolyo, talong, at kalamansi.

• Paghahayupan. Ang paghahayupan naman ay binubuo ng pag-aalaga ng kalabaw, baka,


kambing, baboy, manok, at pato. Ang paghahayupan ay nakatutulong sa pag-supply ng
ating mga pangangailangan sa karne at iba pang pagkain. Ang paghahayupan ay gawaing
pangkabuhayang kinabibilangan ng ating mga tagapag-alaga ng hayop. Mayroon ding
mga pribadong korporasyon na nasa ganitong hanapbuhay.

• Pangingisda. Itinuturing ang Pilipinas bilang isa sa mga pinakamalaking tagatustos ng


isda sa buong mundo. Isa sa pinakamalalaking daungan ng mga huling isda ay
matatagpuan sa ating bansa. Samantala, ang pangingisda ay nauuri sa tatlo - komersiyal,
munisipal at aquaculture. Ang komersyal na pangingisda ay tumutukoy sa uri ng
pangingisdang gumagamit ng mga bangka na may kapasidad na hihigit sa tatlong
tonelada para sa mga gawaing pangkalakalan o pagnenegosyo. Sakop ng operasyon ay
15 kilometro sa labas ng nasasakupanng pamahalaang bayan. Ang munisipal na
pangingisda ay nagaganap sa loob ng 15 kilometro sakop ng munisipyo at gumagamit ng
bangka na may kapasidad na tatlong tonelada o mas mababa pa na hindi
nangangailangan na gumamit ng mga fishing vessel. Ang pangisdang aquaculture naman
ay tumutukoy sa pag-aalaga at paglinang ng mga isda at iba pang uri nito mula sa iba’t
ibang uri ng tubig pangisdaan - fresh (tabang), brackish (maalat-alat) at marine (maalat)
(BOI, 2011). Sa mga ito, ang aquaculture ang pinakamalaki ang naitala sa kabuuang
produksiyon ng pangisdaan na umabot sa Php92,289.9 bilyon noong 2012. Kasunod nito
ang pangisdaang munisipal na may Php79,527.4 bilyon at komersyal na may Php65,894.2
Page 4 of 14
bilyon. Bahagi din ng gawaing pangingisda ay ang panghuhuli ng hipon, sugpo, at pag-
aalaga ng mga damong dagat na ginagamit sa paggawa ng gulaman.

• Paggugubat. Ang paggugubat ay isang pangunahing pang-ekonomikong gawain sa


sektor ng agrikultura. Patuloy na nililinang ang ating mga kagubatan bagamat tayo ay
nahaharap sa suliranin ng pagkaubos ng mga yaman nito. Mahalaga itong pinagkukunan
ng plywood, tabla, troso, at veneer. Bukod sa mga nabanggit na produkto, pinagkakakitaan
din ang rattan, nipa, anahaw, kawayan, pulot-pukyutan at dagta ng almaciga.
Makikita sa Talahanayan 2 ang natamong kita ng sektor ng agrikultura para sa
taong 2012. Batay rito, ang 50% ng kabuuang ani ay mula sa iba’t ibang tanim kung
saan ang may pinakamataas na bahagdan ay palay na nasa 20%. Samantala, nasa 6%
naman ang pinagsama-samang dami ng tubo, mangga, at pinya. Ang paghahayupan
naman ay nakapagtala ng 13% kung saan ang pagmamanukan ay may 11% na bahagi.
Sa aspeto naman ng pangisdaan, mayroong 19% na kinita para sa nasabing taon.
Sa kabuuan, nakapag-ambag ang sektor ng agrikultura ng Php1,247 bilyon
(current prices) sa buong GDP ng bansa (Php10,565 B). Ito ay malaking bagay sa
Pilipinas na may malaking populasyon at umaasa sa bigas at pagkaing nagmula sa tubig
at pagsasaka.
GNI (at current prices): Php12,609 billion
(at constant 2000 prices): Php 7,497 billion
GDP (at current prices): Php10,565 billion
(at constant 2000 prices): Php 6,312 billion
Share of agriculture in GDP 11%
GVA in agriculture and
fishing
(at current prices): Php 1,247 billion
(at constant 2000 prices): Php 695 billion
Distribution by sub-sector: Crops: 50%:
palay 20% , corn 6%, coconut 4%, banana
5%
sugarcane 2%, mango 2%, pineapple 2%,
others 9%
Livestock: 13%
Poultry: 11%
Fishery: 19%
Agricultural activities and services : 7%

Pinagkunan: Bureau of Agriculture. 2012. Retrieved from countrystat.bas.gov.ph. on


September 14, 2014
Kahalagahan ng Agrikultura
Ang pag-unlad ng isang bansa ay nakabatay sa laki at taas ng kita ng mga sektor ng
ekonomiya. Mahalagang mapagtuunan ng pansin ng pamahalaan ang lahat ng sektor,
partikular ang agrikultura sapagkat dito nagmumula ang mga pagkain na tumutugon sa
pangangailangan ng mamamayan.

Dahil dito, ang agrikulura ay nararapat na bigyang-pansin upang mapalakas at maging katuwang
ng pamahalaan sa pagkakamit ng kaunlaran ayon sa sumusunod na kahalagahan:

1. Ang agrikultura ay pangunahing pinagmumulan ng pagkain. Ang lupain ng Pilipinas ay


akma na tamnan ng mga produktong tulad ng palay, mais, tubo, patatas, at iba pa. Mayroon
ding inaaning mga prutas tulad ng mangga, pinya, kopra, at saging. Mainam din ang
temperatura dito bilang lokasyon sa pag aalaga ng mga hayop na ginagamit sa mga pang-
araw-araw na pangangailangan ng mga tao. Mayroon ding sapat na mapagkukunan ng mga
pagkaing mula sa katubigan. Ang agrikultura ay isang napakahalagang sektor sa bansa dahil
ito ang pinagmumulan ng mga pagkain ng mamamayan.

Page 5 of 14
2. Pinagkukunan ng materyal para makabuo ng bagong produkto. Nagmumula sa sektor
na ito ang mga hilaw na sangkap mula sa kagubatan, kabukiran, at karagatan na maaaring
gamitin sa produksiyon. Halimbawa, ang puno na pinagmumulan ng goma ay gamit para sa
paggawa ng gulong; bulak at halamang mayaman sa hibla para sa tela at sinulid; kahoy para
sa mga muwebles; at dahon at ugat para sa pagkain, kemikal, o gamot.

3. Pinagkukunan ng kitang panlabas. Isang mahalagang pinagkukunan ng dolyar ng Pilipinas


ay mula sa mga produktong agrikultural na naibebenta sa pandaigdigang pamilihan.
Kabilang sa mga iniluluwas ng bansa na pinagmumulan ng kitang dolyar ang kopra, hipon,
prutas, abaka, at iba pang mga hilaw na sangkap na ginagamit sa pagbuo ng iba’t ibang
produkto.

4. Pangunahing nagbibigay ng trabaho sa mga Pilipino. Ayon sa National Statistics Office


(NSO) para sa taong 2012, 32% ng mga Pilipinong may trabaho ay nabibilang sa sektor
ng agrikultura. Karaniwan silang nagtatrabaho bilang mga magsasaka, mangingisda, minero,
o tagapag- alaga sa paghahayupan.

5. Pinagkukunan ng Sobrang Manggagawa mula sa Sektor Agrikultural patungo sa


Sektor ng Industriya at Paglilingkod. Sa patuloy na pag- unlad ng teknolohiya na
ginagamit sa agrikultura at ang patuloy na pagliit ng lupa para sa pagtatanim dahil sa paglaki
ng populasyon, ang mga sobrang manggagawa ay pinakikinabangan ng sektor ng industriya
at paglilingkod batay sa laki ng demand sa mga ito
Sa pangkalahatan, ipinakikita nito na ang sektor ng agrikultura ay isang mahalagang
tagapagtaguyod ng ekonomiya ng bansa. Katuwang ito ng pamahalaan sa pagpapalakas at
pagtugon sa mga pangunahing pangangailangan ng mamamayan mula sa mga pagkain
hanggang sa mga sangkap ng produksiyon. Ang kasiguraduhang sapat ang kalakasang pisikal at
kasaganaan sa bawat tahanan ay maaaring may positibong epekto sa isang bansa. Samantala,
kung hihigit sa pangangailangan ng bayan ang magagawa, maaari itong maging mga produkto
na ikakalakal sa labas ng bansa. Sa gayon, ang sektor ay magiging isang matibay na sandigan
ng bayan upang makamit ang inaasam nitong kaunlaran.

GAWAIN : Larawan! Kilalanin!


Batay sa iyong binasa, isulat ang bahaging ginagampanan ng bawat gawaing nakapaloob sa
sektor ng agrikultura.

Page 6 of 14
Pamprosesong Tanong:
1. Ano-ano ang bumubuo sa sektor ng agrikultura?
2. Paano nakatutulong ang sektor ng agrikultura sa pamumuhay ng tao sa komunidad?
3. Sa iyong palagay, sapat ba ang naitutulong o pagtugon ng sektor ng agrikultura sa mga
pangangailangan ng maraming Pilipino? Bakit?

IKATLONG ARAW
E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan (Paglinang/
Alamin Mo/Paunlarin)

Suliranin sa Sektor ng Agrikultura


Malaki ang kontribusyon ng agrikultura sa ating pambansang ekonomiya. Para sa taong 2012,
ang 11% ng kabuuang kita ng ekonomiya ay nagmula sa sektor na ito (NSCB). Sa pangkalahatan,
kung ating titingnan ang talahanayan 3, makikita ang naging kontribusyon ng agrikultura sa kita
ng bansa sa iba’t ibang panahon. Gayumpaman, kapuna-puna mula rito ang mabagal na pag-
unlad kung ikokompara sa sektor ng paglilingkod. Ilan sa mga ito ay anG …

A. PAGSASAKA
1. Pagliit ng lupang pansakahan.
Ang patuloy na paglaki ng populasyon, paglawak ng panirahan, komersiyo, at industriya ay
nagdudulot ng pagliit ng mga takdang lupain para sa pagsasaka. Dahil dito, kinakailangang
mapalakas ang pagiging produktibo ng mga natitirang lupain sa agrikultura upang makaagapay
sa patuloy na paglobo ng populasyon ng bansa na nasa 100 milyon ngayong 2014. Kaakibat ng
suliraning ito ang conversion o pagpapalit ng mga kagubatan at kabundukan upang maging
pansakahan na nagiging dahilan sa pagkasira ng natural na tahanan (natural habitat) ng mga
hayop at halaman (Adler, 2002). Ang ganitong sistema ay nakapagdudulot ng higit pang mga
suliranin kung hindi magkakaisa ang mamamayan at pamahalaan na mapabuti ang kalagayan ng
ating kapaligiran.

2. Paggamit ng teknolohiya.
Ang kakayahang mapataas ang produksiyon ng lupa ay higit na makakamit sa pamamagitan ng
paggamit ng teknolohiya. Ang makabagong kaalaman sa paggamit ng mga pataba, pamuksa ng
peste, at makabagong teknolohiya sa pagtatanim ay magiging kapaki-pakinabang lalo sa hamon
ng lumalaking populasyon. Ayon kay Cielito Habito (2005), ang kakulangan ng pamahalaan na
bumalangkas ng isang polisiya na magbibigay-daan sa isang kapaligirang angkop sa
pagpapalakas ng ating agrikultura ang isa sa mga kahinaang dapat matugunan. Dahil dito, ang
pagpapatatag sa antas ng teknolohiya sa sektor ng agrikultura ay nangangailangan ng agarang
atensiyon ng pamahalaan.

3. Kakulangan ng mga pasilidad at imprastruktura sa kabukiran.


Isa rin sa mga dapat na mabigyan ng atensiyon ay ang kakulangan sa mga imprastrukturang
magagamit ng ating mga magsasaka. Isa ito sa mga nakita nina Dy (2005), at Habito at Bautista
(2005) batay sa isinulat nina Habito at Briones (2005) na kinakailangang matugunan. Ang Batas
Republika 8435 (Agriculture and Fisheries Modernization Act of 1997) ay naghahangad ng
modernisasyon sa maraming aspekto ng sektor upang masiguro ang pagpapaunlad dito.
Inaasahang sa wastong pagpapatupad ay matutugunan ang ilang suliranin sa irigasyon, farm-to-
market-road, at iba pa. Sa panahon ng panunungkulan ni Pangulong Benigno S. Aquino III, ang
pamahalaan ay nakapagsagawa ng mga kalsada at iba pang kaugnay na proyektong
nagkakahalaga ng P8.3 B. May kabuuang 1,147 na pamayanan ang naikonekta sa mga
pangunahing daanan mula noong 2011.

4. Kakulangan ng suporta mula sa iba pang sektor.


Ang pagtutulungan sa loob at labas ng sektor ay magtutulak upang higit na maging matatag ang
agrikultura. Ayon sa Batas Republika 8435, ang pagtutulungan ng iba’t ibang ahensiya ng
pamahalaan ay binigyang- diin bilang suporta sa implementasyon ng modernisasyon sa
agrikultura. Ang pagsusulong sa batas na ito ay isang pagkilala sa napakaraming
pangangailangang maaaring hindi kayanin ng departamento nang mag- isa. Ang suliranin sa
irigasyon, enerhiya, komunikasyon, impormasyon, at edukasyon ay mga tungkulin na maibibigay
Page 7 of 14
ng mga ahensyang ang pangunahing responsibilidad ay tungkol sa mga nabanggit. Halimbawa,
ang Land Bank of the Philippines ay partikular na makatutulong upang makapagpautang sa mga
magsasaka upang tugunan ang mga pangunahing pangangailangan sa pagtatanim tulad ng
gastusin sa abono, butil, at iba pa.

5. Pagbibigay-prayoridad sa sektor ng industriya.


Isa sa mga nagpahina sa kalagayan ng agrikultura ayon kina Habito at Briones (2005) ay ang
naging prayoridad ng pamahalaan sa pagbibigay ng proteksiyon sa mga favored import sa
pandaigdigang pamilihan. Ito ay nabanggit din sa website na oxfordbusinessgroup.com. Ang
kawalan at pagbibigay ng bigat sa industriya ang nagpahina sa agrikultura. Mas binibigyan ng
pamahalaan ng maraming proteksiyon at pangangalaga ang industriya. Dahil dito, nawawalan ng
mga manggagawa at mamumuhunan sa sektor ng agrikultura. Mas pipiliin pa nila ang pumunta
sa industriya dahil sa mga insentibo rito na nagbunga sa pagbaba ng produksiyon at kita sa
agrikultura.

6. Pagdagsa ng mga dayuhang kalakal.


Isang malaking kompetisyon ang kasalukuyang hinaharap ng bansa dulot ng pagdagsa ng mga
dayuhang kalakal. Maraming magsasaka ang nahihirapang makipaglaban sa presyo ng mga
murang produkto mula sa ibang bansa. Bunga ito ng pagpasok ng pamahalaan sa WorldTrade
Organization (WTO) kung saan madaling makapasok ang mga produktong mula sa mga
miyembro nito. Dahil dito, maraming magsasaka ang naapektuhan, huminto, at sa kalaunan ay
ipinagbili na lamang ang kanilang mga lupa upang maging bahagi ng mga subdibisyon.

7. Climate Change.
Ang patuloy na epekto ng Climate Change ay lubhang nakaaapekto sa bansa tulad ng pagdating
ng bagyong Yolanda na may pambihirang lakas noong 2013. Milyon – milyong piso ang halaga
ng mga nasirang kabuhayan at personal na mga gamit. Maaaring mabawasan ang epekto ng
pagbabagong ito sa klima ng mundo kung magkakaisa ang mga bansang iwasan ang mga
dahilang nagpapalala at nagpapabago sa klima ng mundo.

