Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 30

1

MODYUL II

MGA SITWASYONG PANGWIKA


SA PILIPINAS

Aralin 1 Ang Kakayahang Komunikatibo ng mga


Pilipino

Aralin 2 Ang mga Kakayahang Pangkomunikatibo

Aralin 3 Mga Batayang Kaalaman sa Diskurso

Aralin 4 Mga Teorya ng Diskurso

FLCO 103 – Metodo at Pananaliksik sa Wikang Filipino Renante D. Malagayo


Modyul I
2

MODYUL II

MGA SITWASYONG PANGWIKA SA PILIPINAS

INTRODUKSIYON

Ang iniisip at nadarama ng tao ay maaaring maisagawa ayon sa hangarin nito. Ang
pagpapahayag na pasalita o pasulat ay nagiging mabisa lang kung isasaalang-alang ang ilang
batayang sosyolinggwistika. May mga tagapakinig at tagapagsalita na nangangailangan ng
kakayahang umunawa ng mga wastong kayariang panggramatika na angkop sa panlipunang
kapaligiran na hinihingi ng sitwasyon para maiangkop sa alinmang gawi ng pakikipag-usap.

May kapangyarihang komontrol ang wika. May kakayahan itong maglimita, magpalawak,
magpalinaw o magpalabo ng mga ideya. Bawat indibidwal ay may kakayahang komunikatibo
kung saan ay nalilinang ang kanyang kakayahan sa linggwistika, estruktural, gramatikal,
pramatiks, sosyolinggwistika at diskorsal na aspeto.

Ang modyul na ito sisikaping talakayin at ilahad ang: Ang Kakayahang Komunikatibo ng
mga Pilipino, Ang mga Kakayahang Pangkomunikatibo, Mga Batayang Kaalaman sa Diskuro at
Mga Teorya at Istilo ng Diskurso.

MGA LAYUNIN

Pagkatapos na pag-aralan at talakayin ang modyul, ang mga mag-aaral ay inaasahang


magtatamo ng mga sumusunod na kasanayan:

1. Nakapagpapaliwanag ang mga iba’t ibang sitwasyong pangwika sa Pilipinas gaya ng


linggwistiko, estruktura, gramatika, sosyolingwistik, pragmatik at diskorsal ayon sa
kahulugan, gamit, uri at layunin.
2. Nauunawaan ang mga kakayahang pangkomunikatibo na tinataglay ng isang indibidwal.
3. Natututuhan ang mga natayang kaalaman sa diskurso.
4. Nakapag-uugnay ng higit na paglalapat sa mga teorya at istilo ng diskurso.

FLCO 103 – Metodo at Pananaliksik sa Wikang Filipino Renante D. Malagayo


Modyul I
3

Aralin 1

ANG KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO


NG MGA PILIPINO
Mga Layunin:

1. Napalalawak ang kaalaman sa komunikatibong kakayahan ng mga Pilipino.


2. Naliliwanagan ang kaisipan tungkol sa mga kahulugang ibinigay ng mga popular na
personalidad sa paksang komunikatibong kakayahan.
3. Nailalahad ang pagkakaiba ng lalaki at babae sa larangan ng kasarian at wika.
4. Nahahasa ang kaalaman sa mga uri ng komunikasyong di-berbal.
5. Nagagamit ang kakayahang komunikatibo sa iba’t ibang larangan.

Sa pagtuturo at pagkatuto ng wika hindi sapat na alam ang tuntuning pang-gramatika.


Ang pangunahing layunin sa pagtuturo ng wika ay magamit ito ng wasto sa mga angkop na
sitwasyon, maipahatid ang tamang mensahe at magkaunawaan ng lubos ang dalawang taong
nag-uusap.

Saklaw ng diskorsal ang pagkakaugnay ng serye ng mga salita o pangungusap na


bumubuo ng isang makabuluhang teksto. Ang isang taong may kakayahang pangkomunikatibo ay
nakapagbibigay rin ng wastong pakahulugan ng napakinggan o nabasang pangungusap o pahayag
upang makabuo ng isang makabuluhang kahulugan.

Kakayahang Diskorsal - tumutukoy sa mismong kakayahan na matiyak o masigurado na tama ang


isa o higit pang kahulugan ng teksto at sitwasyon na nakapaloob o nakaayon sa konteksto.
Kakayahan ito ng isang indibidwal na maunawaan ang komunikasyon nagaganap sa pagitan ng
taong nakasasalamuha o nakakausap. Ito rin ay pagtiyak sa kahulugang ipinahahayag ng mga
teksto o sitwasyon ayon sa konteksto.

Ang Mga Kakayahang Komunikatibo ng mga Indibidwal

Nanguna si Chomsky sa pagbibigay liwanag sa kahulugan ng kakayahan at


performans. Sinabi niya na ang kakayahan ay tumutukoy sa kaalaman ng tao tungkol sa
kanyang wika at performans naman ay nauukol sa kakayahan sa aktwal na paggamit ng wika sa
mga tiyak na pagkakataon. Ayon pa rin sa kanya: “… language is primarily concerned with
ang ideal speaker- listener in a completely homogeneous speech community – who knows its
language perfectly and is uneffected by such by such gramamatically irrelevant conditions as
memory limita- tions, distractions, shifts of attention and interest, and errors… in applying
his knowledge of the language in actual performance.”

Ayon naman kina Wilkins at Widdowson hindi sapat ang kaalamang panggramatika
upang magamit nang mabisa ang wika. Kailangang isaalang-alang din ang ilang mahahalagang
bagay tulad ng kaangkupan ng sasabihin sa sitwasyong paggagamitan nito.

Sa kabilang dako, ang kakayahang komunikatibo ayon kina Canale at Swain ay


tumutukoy sa pagkakaugnay at interaksyon ng at kakayahang panggramatika o kaalaman sa mga
tuntunin ng gramatika at sa kakayahang sosyo-linggwistika.

Ang pagkatuto ng wika ay binalak na proseso na ang wika ay pinag-aralan sa isang


organisadong paraan at may sinusunod na isang tiyak na programa o silabus. Ang ganitong
pagkatuto ay humahantong sa pagkakaalam sa mga tuntunin sa paggamit at kung paano ito
ilalahad sa isang sistematiko at pormal na paraan

Isang mabuting prinsipyo sa epektibong pagtuturo at pagkatuto ang pagbibigay ng


maraming pagkakataon sa lahat ng mga mag-aaral na lumahok sa mga aktibiti o gawain sa
klase. Nawawala ang tensyon at pagkakimi ng mga mag-aaral na mahiyain. Sa maliit na

FLCO 103 – Metodo at Pananaliksik sa Wikang Filipino Renante D. Malagayo


Modyul I
4

pangkatan higit na malakas ang loob ng mga mag-aaral na magsalita kaysa sa magsalita sa
buong klase.

Nagbigay si Belvez si ng ilang katangian ng mabuting pagtuturo.

1. Ang pagtuturo ay payak at madaling isagawa.


2. Kayang isagawa ng guro at mag-aaral ang sunud-sunod na hakbang ng pagkatuto at
pagtuturo.
3. Mabuti ang pagtuturo kung magbibigay ng mabuting bunga o kahinatnan, humuhubog
sa kanilang kakayahan at sila ang gumagawa sa mga gawain upang matuto.
4. Ang guro ay tagasubaybay, tagapayo at papasok lamang sa bahaging hindi na kaya ng
mag-aaral ang gawain.

Malaki ang pananagutan ng mga guro sa pagtuturo ng wika. Ayon kay Willing isinaalang-
alang ng gurong sensitibo ang pag-aaral ng mga mag-aaral upang makatulong sa pagkakaroon ng
isang mabuting pagkatuto.

Para masabi na ang tao ay may communicative competence sa isang wika, kailangang
magtaglay siya ng linguistic o grammatical competence, sociolinguistic competence,
discourse competence at strategic competence.

1. Ang linguistic/grammatical competence ay kakayahang umunawa at makabuo ng


istruktura sa wika na sang-ayon sa tuntunin ng gramatika. Ito ay katayuan ng isang
taong may kontrol o masteri sa porma o istruktura ng isang wika.

2. Ang discourse competence naman ay may kinalaman sa pag-unawa hindi ng isa-isang


pangungusap kundi ng buong diskurso. Ito ay kakayahang bigyan ng interpretasyon ang
isang serye ng mga napakinggang pangungusap upang makagawa ng isang makabuluhang
kahulugan. Ang tagumpay ng pag-unawa sa isang diskurso ay sang-ayon sa kaalamang
linggwistika, kaalamang istruktura at kaalaman sa social setting.

3. Ayon naman sa strategic competence, wala raw taong perpekto ang kaalaman sa
kanyang wika at nakagagamit ng kaalamang ito nang walang dapat alalahanin.
Ginagamit natin sa abot ng ating makakaya kung anuman ang ating nalalaman. Ang mga
istratehiya na ginagamit natin upang matakpan ang imperpektibong kaalaman natin sa
wika ang tinatawag na strategic competence.

4. Ang pinakahuling elemento ng communicative competence ay ang sociolinguistic


competence. Ang isang taong may sociolinguistic competence ay nakauunawa at
nakagagamit ng kontekstong sosyal ng isang wika. Isinaalang-alang niya ang mga tatlong
bagay sa pakikipag-usap; ang ugnayan ng pag-uusap, ang impormasyong pinag-uusapan
nila at ang lugar kung saan sila nag-uusap. Bukod sa kaalaman sa mga tatlong salik,
alam ng mga kasapi ng usapan ang layon ng kanilang pag-uusap. Sa sociolinguistic
competence nakapaloob ang isang paghuhusga kung angkop sa tatlong salik ang
sasabihin.

Sina Gumperz, Widdowson at Wilkins ay kaisa sa paniniwalang hindi sapat ang


kaalamang panggramatika upang magamit nang mabisa ang wika. Kailangang isaalang-alang din
ang mga bagay tulad ng kaangkupan ng sasabihin sa sitwasyon ng paggamitan nito. Kailangang
mapili ng tagapagsalita ang angkop na istratehiya upang masabi ang ano, kailan at saan.
Mahalaga rin na magkaroon siya ng kaalamang kultural na makaaapekto sa pag-unawa at
pagbibigay-kahulugan sa sinabi ng kausap. Kinilala at binigyang-halaga nina Sperber at Wilson
sa kanilang Relevance Theory ang katotohanang hindi lahat ng pahayag ay malinaw sa
tagapakinig. Maaari itong magkaroon ng magkaibang kahulugan ayon sa pagkakaiba ng antas ng
pag-unawa at pagpapakahulugan ng tagatanggap ng mensahe.

Ang Relevance Theory

Relevance theory aims to explain the well recognized fact that communicators
usually convey much more information with their utterances than what is contained in
their literal sense. To this end, Sperber and Wilson argue that acts of human verbal
communication are ostensive in that they draw their addressees' attention to the fact
that the communicator wants to convey some information. In this way, they

FLCO 103 – Metodo at Pananaliksik sa Wikang Filipino Renante D. Malagayo


Modyul I
5

automatically assert that they are "relevant" to their addressees. A relevant utterance
in this technical sense is one from which many conclusions can be drawn at a low
processing cost for the addressee.

The addressee uses the information contained in the utterance together with his
expectations about its relevance, his real-world knowledge, as well as sensory input, to
infer conclusions about what the communicator wanted to convey. Typically, more
conclusions can be drawn if the utterance contains information that is related to what
the addressee already knows or believes. In this inference process, the "literal
meaning" of the utterance is just one piece of evidence among others.

Sperber and Wilson sum up these properties of verbal communication by calling it


ostensive-inferential communication.it is characterized by two layers of intention on
part of the communicator:

a. The informative intention: The intention to inform an audience of something


(to communicate a certain content).
b. The communicative intention: The intention to inform the audience of one's
informative intention (to draw the audience's attention to one's informative
intention).

Ang kakayahang pangkomunikatibo ay likas na paggamit ng wika sa natural at tuloy-


tuloy na paraan sa pakikipag-usap. Kasama sa interaksyon ang paghahatid ng mensaheng
madaling masabi at maunawaan ng tagatanggap.

Para maging mabisa ang komunikasyon ay mahalagang bigyang-pansin ang mga


katangian nito. Ang komunikasyon ay isang proseso ng decoding. Ang proseso ng komunikasyon
ay dinamiko at komplikado. Dinamiko dahil minsan lamang itong kasangkot. Ang
pagpapakahulugan sa mensahe ay nakasalalay sa tagatanggap nito. Ang proseso ay nauuri sa
mensaheng pangnilalaman o mensaheng panlinggwistika at mensaheng relasyonal o mensaheng
di-berbal na nagpapahiwatig ng damdamin o pagtingin sa kausap.

Malaki rin ang maitutulong ng kaalamang pangkultura sa paghugis ng kakayahan sa


pagsasalita sapagkat hinihingi nito ang kaangkupan ng lenggwahe sa partikular na lipunan.
Nangangahulugang kung hindi nauunawaan ng nagsasalita ang kultura ng lipunang kanyang
kinakaharap, malamang na makapagbitiw siya ng mga salitang maaaring makasakit o magbunga
ng kalituhan. Hindi lahat ng tao ay pare-pareho ang pananaw at pagtingin sa mga bagay at
gawain.

