Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 21

SOKRATES:

ANGKOP SA TAO

Noong pitompung ton na si Sokrates, hinatulan siya ng kamatayan dahil sa mga bintang na isinampa
laban sa kanya. Kung ano ang mga bintang na ito ay lilinaw sa susunod na katha. Nagtalumpati si
Sokrates sa mga taga-hukom sa kanya, at may iba-ibang ulat nitong talumpating ito. Ilalahad dito ang ulat
ni Platon. Apologia ang tawag sa talumpati na sinisikap ilahad, sa malinaw at makisig na salita, ang
katotohanan, harap sa mga nag-uusig at nanlalait.

Ang Apologia ni Sokrates ayon sa ulat ni Platon

Kung ano ang inyong inaakala, kapuwa mamamayan, sa mga pinagsasasabi ng mga nanghabla sa
akin, hindi ko alam. Kung ako - halus na akong napakubli sa aking sarili, sa bagsik ng kanilang
paghihikayat. Ngunit, kung katotohanan ang pag-uusapan, masasabi natin na wala silang sinabi. Sa
kanilang malawak na pagsisinungaling, may isang talagang nakapagpataka sa akin: noong sinabi nila na
mabuti pa'y mag-ingat kayo at baka kayo malinlang, dala ng aking malabis na galing sa pananalita. Hindi
na sila nahiya. Sa aking unang pagbitiw ng salita kaagad silang mahahatulan na ni hindi ko kayang mag-
anyong may galing sa pananalita. Ito, sa palagay ko, ang kanilang pinakalubhang kawalang-hiyaan. O
baka naman ang tinatawag nilang magaling sa pananalita ay ang nagsasalita ng katotohanan. Kung ito ang
kanilang ibig sabihin, aaminin kong mananalumpati ako, ngunit hindi gaya ng mga ito. Ang ibig kong
sabihin, kung may totoo sa kanilang mga sinabi, ito ay katiting o wala; maririnig naman ninyo sa akin
ang buong katotohanan. Ngunit, kapuwa mamamayan, hindi, sa ngalan ni Zeus! mga bulaklak ng salita,
gaya ng mga ito- hindi paghanay ng mga piniling prase at kataga. Ang maririnig ninyo ay ang mga unang
salitang naisipan kong bigkasin, ang mga katagang nagkataong natagpuan. Naniniwala akong
makatarungan ang aking sasabihin. Kaya't huwag kayong maghintay ng ibang patakaran. Sapagkat hindi
bagay, mga mamamayan, na ako'y lumapit sa inyo sa aking katandaan na parang batang nag-limbento ng
dahi-dahilan. Taos at taimtim kong hinihiling sa inyo, kapuwa mamamayan, na kung marinig ninyong
lipinagtatanggol ko ang aking sarili sa uring pananalita na nakaugalian kong gamitin sa plasa at sa mga
lamesa ng bangkero- diyan ako narinig ng | marami sa inyo-o sa ibang lugar, huwag kayong magugulat,
huwag manggugulo cahil dito. Sapagkat talagang ganyan. Ngayon ang aking kauna-unahang pagdulog sa
hukuman at nabuo ko na ang pitompung |taong gulang. Wala akong pinag-aralan at dayuhan ako sa uri ng
pananalitang ginagamit sa hukuman. Kung sakali nagkataon na ako ay tunay na dayuhan, tiyak na
ipagpapaumanhin ninyo kung magsasalita ako sa punto at istilo na aking kinalakhan. Sa aking paningin
katuwiran talaga itong kahilingang ko: huwag na ninyong tanawin ang istilo ng aking pananalita - mas
masama man ito o mas mabuti. Ito lamang ang inyong tatanawin at tutuonan ng isip: makatarungan ba
ang aking sinasabi o hindi.Sapagkat iyan ang nararapat sa hukom. Ang nararapat naman sa
mananalumpati ay sabihin ang katotohanan.

Una sa lahat, katarungan lamang, kapuwa mamamayan, na ipagtanggol ko muna ang aking sarili
laban sa mga kauna-unahang bulaan na paratang at laban sa mga kauna-unahang nagparatang; pagkatapos
haharapin ko ang mga huling paratang nitong mga nanghahabla. Sapagkat nagkaroon ng maraming tao na
pinagpaparatangan ako sa inyo, mula pa noong araw at patuloy pa sa maraming taon: wala silang sinasabi
na totoo. Lalo ko silang kinatatakutan kaysa sina Anytos kahit na tuso rin ang mga ito. Ngunit lalong
nakasisindak iyong mga nauna, mga mamamayan. Sila ang naging guro ng karamihan sa inyo mula pa
noong musmos kayo; binigyan nila ng anyong kapani-paniwala ang mga imbintang-bintang nila sa akin -
na wala namang katotohanan. Na si Sokrates daw ay isang tong nagmamarunong, sinusuri ang langit at
sinasaliksik ang lahat ng nasa lupa at ginagawang mas matibay ang marupok na katuwiran. Kinalat nila sa
bulung-bulungan, kapuwa mamamayan, itong basurang ito. Sa mga pumaparatang sa akin, sila ang
kinatatakutan ko. Sapagkat inaakala ng mga nakikinig sa kanila na ang mga nananaliksik sa langit ay
walang paningin sa diyos. Itong mga nanglalait sa akin ay marami, at mahabang panahon nang
pinaparatangan ako. Kinakausap na nila kayo sa edad pa na madali kayong maniwala: ang ilan sa inyo
noon ay musmos o bata kaya. Pinagbibintangan nila ang hindi makalaban, sapagkat walang
tagapagtanggol. Sa lahat, sila ang hindi ko talos kung papaano kong malalabanan, sapagkat ni hindi ko
alam ni hindi ko masabi kung sino sila, maliban sa ilang taga-gawa ng komedya. May mga naghihikayat
sa inyo, dala ng inggit at paninirang puri; meron naman mga talagang naniniwala sa kanilang
pinagsisikapang paniwalaan din ninyo. Laban sa kanilang lahat, wala akong alam na paraang magagamit
ko. Hindi ko mapipilit na pumarito ang sinoman, ni hindi ko malimbestiga sa masusing pagtatanong.
Napipilitan na lamang akong basta't makipag-laban sa mga anino, ipagtanggol ang aking sarlit
imbestigahin ang mga saksi kahit na walang saksing tutugon. Pagbigyan lamang sana ninyo ako, na totoo
itong sinasabi ko - na may dalawang uring nagpaparatang sa akin: itong mga nanghahabla sa akin ngayon
lamang, at lyong mga sinabi kong naninirang puri na noong araw pa. At alam ninyong nararapat kong
ipagtanggol muna ang aking sarili laban sa kanila. Sapagkat pagpaparatang nila ang unang narinig ninyo,
at mas maraming beses kaysa sa mga nahuli.

Malinaw na, marahil. Kailangan kong ipagtanggol ang aking sarili; kapuwa mamamayam, at
pagsikapan sa napakaikling panahon na tanggalin sa inyo itong paninira sa akin puri na matagal na
ninyong kinakapitan. Ibig ko sana na ang kinalabasan ay maging mabuti para sa inyo at para sa akin. Sana
magtagumpay ako sa aking pagtatanggol. Alam kong mahirap ito -talagang hindi kaila ang di hamak na
hirap. Kahit na papaano, nawa' y humantong ito sa kinalulugdan ng diyos. Kailangan tumalima sa batas at
/ ituloy ang pagtatanggol.

Kunin natin mula sa simula itong pagparatang na pinanggalingan nitong paninira sa aking puri:
itong pinananaligan ni Meletos kaya't inihabla niya ako ngayon. Tingnan natin: Ano ba ang wika ng mga
naninirang puri? Kunwari binabasa natin ang pangsumbong na ulat na sinumpa nilang totoo. "Si Sokrates
may sala sapagkat mapanghimasok siyang nananaliksik sa mga nasa ibabaw ng lupa at sa mga nasa langit
at pinag-aanyo niyang matibay ang marupok na pangangatuwiran at ganitong ganito ang kanyang tinuturo
sa iba." Ganyang ang kanilang paratang. Kayo mismo nakakita ng ganito sa komedya ni Aristophanes.
Isang tinatawag na Sokrates na naglalambitin sa kaitaasan at pinagsasasabi na lumalakad daw siya sa
himpapawid at namumulastog pa ng kung ano-anong kabulastugan. Wala akong kaalam-alam, marami
man o kaunti, ukol sa mga paksang binabanggit niya. Hindi sa mababa ang aking tingin sa ganitong uring
pag-uunawa o sa kaninoman na may karunungan sa mga ganitong paksa -huwag sana akong pag-akyatan
pa ng bintang ni Meletos - ngunit, kapuwa mamamayam, ang totoo'y wala akong hilig sa mga ganitong
uring pananaliksik. Nananawagan ako muli sa karamihan sa inyo bilang mga saksi: hinihiling kong
ipaliwanag at ibunyag ninyo kung narinig ninyo ako kailan man na nakikipag-usap- marami sa inyo ang
nakarinig sa akin -kaya't ibunyag ninyo sa mga iba kung meron sa inyo na nakarinig sa akin kailan man
na nakikipag-usap, ng kaunti man o marami, ukol sa mga pananaliksik sa langit at lupa. Mula rito
malalaman ninyo kung ano ang halaga ng mga pinagsasasabi ng madla ukol sa akin.

Ngunit walang katuturan kung sakali marinig ninyo na pinagsisikapan kong maging guro ng mga
tao at naniningil pa ng kuwarta -hindi ito totoo. Bagama't pati ito, sa paningin ko, ay mabuti: kung meron
mga nakapagtuturo sa mga tao gaya ni Gorgias na taga-Leontion, ni Prodikos na taga-Chios, at ni Hippias
na taga-Elea. Ang bawat isa sa mga ito, mga mamamayan, nakapupunta sa bawat bayan at nahihikayat
nila ang iga kabataan -ang mga kabataang may kaya at, Samakatuwid, malayang pumill kung sino sa
kanilang mga kababayan ang kanilang kakasamahin- ang mga ito ay hinihikayat nilang iwasan ang
kanilang mga dating kasama upang sumama sa kanila, magbayad ng kuwarta, at tumanaw pa ng utang na
loob. Sa bagay, may lalaking taga-Paros na kinikilalang marunong; napagmasdan kong tumatahan siya
dito sa atin. Nagkataon din na nakipagtagpo kami ng isang taong nagpakagasta sa mga ganitong uring
guro ng kuwartang hihigit sa ginastos ng lahat ng mga ibang tao kung pagsasama-samahin mo. Tinutukoy
ko si Kallias na taga-Hipponike. Kaya't tinanong ko siya- meron siyan dalawang anak - "Kallias," ika ko,
"kung itong dalawang anak mo ay bisiro o guya, tiyak na uupa ka ng isang nakakaalam, upang sanayin
ang mga hayop ng mabuti at maigi, sa mga nararapat na galing; upahan mo marahil ang isang
mangangabayo o isang magsasaka. Ngayon, palibhasa' y tao itong dalawa, sino ang iniisip mong bagay
makaalam sa kanila? Sino ang may wastong kaalaman sa uri ng galing na nararapat sa tao at sa
mamamayan? Sa palagay ko'y maingat mong inaasikaso ang paghubog sa dalawang anak na ito. Meron
ba," sabi ko, "o wala?" "Aba meron," ika niya. "Sino?" ika ko, "at taga-saan, at magkano ang kanyang
pagtuturo?" "Si Euenos," sabi niya, "taga-Paros, limang mna." Tinatawag ko namang mapalad si Euenos
kung talaga ngang mahusay siya sa ganitong paghubog, at sa kanyang eleganteng pagtuturo. Ako naman,
ipagmamalaki at ibibida ko pa kung nauunawaan ko ang mga ito. Ang tunay ay, kapuwa mamamayan,
hindi ko nauunawaan.

Tutugon yata ang isa sa inyo: "Pero ikaw, Sokrates, ano ang ginagawa mo sa buhay? Paanong
naisilang itong paninira sa iyong puri? Hindi maari na wala kang ginagawa na talagang pambihira at
sumulpot na lamang itong mga kuwento't pag-aakala; tiyak na meron kang ginagawang A iba sa
karamihan. Sabihin mo na nga sa amin kung ano ito nang huwag maging walang isip ang aming paghatol
sa iyo." Sa tingin ko, may katuwiran itong nagsasalita at susubukan kong ipakita sa inyo kung papaano
akong pinangalanan na "nagmamarunong" at nasiraan pa ng puri. Kaya't makinig kayo. Baka isipin ng
ilan sa inyo na ako ay naglalaro; alamin ninyong mabuti, buong katotohanan ang sasabihin ko sa inyo.
Kapuwa mamamayan, nahulog sa akin itong pangalan na "nagmamarunong" mula sa wala nang ibang
dahilan kundi isang uring karunungan. At ano itong karunungang ito? Marahil, ang mismong karunungan
na nararapat sa tao; sapagkat totoo akong nasa panganib na baka ako marunong ayon sa nararapat sa tao.
lyong mga gurong binanggit ko ngayon lamang, ay alisto sa karunungang higit sa nararapat sa tao . . . O
kaya, wala akong masasabi. Hindi ko kasi maunawaan ang kanilang karunungan. Ang sinomang
nagsasabi na nauunawaan ko, ay nanlilinlang. at humahantong sa paninira sa aking puri ang kanyang
salita. At huwag hinyo ako guguluhin, kapuwa mamamayan, kahit na parang napakataas n lipad ng aking
salita. Hindi naman akin itong salita na bibigkasin ko. Ngunit itutungo ko kayo sa isang nararapat
paniwalaan. Meron nga ba akong karunungan at, kung meron, ano kaya ang katangian? Pananawagan
kong saksi sa inyo, ang diyos sa Delphoi. Nakilala ninyo si Chairepho Kabarkada ko siya mula noong
bata pa kami, at pumanig siya sa karamihan sa inyo: sumabay siya sa inyong pagpapatapon at kasama
ninyong bumalik. Alam ninyo ang ugali ni Chairepho; mapusok sumugod sa anoman na. kanyang
isinimula. Isang araw nagpaDelphoi siya at nangahas na isangguni ang isang tanong sa tinig ng diyos- at
huwag kayong manggugulo dahil sa sasabihin ko, mga mamamayan -tinanong niya kung meron tao na
(marunong pa sa akin. 'Tugon naman ni (Pythia) walang lalong marunong. Saksi ng nangyari ang kanyang
kapatid na naririto, sapagkat siya mismo ay pumanaw na.