B. PANGISDAAN
1. Mapanirang operasyon ng malalaking komersiyal na mangingisda.
Mula sa aklat nina Balitao et al (2012), ang malalaki at komersiyal na barko na ginagamit sa
paghuli ng mga isda ay nakaaapekto at nakasisira sa mga korales. Bunga ito ng pamamaraang
thrawl fishing na kung saan ang mga mangingisda ay gumagamit ng malalaking lambat na may
pabigat. Ito ay hinihila upang mahuli ang lahat ng isdang madaanan, maliit man o malaki. Dahil
dito, pati ang mga korales na nagsisilbing itlugan at bahay ng mga isda ay nasisira. Sinusugan
ito ni Michael Alessi (2002) na nagsabi na sa kabila ng mga polisiya sa Pilipinas, bukas sa lahat
at halos hindi nababantayan ng mga namamahala ang mga mangingisda kaya marami ng reefs
ang namatay o nasira. Kung hindi magbabago at mapipigilan ang mga mangingisdang ito,
darating ang panahong mauubos ang mga isda na isa sa mga pangunahing pagkain ng
mamamayan.

2. Epekto ng polusyon sa pangisdaan.


Binanggit din sa aklat nina Balitao et al (2012) ang patuloy na pagkasira ng Laguna de Bay at
Manila Bay dahil sa mga polusyon na nagmumula sa mga tahanan, agrikultura, at industriya. Ang
mga dumi ng tao, mga kemikal na sangkap sa mga abono o pataba na gamit sa pagtatanim, at
mga kemikal na mula sa mga pabrika ay pumapatay sa mga anyong-tubig ng bansa. Dahil sa
polusyon, ang mga yamang-tubig ay naaapektuhan at maaaring makaapekto rin sa mga
mamamayan sa pagdating ng panahon.

3. Lumalaking populasyon sa bansa.


Ang patuloy na pagtaas sa bilang ng mga mamamayang Pilipino ay nagdudulot ng mataas na
pressure sa yamang tubig ng bansa at sa lahat ng yamang-likas, sa kabuuan. Kung hindi
magkakaroon ng patuloy na pag-unlad, halimbawa sa teknolohiya, mahihirapang makaagapay
ang bansa sa lumalaking pangangailangan ng mamamayan dulot ng pagdami ng tao. Kung
magkagayon, maaaring maganap ang sapantaha ni Thomas Malthus na ang patuloy na paglaki
ng populasyon ay maaaring magdulot ng kahirapan na sa kalaunan ay kakulangan sa pagkain.

Page 8 of 14
Dahil habang lumalaki ang bilang ng populasyon, unti-unti rin ang pagbaba sa bilang ng mga
yamang-dagat at lahat ng likas na yaman dahil sa dami ng kumokonsumo.

4. Kahirapan sa hanay ng mga mangingisda.


Ang mga magsasaka at mangingisda ay isa sa may pinakamababang sahod na natatanggap.
Dahil dito, sila ay nabibilang sa mga pangkat na hikahos sa buhay. Ayon kay Jose Ramon Albert
(2013), ‘hindi kataka- taka na sa lahat ng sektor, ang mga mangingisda (41.4%) at magsasaka
(36.7%) ang may pinakamataas na poverty incidence noong 2009. Ito ay kapansin-pansin na mas
mataas nang bahagya sa kabuuang populasyon ng mahihirap sa ating bansa (26.5%)’. Ang
mababang kita sa uri na ito ng hanapbuhay ay hindi naghihikayat sa mga batang miyembro ng
kanilang pamilya na manatili sa sektor. Dahil dito, karaniwan ng makikita ang kanilang pagpunta
sa mga kalunsuran upang makipagsapalaran.

C. PAGGUGUBAT
1. Mabilis na pagkaubos ng mga likas na yaman lalo na ng kagubatan.
Malawakan ang paggamit sa ating mga likas na yaman. Mabilis na nauubos ito dahil sa mga
pangangailangan sa mga hilaw na sangkap sa produksiyon tulad ng mga troso at mineral.

• Dahil dito, nababawasan ang suplay ng mga hilaw na sangkap na ginagamit ng mga
industriya.
• Sa pagkawala ng mga kagubatan, nawawalan ng tirahan ang mga hayop kaya hindi sila
makapagparami.
• Nagiging sanhi rin ito ng pagbaha na sumisira sa libo-libong ektaryang pananim taon-
taon.
• Naapektuhan din ng pagkaubos ng mga watershed ang suplay ng tubig na ginagamit sa
irigasyon ng mga sakahan.
• Ang pagkaubos ng kagubatan ay nagdudulot din ng pagguho ng lupa. Dahil sa kawalan
ng mga puno, natatangay ng agos ng tubig ang lupa sa ibabaw, kasama ang sustansiya
nito. Hindi nagiging produktibo ang mga pananim na itinatanim dito.

Gawain : Solusyon ikamo?


Panuto: Magbigay ka ng 4 na suliranin na kinahaharap ng Sektor ng Agrikultura. Ang
gawaing ito ay sasagutan na lamang ng pasalita, hindi na isusulat ang sagot sa iyong
sagutang papel.

SULIRANIN NG
AGRIKULTURA

Pamprosesong Tanong: Sagutin ang mga katanungan ng pasalita hindi na kailangang


isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Ano-ano ang dapat na gawin ng mga mamamayan at ng pamahalaan upang mabigyang
solusyon ang mga suliranin na kinahaharap ng Sektor ng Agrikultura?
Page 9 of 14
2. Ano ang iyong maaaring maiambag upang maging kabahagi sa pagtugon sa
mga suliranin sa sektor ng agrikultura
F. Paglinang sa Kabihasnan (Gawin Mo/ Pagyamanin)
Mga Patakaran at Programa upang Mapaunlad ang Sektor ng Agrikultura

Maraming batas at programa ang pamahalaan na ginawa upang mapalakas ang sektor ng
agrikultura. Hindi maitatanggi ang kasalukuyang kalagayan ng agrikultura at ng mga
mamamayang dito umaasa. Ang mga suliraning kinakaharap nito ay bunga ng mga nakaraan at
kasalukuyang desisyon na ginawa ng mga mamumuno ng bayan, gayundin ng mga mamamayan
na naging mapang-abuso sa likas na yaman ng bansa. Dahil dito, dapat nang mapag-ibayo ang
implementasyon ng mga batas at programa upang masiguro ang kaayusan sa sektor ng
agrikultura.
MGA BATAS TUNGKOL SA SEKTOR NG AGRIKULTURA
MGA BATAS TUNGKOL SA LUPA
1. Land Ito ay sistemang Torrens sa panahon ng pananakop ng
Registration mga Amerikano na kung saan ang mga titulo ng lupa ay
Act ng 1902 ipinatalang lahat.
Nakapaloob dito ang pamamahagi ng mga lupaing
2. Public Land pampublilko sa mga pamilya na nagbubungkal ng lupa. Ang bawat
Act ng 1902 pamilya ay maaaring magmay-ari ng hindi hihigit sa 16 na ektarya
ng lupain.
Nakapaloob dito ang pagtatatag sa National Resettlement
3. Batas and Rehabilitation Administration (NARRA) na pangunahing
Republika Bilang nangangasiwa sa pamamahagi ng mga lupain para sa mga
1160 rebeldeng nagbalik loob sa pamahalaan. Kasama rin sa mga
binibigyan nila ay ang mga pamilyang walang lupa.

4. Batas Ito ay batas na nagbibigay-proteksiyon laban sa pang-


Republika Blg. aabuso, pagsasamantala, at pandaraya ng mga may-ari ng lupa
1190 ng 1954 sa mga manggagawa.
5.Agricultural Land noong ika-8 ng Agosto 1963. Ayon sa batas na ito, ang mga
Reform Code
nagbubungkal ng lupa ang itinuturing na tunay na may-ari nito.
Kabilang din sa inalis ng batas ang sistemang kasama. Ang pagbili
ng pamahalaan sa mga lupang tinatamnan ng mga magsasaka ay
sinimulan. Ang mga lupang ito ay muling ipinagbili sa mga
magsasaka sa paraang hulugan at katulad ng presyong ibinayad
ng pamahalaan sa may-ari ng lupa.

6. Atas ng Itinadhana ng kautusan na isailalim sa reporma sa lupa ang


Pangulo Blg. 2 buong Pilipinas noong panahon ni dating Pangulong Marcos.
ng 1972
Kaalinsabay ng Atas ng Pangulo Blg. 2 ay ipinatutupad ang
batas na ito na sinasabing magpapalaya sa mga magsasaka sa
tanikala ng kahirapan at paglilipat sa kanila ng pagmamay-ari ng
lupang sinasaka. Sinakop nito ang lahat ng lupa na tinatamnan ng
7. Atas ng palay at mais. Hindi kasama rito ang malalawak na lupain na
Pangulo Blg. tinatamnan ng niyog, tubo, pinya, at iba pang pananim. Ang mga
27 magsasaka ay binigyan ng pagkakataong magmay-ari ng limang
ektarya ng lupa kung walang patubig at tatlong ektaryang lupa
kapag may patubig. Ito ay kanilang bubungkalin.
Kilala sa tawag na Comprehensive Agrarian Reform Law
(CARL) na inaprobahan ni dating Pangulong Corazon Aquino
noong ika-10 ng Hunyo, 1988. Ipinasailalim ng batas na ito ang
Page 10 of 14
lahat ng publiko at pribadong lupang agrikultural. Ito ay
nakapaloob sa Comprehensive Agrarian Reform Program
(CARP).
Ipinamamahagi ng batas ang lahat ng lupang agrikultural
anoman ang tanim nito sa mga walang lupang magsasaka. May
hangganan ang matitirang lupa sa mga may-ari ng lupa. Sila ay
makapagtitira ng di hihigit sa limang ektarya ng lupa. Ang bawat
anak ng may-ari ay bibigyan ng tatlong ektarya ng lupa kung sila
mismo ang magsasaka nito. Ang pamamahagi ng lupa ay
isasagawa sa loob ng 10 taon
Hindi sakop ng CARP ang ginagamit bilang:
• liwasan at parke
• mga gubat at reforestration area
• mga palaisdaan
8. Batas • tanggulang pambansa
Republika Blg. • paaralan
6657 ng 1988 • simbahan
watershed, at iba pa
Ang pagbabayad sa lupa ng pamahalaan sa mga may-ari ay
isinasagawa sa iba’t ibang paraan. Maaaring magbayad ng salapi
ng ilang porsiyento at ang ilang bahagi ay sa panagot o bonds ng
pamahalaan. Ang lupaing higit sa 50 ektarya ay binabayaran ng
25% na salapi at 75% ay panagot o bonds ng pamahalaan Ang
lupaing higit sa 50 ektarya ay binabayaran ng 25% na salapi at 75%
ay panagot o bonds ng pamahalaan. Ang 24-50 ektarya ng lupa ay
30% ng salapi. Ang natitirang bahagi ay bonds ng pamahalaan. Isa
pang paraan ay pagbibigay ng kredito sa buwis na binabayaran ng
may-ari ng lupa.
Mga Patakaran at Programang Pangkaunlaran sa Sektor ng Agrikultura
PAGSASAKA/PAGTATANIM

Batay sa CARP 2003, patuloy na isinasagawa ang sumusunod upang maikatuparan


ang nais ng pamahalaan na maiangat ang kalagayang pangkabuhayan ng mga magsasaka:
✓ Pagtatayo ng bahay-ugnayan para sa mga magsasaka upang masigurong
mayroon suportang maibibigay sa kanila;
✓ Pagtatayo ng gulayan para sa mga magsasaka;
✓ Pagsisiguro na ang mga anak ng mga magsasaka ay makapag-aaral kaya
itinayo ang Pangulong Diosdado Macapagal Agrarian Reform Scholarship
Program; at
✓ KALAHI agrarian reform zones.
✓ Ang lahat ng mga programa/gawain ay isinaisip at isinulong upang matiyak ang
kaayusan ng mga magsasakang tumanggap ng mga lupa sa pamamagitan ng
reporma sa lupa.

PANGINGISDA
Pagtatayo ng mga daungan. Philippine Fisheries Fishery research. Ang
Upang higit na mapadali ang Code of 1998. Ito ang pananaliksik at pagtingin sa
pagdadala sa mga huling isda itinadhana ng pamahalaan potensiyal ng teknolohiya tulad
sa pamilihan o tahanan, na naglilimita at ng aquaculture marine
nagsisilbing sentro o bagsakan naglalayon ng wastong resources development, at post-
ng mga ito ang mga daungan. paggamit sa yamang harvest technology ay patuloy na
Dahil dito, nagiging mas pangisdaan ng Pilipinas. ginagawa upang masiguro ang
madali para sa mga pagpaparami at pagpapayaman
mamamayang maabot ang sa mga
mga produkto mula sa mga ito. yamang-tubig.

Page 11 of 14
PAGTOTROSO
Community National Integrated Sustainable Forest
Livelihood Protected Areas System Management Strategy
Assistance Program (NIPAS)– ito ay programa na – ito ay pamaraan
(CLASP) – paglilipat ang pangunahing layunin ay upang matakdaan ang
teknolohiya o maingatan at protektahan permanente at sukat
pagtuturo sa mga ang kagubatan. Ito ay ng kagubatan. Ito ay
mamamayan ng paraan upang mailigtas estratehiya ng pamahalaan
wastong paglinang sa ang mga hayop at upang maiwasan ang
mga likas na yaman ng pananim dito. suliranin ng squatting,
bansa. Halimbawa, ang huwad at ilegal na
mangrove farming sa pagpapatitulo ng lupa at
Bohol, plantasyon ng pagpapalit ng gamit sa
kawayan sa La Union, at lupa.
plantasyon ng mga
halamang medisinal sa
Penablanca,Cagayan.

Sa pagdaan ng mga taon, mapupuna ang unti - unting pagbaba sa kita ng sektor bunsod
ng mga suliraning kinakaharap nito. Nagkaroon lamang ng pag-angat kamakailan dahil na rin sa
pagsusumikap na makamit ang progreso (tingnan ang talahanayan sa susunod na pahina). Sa
isang banda, ang papel ng pamahalaan ay napakahalaga dahil malaki ang magagawa nito
upang mapabuti ang kalagayan ng bansa. Ang mga polisiya at mga programa na maaari nitong
maging prayoridad ay isa sa makapagpapatatag sa isang sektor. Ang maling desisyon at
prayoridad ng pamahalaan ay makapagdudulot ng epekto sa takdang kakayahan nito.
Sa kabilang banda, ang mga mamamayan mismo ay may kritikal na pananagutan bilang mga
kumokonsumo ng likas na yaman. Sila ang dapat na manguna sa pag-iingat ng mga yamang
ito sa pamamagitan ng likas-kayang paggamit upang masigurong mayroon pang magagamit
ang susunod na mga salinlahi.

Gawain : RIPPLES OF KNOWLEDGE


Ang gawaing ito ay sasagutan na lamang ng pasalita, hindi na isusulat ang sagot sa
iyong sagutang papel.

Pamprosesong Tanong:

1. Ano-ano ang patakarang ipinatutupad ng pamahalaan sa pagpapaunlad ng sektor ng


Page 12 of 14
agrikultura?
2. Epektibo ba ang mga patakarang ito batay sa naging sagot mo sa mga inaasahang magiging
epekto nito? Bakit?
3. Paano magiging makabuluhan ang pagpapatupad ng mga patakarang nabanggit sa pag-
unlad ng sektor ng agrikultura at bansa?

G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay (Gawin Mo/ Pagyamanin

Gawain 1: Agri-Logo (10 puntos) (Performance)


Panuto: Kung ikaw ay guguhit/ liikha ng logo para sa Department of Agriculture, paano mo
ididisenyo ang logo nito? Iguhit mo ito sa iyong sagutang papel at gawing batayan ang rubriks.
Pagkatapos ipaliwanag mo kung ano ang ipinahihiwatig at mensahe ng ginamit mong mga
simbolo at ang impormasyong nais mong iparating sa iginuhit na logo

Paliwanag:
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

Rubriks:
Dimensyon 5 4 3
Nilalaman at Napakagaling ng May kahusayan ang Di-gaanong naging
kaayusan nabuong mensahe nabuong mensahe malinaw ang
ng logo at naaayon ng logo at naayon sa mensahe ng logo at
sa tema tema tema
Pagkamalikhain at Lubos na Naging malikhain sa Di-gaanong naging
Kalinisan nagpamalas ng paghahanda at malikhain sa
pagkamalikhain at malinis ang paghahanda at di-
napakalinis ng pagkakaguhit at gaanong malinis ang
pagkakaguhit at paggawa pagkakaguhit at
paggawa paggawa

IKAAPAT NA ARAW
H. Paglalahat ng Aralin (Tandaan Mo/ Pagyamanin at Isaisip)

Gawain : DEAR DIARY

Ngayon natutuhan mo ang konsepto mula sa Sektor ng Agrikultura, gumawa ka ng isang


repleksyon o realisasyon gawing gabay ang talata sa ibaba. Gawain mo ito ng pasalita
na lamang. Hindi na isusulat ang iyong sagot sa iyong sagutang papel.