Ang pagkakaiba ng pag-unawa sa mga pahayag ay naaapektuhan din ng kasarian ng


isang tao. Sa usaping kasarian, ayon kay Resuma, may magkaibang papel ang mga kalalakihan
at kababaihan sa paggamit ng wika. Inaasahan na ang kababaihan ay higt na magiging maingat
kaysa sa mga kalalakihan sa paggamit ng wika dahil ito ang inaasahan ng lipunan. Kaugnay nito
binanggit din ni Trugill ang teoretikal na mungkahi mula sa mga sosyolinggwist.

1. Ang mga lalaki ay mas madaling matuto sa mga impormal na pahayag kaysa sa mga
babae.

2. Inaasahang mas nakasusunod sa pamantayan ng lipunan ang mga babae lalung-alo na


kung paggamit ng wika ang pinag-uusapan.

Sa pag-aaral naman ni Tannen, isang propresora sa Unibersidad ng Georgetown, ang mga


babae at lalaki ay pinapalaki sa magkaibang kultura. Ito ang dahilan kaya ang komunikasyon sa
pagitan nila ay nagiging kros-kultural na komunikasyon. Dahil sila ay tumatanda sa magkaibang
mundo, nagbibigay daan sa pagkakaroon ng magkaibang estilo sap ag-uusap sa pagitan ng mga
lalaki at babae. Ito ay kilala bilang GERDERLICTS. Narito ang anim na kaibahan ng dalawa:

1. Status vs. Support. Ang mga lalaki ay nabubuhay sa isang mundo na kompetitibo ang
kombersasyon. Sinusubukan nilang makuha ang upper hand upang mapigilan ang iba na
dominahin sila. Para sa babae naman, ang pakikipagusap ay paraan para makakuha ng
apirmasyon at suporta sa kanilang mga ideya.
2. Independence vs. Intimacy. Ang mga babae ay karaniwang nagbibigay ng importansya sa
kalapitan at pagsuporta upang mapanatili ang intimacy. Ang mga lalaki na nag-aalala

FLCO 103 – Metodo at Pananaliksik sa Wikang Filipino Renante D. Malagayo


Modyul I
6

tungkol sa kanyang katayuan o estado ay mas nagbibigay ng importansya sa hindi pag-


asa sa iba.

3. Advice vs. Understanding. Para sa karamihan ng mga lalaki, ang isang reklamo o daing
ay hamon upang makahanap ng solusyon.

4. Information vs. Feelings. Ayon daw sa kasaysayan, ang mga alalahanin ng mga lalaki ay
tinuturing na mas mahalaga kaysa sa mga alalahanin ng mga babae. Ngayon ay maaring
ibaliktad ang sitwasyong ito na ang pagbibigay ng impormasyon ay hindi kasing
importante ng pagbabahagi ng emosyon. Mula sa pananaw ng mag-aaral ng wika,
walang isang wika ang hihigit sa iba dahil sila ay pantay.

5. Orders vs. Proposals. Ang mga babae ay kadalasan nagpapahiwatig ng payo sa hindi
direktong paraan. Ang mga lalaki naman ay mas madalas na gumagamit ng direktong
pahiwatig o mga utos.

6. Conflict vs. Compromise. Sa pag-iiwas sa di pagkakasunduan, ang ibang babae ay hindi


harapang tututol sa iba kahit na mas mabuti at mabisa para sa isang babae ang
ipahayag ang kanyang sarili.

Inilahad din ni Tannen ang magkaibang estilo ng komunikasyon sa pagitan ng mga lalaki at
babae:

1. Rapport-Talk - para sa mga babae, sila ay gumagamit ng pakikipag-usap upang


mapalapit sa iba.

2. Report-Talk - para sa mga lalaki, ang pag-uusap ay para makakuha ng impormasyon.

3. Metamessages - mga impormasyon tungkol sa relasyon at saloobin ng mga tao na


sangkot sa usapan. Ito ay resulta ng magkakaibang intensyon sa pakikipag-usap

Ang mga lalake at babae ay mas gugustuhin na maintindihan ang isa't isa sa kanilang
estilo dahil iniisip natin na nabubuhay tayo sa parehong mundo ng komunikasyon. Ayon kay
Tannen, kung pag-iisipan lang natin ito, karamihan ng hindi pagkakasunduan ay maaring
maiwasan. Ang pag-unawa sa paraan ng komunikasyon ng magkaibang kasarian ay magiging
isang tulay para mas mapabuti ang pakikipagtalastasan at relasyon ng mga tao.

Sinabi naman ni Joiner, na ang kakayahang komunikatibo ay abilidad sa pagsabi at


pagtanggap ng mensahe. Kabilang dito ang paggamit ng mga di-berbal na materyal sa proseso
ng komunikasyon. Nagbibigay ng mensahe ang mga di-berbal na kagamitan na tinatanggap at
inuunawa naman ng mga mag-aaral. Kung nakuha na ang mensaheng ipinapahayag nito
nagkakaroon na ng komunikasyon.

Tunghayan ang mga uri ng komunikasyong di-berbal bilang bahagi ng kakayahang


komunikatibo ng bawat indibidwal:

Mga Uri ng Komunikasyong Di-berbal

1. Kinesika (Kinesics) o Katawan

Tinatawag din ang uring ito na body language o kinesics. Ang galaw ay
tumutukoy sa pagkilos ng buong katawan o bahagi nito tulad ng mabilis na paglakad,
laglag ang balikat, pagkamot sa ulo, at iba pa. maraming sinasabi ang ating katawan,
minsan pa nga’y higit pa sa m, galit o di kaya’ga tunog na lumalabas sa ating bibig.

Mga Uri

a. Anyo. Tumutukoy sa pisikal na kaanyuan na madalas ay inaangkupan ng isang


impresyon. Sa unang pagkikita, bagamat di naman lubusan ang pagkakakilala ay
nakabubuo tayo ng impresyon sa ating isipan. Maaari nating sabihin na walang
katotohanan at di sapat ang batayan ng ganitong mga impresyon subalit hindi
maiiwasang gumamit ng mga ito sa patuloy nating interaksyon at at komunikasyon.

FLCO 103 – Metodo at Pananaliksik sa Wikang Filipino Renante D. Malagayo


Modyul I
7

b. Mata (Oculesics). Ito ay tumutukoy sa gamit ng mata. Sa pamamagitan ng ating


mata ay naipakikita natin ang ating emosyon. Sinasabing ang mata ay bintana ng
ting pagkatao at kaluluwa. Anu-anoo ang posibleng kahulugan ng napupunga naa
mata, namumugtong mata, umiiwas na tingin o papikit-pikit na mga mata?

c. Ekspresyon ng Mukha (Pictics). Hindi rin maitatago ang ating damdamin at tunay
na intensyon sa ating mukha. Sa mukha, maaaring Makita kung ang isang tao ay
masaya, umiibig, malungkot, nag-aalala, natatakot, may suliranin, nahihirapan,
galit o di kaya’y nag-iisip.
Ang ating pananamit at kaanyuan ay maaaring may mensahe rin. Ano ang
iyong iisipin kung may makita kang babaeng napakaikli ng palda at halos lumabas
na ang dibdib?

d. Tindig at Kilos. Ang mga ito ay maaari ring magsalita para sa aatin. Kapag
nakakakita tayo ng isang lalaking tuwid na tuwid at matikas ang tindig, ano ang
agad na inaakala natin sa kanya? Kung sa lobby ng isang ospital ay may makita
kang isang lalalking paroo’t parito, ano ang ipapalagay mo sa kanya?
e. Kumpas ng Kamay. Isang mayamang pinanggagalingan ng mensaheng di-berbal na
maaaring:

 Kumpas na Regulative katulad ng kumpas ng pulis sa pagpapahinto ng mga


sasakyan sa daan o kumpas ng isang guro sa pagpapatahimik ng mga bata.
 Kumpas na Descriptive na maaaring maglalarawan ng laki, haba, layo, taas
at hugis ng isang bagay.

 Kumpas na Emphatetic ay nagpapahiwatig ng damdamin tulad ng hampas


ng kamay sa mesa, sabay na pagtaas ng dalawang kamay, pagkuyon ng
mga palad at pakikipagkamay.

Mga Uri ng Kumpas ng Kamay


 Kumpas na parang itinuturo – ginagamit ang buong kamay o ang hintuturo
upnag ipanturo sa bagay o bilang pagibigay ng diin.

 Kumpas na nakataob ang palad at ayos na patulak – nagsasaad ito ng


patutol, pagtanggi o di pagsang-ayon.

 Kumpas nakatihaya ang palad – nagsasaad ng pagsang-ayon, pagtanggap


sa ideya, biayaya, mungkahi o handog.

 Kumpas na nakasuntok ang kamay – nagsasaad ng matinding galit o


mabigat na damdadamin.

 Kumpas na parang may hinahati – patungo sa kabilang direksyon ang kilos


ng kamay.

 Kumpas na pagpapagunita – kung pinalalamig natin ang loob ng isang


kaibigang nagagalit, ipinapatong natin sa kanyang balikat an gating mga
kamay at siya’y tinatapik.

 Kumpas na halos pantay-balikat ang dalawang bukas na bisig –


nagpapahiwatig ng kalawakan.

 Palad na itinataas habang nakalahad – nagpapahiwatig ito ng dakilang


damdamin.

 Kumpas na pakutya (nilalakipan ng pagismid) – nagpapahiwatig ng pag-


uyam.

 Kumpas na pahawi o pasaklaw – ito’y nagpapahayag ng pagsaklaw sa


isang diwa, tao o pook.

 Palad na bukas at marahang ibinababa – nagpapahiwatig ng mababang


uri ng kaisipan at damdamin.
 Nakabukas ang palad at biglang ibinababa – nagpapahiwatig ito ng galit
o marahas na damdamin.

FLCO 103 – Metodo at Pananaliksik sa Wikang Filipino Renante D. Malagayo


Modyul I
8

 Nakabukas ang palad na magkalayo ang mga daliri at unti-unting


itinitikom – nagpapahiwatig ng matimping damdamin.

2. CHRONEMICS (Oras)
Mula sa salitang Griyego ‘chromos’ na ang ibig sabihin ay oras. Sa
komunikasyon, mahalaga ang oras kung kailan ginagaganap ang usapan sapagkat
maaaring may mensahe ito. Ang paggamit ng oras kung gayon ay maaaring kaakibat ng
mensahe:
a. Pagdating ng huli sa isang job interview ay maaaring kakitaan ng kakulangan ng
disiplina.

b. Ang pagdating nang maaga sa isang salu-salo ay maaaring makainsulto sa


magbibigay ng salu-salo dahil maaari niyang ikataranta sa paghahanda.

c. Ang pagtawag sa telepono sa madaling araw ay malamang na ikagalit ng ibang


tao. Maaari niyang ipalagay iyong sinasadyang pang-iistorbo sa isang
nagpapahinga at kung gayo’y isang kabastusan. Ngunit maaari ring iyong
ipalagay na isang matinding emergency o pangangailangan.

Ano ang ibig sabihin ng Filipino time, American time, Military time at On time?

3. Pandama (Haptics)
Ito ay tumutukoy sa paggamit ng sense of touch sa pagpapahatid ng mensahe.
Sa ating wika, may iba-iba tayong tawag sa paraan ng paghawak sa ibang tao o bagay at
bawat paraan ay may kanya-kanyang kahulugan. Ilarawan ang kahulugan ng mga
sumusunod: hawak, pindot, hablot, pisil, tapik, batok, haplos at hipo.

Ang pagyakap at paghaplos ng isang ina sa isang sanggol ay may hatid na


kalinga at pagmamahal.

4. Kulay

Sa larangan ng sining, bawat kulay ay may tiyak na kahulugan at nagagamit


natin sa pang-araw-araw na pamumuhay. Ang kulay samakatuwid ay may kanya-
kanyang kahulugan depende sa kultura at kalagayan. Dahil sa kultura at kaugalian, iba-
iba ang interpretasyon ng mga tao sa mga kulay.

Halimbawa:
a. Sa mga taga-Asya, ang pula ay nangangahulugan ng swerte at pagsasaya.

b. Sa ibang bahagi sa Aprika, ang pula ay kulay ng pagdadalamhati.

Pero sa kabila ng kanilang kinalakhan, ang mga tao ay may magkakatulad na


damdamin sa ilang partikular na kulay.

Sikolohikal na Kahulugan ng mga Kulay

Sa sikolohiya, ang bawat kulay ay sumisimbolo sa isang katangian ng tao.


Ginagamit ito ng mga sikolohista upang maunawaan ang pagkatao, kagustuhan,
pangangailangan, pag-uugali at damdamin ng isang pasyente.
Ang kulay ay kasangkapan ng tao sa pagpapahayag ng kanyang damdamin.
Ngunit ang kahulugan ay nag-iiba-iba. Halimbawa, sa pagsusuot ng damit. Ang isang tao
ay mas pinili ang kukay-pulang damit kaysa sa itim na damit ay masaya. Pwede ring
ipakahulugan na siya ay galit.

Samakatuwid, ang bawat kulay ay nagtataglay ng kahulugan. Narito ang ilan.