Tingnan ninyong maigi kung bakit it iniistorya; tanka kong iturg sa inyo ang pinanggalingan ng
paninirang puri. Palibhasa'y narinig ko ang nangyari, ganito akong nagmuni-muni sa aking kalooban:
"Ano kaya ang sinasabi ng diyos at ano kaya ang ibinubuktong niya? Nadarama ko sa aking sarili na wala
akong ni dakila; ni hamak, na karunungan. Kaya't ano. kaya ang ibig niyang sabihin kapag ibinunyag niya
na ako ang marunong sa Íahat? Hindi siya nanlilinlang kailan man. Labag iyan sa kanyang pagkadiyos."
Mahabang panahon akong nag-aalangan: Ano kaya ang sinasabi niya? Noong kuwan, hirap na hirap kong
ibinaling ang aking buong katauhan sa paghahanap sa kanyarig kahulugan. Nilapitan ko ang isa sa mga
may anyong marunong, nang malaman ko kung talaga ngang mauusisa iyong sinabi ng -diyos, upang
maipatibay ko sa kanya: "Marunong pa sa akin ito; ikaw, sinabi mong marunong pa ako." Inusisa ko ang
yaong ito-hindi ko na kailangang sabihin ang pangalan, isa siyang politiko; masusi ko siyang
pinagmasdan, kapuwa mamamayan, habang kami' y nag-uusapan at ganito ang aking naranasan. Itong
tong ito, sa paningin ko, ay itinuturing na marunong ng maraming ibang tao, at lalo na ng kanyang sarili;
ang totoo ay hindi. Noong kuwan sinubukan kong ipakita sa kanya na akalain man niya na marunong
siya, ay hindi pa rin. Ang kinalabasan ay kinapootan ako noong tong iyon at ng marami sa mga naroroon.
Habang umaalis naman ako, nangangatuwiran ako sa aking sarili: marunong pa-ako sa taong iyon.
Sapagkat sa ating lahat, siya ang nanganganib na walang alam ukol sa mabuti at tuwid na pamumuhay,
ngunit inaakala niya na alam niya ang hindi niya alam. Ako naman, sa aking hindi pagkaalam, hindi ko
inaakala; sa bagay na ito man lamang, katiting na katiting na ako'y mas marunong kaysa sa kanya-
sapagkat ang hindi ko alam, hindi ko inaakalang alam ko. Pagkatapos nito, pumaroon ako sa ibang tao, sa
mga may anyong marunong pa kaysa sa nauna, at ang nakita ko ay iyong iyon din, at kinapootan din ako
doon noong taong iyon at ng marami pang iba.

Pagkatapos nito, pinaghali-halili ko ang aking mga pagdalaw, at nadama ko, at ako'y nalungkot at
natakot, na marami ang mga may poot sa akin, ngunit, sa aking paningin, hindi ko maiwasang gumawa sa
karamihan ng ayon sa diyos - dapat akong lumakad, nag-uusisa sa winika ng diyos -ano ang kahulugan? -
sa lahat ng mga nag-aanyong may alam. At sa ngalan ng aso! kapuwa mamamayan, kailangan kong
sabihin ang katotohanan sa inyo-ganoon na ganoon din ang aking naranasan: sa paghahanap, dala ng
udyok ng diyos, nakita ko na halus ang karamihan sa mga iginagalang bilang marunong, ang lumalabas
na mas nagkukulang; at iyong mga may anyong mas simple, ang lumabas na mga taong mas nakikibagay
sa katinuhan. Kailangan kong ilahad sa inyo ang aking mga paggagala-gala, para bagang tinitiis ko na ang
mga hirap ni Herakles, hangga't luminaw sa akin na napakatibay at di malalansag ang winika ng diyos.
Pagkatapos ng mga politiko, lumapit naman ako sa mga makata? mga nagtatrahedya, mga manunula, at
lahat 'ng mga iba. Palibhasa' y huling huli ko ang aking sarili, na wala akong kaalam-alam kung
ihahambing sa kanila. Kaya't pinag-aralan ko ang mga katha, na sa paningin ko'y lalo nilang
pinaghirapan, at masusi ko silang tinanong kung ano ang sinasabi ng tula, upang meron din naman akong
matutuhan sa kanila. Ikinahihiya kong sabihin sa inyo ang katotohanan, mga mamamayan, ngunit dapat
sabihin. Mas mabuti pa yata ang mga sinabi ng halus lahat sa mga nanunuod, ukol sa mga kinatha ng mga
makata. Sa maikling panahon, ito ang aking natutunan ukol sa mga makata: hindi karunungan ang sanhi
ng kanilang paggawa, kundi isang katutubong galing at pagsasadiyos, gaya ng mga manghuhula at mga
mang-aawit ng winiwika ng diyos. Pati ang mga ito'y nangbibigkas ng maraming magagandang salita,
wala naman silang nauunawaan sa kanilang mga pinagsasasabi. Ganito na naman ang lumitaw na
karanasan sa aking pakikipagtagpo sa mga makata. Nakita ko na marami silang nakukutuban habang sila'
y nagtutula, kaya't akala nila na, sa lahat ng bagay, sila' y pinakamarunong sa mga tao, bagkus hindi
naman. Umuwi na ako; mulat sa aking sarili na ang kinalabasan sa mga makata ay gaya ng sa mga
politiko.

Huli sa lahat, pumunta ako sa mga nagtatrabahong-techne. Nadarama ko sa aking sarili na wala
yata akong nauunawaan, pero alam ko na matutuklasan kong marami at maganda ang kanilang mga
nauunawaan. At sa bagay na ito, hindi ako nabigo; unawa nila ang hindi ko nauunawaan, at sa paksang
ito, marunong sila sa akin. Ngunit sa tingin ko, kapuwa mamamayan, pareho sa mga makata at sa mga
magaling na taga-pamahala sa techne ang kanilang pagkakamal. Sapagkat ubod sila ng galing sa
pagganap sa trabahong-techne, inaakala nilang karapatdapat silang ituring na pinakamarunong, sa lahat
ng mga mahahalagang usapan; at sa pagmamalabis nila, inililihim pa nila ang kanilang karunungan.
Kaya: tinanong ko sa aking sarill, sa pagmumuni-muni sa tinig ng diyos, kung alin sa dalawa ang aking
pipilin: manatili sa sariling paninindigan na walang karunungan na gaya ng kanilang dunong at wala
namang hindi pagkaalam na gaya ng kanilang di-kaalaman, o sabay magpasakop sa kanilang dunong pat
di-pagkaalam. Tumugon ako sa aking sarili at sa tinig ng diyos na mabuti pa'y manatili na ako sa sariling
paninindigan.

Itong pag-uusisamg ito, kapuwa mamamayan, ay namunga ng a maraming sama ng loob,


napakahirap at napakabigat, at sanhi pa ng maraming paninirang puri. Dito nagsimula ang pagtawag sa
akin na "nagmamarunong". Iniisip ng mga sunod-sunod na nanunuod habang ako' y nagtatanong, na
inuusisa ko ang dunong ng aking kapuwa sapagkat ako'y marunong na. Ginagawa nilang alanganin, mga
mamamayan, ang totoo -na ang diyos ang marunong, at ito ang talagang ibinubunyag ng winika ng tinig:
na ang makataong dunong ay napakaliit, o wala, ang halaga. At lumilitaw na binabanggit si Sokrates,
ginagamit ang ngalan ko, upang gawin akong tanda. Para bang sinasabi: "Ang pinakamarunong sa inyo,
mga tao, ay sinoman na, gaya ni Sokrates, ay natatauhan na, sa katotohanan, wala siyang halaga sa
harapan ng karunungan." Ito ang aking hinahanap at sinasaliksik hangga ngayon sa aking mga pag-likot-
ikot, ayon sa diyos, kung meron mamamayan o dayuhan na inaakala kong marunong At kapag hindi siya
nagpakitang marunong, tinutulungan ko ang diyos, pinatitibay ko na hindi siya marunong. Ito ang naging
trabahg ko kaya't walang naiwan na panahon upang makagawa ako ng anomang kapansin-pansin alang
alang sa bayan o sa kamag-anakan. Sa halip, nabubuhay ako sa malubhang karukhaan dahil sa paglingkod
sa diyos.

Idagdag pa rito na amay mga kabataan - iyon mga may maraming panahon na wala silang
magawa: ang mga mayayaman - na kusa akong sinundan. Tuwang tuwa silang nakinig sa pag-uusisa sa
mga tao, at madalas pa nila akong tinutulad; noong kuwan pinagtiyagaan pa nila mang-usisa ng tao, at
nakita kong talagang nakasiya sa kanila ito; sapagkat inaakala ng mga tao na meron silang alam bagkus
kaunti ang alam nila, o wala. Bunga nito, nagalit sa akin, hindi sa kanila, ang-kanilang mga inusisa at
sinabi nila. na si Sokrates ay isang tigib sa kabastusan, na nagtuturo ng mga masasamang ugali sa mga
kabataan. At kapag may nagtatanong: Ano ang kanyang ginagawa? Ano ang tinuturo? - wala silang
masabi at hindi nila alam. At nang huwag silang mag-anyong walang maisip, kinuha nila ang mga bintang
na palaging ginagamit laban sa mga namimilosopiya, na "ang nasa papawirin at nasa ibabaw ng lupa" at
"walang pagtingin sa diyos" at "pinatibay ang marupok na pangangatuwiran". Sa aking pag-aakala, ang
totoo ay ayaw nilang aminin, na halatang halata sila na nagkukunwaring marunong, bagkus wala naman
silang alam. Ang alam ko ay maraming mga taong mataas ang hangarin, mapusok, ubos lakas at
mapaghikayat sa kanilang pagkukuwento ukol sa akin; noong araw pa nila pinuno ang inyong tainga sa
mga mapusok na paninirang puri, Sakop sa kanila si Meletos Da nanghabla, sa akin, at si «nytds at si
dykon/ Dala ni Meletos ang daing ng mga makata, ni Anytos ang sa mga taga-pamahala sa techne, at sa
mga politiko, ni Lykon ang sa mga mananalumpati. Nasabi ko na noong nagsisimula pa ako,
nangangamba ako: mapapabulaanan ko kaya sa inyo, sa napakaikling panahon, itong paninirang puri na
umiiral na, sa pagkahaba-habang panahon. Nailahad ko na sa ingo, kapuwa mamamayan, ang
katorohanan. Sinasabi ko sa inyo na hindi ako naglihim ng kahit ano, malaki man o malit, wala akong
ibinalatkayo. Alam ko na dahil sa mga kasasabi ko, marami ang agad aayaw sa akin: ito ang tanda na
katotohanan lang aking sinasabi, na ganito nga ang mga paninira sa aking puri, at ito nga ang dahilan.
Suriin ninyo ngayon, suriin uli, ganyan din ang inyong matutuklasan.

Laban sa mga kauna-unahan na nagparatang sa akin, sapat nang pagtanggol ito alang alang sa
inyo. Babalingan naman ngayon si Meletos - mabuting tao at mapag-ibig sa bayan, sabi nila - at ang mga
huling nanghabla, at susubukan kong ipagtanggol ang aking sarili. Harapin natin itong ikalawang
pagpaparatang: kunin natin uli ang kanilang pangsumbong na ulat na sinumpa nilang totoo. Medyo ganito
ang sinasabi: Si Sokrates, anila, Jumabag sa batas; tinuturuan ang mga kabataan ng masasamang ugali,
hindi kinikilala ang mga diyos na ginagalang ng bayan, at meron pang kinikilalang mga bagong
makadaimon. Ganito ang ipinaparatang sa akin. Isa-isahin natin ang mga sangkap ng habla.

Sabi niya na sa pagtuturo ng masasamang ugali sa kabataan, ako'y lumabag sa batas. Ako naman,
kapuwa mamamayan, sinasabi kong lumabag si Meletos sa batas, sapagkat taimtim siyang nagbibiro.
Basta't pinagpapalaban na lamang niya ang mga tao sa mga paksa na kunwari'y taimtim niyang iniintindi,
ngunit, ni kaunti man lamang ay wala siyang pagbabahala. Susubukan kong ipakita sa inyo na talagang
ganito. Halika at •sabihin mo sa akin, Meletos, hindi ba totoo na napakahalaga sa iyo na lumabas na
mabuti sa lahat, ang kabataan?

Totoo.