Isaisip: Final na kaalaman

Nananatiling mahirap ang mga magsasakang Pilipino dahil sa __________________________


____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

Binabati kita! Matagumpay mong nagawa ang lahat ng mga gawain. Patunay ito
na handa ka na sa maikling pagsusulit na iyong gagawin.

I. Pagtataya ng Aralin (Natutuhan Ko/Isagawa) (Pagsusulit)

I. Panuto: Suriin ang mga sitwasyon. Isulat ang SA kung may kaugnayan sa suliranin ng
Page 13 of 14
agrikultura at SSA kung ay solusyon sa suliranin sa sektor ng agrikultura.
_______1. Ang mga inaning palay ay nabubulok.
_______2. Nagpatupad ng mga patakaran ang pamahalaan sa paggugubat at pangingisda.
_______3. Tinaasan ang presyo ng mga produktong agrikultural.
_______4. Ipinagbawal ang illegal logging at paggamit ng dinamita sa pangingisda.
_______5. Nagkaloob ng tulong ang pamahalaan upang makabili ng pataba sa lupa ang mga
magsasaka.

II. Panuto: Magbigay ng 5 kahanga-hangang katangian ng mga magsasaka.


1. _______________________________
2. _______________________________
3. _______________________________
4. _______________________________
5. _______________________________

III. Panuto: Maglista ng 5 dahilan kung bakit mahalaga ang paghahalaman, paghahayupan,
pangingisda at paggugubat.
6. ______________________________
7. ______________________________
8. ______________________________
9. ______________________________
10. ______________________________

IKALIMANG ARAW
J. Karagdagang Gawain at Remediation
Gawain : AGRI o DIS-AGRI?
Panuto: Ipahayag ang iyong pananaw ng pasalita hingil sa sumusunod na pahayag.

Higit na nakabubuti para sa bansa ang tradisyunal na pagsasaka kaysa sa


makabago/modernong pagsasaka ________________________________________
Ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural. ________________________________

Mahusay! Natapos mo na ang mga gawain para sa linggong ito

Page 14 of 14
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region III
Division of City of San Fernando (P)
PAMPANGA HIGH SCHOOL
Lourdes, City of San Fernando, Pampanga

Araling Panlipunan 9
PAKSA
Sektor ng Industriya
IKAAPAT NA MARKAHAN (WEEK 4)

ARAW NG MGA GAWAIN BILANG NG MGA KABUUANG


PAGSAGOT KATANUNGAN/AYTEM PUNTOS
Unang Araw A. Isipin 1: PRIMARYA-
SEKONDARYA HALA! Paunang Kaalaman
B. Isipin 2: PINAGMULAN, ALAM
KO!
C. Isipin 3: ARROW IN ACTION
Ikalawang D. Isipin 4: CONCEPT MAP Pagyamanin
Araw
Ikatlong E. Gawain : BENEPISYO O Pagyananin
Araw PERWISO
F. Isipin 5: IMAGINE? Pagyamanin
G. Gawain 1: ACROSTIC Performance 15 puntos
Ikaapat na H. Isipin 6: Mind Corner Pagyamanin
Araw I. Pagtataya Isang tanong 15 points
Labing Limang
katanungan
Ikalimang J. Karagdagang gawain Pagpapayaman sa Aralin
Araw Isaisip 7: ISIPIN AT GAWIN

A. Pamantayang Pangnilalaman(Content Standards):


Ang mag-aaral ay may pag-unawa sa mga sektor ng ekonomiya at mga patakarang
pangekonomiya nito sa harap ng mga hamon at pwersa tungo sa pambansang
pagsulong at pag-unlad
B. Pamantayan sa Pagganap(Performance Standards):
Ang mag-aaral ay aktibong nakikibahagi sa maayos na pagpapatupad at
pagpapabuti ng mga sektor ng ekonomiya at mga patakarang pang- ekonomiya
nito tungo sa pambansang pagsulong at pag-unlad
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto/Most Essential Learning Competencies

MELC No. 6 - Nasusuri ang bahaging ginagampanan ng sektor ng industriya, tulad ng


pagmimina, tungo sa isang masiglang ekonomiya.

D. Layunin (Objectives):

1. Natutukoy ang kahulugan ng Industriya


2. Naisa-isa ang mga gawaing kabilang sa sektor ng industriya

Page 1 of 10
3. Nasusuri ang mga mabuti at masamang epekto ng industriyalisasyon
4. Nasusuri ang mga suliranin at solusyon sa sektor ng industriya
5. Nabibigyang-halaga ang mga patakarang pang-ekonomiya na nakatutulong sa
sektor ng industriya
6. Natataya ang kaalaman ukol sa sektor ng Industriya

I. NILALAMAN(Content):
Kagamitang Panturo (Learning Resources)
A. Sanggunian (References)
1. Mga pahina sa Gabay ng Guro (TGs)
2. Mga pahina sa Kagamitang Pang-mag-aaral (LMs 2017) p. 396-409
3. Mga pahina sa Teksbuk (Other references):

UNANG ARAW
II. PAMAMARAAN(Procedures):
A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin (Subukin):

Isipin 1: PRIMARYA-SEKONDARYA HALA!


Panuto: Tingnan at pag-aralan ang bawat larawan. Iugnay ang larawan sa kanan at sa
kaliwa. Sagutin mo ang mga pamprosesong tanong ng pasalita at hindi na
kailangang isulat ang iyong sagot sa iyong sagutang papel.

Pamprosesong Tanong:
1. Mula sa mga larawan, ano ang iyong mabubuong hinula?
2. Paano nabuo ang mga produktong papel, sardinas at furniture o muwebles?

B. Paghahabi sa layunin ng aralin (Panimula)

Isipin 2: PINAGMULAN, ALAM KO!


Panuto: Mag-isip ng limang gamit na nasa bag mo o nasa loob ng silid-aralan o maging
sa maging sa loob ng iyong bahay at sabihin kung anong produktong primarya ang
pinagmulan. Sagutin mo ang mga pamprosesong tanong ng pasalita at hindi na
kailangang isulat ang iyong sagot sa iyong sagutang papel.

Page 2 of 10
Pamprosesong Tanong:

1. Bakit mo napili ang mga naisip mong mga produkto?

2. Paano mo ito maiugnay sa sektor ng industriya? Sa iyong palagay, bakit


mahalaga ang sektor ng industriya sa pagtugon ng iyong mga pangangailangan?

Sa susunod na bahagi ay sasagutan mo ang isang target ring upang inisyal na masukat ang
iyong nalalaman tungkol sa sektor ng industriya.

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin

Isipin 3: ARROW IN ACTION


Panuto: Sagutin ang mga aarow question sa ibaba para masuri ang daloy ng kaalaman
sa sektor ng industriya. Sagutin mo ang mga pamprosesong tanong ng pasalita at
hindi na kailangang isulat ang iyong sagot sa iyong sagutang papel.

IKALAWANG ARAW

D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan \\


#1(Paglinang/ Alamin Mo/Paunlarin)

PAUNLARIN

Matapos mong malaman ang mga paunang impormasyon tungkol sa aralin, ngayon naman
ay iyong lilinangin ang mga kaalamang ito sa tulong ng mga teksto at mga gawain na
inihanda upang maging batayan mo ng impormasyon. Ang pinakatiyak na layunin ng
bahaging ito ay matutunan mo bilang mag-aaral ang mahahalagang ideya o konsepto
tungkol sa sektor ng industriya. Mula sa mga inihandang gawain at teksto ay inaasahang
gagabay ito sa iyo upang masagot kung ano ang bahaging ginagampanan ng sektor ng
industriya sa ekonomiya ng bansa. Halina’t umpisahan mo na.

ANG SEKTOR NG INDUSTRIYA


Ang Pilipinas, ayon kay Norio Usui ng Asian Development Bank (ADB), ay may malusog na
sektor ng paglilingkod na sandigan ng ating ekonomiya. Subalit kailangan ng bansa na
magkaroon ng ganoon ding kalakas na sektor ng industriya upang makapagbukas ng mas
maraming pagkakataon na makahanap ng trabaho. Pangunahing layunin nito ay maiproseso
ang mga hilaw na materyal upang makabuo ng mga produkto na ginagamit ng tao. hilaw na
materyal produkto.

Page 3 of 10
Industriyalisasyon – ang ay paggamit ng mga makinarya at makabagong teknolihiya sa
paglinang ng mga industriya at pinagkukunang yaman. Ang pagsulpot ng iba't- ibang uri ng
pabrika o pagawaan para sa tiyak na gawain na tunay na nagpapabago sa lipunan noon

Naglungsad ng panahon ng industriyalisasyon sa buong mundo ito ay naganap sa Great


Britain noong ika-18siglo nang naimbento ang iba't ibang makinarya napabilis, napaayos, at
napagaan ang dating gawaing-kamay lamang.

Ayon kay Colin Clark, isang ekonomistang British, ang industriya ay nahahati sa
dalawang uri:
• Primary Industries - Mga industriya na mula sa agrikultura, paggugubat, at pagmimina.
• Secondary Industries - Tumutukoy sa mas kompIikadong gawain, mula sa pagpoproseso
ng mga pangunahing produktong agrikultura patungo sa mas malaking pro uksiyon sa
kalimitan ay gumagamit ng iba't-ibang uri ng makinarya.

Katangian ng isang industriyalisadong bansa:


• Pagtataglay ng malaking capital
• Mataas na antas ng teknolohiya
• Matatag na negosy
• Modernong imprastruktura
• Makabagong teknolohiya
• Episyenteng serbisyo publiko, at iba pa.

Sub-Sektor ng Industriya
1. Pagmimina – Ang sekondaryang sektor kung saan ang mga metal, di-metal, at enerhiyang
mineral ay kinukuha at dumadaan sa proseso upang gawing tapos na produkto (halimabawa
ay hikaw na gawa sa ginto) o kabahagi ng isang yaring kalakal (halimbawa ay tornilyo para
sa kotse). Ang mismong produkto, hilaw man o naproseso ang nagbibigay ng kita para sa
bansa.
2. Pagmamanupaktura – Ito ay tumutukoy sa paggawa ng mga produkto sa pamamagitan ng
manual labor o ng mga makina. Nagkakaroon ng pisikal o kemikal na transpormasyon ang
mga materyal o bahagi nito sa pagbuo ng mga bagong produkto.
3. Konstruksiyon – Kabilang dito ang mga gawaing tulad ng pagtatayo ng mga gusali,
estruktura at iba pang land improvements halimbawa ay tulay, kalsada at iba pa bilang bahagi
ng serbisyo publiko ng pamahalaan samga mamamayan. Kasama rin sa sekondaryang sektor
na ito ang probisyon sa pagbibigay ng serbisyong teknikal at konstruksiyon tulad ng
pagsasaayos at pagmimintina kasama na rin ang ang personal na konstruksiyon ng mga
tirahan.
4. Utilities – Ito ay binubuo ng mga kompanyang ang pangunahing layunin ay matugunan ang
pangangailangan ng mga mamamayan tulad ng tubig, kuryente at gas. Malaki ang papel ng
pamahalaan upang masiguro ang maayos na serbisyo.

Gawain : Concept Map


Panuto: Matapos basahin ang teksto tungkol sa sektor ng industriya, punan ang concept map
na nasa ibaba. Tukuyin ang iba’t ibang industriya sa loob ng mga sekondaryang sektor at
katangian ng mga ito. Gamitin ang mga pamprosesong tanong sa gagawing talakayan.

Page 4 of 10
Pamprosesong Tanong: Sagutin mo ito ng pasalita at hindi na kailangang isulat ang
iyong sagot sa iyong sagutang papel.

1. Ano ang bumubuo sa sektor ng industriya?


2. Sa anong sektor ng ekonomiya nagmumula ang mga hilaw na sangkap na ginagamit ng
sektor ng industriya?
3. Paano nakakaapekto ang sektor ng industriya sa ekonomiya ng bansa?

IKATLONG ARAW
E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan (Paglinang/ Alamin
Mo/Paunlarin)
Kahalagahan ng Sektor ng Industriya
Malaki ang paghahangad ng maraming bansa na matamo ang kaunlaran. Karaniwang
iniuugnay ang industriyalisasyon sa kaunlaran ng isang bansa. Ito ay alinsunod sa
modernization theory ni Walt Rostow batay sa artikulo ni Peter Kasanda na nagsaad na ang
kaunlaran ay matatamo kung susundan ang mga dinaraanang na proseso ng mga mauunlad
na bansa. Ayon naman sa batayang aklat ng Araling Panlipunan IV nina Balitao et al. (2012) na
kanilang hinalaw sa mga kanluraning ekonomista, ang kaunlaran ay maaaring maganap kung
magkakaroon ng transpormasyon ang isang lipunan mula sa ‘pagiging rural, agricultural,
atrasado, at mapamahiin patungong urban, industriyal, progresibo, at modern’. Ang
paniniwalang ito ay naging isang mainit na paksa sa maraming panig ng mundo dahil sa
magkakaibang paniniwala at kalagayan. Ang isang debate tungkol sa teorya ay batay sa hindi
magkakaparehong katangian ng mga bansang papaunlad. Ngunit sa anumang kaparaanan,
malinaw ang mensahe na ninanais ng bawat bansa, ito ang makamit ang kaunlaran na mayroon
ang mayayamang bansa tulad ng Japan, Singapore, Switzerland, at iba pa.

Ayon kina Balitao et al. (2012), may kaukulang kahulugan ang konsepto ng
industriyalisasyon. “Hindi lamang ito nangangahulugan ng paggamit ng mga makinarya at pag-
unlad ng mga industriya. Higit sa lahat, tinutukoy nito ang pagbabagong teknolohikal na
sinasabayan ng mga pagbabagong pangkultura, panlipunan, at pansikolohiya. Nagpapakita ito
ng pagtanggap ng isang kaayusang teknolohikal sa halip na panatilihin ang isang kaayusang
tradisyonal. Pinakatiyak na katibayan ng industriyalisasyon ang pag-ikot ng industriyal na
pagawaan. Masasabing may kaunlarang pang industriya kung lubos na napakilos ang lahat ng
mga pabrika at may mataas na bahagdan ng mga taong kabilang sa lakas-paggawa.”