 Red (Pula) – kulay ng kasiglahan, pag-ibig, kilos, ambisyon at


determinasyon, digmaan at katapangan.
 Orange (Kahel/Dalandan) – kulay ng sosyal na pakikitungo, pag-asa at
maaaring kawalang-loob at kababawan.

FLCO 103 – Metodo at Pananaliksik sa Wikang Filipino Renante D. Malagayo


Modyul I
9

 Yellow (Dilaw) – kulay ng kaisipan, katalinuhan, pagiging positibo at


masiyahin, pagkamainipin, kritisismo at karuwagan.

 Green (Berde) – kulay ng katarungan, pag-unlad, pagiging positibo at


mapag-angkin, liwanag, pag-asa at kaligayahan.

 Blue (Asul) – kulay ng kapayapaan, katotohanan, hustisya, tiwala,


katapatan, karangalan, pagkakonserbatibo at panlalamig.

 Indigo – kulay ng salagimsim (intuwisyon), ideyalismo, kayarian, seremonya


at adiksyon.

 Purple (Lila) – kulay ng imahinasyon at pagkamalikhain, kahilawan at


pagiging di maparaan.

 Turquoise (Turkesa) – kulay ng komunikasyon at kalinawan ng isip,


pagiging di maparaan at ideyalistiko.

 Pink (Rosas) – kulay ng walang pasubaling pag-ibig at pag-aaruga,


kahilawan, kahangalan at pambababae.

 Magenta (Maroon-Kastanyas) – kulay ng pangkalahatang kaayusan at


patas na emosyon, pagiging ispiritual at praktikal, sentido kumon at
pagkakaroon ng pag-asa sa buhay.

 Brown (Kayumanggi) – kulay ng pagiging palakaibigan at seryoso,


kababaang-loob.

 Gray (Abo) – kulay ng kompromiso, pagdadalawang-isip at pagiging


salawahan.

 Silver (Pilak) – kulay ng pambabaeng lakas at sigla, pagiging emosyunal,


sensitibo at misteryoso.

 Gold (Ginto) – kulay ng tagumpay, kasikatan at panalo, kaalwahan,


kaginhawaan, kalidad luho, katanyagan, reputasyon, kabutihang-asal,
kahalagahan, kakisigan, kasaganaan, kayamanan at karangyaan.
 White (Puti) – kulay ng pagiging kumpleto, puro at perpekto, kalinisan,
kainosentehan at kabuuan.
 Black (Itim) – kulay ng pagiging masekreto at malihim, kawalan,
misteryoso, kamatayan, galit, elegante at kasamaan.
Araw-araw o ilang beses sa isang araw ay nagpapalit tayo ng damit, kasabay
niyon ay ang pagpalit o pag-iiba ng ating damdamin at emosyon. Ang kulay ay sadyang
makahulugan sa ating aspeto ng sikolohikal na buhay.
5. Simbolo (Iconics). Sa ating paligid may makikita tayong iba’t ibang icons na malinaw na
nagpapahatid ng mensahe. Ilarawan ang bawat isa at sabihin ang kahulugan:
 Sa pintuan ng mga palikuran, anong simbolo ang nagpapahiwatig na ang isa ay
pambabae at ang isa ay panlalaki?

 Paano sinisimbolo na bawala manigarilyo sa isang lugar?

 Anong simbolo ang ginagamit sa isang lugar na para sa mga may kapansanan?

 Anong simbolo ang makikita sa botelya ng lalson, o sa reseta ng mga doctor?

 Sa tanggapan ng husgado?

 Sa mga kalsada o daan, anu-anong mga simbolong panlansangan ang iyong


makikita

FLCO 103 – Metodo at Pananaliksik sa Wikang Filipino Renante D. Malagayo


Modyul I
10

Aralin 2

KAKAYAHANG PANGKOMUNIKATIBO

Mga Layunin:

1. Nauunawaan ang kaligiran ng kakayahang komunikatibo..


2. Nailalahad ang mga uri ng kakayang komunikatibo at nakapagbibigay ng mga tiyak na
halimbawa nito.
3. Napapalawak ang kaalaman sa impluwensiyang hatid ni Dell Hymes sa kanyang
communicative competence.
4. Natutukoy ang mga layunin ng kakayahang komunikatibo.
5. Nakaglalahad ng mga halimbawa ng sitwasyon sa SPEAKING ni Dell Hymes.

Si Dell Hathaway Hymes ay isang mahusay, kilala, at maimpluwensiyang anthropologist.


Siya ay inilarawan bilang sociolinguist, anthropologist, linguist, at linguistic anthropologist.
Siya ay higit na interesado sa simpleng tanong na “Paano ba nakikipagtalasatan ang isang tao?”

Mula sa kanyang pag- aaral ay ipinakilala niya ang konsepto ng kakayahang


pangkomunikatibo o communicative competence na nakaapekto nang malaki sa mundo ng
lingguwistiko. Ang kakayahang lingguwistiko ay tumutukoy sa abilidad ng isang tao na
makabuo at makaunawa ng maayos at makabuluhang pangungusap. Ang kakayahang
komunikatibo naman ay tumutukoy sa angkop na paggamit ng mga pangungusap batay saa
hinihingi ng isang interaskyong sosyal.

Hinihimok ni Dr. Hymes ang kanyang mga tagasunod na pag-aralan ang lahat ng uri ng
diskursong nangyayari sa buhay tulad ng usapan ng mga tao sa mesa; mito, alamat, at mga
bugtong; mga testimonya sa korte, talumpating pampolitika, mga elehiya, at mga sulating
ginagamit sa pamahalaan. Bahagi na gusto niyang malaman ay kung paano nagkakaiba- iba ng
mga ito sa iba’t- ibang kultura.

Sa pagututuro at pagkatuto ng wika, hindi sapat na matutuhan lang ang mga tuntuning
panggramatika. Ang pangunahing layunin sa pagtuturo ng wika ay magamit ito nang wasto sa
mga angkop na sitwasyon upang:

1. maging maayos ang komunikasyon


2. maipahatid ang tamang mensahe
3. magkaunawaan nang lubos ang dalawang taong nag- uusap

Kapag umabot na rito, masasabing ang taong ito ay nagtataglay na ng kakayahang


komunikatibo at hindi lang basta kakayahang lingguwistiko o gramatikal kaya naman
maituturing na isang mabisang kasangkapan ito ng komunikasyon.

Ang kakayahang komunikatibo ay nagmula kay Dr. Hymes na nilinang nila ng kasamahan
niyang si John J. Gumperz ang konseptong ito bilang reaksiyon sa kakayahang lingguwistika
(linguistic competence) na ipinikilala naman ni Noam Chomsky noong 1965. Ayon sa orihinal na
ideya ni Hymes, ang nagsasalita ng wika ay hindi lang dapat magkaroon ng kakayahang
lingguwistika o gramatikal upang epektibong makipagtalastasan gamit ang wika.

Nararapat din niyang malaman ang paraan ng paggamit ng wika ng lingguwistikang


komunidad na gumagamit nito upang matugunan at maisagawa ito nang naaayon sa kanyang
layunin. Simula nang maipakilala sa diskursong panlingguwistika ang konsepto ng kakayahang
komunikatibo, maraming pag- aaral at mga mungkahi na ang inilabas ng mga dalubhasa
patungkol dito. Ang isang taong may kakayahan sa wika ay dapat magtaglay hindi lang ng
kaalaman tungkol dito kundi ngg kahusayan, kasanayan, at galing sa paggamit ng wikang

FLCO 103 – Metodo at Pananaliksik sa Wikang Filipino Renante D. Malagayo


Modyul I
11

naaangkop sa mga sitwasyong pangkomunikatibo galing sa paggamit ng wikang naangkop sa mga


sitwasyong pangkomunikatibo.

Sa pagtamo ng kakayahang pangkomunikatibo, kailangang pantay na isaalang- alang ang


pagtalakay sa mensaheng nakapaloob sa teksto at sa porma o kayarian (gramatika) ng wikang
ginagamit sa teksto. Naniniwala naman si Dr. Fe Otanes (2002), na ang paglinang sa wika ay
nakapokus sa kapakinabang idudulot nito sa mag-aaral, na matutuhan ang wika upang
makapaghanapbuhay, makipamuhay sa kanilang kapwa, at mapahalagahan nang lubusan ang
kagandahang ng buhay sa kaniang ginagalawan.

Ang kakayahang pangkomunikatibo ay sumasakop sa mas malawak na konsteksto ng


lipunan at kultura- ito’y wikang ginagamit at hindi lang basta wika at mag tuntunin nito (Shuy
2009). Bilang isang lingguwistika, binigyan diin ni Dr. Hymes sa kanyang mga katrabaho ang
pag- uugnay ng kultura sa wika. Ito’y isang kakaibang pananaw sa panahong siya’y nagsisimula
pa lang sa kanyang karera noong mga huling taon ng 1950’s subalit hindi siya napatinag sa
paniniwalang sa pahayag ng mga tao’y gumagamit sila nang higit pa sa salita.

Sa kasalukuyan, ang pananaw na ito ay tanggap at ginamit na sa pag- aaral ng wika sa


iba’t-ibang panig ng mundo kasama na ang ating bansa. Isang pagpupugay para sa dakilang
lingguwistikang sumasalungat sa nakasanayan at nagbigay nang higit na kahulugan sa paraan
natin ng pagkatuto ng wika.

Kahulugan ng Kakayahang Pangkomunikatibo

Narito ang mga kahulugan ng kakayahang pangkomunikatibo:

1. Kakayahan ito o abilidad ng isang tao na makipag-ugnayan o maghatid ng impormasyon


sa tagatanggap nito na maging malinaw, tama at tamang impormasyon ayun sa
nilalayon nito.

2. Ito ay ang kakayahan ng isang tao na magsalita na nakakahikayat ng ibang tao.

3. Maaari ding pagsulat o iba pang paraan ang pakikipagkominkasyon maliban sa pagsalita.

4. Ito ay ang pagtuturo at pagkatuto ng wika hindi lamang sapat na alam ang tuntuning
pang gramatika.

5. Sinasaklaw nito ang kasanayan sa pagiging tama sa pagbuo ng mga pangungusap


kabilang dito ang angkop na gamit depende sa sitwasyon.

6. Ito ay ang pag-unawa at paggamit sa kasanayan sa ponolohiya, morpolohiya, sintaks,


semantika, at mga tuntuning pang –ortoprapiya.

Layunin ng Kakayahang Pangkomunikatibo

Tunghayan sa ibaba ang mga layunin ng kakayahang pangkomunikatibo:

1. Ito ay upang magamit ng wasto ang wika na sa wastong angkop na sitwasyon.

2. Upang maihatid ang tamang mensahe at magka-unawaan ng lubos ang dalawang


taong nag-uusap.

3. Makapaghatid ng tamang impormasyon sa tatanggap ng mensahe.

4. Magkaroon ng kakayahang lingguwistika upang epektibong makipagtalastasan gamit ang


wika.

5. Upang maging bihasa ang mga tao sa paggamit ng kakayahang gramatikal.

6. Ito ay nagbibigay ng kasanayan sa taong nagsasalita upang magamit ang kaalaman at


kasanayan sap ag-unawa at pagpapahayag sa literal na kahulugan ng salita.

Bago talakayin ang pangkalahatang diskurso ang aalamin muna natin ang kahulugan ng
mga sumusunod:

FLCO 103 – Metodo at Pananaliksik sa Wikang Filipino Renante D. Malagayo


Modyul I
12

Ang Mga Kakayahang Pangkomunikatibo

1. Kakayahang Linggwistiko

Ang kakayahang linggwistiko ay tumutukoy sa kakayahan o abilidad ng isa na


makapagsalita iba't ibang mga lenggwahe, wika, at diyalekto. Nakakatulong ito upang
mas mapadali ang pakikipagtalastasan gayundin ang komunikasyon sa iba. Ang
kakayahang linggwistiko ay isang kakayahan o katalinuhan sa larangan ng isang
lenggwahe. Ang linggwistikong kakayahan ay binubuo ng kakayahan nito sa isang wika
sa tamang pagbigkas at pagsulat. May malalim na kaalam sa isang wika sa pagsulat at sa
pagbigkas, na may taglay ng tamang gramatika. Kasama rito ang pag-aaral sa pandiwa,
pang-uri, pang-abay, panghalip, pananda, pang-ugnay (pangatnig, pang-angkop at
pang-ukol).

Kakabit ng kakayahang lingguwistiko ng Pilipino ang wastong pagsunod sa


tuntunin ng balarilang Filipino. Sa kasaysayan, dumaan na samaraming pagbabago at
reoryentasyon ang ating wikang pambansa na nagbunga ng pagbabago sa matandang
balarila.