Kaya't sabihin mo sa kanila, sino ang nagsisikap upang maging mabuti sa lahat ang kabataan?
Tiyak na alam mo, napakahalaga sa iyo. Masusi mong hinanap ang nagtuturo ng masasamang ugali: ako,
sabi mo: pinadudulog mo sa kanila, at iyong hinahabla. lyon namang nagpapabuti sa kabataan, sabihin mo
at ipaalam sa kanila kung sino. . . . Kita mo, Meletos, wala kang imik; hindi ka makasagot. Hindi ba ito
kahiya-hiya at sapat na katibayan noong sinabi ko, na wala kang pagbabahala? Pero sabihin mo, butihing
tao, sino ang nagpapabuti sa kanila?
Ang mga batas.

Ngunit, hindi iyan ang tinatanong ko, taong magaling, kundi sino iyong tao na, sa mula't mula pa,
ay nakakakilala sa mga batas?

Sila, Sokrates, ang mga hukom.


Anong sinasabi mo, Meletos? Kaya ng mga ito ang turuan ang kabataan at pabutihin sila?

Oong, oo.

Silang lahat? O baka kaya ng ilan, hindi kaya ng iba?

Lahat.

Magaling ang sinabi mo, sa ngalan ni Hera! At malaking kagalakan sa mga naglilingkod. Ano pa
ngayon? Itong mga nakikinig, sila ba'y nagpapabuti o hindi?

Pati sila.

Ano pa? Ang mga kagawad?

Pati ang mga kagawad.

Ngunit, Meletos, sasabihin mo ba na ang mga nagkakatipon dito ay nagtuturo ng masasamang


ugali sa mga kabataan? O na pati silang lahat ay nagpapabuti?

Pati silang lahat.

Aba, lumalabas yata na lahat ng mga tagarito ay nagpapabuti at nagtuturo ng magagandang ugali,
maliban sa akin. Ako lamang ang nagtuturo ng masasamang ugali. Ganyan ba ang sabi mo?

Tahasang ganyan.

Tunay na masamang kapalaran ang iyong pinaparatang sa akin. Sagutin mo ako. Ganyan ba rin
ang nangyayari sa mga kabayo? Na ang nagpapabuti ay lahat ng tao at isang kung sino lamang ang
nakakasakit? O baka kabaligtaran ang totoo, na isa lamang, o kaya'y kaunting kaunti, ang mga nag-aalaga,
ang makapagpapabuti sa mga kabayo; ang karamihan, kapag sila'y gumamit o nakialam sa kabayo ay
sinasaktan ang mga ito? Hindi ba ganito ang nangyayari, Meletos, sa mga kabayo at sa lahat ng mga
nabubuhay na nilalang? Tahasang ganito, aminin man ninyo ni Anytos o huwag ninyong aminin; isang
malaking kapalaran sa mga kabataan kung. isa lamang ang nagtuturo ng masasamang ugali at lahat ng
mga iba ay. gumagabay sa pagiging mabuti. Ngunit, sapat mo nang ipinakita, Meletos, na hindi mo
dinibdib kailan man ang ukol sa mga kabataan, at malinaw kang nahalata na walang pagbabahala; hindi
ka talagang abala sa mismong paksa na pinagkunan mo ng ibinintang sa akin.

Sabihin mo sa amin, alang alang kay Zeus, Meletos, lalo bang mabuting kasamahin sa bahay ang
mga mamamayan na marangal o mga naninira? Sumagot ka, kapuwa tao, hindi naman mahirap ang aking
tinatanong. Hindi ba totoo na pinagtitiyagaan ng mga walang dangal ang gumawa ng masama, laban sa
mga pinakamalapit sa kanila, ang mabuti nama'y mabuti ang binabalak?

Siyempre.
Meron bang tao na gustong masaktan ng kanyang mga kabahay sa halip ng matulungan? Sumagot
ka, mabuting to, pati ang batas inuutosan kang sumagot. Meron bang gustong masaktan?

Alam mong wala.

Ngayon, itong sinasabi mong pagtuturo ko sa kabataan, nang sila'y mawalan ng dangal . . . ang
paratang mo ba'y ginagawa ko itong sadya o hindi sadya?

Ang sabi ko'y sadya.

Ano ito, Meletos? Bata ka pa at marunong ka pa sa akin na matanda na? Alam mo na, na ang mga
masasamang loob ay laging nagbabalak ng masama laban sa mga lalong kalapit nila, at ang magagandang
loob ay nagbabalak ng mabuti; pero ako'y nakarating sa napakalubhang katangahan na ni hindi ko alam
na kapag gumawa ako ng paninira sa aking mga kabahay, nanganganib akong makatanggap ng masama
sa kanila, kaya't sadya akong gumagawa ng masama, ayon sa sinasabi mo? Dito, hindi ako makapaniwala
sa iyo, Meletos; alam ko na walang sinomang tao na maniniwala. Ngunit: o hindi ako nagtuturo ng
masasamang ugali, o kung ganito ang gawa ko, hindi ko sinasadya; at 'lumalabas na nagsisinungaling ka
sa magkabilang panig. Kung hindi ko sinasadyang nagtuturo ako ng masasamang ugali, ang dapat gawin
sa mga ganyang uring pagkakasala ay huwag isumbong sa batas, kundi kausapin Ina walang ibang
nakaririnig, turuan ng taimtim. Malinaw na kapag ako'y natuto, ihihinto kong gawin iyong mga ginagawa
kong walang pagsasadya. Ngunit ikaw, iniwasan mo't inayaw mong makitagpo sa akin upang turuan rako;
inihabla mo ako rito. Inihahabla rito ang mga kailangang parusahan, hindi ang mga hindi pa natuturuan.

Kaya't kapuwa mamamayan, malinaw na ngayon ang, aking sinasabi, na ang mga paksang ito ay
hindi talagang pinag-aabalahan, ng malaki o maliit, ni Meletos. Ngunit sabihin mo naman sa amin,
Meletos, bakit mo sinasabing nagtuturo ako ng masasamang ugali sa kabataan? Malinaw na yata ayon sa
iyong ulat na panghabla na ang pinaparatang mo ay na itinuturo kong huwag dapat kilalanin ang mga
diyos na ginagalang ng bayan, at nagpapakilala pa raw ako sa mga bagong makadaimon? Hindi ba ito ang
itinuturing mo na pagtuturo ng masasamang ugali?

Taos at buong pananabik, iyan ang sabi ko.

Sa harapan nila ngayon, Meletos, itong usapan ukol sa mga diyos . . . ilahad mong mas
maliwanag sa akin at sa mga tao dito. Sapagkat hindi ko masakyan kung sinasabi mo na ang tinuturo ko
ay dapat nilang huwag kilalanin ang ilan sa mga diyos; habang ako' y naniniwala na may mga diyos at
hindi ako isang walang kadiyos-diyos - hindi iyan ang áking paglabag- pero hindi iyong mga ginagalang
ng bayan kundi mga dayo; iyan ang iyong binibintangan - na dayuhan ang aking diyos. O sinasabi mo ba
na wala akong paningin sa anomang diyos at na iyan ang tinuturo ko sa iba?

lyan ang sinasabi ko: lubusan kang walang diyos.

Kahanga-hanga, Meletos, bakit ganyan ang sinasabi mo? Hindi ba diyos ang tingin ko sa araw at
buwan, gaya ng mga ibang tao?
Sa ngalan ni Zeus, mga hukom, kung sinasabi niyang bato ang araw at lupa ang buwan.

Inaakala mo ba na si Andxagoras &ng iyong pinaparatangan, Meletos? Ganyan ba kababa ang


lyong tingin sa kanila at inaakala mo na hindi pa nilang naranasan kung ano ang bumasa at hindi nila
alam na mga aklat ni Anaxagoras na taga-Klazomene ang tigib sa ganiyang mga salita? At ito ba ang
natutunan ng mga bata sa akin? Marami silang panahon na bilhin sa orkestra ng teatro ang mga aklat ni
Anaxagoras; hindi hihigit sa drakma ang bayad. At kakantiyawan nila ako kapag nagpanggap akong akin
ang kanyang mga sinabi. Kung tutuusin mo, ang mga sinabi niya ay talagang katuwa. Ngunit sa ngalan ni
Zeus, ganyan ba ang tingin mo sa akin? . . . na sa isip ko'y walang diyos?

Wala, sa ngalan ni Zeus, wala kang kadiyos-diyos.

Hindi ka mapaniwalaan. Meletos, tiyak ito at, sa paningin ko, ni ikaw hindi ka makapaniwala.
Kapuwa mamamayan, itong taong ito, isa yatang malabis ipagmalaki ang sarili at mapagbigay hilig; at
basta't sinulat niya itong hablang ito mula sa isang kalabisan-ng yabang, kawalan ng disiplina, at
karahasan. Parang sinusubukan niyang magpatibay ng isang buktong: "Mahahalata kaya ni Sokrates na
ako'y nagbibiro at sumasalungat sa aking sarili sa aking pagsasalita o malilinlang ko kaya siya at ang mga
nakikinig?" Sapagkat nakikita kong nagsasabi siya ng kabilanan sa ulat na panghabla, para niyang
sinasabi: "Si Sokrates lumalabag sa batas: hindi niya kinikilala ngunit kinikilala ang mga diyos."
Paglalaro pa rin ito.

Pagmasdan ninyong mabuti, kapuwa mamamayan, at palilitawin ko ang uri ng kanyang


pangangatuwiran. Ikaw naman, Meletos, sagutin mo ako. Ayon sa aking hiningi sa inyo noong
nagsisimula pa ako, alalahanin ninyo: huwag ninyo akong guguluhin kung patatakbuhin ko ang usapan
ayon sa aking mga nakaugaliang patakaran.

Meron bang tao, Meletos, na kinikilalang may mga makataong gawain, ngunit hindi kinikilalang
meron mga tao? Dapat siyang sumagot, mga mamamayan, at huwag paulit-ulit na tumutol. Meron bang
hindi kinikilalang may kabayo, ngunit kinikilala ang mga gawaing kabayo? O hindi kinikilalang may
plawta, pero kinikilalang may mga maka-plawtang gawa? Wala, taong magaling. Kung ayaw mong
sumagot, ako ang magsasalita alang alang sa yo at sa mga naririto. Ngunit sagutin mo itong I tanong na
hinahantungan ng mga nauna: Meron bang kumikilalang may. mga makadaimon na gawain, ngunit hindi
kinikilalang may mga daimon?

Wala.

Anong lugod na sumagot ka. Sapilitan at dala ng hiya sa kanila. Ngayon sinabi mo na kinikilala at
tinuturo ko ang makadaimon; maaring bago o noong araw pa itong makadaimon na ito, ngunit
makadaimon pa rin ang aking kinikilala ayon sa iyong mismong salita: at isinumpa mo sa iyong ulat na
panghabla na totoo ito. Kung kinikilala ko ang mga makadaimon, tahasang hindi mapagkakaila na
kinikilala ko rin ang mga daimon; hindi ba totoo? 'Totoo; inilagda kitang sumasang-ayon palibhasa'y
hindi ka sumasagot. Itong mga daimon . . . hindi ba't talagang naniniwala tayong mga diyos o anak ng
mga diyos? Umaamin ka o hindi?

Oo nga't ganyan.
Kaya't kung naniniwala akong may mga daimon - at inamin mo ito-at kung isang uring diyos ang
mga daimon, lumalabas iyong aking sinabi: na ikaw ay nagbubuktong at nagbibiro. Sasabihin mong hindi
ako naniniwala sa mga diyos at pagkuwa'y babalik ka upang sabihin na naniniwala ako sa mga diyos,
sapagkat naniniwala ako sa mga daimon. Isipin pa natin: kurg ang mga daimon ay anak na bastardo ng
mga diyos, dahil sa pagsiping sa mga nimpa o kung ano pang ibang nilalang, ayon sa mga kinekwento
nila, sino bang taong maniniwalang meron mga anak ng diyos, ngunit walang diyos? Katuwa ang lalabas
kung may naniniwalang may mga anak ng kabayo at ng asno, iyong mga mula, at hindi namang
naniniwala na meron kabayo at asno. Kaya't hindi maipagkakaila, Meletos, na inakyat mo lamang itong
hablang ito bilang pangsubok lamang sa amin, o kaya, sapagkat wala kang mahanapan na tunay na
paglabag sa batas na maibibintang mo sa akin. Kung layon mo na mahikayat ang taong meron kahit na
katiting na isip, na maaring mangyari na iyong taong naniniwala na meron mga makadaimon at mga
makadiyos, ay hindi naniniwala ni sa mga daimon, ni sa mga diyos, ni sa mga bayani . . . walang
patakaran na makagaganap nito.
Hindi na kailangan, mga mamamayan, na pahabain pa ang aking pagpapatibay na hindi ako
lumabag sa batas ayon sa pagsumbong ni Meletos: sapat na ito. lyong mga sinabi ko sa simula, na
maraming tao'y gumising ng maraming sama ng loob laban sa akin . . . alamin ninyong mabuti na totoo.
At ito ang hahatol ng kamatayan sa akin, kung hahatulan nga ako. Hindi sa Meletos, hindi si Anytos,
kundi ang paninirang puri at inggit ng maraming tao. Maraming ibang tao ang nahatulan na, pati
mabubuting tao; mulat akong marami pang mahahatulan. Di kailangang mangamba na ako na ang huli.