Kahalagahan o kabutihan ng Industriyalisasyon


1. Gumagawa ng mga produktong may bagong anyo, hugis at halaga.
2. Nagbibigay ng empleyo
3. Pamilihan ng mga tapos na produkto
4. Nagpapasok ng dolyar sa bansa
5. Nagpapataas ng kita sa bansa

Epekto ng Industriyalisasyon
Ang kaugnayan ng industriyalisasyon sa kaunlaran, ayon sa mga ekonomistang tulad
nina Adam Smith (1776), Marx, Engels (1848) at John Willamson (1990), ang patuloy na
motibasyon ng maraming bansa na mapataas ang produksiyon ng sektor ng ekonomiya. Ngunit
ayon din sa kanila, sa kabila ng mga benepisyo na dala ng industriyalisasyon sa buhay ng mga
mamamayan, marapat na makita rin ang epekto nito. Mangangailangan ng kritikal na pag-unawa
at pagninilay upang mapagtimbang ang kahalagahan at epekto ng industriyalisasyon at ang
pangmatagalang implikasyon nito sa lipunan at sa bawat isa.
Ayon sa mga ekonomistang nabanggit sa itaas, ang industriyalisasyon ay nakapagdudulot ng
mataas na antas ng polusyon, hindi pagkakapantay ng kalagayang pang-ekonomiko, at
ang pagbaba ng pagkakaisa sa mga miyembro ng komunidad dahil sa paglakas ng
kumpetisyon. Nabanggit din sa batayang aklat na isinulat nina Balitao et al. (2012) na ang
polusyon at pagkasira ng kapaligiran ay masyadong mabilis dulot ng industriyalisasyon.
Samantala, batay naman kay Williamson (1999), na binanggit sa dyornal nina Federman at
Levine (2005), ang industriyalisasyon ay maaari ding maging dahilan upang bumaba ang

Page 5 of 10
bilang ng mga mag-aaral sa paaralan dahil nahihikayat silang magtrabaho sa halip na
tapusin ang kanilang pag-aaral.
Dahil dito, inaasahang maging mapanuri at matalino ang pamahalaan. Totoong maraming
benepisyo kapag nakamit ng bansa ang kalagayang industriyal na karaniwang nakaugnay sa
kaunlaran. Subalit, nangangailangan ding maunawaan at makilala ang mga negatibong epekto
nito, higit kung ang isang bansa ay may kahinaan sa mga regulasyon na ipinatutupad. Tandaang
ang pamahalaan ay may responsibilidad na pangalagaan ang limitadong likas na yaman ng
bansa upang masiguro na maiingatan ang mga ito. Gayundin naman, dapat na maikintal sa mga
mamamayan na ang bawat isa ay katuwang ng pamahalaan sa pagtataguyod at pagiingat ng
ating yamang likas dahil kapag napabayaan, maaaring wala nang magamit pa ang susunod na
henerasyon ng mga Pilipino.

Gawain : BENEPISYO O PERWISO


Panuto: Magbigay ng 5 magandang dulot ng Industriyalisasyon at 5 solusyon sa
kahinaan ng sektor ng industriya dito sa bansa. Sagutin mo ito ng pasalita at hindi na
kailangang isulat ang iyong sagot sa iyong sagutang papel.

5 Magandang dulot ng Industriyalisasyon

1.
2.
3.
4.
5.

5 Suliraning dulot ng Industriyalisasyon


1.
2.
3.
4.
5.

F. Paglinang sa Kabihasnan (Gawin Mo/ Pagyamanin)

Kahinaan ng Sektor ng Industriya


Policy Inconsistency. Ang kahinaan ng pamahalaan na magkaroon ng mga polisiyang
susuporta sa pagpapalakas ng industriya ang isa sa mga dahilan sa pagkawala at pag-iwas ng
mga mamumuhunan sa bansa. Nangyari ito sa panahon na ang mga bansang China at Vietnam
ay mayroong murang lakas paggawa at mas madaling regulasyon sa pagnenegosyo. Dahil dito,
mas maraming mga mamumuhunan ang naging interesadong magtayo ng kanilang mga
negosyo sa dalawang bansa
Inadequate Investment. Ang pamumuhunan ay mahalaga upang malinang ang teknolohiya at
mapalakas ang kasalukuyang industriya. Kung may sapat na kakayahang pinansiyal, mas
madali sa isang bansa na magbago ng negosyo at magpokus sa mga produktong may mataas
na demand. Ngunit dahil sa mababang antas ng pamumuhunan sa Pilipinas kompara sa mga
karatig bansa, naging mahirap para sa mga negosyante na mapalakas ang teknolohiya o
magbago ng mga produktong ginagawa. Ito ay sa kabila ng pagkakaroon ng mataas na demand
sa mga makabagong gadyet sa buong mundo. Nagdulot ito sa mabagal na pagtaas ng kita mula
sa industriya.
Macroeconomic Volatility and Political Instability. Ang kahinaan ng mga elemento ng
makroekonomiks at ang kaguluhang politikal sa bansa sa iba’t ibang panahon ay nagtulak sa
mga lokal at dayuhang mamumuhunan na huwag magnegosyo sa bansa. Bunga nito ang

Page 6 of 10
mababang antas ng pamumuhunan na nagresulta sa matamlay na industriya at mabuway na
ekonomiya.
Mga Patakaran at Programa upang Mapaunlad ang Sektor ng Industriya at
Pangangalakal
Batay sa mga impormasyong ito, ang pamahalaan ay bumuo ng Philippine Development Plan
2011-2016 bilang pagpapalakas sa ekonomiya ng bansa. Sa nasabing plano, ang sumusunod
na aspekto ay tututukan: (a) mas maayos at akmang kondisyon sa pagnenegosyo, (b)
mataas na produktibidad at maayos na paggawa; at (c) mas mabuting kalagayan para sa
mga mamimili.
Ang nasabing plano ng pamahalaan ay isang pagsisikap upang mapaunlad ang sektor ng
industriya. Malinaw ang layuning nakasaad sa nasabing plano. Subalit tulad sa mga nakaraang
panahon, ang katatagang maipatupad ang mga plano ang pinakamalaki pa ring balakid upang
masiguro ang pangmatagalang benepisyo mula rito. Ilan sa direksyon ng pamahalaan ay
pagsasaayos ng ilang mga polisiya upang masigurong ang mga ito ay magpapatatag ng
industriya. Inaasahan ding ang mga pagbabagong ito ay magbibigay ng isang maayos at kaaya-
ayang kondisyon sa pagnenegosyo para sa lokal at dayuhang mamumuhunan. Ilan sa mga
inaasahang may pagbabago sa mga patakaran ang sumusunod:

 Pagsusog (amendments) sa Executive Order (EO) No. 226 o ang Omnibus Investment
Code of 1987 upang mapalakas ang pagtataguyod sa pamumuhunan at paglinang ng mga
bagong industriya ng Board of Investment (BOI)

 Pagpapatibay sa anti-trust/competition law upang malabanan ang mga gawaing hindi


patas pagdating sa kalakalan, maiwasan ang kartel at monopolyo, at maparusahan ang mga
opisyal ng mga kompanyang hindi sumusunod sa patas na pagnenegosyo.

 Pagsusog sa Tariff and Customs Code ng Pilipinas. Ito ay bilang suporta sa patas na
pakikipagkalakan at mapigilan ang patuloy na paglaganap ng smuggling sa bansa. Pagsisiguro
din ito na ang Pilipinas ay makasusunod sa pandaigdigang pamantayan pagdating sa
panuntunan ng custom batay sa naging komitment ng bansa sa Kyoto Convention.

 Pagsusog sa Local Government Code upang masiguro na ang kapaligiran sa bansa ay


magiging kaaya-aya sa pagnenegosyo.

 Reporma sa buwis bilang insentibo sa pribadong sektor kaugnay sa kanilang mga R and
D na isinasagawa batay sa RA 8424. Ito ay may layuning mahikayat ang mga pribadong sektor
na magkaroon ng inobasyon at pagtutulungan upang mapagbuti at mapalakas ang pagsasaga-
wa ng R and D para sa kapakinabangan ng lahat

 Pagsusog sa Intellectual Property Code bilang proteksiyon sa mga negosyante na ang


produkto ay mga sariling likha tulad ng muwebles at iba pang gawang kamay

 Pagsusog sa Barangay Micro Business Enterprises (BMBEs) Act bilang suporta sa


pagpapalawig at pagpapalakas sa maliliit na negosyo na katuwang ng pamahalaan sa
pagbibigay ng trabaho Partikular ding tinitingnan sa loob ng Philipine Development Plan ang
pagtataguyod sa industriya. Bilang suporta, nakikita ng pamahalaan ang

Isipin 4: IMAGINE!
Panuto: Sa bahaging ito ikaw ay inaasahang makapagbibigay ng sariling pang-unawa at
maisaisip mo lahat ng mahalagang impormasyon sa ating ginawang pag-aaral. Sagutin mo ito
ng pasalita at hindi na kailangang isulat ang iyong sagot sa iyong sagutang papel.

Page 7 of 10
Pamprosesong Tanong:Sagutin mo ito ng pasalita at hindi na kailangang isulat ang iyong
sagot sa iyong sagutang papel.

1. Paano nakakaapekto sa industriya ang kaguluhang pulitikal sa bansa tulad ng hidwaan ng


pamahalaan at mga rebeldeng grupo tulad ng AbuSayap Group?
2. Pumili ng dalawang patakaran o programa ng pamahalaan na sa tingin mo ay lubos na
makakatulong sa pag-unlad ng sektor ng industriya sa bansa. Bakit ito ang napili mo?

G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay (Gawin Mo/ Pagyamanin

Gawain 1: ACROSTIC (Performance)


Panuto: Gumawa ng acrostic tungkol sa kahulugan o mga bagay na may kinalaman sa
Industriya. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

I–
N–
D–
U–
S–
T–
R–
I–
Y–
A–

Rubriks:
Kriterya 5 4 3
Nilalaman at Lubhang nakaakma Akma sa paksa ang Bahagyang umakma
Kaugnayan sa sa paksa ang acrostic at sa paksa ang
paksa acrostic at makabuluhan ang acrostic at medyo
makabuluhan ang mga salitang inilagay may kabuluhan ang
mga salitang inilagay dito ang mga salitang
dito inilagay dito

Pagkamalikhain at Lubhang malikhain Malikhain ang Hindi gaanong


Kalinisan sa ang pagkakagawa ng pagkakagawa ng malikhain ang
paggawa acrostic at acrostic, malinis ang pagkakagawa sa
napakalinis ng gawain acrostic at hindi
gawain nagging malinis sa
paggawa ng gawain

IKAAPAT NA ARAW
H. Paglalahat ng Aralin (Tandaan Mo/ Pagyamanin at Isaisip)

Gawain : MIND CORNER


Panuto: Sabihin sa sarili o pasalita ang iyong naging repleksyon batay sa natutunan
mo sa aralin sa linggong ito.

Page 8 of 10
Binabati kita! Matagumpay mong nagawa ang lahat ng mga gawain. Patunay ito
na handa ka na sa maikling pagsusulit na iyong gagawin.

I. Pagtataya ng Aralin (Natutuhan Ko/Isagawa) (Pagsusulit)

I. Panuto: Piliin sa kahon ang tamang titik ng sagot. Isulat ang sagot sa iyong sagutang
papel
Para sa Item 1-4
a. Pagmimina
b. Pagmamanupaktura
c. Konstruksiyon
d. Utilities

_______1. Kabilang dito ang mga gawaing tulad ng pagtatayo ng mga gusali, estruktura
at iba pang land improvements halimbawa ay tulay, kalsada at iba pa bilang bahagi ng
serbisyo publiko ng pamahalaan sa mga mamamayan. Kasama rin sa sekondaryang
sektor na ito ang probisyon sa pagbibigay ng serbisyong teknikal at konstruksiyon tulad
ng pagsasaayos at pagmimintina kasama na rin ang ang personal na konstruksiyon ng
mga tirahan.
_______2. Ang sekondaryang sektor na kung saan ang mga metal, di-metal, at
enerhiyang mineral ay kinukuha at dumadaan sa proseso upang gawing tapos na
produkto (halimabawa ay hikaw na gawa sa ginto) o kabahagi ng isang yaring kalakal
(halimbawa ay tornilyo para sa kotse).
_______3. Tumutukoy sa paggawa ng mga produkto sa pamamagitan ng manual labor o
ng mga makina. Dagdag dito, inilarawan din ng Australian and New Zealand Standard
Industrial Classification (ANZSIC) na nagkakaroon ng pisikal o kemikal na
transpormasyon ang mga materyal o bahagi nito sa pagbuo ng mga bagong produkto.
_______4. Ito ay binubuo ng mga kompanyang ang pangunahing layunin ay matugunan
ang pangangailangan ng mga mamamayan sa tubig, koryente, at gas. Sa sekondaryang
sektor na ito, malaki ang papel ng pamahalaan upang masiguro ang maayos na serbisyo.
Kasama sa mga tungkuling ito ang paglalatag ng mga imprastruktura at angkop na
teknolohiya upang maihatid ang nararapat na serbisyo sa lahat ng tao

II. Panuto: Piliin sa kahon ang tamang titik ng sagot. Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel
Para sa Item 6-10
a. Policy Inconsistency
b. Inadequate Investment
c. Macroeconomic Volatility and Political Instability
d. Industriya
e. Norio Usui
f. Industriyalisasyon

______5. Pangunahing layunin nito ay maiproseso ang mga hilaw na materyal o sangkap

Page 9 of 10
na materyal upang makabuo ng mga produktong ginagamit ng tao.
______6. Ang kahinaan ng mga elemento ng makroekonomiks at ang kaguluhang
politikal sa bansa sa iba’t ibang panahon ay nagtulak sa mga lokal at dayuhang
mamumuhunan na huwag magnegosyo sa bansa. Bunga nito ang mababang antas ng
pamumuhunan na nagresulta sa matamlay na industriya at mabuway na ekonomiya.
______7. Ang kahinaan ng pamahalaan na magkaroon ng mga polisiyang susuporta sa
pagpapalakas ng industriya ang isa sa mga dahilan sa pagkawala at pag-iwas ng mga
mamumuhunan sa bansa.
______8. Ang pamumuhunan ay mahalaga upang malinang ang teknolohiya at
mapalakas ang kasalukuyang industriya. Kung may sapat na kakayahang pinansiyal, mas
madali sa isang bansa na magbago ng negosyo at magpokus sa mga produktong may
mataas na demand.
______9. Ayon kay ___________ ng Asian Development Bank (ADB), ay may malusog
na sektor ng paglilingkod na sandigan ng ating ekonomiya. Subalit kailangan ng bansa
na magkaroon ng ganoon ding kalakas na sektor ng industriya upang makapagbukas ng
mas maraming pagkakataon na makahanap ng trabaho ang mga mamamamayan.
_____10. Ito ay ang panahon ng panlipunan at pang-ekonomiyang pagbabago na
humuhulma sa isang samahan ng mga tao mula sa magsasakang lipunan patungo sa
isang lipunang industriyal, kabilang ang malawakang reorganisasyon ng isang ekonomiya
para sa pagmamanupaktura.

III Panuto: Ibigay ang mga sumusunod:


Para sa item 11-13. Magbigay ng tatlong halimbawa ng Utilities
11.___________________
12.___________________
13.___________________
Para sa item 14-15. Magbigay ng dalawang halimbawa ng Konstruksiyon
14.___________________
15.___________________

IKALIMANG ARAW
J. Karagdagang Gawain at Remediation

Gawain : ISIPIN AT GAWIN


Panuto: Mula sa naging aralin, Ano sa iyong palagay ang pinaka mahalagang ng sektor ng
industriya (Pagmimina, Pagmamanupaktura, Konstruksiyon at Utilities) at bakit? Sabihin sa sarili
o pasalita, hindi na kailangang isulat ang iyong sagot sa iyong sagutang papel.

Mahusay! Natapos mo na ang mga gawain para sa linggong ito

Page 10 of 10
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region III
Division of City of San Fernando (P)
PAMPANGA HIGH SCHOOL
Lourdes, City of San Fernando, Pampanga

Araling Panlipunan
PAKSA
9
Sektor ng Paglilingkod
IKA-APAT NA MARKAHAN (WEEK 5)
ARAW NG MGA GAWAIN BILANG NG MGA KABUUANG
PAGSAGOT KATANUNGAN/AYTE PUNTOS
M
Unang Araw A. Isipin 1: Malaala Ko Pa Kaya? Ang gawaing ito ay susukat sa iyong
paunang kaalaman
B. Isipin 2: On The Job !

