Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Scene 1

May J&T sa Pintuan

JnT: Hello po sir, delivery for miss Joy.

Justin: Salamat po kuya.

Kinuha ang parcel

Justin: Ate! May delivery po para sa inyo!

Jocel: Talaga? (Excited na tone, binuksan niya ang parcel)

Jocel: YES! Ma, Pa! Tingnan niyo po. Nanalo po ako sa Arts Contest sa aming school!

Berna: Di sinabi naming tigilan mo na yung pagdradrawing! Hindi naman iyan makakatulong sa pag-aaral
mo. (Masungit na tone)

Jocel: Kasi Ma, ito ang gusto kong gawin. Alam niyo naman na ang pagdrawing ang aking hilig diba-
(Nakikiusap na tone)(Na-cut off siya ng ama)

Julius: Bakit? Kaya ka bang pakainin ng pagdradrawing mo? Kung ginamit mo nalang ang oras mo diyan
sa pagreview para sa scholarship sa pagkuha mo ng abogasua sa kolehiyo. Eh sana nasilbihan pa yang
oras mo! (medyo galit na tone)

Umalis si Jocel at pumunta sa kanyang silid

Umiiyak si Jocel habang binabasa ang kaniyang inaaral na libro.

Jocel: Hindi naman ito ang gusto ko! Ayaw kong maging abogado. Gusto.. ko lang maging artist..
(Kakaiyak na tone)

Jocel: Bakit kasi ito pa ang ginusto ko? Kung hindi nalang sana… (Emotional tone)

Narrator:

Sa mundo ng pintura at likha,

Si Jocel may pusong may sigla,

Puso’y sa sining naglalakbay,

Ngunit pamilya’y ibang landas ang hanapay.

“Arts Contest” sa paaralan, siya’y nagwagi,

Ngunit puso’t damdamin, siya’y naghimagsik,

Inilarawan ng pintura ang kanyang pangarap,


Ngunit di nauunawaan ng mga mahal sa buhay.

Ma, Pa, ang pag-arte’y pusong sumiklab,

Ngunit galak sa sining, hindi nila nauunawa,

Berna’t Julius, kanilang puna’y matigas,

Sa landas ni Jocel, ang sipag ay may mga hadlang.

Sa iyak ng gabi’t sa pahina ng libro,

Damdamin ni Jocel, naglalambing at sumisidhi,

“Pusong alon sa sining, sana’y inintindi,

Di ito ang gusto, pag-aartista ang hinahanap ko.”

Mga pangarap at puso’y may alon na tugon,

Sa tadhana, pag-ibig, at paglalakbay na puno ng aral,

Hinihiling, ang pangarap ni Jocel, ay matagpuan,

Sa sining at pagmamahal, maging maligaya’t sapat.

Scene 2
School Setting

Napansin ng mga kaibigan ni Jocel ang problemadong mukha niya

Julie: Oh, Jocel ok ka lang ba? Mukhang problemado ka ngayon. Gusto mo bang pag-usapan natin ito?
(Worried tone)

Jocel: Wala lang, nag-iisip lang ako kung anong kurso sa kolehiyo ang aking pipiliin pero hindi ko talaga
alam. (Buwaon na tone)

Jocel: Kayo? Ano ba ang gusto niyong kurso?

Micah: Ako? Gusto ko maging Astronaut! Nais kong makapunta sa space at sa iba’t-ibang planeta! Ibig
kong makita ang mga bituin sa kabilang mundo! Oh kay gandang isipin… (Excited tone)

Johnrick: Ako naman, gusto ko maging pulis. Dadakipin ko lahat ng mga gumagawa ng kasakiman sa
mundong ito! At dahil gusto kong maprotektahan ang mga taong nangaingailangan nito. (Excited tone)
Julie: At ako? Iniibig kong maging nurse ako. Gusto kong makatulong ako sa lahat na may nararamdaman
na masama. Sakit man ito sa katawan o sa kanilang pag-iisip. Nais kong matulungan sila. Ikaw Joy?

Jocel: Sa totoo lang, gusto ko talaga maging isang artist. Kaya iniisip kong mag major in Drawing and
painting. (Medyo Neutral na tone)

Micah: Ayos naman ah! Magaling ka naman magdrawing kaya siguradong makakapasa ka diyan. Pero..
bakit problemado ka?

Jocel: Si Mama at Papa kasi. Ayaw nila na iyon ang piliin ko. Hindi kasi raw ako makakakuha ng kahit
anong pera. At tama sila, pero gustong-gusto ko pa rin makadrawing! Pero nais nilang mag abogado ako!
(Iiyak na tone)

Ginacomfort san mga kaibigan si Jocel

Johnrick: Paano kaya kung mag Architecture ka nalang? Makakakuha ka naman ng pera at parte pa rin
ang pagdrawing sa iyong pagtrabaho.