Meron yatang magsasabi: "Hindi ka ba nahihiya, Sokrates, sa uri ng pamumuhay na


kinasangkotan mo, kaya't ngayo'y nanganganib kang mamatay?" Tutugonan ko siya ayon sa nababagay:
"Hindi karapat-dapat ang iyong sinabi, kaibigan. Ang tao na may kahit na isang butil na dangal ay hindi
aakalain na kailangan pa niyang timbangin ang pagsasapalaran ng buhay at kamatayan. Dito lamang siya
nakatuon: kung ang ginagawa niya ay katarungan o hindi katarungan, kung gawain ng mabuting tao o ng
masama. Kung susundan ang iyong sinabi, lilitaw na hangal iyong mga taong may lahing diyos na nasawi
sa Troia. Kasama sa kanila ang anak ni Thetis: ganyan na lamang ang kanyang pagwawalang bahala sa
panganib, kung itutumbas sa hiya ng taong nananatiling buhay, kaya't . . . noong nakita ng kanyang ina
ang pananabik niyang patayin si Hektor, kinausap siya - sa aking pagkaalala -ng ganito: 'Anak ko, kung
paghihigantihan mo ang pagkapatay kay Patroklos at papatayin mo si Hektor, mamamatay ka rin anagad, '
sabi niya, 'sapagkat nakalagda na, na magkasing: tadhana kay da r Hektor.' Noong narinig niya ito, naging
walang kabuluhan sa kanya ang kamatayan at panganib, sapagkat lalo niyang kinatatakutang mabuhay na
tong masama, na hindi naghihiganti alang alang sa kanyang mga kalbigan. "Kaagad,' aniya, 'handa na
akong mamatay habang ipinapataw ko ang katarungan sa lumabag sa katarungan, upang huwag akong
manatili dito, katatawanan sa tabi ng mga. barkong baluktot, pandiin lamang sa lupa.: Inaakala mo ba na
iniintindi niya ang kamatayan at panganib?"

Ganito, kapuwa mamamayan, ang talagang totoo. Kung ang namumuno'y itinalaga ang isang
himpilan sa isang kawal, o kaya'y pinaparoon siya ng isang may kapangyarihan; sa paningin ko'y dapat
tumayo doon ang kawal at batahin ang panganib; hindi niya titimbangin ang kamatayan o anomang ibang
bagay, kundi ang kahihiyan. Noong inuutusan ako ng mga may kapangyarihan na pinili ninyo upang
mamuno sa akin sa Poteidaia at Amphipolis at Delion, sa pook na kanilang itinalaga sa akin, doon ako
tumayo, gaya ng sinomang mamamayan, sa panganib ng kamatayan. Ngayon na inuutusan ako ng diyos -
tinanggap ko ito, at ito ang aking paniniwala - na kailangan kong mabuhay na namimilosopiya, sa
pagsasaliksik sa sarili at sa kapuwa, talagang nakasisindak, kapuwa mamamayan, kung iwanan ko ang
itinatalaga sa akin, dala ng takot sa kamatayan o sa anomang ibang bagay. Talagang nakasisindak kung
gaga wa ako ng ganyan, at magiging tunay na karapatdapat na ihabla ako sa hukuman, bilang walang
pagkilala sa diyos. Sapagkat nilapastangan ko ang bilin ng kanyang tinig, natakot ako sa kamatayan, at
inisip kong ako'y marunong bagkus hindi. Sapagkat hindi maipagkakaila, mga mamamayan, na ang taong
natatakot mamatay ay isang nag-aakalang marunong siya, kahit na di marunong; akala niyang alam niya
ang hindi niya alam. Wala namang nakakaalam, baka kamatayan ang pinakamabuti sa lahat ng mga
biyayang sumasapit sa tao; ngunit talagang alam na yata ng natatakot mamatay na walang kasamaan na
dadaig sa kamatayan. Hindi ba ito isang. hindi pagkaalam na dapat pangaralan: inaakala ng isang tao na
alam niya ang hindi niya alam? Sa bagay na ito, mga mamamayan, naiiba yata ako sa karamihan ng mga
tao; at kung para nga akong mas marunong kaysa sa ibang tao, ganito ako mas marunong: na kung wala
akong sapat na kaalaman ukol sa mga nasa Haides, nakikita ko rin na hindi ko alam. Lumabag sa
katarungan at lapastanganin ang dakila, sa diyos at sa tao, ryan, alam ko, ang talagang masama at
kahihiyan. Kapag natatanaw ko ang talagang masama, na alam kong masama, hindi ko katatakutan kailan
man, hindi ko tatakasan ang hindi ko alam kung baka mabuti. Maaring ipawalang-sala ninyo ako; baka
hindi kayo naniniwala sa sabi noon ni Anytos na: o hindi ko na kailangang dumulog sa hukuman, o, kung
napadulog na, hindi na maaring hindi parusahan ng kamatayan; sapagkat, ika niya, kapag ako ay
nakaiwas sa inyong parusa, mananabik ang inyong mga anak sa mga tinuturo ni Sokrates, at tiyak na lahat
lahat nila'y tutubuan ng masasamang ugali. Maaring sabihin niny sa akin: "Sokrates, hindi namin
susundan si Anytos, pakakawalain ka namin, ngunit isa ang aming bilin sa lyo: Huwag ka nang mag-
aksaya ng panahon sa lyong pananaliksik; huwag ka nang mamilosopiya. Kung mahuli kang gumagawa
ng ganito, mamamatay ka." Kung sa ganitong paraan ay pinakawala ninyo ako, sasabihin ko naman:
"Binabati ko kayo, kapuwa mamamayan, inibig ko kayo; sa diyos naman ako tatalima, hindi sa inyo.
Basta't meron pa akong hininga, basta't meron pa ako, walang tigil akong mamimilosopiya, magbibigay
ng payo sa inyo; matatagpuan ninyo ako sa aking dating anyo. Maririnig ninyo ang aking mga palaging
sinasabi: 'O tanyag sa sangkatauhan, palibhasa'y taga-Athenai ka, pinakadakilang bayan, mapagsikap sa
dunong at kapangyarihan, hindi mo ikinahihiyang magtiyaga upang humigit sa lahat ang iyong
kayamanan . . . at kung luwalhati at dangal, pagmamatino at katotohanan, at tunay na sarili ang usapan,
hindi ka ba nagsisikap, hindi ba mahalaga sa iyo na ikaw ay maging pinakamagaling?' At kung may
sasalungat na isa sa inyo at sasabihing nagsisikap siya, hindi ako agad susuko, kundi, tatanungin ko siya,
at uusisain, at hahatulan; at kapag hindi ko nakitang nakamtan niya ang tunay na kabutihan, ilalahad ko sa
kanya at pangangaralan ko siya na ang tiyagang dapat ibuhos sa mahalaga ay kanyang inaaksaya sa
kabuktutan, at katamaran ang kanyang inihaharap sa mahalaga. Ganito ang gagawin ko sa lahat ng aking
matatagpuan, bata man o matanda, dayuhan man o mamamayan; lalo na sa mamamayan. at lalong lapit sa
aking kamag-anakan. Ito ang utos ng diyos, at alamin ninyong mabuti -at ako, batid ko - na walang
kabutihang sumapit sa bayan na hihigit pa sa aking paglilingkod sa diyos. Wala akong ibang ginagawa sa
aking paglilibot-libot, kundi hikayatin kayong mga bata at matatanda, na huwag pag-aabalahan ang
katawan, huwag gawing unang layon ang kuwarta; walang dapat makadaig sa maningas na pagtitiyaga
alang alang sa tunay na sarili, nang ito'y maging tunay na magaling. Ang sabi ko: 'Hindi sa kuwarta
nanggagaling ang tunay na kabutihan; bagkus mula sa tunay na kabutihan, ang kuwarta, at lahat ng iba, ay
nagiging mabuti sa tao, sa buhay pansarili at pangbayan.' Kung sa ganyang salita ay nakatuturo ako ng
masasamang ugali sa kabataan, anong sama, talaga! Kung may nagsasabi na iba kaysa riyan ang aking
sinasalita, wala siyang sinasabi. Dahil rito," sasabihin ko, "kapuwa mamamayan, sundan man ninyo si
Anytos o hindi, pakawalain man ninyo ako o hindi, hindi ko babaguhin ang aking mga ginagawa, kahit na
paulit-ulit pa akong mamamatay."

Huwag kayong manggugulo, kapuwa mamamayan; ngunit alalahanin at tupdin ang aking unang
hiniling sa inyo: huwag gumawa ng gulo de hil sa aking salita, kundi makinig; sapagkat, sa aking
paningin, makikinabang ang mga makikinig. Meron akong pag-uusapang tao at ilan pang mga bagay, at
baka kayo magsisisigaw; ngunit huwag sana ninyong gagawin ito. Alamin niyong mabuti, kung hahatulan
ninyo ako. ng Bamatayan, habang umiiral ang kalagayan na nailahad ko na sa inyo, hindi ako ang lalong
masasaktan, kundi kayo mismo. Kung ako - walang makasasakit sa akin, hindi si Meletos o si Anytos -
wala silang kakayahan --naniniwala ako na labag sa inayos ng dryos na ang isang lalong mabuting to ay
masaktan ng lalong masamang tao. Marahil nama'y mapapatay ninyo ako o mapapatapon sa libang bayan
o matatanggalan ng pagka-mamamayan. Meron naman yatang mag-aakala, na ang mga ito ay
napakalubhang pananakit sa akin. Ako naman hindi naniniwala. Lalong malubha ang pananakit na
ginagawa sa sarili ng gumaganap sa kanyang ginaganap;ang pagtiyagaang patayin, sa paraang hindi
makatarungan, ang isang tao. Ngayon, kapuwa mamamayan, marahil may nag-aakala na totoong marami
pa ang kulang sa aking pagtatanggol sa aking sarili, ngunit alang alang sa inyong sarili, huwag kayong
magkakasala laban sa biyaya ng diyos sa inyo, sa paghahatol laban sa akin. Sapagkat kung papatayin
ninyo ako, mahihirapan kayong makahanap agad ng isang kagaya ko. Kung makasasalita tayo ng
katatawanan, ako ay kinabit ng diyos sa bayan; maihahambing ang bayan sa isang kabayong malaki,
isinilang sa isang tanyag na lipi, ngunit, dala ng dambuhalang bigat, ay inaalimpungatan at kailangang
gisingin ng isang bangaw-iyan ang gawaing itinalaga ng diyos sa akin: na gisingin ko at hikayatin at
pangaralan ang bawat isa; walang hinto't maghapon, dumadapo ako sa lahat ng dako. Hindi madaling
magkaroon ng ibang gagawa niyan, mga mamamayan, ngunit, kung naniniwala kayo sa akin, hindi ninyo
ako papatayin. Maari naman na parang taong inaantok na makakatulog na, kapag ginising . . . baka sa
isang sampal ay durugin nino ang bangaw. Sundan si Anytos, walang ano-ano'y patayin ako, at matulog
ng mahimbing sa nalalabi sa inyong buhay-maliban lamang kung magsugo ang diyos ng ibang
mahihinayang sa inyo. Nagkataon na ako ay iyong uring taong maaring ibigay ng diyos sa bayan. Masusi
ninyong pagmasdan: hindi nagpapakita ng makataong anyo ang aking pagiging pabaya sa aking mga ari-
arian, ang hindi pag-aasikaso sa sariling sambahayan, lalo na ngayong matanda na ako. Kayo ang palagi
kong inaasikaso, nilalapitan ang bawat isa; para akong ama, o kaya, nakatatandang kapatid, nagbibigay
loob na pagtiyagaan ninyo ang tunay na kabutihan. Kung aking napakinabangan ito at ako'y sinu-
suweldohan habang nagbibigay ng ganitong payo, may dahilang-tao ang aking ginagawa. Ngunit ngayon
kayo mismo ang nakakakita: ginanap ng mga nanghabla sa akin ang lahat ng mga ibang uri ng
kawalanghiyaan; ngunit, sa bagay na ito, hindi nila naratnan ang ubod ng kawalanghiyaan: walang
nagdala ng saksi na ako kailanma'y nagsingil o humingi ng ilan mang suweldo. Sa aking paningin, ang
karukhaan ko'y sapat nang saksi na totoo ang aking sinasabi.

Baka parang katuwa na ako'y lumilibot na sumasangguni". nakikihimasok sa pribado, ngunit


hindi ako nangangahas dumulog sa inyong publikong kapulungan upang sanggunian ang bayan. Ang
dahilan nito ay madalas na ninyong narinig sa aking paulit-ulit na ka-listorya.
Meron isang makadiyos at makadaimon na sumasapit sa akin- may makakomedyang larawan nito sa ulat
na panghabla ni Meletos. Nagpadarama ito sa akin mula noong bata pa ako. May dumarating sa akin na
isang uring tinig. Kapag nagpapadinig, palaging pinapaiwasan sa akin ang binabalak ko nang gawin,
ngunit hindi nagpapayo kailan man ukol sa dapat ga win. Ito ang nagbawal sa akin na mamulitika at
naniniwala ako na tamang tama ang pagbabawal na ito. Alam ninyo, kapuwa mamamayan na kung
pinagtiyagaan ko noong araw ang pulitika, noong araw pa sana ako winasak, at hindi sana ito nakatulong
ni sa inyo ni sa aking sarili. At huwag sana kayong malinis sa sasabihin kong totoo: walang to na
makaliligtas sa inyo o sa anomang kapulungan kundi isang taong tapat na pinagsisikapang kalabanin at
hadlangan ang pagganap sa bayan ng maraming taliwas sa batas at hindi makatarungan. Ang talagang
lumalaban alang alang sa. katarungan, kung mananatili siyang ligtas, kahit na sa maikling panahon, ay
dapat gumalaw sa pribado, ngunit hindi sa publiko.