C. Isipin 3. Call Out!


Ikalawang D. Isipin 4: Teks-to-Graph Pagyamanin
Araw Isaisip 5 : Datos-Interpret Ko Pagyamanin

Ikatlong E. Gawain : Pinoy Saan Man sa Pagyamanin


Araw Mundo
F. Isipin 6: Mga Ahensya Alam Pagyamanin
ko ito!
G. Gawain 1: Paglilingkod Postal Pagyamanin
Ikaapat na H. Isaisip 7 : CALLOUT Pagyamanin
Araw I. Pagtataya Pagsusulit 10 puntos
Ikalimang J. Karagdagang Gawain: Pagyamanin
Araw Isipin 8: Suliranin at Dahilan

A. Pamantayang Pangnilalaman(Content Standards):


Ang mag-aaral ay may pag-unawa sa mga sektor ng ekonomiya at mga patakarang
pangekonomiya nito sa harap ng mga hamon at pwersa tungo sa pambansang
pagsulong at pagunlad
B. Pamantayan sa Pagganap(Performance Standards):
Ang mag-aaral ay aktibong nakikibahagi sa maayos na pagpapatupad at
pagpapabuti ng mga sektor ng ekonomiya at mga patakarang pang- ekonomiya
nito tungo sa pambansang pagsulong at pag-unlad
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto/Most Essential Learning Competencies

MELC No. 7 - Napapahalagahan ang mga patakarang pang-ekonomiya na nakakatulong sa


sektor ng paglilingkod

D. Layunin (Objectives):

1. Nasusuri ang bahaging ginagampanan ng sektor ng paglilingkod.

Page 1 of 9
2. Napahahalagahan ang mga patakarang pangekonomiyang nakatutulong sa sektor ng
paglilingkod: Batas na nagbibigay proteksiyon at nangangalaga sa mga karapatan ng
manggagawa.
3. Nakagagawa ng isang adbokasiya upang maisulong ang kahalagaan upang maisulong
sektor ng paglilingkod sa ating bansa.

I. NILALAMAN(Content):
Kagamitang Panturo (Learning Resources)
A. Sanggunian (References)
1. Mga pahina sa Gabay ng Guro (TGs): p.
2. Mga pahina sa Kagamitang Pang-mag-aaral (LMs 2017) p. 410-429
3. Mga pahina sa Teksbuk (Other references):
4. Antonio, Eleanor D., Evangeline M. Dallo, Consuelo M. Imperial, Ma.
Carmelita B. Samson, at Celia D. Soriano. 1999. Pagbabago. Manila,
Philippines: Rex Bookstore, Inc
5. Balitao, Bernard R., Martiniano D. Buising, Edward D.J. Garcia, Apollo D. De
Guzman, Juanito L. Lumibao Jr., Alex P. Mateo, at Irene J. Mondejar. 2015.
Ekonomiks Araling Panlipunan (Modyul ng Mag-aaral) Pasig City: Vibal Group
Inc.
6. Molina, Ramil V., Baby Jane C. Alcantara, Leo C.Somera, Joevenil P.
Moncal, Dr. Gregorio R. Sismondo at Alvin C. Fronteras. 2016. Makisig
Ekonomiks. Sampaloc, Manila:Magallanes Publishing House
7. https://www.philstar.com/pilipino-star-
ngayon/bansa/2013/06/30/959759/kabataan-pinag-iimpok

UNANG ARAW
II. PAMAMARAAN(Procedures):
A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin (Subukin):

ISAISIP 1 : MAALA-ALA KO PA KAYA!


Panuto: Ang iyong magiging kasagutan sa bahaging ito ay gagawin mo lamang na pasalita
hindi na kinakailangang isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Batay sa makaraang paksang iyong napag-aralan,gaano kahalaga ang sektor ng agrikultura


at industriya sa gawaing pang-ekonomiya at pangkabuhayan ng bansa?
2. Maari kayang umunlad ang isang bansa na wala ang sektor ng agrikultura at
industriya?Bakit?
3. Sa pambansang kaunlaran gaano kahalaga ang sektor ng paglilinkkod? Pagtibayin ang sagot

B. Paghahabi sa layunin ng aralin (Panimula)

PANIMULA
Ang lahat ng tao ay may mga pangangailangang dapat matugunan. Kabilang dito ang
pagkain, damit, tirahan, at edukasyon. Ang mga ito ay hindi kayang ipagkaloob ng iisang sektor
lamang. Kailangan din natin ng mga serbisyo kagaya ng transportasyon, komunikasyon, at
edukasyon.Ang mga pagkain tulad ng mga gulay, prutas, karne, at isda ay nagmumula sa sektor
ng agrikutura. Ang mga pangangailangan natin tulad ng damit ay nagmumula naman sa sektor
ng industriya. Subalit anong sektor naman ng ating ekonomiya ang nagkakng ating mga
pangangailangang tulad ng transportasyon, komunikasyon, at edukasyon? Sa ganitong asaloob
pekto pumapasok ang bahaging ginagampanan ng sektor ng paglilingkod. Kung kaya’t ang
pangunahing pokus ng araling ito ay ang bahaging ginagampanan ng sektor ng paglilingkod at
mga patakarang pangekonomiyang nakatutulong dito. Sa iyong pagtahak sa landas ng kaalaman
sa araling ito, ikaw ay haharap sa mga tekstong magbibigay-kabatiran at mga mapanghamong
gawain na sadyang pupukaw ng iyong interes at magdudulot sa iyo. Sa pagtatapos ng araling ito,
inaasahang ikaw ay makapagsusuri ng bahaging ginagampanan ng sektor ng paglilingkod at
mapahalagahan ang mga patakarang pang-ekonomiya na nakatutulong dito.

ISAISIP 2: ON THE JOB!


Page 2 of 9
Suriin ang mga larawan na nasa ibaba. Ano ang trabaho ng mga makikitang tao sa larawan?
Ipaliwanag ang iyong batayan.Sagutin mo ito sa sarili o pasalita hindi na kinakailangang
isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin

ISAISIP 3: CALLOUT - Gawin ito ng pasalita na lamang, hindi na kinakailangang isulat


ang sagot sa sagutang papel.
Sagutin mo ang una at pangalawang speech balloon. Samantala, ang panghuling icon ay
masasagot pagkatapos ng aralin na ito.

Matapos mong maorganisa ang iyong mga paunang kaalaman tungkol sa sektor ng
paglilingkod, ihanda ang iyong sarili sa susunod na bahagi ng aralin upang higit mong
maunawaan ng mas malalim ang sektor na ito.

IKALAWANG ARAW

D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan \\


#1(Paglinang/ Alamin Mo/Paunlarin)

Page 3 of 9
PAUNLARIN
ANG SEKTOR NG PAGLILINGKOD
Sinasabing ang kaunlarang pang-ekonomiya ay nasasalamin sa paglawak at pag-unlad
ng kakayahan ng mga kasapi sa lipunan na lumilikha ng iba’t ibang kalakal at paglilingkod na
tumutugon sa pangangailangan ng tao. Ang pagdami ng kalakal at paglilingkod sa lipunan ay
hudyat na ang mga tao ay makalilikha ng produktong hindi lamang para sa pangkasalukuyang
gamit bagkus ay para na rin sa hinaharap.Kaalinsabay ng kaunlarang pang-ekonomiya ay ang
karagdagang pangangailangan para sa mga taong bumubuo sa sektor ng paglilingkod. Ito ang
sektor na nagbibigay-paglilingkod sa transportasyon, komunikasyon, media, pangangalakal,
pananalapi, paglilingkod mula sa pamahalaan, at turismo. Ito rin ang sektor na umaalalay sa
buong yugto ng produksiyon, distribusyon, kalakalan, at pagkonsumo ng mga produkto sa loob o
labas ng bansa. Kilala rin ito bilang tersarya o ikatlong sektor ng ekonomiya matapos ang
agrikultura at industriya.Sa ekonomiya ng isang bansa, hindi lamang mga produkto tulad ng mga
damit, kasangkapan, gamot, at pagkain ang pinagkakagastusan at kinokonsumo ng mga
mamamayan. May mga pangangangailangan din sila bukod sa mga produktong agrikultural at
industriyal. Ang sektor ng paglilingkod ay binubuo ng sub-sektor sa pananalapi, insurance,
komersiyo, real estate, kalakalang pakyawan at pagtitingi, transportasyon, pag-iimbak,
komunikasyon, at mga paglilingkod na pampamayanan, panlipunan, at personal. Ang mga sektor
na nabanggit ay may mahalagang papel sa kabuuang ekonomiya ng bansa. Importante ang
sektor ng kalakalan ng pagtitingi (retail) at pamamakyaw (wholesale) upang tiyaking makarating
sa mga mamimili ang mga produkto mula sa sakahan o pagawaan. Malaki rin ang naiaambag ng
sektor ng paglilingkod sa GDP ng Pilipinas. Kapansin-pansin din ang patuloy na pagtaas ng
porsiyento ng paglago ng sektor ng paglilingkod sa Pilipinas na nagkaroon lamang ng bahagyang
pagbaba noong 2001.Isa sa mga kilalang nakatutulong sa ekonomiya ngayon ay ang paglakas
ng business process outsourcing lalo na ang call center companies na nagkakaloob ng trabaho
sa maraming Pilipino. Sa pangkalahatan, ang paglilingkod ay ang pagbibigay ng paglilingkod sa
halip na bumuo ng produkto.

Ang pormal na industriyang bumubuo sa sektor ng paglilingkod ay ang


sumusunod:
• Transportasyon, komunikasyon, at mga Imbakan – binubuo ito ng mga paglilingkod
na nagmumula sa pagbibigay ng publikong sakayan, mga paglilingkod ng telepono, at
mga pinapaupahang bodega.
• Kalakalan – mga gawaing may kaugnayan sa pagpapalitan ng iba’t-ibang produkto at
paglilingkod.
• Pananalapi – kabilang ang mga paglilingkod na binibigay ng iba’t ibang institusyong
pampinansiyal tulad ng mga bangko, bahay-sanglaan, remittance agency, foreign
exchange dealers at iba pa.
• Paupahang bahay at Real Estate– mga paupahan tulad ng mga apartment, mga
developer ng subdivision, town house, at condominium.
• Paglilingkod ng Pampribado – lahat ng mga paglilingkod na nagmumula sa pribadong
sektor ay kabilang dito.
• Paglilingkod ng Pampubliko – lahat ng paglilingkod na ipinagkakaloob ng
pamahalaan.

Page 4 of 9
ISAISIP 4: TEKS-TO-GRAPH
Batay sa iyong binasang teksto, sagutin ng pasalita ang bahaging ito at hindi na
kinakailangan isulat ang iyong sagot sa iyong sagutang papel.

Sektor ng
Paglilingkod

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang ibig sabihin ng sektor ng paglilingkod?
2. Isa-isahin ang bumubuo sa sektor ng paglilingkod.
3. Sumasang-ayon ka bang ang malaking bilang ng sektor ng paglilingkod sa bansa
ay maaaring isang indikasyon ng kaunlaran ng ekonomiya? Pangatwiranan.

ISAISIP 5 : DATOS-INTERPRET KO
Paghambingin ang distribusyon ng mga sektor ng ekonomiya at sagutin ang mga
pamprosesong tanong.
Talahanayan 2
Distribusyon ng mga Sektor ng Pang-ekonomiya
2005 – 2010 (In-Million Pesos)
SEKTOR 2005 2006 2007 2008 2009 2010
Agrikultura 778,370 853,718 943,842 1,102,465 1,138,334 1,182,374

Industriya 1,735,148 1,909,434 2,098,720 2,347,803 2,318,882 2,663,497

Paglilingkod 2,930,521 3,268,012 3,606,057 3,959,102 4,221,702 4,667,166

Pinagkunan: National Statistical Coordination Board (NSCB). 2013. Retrieved from http://www.nscb.gov.ph/secstat/d_accounts.asp on September 12, 2014

Pamprosesong Tanong:
1. Aling sektor ang nagbigay ng malaking kontribusyon sa kabuuang kita ng ekonomiya mula
2005 hanggang 2010?
2. Alin naman ang may pinakamaliit na kontribusyon sa ekonomiya sa nakalipas na mga
taon?
3. Ano ang ipinahihiwatig na patuloy na paglaki ng distribusyon ng sektor ng paglilingkod sa
ekonomiya ng bansa?
4. Ano ang maaaring maging epekto ng paglaki o pagtaas ng bilang ng sektor ng paglilingkod sa
ekonomiya ng bansa kompara sa sektor ng agrikultura at Industriya?

IKATLONG ARAW
E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan (Paglinang/
Alamin Mo/Paunlarin)

Gawain : PINOY SAAN MAN SA MUNDO


Page 5 of 9
Kumpletuhin mo ang dayagram na naglalarawan ng katangian ng mga manggagawang
Pilipino. Sagutin mo ito sa sarili o pasalita hindi na kinakailangang isulat ang sagot sa
iyong sagutang papel.

Pamprosesong Tanong: Sagutin mo ito sa sarili o pasalita hindi na kinakailangang isulat


ang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Saang mga larangan nakikilala ang mga manggagawang Pilipino sa mundo?


2. Sa iyong palagay, sa papaanong paraan mapapangalagaan ang kalagayan ng mga
manggagawang Pilipino?

F. Paglinang sa Kabihasnan (Gawin Mo/ Pagyamanin)

Isipin 6: Mga Ahensya Alam ko ito!


Panuto: Kilalanin at sabihin ng pasalita ang pangalan ng mga Ahensiyang Tumutulong sa
Sektor ng Paglilingkod.

– nagsusulong ng malaking pagkakataon para sa pagtatrabaho,


humuhubog sa kakayahan ng mga manggagawa, nangangalaga sa
kapakanan ng mga manggagawa, at nagpapanatili sa kaayusan at
kapayapaan sa industriya n g paggawa sa bansa

– ahensiya ng pamahalaan na tumitingin sa kapakanan ng mga Overseas


Filipino Workers

– itinatag sa bisa ng Executive Order 797 noong 1982 na may layuning


isulong at paunlarin ang mga programa ukol sa paghahanapbuhay sa
ibayong-dagat at pangalagaan ang kapakanan ng mga Overseas Filipino
Workers.

– itinatag sa bisa ng Republic Act 7796 noong 1994. Isinusulong ng batas


na ito na hikayatin ang buong partisipasyon ng industriya, paggawa, mga
lokal na pamahalaan, at mga institusyong teknikal at bokasyonal upang
sanayin at paunlarin ang kasanayan ng mga manggagawa sa bansa Page 6 of 9
G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay (Gawin Mo/ Pagyamanin

Gawain 1: PAGLILINGKOD-POSTAL (Performance)


Panuto: Susulat ka ng isang BUKAS NA LIHAM para sa tanggapan ng Pangulo ng bansa. Ang
liham ay dapat na maglaman ng mga natutuhan, reyalisasyon, at opinyon mo tungkol sa sektor
ng paglilingkod sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa. Maglagay ka ng iyong mga mungkahing
programa para sa kagalingan ng mga manggagawang Pilipino. Gawin ito sa iyong sagutang
papel

NAKUHANG
PAMANTAYAN DESKRIPSIYON PUNTOS
PUNTOS
Maliwanag na nailahad ang lahat
ng mga tanong at isyung nalutas
at hindi nalutas, at nakagawa
Pagkilala sa sarili 3
ng kongkreto at akmang
kongklusyon batay sa pansariling
pagtataya.
Paglalahad ng
Napakaliwanag ng paglalahad ng
sariling saloobin 3
saloobin sa paksa.
sa paksa
Pagpapahalagan Natukoy ang lahat ng mga
pagpapahalagang natalakay sa
g natalakay sa
paksa. 3
aralin
Pagsasabuhay Makatotohanan ang binanggit na
paraan ng pagsasabuhay ng mga
ng mga
pagpapahalagang natutuhan sa
pagpapahalagan
paksa.
g natutuhan sa 3
paksa
KABUUANG PUNTOS 12

IKAAPAT NA ARAW
H. Paglalahat ng Aralin (Tandaan Mo/ Pagyamanin at Isaisip)
Page 7 of 9
Isaisip 7: CALLOUT
Panuto: Sa bahaging ito balikan mo ang iyong natutunan ukol sa paksang tinalakay.Hindi na
kinakailangang isulat ang sagot sa iyong sagutang papel. Gawin ito ng pasalita na lamang

Binabati kita! Matagumpay mong nagawa ang lahat ng mga gawain. Patunay ito
na handa ka na sa maikling pagsusulit na iyong gagawin.