Matutunghayan sa ibaba ang ilang saklaw ng kakayahang linggwistiko:

Bahagi ng Pananalita sa Makabagong Gramatika

A. Mga Salitang Pangnilalaman:

1. Mga nominal

a. Pangngalan. Nagsasaad ng pangalan ng tao, hayop, bagay,pook,


katangian, pangyayari, at iba pa.

b. Panghalip. Pamalit o panghalili sa pangngalan

2. Pandiwa. nagsasaad ng kilos o nagbibigay-buhay sa pangkat ng mga salita

3. Mga panuring

a. Pang-uri. Nagbibigay-turing o naglalarawan sa pangngalanat panghalip.


b. Pang-abay. Nagbibigay-turing o naglalarawan sa pandiwa,pang-uri, at
kapwa pang-abay

B. Mga Salitang Pangkayarian

1. Mga Pang-ugnay
a. Pangatnig. Nag-uugnay ng dalawang salita, parirala, osugnay (halimbawa:
at, pati, ni, subalit, ngunit)

b. Pang-angkop. Katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan


(halimbawa: na, -ng at -g)

c. Pang-ukol. Nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang salita (halimbawa:


sa, ng)

2. Mga Pananda

a. Pantukoy. Salitang laging nangunguna sa pangngalan


opanghalip(halimbawa: si, ang, ang mga)

b. Pangawing o Pangawil. Salitang nagkakawing ng paksa o simuno

Ortograpiya ng Wikang Filipino

FLCO 103 – Metodo at Pananaliksik sa Wikang Filipino Renante D. Malagayo


Modyul I
13

A. Pasalitang Pagbaybay

Paletra ang pasalitang pagbaybay sa wikang Filipino na nakaayon sa tunog-


Ingles ng mga titik, maliban sa Ñ (enye) na tunog-Espanyol.Ibig sabihin, isa-isang
binibigkas sa maayos na pagkakasunod-sunod ang mga titik na bumubuo sa isang
salita (paaralan-/pi-ey-ey-ar-ey-el-ey-en/), pantig (pag-/pi-ey-dzi/, daglat
(Gob.-/dzi-o-bi/), inisyal (RDM-/ar-di/em), akronim (DENR-/di-i-en-ar/),
simbolong pang-agham (NaCl-/en-ey-si-el/, at iba pa.
B. Pasulat na Pagbaybay
Narito naman ang ilang tuntunin sa pagbaybay ng mga salita, partikular
sapaggamit ng walong dagdag na titik (c, f, j, ñ, q, v, x, z) para sa:

1. Pagpapanatili ng mga kahawig na tunog sa pagsulat ng mga salitamula sa mga


katutubong wika sa Pilipinas.

Halimbawa:
palavvun (Ibanag) bugtong
kazzing (Itawes) kambing
jambangán (Tausug) halaman
safot (Ibaloy) sapot ng gagamba
masjid (Tausug, Mëranaw) gusaling samabahan ng mga Muslim

2. Mga bagong hiram na salita sa mga wikang banyaga. Ang mga dating hiram na
salitang lumaganap na sa baybay na ayon sa abakada ay hindi nasaklaw ng
panuntunang ito.
Halimbawa:
Selfie
digital
detox

Paalala: Ilan lamang ito sa mga larangang pinag-aaralan sa Kakayahang


Lingguwistiko.

2. Kakayahang Estruktural

Natutukoy ang mga angkop na salita, pangungusap ayon sa konteksto ng


paksang napakinggan sa mga balita sa radyo at telebisyon. Sa madaling salita, nakukuha
ang mga pananalita sa pamamagitan ng mga instrumento kagaya ng radyo, kapag
nakikinig tayo at telebisyon, kapag nanunood tayo.

3. Kakayahang Gramatikal

Ayon kina Canale at Swain, ito ay ang pag-unawa at paggamit sa kasanayan sa


ponolohiya, morpolohiya, sintaks, semantika, gayundin ang mga tuntuning pag-
ortograpiya.

a. Ponema

Pag-aaral ng mga tunog ng mga salita. Ang ponema ay isa sa mga yunit ng tunog
na nagpapakita ng kaibahan ng isang salita mula sa isa pang salita ng partikular na
wika. Ang pagkakaiba ng kahulugan ng mga salitang Filipino na "baha" at "bahay" ay
bunga ng pagkakaroon ng dagdag na ponemang sa salitang "bahay". Kung gayon, ang
ponema ay ang pundamental at teoretikong yunit ng tunog na nagbubuklod ng salita.
Nakakabuo ng ibang kahulugan kapag pinapalitan ang isang ponema nito.

Halimbawa:
Patinig
Katinig
Salita
Diptonggo

b. Morpema

Ang pag-aaral ng mga morpema ng isang wika at nagpagsama-sama ng mga


ito upang makabuo ng salita.

FLCO 103 – Metodo at Pananaliksik sa Wikang Filipino Renante D. Malagayo


Modyul I
14

Ang morpema ay ang pinakamaliit na yunit ng isang salita na nagtataglay ng


kahulugan. Bawat salita sa isang wika ay binubuo ng mga pantig na pinagsama-
sama. Subalit hindi lahat ng pinagsama-samang mga pantig ay makakabuo ng isang
salita. May tatlong uri ng morpema: ang morpemang di-malaya (kilala rin bilang
panlapi), angmorpemang malaya (kilala rin bilangsalitang ugat), at ang morpemang
di-malaya na may kasamang salitang ugat.

Halimbawa: pangalan, panghalip, pandiwa, pangatnig, pang-ukol

Morpemang Di-Malaya
Halimbawa ng morpemang di-malaya o panlapi ang mga unlaping ma-,
mag-, gitlaping –um-, at hulaping -an at iba pa.

Morpemang Malaya
Ang uring ito ng morpema ay binubuo ng pangngalan, pang-uri, pandiwa o
panghalip at ang pang-abay kasama ang pangatnig na may sariling diwa at
katuturing ipinahahayag. Halimbawa ng morpemang malaya o salitang ugat ay ang
galing, sipag, linis, linaw, dilim, at dasal at iba pa.

Morpemang Di-Malaya at Salitang-ugat


Halimbawa ng tambalang ito ang mga sumusunod:

 Unlaping nag- + salitang ugat na dasal = nagdasal


 Gitlaping –um- + salitang ugat na bili = bumili
 Hulaping -in + salitang ugat na linis = linisin

Sintaks
Ang kombinasyon ng mga salita upang makabuo ng mga parirala at ang
pagsasama-sama ng mga parirala upang ito ay makabuo ng pangungusap.

Ang sintaks ay ang estruktura ng mga pangungusap na nagsisilbing patnubay sa


pagsasabi ng kawastuhan ng pangungusap.

Ang sintaks ay ang pag-aaral o pag-uugnay-ugnay ng mga salita para makabuo


ng mga parirala, sugnay at mga pangungusap

Halimbawa: Bahagi ng Pangungusap = simuno, paksa

Uri ng Pangungusap Ayon sa Gamit

 Pasalaysay o Paturol. Ito ay nagsasalaysay ng katotohanan o pangyayari. Lagi


tiong nagtatapos sa tuldok.

Mga Halimbawa:
Si Norberto ay isang matagumpay na arkitekto.
Ang mundo ay umiikot sa sarili nitong axis.
Ang daigdig ay ang tanging planetang may buhay.
 Patanong. Ito ay nag-uusisa tungkol sa isang katotohanan o pangyayari.
Tandang pananong(?) ang bantas sa hulihan nito.

Mga Halimbawa:
Saan-saan matatagpuan ang magagandang tanawin ng Pilipinas?
Kailan ang huling pagsusulit para sa kasalukuyang semester?
Kanino makukuha ang mga klas kards?

 Padamdam. Ito ay nagsasabi ng matinding damdamin gaya ng tuwa, lungkot,


pagkagulat, paghanga, panghihinayang at iba pa. Karaniwang nagtatapos ito sa
tandang panamdam. Maaari ring gamitin ang tandang pananong.

Mga Halimbawa:

FLCO 103 – Metodo at Pananaliksik sa Wikang Filipino Renante D. Malagayo


Modyul I
15

Ay! Tama pala ang sagot ko!


Hindi mo pa natatapos ang proyekto natin!
Yehey! Wala na namang pasok!

 Pautos o Pakiusap. Ang pautos ay nagpapahayag ng obligasyong dapat tuparin,


samantalang ang pakiusap ay nagpapahayag ng pag-utos sa magalang na
pamamaraan. Nagtatapos ito sa tuldok.

Mga Halimbawa:
Mag-aral kang mabuti.
Magluto ka na.
Bisilan mo diyan at nang hindi ka na naman mahuli sa klase.

Estruktura ng Pangungusap

SIMUNO O PAKSA - ang bahaging pinag-uusapan o pinagtutuunan ng pansin sa


loob ng pangungusap. Ang paksa o simuno ay maaaring gumaganap ng kilos o
pinagtutuunan ng diwang isinasaad sa pandiwa at ganapan ng kilos ng pandiwa.

PANAGURI - bahagi ng pangungusap na nagbibigay ng kaalaman o impormasyon


tungkol sa paksa. ito ay naglalahad ng mga bagay hinggil sa simuno.
Halimbawa:
Maganda ang nabili kong damit.
Panaguri Paksa o Simuno

Ang pinuntahan naming bahay ay wala na.


Paksa o Simuno Panaguri

Paalala: Ilan lamang ito sa mga larangang pinag-aaralan sa Kakayahang Gramatikal.

4. Kakayahang Sosyolinggwistika
Ito ang kakayahang gamitin ang wika nang may naaangkop na panlipunang
pagpapakahulugan para sa isang tiyak na sitwasyongpangkomunikasyon. Kakayahan ito
ng wika na nagangailangan ng pag-unawa sa konteksto ng lipunan kung saan niya ito
ginamit, Savignon(1997). Ang competence ay ang batayang kakayahan o kaalaman ng
isang tao sa wika samantalang ang performance ay paggamit ng tao ng wika. Hindi
sapat na ang tao’y matuto lang ng wika at makapagsalita nito, dapat ding maunawaan
at magamit niya ito nang tama. Ginamit ni Dell Hymes ang SPEAKING bilang akronim
upang isa-isahin ang mga dapat isaalang-alang upang magkaroon ng mabisang
pakikipagtalastasan. Nabuo ang modelong ito upang makatulong sa pagsusuri ng
diskurso sa iba’t ibang salik na kinakailangan sa pagbuo ng mabisang komunikasyon.
May mahalagang paktor ng lingguwistikong interaksyon na ipinakilala ni Dell
Hymes noong 1974 at inilapat niya ito sa akronym na SPEAKING.
Narito ang kahulugan ng akronim na SPEAKING:
S - (Setting/Scene – Saan Nag-uusap?). Ang setting ay tumutukoy sa panahon at lugar
ng akto ng pagsasalita. Samakatuwid, ito ang pisikal na mga pinangyayarihan ng
talastasan. Isang halimbawa nito ang klasrum. Samantala, ang scene ay
psychological setting o cultural definition ng isang senaryo, kabilang na ang
mga katangian gaya ng lawak o saklaw ng pormalidad at pagka-
seryoso.tumutukoy sa lugar o pook kung saan nag-uusap o nakikipagtalastasan
ang mga tao.

P - (Participants – Sino ang nag-uusap?). Ang mga taong nakikipagtalastasan.Sila ang


ispiker at awdyens. Paglilinaw, gumawa ng distinksiyon ang mga linggwista sa
kategoryang ito.

E – (Ends – Ano ang layunin?). Mga layunin o pakay ng pakikipagtalastasan. Sakop nito
ang layunin, hangarin at kalalabasan ng proseso ng komunikasyon.
A – (Act Sequence – Takbo ng usapan). Ito ay anyo ng pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari. May mga usapang nagsisimula sa biruan, napupunta sa asaran,
humahantong sa pikunan at nauuwi sa awayan. May usapang nagsimula sa
kindatan, napunta sa pagpapakilala, humantong sa kwentuhan, at nauwi sa
ligawan.

FLCO 103 – Metodo at Pananaliksik sa Wikang Filipino Renante D. Malagayo


Modyul I
16

K – (Keys - Tono ng pakikipag-usap - Pormal o Impormal?) Nakakita ka na ba ng isang


taong naka-short sa isang kumperensiya o seminar sa isang kilalang unibersidad?
O di kaya ay isang taong naka-gown o barong habang naglalaro ng basketball?
Kung pormal ang okasyon, paano ka makikipag-usap? Ano ang mga salitang
gagamitin mo?)
I – (Instrumentalities - Ano ang Midyum ng Usapan?) – Tsanel o midyum na ginamit,
pasalita man o pasulat. Tumutukoy sa tsanel o daluyang gagamitin ng mga
kalahok sa pakikipagtalastasan. Maaari mo bang ikwento sa iyong kaibigan ang
isang telenobelang iyong nabasa sa pamamagitan ng text? Susulat ka ba sa fire
station upang sabihing may sunog na nagaganap sa inyong lugar?
N – (Norms – Ano ang paksa ng usapan?). Mahalagang malaman ng isang indibidwal ang
paksa ng usapan bago siya makisali sa naturang talastasan. Tandaan, minsan
mas makabubuting itikom ang bibig kung hindi maka-relate sa usapan kaysa
magsimula ka pa ng kalituhan o kaguluhan.
G – (Genre – Nagsasalaysay ba? Nakikipagtalo ba? Nagmamatuwid? Naglalarawan?
Mahalagang malaman ng isang tao ang genre na ginagamit ng kanyang kausap
nang sa gayo’y malaman din niya kung ano ang genre na kanyang gagamitin.