Meron akong mahahalagang katibayan ukol dito: katibayang hindi salita ngunit - ang ginagalang
ninyo - gawa. Dinggin ninyo ang mga nangyari sa akin nang makita ninyo, na hindi ako sumuko ni sa
isang tao, dahil sa takot sa kamatayan, kapag katarungan ang nakasangkot; at hindi ako umuurong kahit
na ako'y mawasak. Ang iistoryahin ko sa inyo ay parang nakakabagot na pagbibida, ngunit totoo. Hindi
ako humawak ng kapangyarihan sa bayan kailan man, kapuwa mamamayan, ngunit tinutupad ko kapag
nahulog sa akin na maglingkod sa kapulungan. Nagkataon na nahulog sa aming tribung Antiochis na
maging taga-sangguni, noong panahon ng sampung heneral na hindi sumagip sa mga nasawi sa labanang
dagat. Pinasya ninyong hukuman ang sampu na sabay sabay. Labag sa batas. Sa mga huling panahon, pati
kayo'y sumang-ayon na labag nga. Ngunit noon, sa lahat ng mga taga-sangguni, ako lamang ang
sumalungat sa inyo: na huwag kayong gagawa ng labag sa batas; at salungat din sa inyo ang aking
ibinoto. Handa na ang mga mananalumpati na mag.-akyat ng sumbong upang dakpin ako; inuutusan
ninyo sila, nagsisisigawan kayo. Nakita ko na dapat akong pumanig sa batas at sa katarungan, kahit na
mapanganib ito, kaysa sumama sa inyong pagpapasya na hindi makatarungan, dala ng takot mabilanggo o
mapatay. Nangyari ito noong umiiral ang demokrasya sa bayan. Noong panahon naman ng oligarkiya,
pinatawag ako ng tatlompu, at noong nakarating na ako sa mabilog na gusali, inutusan nila akong
pumaroon sa Salamis at dakpin si Leon na tagaroon upang siya'y mapatay. Maraming mga ganyang uring
gawain na kanilang iniuutos sa iba't ibang tao, sa pag-asa na ang bintang sa kanilang mga sala'y kakalat sa
madla. Malinaw kong ipinakita muli noon, hindi sa salita kundi sa gawa, na ang pag-aalala sa kamatayan
ay, kung makagagamit ako ng magaspang na salita, bale walang wala sa akin;, ang huwag umanap ng
anomang labag sa katarungan o sa banal, iyan ang palagi kong unintindi. Hindi 34a ankayan ng matinding
takot sa gobyernong yon, kahit na malakas sila at kayang gumanap ng hindi katarungan. Ngunit noong
lumabas kami sa mabilog na gusali, ang apat ay tumungo sa Salamis upang dakpin si Leon; ako nama' y
umuwi sa aking tahanan. Marahil pinatay na ako dahil dito kung hindi bumagsak ang gobyerno sa
madaling panahon. Ang mga ito ang magiging saksi ukol rito.
Inaakala ba ninyo na mabubuhay ako hanggang sa ganitong edad kung pumasok ako sa pulitika
at, sa pagtupad sa nararapat gawin ng mabuting tao, ay pumanig ako sa mga makatarungan, at paulit-ulit
ko itong ginawa, sapagkat palaging kailangan? Hinding hindi, kapuwa mamamayan; kahit sino, hindi
tatagal. Ngunit nakita ninyo na ako' y ganyan sa buong buhay ko, kung sakali'y nasangkot ako sa
anomang bagay na pulitika. At, sa pribado, ganyan pa rin: na sa pananatiling tapat sa katarungan, hindi ko
isusuko kaninoman ang kahit katiting. Wala akong pinagbigyan. Hindi ko rin pinagbigyan ang mga
sinasabi ng mga naninirang puri na alagad ko raw. Ako, hindi ako naging guro ninoman. Kung may
nananabik na pakinggan ako sa aking pagtutupad sa itinalaga sa akin, hindi ako nagmamaramot: hindi
magsasalita kapag may matatanggap na kuwarta at, kapag walang matatanggap, huwag; kundi pareho sa
mayaman at manggagawa: handa akong magtanong. At handa rin kapag may nais makinig, kung baka
sakali meron akong masasabi. Mamunga man ito ng mabuti o hindi, hindi katarungang ituring na ako ang
dahilan. Wala akong inalok na karunungan kailanman kaninoman, wala akong tinuro na kaalaman. Kang
may nagsasabi na sa anomang panaho'y tinuruan ko siya ng pribado o meron siyang narinig na hindi
narinig ng mga iba, alamin niyo na hindi totoo ang kanyang salita.

Ngunit bakit ba maraming nagagalak sa akin at mahabang panahon na nakikisama sa akin?


Pakinggan ninyo, kapuwa mamamayan, buong katotohanan ang sinasabi ko sa inyo. Nasisiyahan silang
makinig sa pag-uusisa sa mga nag-aakalang marunong sila, bagkus pala' y hindi. Hindi ito nakakabagot.
Nasabi ko na, na itinakda ng diyos na gawin ko ito: sa salita ng kanyang tinig, sa mga pagpapakita sa
panaginip, sa lahat ng mga patakaran, na pinagdaraanan ng anomang pagtatalaga ng diyos, na meron
dapat gawin. Lahat nito, kapuwa mamamayan, ay totoo at madaling tiyakin. Meron bang mga kabataan na
tinuruan ko o naturuan ko ng masamang ugali? Ngayong tumanda na ang ilan sa kanila, kailangan na sila
ay matauhan na meron akong binalak na nakasama sa kanila noong sila' y bata pa, kaya't mag-akyat sila
ngayon ng paratang at maghiganti. Kung ayaw naman nila, ang kanilang mga kasama sa bahay, mga ama
at kapatid, at ang mga iba pang kadugo: kung nabata ng masama ang kanilang mga kabahay dahil sa akin,
alalahanin nila ngayon at maghiganti. Dumito ang marami sa kanila at nakikita ko ngayon sa lahat ng
dako. Una si Kriton dito, kababata ko at kapurok, ama ni Kristoboulos dito. Eto naman si Lysanias na
taga. o Sphettos, ama ni Aischines dito. Ito pa si Antiphon na taga-Kephisios, ama ni Epigenes. Meron
pang mga iba rito; mga kapatid nila na matagal na nakisama sa akin. Si Nikostratos, anak ni Theozotidos,
kapatid ni Theodotos - pumanaw na si Theodotos , kaya't hindi niya mahahadlangan ang kanyang kuya.
Dito si Paralios, anak ni Demodokos; ang kapatid niya'y si Theages. Ito naman si Adeimantos na anak ni
Ariston; ito ang kapatid niyang si Platon. Si Aiantodoros; ang kapatid niya rito, si Apollodoros. At
marami pang iba ang mababanggit ko sa inyo. Dapat sanang sa kanyang talumpati' y pinanawagan ni
Meletos ang ilan sa kanila, bilang mga saksi. Kung sakali nakaligtaan niya, panawagan niya ngayon -
pinahihintulot ko -at magsalita siya kung meron siyang maisasaksi laban sa akin. Ngunit kabaligtaran ang
matutuklasan ninyo, mga mamamayan. Handa silang lahat na pumanig sa akin: ako, na nagtuturo ng
masasamang ugali, gumaganap ng masama sa kanilang mga kadugo -ayon kina Meletos at Anytos. Ang
mismong mga naturuan ng masasamang ugali, marahil may dahilan upang pumanig sa akin. Ngunit ang
mga hindi naturuan ng masasamang ugali, matitino nang lalaki, kadugo ng mga ito . . . ano pa kaya ang
dahilan na sila'y pumapanig sa akin kundi katwiran at katarungan, sapagkat alam nilang nanlilinlang si
Meletos at totoo ang aking salita?

Sapat na, mga mamamayan. lyong mga iba pang masasabi sa pagtanggol sa aking panig ay hawig
dito at halus ganito na rin. Baka may tao dito na maiinis sa akin sapagkat naaalala niya na noong siya'y
hinabla sa isang kaso na hindi kasing bigat nito ang panganib, siya'y namanhik at nagmakaawa sa mga
hukom, umagos ang luha, dala dala ang mga anak nang lalo siyang kaawaan, mga kamag-anak, maraming
kaibigan. Hindi ako gagawa ng ganito, kahit na ang panganib na harap ko ay itinuturing na sukdulan ng
panganib. Baka may tao na sa pag-isip-isip nito ay magmatigas loob sa akin, at magalit . . . at magbotong
nagagalit. Kung meron sa inyo na. nakadarama ng ganito- hindi ko puna kung mayroon -sa palagay ko'y
nararapat na kausapin ko siya ng ganito: "Ako, dakilang ginoo, meron din mga kamag-anak sa ilang pook
sa daigdig. Sapagkat hindi naman ako iyong sinabi ni Homeros na umusbong 'sa punong kahoy o sa bato'.
Ako'y pinatubo ng mga tao. Meron akong mga kadugo at mga anak, kapuwa mamamayan, tatlo: isang
magbabagong tao na, bata pa ang dalawa. Ngunit hindi ko paaakyatin dito ni isa sa kanila upang ako'y
makapagmakaawa sa inyo na ipawalang sala ako." Bakit ako hindi gagawa ng ganito? Hindi
nagmamatigas ng ulo, kapuwa mamamayan, hindi nagwawalang galang sa inyo. Ang usapan ngayon ay
hindi kung lakas loob kong hinaharap ang kamatayan o hindi. Ngunit alang alang sa dangal ko at ninyo at
ng buong bayan natin, hindi maganda, sa palagay ko, na ako'y magmakaawa. Matanda na ako at meron
akong pangalan - maaring tunay, maaring huwad-ngunit laganap na ang pag-aakala na si Sokrates ay iba
sa karamihang tao. lyong mga inaakala sa inyo na tanyag sa karunungan o pagkalalaki o anomang
makataong galing: kung inihabla sila at nagmakaawa: kahiya-hiya. Madalas akong makakita ng taong
may anyong tanyag, ngunit kataka-taka ang kilus kapag nasa hukuman. Para silang naniniwala na
nakamumuhi ang kanilang daranasin kapag sila'y mamamatay. Hindi na yata sila mamamatay kapag hindi
ninyo hinatulan ng kamatayan. Ang ikinikuwintas nilang anting-anting sa bayan ay hiya. Mapupuna ng
mga dumadalaw na dayuhan, na ang mga taga-Athenai na inaakalang tanyag sa tunay na kabutihan at
pinipili ng kanilang mga kababayan na humawak ng kapangyarihan at ng ibang mararangal na tungkulin
ay hindi pala iba sa babae. Dapat huwag gumawa ng ganito ang mga tanyag sa inyo, kapuwa
mamamayan, at, kung gumawa kami, huwag ninyong pahihintulutan. Ngunit ipakita ninyo na lalo kayong
handa na magboto ng parusa sa mga nag-aakyat dito ng mga pala-iyak na drama, at ginagawang
katatawanan ang bayan, kaysa sa mga tahimik ang kilus.

Sapat na iyan ukol sa puri. Sa aking paningin, hindi makatarungang mamanhik sa hukom at
magmakaawa upang mapawalang. sala. Ang kailangan ay gisingin ang paningin at magbigay ng dahilan.
Sapagkat hindi umuupo ang hukom upang magbigay-lugod sa mga hinuhukuman, kundi upang hatulan
sila. Hindi niya sinumpang pumanig sa mga nagbibigay-aliw sa kanya, kundi magdulot ng katarungan
ayon sa mga batas. Hindi nararapat na sanayin namin kayong manumpa na walang katotohanan at dapat
huwag kayong pasanay. Sapagkat sa ganyang gawain, hindi natin ginagalang ang makadiyos. Kaya't
huwag ninyo akong pipilitin, kapuwa mamamayan, na alang alang sa inyo'y gumawa ako ng hindi ko
pinaniniwalaan na maganda o makatarungan o banal. Lalo na ngayon, sa ngalan ni Zeus, na hinahabol ako
ng paratang ni Meletos na hindi ko raw ginagalang ang makadiyos. Sapagkat napakalinaw na kapag
hinikayat ko kayo at, kung sa aking mga pagmamakaawa'y nilupig ko ang inyong panunumpa, malinaw
na tinuturuan ko kayong maniwala na walang diyos. At sa aking pagtatanggol laban sa paratang, tuluyan
kong pinaparatangan ang aking sarili na hindi ko kinikilala ang mga diyos. Ngunit hindi ganyan, kapuwa
mamamayan, sapagkat sa aking pagkilala sa diyos, ay nahahalata na hindi kumikilala ang mga nagbintang
sa akin. Ipinagkakatiwala ko sa inyo at sa diyos ang paghatol ukol sa akin: kung ano ang magiging
pinakagaling na hinaharap, alang alang sa akin at, ganoon rin, sa inyo.

Dito ibinoto ng mga hukom ang hatol ukol kay Sokrates. Ang bawat mamamayan ng Athenai ay
may turno upang maging hukom. Sa kaso gaya ng kay Sokrates, 500 ang naghuhukom. Ang
naging hatol ay "may sala"

Sasabihin ni Sokrates na kung lumipat lamang ang 30 boto sa kabilang panig, nakaligtas
na sana siya. Kaya't ang boto ay "may sala": 280; at "walang sala": 220. Kung lumipat sana ang
30 sa "walang sala", magiging tabla sa 250. Sa batas ng Athenai, ang tabla ay katumbas ng
"walang sala"
Meron din batas na kung hindi nakatamo ng isang ika-limang bahagi ng mga boto ang nanghabla,
meron siyang multa na 1000 drakma. Sabi ni Sokrates kay Meletos na kung nag-lisa lamang
siyang naghabla, meron sana siyang multa ngayon.