I. Pagtataya ng Aralin (Natutuhan Ko/Isagawa) (Pagsusulit)

I. Panuto: Piliin mula sa kahon ang tinutukoy sa ibaba: Isulat ang sagot bago ang patlang.
Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

Transportasyon, Kalakalan Pananalapi Paupahang Paglilingkod ng


komunikasyon, at bahay at Pampribado
mga Imbakan Real Estate
OWWA POEA TESDA CHED PRC

___________1. Mga gawaing may kaugnayan sa pagpapalitan ng iba’t-ibang produkto at


paglilingkod.
___________2. Mga paupahan tulad ng mga apartment, mga developer ng subdivision, town
house, at condominium.
___________3. Binubuo ito ng mga paglilingkod na nagmumula sa pagbibigay ng publikong
sakayan, mga paglilingkod ng telepono, at mga pinapaupahang bodega.
___________4. Kabilang ang mga paglilingkod na binibigay ng iba’t ibang institusyong
pampinansiyal tulad ng mga bangko, bahay-sanglaan, remittance agency, foreign
exchange dealers at iba pa.
___________5. Lahat ng mga paglilingkod na nagmumula sa pribadong sektor ay kabilang dito.
___________6. Itinatag sa bisa ng Executive Order 797 noong 1982 na may layuning isulong at
paunlarin ang mga programa ukol sa paghahanapbuhay sa ibayong-dagat at
pangalagaan ang kapakanan ng mga Overseas Filipino Workers.
___________7. Ahensiya ng pamahalaan na tumitingin sa kapakanan ng mga Overseas Filipino
Workers
___________8. Nangangasiwa at sumusubaybay sa gawain ng mga mangagawang propesyonal.
___________9. Itinatag sa bisa ng Republic Act 7796 noong 1994. Isinusulong ng batas na ito na
hikayatin ang buong partisipasyon ng industriya, paggawa, mga lokal na
pamahalaan, at mga institusyong teknikal at bokasyonal upang sanayin at paunlarin
ang kasanayan ng mga manggagawa sa bansa
___________10. Nangangasiwa sa gawain ng mga pamantasan at kolehiyo sa bansa upang maitaas
ang kalidad ng edukasyon sa mataas na antas.

II. Panuto: Gumuhit ng ☺ kung ang pangungusap ay karapatan ng mga mangagagawa at


gumuhit naman ng  kung ito ay hindi karapatan ng mangagagawa ayon sa International Labor
Organization

___________1.May karapatang ang mga manggagawa na makipagkasundo bilang bahagi ng


grupo sa halip na mag-isa.
___________2.Karapatan ng manggagawa na ang sahod o sweldo ay sapat at karapat-dapat para
sa maka-taong pamumuhay.
___________3.Karapatang tratuhin ng tama at hindi sa anyo ng sapilitang trabaho, lalo na ang
mapangaliping trabaho at trabahong pangkulungan. Dagdag pa rito, bawal ang
trabaho bunga ng ng pamimilit o ‘ duress’
___________4.Karapatan ng manggagawa ang laging lumiban sa trabaho kahit walang sapat na
kadahilanan.
___________5.Karapatang tratuhin ng tama at hindi makaranas ng anumang anyo ng diskrimasyon
sa trabaho,pantay na suweldo para sa parehong trabaho.
Page 8 of 9
IKALIMANG ARAW
J. Karagdagang Gawain at Remediation
Isaisip 8: SULIRANIN AT DAHILAN
Panuto: Tukuyin mo ang nilalaman o ipinahihiwatig ng mga larawan gawin na lamang ito ng
pasalita.

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang kaugnayan ng edukasyon sa pag-unlad ng bansa?
2. Paano nakaaapekto sa isang bansa ang pagbagsak ng kalidad ng
edukasyon?
3. Bakit dumarami ang bilang ng mga manggagawang Pilipino na
nangingibang-bayan partikular na ang labor skilled worker at propesyonal?
4. Sa iyong palagay, magiging maunlad ba ang ekonomiya ng isang bansa
kung sisiguraduhin ng pamahalaan na mapapangalagaan ang mga
mamamayan?

Mahusay! Natapos mo na ang mga gawain para sa linggong ito

Page 9 of 9
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region III
Division of City of San Fernando (P)
PAMPANGA HIGH SCHOOL
Lourdes, City of San Fernando, Pampanga

Araling Panlipunan 9
PAKSA
IMPORMAL NA SEKTOR: MGA DAHILAN AT EPEKTO NITO SA EKONOMIYA

IKA-APAT NA MARKAHAN (WEEK 6)

ARAW NG MGA GAWAIN BILANG NG MGA KABUUANG


PAGSAGOT KATANUNGAN/AYTEM PUNTOS
Unang Araw A. Paunang Pagtataya
B.Jumbled Letter Paunang Kaalaman
C. Isang Tanong-Isang Sagot
Ikalawang D. Isipin: Photo-Bucket Pagyamanin
Araw
Ikatlong E. Gawain 1: Punuan MO! Pagyamanin
Araw F. Isipin Pormal o Di-Pormal Subukin ang iyong Sarili
G. Isaisip:Pangatwiranan MO! Pagyamanin
Ikaapat na H. Isipin :Dugtungan Pagyamanin
Araw
I. Pagtataya: Pagsusulit 15 puntos
Ikalimang J.Karagdagang gawain Pagpapayaman sa aralin
Araw Isaisip : Isip-isip Pag may Time

A. Pamantayang Pangnilalaman(Content Standards):


Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa mga sektor ng ekonomoiya at mga patakarang
ekonomiya nito sa harap ng hamon at pwersa tungo sa pambansang pagsulong at pag-
unlad.

B. Pamantayan sa Pagganap(Performance Standards):


Ang mga mag-aaral ay aktibong nakikibahagi sa maayos na pagpapatupad at pagpapabuti ng
mga sektor ng ekonomiya at mga patakarang pang-ekonomiya nito tungo sa pambansang pag-
sulong at pag-unlad

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto/Most Essential Learning Competencies

MELC No. 8 - Nabibigyan halaga ang mga gampanin ng impormal na sektor at mga patakarang
pang-ekonomiya
D. Layunin (Objectives):
1. Nakapagbibigay ng sariling pakahulugan sa konsepto ng impormal na sektor.
2. Natutukoy ang kabutihan ng pagkakaroon ng impormal na sektor
3. Nasusuri ang mga dahilan at epekto ng pagkakaroon ng impormal na sektor.
4. Napapahalagahan ang mga patakarang nakakatulong sa impormal na sektor ng ekonomiya

I. NILALAMAN(Content):
Page 1 of 8
Kagamitang Panturo (Learning Resources)
A. Sanggunian (References)
1. Mga pahina sa Gabay ng Guro (TGs):(2016) p.291-319
2. Mga pahina sa Kagamitang Pang-mag-aaral (LMs (2016)p.439-463/(2017)
p.490-516
3. Mga pahina sa Teksbuk (Other references): KAYAMANAN p. 299-304 (2010
edition), KAYAMANAN p.364-368 (2017 edition)
4. Antonio, Eleanor D., Evangeline M. Dallo, Consuelo M. Imperial, Ma.
Carmelita B. Samson, at Celia D. Soriano. 1999. Pagbabago. Manila,
Philippines: Rex Bookstore, Inc
5. Balitao, Bernard R., Martiniano D. Buising, Edward D.J. Garcia, Apollo D. De
Guzman, Juanito L. Lumibao Jr., Alex P. Mateo, at Irene J. Mondejar. 2015.
Ekonomiks Araling Panlipunan (Modyul ng Mag-aaral) Pasig City: Vibal
Group Inc.
6. Molina, Ramil V., Baby Jane C. Alcantara, Leo C.Somera, Joevenil P.
Moncal, Dr. Gregorio R. Sismondo at Alvin C. Fronteras. 2016. Makisig
Ekonomiks. Sampaloc, Manila:Magallanes Publishing House
https://www.youtube.com/watch?v=CvFiU4x_sNw
7. https://www.youtube.com/watch?v=JJ0nFD19eT8

UNANG ARAW
II. PAMAMARAAN(Procedures):
A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin
Gawain: Ukol sa Sektor ng Paglilingkod. Sagutin mo ang mga tanong ng pasalita at hindi
na kailangang isulat ang iyong sagot sa iyong sagutang papel.

1.Paano nakakaapekto ang pag-alis ng ating mga propesyunal at skilled workers sa pag-unlad
ng ating bansa?
2.Ano ang kinakailangan na gawin ng bawat mamamayan kung isa na siyang tagapaglingkod
sa anumang larangan?
3.Gaano kahalaga sa bawat tagapaglingkod ang katangian na kasanayan,kagalingan at
katapatan?Ipaliwanag

B. Paghahabi sa layunin ng aralin (Panimula)

Isaisip 1: JUMBLED LETTER

Panuto: Bago ka tumungo sa paksang tatalakayin. Balikan muna ang nakaraang aralin sa
pamamagitan ng isang gawain. Ayusin ang sumusunod na titik na nasa loob ng kahon upang
mabuo ang salita o konsept na tumutukoy sa iba’t-ibang gawain o hanapbuhay .
Sagutin mo ang gawaing ito ng pasalita, hindi na kailangang isulat ang iyong sagot sa
iyong sagutang papel.

EARLANBDA ABULT EODRNV ABCEPID REVIDR

ATHO EVNDOR KLWAIDES NVORDE

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin

Isaisip 2: ISANG TANONG-ISANG SAGOT


Panuto: Sagutin sa sarili o pasalita, hindi na kinakailangang isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel.
1.Ano ang pagkakatulad ng mga nabuong uri ng hanapbuhay?
2.Alin sa mga salitang nabuo ang bago at hindi ganap na nauunawaan?Bakit?
3.Sa iyong palagay,maituturing ba silang bahagi ng ekonomiya ng bansa?

IKALAWANG ARAW

Page 2 of 8
D.Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan \#1(Paglinang/
Alamin Mo/Paunlarin)

PAUNLARIN
ANG IMPORMAL NA SEKTOR: ISANG PAGPAPALIWANAG
Sa inilahad na economic development model ni W. Arthur Lewis sinasabing nagmula ang
paggamit ng konsepto ng impormal na sektor. Inilarawan niya ito bilang uri ng hanapbuhay na
kabilang sa mga bansang papaunlad pa lamang (developing countries). Partikular sa mga ito
ang uri ng trabahong hindi bahagi ng makabagong sektor ng industriya. Subalit, ang pormal na
pagsisimula ng mga ekonomista at iskolar sa paggamit ng konseptong ito ay nagsimula
noong 1970’s dahil sa isinagawang pag-aaral ni Keith Hart, isang antropolohistang Ingles
na nagsuri ng mga gawaing pang-ekonomiya ng mga taong naninirahan sa Acrra, Ghana.
Ginamit ni Hart ang konseptong ito upang ilarawan ang uri ng hanapbuhay ng mga tao
rito. Ito ay sinangayunan ng International Labour Organization (ILO) batay sa kanilang
isinagawang First ILO World Employment Mission sa Kenya, Africa noong 1972. Batay sa
resulta ng kanilang misyon, nalaman nilang marami ang mga may hanapbuhay na nasa labas
ng regular na industriya o ng itinatakda ng batas.
Ayon naman kay Cleofe S. Pastrana, isang kawani ng National Economic and
Development Authority (NEDA), na pinamagatang “The Informal Sector and Non-Regular
Employment in the Philippines”, sa isang kumperensiya sa Tokyo, Japan noong Disyembre 15-
17, 2009, kaniyang binigyang-diing ang impormal na sektor ay nakatutulong sapagkat
nakapagbibigay ito ng empleyo o trabaho sa mga mamamayan. Ito ay nagdudulot din ng
pagkakalikha ng mga produkto at serbisyong tutugon sa ating mga pangangailangan.

Ang Impormal na Sektor - ay paraan ng pag-angkop ng mga mamamayan lalo na ang mga
tinaguriang “isang kahig, isang tuka” tuwing panahon ng pangangailangan o
kagipitan. (IBON Foundation).Ito rin ang salamin ng laganap na kahirapan at
kawalan ng sapat na oportunidad.
Ang mga Katangian ng Impormal na Sektor; Hindi nakarehistro sa pamahalaan ,Hindi
nagbabayad ng buwis mula sa kinikita sa operasyon ng negosyo at Hindi nakapaloob sa legal at
pormal na balangkas na inilatag ng pamahalaan para sa pagnenegosyo

IBANG KATAWAGAN SA IMPORMAL NA SEKTOR (IBON Foundation)


1. Inivisble economy 5. Black market
2. Underground economy 6. Hidden economy
3. Small-scale sector 7. Parallel market
4. Shadow economy 8. Submerged economy

Underground economy – iba sa impormal na sektor (Cielito Habito)


- gawaing labag sa batas

Impormal na Sektor – Tugon sa Hindi Mabuting Epekto ng Globalisasyon


• Sachet Phenomenon – paglaganap ng mga produkto sa maliliit na pakete
• Manghihilot
• Basurero

KAHALAGAHAN ng IMPORMAL NA SEKTOR:


1. Nabibigyan ng pagkakataon ang maraming Pilipino na makapaghanapbuhay
2. Nagsisilbing dagdag kita sa mga mamamayan bukod sa suweldong kanilang natatanggap
mula sa kanilang regular na trabaho
3. Nagsisilbing tagasalo ng mga mamamayang may mahigpit na pangangailangan

GLOBALISASYON – ang pagkilos o paglilipat ng mga produkto, serbisyo, paggawa, capital at


teknolohiya sa buong mundo.
MABUTING DULOT DI-MABUTING DULOT
• Mabilis na paglago ng ekonomiya • Paglaki ng agwat ng mayaman at mahirap na bansa
• Mataas na antas ng pamumuhay • Hindi matatag na kabuhayan

Page 3 of 8
• Inobasyon • Patuloy na paglaganap ng kahirapan
• Pag-unlad ng teknolohiya • Pagsasamantala sa makabagong teknolohiya upang
• Oportunidad sa mga bansa dumaloy ang mga illegal na droga, armas atbp.

Isaisip 3 :PHOTO BUCKET


Larawang –Suri / Larawan ng mga taong kabilang sa impormal na sektor

Pamprosesong Tanong: Sagutin mo ang bahaging ito ng pasalita na lamang.


1. Patungkol saan ang mga larawan?
2. Saang lugar mo madalas makikita ang mga ganitong sitwasyon?
3. Paano mo maiuugnay ang mga larawang ito sa ekonomiya at pamumuhay ng mga tao?
4. Sa konsepto ng ekonomiks ano ang kadalasang ibinibigay na katawagan sa kanilang
gawain?

IKATLONG ARAW
E.Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan \
#2(Paglinang/ Alamin Mo/Paunlarin)

Dahilan at Epekto ng Impormal na Sektor sa Ekonomiya


Sa pangkalahatan, sinasalamin ng pag-iral ng impormal na sektor ang hindi pantay na
pag-unlad ng mga sektor ng ekonomiya. Maliban pa rito, kakulangan ng sapat na hanapbuhay o
kung hindi man ay ang tamang pagpapatupad ng batas tungkol sa paggawa.
Samantala, ayon sa aklat na “Ekonomiks: Mga Konsepto at Aplikasyon” (2012) nina
Balitao et al., ang sumusund ay ilan sa pinaniniwalaang kadahilanan kung bakit pumapasok ang
mga mamamayan sa impormal na sektor:

➢ Makaligtas sa pagbabayad ng buwis sa pamahalaan;


➢ Makaiwas sa masyadong mahaba at masalimuot na proseso ng pakikipagtransaksyon
sa pamahalaan o ang tinatawag na bureaucratic red tape. Sa aspektong ito ay
pumapasok ang labis na regulasyon ng pamahalaan;
➢ Kawalan ng regulasyon mula sa pamahalaan kung saan ang mga batas at programa ay
hindi naipapatupad ng maayos;
➢ Makapaghanapbuhay ng hindi nangangailangan ng malaking capital o puhunan; at
➢ Mapangibabawan ang matinding kahirapan.