Ipinakikita sa modelong ito na mayroong iba’t ibang sangkap na kinakailangang


pagtuunan upang makamit ang kakayahang pangkomunikatibo. Kung ang tao ay
mahusay sa pagtataya sa linggwistikong komunidad na kanyang kinabibilangan, higit na
magiging madali para sa kanya ang pagpapahayag ng kanyang saloobin at tinataglay
niya ang ikalawang komponent – ang kakayahang sosyolinggwistiko. Isinasaalang-alang
dito ang kontekstong sosyal ng isang wika. Ayon kay Fantini, isang dalubwika, may mga
salik-panlipunang dapat isaalang-alang sa paggamit ng wika, ito ay ang ugnayan ng nag-
uusap, ang paksa, lugar at iba pa, gaya ng nabanggit sa modelo ni Hymes.
Kinakailangang nalalaman at nagagamit ng nagsasalita ang angkop na wika para sa
hinihinging pagkakataon. Dito makikilala ang pagkakaiba ng isang taong mahusay lang
magsalita kumpara sa isang katutubong nagsasalita ng wika.

5. Kakayahang Pragmatik
Ang pag-aaral kung paano iniimpluwensyahan ng konteksto ang paraan ng
paghahatid ng impormasyon ng mga pangungusap. Samatuwid, ito ay pag-aaral sa
aktwal na pagsasalita. Natutukoy ng tao ang kahulugan o mensaheng sinasabi at di-
sinasabi batay sa ikinikilos ng taong kausap.
Kung ang isang tao ay may kakayahang pragmatik natutukoy nito ang kahulugan
ng mensaheng sinabi at di sinasabi, batay sa ikinikilos ng taong kausap. Natutukoy din
nito ang kaugnay ng mga salita sa kanilang kahulugan, batay sa paggamit at sa
konteksto.
Nililinaw nito ang relasyon sa pagitan ng intensyon ng mga nagsasalita o
nagpapahatid ng mensahe at ang kahulugan nito. Nararapat ding malaman na may
iba’t ibang salik pa na isasaalang-alang sa pag-unawa kasama na rito ang intelektwal
na kalagayang decoder, kalinawan ng encoder at ang pagtatagpo ng kani-kanilang
interpretasyon.
Sa pakikipagtalastan, mahalagang maunawaan ang intensyon ng nagsasalita
dahil mahuhulaan ang mensahe nito nang tagapakinig. Mahalaga ang kakayahang
pragmatiko bilang daan sa pagiging epektibo nang pakikipagtalastasan,sapagkat
nililinaw nito ang relasyon sa pagitan ng intensyon ng nagsasalita o nagpapahatid ng
mensahe at ang kahulugan nito.
Hindi lamang kaalaman sa bokabularyo at sa pagbuo ng mga pangungusap batay
sa itinatakda ng gramatika ang mahalaga para sa isang mag-aaral ng wika. Mahalaga
ring matutuhan ang kasanayan sa pagtukoy sa mga pakiusap, magalang na pagtugon sa
mgapapuri o paumanhin, pagkilala sa mga biro, at pagpapadaloy ng mga usapan.
Sumakatuwid, kailangang matukoy ng isang tao angmaraming kahulugan na maaaring
dalhin ng isang pahayag batay sa iba’t ibang sitwasyon.
Kadikit ng paglinang sa kakayahang pragmatiko ang konsepto ng Speech Act.
Ito ay ang paggawa ng mga bagay gamit ang salita. Halimbawa nito ay
pakikiusap, pagtanggi, pagpapaumanhin, pangangako at iba pa. May tatlong sangkap
ang speech act.
1. Ilokyosyunari – Sadya o intensyonal na papel (Pakiusap, Utos, Pangako)

FLCO 103 – Metodo at Pananaliksik sa Wikang Filipino Renante D. Malagayo


Modyul I
17

2. Lokyosyunari – Anyong Lingguwistiko (Patanong at Pasalaysay)


3. Perlokyosyunari – Epekto sa tagapakinig (Pagtugon sa Hiling, Pagbibigay-
atensiyon)

Paalala: Tatalakayin sa susunod na mga aralin ang mga Teorya ng Diskurso kasama
ang Speech act.

6. Kakayahang Diskorsal
Sa pinakasimpleng pagpapakahulugan, ang kakayahang diskorsal ay tumutuon
hindi lamang sa interpretasyon ng mga indibidwal na pangungusap kundi sa koneksyon
ng magkakasunod-sunod na mga pangungusap tungo sa isang makabuluhang kabuuan.
(Savignon, 2007). Pumapaloob sa kakayahang ito ang abilidad na maunawaan at
makalikha ng mga anyo ng wika na mas pinalawig kaysa sa mga pangungusap. Kabilang
dito ang mga kwento, pag-uusap, mga liham at iba pa na may angkop ka kohesyon,
kohirens at organisayong retorikal. Kasama rin dito ang kakayahang lohikal na
maisaayos ang mga pahayag para makalikha ng isang malawig at mahabang pahayag
nganit may kaisahan. (Saez at Martin, 2010).
Ang kakayahang diskorsal ay tumutukoy din sa pagtiyak sa kahulugan ng
ipinapahayag ng mga teksto/sitwasyon ayon sa konteksto. Samakatuwid, saklaw nito
ang kakayahan sa pag-unawa ng mga salita at sa iba’t ibang antas ng diskurso mula
salita hanggang sa mga buong pangungusap at talata. Ang paglinang sa kakayahang
diskorsal ay nakasalalay sa patuloy na pagbabasa-basa, pagtuturo at pag-unawa sa
binasa, paggamit ng materyales na tulad ng diksyunaryo at tesawro at matamang
pakikinig sa kausap at pag-unawa sa mga salita batay sa konteksto.

Dalawang Uri ng Kakayahang Diskorsal

1. Kakayahang Tekstuwal

Kahusayan ng isang indibidwal sa pagbasa at pag-unawa ng iba't ibang


teksto gaya ng mga akdang pampanitikan, transkripsiyon, gabay na instruksiyon at
iba pang pasulat na komunikasyon. (Basahin ang parabulang Si Pagong at si
Matsing)

2. Kakayahang Retorikal
Kahusayan ng indibidwal na makibahagi sa kumbersasyon. Kasama ang
kakayahang unawain ang iba't ibang tagapagsalita at makapagbigay ng mga
pananaw o opinyon. (Bahagi ito ng Masining na Pgapapahayag na asignatura)

FLCO 103 – Metodo at Pananaliksik sa Wikang Filipino Renante D. Malagayo


Modyul I
18

Aralin 3

MGA BATAYANG KAALAMAN


SA DISKURSO

Mga Layunin:

1. Nauunawan ang kahulugan ng diskurso.


2. Naibibibay ang pagkakaiba ng pasalitang diskurso sa pasulat na diskurso.
3. Naipaliliwanag ang mga konteksto, mga salik na nakaaapekto sa daloy ng diskurso, at
mga dimensiyon ng diskurso.
4. Napalalawak pang lalo ang kaalaman sa komunikasyon bilang bahagi ng diskurso.
5. Nasusuri at napahahalagahan ang mga uri ng diskursong madalas gamitin sa
pagpapahayag.

Malayang nasasabi ng tao ang kanyang saloobin, kaisipan o ideya sa kahit sinumang lahi
ng tao sa mundo. Kung kaya mahalaga ang pakikipagdiskurso sa buhay ng tao. Marapat lamang
na sabihin na ang diskurso ay isang pagbibigay ng pagtalakay sa iba’t-ibang paksa, pasulat man
o pasalita.

Dahil sa diskurso maraming nalaman ang tao mula sa mga taong nagsisipagsulat ng kani-
kanilang mga akda at gayundin sa mga taong nakipagpalitan-tugon sa pamamagitanng
pagsasalita sa kanilang mga kausap.

Kahulugan ng Diskurso

Marami ang kahulugan ng diskurso na tinatalakay ng iba’t ibang manunulat. Tunghayan


at alamin ang ilan sa mga ito.

1. Nagmula ito sa Middle English na “discours” na mula sa Medival at Late Latin na


“discursus” at “kumbersasyon.”

2. Sa makalumang kahulugan nito,tumutukoy ito sa kakayahan ng pagsasaayos ng kaisipan,


pamamaraan o pagiging makatwiran ng isang tao.

3. Ang diskurso ay tumutukoy sa kombersesyunal nan a interaksyon sa pagitan ng


tagapagsalita at tagapakinig. Ito ay ang kakayahang maunawaan at makabuo ng
sasabihin o isusulat sa iba’t ibang genre gaya ng naratibo, deskriptibo, ekspositori,
argumentatibo o perswesibo at iba pa.

4. Mula sa salitang Ingles bilang discourse, sa wikang Latin discursus at sa wikang Filipino
ay diskurso o diskurs.

5. Ayon kay Badayos (2007), ang diskurso ay tumutukoy sa kinagisnang paraan ng


pakikipagtalastasan gayundin naman ang malalim na pagtingin sa mga ideyang
inilalahad. Ang pagdidiskurso ay hindi nakapokus sa literal na salita o mismong salita, sa
halip ito’y bahagi ng mga tagong mensahe (impied messages).

FLCO 103 – Metodo at Pananaliksik sa Wikang Filipino Renante D. Malagayo


Modyul I
19

6. Ayon naman sa diksyonaryo ni Leo James English (2007) ang kahulugan ng diskurso ay
may kinalaman sa pagsasalita at pagtatalumpati.

7. Ayon sa diksyunaryong Ingles-Filipino (1984), ang diskurso ay nangangahulugang


magsulat o magsalita nang may katagalan o kahabaan.

8. Ayon naman sa Webster’s New World Dictionary (1995), ang diskurso ay isang pormal na
pagtalakay sa isang paksa, pasulat man o pasalita.

9. Ang diskurso ay pakikipagtalastasan, pakikipag-usap o anumang paraan ng pagpapahayag


ng ideya tungkol sa isang paksa.

Pasalita at Pasulat na Diskurso

Sa unang malas, tila iisipin na magkaiba lamang sila sa anyo o pamamaraan ng


pagsasagawa. Maaaring tama ito dahil kapwa mahalaga sa dalawang anyo ng diskurso ang
kakayahang pangwika at kakayahang komunikatibo. Ngunit mapag-iiba ang dalawa sa kanilang
mga kahingian.

Ang kakayahang komunikatibo ay tumutukoy sa kakayahang tekstwal o abilidad na


sumulat o magsalita nang may organisasyon o kohisyon at ang abilidad na magamit ang wika
para sa manipulasyon, imahinasyon o sa paglilinaw ng ideya at maging sa pagtuturo.
Nangangahulugan ito na ang isang tao ay marunong kung kailan niya dapat sabihin ang isang
bagay o ideya sa isang partikular na tao sa isang angkop na panahon, lugar at pamamaraan.

Ang kakayahang pangwika ay tumutukoy sa kaalaman sa sistema ng wika. Ibig sabihin


ay mahusay sa gramatika ang isang ispiker o manunulat at may kakayahan siyang manipulahin
ang wika upang makamit ang layunin ng diskurso.
1. Sa pasalitang diskurso, mahalaga ang kakayahang pangwika sa pakikipag-usap ngunit
minsan ay naaapektuhan ang kahulugan kung hindi bibigyang-pansin ang kalagayang
sosyal habang nagaganap ang diskurso kung kaya’t mahalaga rin ang kakayahang
komunikatibo. Dapat na iangkop ang sasabihin sa panahon, sa lugar at maging sa taong
kausap upang makamit ang layunin.

2. Sa pasulat na diskurso, mas nakatuon ang atensyon ng nagsusulat sa kanyang


kakayahang pangwika upang matiyak na malinaw niyang maipapahayag sa kanyang
isinulat ang kanyang mensahe dahil maaaring maging iba ang pagkaunawa ng tatanggap
nito. Ngunit sa pagsulat, mayroon ding mga salik na dapat isaalang-alang tulad ng anyo
ng sulatin o format, uri ng papel at iba pa.Mahalagang wasto ang gramatika dahil ito
ay nakasulat at mayroong eidensya ng teksto kaya’t maaaring ikapahiya o di kaya ay
maging ugat ng gulo.

Konteksto ng Diskurso

Nagbabago ang anyo at pamamaraan ng diskurso maging ang daloy nito depende sa
konteksto ng diskurso. Ang konteksto ay tumutukoy sa oras, espasyo at maging ang taong
kasangkot sa diskurso. Dahil dito, ang konteksto ng diskurso ay nararapat na pagtuonan din ng
pansin dahil maaaring makaapekto ito di lamang sa daloy ng komunikasyon kundi maging ng
kalalabasan nito.

1. Interpersonal. Usapang magkaibigan o malapit ang kasangkot sa isa’t isa.

2. Panggrupo. Ang mga kasapi ay may ugnayan dahil bahagi sila ng isang pangkat tulad ng
isang klase.

3. Pang-organisasyon. Ang mga kasapi ay bahagi ng isang organisasyon o samahan tulad


ng isang kumpanya, sa pagitan ng pamunuan at ng mga empleyado.

4. Pangmasa. Sa harap ng malaking grupo ng tao tulad ng pangangampanya.

5. Intercultural. Ang mga kasapi ay nabibilang sa magkakaibang kultural na pangkat.

6. Pangkasarian. Ang mga kasapi ay nabibilang sa isang partikular na kasarian tulad ng


usapang lalake.