Ngayon na bumaba na ang hatol ng "may sala", magbibigay ang nanghabla ng mungkahi
ukol sa parusa. Magbibigay rin ng mungkahi ang hinatulan.
Hindi ako nabalisa sa nangyari, kapuwa mamamayan, na hinatulan ninyo ako ng "may sala".
Dahil sa mga maraming nagsama-sama sa aking isip, inaantabayanan ko na ang naging kinalabasan.
Kaya't lalo pa akong nabigla sa naging bilang ng mga boto sa bawat panig. Ang lamang na aking inaakala
ay hindi ganito kaliit, kundi malaking di hamak. Ngayon naman, nakikita natin na kung nahulog lamang
ang tatlumpung boto sa kabilang panig, nakaligtas na sana ako. Sa aking paningin nakaligtas pa rin ako
ngayon kay Meletos. At hindi lamang nakaligtas sa kanya, kundi malinaw na ngayon sa lahat, na kung
hindi sumama si Anytos at si Lykon sa paghabla sa akin, may utang sana siya ng isang libong drakma,
palibhasa' y hindi niya nakuha ang isang ikalimang bahagi ng mga boto.

Ang sabi ng lalaki, parusahan daw ako ng kamatayan. lyan ang kanya. Ano naman ang akin?
Anong parusa ang aking itataya, kapuwa mamamayan? Malinaw: iyong nararapat. Kaya't ano? Ano ang
dapat kong tisin o idulot? Hindi naman ako nabubuhay sa kaginhawahan. Ngunit wala akong pagbabahala
sa mga pinag-aabalahan ng marami: kuwarta at pamamalakad ng tahanan, mga ranggo sa militar,
pagdidiskurso sa kapulungan, mga kapisanang binuklod ng sumpa, mga pangkat sa pulitika. Naniniwala
ako na hindi ko maliligtas ang aking dangal kung ituturing kong mahalaga ang ganyang mga pag-aabala.
Kaya't hindi ko pinuntahan iyong walang maidudulot sa akin upang ako'y makatulong sa aking sarili o sa
inyo. Pinuntahan ko ang bawat isa sa inyo upang dulutan siya ng pinakataimtim na tulong, gaya ng nasabi
ko na, at pinagtiyagaan kong hikayatin ang bawat isa: huwag muna niyang pag-aabalahan ang pag-aari
kundi ang sarili: pagsikapan niyang humantong sa ubod ng kabutihan at katinuhan. Ganoon din sa bayan:
huwag pag-abalahan ang kayamanan ng bayan, kundi ang mismong bayan. At ganyan sa lahat ng mga
linalang, ayon sa nababagay sa bawat isa. . . . Sapagkat ganyan ako, ano ang dapat ipagkaloob sa akin?
Isang mabuting bagay, kapuwa mamamayan, kung totoo na ang hatol ay dapat ibagay sa katotohanan.
Isang mabuting bagay na angkop na angkop sa akin. Ano ba ang naaangkop sa isang tong mahirap,
inyong taga-tangkilik, nangangailangan ng mahahabang panahon na walang ibang trabaho, kundi parating
manatiling handa na magbigay loob sa inyo? Hindi ba totoo, kapuwa mamamayan, na lalong bagay
pakanin sa sanggunian ang isang taong gaya ko? Di hamak na lalong bagay pakanin kaysa sa isang nanalo
sa Olimpiada, sa karera ng isang kabayo, o ng karo na dalawa ang kabayo, o na apat ang kabayo?
Ginagawa niya kayong parang maligaya; ako, talaga ko kayong pinaliligaya; hindi siya nagkukulang ng
pagkain; nangangailangan ako. Kaya't kung kailangang ipataw sa akin ang ayon sa katarungan, ipataw ito:
pakanin sa sanggunian.

Baka isipin ninyo na nagmamapangahas ako ngayon; gaya kanina noong pinag-uusapan ko ang
pamamanhik at pagmamakaawa. Hindi ganoon, kapuwa mamamayan, ngunit lalong mahalaga pa.
Naniniwala ako na wala akong sadyang paglabag sa katarungan at walang to na sadya kong pinatiis;
ngunit hindi kayo makapaniwala. Sandali lamang tayong nag-uusapan. Kung meron sana kayong batas,
gaya ng alam kong umiiral sa ibang mga tao, pa huwag maghatol sa kamatayan sa loob ng isang araw
lamang kundi sa maraming araw, naipakita ko sana sa inyo. Ngayon hindi basta basta't matatanggal sa
madaling panahon ang mabibigat na paninirang puri. Sapagkat naniniwala ako na wala akong pinatiis at
hindi ako lumabag sa katarungan, taimtim kong iwasan maging hindi makatarungan sa aking sarili. Ano
ba ang katatakutan ko? Na baka ipataw sa akin ang parusang hinihingi ni Meletos? Nasabi ko nang hindi
ko alam kung mabuti ito o masama. Sa lugar nito pipiliin ko ba, bilang kapalit, ang alam ko na talagang
masama? Halimbawa, mabilanggo? Bakit ako tatahan sa bilangguan upang maging alipin sa mga may
hawak ngayon ng kapangyarihan, ang labing isa? Humingi ng multa at magpabihag hangga't mabayaran?
Ngunit mauulit ko ang kasasabi ko lamang, sapagkat wala akong kuwartang maibabayad. Ang parusa ng
pagkatapon sa ibang bayan? Maaring ito ang inyong ipapataw sa akin. Kailangang malabis ang aking pag-
ibig sa hininga, kapuwa mamamayan, upang ako'y mawalan ng isip at hindi ko kayang matauhan na kayo,
palibhasa'y kababayan, hindi pa kayo nakatiis sa aking mahahabang panayam at pagsasalita; ngunit lalong
bumibigat sa inyo at namumunga ng sama ng loob, kaya't humahanap kayo ng paraan upang matanggal
kayo sa akin. At iyong mga tagaibang-bayan, magaang loob ba nilang titiisin ako? Tahasang hindi,
kapuwa mamamayan. Maganda kaya ang buhay ng isang kasingtanda ko, na pinapasa-pasa ng mga
naghahalilihang lungsod; tatahan, at pagkatapos, tutulak? Alam ninyong mabuti, na kahit na saan ako
mapunta, magsasalita ako't pakikinggan ng kabataan; ganyan ang nangyayari hangga ngayon. Kung hindi
ko tatanggapin ang mga bata, sila ang maghihikayat sa matatanda na paalsin ako. Kung tatanggapin ko
naman ang mga bata, kanilang mga magulang at mga kamag-anak ang magpapaalis sa akin, upang iligtas
sila sa akin.

Meron yatang magsasabi: "Kung ika'y magwawalang imik, Sokrates, at mabubuhay na lamang sa
kapayapaan, hindi magiging ganyan ang buhay mo kapag ikaw ay aalis sa amin." Ito ang pinakahirap sa
lahat na paliwanagin sa ilan sa inyo. Kung sasabihin ko na ang tumahimik ay paglalapastangan sa diyos,
kaya't hindi maaring magwalang imik, hindi kayo maniniwala at sasabihin ninyong nagkukunwari ako.
Kung sasabihin ko uli na pinadakilang biyaya sa tao na sa balang araw nakakasalita siya ukol sa tunay na
kabutihan at ukol sa mga narinig ninyong pinag-uusapan ko, habang sinasaliksik ko ang aking sarili at
ang aking kapuwa, palibhasa'y ang buhay na hindi sinasaliksik ay hindi buhay tao; lalo ninyo akong hindi
paniniwalaan. Na talagang totoo ang sinasabi ko, kapuwa mamamayan, ay hindi basta basta't
mapaniniwalaan. At hindi ko rin naman nakaugaliang maniwala na ang nararapat idulot sa akin ay
anomang masama. Kung meron naman akong kuwarta, magbabayad ako ng multa, lahat ng kuwartang
kaya kong bayarin; sapagkat hindi ito makakasakit sa akin. Ngayon, wala naman akong kuwarta, maliban
lamang kung ibig ninyong magmulta ako ayon sa aking kakayahan. Marahil kaya kong magbayad ng
isang pilak na mna. Iyan nga ang aking inaalok.

Ngunit si Platon dito, kapuwa mamamayan, at si Kriton at si Kritoboulos at si Apollodoros . . .


sabi nila mag-alok daw ako ng multa ng tatlumpung mna, sila daw ang sasagot. Kaya't iyan ang aking
inaalok; ang sasagot alang alang sa pilak ay sila: mga taong mapagkakatiwalaan.

Dito ginanap ang pagboto ukol sa parusa.


Nagwagi ang mungkahi ni Meletos.

Kakausapin muna ni Sokrates ang mga humatol ng kamatayan sa kanya; pagkatapos,


makikipagkwentuhan siya sa mga pumanig sa kanya. Ang mga ito ang itinuturing niyang tunay
na hukom.
Sa kanyang pakikipagkwentuhan sa mga hukom, ilang beses niyang babanggitin ang
"mga sinasabi", sa kanyang paglalahad na umaasa siyang buhay pa ang mga yumao. Tinutukoy
yata dito ang mga salita na binibigkas, "sinasabi", sa mga seremonyas ng mga relihiyosong
"mysterion".

Dahil sa hindi mahabang panagon, kapuwa mamamayan, nakamtan ninyo ang bintang na
ipapataw sa inyo ng mga taong nais gawing kahihiyan ang bayan: pinatay ninyo si Sokrates, isang taong
marunong. sapagkat sinasabi nilang marunong ako kahit na hindi, itong mga nais kayong bigyan ng
masamang pangalan. Kung naghintay sana kayo ng kaunting panahon kusa nang sasapit ito sa inyo.
Tingnan ninyo. Napakatanda ko na ngayon. Ang layo na ng nilakbay ng buhay, darating na jamang sa
kamatayan. Sinasabi ko iyon, hindi sa lahat, kundi lamang sa mga humatol ng kamatayan sa akin. At sila
pa rin ang aking kinakausap ngayon. Marabil inaakala ninyo, kapuwa mamamayan, na ako'y nahatulan
sapagkat kinapusan ako ng salita na makahihika yat sa inyo; para bagang inaakala kong dapat akong ubos
lakas sa pagsisikap at pananalita, nang makaligtas ako sa parusa. Malayo diyan ang totoo. Hinatulan nga
ako at kinapusan nga ako, ngunit hindi ng salita, kundi ng dahas at kawalang. hiyaan, at sapagkat hindi ko
kaloobang magbitiw ng salita na matamis sa inyong pandinig. Gusto ninyong umiiyak ako at dumaraing,
at gawin at sabihin ang maraming hindi karapatdapat sa akin, gaya ng nasabi ko na, ngunit ganyan ang
inyong nakaugaliang dinggin sa mga ibang tao. Ngunit hindi ko noon inaakala na, sapagkat ako'y nasa
panganib, kailangan na ako' y gumawa ng hindi nararapat sa isang taong malaya. Ngayon hindi ako
nagsisisi dahil sa ginawa kong pagtanggol sa sarili. Pinipili ko pang mamatay pagkatapos ng ganoong
uring pagtanggol, kaysa mabuhay sa pagtanggol na hilig ninyo. Hindi nararapat na sa hukuman o sa
digmaani, uubusin ko o ng sinomang tao, ang lahat ng mga pamamaraan upang ubos lakas na matakasan
ang kamatayan. Sapagkat sa labanan, hindi kaila na madalas makakatakas ang to sa kamatayan, kapag
binitiwan niya ang mga sandata at pinagtiyagaan ang pagmamakaawa sa mga humahabol. At sari sari ang
mga pamamaraan sa bawat uri ng panganib, upang matakasan ang kamatayan, kung mapangahas ang tao
na gawin o sabihin ang kahit ano. Ngunit hindi yata ito ang mahirap, mga mamamayan, takasan ang
kamatayan; kundi di hamak na lalong mahirap ang kasamaan. Sapagkat ang takbo ng kasamaan ay
mabilis pa sa kamatayan. Ngayon ako, yayamang mabagal at matanda, ay nahuli ng lalong mabagal; ang
mga nagparatang naman sa akin, bilang magagaling at matatalas, ay nahuli ng lalong mabilis, ng
kasamaan. Ngayo'y lalakad na ako. Dahil sa inyong hatol, dala dala ko ang parusa ng kamatayan. Ang
mga ito, hinatulan ng katotohanan: na sila' y masamang loob at walang pagtingin sa katarungan. At ako'y
mananatiling tapat sa aking paninindigan, at sila rin. Talaga yatang ganyan at marahil, mabuti pa.