Sa kabilang dako, ang pag-iral ng impormal na sektor ay nagdudulot ng


sumusunod na epekto sa ekonomiya:
➢ Pagbaba ng halaga ng nalilikom na buwis
➢ Banta sa kapakanan ng mamimili
➢ Paglaganap ng iligal na mga Gawain

DAHILAN NG PAGLAGANAP NG OPERASYON NG IMPORMAL NA SEKTOR:


1. Kawalan ng Sapat na Regulasyon Mula sa Pamahalaan
Mga Problemang Dulot:
➢ paglala ng mabagal na daloy ng trapiko
➢ pagdami ng mga basurang hindi nakokolekta sa paligid

Page 4 of 8
➢ pagbabara ng mga kanal at estero
➢ paglala ng polusyon sa hangin
➢ pagdami ng naninirahan sa isang lugar
➢ pagliit ng limitadong espasyo para sa mga motorist at pedestrian
➢ paglala ng kaso ng aksidente; at
➢ paglala ng kaso ng kriminalidad tulad ng snatching atbp.

2. Labis na Regulasyon Mula sa Pamahalaan


Problemang Dulot:
➢ Paglaganap ng mga fixer

EPEKTO NG IMPORMAL NA SEKTOR SA EKONOMIYA:


1. Pagbaba ng Halaga ng Nalilikom na Buwis ng Pamahalaan
2. Banta sa Kapakanan ng mga Mamimili (Consumer Act of the Phil. at Quality Control)
➢ Kulang sa timbang at dami ang produkto
➢ Depektibong produkto
➢ Hindi malinis at maingat sa paghahanda o pagpoproseso ng produktong pagkain
➢ Maling pagpapakete
➢ Mababang kalidad ng produkto o serbisyo
➢ Kulang o hindi sumasailalim sa masusing pananaliksik tungkol sa masasamang epekto
ng produkto at serbisyo sa kapaligiran at kalusugan ng mamimili
3. Paglaganap ng mga Ilegal na gawain
➢ Jueteng
➢ Pamimirata – isang uri ng pagnanakaw

BANTANG PANGANIB SA MGA IMPORMAL NA SEKTOR:


1. Walang sapat na proteksyon sa katawan ang mga manggagawa habang nagtatrabaho
2. Mapanganib sa mga Naglalako
3. Hindi sakop ng insurance
4. Kawalan ng nasusulat na kontrata

MGA BATAS, PROGRAMA, AT PATAKARANG PANG-EKONOMIYA KAUGNAY SA


IMPORMAL NA SEKTOR
1. REPUBLIC ACT 8425
Ang batas na it ay kilala rin bilang Social Reform and Poverty Alleviation Act of 1997.
Itinatadhana ng batas na ito ang pagkilala sa impormal na sektor bilang isa sa mga
disadvantaged sector ng lipunang Pilipino na nangangailangan ng tulong sa pamahalaan sa
aspektong panlipunan, pang-ekonomiko, pamamahala at maging ekolohikal.

2. REPUBLIC ACT 9710


Ang batas na ito ay kinilala bilang Magna Carta of Women. Sa ilalim ng batas na ito ay
inaalis ang lahat o anumang uri ng diskriminasyon laban sa kababaihan, kinikilala at
pinangangalagaab ang kanilang karapatang sibil, political, at pang-ekonomiko gaya na lamang
ng karapatan para makapaghanapbuhay at maging bahagi ng lakas-paggawa.

3. PRESIDENTIAL DECREE 442


Ito ay kilala bilang Philippine Labor Code. Itinuturing ito bilang pangunahing batas ng
bansa para sa mga manggagawa. Ito ay naglalaman ng mga probisyon para sa “espesyal na
manggagawa” – kabilang ang mga industrial homeworker, kasambahay, batang manggagawa,
at kababaihan – na kabilang sa impormal na sektor.

4. REPUBLIC ACT 7796


Ito ay ang Technical Education and Skills Development Act of 1994. Layunin ng batas
na ito na hikayatin ang kabuuang partisipasyon at pakikiisa ng iba’t-ibang sektor ng lipunan
gaya ng industriya, paggawa, local na pamahalaan, teknikal at bokasyonal na mga institusyon
upang mapaghusay ang mga kasanayan para sa pagpapataas o pagpapaibayo ng kalidad ng
yamang tao n gating bansa.

5. REPUBLIC ACT 9292


Ito ay tinatawag ding Social Security Act of 1997. Ipinag-utos na lahat ng manggagawa sa
pribadong sektor maging ang kabilang sa impormal na sektoray maging bahagi ng Social
Page 5 of 8
Security System bilang ahensya ng pamahalaan na may tungkulin para itaguyod ang
panseguruhan ng Kapanatagang Panlipunan ng mga Pilipino.

6. REPUBLIC ACT 7875


Kinilala bilang National Health Insurance Act. Sa pamamagitan nito ay naitatag ang
Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) na naglalayong mapagkalooban ang lahat
ng mga mamamayang Pilipino ng isang maayos at sistematikong kaseguruhang
pangkalusugan.

MGA PROGRAMA AT PROYEKTO NG PAMAHALAAN PARA SA MGA MAMAMAYAN NA


BUMUBUO SA IMPORMAL NA SEKTOR:

1. DOLE INTEGRATED LIVELIHOOD PROGRAM (DILP)


Ang programang ito ay ipinatutupad ng Department of Labor and Employment (DOLE)
na nauukol sa pangkabuhayang pangkaunlaran sa pamamagitan ng mga pagsasanay ng mga
mamamayan particular na para sa mga self-employed at mga walang sapat na hanapbuhay.

2. SELF-EMPLOYMENT ASSISTANCE KAUNLARAN PROGRAM (SEA-K)


Isa sa mga pangkabuhayang programa ng Department of Social Welfare and
Development (DSWD) na nagbibigay ng mga Gawain at pagsasanay upang mapaunlad ng mga
mahihirap na pamilya ang kanilang mga kasanayan at makapagsimula ng sariling negosyong
pangkabuhayan at pagtatayo ng mga samahang panlipunan na maaaring magpautang sa mga
kasapi gaya ng Self-Employment Kaunlaran Associations (SKS’s).

3. INTEGRATED SERVICES FOR LIVELIHOOD ADVANCEMENT OF THE FISHERFOLKS


(ISLA)
Tinutulungan ng pamahalaan ang mga mangingisda sa pamamagitan ng pagkakaloob
ng mga pagsasanay upang mas mapaghusay pa nila ang kanilang hanapbuhay.

4. CASH-FOR-WORK PROGRAM (CWP)


Ito ay programa ng DSWD na kung saan sa ilalim nito, ang mga biktima ng kalamidad o
mga evacuee ay bibigyan ng kabayaran kapalit ng serbisyong kanilang isasagawa o pagtulong
sa panahon ng rehabilitasyon at rekonstruksyon ng mga nasalantang lugar.

GAWAIN 1: PUNUAN MO! (Performance)


PANUTO: Punuan mo ng tamang kasagutan ang mga hinihingi sa loob ng kahon.
Isulat sa iyong sagutang papel ang iyong kasagutan.

IMPORMAL NA SEKTOR
3 Katawagan sa 3 Dahilan ng 3 Kabutihan sa 3 Di-Kabutihan sa
Impormal na Sektor Pagkakaroon ng Pagkakaroon ng Pagkakaroon ng
Impormal na Sektor Impormal na Sektor Impormal na Sekto

F.Paglinang sa Kabihasnan ( Gawin Mo/ Pagyamanin)

Isipin 4:PORMAL O DI PORMAL


Panuto: Sagutin mo ito sa sarili o pasalita hindi na kinakailangang isulat ang sagot sa
iyong sagutang papel.

1. Accountant sa Bangko
2. Turu-turo sa harap ng bahay nyo.
3. Mais Vendor
4. Black Market
5. Naglilinis ng Air Con

Page 6 of 8
G.Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay (Gawin Mo/ Pagyamanin

Isaisip: Pangatwiranan Mo!


Kung bibigyan ka ng pagkakataon pipiliin mo bang mapabilang sa impormal na sektor?Bakit?
Sagutin sa sarili o pasalita, hindi na kinakailangang isulat ang sagot sa iyong sagutang
papel.

IKAAPAT NA ARAW
H.Paglalahat ng Aralin (Tandaan Mo/ Pagyamanin at Isais\p)

ISIPIN: Dugtungan: Sagutin mo ito sa sarili o pasalita hindi na kinakailangang isulat ang
sagot sa iyong sagutang papel.

1.Natutuhan ko na ang impormal na sektor ay____


2.Nagkakaroon ng impormal na sektor dahil______
3.May mabuti ring naidudulot ang impormal na sektor tulad ng________
4.Ilan sa masamang epekto ng impormal na sektor ay ang________________

Binabati kita! Matagumpay mong nagawa ang lahat ng mga gawain. Patunay ito
na handa ka na sa maikling pagsusulit na iyong gagawin.

I. Pagtataya ng Aralin (Natutuhan Ko/Isagawa) (Pagsusulit)

Test I:Isulat sa sagutang papel kung ang mga pangungusap ay Tama o Mali
1. Ang impormal na sektor ay nakatala at nakarehisto sa pamahalaan.
2. Si Keith Hart ang nagpasimula sa konsepto ukol sa impormal na sektor na sinang –ayunan
ng International Labour Organization.
3. Tinatawag ding Hidden at Underground economy ang impormal na sektor.
4. Ang mga sales-lady sa SM at Robinson ay kabilang sa impormal sektor.
5. Nakakatulong sa pagtaas ng buwis ang pagdami ng impormal na sektor.
6. Tinatawag ding isang kahig isang tuka ang impormal na sektor.
7. Isa sa masamang epekto ng impormal na sektor ay banta sa kalusugan ng mamamayan.
8. Kasama sa masamang gawain ng impormal na sektor ang prostitusyon at bentahan ng
droga.
9. Ayon kay Cleofe Pastrana nakapagbibigay ng hanap-buhay ang impormal na sector upang
may mapgkakitaan ang mga tao upang mapunan ang kanilang pangangailangan.
10. Ang mga taong nagtatrabaho,kumikita at hindi nagbabayad ng buwis ay kabilang sa
impormal na sektor
11. Nakarehistro sa pamahalaan ang impormal na sektor ng ekonomiya.
12.Makapaghanapbuhay nang hindi nangangailangan ng malaking kapital o puhunan.
13. Isa sa masamang epekto ng pagdami ng impormal na sektor ay ang pagliit ng
nakokolektang buwis ng pamahalaan.
14. De kalidad at ligtas sa mga mamimili ang mga produktong gawa ng hindi rehistradong
kompanya.
15. Ang pagbibigay babala sa mga sinehan sa illegal na pamimirata ay mahalaga upang
maproteksyunan ang gawa ng iba.Mawawalan ng trabaho ang mga manggagawa

IKALIMANG ARAW
A. Karagdagang Gawain at Remediation

ISAISIP 5: ISIP-ISIP PAG MAY TIME


Magsabi ng limang ahensya ng pamahalaan na nakakatulong sa Impormal na sektor at ilarawan
ang kanilang programa at patakaran sa pagpapatatag ng ekonomiya. Sagutin mo ito sa sarili
o pasalita hindi na kinakailangang isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

Mahusay! Natapos mo na ang mga gawain para sa linggong ito.


Page 7 of 8
Page 8 of 8
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region III
Division of City of San Fernando (P)
PAMPANGA HIGH SCHOOL
Lourdes, City of San Fernando, Pampanga

Araling Panlipunan 9
PAKSA
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas

IKAAPAT NA MARKAHAN (WEEK 7)


ARAW NG MGA GAWAIN BILANG NG MGA KABUUANG
PAGSAGOT KATANUNGAN PUNTOS
Unang Araw A. Paunang Pagtataya Panimulang Gawain ----
B. Isaisip1: Country and Flag
Hunt
Isaisip 2: My Knowledge
C. Pamprosesong Tanong
Ikalawang D. Gawain 1: Draw and Say Pagyamanin
Araw
Ikatlong E. Isaisip 3: Alam ko Ito! Pagyamanin
Araw F. Isaisip 4: Venn Diagram Pagyamanin
G.Isaisip 5: Isip-Isip Pag May Pagyamanin
Time
Ikaapat na H. Isaisip 6|: Pagyamanin
Araw I. Pagtataya: 15 katanungan 15 puntos
Ikalimang J. Karagdagang gawain Pagpapayaman sa Aralin
Araw Isaisip 7: LET’s TALK

A. Pamantayang Pangnilalaman(Content Standards):


Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa mga sektor ng ekonomiya at mga patakarang
pangekonomiya nito sa harap ng mga hamon at pwersa tungo sa pambansang pagsulong at
pag-unlad.

B. Pamantayan sa Pagganap(Performance Standards):


Ang mga mag-aaral ay aktibong nakikibahagi sa maayos na pagpapatupad at pagpapabuti ng
mga sektor ng ekonomiya at mga patakarang pangekonomiya nito tungo sa pambansang
pagsulong at pag-unlad.

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto/Most Essential Learning Competencies


MELC 9: Nasusuri ang pang-ekonomikong ugnayan at patakarang panlabas na nakakatulong
sa Pilipinas

A. Layunin (Objectives):
1. Natataya ang ugnayan ng kalakalang panlabas ng bansa.

Page 1 of 9
2. Nasusuri ang ugnayan ng Pilipinas para sa kalakalang panlabas nito sa mga samahan
tulad ng World-Trade Organization at Asia-Pacific Economic Cooperation tungo sa patas
na kapakinabangan ng mga mamamayan ng daigdig.
3. Napahahalagahan ang kontribusyon ng kalakalang panlabas sa pag-unlad ng
ekonomiya ng bansa.

NILALAMAN(Content): Ang Pilipinas At Ang Kalakalang Panlabas


Kagamitang Panturo (Learning Resources)
A. Sanggunian (References)
1. Mga pahina sa Kagamitang Pang-mag-aaral (LMs 2015) p. 449-471
LMs 2017) p.
2. https://tl.wikipedia.org/wiki/Asia-Pacific_Economic_Cooperation

UNANG ARAW
PAMAMARAAN(Procedures):
PANIMULANG GAWAIN
A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin (Subukin):

Bago ka magsimula sa pagbabasa ng araling ito, subukin mong sagutan sa


iyong sarili ang panimulang pagtataya upang masukat ang lawak ng kaalaman mo
tungkol sa aralin.

Huwag kang mangamba sa pagsagot. May mga tulong sapag-aaral na inihanda


para sa iyo. Maaari mo nang simulan ang pagsagot.

PAUNANG PAGTATAYA:
Isaisip 1: Country and Flag Hunt
Panuto: Ayusin ang mga titk sa loob ng kahon upang mabuo ang pangalan ng bansang tinutukoy
at pagkatapos ay piliin ang katumbas na watawat nito. Sagutin sa sarili o pasalita, hindi na
kinakailangang isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

Page 2 of 9
Pamprosesong Tanong: Sagutin sa sarili o pasalita, hindi na kinakailangang isulat ang
sagot sa iyong sagutang papel.
1. Alin sa mga bansang ito ang naging madali o mahirap sagutin at hanapin? Bakit?
2. Paanong nakatulong ang iyong paunang kaalaman sa heograpiya at sa kasaysayan ng
daigdig upang madali mong masagutan ang bawat bilang?
3. Sa iyong palagay sa paanong paraan nagkakaroon ng ugnayan ang mga bansang ito sa
Pilipinas

Ang mga gawain sa bahaging ito ay tutuklas sa iyong kaalaman tungkol sa


kalakalang pambansa at ugnayan nito sa ibang bansa.