FLCO 103 – Metodo at Pananaliksik sa Wikang Filipino Renante D. Malagayo


Modyul I
20

Salik na Nakaaapekto sa Daloy ng Diskurso

May mga bagay o salik ang nakaaapekto sa magandang daloy ng diskurso. Tunghayan at
pag-aaralan ang mga sumusunod.

1. Paksa. Ano ang pinag-uusapan; hindi lahat ng paksa ay angkop sa lahat ng konteksto
dahil may paksang pampersonal, pambansa, pangkultura o di kaya ay pambabae o
panlalake.

2. Layunin. Bawat diskurso ay nagaganapdahil mayroong ninanais ang mga taong sangkot,
dahil dito, iniaangkop nila ang daloy ng diskurso sa pamamaraang magiging daan sa
katuparan ng layunin, maaaring mapabago ang pananaw ng isang tao,
makaimpluwensya, makabenta o iba pa

3. Pagsasawika ng Ideya. Ang isang kaisipan ay maaaring maipahayag sa samu’t saring


pamamaraan dahil na rin sa ang wika ay malikhain at ang taong may kakayahang
pangwika ay maisasagawa ito; kung papaano ipapahayag ang kaisipan ay makakaapekto
sa pagtanggap ng kinakausap.

4. Tagatanggap. Ang tagahatid at tagatanggap ay 2 magkaibang nilalang na may iba’t


ibang takbo ng pag-iisip; nangangahulugan na kahit na sa pakiramdam ng tagahatid na
malinaw ang mensahe niya, maaaring iba naman ang persepsyon ng tagatanggap kaya
mahalagang isaalang-alang niya ang tagatanggap.

Dimensiyon ng Diskurso

Narito ang mga dimensiyon ng diskurso na dapat pag-aaralan.

1. Konteksto. Sa paliwanag ni Dell Hymes sa kanyang S-P-E-A-K-I-N-G Teory, ang kaayusan


ng pahayag ay makikita sa kabuuang tema ng teksto (setting-lugar, participants-
kalahok, ends-layunin, acts-daloy ng usapan, keys-tono ng usapan, instrumentalities-
koda ng wikang gag awin, norms-batas ng wika at genre-istilo ng pagsasalita.

2. Kognisyon, Tumutugon sa wasto at angkop na pag-unawa hinggil sa mensaheng pinag-


uusapan. Kaakibat nito ang pagkakakilanlan at kultura ng dalawang nag-uusap. Dapat
ang pinag-uusapan ay may mataas na antas para malinang ang karunungan.

3. Komunikasyon. Nagbibigay-turing sa berbal at di-berbal na paghinuha sa mga


impormasyon. Ang isang malalim na pag-aanalisa sa nilalaman ng teksto, hindi lang sa
mga salita, ay nagdudulot ng malaking bagay sa pag-unawa sa diskurso. (Tatalakayin ng
pahapyaw sa ibaba).

4. Kakayahan. Ang bawat tao ay may kakayahang makro, ito ay isa sa pangunahing
kailangan ng tao sa pandiskursong talakayan, na dapat maging mabisa ang pakikipag-
interaksyon.

Komunikasyon

Sa diskurso, ang komunikasyon ay ang akto ng pagpapahayag ng ideya sa pamamagitan


ng pasalita o pasulat na paraan.

Isang interaksyonal o konsyus na paggamit ng anumang simbolong tunog o anumang uri


ng simbolo na makapagpadala ng katotohanan, ideya, damdamin o emosyon mula sa isang
indibidwal tungo sa iba. Kung gayon, ito ay proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mga
mensahe.

Mga Uri ng Komunikasyon

1. Komunikasyong Intrapersonal – tumutukoy sa komunikasyong pansarili.


2. Komunikasyong interpersonal – tumutukoy sa komunikasyong nagaganap sa pagitan ng
dalawang tao, o sa pagitan ng isang tao at maliit na pangkat.
3. Komunikasyong pampubliko – tumutukoy sa komunikasyong nagaganap sa pagitan ng isa
at malaking pangkat ng mga tao.

FLCO 103 – Metodo at Pananaliksik sa Wikang Filipino Renante D. Malagayo


Modyul I
21

Proseso

Narito ang anim na proseso ng komunikasyon.

1. Nagpapadala ng Mensahe. Tumutukoy sa tao o pangkat ng mga taong pinagmulan ng


mensahe. Sila ang nag-eenkowd ng mensahe.

2. Ang Mensahe

 Mensaheng pangnilalaman o panglinggwistika


 Mensaheng relasyunal o mensaheng di-berbal

3. Daluyan/Tsanel ng Mensahe

May dalawang kategorya ang daluyan:

a. Daluyang Sensori o tuwirang paggamit ng paningin, pandinig, pang-amoy,


panlasa at pandama
b. Daluyang institusyunal. Pakikipagtalastasan sa pamamagitan ng sulat,
telegrama, mga kagamitang elektroniko

4. Tagatanggap ng mensahe. Nagbibigay-pakahulugan sa mensaheng kanyang natanggap.


Siya ang nagdedekowd.

5. Ang Tugon o Pidbak. ng kumokontrol sa mga sagabal sa komunikasyon.

 Tuwirang Tugon
 Di-tuwirang tugon
 Naantalang Tugon

6. Mga Potensyal na Sagabal sa komunikasyon. Ang mga bagay-bagay na maaaring


makasagabal sa mabisang komunikasyon. Matatagpuan sa tagapagdala ng mensahe, sa
mensahe mismo, sa daluyan ng mensahe o di kaya’y sa tagatanggap nito.

 Semantikong Sagabal. Matatagpuan sa salita o pangugusap mismo.

 Pisikal na Sagabal. Mga ingay sa paligid, mga distraksyong biswal, suliraning


taknikal na kaugnay ng sound system.

 Pisyolohikal na Sagabal. Mga matatagpuan sa katawan ng nagpapadala o


tagatanggap ng mensahe tulad ng kapansanan sa panigin, pandinig, o
pagsasalita.

 Sikolohikal na Sagabal. Magkakaiba-iba ng mga kinalakihang paligid at


pagkakaiba-iba ng nakagawiang kultura na maaaring magbunga ng
misinterpretasyon sa kahulugan ng mga mensahe

Istilo ng Komunikasyon Batay sa Pormalidad

Ayon kay Joos (1976), may limang antas ng pormalidad sa pakikipagkomunikasyon:

1. Istilong Oratorikal (Oratorical). Ginagamit sa pagsasalita sa publiko na maramihan ang


nakikinig. Pinag-iingatan din ang mga salitang ginagamit. Ilan sa mga halimbawa nito ay
ang State of the nation Address (SONA) at misa.

2. Istilong Dekiberatibo (Deliberative). Tiyak ang bilang o dami ng pantisipants na hindi


gaano ang pormalidad sa gamit na wika. Karaniwang ginaganap ito sa silid-aralan o sa
forum. Seminar ang isang halimabawa nito.

3. Istilong Konsultatib (Consultative). Tipikal na pakikipag-usap ito, pormal at pili ang


bawat pahayag. Sa bawat tanggapan at pagpupulong ginagamit ito.

4. Istilong Kaswal (Casual). Usapang pampamilya at pangkat na hindi gaanong binibigyan-


pansin sa pakikipagdiskurso.

FLCO 103 – Metodo at Pananaliksik sa Wikang Filipino Renante D. Malagayo


Modyul I
22

5. Istilong Intimeyt. Ipinapakita rito ang inhibisyon sa pakikipagtalastasan. Kasangkot


ditto ang malapit na kaibigan, kapwa-tao, pamilya at sarili.

Mga Uri ng Diskurso

Ang diskurso ay kinapapalooban ng apat na uri. Ito ay ang mga sumusunod.

1. Paglalarawan

Ang diskursong ito ay naglalarawan ng mga detalye tungkol sa isang tao, hayop,
bagay, lugar, pangyayari, at maging sa damdaming nararamdamn ng isang tao at hayop.
Samakatuwid ang paglalarawang diskurso ay nagbibbigay-tulong sa tao upang bumuo ng
larawan sa kanyang isipan na magbibigay-daan upang mapalawak nito ang kanyang
pagiging malikhain.

Laynunin diskursong ito na makapagpamalas sa isip ng tagapakinig o


mambabasa ng isang malinaw at pangunahing larawan o katangian upang mapalutang
ang tanging kaibhan ng tao, hayop, lugar, bagay o pangyayari sa mga kauri ng mga
nabanggit, makapagbigay ng impormasyon at makapanggising ng damdamin para
maranasan o makaisa sa damdaming inihayayayag o inilalarawan.

Mga Uri at Katangian

 Karaniwang Paglalarawan

a. Purong pangkaalaman ang mga detalye


b. Purong katotohanang impormasyon lamang
c. Obhetibo ang pananaw ng tagapaglarawan

Halimbawa:

Si Kapitan Tiyago. Siya’y pandak, maputi-puti, bilog ang katawan at pagmumukha


dahil sa katabaan na alinsunod sa mga humahanga sa kanya ay galling sa langit, galling sa
dugo ng mga maralita; alinsunod naman sa kanyang mga kalabanan, si Kapitan Tiyago ay
mukhang bata kaysa mga kalaban,si Kapitan Tiyago ay mukhang bata kaysa sadya niyang
gulang: aakalain ng may makakita na mayroon lamang siyang tatlumpu o tatlumpu’t
limang taon. Ang kanyang pagmumukha ay palaging anyong banal. Ang kanyang bungong
bilog, maliit at nababalutan ng buhok na kasing itim ng kamagong, na mahaba sa dakong
harap, at maikli-ikli sa dakong likuran, ay may lamang maraming bagay sa loob, ayon sa
sabi-sabi; ang kanyang maliliit na mata na hindi naman singkit ay hindi nagbabago, ang
kanyang ilong ay maliit ngunit hindi busalsal, at kung ang kanyang bibig ay hindi nawala
sa ayos, dahil sa pananabako at kanganganga ng hitso, na ang sepal na nabunbun sa isang
pisngi ay sumisira sa ayos ng kanyang pagmumukha, ay masasabing siya’y isang magandang
lalaki. Kahit malabis na ang kanyang pagkapalanganga’t pagkamananabako, ay napag-
iingatan din na palaging nagiging maputi ang kanyang mga sariling ngipin at ang dalawang
ipinahiram sa kanya ng dentist sa halagang labindalawang piso ang bawat isa.

 Masining na Paglalarawan

a. Pandamdamin – may kinalaman sa limang pandama ‘senses’ ng tao


b. Purong katotohanan din ang impormasyon
c. Gumagamit ng pagtatayutay, pagtatambis, at mga imahen o paglalarawang-diwa
‘imagery’
d. Subhetibo ang pananaw ng tagapaglarawan

Ang kapayapaan ng bukid ay tila kamay ng isang inang humahaplos sa nag-iinit na


noo ni Danding. Humihinga siya nang malalim, umupo sa lupa, at ipinikit ang mga mata.
Dahan-dahang iniunat niya ang kanyang mga paa, itinutukod sa lupa ang mga palad,
tumingala at binayaang maglaro sa ligalig niyang mukha ang banayad na hangin. Kay lamig
at kay bango ng hanging iyon.
-- Lupang Tinubuan ni Narciso G. Reyes

FLCO 103 – Metodo at Pananaliksik sa Wikang Filipino Renante D. Malagayo


Modyul I
23

2. Pagsasalaysay

Ang pasalaysay ay isang diskursong nagpapaliwanag ng mga kaganapan maging


sa nakaraan o kasalukuyang pangyayari. Sa pagsasalaysay nabibigyan ng pagkakataon
ang isang tao na isalaysay ang kanyang mga karanasan mabuti man o masama upang
maipabatid ito sa ibang tao. Sa pagsasalaysay, marapat lamang na maisaalang–alang
ang pagkakasunud-sunod ng mga kaisipan.Dahil ang hindi pagsasaalang-alang sa
pagkakasunod-sunod ng kaisipan ay magdudulot ng pagkalito ng mambabasa o
tagapakinig.

Ang pagsasalaysay ay nagsasaad ng mga pangyayari o karanasang magkaugnay.


Katulad ito ng pagkukwento ng mga kawil-kawil na pangyayari, pasulat man o pasalita.
Itinuturing ito na pinakamasining, pinakatanyag at tampok na paraan na uri ng diskurso.
Ito rin ang sinasabing pinakamatandang uri ng diskurso sapagkat dito nagsimula ang
alamat; epiko at mga kwentong bayan.

Mga Salik ng Diskursong Pagsasalaysay

a. Tema. Ito’y katotohanang panglahat na galing sa karanasan, napatunayan ng pag-


aaral at pangungusap kung ipahayag ayon sa mga manwal.

b. Tauhan. Ito’y mga tao, o mga hayop, kulisap na nagsisiganap sa isang salaysayin.

c. Ang Banghay (Plot). Plano ng aksyon ang baghay. Kawing ito ng mga pangyayari na
lumilikha ng tumitinding kawilihan tungo sa kasukdulan o rurok (climax).
d. Tagpuan. Binubuo ito ng lugar at panahon na pinaggaganapan ng aksyon. May ilang
paraan sa paglalahad ng tagpuan:

Patiyak. Tuwirang sinasabi ng tagapagsalaysay o awtor ang lugar at panahon na


pinangyarihan ng aksyon o pangyayari.

