Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Si Alitaptap at si Paruparo

May isang Paruparo na pinaglaruan ng isang batang lalaki. Iniwan niya itong
nakabaligtad at kakawag-kawag sa lupa.
Paruparo : Saklolo! Tulungan ninyo ako! (Dumaan si Langgam at narinig ang sigaw
ni Paruparo)

Langgam : Gusto kitang tulungan, ngunit nagmamadali ako. Maganda ang sikat ng
araw at maghahanap pa ako ng pagkain. (Umalis si Langgam at iniwan ang
kaawaawang Paruparo)

Paruparo : Saklolo! Maawa kayo sa akin. Tulungan ninyo ako. (Dumating si


Gagamba. Lumapit siya kay Paru-paro)

Gagamba : Gusto kitang tulungan ngunit pagagandahin ko pa ang aking bahay.


Mangunguha pa ako ng sapot. (At umalis si Gagamba)

Paruparo : O Bathala! Tulungan po ninyo ako. Didilim na at magsisitulog na ang


kasama kong kulisap. Wala nang sa akin ay makakakita. (Pagod at gutom na si
Paruparo. Napaiyak siya. Nang pahiran niya ang kanyang luha ay may napansin
siyang papalapit na pakislap-kislap na liwanag)

Paruparo : Saklolo! Tulungan ninyo ako! (Dumaan si Langgam at narinig ang sigaw
ni Paruparo)

Langgam : Gusto kitang tulungan, ngunit nagmamadali ako. Maganda ang sikat ng
araw at maghahanap pa ako ng pagkain. (Umalis si Langgam at iniwan ang
kaawaawang Paruparo)

Paruparo : Saklolo! Maawa kayo sa akin. Tulungan ninyo ako. (Dumating si


Gagamba. Lumapit siya kay Paru-paro)

Gagamba : Gusto kitang tulungan ngunit pagagandahin ko pa ang aking bahay.


Mangunguha pa ako ng sapot. (At umalis si Gagamba)
Paruparo : O Bathala! Tulungan po ninyo ako. Didilim na at magsisitulog na ang
kasama kong kulisap. Wala nang sa akin ay makakakita. (Pagod at gutom na si
Paruparo. Napaiyak siya. Nang pahiran niya ang kanyang luha ay may napansin
siyang papalapit na pakislap-kislap na liwanag)

Alitaptap : Naku, bakit ka nandiyan? Napaano ka at kawag ka nang kawag?

Paru-paro : Sa aking paghahanap ng nektar sa mga bulaklak ay hinuli ako ng isang


batang lalaki. Pinaglaruan niya ako at iniwan niya akong nakabaligtad dito. Hindi ko
kayang tumindig na mag-isa upang lumipad. Maaari bang tulungan mo ako?

Alitaptap : Aba, oo. Sandali lang, tatawag ako ng makakatulong ko. (Ilan pang sandali
ay dumating ang maraming alitaptap).

Paruparo : Maraming salamat sa inyo. Kayo ang sagot ni Bathala sa aking dalangin.
Kaybuti ng inyong kalooban…

Alitaptap : Walang anuman, kaibigang Paruparo. O sige, aalis na kami.

Paruparo : Aalis na rin ako. Pupunta na ako sa aking tahanang bulaklak. Salamat na
muli.

Aral:

 Makikilala mo kung sino ang iyong tunay na kaibigan sa oras ng kagipitan.


 Huwag mag-atubiling tumulong kung may kakayahan. Mas maigi ang nagbibigay
ng tulong kaysa ikaw ang tinutulungan.
Ang Gorilya at ang Alitaptap

Isang gabi, naglalakad si Iput-Iput, (ang alitaptap) patungo sa bahay ng kanyang kaibigan. Nang
mapadaan siya sa tapat ng bahay ni Amomongo (ang gorilya), tinanong siya nito. “Hoy, Iput-
Iput, bakit lagi kang may dala-dalang ilaw?” Sumagot si Iput-Iput, “Dahil natatakot ako sa mga
lamok.”

“Ah, duwag ka pala”, ang pang-uuyam ng gorilya.

“Hindi ako duwag!” ang nagagalit na sagot ng alitaptap.

“Kung hindi ka duwag, e bakit lagi kang may dala-dalang ilaw?” ang pang-aasar ni Amomongo.

“Nagdadala ako ng ilaw para kapag nilapitan ako ng mga lamok at kakagatin ay makikita ko sila
kaagad at nang sa gayo’y maipagtanggol ko ang aking sarili”, ang tugon ni Iput-Iput.