B. Paghahabi sa layunin ng aralin (Panimula)


May mga produkto at serbisyong hindi kayang matugunan sa loob ng isang lokal na
pamilihan ng isang bansa kaya’t nagaganap ang kalakalang panlabas sa pagitan ng mga bansa.
Ayon sa Oxford Dictionary of Economics, ang kalakalang panlabas ay tumutukoy sa pagpapalitan
ng mga produkto at serbisyo ng mga bansa upang matugunan ang mga pangangailangan na
dulot ng kakapusan sa likas na yaman at iba pang mga salik upang maisagawa ang produksyon.
Ang pagiral ng sistemang kalakalan ay ginagawa na ng mga sinaunang Pilipino sa
ilalim ng sistemang barter sa mga Arabo, Tsino, Hapones, Indiano at iba pang dayuhan. Ito ay
nakabatay ayon sa kung ano ang pangangailangan at kagustuhan ng isang bansa.
Sa pagbabago ng panahon at pagunlad ng disiplina ng Ekonomiks ay sumibol ang
mga iba’t ibang teorya ukol sa kalakalang panlabas. Ang absolute advantage at comparative
advantage theory ang nagiging basehan ng mga bansa para sumali sa pandaigdigang kalakalan.
Ang export ay tumutukoy sa pagluluwas ng mga produkto o serbisyo sa pandaigdigang pamilihan,
samantalang ang import ay tumutukoy sa pagpasok sa lokal na pamilihan ng mga produkto o
serbisyo mula sa ibang bansa.
Ang absolute advantage theory na panukala ni Adam Smith sa kanyang aklat na “An
Inquiry into the Nature and Causes of the Wealth of Nations” na nagsasaad na ang isang bansa
ay dapat na magpakadalubhasa sa paglikha ng mga produkto (specialization). Upang malalaman
ng isang bansa kung anong produkto o serbisyo ang dapat niyang pagtuunan o
pagkadalubhasaang iprodyus, tunghayan ang talahanayan sa ibaba.

Bansa Dami ng Sapatos Dami ng Pantalon


A 10 8
B 5 24
Kabuuan 15 32

Ang bansang A at B ay nagpoprodyus ng dalawang uri ng produkto sa isang araw: sapatos


at pantalon. Iba’t ibang kasanayan / espesialisasyon ang kailangan upang makapagprodyus. Ang
pagiging produktibo ng paggawa ang siyang magsasabi kung gaano karami ang maaring
magawang sapatos at pantalon. Kaya’t ang bansang A ang may absolute advantage sa
pagprodyus ng sapatos at ang bansang B naman ang mas efficient sa pagprodyus ng pantalon.
Kung ang isang bansa ay may absolute advantage sa pagprodyus ng parehong produkto,
ipagpalagay na bansang C at D. Ang mga produkto ay mais at t-shirt. Ang pagiging produktibo
ng isang manggagawa ay makikita sa talahanayan.
Page 3 of 9
Bansa Sako ng Mais T-shirt
C 20 10
D 4 8
Kabuuan 24 18

Kayang iprodyus ng bansang C ang mais at t-shirt na mas efficient kaysa bansang D,
kaya mayroon itong absolute advantage sa pagprodyus. Kung tutuusin, kaya nitong magprodyus
ng mais ng limang beses ang dami kompara sa bansang D. Kaya rin ng bansang C na
magprodyus ng 1.25 na beses sa kayang na t-shirt ng bansang D. Ngunit may comparative
advantage ang bansang C sa pagprodyus ng mais; ang bansang D naman ay may comparative
advantage sa paggawa ng t-shirt.
May comparative advantage sa paggawa ng isang bagay o serbisyo kapag kayang gawin
ang produkto o serbisyo ng mas efficient kompara sa ibang uri ng produkto o serbisyo sa larangan
ng kanyang paghambing sa ibang bansa. Ang mga bansa ay dapat na magpakadalubhasa at
magexport ng mga produkto o serbisyo kung saan siya ay may comparative advantage at
magimport na lamang ng mga produkto o serbisyo na wala siyang comparative advantage na
magprodyus.

Isaisip 2 : My Knowledge
PANUTO: Sagutin sa sarili o pasalita upang makumpleto ang mga pangungusap sa
sumusunod na talata.

Ang kalakalang panlabas ay . Ito ay


tumutukoy sa . Nagaganap ang
kalakalang panlabas dahil .
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin
Pamprosesong tanong: Sagutin ang bahaging ito ng pasalita hindi na kinakailangang
isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Tungkol saan ang talata?
2. Bakit nagkakaroon ng kalakalan sa pagitan ng mga bansa?
3. Paano binago ng pagunlad ng pagaaral ng ekonomiks ang kaisipan tungkol sa
kalakalang panlabas?

IKALAWANG ARAW

Matapos mong matunghayan ang kaalaman tungkol sa kalakalang panlabas,


mababasa mo sa susunod na bahaging ito kung paano tumatakbo ang kalakalang
panlabas ng isang bansa.

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan

Ang Kalakalang Panlabas ng Pilipinas


Ang takbo ng kalakalang panlabas ng isang bansa ay mauunawaan sa pagsusuri ng
tinatawag na Balance of Payment (BOP), na siyang nagsisilbing sukatan ng pandaigdigang
gawaing pangekonomiya ng bansa. Ang Balance of Trade (BOT) naman ay makukuha sa

Page 4 of 9
pamamagitang ng pagbabawas ng halaga ng kalakal na inaangkat (import) sa halaga ng kalakal
na iniluluwas (export).
Ang kalakalang panlabas ay pinagbubuti sa pagkakaroon ng ugnayan ng mga bansa sa
daigdig. Ito ay nagsisilbing pamamaraan upang ang bawat bansa ay magkaroon ng ugnayang
internasyonal kasabay ng mabilisang pagbabago sa lahat ng aspekto ng pamumuhay ng tao,
gaya ng sa edukasyon, komunikasyon, transportasyon, teknolohiya at industriyalisasyon. Sa
panahong ito, masasabing “No Man is an Island” o “Walang Sinoman ang Nabubuhay para sa
Sarili Lamang”.
Higit na sistematiko ang pakikipagkalakalan sa pamamagitan ng pagtatag ng mga
samahang pandaigdig o international organization na naglalayong palawakin ang ugnayan ng
mga bansa.

World Trade Organization (WTO)

Ang pandaigdigang samahang ito ay nabuo noong Enero 1, 199, kilala bilang
namamahala sa pandaigdigang patakarang Sistema ng kalakalan o Global Trading System sa
pagitan ng mga kasaping estado. Ito rin ang nagbibigay ng solusyon sa mga problema, usapin o
sigalot ng mga kasaping estado, maging aspektong pangpolitikal at panglipunan hindi lamang
pangekonomiko.

Asia Pacific Economic-Cooperation (APEC)

Layunin nitong isulong ang kaunlarang pang-ekonomiya at katiwasayang sa rehiyong


Asia Pacific kasama ng pagpapalakas sa mga bansa at pamayanan nito. Ang mga bansang
nasa rehiyong pasipiko ay may ugnayan sa mga usaping pang-ekonomiya at nagsusulong ng
kaunlarang pangkabuhayan, kooperasyon, kalakalan at pamumuhunan. Tinatag ito sa
Singapore noong Nobyember 1989. Ang APEC ay kaiba sa WTO dahil walang kasunduan itong
pinipilit sa mga kasapi. Ang desisyon ng samahan sa mga usapin ay ibinabatay ayon sa
consensus.
May Three Pillars na sinusunod ang APEC:

• Liberalisasyon ng pakikipagkalakalan at pamumuhunan – nakapokus sa


pagpapalawak ng pambansang pamilihan.
• Pagpapabilis at pagpapadali ng negosyo – dahil sa mga itinayong imprastrakturang
kinakailangan sa pagnenegosyo at mga puhunang ilalaan sa operasyon, ito ay
nagpapabilis at nagiging episyente ang bawat gawaing pangkaunlaran.
• Pagtutulungang pang-ekonomiya at teknikal – may layuning maglunsad ng mga
pagsasanay upang malinang, mapahusay at mapalawig ang kaalamang teknikal ng
lahat ng kasaping bansa.

Mga likas o orihinal na kasapi Nobyembre 1989:

Estados Unidos, Australia, Brunei Darussalam, Pilipinas, Indonesia, Japan, Canada, Timog
Korea, Malaysia, New Zealand, Singapore, Thailand

Mga bansang sumanib Nobyembre 1991:

Republikang Bayan ng Tsina, Hong Kong, Chinese Taipei

Mga bansang sumanib Nobyembre 1993:

Page 5 of 9
Mehiko, Papua New Guinea

Mga bansang sumanib Nobyembre 1994:

Chile

Mga bansang sumanib Nobyembre 1998:

Peru, Rusya, Vietnam

Association of Southeast Asian Nations (ASEAN)

Ito ay matatagpuan sa Jakarta, Indonesia, tinatag noong Agosto 8, 1967. Ito ay


naglalayong paunlaring ang ugnayan ng mga bansa sa timong silangang asya, pagbuklurin at
magkaroon ng pagkakaisa. Nais din nitong labanan ang pagkalat ng komunismo sa asya at
magkaroon ng kaunlarang pang-ekonomiko. ASEAN Narito ang mga bansang kasapi sa
Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Philippines , Cambodia, Brunei, Indonesia,
Laos, Malaysia , Myanmar, Singapore, Thailand, Vietnam.
Sinusulong nito ang malayang kalakalan sa bawat kasapi pati ang mga bansang dialogue
partner nito gaya ng Australia, China, USA, Europian Union, Japan, New Zealand, Russia at
South Korea.
Gawain 1: Draw and Say ( Performance)
Panuto: Iguhit ng pansarili ang mga logo ng mga samahang pandaigdig at ibigay ang layunin at
tulong na naibibigay nito sa bansa. Gawin ito sa iyong sagutang Papel

Logo Layunin Tulong sa Bansa

APEC

ASEAN

WTO

Pamprosesong Tanong:

1. Bakit nakikipagugnayan ang ating bansa sa mga samahang pandaigdig?


2. Anong naitutulong ng pakikipagugnayang ito sa ekonomiya ng bansa?

IKATLONG ARAW
E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan

Kalakalang Panlabas ng Pilipinas: Kahalagahan


Ang kalakalan ay nagdudulot ng iba’t ibang epekto sa mga gawaing pang-ekonomiya ng
isang bansa. Sa aspekto ng kabutihan; una, dumarami ang uri ng produkto o serbisyong
maaring tangkilikin ng mga tao; ikalawa, mas pinahuhusay nito ang antas ng produksyon upang
mas maging mahusay ang kalidad ng mga produkto; ikatlo, ang mga produkto ng mga bansa
gaya ng sa Pilipinas ay nabibigyan ng pagkakataong makilala at tangkilikin sa ibang bansa; at

Page 6 of 9
ikaapat, nakakatulong upang mas maging matibay ang ugnayan ng mga bansa at maging
episyente ang pamilihan para sa mga produkto at serbisyo.
Ang hindi magandang epekto ng kalakalang panlabas; una, nalilinang ang kaisipang
kolonyal ng mga mamamayan kung saan mas tinatangkilik ang mga banyagang produkto;
ikalawa, nagging pala-asa ang mga mamamayan sa mga banyagang produkto kaysa lumikha o
tumuklas ng paraan upang makabuo ng sariling gawang produkto; at ikatlo, humihina ang ilang
lokal na negosyo dahil sa kompetisyon laban sa mga dayuhang produkto at kumpanya. Ito ay
maaaring magdulog ng pagkawala ng trabaho ng mga tao.
Isaisip 3: Alam ko Ito
Panuto: Sagutin sa sarili o pasalita, hindi na kinakailangang isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel.
Kalakalang Panlabas ng Bansa

Kahalagahan Bakit / Paano?


1.
2.
3.
4.

Pamprosesong Tanong: Sagutin mo ang bahaging ito ng pasalita na lamang.


1. Bilang isang mag-aaral, paano mo masasabing mahalaga ang kalakalang panlabas ng bansa?
2. Magbigay ng dalawang halimbawa na iyong naranasan ukol sa kahalagahan ng kalakalang
panlabas ng bansa?

IKAAPAT NA ARAW
F. Pagtalakay nga bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan.

Isaisip 4 : IMPORT o EXPORT: I-VENN DIAGRAM MO!

PANUTO: Batay sa nabasa mong teksto tungkol sa kalakalang panlabas ng Pilipinas . Layunin
nito na masuri mo ang mga mahahalagang datos o impormasyon tungkol sa kalakalang
panlabas ng Pilipinas. Sagutin sa sarili o pasalita, hindi na kinakailangang isulat ang sagot
sa iyong sagutang papel.

G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay

Isaisip 5 : ISIP-ISIP PAG MAY TIME!

PANUTO: Magbigay ng isang mahalagang bagay na inaangkat (import bilang bahagi ng

Page 7 of 9
kalakalang panlabas na mahalaga sa inyong pang araw araw na pamumuhay.Sagutin sa sarili
o pasalita, hindi na kinakailangang isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

H. Paglalahat ng Aralin

Isaisip 6: KNOWLEDGE BOX

PANUTO: Iugnay ang kasabihang “Walang Sinuman ang Nabubuhay para sa Sarili Lamang” sa
kalakalang panlabas ng ating bansa. Sagutin sa sarili o pasalita, hindi na kinakailangang
isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

KNOWLEDGE BOX:

IKALIMANG ARAW

I. Pagtataya ng Aralin (Pagsusulit)


Gawain 9: Ginulong mga titik.
I. PANUTO: Ngayon na alam mo na ang kalakalang panlabas ng ating bansa. Iyong
basahin at suriin ang bawat pahayag at iyong ayusin ang mga ginulong mga titik/letra.
Isulat mo ang iyong sagot sa sagutang papel.

NALAKALAK 1. Ang tawag sa sistema ng pagpapalitan ng mga produkto at serbisyo ng


mga bansa sa daigdig.
ETABOSUTA 2. Ito ay nagsasaad na ang isang bansa ay dapat na magpakadalubhasa
sapaglikha ng mga produkto (specialization)
OWT 3. Ang samahang ito ay kilala bilang namamahala sa pandaigdigang
patakarang Sistema ng kalakalan o Global Trading System sa pagitan ng
mga kasaping estado. Ito rin ang nagbibigay ng solusyon sa mga problema,
usapin o sigalot ng kasaping estado, maging aspektong pangpolitikal at
panglipunan hindi lamang pang ekonomiko.
XETORP 4. Mga kalakal na iniluluwas.
FO ECENABL 5. Ito ay nagsisilbing sukatan ng pandaigdigang gawaing pangekonomiya
MENTYPA ng bansa.
TROPMI 6. Ang tawag sa pag-aangkat o pagbibili ng produkto sa ibang bansa
DETRA FO 7. Makukuha ito sa pamamagitang ng pagbabawas ng halaga ng kalakal
ECENABL na inaangkat (import) sa halaga ng kalakal na iniluluwas (export).

NESAA 8. Sinusulong nito ang malayang kalakalan sa bawat bansang kasapi sa


rehiyon ng Timog Silangang Asya.
CEPA 9. Ang samahan ng mga bansa sa Asya Pasipiko na naglalayong paunlarin
ang ekonomiya ng mga kasaping bansa sa pamamagitan ng pag-iibayo ng
kalakalan.
RETBAR 10. Ang unang sistemang ginamit sa pagpapalitan ng mga produkto.

Page 8 of 9
II. Panuto: Isulat ang mga bansang kasapi ng mga samahan sa pakikipagkalakalan.

A. Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Pipiin at isulat ang dalawang


bansa na kasapi sa ASEAN (2pts)
China , Philippines , Japan, Vietnam , Korea

B. Asia Pacific Economic-Cooperation (APEC) Pipiin at isulat ang tatlong likas o


orihinal na kasapi ng APEC (3pts)

Italy , Romania, Philippines , Canada , Israel , USA

J. Karagdagang Gawain para sa takdang-aralin at remediation

Isaisip 7: LET’s TALK

PANUTO: Sagutin ang bahaging ito sa sarili o pasalita, hindi na kinakailangang isulat ang
sagot sa iyong sagutang papel.
Bilang tagapagtaguyod ng bansa sa susunod na panahon. Anong magandang programa
pangkalakalan ang maaring ipatupad ng pamahalaan upang ma proteksyunan ang ating lokal
na produkto para sa ika uunlad ng ating bansa?

Mahusay! Natapos mo na ang mga gawain para sa linggong ito.

Page 9 of 9

You might also like