Halimbawa: Nagpunta ako sa maingay na lugar ng mga tambay sa may kanto.

Papahiwatig. Sa mga detalye mahihinuha ang lugar at panahon. Hindi personal na


sinasabi ng tagapagsalaysay ang lugar at panahon.

Halimbawa: Dito ko nakita ang mga nagtatayugang mga gusali, maruming hangin
ang nalalanghap at sobrang dami ng tao na paroo’t parito. (Siyudad)

3. Paglalahad

Ito ay diskursong nagpapaliwanag kung saan nagpapahayag ang isang tao ng


mga ideya, kaisipan at impormasyon na sakop ng kaniyang kaalaman na inihahayag sa
isang maayos at malinaw na pamamaraan upang maging daan sa pagkakaroon ng bago
at dagdag na kaalaman ng ibang tao. Dahil sa diskursong ito magagawa ng tao na
makabuo ng kanyang sariling imbensyon kung ang nakabasa ay isang
imbentor,pamamaraan sa pagtuturo kung ito naman ay isang guro at marami pang iba.

Isa sa pinakamadalas gamitin sa apat na uri ng diskurso. Isa rin ito sa mga
pangunahing sining ng komunikasyon na madalas ginagamit ng isang tao sa pang-araw-
araw na pakikipagtalastasan at pakikipag-ugnayan sa kanyang kapwa. Naipapahayag
niya ang kaniyang mga saloobin sa pamamagitan nito. Sinasaklaw ng paglalahad (Rubin
1995) ang malawak na bahagi ng sinusulat at binabasa ng mga karaniwang tao.
Paglalahad ang ginagamit upang himay-himayin ang estruktura ng pilosopiya at ng iba’t
ibang kaisipan, teorya, at organisasyon.

Ang paglalahad na diskurso ay ginagamit sa pagpapaliwanag ng pamamaraan o


proseso ng paggawa ng isang bagay at ng pagsasakatuparan ng isang layunin o simulain.
Pagbibigay ng direksiyon at pagpapaliwanag ng mga hakbang. Natutugunan ng
paglalahad na diskurso ang mga tanong tungkol sa isang usapin.Sinasaklaw ng
paglalahad ang malawak na bahagi ng sinusulat at binabasa ng tao.

Pamamaraan ng Epektibong Paglalahad

FLCO 103 – Metodo at Pananaliksik sa Wikang Filipino Renante D. Malagayo


Modyul I
24

 Pagbibigay ng Kahulugan. Layunin nitong iugnay ang isang salita sa damdamin


at karanasan ng tao. Pag-uugnay din ito ng salita sa bagay at maging sa
pangyayari. Nakafokus ito sa pagbibigay linaw sa isang salita o ideya tungo sa
pagkakaroon ng isang payak at konkretong pagpapakahulugan.

 Pag-iisa-isa. Ang ganitong paraann naman ay ang pagsunod sa mga bagay na


dapat ay may pagkakaayos. Halimbawa kung bibili ka ng mga gagamitin mo sa
iyomg pag-aaral ay kailangan na isa-isahin mo ang mga bibilhin mo na gagamitin
at ito ay iyong ilista upang hindi makalimutan at maging mabilis ang pagbibili sa
mga bagay na ito.

 Pagsusunod-sunod. Isa itong teknik na ang layunin ng pagsulat ay upang


maipakita ang sekwensyal, kronolohikal at prosedyural na pamamaraan sa
pagpapakilala ng paksa. Ang isang magandang halimabawa nito ay ang mga
pagbibigay ng panuto sa paraan ng pagluluto, pagbibigay-panuto sa
pagsasaayos ng isang bagong kagamitan gaya ng cabinet, electric fan o ng
computer table na kailangan munang i-assemble para magamit.

Tatlong Uri ng Pagsusunod-sunod

 Sekwensyal na Pagkakasunod-sunod. Ito ay ang pagkakasunud-sunod ng mga


pangyayari sa isang akda lalo na sa maikling kuwento. (Basahin ang maikling
kwento Ang Kalupi ng Benjamin P. Pascual).

 Kronolohikal. Ito ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari batay sa


panahon, taon o oras. (Pag-unlad ng Panitikang Filipino mula simula hanggang
sa kasalukuyang panahon).
 Prosidyural. Ito ay ang pagsunod sa mga prosedyur o paraan upang makagawa
ng isang bagay tulad ng sa pagluluto. (Pamamaraan sa pagluluto ng adobong
amnok).

4. Pangangatwiran

Uri ito ng diskurso na nagsasaad ng isang katotohanan na pinagtitibay o


pinatutunayan sa tulong ng mga patunay at mga ebidensiya sa paraang tuwid na
paglalahad. Ito ay isang pagpapahayag na nagbibigay ng sapat na katibayan o patunay
upang ang isang panukala ay maging katanggap - tanggap o kapani-paniwala.
Ang pangangatwiran ay isang diskurso na dapat ay makahikayat ng mambabasa
o tagapakinig tungkol sa ipinaglalabang isyu o kahit anong argumento.Kailangan ang
mapalawak na kaalaman sa pinagtatalunang isyu at may kakayahang maiayos ang
kaisipan upang magamit sa pangangatwiran at nang ganoon ay mapanindigan ang
kanyang argumento. (Halimbawa: Pagtatalo o debate).

Layunin ng diskursong pangangatwiran ang makapagpaniwala ng kapwa sa


paninindigang panig ng isang isyu at makahikayat para mapakilos ang mga tao para sa
pinaninidigang isyu.

FLCO 103 – Metodo at Pananaliksik sa Wikang Filipino Renante D. Malagayo


Modyul I
25

Aralin 4

MGA TEORYA NG DISKURSO

Mga Layunin:

1. Natalakay at nauunawan ang mga teorya ng diskurso.


2. Nailalahad ang pagkakaiba-iba ng tatlong komponent ng Speech Act ayon kay J.L
Austin
3. Naipaliliwanag ang mga estilo ng komunikasyon ayon sa diskursong larangan.
4. Nakapagbibigay ng mga halimbawa ng pahayag ng intensyon ng tagapagsalita sa
pagsasagawa ng akto ng pagsasalita batay sa kategorisasyon nina Seavile at Fraser at
J.L. Austin
5. Nakapagsusuri ng mga akda batay sa akto ng pananalita ayon J.L. Austin.

Upang lubos na maunawaan ang pag-aaral sa diskurso, ang mga awtoridad ay naglahad
ng mga teorya ukol dito. Ang mga teorya ng diskurso ay hindi naiiba sa mga teorya ng
komunikasyon.

Kaugnay ng mga paniniwala o mga teorya ng kakayahang pangkomunikatibo at


etnograpiya ng komunikasyon, ang paniniwalang ang mga salita kapag ginagamit ay hindi
lamang nagpapahayag ng proposisyon kundi kasama ang pagsasagawa ng maraming tiyak na
gampanin na hindi naman direktang maiuugnay sa gamit ng wika. matatalakay sa ibaba ang mga
teorya ng diskurso

Teoryang Speech Act

Ang Speech Act Theory ay isang teorya ng wikang batay sa aklat na How to Do Things
with Words ni John Langshaw Austin (1975). Pinapaniwalaan sa teoryang ito na ang yunit ng
komunikasyong linggwistik ay hindi ang simbulo, salita o ang pangungusap mismo, kundi ang
produksyon o paglikha ng mga simbolo, salita o pangungusap sa pagganap ng kanilang tinatawag
na speech acts.

Ito ay mga terminong teknikal na ginagamit sa daigdig ng linggwistika at sa


pampilosopikal na wika. Sa paniniwala ng mga awtoridad, ang bawat pahayag ng tao ay
palagiang may kasamang kilos ayon sa kanilang ipinapahayag. Sa teoryang ito, palaging
isinasaalang-alang ang ethnography ng taong kausap.

Ang Speech Act ay kaugnay sa gampaning lokusyon at ilokusyon, na ang hangarin ay


makilala ang tungkulin o gamapanin ng lokusyon – ito man ay tagatanggap o gumaganap.

Ang tagapagsalita ay maaaring makagawa ng tatlong akto na pagsasalita (speech acts):

a. Gampanin o tungkuling lokyusyonari


b. Gampanin o tungkuling ilokyusyonari
c. Gampanin o tungkuling perlokyusyonari

FLCO 103 – Metodo at Pananaliksik sa Wikang Filipino Renante D. Malagayo


Modyul I
26

Ang lokyusyonari ay ang tungkulin o gawain ng pagsasabi ng isang bagay na


makabuluhan o may katuturan. Ito ang pagsasaad ng isang pangungusap o bahagi ng
pangungusap na literal na nauunawaan sa paggamit ng wika. Ang kaalamang panglinggwistika
na ang puhunan sa pagsasagawa ng akto o kilos na lokyusyonari. Ito’y naipapakita sa
pagtatanong at pagsagot sa mga tanong, pagbigay ng mga impormasyon, pagbigay ng
kahulugan, paglalarawan at iba pa. Ito ang akto ng paggamit ng referring expression
(pariralang pangngalan) at predicating expression (pariralang pandiwa) upang magpahayag ng
proposisyon.

Halimbawa:

Pangako kong tuturuan kitang sumayaw. Ang tagapagsalita ay nagsasaad ng


isang proposisyon na pagtuturo ng pagsayaw na ipinapahayag sa literal na pangungusap.

Ang ilokyusyonari ay isang tungkulin sa pagsasagawa ng isang bagay o isang mensahe


ayon sa intensyon ng nagsasalita. Pagganap sa akto ng pagsasabi ng isang bagay sumesentro ang
ilokyusyonari. Mahihinuhang sa pag-unawa sa aktong ito, mapagtatagumpayan ang pagkamit ng
komunikatib kompitens na tinatawag din na pragmatik kompitens na nag-iinbolb sa abilidad ng
isang ispiker upang piliin ang agkop na barayti ng wika para sa isang tiyak na sitwasyong sosyal.

Halimbawa:

a. Pangako – Magkita tayo mamaya at tuturuan kita ng sayaw.


b. Pakiusap – Edwin, maaari bang turuan mo akong magsayaw?
c. Pag-utos – Turuan mo akong magsayaw, kung ayaw mong sisantihin kita sa
trabaho.

Ipinapakita sa tatlong pangungusap na ang aktong ilokyusyonari o ang mensahe nito


ayon sa intensyon ng nagsasalita.
Mula sa nabanggit na aklat ni Austin, nagbigay siya ng limang klase ng aktong
ilokyusyunari kung saan ay gumamit siya ng malinaw na perpormatibong pandiwa:
(Verdictives/Pagpapatunay, Exercitives/Eksertibo, Commissives/Komisibo,
Behabitives/Behibitibo at Expositives/Ekspositbo.

1. Verdictives/Berdiktibo. Kasama sa aktong ito (pormal o impormal) ang


pagpapatunay, pagtatantiya, pagtatasa, pagpapakawala, pagbibilang, pagsusuri, at
pagpapabatid). Maaaring may kauganyan ito sa katotohanan at pagpapahalaga.

2. Exercitives/Eksertibo. Kinabibilangan ng mga akto pagsisikap na magkaroon ng


kapangyarihan, karapatan o impluwensiya (pag-aatas, pamimili, pag-uutos, at
pagbibigay-babala. Ipinapalagay na ang ispiker ay may awtoridad o
makaimpuwensiya.

3. Commissives/Komisibo. Kinabibilangan ng mga aktong pangako, pagsasagawa,


pagpapahintulot, pagtanggi at pagtataya o ebalwasyon.

4. Expositives/Ekspositibo. Kinabibilangan ng mga aktong pagbibigay-linaw,


pakikipagtalo, pagsang-ayon, pagtanggi, pagtatanong, paglalarawan, pagsagot at
pagsasabi.

5. Behabitives/Behibitibo. Kinabibilangan ng aktong may kauganayan sa asal at


panlipunang pag-uugali gaya ng pagpapaumanhin, pamumuri, pagbati at
pasasalamat kasama na rito ang reaksyon sa pag-uugali ng ibang tao.

Ang panghuling komponent ay ang aktong perlokyusyonari o ang pagsasabi sa isang


bagay na kadalasang nagdudulot ng mga konsikwens sa damdamin at isipan ng tagapakinig. Ito’y
maaring maganap sa anyo ng panghihikayat, panghahamon, pananakot at iba pa. Halimbawa,
kung ang isang tao na nakasakay sa eroplano ay sisigaw ng “may bomba”, tiyak na magkakagulo
ang mga nakasakay sa nasabing sasakyan.

Ang perlokyusyonari ay ang gampanin o tungkuling dulot ng ng pwersang ilokyusyonari.


Sina Seavile (1967) at Fraser (1978) ay may magkatulad na kategorisasyon ng intensyon ng
tagapagsalita sa pagsasagawa ng akto ng pagsasalita gaya ng mga sumusunod:

1. Aktong Representatibo.Ang intensyon ng nagsasalita ay ilagay ang sarili sa


pagkakatiwala ng katotohanan ng sinasabi tulad ng pagtanggap, pag-uulat, paghihinuha
at iba pa.