Nagka realization na reaction ang mukha ni Jocel

Jocel: TAMA KA! Sasabihin ko ito sa kay Mama at Papa! (Excited tone)

Narrator:

Sa landas ng pangarap, tayo’y naglalakbay,

Sa buhay ng pag-aaral, mga pangarap ay nag-aalay.

Jocel, sa iyong puso’t isipan, pag-asa’y may sumisiklab,

Sa gitna ng dilim, mga kaibigan, nagbibigay liwanag.

Julie’y handang makinig, sa mga hinaing mong likha,

Micah at Johnrick, may pangarap, bituin sa mata’y tila.

Astronaut, pulis, o nars, ang landas ay iba’t-iba,

Ngunit sa bawat landas, pag-asa’y sumisiklab.

Jocel, sa pagmumuni’t pagtahak sa daan,

Sa artistikong puso, damdamin ay sumisiklaban.

Ngunit inaapi ng takot, ng pamilya’y pangarap,

Sa pag-aaral ng sining, damdami’y nababalot.


Ngunit baka’t may landas, magtugma sa kanilang adhika,

Sa arkitekturang daan, pag-asa’y tila’y muling nabubuhay.

Sa puso mo’y sigaw, ang pangarap ay ilantad,

Sa pamilya’y ipakita, pangarap na tunay at tibay.

Sa gitna ng buhay, mga pangarap ay matutupad,

Sa sipag, tiyaga, at pananampalataya, buhay ay maglalakbay.

Jocel, itaguyod mo ang pangarap na ‘yong tinitibok,

Sa likod ng pintuan ng buhay, pag-asa’y palaging bukas.

Scene 3
Nakauwi si Jocel sa kanilang bahay.

Jocel: Ma, Pa gusto kong makipag-usap.

Berna: Bakit? May nangyari bang masama? (Worried tone)

Si Julius at Berna kay babation kung nano ang sasabihon ni Jocel

Jocel: *Sigh* Hindi po ako magiging abogado.

Julius: Ano? ‘Wag mong sabihin dahil ito sa iyong pagdradrawing naman? (Disappointed na tone)

Jocel: Opo, dahil ito sa pagdrawing ko.

Berna: Heto nanaman tayo! Hindi ka nga magkakakita sa pagdradrawing mong iyan! (Galit na tone)

Julius: Tama si Mama mo! (Galit na tone)

Jocel: Alam ko po Ma, Pa. Kaya napag-isipan kong maging architect.

Julius: Ano nanaman iyan? (Medyo galit na tone pero curious)

Jocel: Alam ko pong ayaw niyo akong magMajor in Drawing and Painting dahil halos wala akong pera na
makukuha diyan. Kaya napag-isipan kong maging Architect nalang! Dahil makakapagdrawing pa rin ako at
magkakakita… Alam ko po na ayaw nyo lang pong Magmajor ako sa pagdrawing dahil mahal niyo ako… At
ayaw niyo lang akong makitang mabigo… (Serious tone)

Jocel: Kaya Ma, Pa. Please support me… Ayaw kong mamuhay na magtrabaho ng hindi ko gusto… (Iiyak
na tone)

Nagchange ang face ni Berna from Galit to Empathetic sa iya anak


Berna: Kaya pala… Pasensya na anak dahil pinagbawalan ka namin sa pagdrawing… tulad ng sinabi mo,
ayaw lang talaga namin na magkaroon ka ng unstable job. (Kinupkop si Jocel)

Julius: Oo anak, kaya susuportahan ka namin sa iyong desisyon na maging Architect. (Loving tone)

[END]

Narrator:

Sa pag-aalab na damdamin, Jocel sa wakas ay umamin,

Sa magulang, ipinahayag ang pangarap na naisin.

“Architect,” ang hangad, sa pagguhit at pagtayo,

Sa disenyong puno ng puso, ang kanyang pag-asa’y umusbong.

Ma’t Pa, sa simula’y di maintindihan,

Ang pangarap na ‘to’y kanilang hinarap nang may pag-aalinlangan.

Ngunit sa puso’y alam, ang pagmamahal na nag-aalab,

Tungo sa pangarap, kasamang humahakbang.

“Drawing,” sabi ng ama, “hindi sapat na daan.”

Ngunit pagka-arkitekto, buhay ay magiging maayos at tuwiran.

Sa gabay ng magulang, buhay ay magbibigay saysay,

Sa pagtupad ng pangarap, ilaw ay muling sumiklab.

Berna, sa yakap, puso’y naglalakbay,

Pasensya’t pang-unawa’y nahanay sa bawat salita ni Jocel, sa gabi at araw.

Sa pag-usbong ng pag-asa, sa pagpili ng landas,

Pagsuporta’y alay, buong puso’t pang-unawa’y hawak-kamay.

Julius, sa puso’y umintindi’t umangkop,

Ang pangarap ng anak, sa sipag’t tiyaga, pilit ay itataguyod.

“Architect,” ang yakap ng pagmamahal at pagsuporta,

Sa paglalakbay ng anak, buong pamilya’y magkakasama.

You might also like