Pag-usapan natin ang susunod na paksa: nais kong hulaan ang hinaharap at bigkasin ito, mga
humatol laban sa akin. Sapagkat ako'y nasa. panahon na lalong makahuhula ang tao: kapag malapit nang
mamatay. Sapagkat sinasabi ko sa inyo, mga taong pumatay sa akin, iral ang higanti laban sa inyo, sa
sandaling ako'y mamatay. Higanting lubos na mahirap, sa. ngalan ni Zeus! kaysa sa inyong pagkapatay sa
akin. Ginawa ninyo ito ngayon sa pag-aakalang makalilitas kayo sa pagbibigay ng masusing ulat ukol sa
inyong buhay. Sinasabi ko sa inyo na may lilitaw na mga mang-uusisa laban sa inyo, iyong mga
pinipigilan ko ngayon, na di n'yo pansin. Magiging mas mabagsik sila, palibhasa'y bata; at lalo kayong
mababagabag. Kung inaakala ninyo na dahil sa inyong pagkapatay sa akin ay tatahimik ang mga tao at
hindi na pagpipintasan ang sinoman sa inyo sapagkat hindi tuwid ang inyong pamumuhay, hindi tama ang
inyong pangingilatis. Sapagkat hindi kayo makaliligtas sa pag-uusisa, talagang hindi maari, at. hindi
nararapat; ngunit ang tunay na kaligtasan ay kay ganda, kay dali: huwag maging sagabal sa kapuwa,
kundi ihanda siya nang siya'y makarating sa buong kabutihang abot ng kanyang kaya. Sa pagbubunyag ng
mga hulang ito sa inyo, mga bumoto laban sa akin, tatahan ako.

Sa mga bumoto alang alang sa akin, lalong nakaaaliw makiusap. Lalo na't ang mga may tungkulin
ay abala pa sa maraming ibang bagay, at hindi pa ako paparoon sa lugar na aking kamamatayan. Ngunit,
mga mamamayan, kasamahin muna ninyo ako sandali. Hindi tayo mapagbabawalan na magkwentohan sa
isa’'t isa, habang maari pa. Sa inyo, bilang mga kaibigan, kalooban kong ilahad ang sumapit ngayon sa
akin. at ang kahulugan nito. Sapagkat may sumapit sa akin, mga hukom . . . at katuwiran lamang na
tawagin ko kayong hukom . . . may nangyaring katakataka sa akin. Itong sa karaniwa'y kasama kong
tinig-diyos, itong maka-daimon, sa nakaraang panahon ay palaging laganap at maulit at pati na rin sa
maliliit na bagay ay sumasalungat sa akin kung meron akong gagawin na hindi matuwid. Ngayon, ang
nangyari sa akin - at kayo mismo nakikita ninyo-aakalain at itututring ng tao na tunay na ubod ng
kasamaan. Ngunit hindi sumalungat sa akin ang tinig ng diyos noong lumabas ako sa bahay kaninang
madaling araw; at hindi pa rin noong umakyat ako rito sa hukuman; at hindi, sa aking pagbigkas ng
anomang salita. Sa mga ibang pananalita, kung makailan akong pinigilan sa pag-itan ng mga pagbigkas.
Ngunit ngayon, sa buong pangyayaring ito, hindi sumalungat sa akin sa anomang gawa o salita. Anong
ituturing kong dahilan? Sasabihin ko sa inyo: itinataya ko na ang nangyari sa akin ngayong araw na ito ay
mabuti, at hindi maaring tuwid ang ating pag-uunawa, kapag inaakala natin na masama ang kamatayan.
Ito naging malaking katibayan sa akin; sapagkat hindi maaring huwag sumalungat sa akin iyong palagi
kong kasamang hudyat, kung hindi dahil sa mabuti iyong aking gagawin.

Suriin natin dito ang matibay na pag-asa na talaga ngang mabuti. May dalawang paningin ukol sa
kamatayan. Iyong isa: wala raw meron, walang pagmamalay, walang wala iyong namatay na. lyong isa
naman, ayon sa mga sinasabi, may nagaganap daw na pagbabago at ang tunay na sarili ay lilipat raw mula
dito sa ibang lugar. Kung walang malay tao sa kamatayan, kundi parang tulog kapag mahimbing at
walang nakikitang panaginip ang tao, kahanga-hangang pakinabang ang kamatayan. Kung kukunin ng
isang tao ang isang gabi na mahimbing siya magdamag at wala siyang nakitang panaginip, at kung
kailangan niyang ihambing sa gabing ito ang mga ibang gabi at araw ng kanyang buhay, at pagkatapos ng
masusing pagmamasid, sabihin kung ilang araw at gabi ang naranasan niya sa kanyang buhay na lalong
mabuti at maginhawa kaysa sa gabing ito; sa palagay ko -karaniwang tao man siya o kahit na siya ang
dakilang hari-ang matutuklasan niya ay mabibilang sa isang sandali, madalang kung ihahambing sa
kabuoan ng kanyang mga araw at gabi. Kung ganyan ang kamatayan, ang sasabihin ko ay: pakinabang;
sapagkat lahat ng panahon ng kamatayan ay mararanasan lamang na parang isang gabi. Kung ang
kamatayan naman ay paglalakbay sa ibang lugar at totoo iyong mga sinasabi, na naroon ang lahat ng mga
namatay, anong kabutihan ang makadadaig dito, mga hukom? Kapag nakarating na ang tao sa Haides,
nakaligtas na siya sa mga nagpapanggap na hukom at mahahanapan niya ang mga tunay na hukom na, ika
nila, naghuhukom doon: sina Minos at Rhadamantos at Aiakos at Triptolemos at ibang mga lahing diyos
na naging makatarungan sa kanilang buhay; papaanong magiging masama ang paglalakbay doon? At
makitagpo kina Orphaios at Mousaios at Hesiodos at Homeros: ano ang ituturing natin na halaga nito?
Ako'y handang paulit-ulit na mamatay kung totoo ito. Marahil hahangaan ko ang pag-uusap-usap doon,
kapag makipagtagpo kami nina Palamedes, at Aias na anak ni Telamon, at iyong mga ibang sinaunang
namatay, dahil sa hatol na labag sa katarungan; maghahambingan kami ng karanasan. Sa palagay ko hindi
ito makakabagot. At ang magaling sa lahat: usisain ang mga tagaroon at saliksikin ang uri ng kanilang
pamumuhay. Sino sa kanila ang talagang marunong? Sino ang nag-aakalang marunong siya, bagkus
hindi? Ano ang handang tisin ng to upang mapagtanong-tanongan niya iyong namuno sa malaking hukbo
sa Troia, si Odysseus, o si Sisyphos at ang mga ibang hindi mabilang, mga lalaki at mga babae. Kausapin
at kasamahin at saliksikin sila .. . hindi ba't iyan ang ubod ng ligaya? Tiyak na doo'y hindi nila papatayin
ang mapagtanong. At kung nasabi na ang masasabi, lalong maligaya ang mga nandodoon kaysa sa mga
nandidito, sapagkat tiyak na sa nalalabing panahon, hindi sila mamamatay, kung totoo iyong mga
sinasabi.

Ngunit kayo, mga hukom, kailangan na kayo ay magmagandang pag-asa sa harap ni kamatayan.
At isa lamang ang inyong unawain na totoo: na walang masamang sasapit sa mabuting tao, buhay man
siya o patay. Hindi walang malay ang mga diyos sa kanyang ginagawa. Itong nangyari sa akin ngayon,
hindi nanggaling sa pagkusang walang kalooban, bagkus malinaw sa akin ito: na mamatay ngayon at
pumayapa pagkatapos ng makarating sa katapusan ng paggawa ay lalong mabuti sa akin. Kaya' hindi ako
pinagbawalan ng hudyat, at hindi ako pulos nagagalit sa mga nagboto laban sa akin at sa mga nanghabla.
Ngunit hindi ito ang kanilang layon noong bumoto sila laban sa akin at noong nanghabla sila, kundi ibig
nilang manakit. Kaya't dapat silang pagsabihan. Ganyan din ang aking hinihingi sa kanila. lyong mga
anak ko, kapag magbibinata na sila, sila y inyong tulungan, mga mamamayan. lyong iyon din ang inyong
ikalungko! at ikabalisa sa kanila, gaya ng aking pagkalungkot at pagkabalisa sa inyo: kung makita ninyo
na kuwarta o kung anong kuwan ang kanilang pinag* aabalahan, kung parang inaakala nilang kung sino
sila, kahit na hindi mahalaga ang kanilang gawa: pangaralan ninyo, gaya ng aking pagpapangaral sa inyo,
sapagkat hindi nila pinagtitiyagaan ang nararapat, at inaakala nilang nararapat sa kanila ang dangal,
bagkus walang karapatdapat sa kanila. At kung gagawin ninyo ito, katarungan ang magiging karanasan ko
sa inyo: ako at mga anak ko. Ngunit ngayon ay oras nang maghiwalay: ako, mamamatay; kayo,
mabubuhay. Sino sa atin ang tumutungo sa mas mabuting gawain? Sa lahat ay agaw-dilim, maliban
lamang na . . . sa diyos, maliwanag.

Pagmumuni-muni

lyan ang tekstong ulat ni Platon. At sa aking maingat na pagkukuro, malapit iyan marahil sa orihinal na
sinabi ni Sokrates. Lumilita w sa teksto ang isang orihinal na katauhan at istilo ng pananalita. Tumatalab
ito sa mambabasa bilang tunay. Ngunit, sa wakas, kailangan kong aminin na ang dahilan kung bakit ako
sumasang-ayon sa mga nagkukuro na ang ulat ni Platon ay talagang ulat nga, ay: Napakatindi at buhay ng
dating sa akin ng teksto.

Siksik sa kayamanan at malinaw ang teksto, at hindi dapat palabuin sa pamamag-itan ng


mahahaba at masasalimuot na komentaryo. Ngunit, maaring magpasensya ang mambabasa kung sandali
kong ibabahagi ang ilang mga pagmumuni ukol sa "ironya" ni Sokrates.
Ironya ni Sokrates: angkop sa tao

Noong. nahatulan na ng "may sala" si Sokrates, at tinitimbang niya ang mga parusang maaring
imungkahi, isa sa mga mapagpipilian ay magpatapon sa ibang polis. Ngunit tinanggihan niya ito;
palibhasa, ika niya, ihahabla siya uli sa anomang polis siya pumadpad. Sapagkat magsasalita siya; may
mga makikinig. At palaging magkakaroon ng mga tao, na ituturing na paglabag sa batas ang kanyang mga
pananalita. Pagkatapos inisip niya: baka imungkahi nila na huwag siyang magsalita. Ang tugon niya ay
hindi iyan maari. At ngayon, isip niya, hindi mauunawaan ng marami ang kanyang pagdadahilan:

Kung sasabihin ko na ang tumahimik ay paglalapastangan sa diyos, kaya't hindi maaring


magwalang imik, hindi kayo maniniwala at sasabihin ninyong nagkukunwari ako.

Upang matikman natin sa Griyego ang lasa noong "nagkukunwari", magbigay tayo ng ibang
bersyon: "Hindi kayo maniniwala at itutukoy ninyo ako bilang isang eironeuomenos, isang gumagamit ng
etroneta" . . . Ang karaniwang tinutukoy ng katagang iyan ay isang taong may alam na nagkukunwaring
walang alam. Pero sa kontekstong ito, may mga nanlalait kay Sokrates sapagkat, anila, nagkukunwari
siyang alam niya na "tumahimik ay paglalapastangan sa
diyos" ngunit, hindi niya alam talaga.

Naging magulo yata ang katagang "eironeia". Alam na kunwari di alam? Di alam na kunwari
alam? At madalas gamitin ang katagang iyan ngayon, sa kahulugang: pagsabi ng oo sa pamamag-itan ng
hindi, at bise bersa.

Pero gagamitin pa rin natin ang ngalang "eironeia". Gaya ng mga heswita. Ang mga kumokontra
sa kanila ang nagbigay ng ngalang heswita. At inangkin nila. Ganoon din, kung pumapanig ang tao kay
Sokrates, maari niyang tanggapin ang ipinangalan ng mga nanlalait. Maari niyang angkinin ang ngalang
"eironeia" bilang pantukoy sa kung anoman ang ginagawa ni Sokrates.

Gagamitin natin ang pormang "ironya". At ang magiging kahulugan ng kataga ay: "atitud,
paningin, pagsisikap, paglalayon . .. ang buong pagtutungo ni Sokrates".

Kahit na sa una pa lamang pagbasa sa Apologia, makikita natin na ang ironya ni Sokrates ay
isang kabuoan, mayaman na kabuoan, na laging umiiral at nag-eebolusyon. Kaya't gagamitin natin ang
ngalang "ironya" bilang instrumentong palaging binubuhay ang pagtanong, inuudyukan
tayong humanap, ginigising tayo upang tayo'y tumingin, makinig, dumanas.

Ano ang ironya ni Sokrates? . . Ang pinaniniwalaan niyang tinig ng diyos ay nagbunyag na
walang taong lalong marunong kaysa kay Sokrates. Ngayon alam niyang wala siyang karunungan: ni
hamak, ni dakila. Hindi niya sinabi: Mali ang aking pag-aakala; tama ang diyos na ako'y marunong sa
lahat. Ni hindi rin niya sinabing: Tama ang akala ko; taliwas sa totoo ang tinig ng diyos.

Alam niyang matino ang isip niya at totoo ang salita ng diyos. Kung parang naghihidwaan ang.
dalawa, hindi ito dahilan upang hatulan ng pagkakamali iyong isa. Ito'y pagbunyag sa kanya na meron
siyang hindi pa alam. Ito'y dahilan upang lalong magmasid, lalong dumanas.

At ito ang napagmasdan at naranasan niya. Tanga nga siya; hindi siya marunong. Ang mga
kinausap at pinagtanungan niya ay tanga rin gaya niya. Wala rin silang karunungan, ni hamak, ni dakila.
Ngunit may kaibhan. Hindi nila talos na tanga sila. Mulat si Sokrates at inaangkin niya na siya’y tanga.
Itong pag-angkin na hindi siya marunong ay hindi galing sa dilim ng walang isip, kundi galing sa
liwanag ng pag-uunawa. Meron siyang Kakayahan tungo sa katotohanan upang makita niya na ang
kanyang pagkapit sa katotohanan ay katiting lamang. Pero sapat na itong pagkapit na ito upang matauhan
siya na itong katotohanang kinakapitan niya ay ubod ng dakila, hindi matatantiya sa pamamantayang
makatao. Kaya't ang totoo ay diyos. Sa liwanag ng diyos nauunawaan niya na siya'y tanga.