FLCO 103 – Metodo at Pananaliksik sa Wikang Filipino Renante D. Malagayo


Modyul I
27

2. Aktong direktibo. Ang intensyon ng nagsasalita ay iparinig o ipabasa ang isinasaad ng


kilos na kanyang ipinapahayag.
3. Aktong komisibo. Ang intensyon ng nagsasalita ay ilagay ang sarili sa pagsasakatuparan
ng kanyang tinuran sa isang paraan at sa darating na panahon tulad ng tinuran na
pangako, pagpaparusa at iba pa.
4. Aktong ebalwatibo. Ang intensyon ng nagsasalita ay ituring ang kanyang ebalwasyon sa
mga bagay-bagay na tinutukoy tulad ng pasasalamat, pamumuna, pagtanggi at
pagsang-ayon o kaya ay pagpaparusa.

5. Aktong establisado. Ang intensyon ng nagsasalita ay lumikha ng bagon kaayusan batay


sa nilalaman na kaanyuang pahayag tulad ng pagbabala, paghirang, pagpapahintulot,
pagpapatawag at pagbibigay-puna.

 Samakatwid, ang una ay may kahulugan (Lokyosyunari), ang ikalawa’y may pwersa
(Ilokyosyunari) at ang ikatlo’y may konsikwens (Perlokyusyunari).

Ethnography of Communication/Etnograpiya ng Komunikasyon

Pinasimulan ni Dell Hymes noong 1962, isang sosyolinggwist na nagsulong sa


kahalagahan ng antropolohiya sa linggwistika. Unang tinawag na “Ethnography of Speaking.”

Ang Ethnography of Communication o mas kilalang Speech Codes Theory ay nauukol sa


pag-aaral ng mga sitwasyon, gamit, patern at tungkulin ng pagsasalita. Ang pinakasusi ng
teoryang ito ay ang pamamaraang partisipant-obserbasyon na nangangailangan ng imersyon sa
isang partikular na komunidad. Pinapalagay kasi sa teoryang ito na kung saan may natatanging
kultura may matagpuan din na isang natatanging speech code.

May mga teknik na maaring gamitin sa partisipant-obserbasyon. Ang mga ito ay ang mga
sumusunod:

1. Introspection o ang paggamit ng intuiton. Ang intuition ay isang kagyat na pag-unawa


ng isang sitwasyon sa pamamagitan ng perception o hindi kaya ay pagpapaliwanag.

2. Detached Observation o ang di-partisipatoring obserbasyon ng interaksyon sa


komunidad. Ito’y isang mahirap na teknik sapagka’t hindi mo masisigurado ang
kawastuhan ng iyong nakalap na datos.

3. Interviewing o ang istraktyurd na interaksyong berbal sa mga miyembro ng


komunidad. Ang pamamaraan na ito ay maganda. Nakukuha mo ang iyong kailangang
impormasyon na may kawastuhan, ngunit nanganagilangan ito ng mabang panahon.

4. Philology o ang paggamit ng pasulat na materyales.

5. Ethnosemantics o ang pag-aaral ng mga kahulugang kultural.

6. Ethnomethodology o ang detalyadong analisis ng mga linggwista.

7. Phenomenology o ang pag-aaral ng kumbersasyon bilang isang problemang


penomenolohikal.

Ginagamit ito upang maintindihan ang relasyon sa pagitan ng estado ng kamalayan at


pamumuhay sosyal.

Speech Accommodation Theory

Unang dinibelop ito ni Howard Giles, isang propesor sa komunikasyon sa Unibersidad ng


California.

Kung mapapansin natin minsan, ang dalawang taong nag-uusap ay ginagaya ang
pamamaraan ng pananalita at pagkilos ng kanilang kinakausap. At kung kinakausap natin ang

FLCO 103 – Metodo at Pananaliksik sa Wikang Filipino Renante D. Malagayo


Modyul I
28

iba, gumagamit tayo ng wika na maiintindihan ng ating kausap. Ginagaya rin natin ang kanilang
postura at kanilang antas ng pananalita. Halimbawa, kung kinakausap natin ang isang
indibidwal na hindi nakapag-kolehiyo, hindi ba’t iniiwasan natin ang mga jargon na ginagamit
lamang sa paaralan tulad ng prelims, midterms, prospectus, units at iba pa.

Kahit na may pagkakatulad tayong lahat sa iba’t ibang aspeto, hindi maitatangging
tayo’y may pagkakaiba sa kultura, kaugalian, paniniwala at antas sa lipunan. Ang mga teorista
nito ay naniniwalang sa komunikasyon, ang mga tao ay nagtatangkang iakomodeyt o i-adjust
ang kanilang istilo kapag nakikipag-usap sa iba. Ang adapsiyong ito ang pinakabuod ng
Teoryang Akomodasyon. Dito ay sinusuri ang mga motibasyon at konsikwens ng pangyayari kung
ang dalawang ispiker ay nagbabago ng istilo ng komunikasyon.

Upang lubusang maunawaan ang kabuuan at katangian ng teoryang ito, nararapat na


alamin natin ang kahulugan ng salitang akomodasyon. Maraming kahulugan ang salitang
accommodation, ngunit sa puntong ito, ang akomodasyon ay nangangahulugan bilang isang
kakayahan sa pag-adjust, pag-modify at pag-regulate ng sariling kaasalan bilang tugon sa iba.
Sinasabing nagagawa nating ibagay ang ating sarili ng hindi napapansin, depende sa kung sino
ang ating kinakausap.

Pinapatunayan sa teoryang ito na sa lahat ng komunikasyon, mayroong pagkakatulad at


pagkakaiba.

Ang akomodasyong ito ay nagagawa sa dalawang paraan: divergence at convergence:

 Ang divergence ay nagaganap kapag ang nagsasalita ay ipinapakita ang hindi pagsang-
ayon o paghihiwalay sa kanilang sarili sa iba. Ang mga grupong may malakas na
pagmamalaking etniko ay madalas na gumagamit ng divergence upang ihaylayt ang
kanilang identidad. Samakatuwid, pilit na iniiba ang pagsasalita sa kausap para ipakita
o ipahayag ang pagiging iba at di-pakikiisa at pagkakaroon ng sariling identidad.

 Ang convergence naman ay ang proseso kung saan binabago ang kanilang mga estilo ng
pananalita upang maging katulad sa pakikipag-ugnayan. Nagaganap ito kung saan
mayroong matinding pangangailangan para sa pagtanggap ng lipunan. Ang gumagawa
nito madalas ay mga indibidwal na walang kapangyarihan o mga taong naghahangad ng
suporta mula sa partikular na lipunan. Kabilang na dito ang mga politiko na binabagay
ang kanilang sarili sa mga mahihirap upang maging mas epektibo ang kanilang
pangangampanya. Ipinapakita na sa interaksyon ng mga tao, nagkakaroon ng tendensiya
na gumaya o bumagay sa pagsasalita ng kausap para bigyang-halaga ang pakikiisa,
pakikipagpalagayang-loob, pakikisama o kaya'y pagmamalaki sa pagiging kabilang sa
grupo.

Sa kabilang banda, may mga pagkakataon na nakakapagdulot ito ng hindi


pagkakaintindihan. Kung makikipag-usap ka sa isang taong hindi mo kakilala, sinusubukan mong
ibagay ang pananalita mo base sa kanyang pamamaraan ng pananalita. Sa iilang sitwasyon,
maaaring isipin iyon ng kausap mo bilang pangmamaliit sa kakayahan niyang unawain ka sa
orihinal mong estilo o ibagay rin ang sarili niya sa iyo. Ang pangyayaring ito ay minsan lamang
kung mangyari at hindi sa lahat ng pagkakataon.

Naratibong Paradim

Unang binuo ni Walter Fisher noong ika-20 siglo. Ang naratibong paradim ay naiiba sa
pangalan sa lahat ng mga teorya. Mapapansing paradim ang ginamit at hindi teorya. Ang
paradim ay nangangahulugang isang hanay ng mga pagpapalagay, mga konsepto, mga halaga, at
mga kasanayan na bumubuo ng isang paraan ng pagtingin ng katotohanan para sa komunidad na
nakikibahagi, lalo na sa isang intelektuwal na disiplina.

Ang naratibong paradim ay naglalarawan sa mga tao bilang mga storytelling animals.
Ang teoryang ito ay nagpapanukala ng naratibong lohika bilang pamalit sa tradisyunal na lohika
ng argumento. Ang naratibong lohika o ang lohika ng mabuting katwiran ay nagmumungkahi na
husgahan ang kredebilidad ng isang ispiker batay sa kohirens at pideliti ng kanilang istorya.

FLCO 103 – Metodo at Pananaliksik sa Wikang Filipino Renante D. Malagayo


Modyul I
29

Isang demokratikong paghuhusga di umano ito sapagkat hindi naman kailangan ng pagsasanay sa
oratoryo at panghihikayat upang makalikha ng paghuhusga batay sa kohirens at pideliti.

Ipinapalagay din sa teoryang ito na nakokombensi tayo sa isang magandang kwento


kaysa isang magandang argumento. Mahihinuhang kung papipiliin tayo sa dalawang artikulo,
pinapaniwalaan sa teoryang ito na mas pipiliin natin ang artikulong maiuugnay ang ating ating
sarili.

Sosyolinggwistikong Teorya

Sa paniniwala ni Sapiro (1949), ang wika ay isang instrumento o kasangkapan ng


sosyalisasyon, na ang mga relasyong sosyal ay hindi iiral kung wala ito. Ang pagkakaroon ng
wika ay isang simbolo ng solidaridad na mag-iisa sa mga indibidwal na tagapagsalita ng
naturang wika.

Pamamalagay na ang wika ay isang panlipunang penomenon. Nagiging makabuluhan ang


anumang pahayag, aksyon, salita ng isang indibidwal kung ito ay nakapaloob sa lipunan at
ipinapahayag sa ibang indibidwal o grupo.

Teoryang Pragmatik

Pinangunahan ni Paul Grice (1967), pilosopo ng wika na may impluwensya sa pag-


aaralng semantika sa dulog pilosopikal.

Ang salitang prama ay galing salitang Griyego na ang ibig tukuyin ay aksyon, galaw,
paggalaw, gawa, gawain. Ipinapakita ditto ang tiyak na gamit at kaangkupan ng wika (wastong
gamit ng wika). Binibigyan din ng puwang ang larangan ng sintaksis upang maibagay sa
katatayuang lipunan at upang maging mabisa ang pakikipag-interaksyon.

Ang teoryang tutukoy sa kakayahan ng tagapagsalita na magamit ang wika sa diskurso


na mauunawaan agad ng tagapakinig o tagatanggap. May iba’t ibang salik pa na dapat isa-alang
alang sa pag-unawa, kasama na rito ang intelektwal na kalagayan ng decoder, kalinawan ng
encoder at ang pagtatagpo ng kani-kanilang interpretasyon. Nililinaw nito ang relasyon sa
pagitan ng intensyon at kahulugan.
Narito ang mga pangunahing kakayahan at layunin ng pragmatik sa proseso ng
komunikasyon:
1. Ang wika ay ginagamit batay sa layunin gaya ng pagbati, pagpuna, paghahalintulad
at pagbibigay ng pangako.

2. Panghihiram at pagbabago ng wika batay sa pangangailangan ng nakikinig at


sitwasyon nbg kausap tulad sa:

 Pakikipag-usap sa guro ng isang mag-aaral.


 Pakikipag-usap sa isang pinuno at tagasunod.
 Pakikipag-usap ng bata sa matanda.

3. Mga gabay at tuntunin sa isang konbersasyon at mga dayalogong panlipunan,


pagbabalita, pagkukuwento at pagbibigay ng ulat panlipunan.

Teoryang Baryasyunis (Variationist)

Pinangunahan ni William Labov (1971), isang Amerikanong linggwista na nag-


impluwensya sa mga metadolohiya sa linggwistika.

Binibigyan ng pansin ang paggamit ng baryasyon ng wikang kasangkot sa diskurso.


Mapapansin sa wikang kasangkot ang pagkakaiba ng suprasegmental at segmental, gayundin ang
istruktura ng wikang ginagamit ng ispiker. Ang bawat wika ay nagtataglay ng maraming
baryasyon. Ang teoryang ito ay naniniwala na ang madalas na pagbigkas ng isang tiyak na salita
o mga salita ay tumutugon sa pokus ng diskurso.

Sa teoryang ito, binibilang ang dalas na gamit sa wika upang masuri ang kalikasan ng
diskurso.

FLCO 103 – Metodo at Pananaliksik sa Wikang Filipino Renante D. Malagayo


Modyul I
30

Ang gamit ng salita ay nababago sa porma nito, halimbawa, sa tuntunin ng Wikang


Filipino, ang panghalip na kayo ay ginagamit na panghalili sa maramihang ngalan ngunit
mapapansin na sa pakikipag-usap sa isang matanda ay nagagamit ang
kayo, “Kumusta po kayo?”, “Pasok po kayo.”

FLCO 103 – Metodo at Pananaliksik sa Wikang Filipino Renante D. Malagayo


Modyul I

You might also like