Tumawa nang malakas si Amomongo. Kinabukasan, maaga itong gumising at ipinamalita sa


lahat ng kapitbahay na kaya daw laging may dalang ilaw si Iput-Iput ay dahil duwag ito. Kaagad
na kumalat sa buong bayan ang balita.

Nang mabalitaan ito ng alitaptap, nagalit siya. Dali-dali siyang lumipad patungo sa bahay ni
Amomongo. Gabi noon at natutulog na ang gorilya, ngunit itinapat niya ang kanyang ilaw sa
mukha nito hanggang sa ito ay magising.

“Hoy, gorilya, bakit ipinamamalita mong duwag ako? Upang mapatunayan ko sa’yong hindi ako
duwag, hinahamon kita sa isang labanan. Magkita tayo sa sa plasa sa susunod na Linggo ng
hapon.”

Pupunga-pungas na nagtanong ang gorilya.

“Mayroon ka bang mga kasama?”

“Wala!” ang sigaw ni Iput-Iput. “Pupunta akong mag-isa.”

Nangiti si Amomongo sa tinuran ni Iput-Iput. Dili’t isang maliit na insekto ang humahamon sa
kanya ng away. Nagpatuloy ang alitaptap.

“Hihintayin kita sa plasa sa susunod na Linggo sa ganap na ikaanim ng hapon!”


“Magsama ka ng mga kakampi mo dahil magsasama ako ng libu-libong gorilya na mas malalaki
pa sa akin.”

Sinabi ito ni Amomongo upang takutin ang alitaptap, na sa pakiwari niya ay nasisiraan ng ulo.

Ngunit sumagot si Iput-Iput, “Hindi ko kailangan ng kakampi. Darating akong mag-isa!


Paalam!”

Pagkaalis ng alitaptap, tinipon ng gorilya ang kanyang mga kasamahan at ipinaalam sa mga ito
ang nakatakdang pagtutuos. Inutusan niya ang mga ito na kumuha ng tig-isang pamalo na may
habang tatlong dangkal at pumunta sa plasa nang ika-anim ng gabi sa susunod na Linggo.
Ikinabigla ito ng kanyang mga kasamahan, ngunit nasanay na silang sundin ang kanilang pinuno
kaya ipinangako nilang pupunta sila sa itinakdang oras at lugar.

Dumating ang araw ng Linggo. Bago pa mag-ikaanim ng hapon ay nagtipon na ang mga
dambuhalang gorilya sa plasa ngunit nadatnan na nila ang alitaptap na naghihintay sa kanila.
Maya- maya, tumunog ang kampana ng simbahan bilang hudyat ng oras ng orasyon o
pagdarasal. Iminungkahi ng alitaptap sa mga gorilya na magdasal muna sila. Pagkatapos
magdasal, agad sinabi ni Iput-Iput na nakahanda na siya. Inutusan ni Amomongo ang kanyang
mga kasama na humanay. Pumuwesto siya sa una bilang pagpapakilalang siya ang pinuno ng
mga ito.

Dagling lumipad si Iput-Iput sa ilong ng gorilya at inilawan niya ito. Hinampas ng kasunod na
gorilya si Iput-Iput ngunit kaagad itong nakaalis kaya ang tinamaan ng gorilya ay ang ilong ni
Amomongo na halos ikamatay nito. Dumapo si Iput-Iput sa ilong ng pangalawang gorilya.
Hinampas ng pangatlong gorilya si Iput-Iput ngunit kaagad itong nakalipad, kaya ang nahampas
niya ay ang ilong ng pangalawa na ikinamatay nito. Muli, inilawan ni Iput-Iput ang ilong ng
pangatlong gorilya. Hinampas ng ikaapat na gorilya si Iput-Iput na kaagad na kalipad. Muli,
namatay ang pangatlong gorilya dahil sa lakas ng pagkakahampas ng ikaapat na unggoy sa ilong
nito. Nagpatuloy ang ganitong pangyayari hanggang si Amomongo na lamang ang natirang
buhay na gorilya na halos hindi makagulapay dahil sa tinamong sakit. Nagmakaawa ito kay Iput-
Iput na patawarin na siya, at huwag patayin. Pinatawad naman siya ni Iput-Iput, ngunit simula ng
hapong iyon, nagkaroon na ng malaking takot ang mga gorilya sa mga alitaptap.

Aral:

 Huwag mong husgahan ang iyong kapwa base sa kanyang laki o liit ng pangangatawan.
Kadalasan kasi ay may mas nagagawa ang mga maliliit na hindi kayang gawin ng malalaki.
 Iwasan ang pagpapakalat ng maling balita upang siraan ang kapwa.

You might also like