Ito ba ang ironya ni Sokrates? Ito na nga, pero meron pa. Namulat siya na ang katinuhang
umamin sa sariling katangahan ay katinuhang buka, Sa bawat to. Hindi ito espesyal na talino ni Sokrates,
kundi talino ng bawat tao. Pero katuwang pangyayaril Siya lamang yata ang gumagamit sa bukal na
talinong ito.

Kaya't ngayo'y patuloy pa rin ang kanyang pagtatanong. Hindi upang siya'y maliwanagan ukol sa
parang hidwaan. Alam na niya ngayon na hindi naghihidwaan ang sabi ng tinig ng diyos at ang pag-
aakala ng sarili niyang katinuhan. Ang tinutukoy ng tinig ng diyos ay na alam ni Sokrates, inaamin at
inaangkin ang kanyang katangahan. At ngayon dumiin sa kanya na hindi sinabi ng tinig ng diyos na si
Sokrates ang pinakamarunong sa lahat ng tao. Ang sinabi ay na walang taong mas marunong kay
Sokrates. At ang kahulugan: Ang sinomang tong gagamit sa kanyang katutubong talino't katinuhan ay
matatauhan at aangkinin na siya ay tanga; at sa gayo'y magpapakatao sa wakas. Hindi pinararangalan o
ginagawang huwaran si Sokrates. Hindi bilin ng diyos na: MagpakaSokrates kayo. Si Sokrates ay tong
tanga na pinagdaraanan ng panawagan ng diyos: Magpakatao kayo.

Ito ang dahilan kung bakit patuloy ang pagtatanong ni Sokrates. Natauhan siya na itinalaga sa
kanya ng diyos ang isang gawain: Tulungan ang kanyang kapuwa tao na magpakatao. Hindi sa pamamag-
itan ng isang proklamasyon para sa lahat: Alamin ninyo, tanga tayong lahat! Kundi isa-isa, sa taong
hinaharap niya. Tumutungo siya sa bukal na katauhan nitong taong it. Sa pagtatanong ni Sokrates,
gumagawa siya ng kapaligiran upang maging posible sa taong ito na siya'y makakita, makarinig at
maranasan na siya nga'y tanga, upang magpakatao siya sa wakas.

Sa ganya'y tinutulungan ni Sokrates ang bawat kaharap niya na gamitin ang kanyang likas na
katinuhan. Kung may hindi pagkakaunawaan at paninirang puri, ito'y sapagkat meron din katigasan ng
loob ang bawat tao. At may mga taong kakatig sa kanilang pagka-tigas-loob sa halip na ikabuhay ang
kanilang bukal na katinuhan.

Ito na ba ang ironya ni Sokarates? Tulungan an iba na mamulatan sa kanilang hindi pagkaalam?
At batahin ang katigasan ng mga nagbubulag-bulagan? Iyan rin, pero hindi iyan lamang. Sapagkat ang
taong mulat na siya'y tanga't hindi marunong, ay gumagalaw sa abot tanaw na maaring tubuan ng tunay
na karunungan. Kaunting karunungan, mapakumbaba't palaging naghahanap pa, hindi nabubuo habang
buhay; pero tunay at matibay na karunungan karunungang maari at dapat ikabuhay.

Ano itong karunungang ito? May kinalaman sa trabahong techne. Natuklasan ni Sokrates sa
kanyang pagtatanong, na ang mga nasa trabahong techne, habang pinag-uusapan nila ang kanilang techne,
ay talagang marunong. Ang techne ay karunungang gumagawa at paggawang marunong. Ang gumagawa
na basta basta't hindi nag-lisip ay hindi talagang gumagawa. Any nagtitiyaga naman sa dunong na purong
isip at walang gawa, ay hindi talagang nag-iisip.

Halimbawa, ang nasa techne ng paggawa ng sandalyas na yari sa balat, ng paghubog ng


istatuwang yari sa marmol, ng pagtayo ng bahay na yari sa kahoy . . ang bawat isang trabahante ay may
espesyal na pakikitungo sa balat o sa marmol o sa kahoy. Nagpapatubo at tumutubo sa mautak na galing
ng kamay. Kaya't kumikilus at humahantong ang trabaho sa sandalyas, istatuwa, bahay. At sinasabi natin:
Marunong siyang bumuo ng sandalyas; marunong maghubog ng istatuwa; marunong magkarpintero.

Hindi humihinto ang pagtubo ng dunong techne ng isang trabahante. Palagi siyang nag-iisip, at
ang isip niya'y di lamang sa utak kundi sa kamay at sa buong katawan. Palaging gumagawa ang kamay at
katawan, at ang gawain ay palaging mautak, maunawain. Walang sawa ang pagpapatubo sa gawang-
galing ng techne.

Pero may kulang sa mga trabahanteng nakapanayam ni Sokrates. Hindi sila mulat na, sa labas ng
kani-kanilang techne'y tanga pa rin sila.

Ngayon, may pinagsisikapang techne din si Sokrates. Sa bawat kalagayan ng buhay, tinatanong
niya: Ano ang gagawin dito ng isang mabuting tao? Ano ang panawagan ng katarungan ngayon?
Tinatanong niya ito habang pinagsisikapan niyang gawin ang gagawin ng mabuting tao, isagawa ang
katarurgan. At sa pagsasagawa ayon sa pinakamabuting alam niya, lalo niyang nauunawaan. At sapagkat
lalo niyang nauunawaan, lalo niyang nagagawa. Iyan ang techne ng pagpapakatao.

Hawig ito sa mga ibang techne. Kapag may taong gustong matutong gumawa ng sandalyas o
istatuwa o bahay, kailangan na sa simula ay mulat siya na, kung sandalyas o istatuwa o bahay ang usapan,
tangang ( tanga siya. Kung ayaw niyang magpakumbaba't aminin ang katangahang ito, aakalain niyang
alam na niya ang lahat. Hindi na siya matututo. Ngunit kapag nakapagpakumbaba na siya, lakas loob
niyang pagtitiyagaan ang trabaho. Hindi na niya hihintaying pagsabihan siya upang maging madali at*
otomatik na walang isip ang trabaho. Alam niya na hindi iyan posible. Alam niya na ang mahihintay
lamang ay ang isang pahiwatig dito, isang puna doon, saglit na pagpapakita kung papaano, o kaya' y saglit
na pagmumungkahi. Ngunit sa gitna ng lahat, siya'y nag-lisa. At natututo siyang gumanap sa gawang-
galing na siya lamang ang makagagawa.

May nakakatawag ng pansin. Maari nating hangaan ang gumagawa ng sandalayas o istatuwa o
bahay, habang wala tayong pakialam sa mismong paggawa. Ngunit ang techne ng pagpapakatao' y
pinapataw sa bawat tao. Basta't tao ka, techne mo ito. Kailangan mong isagawa ang 1yong katauhan.
Magsino: ayon sa kasabihan ni Pindaros: "Matuto ka't isagawa mo ang kung sino ka."

At sapagkat ang pagpapakatao ay gawain na tumatalab sa bawat nibel ng buhay, bawat araw, oras
at sandali, ang pagmumulat sa sariling katangahan na katutubo dito, ay kailangan ding tumalab sa lahat ng
nibel at lugar at panahon: mas malalim at mataas at malawak kaysa sa anomang ibang pagmumulat. Itong
pagmumulat sa sarili't pangkalahatang katangahan ay posible lamang sa isang palaging umiiral na akto ng
taos at mapakumbabang pag-aangkin.

At kung papaanong walang otomatik na patakaran sa pagturo, pagsagawa, pagpatubo. sa gawaing


techne ng kamay, lalong walang Otomatik na patakaran sa pagpapakatao. Lalo na sa importanteng
hakbang ng pagmumulat sa sariling katangahan. Isang posibleng tulong sa hakbang na ito ay matinong,
walang sawang pagtatanong, upang matulungan ang tao na makakita, maranasan at angkinin ang
katotohanan.

Delikadong pagtulong. Kung tatanggapin ng tinutulungan, babaliktad ang kanyang buong


pamumuhay. Matutuklasan niyang dati pala siyang baliktad. At ngayon na bumaliktad siya, sa wakas
natututo na siyang tumayo.

Mapanganib na pagtulong. Baka ayaw tanggapin ng tinutulungan. Baka siya manatili sa kanyang
tigas-loob na paninindigan at lalo pang patigasin ito. At baka mapatay pa ang tumutulong.

Sa kanyang pagsisikap sa techne ng pagpapakatao, mulat si Sokrates na siya'y tanga. At sapagkat


tumatalab sa bawat sandali ang kanyang pag-amin sa kanyang katangahan, nagkakaroon siya ng
kakayahang makakita sa mahahalagang katotohanan. Halimbawa. kaya niyang makita na hindi niya alam
kung masama ang kamatayan, pero tunay niyang alam na masama ang huwag tumalima sa diyos, ang
huwag manindigan sa himpilang itinalaga sa kanya. Sapagkat ang katarungan ang kanyang
pinagtitiyagaang ikabuhay, matibay niyang nakikita na mas mabuting maapi dahil sa katarungan, kaysa
umapi. Natatauhan siya na ang umaapi ay winawasak ang sarili.

Alam rin niya na ang nagsisikap gumawa sa gawain ng mabuting tao, ay kailangang palaging
matuto pa. Patubuin pa ang kanyang umuunawang paggawa at paggawang umuunawa. Mulat siya na ang
nagsisikap magpakatao ay may katangahan din sa mismong larangan ng pagpapakatao. Halimbawa, hindi
siya sadyang mananakit kaninoman, ngunit mulat siya na, sa kanyang katangahan, baka nakagawa siya ng
pananakit na hindi niya sinasadya. At handa siyang matulungan at matuto. Mapalad siya kung may
magtutulong sa kanya.

Alam ni Sokrates na ang may mabuting kalooban ay nagbabalak ng mabuti at ang mga walang
dangal ay pinagtitiyagaan ang masama't paninira. Nasa labas sila ng pagtetechne ng tao bilang tao. Bahagi
ng kanyang trabaho na tulungan ang mga walang dangal na matauhan sa kanilang katangahan, upang
maangkin nila ito, at makapagsimula sila sa techne na angkop sa kanila bilang tao.

Pati ang pagtatanong niya kay Meletos ay pagsisikap na tulungan siya. Sana makita ni Meletos na
tanga ang magpanggap na balisa siya sa ikabubuti ng kabataan, habang kitang kita na wala siyang ni
katiting na | interes sa kabataan. Isa pa ring katangahan na hindi niya makilatis na iba ang nagsisikap sa
techne ng pagiging tao, at iba ang hiwalay sa ganyang techne; kung kaya't hindi siya mulat sa kaibhan ng
sadya sa di sadya. Kung nagtagumpay ang pagtatanong ni Sokrates, napaligaya sana si Meletos.

Kaya't iyan na ba ang buong usapan ukol sa ironya? Mamulat sa sariling pagkatanga at magsikap
sa techneng tao? Tulungan ang kapuwa na mamulat din at magtechneng-tao din? Ganyan nga ang ironya
pero hindi pa buo ang usapan.

Alalahanin natin na "katarungan" sa Griyego ay "dike": ang kaayusang umiral sa buong


sanlinikha. Kaya't kung nagdidike ang tao, kung pinagsisikapan niyang ikabuhay ang katarungan,
pinapairal niya ng maayos ang buong sansinukob. Ang tuwid na pagtungo ng tao sa tao, ang mulat na
pagkilus sa abot tanaw ng diyos, ay nakasangkot sa pag-iral ng buong sangtumutubo (physis). Nakababad,
tumatalab at tinatablan ng maayus na takbo ng sangkagandahan (kosmos). Kaya't sinusubaybayan ng
diyos ang taong nabubuhay sa dike.

Sa daigdig, may mga makatarungan, dikaios, at hindi makatarungan, adikos. Iniingatan ng diyos
ang dikaios. Hindi pahihintulutan ng diyos na saktanin ng adikos ang dikaios. At kung parang nasasaktan
ang dikaios, sa nibel ng talagang tunay, hindi siya masasaktan. Winawasak ng adikos ang kanyang sarili
kapag inaapi niya ang dikaios.

Gumagalaw ang dikaios sa abot tanaw ng diyos. Kaya't bukas ang loob niya sa paggabay ng
diyos, sa tinig na makadiyos, makadaimon.

Ngayon, nabuo na ba ang usapan? Hindi mabubuo kailan man palibhasa'y napakayaman ng
pinag-uusapan. At, sa totoo lamang, hindi nabubuo ang usapan, kundi kusang humihinto. Kapag natauhan
ang mga nagsasalita na nasabi na ang masasabi at na ang tunay na mahalaga ay hindi masasabi, tatahimik
na ang mga matino. Kaya' t hindi yata tama ang tanong na: Ano ba ang ironya? Ito na ba ang ironya? Ang
tunay na tanong ay: Isinasagawa ba natin ang ironya? Matiyaga ba kitang mag-ironya? Sapagkat ang
ironya ni Sokrates ay abot tanaw ng techne ng pagpapakatao; at ang techne na ito ay isang dinamismo,
isang walang sawang paglalampas sa hangganan.

You might also like