Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 15

Si Ninay at ang

Mahiwagang Suklay

Tagalog
Si Ninay at ang Mahiwagang Suklay

Tagalog
g, ca, Philippines
http://creativecommons.org/licenses/by/4.0/
You are free to make commercial use of this work. You may adapt
and add to this work. You must keep the copyright and credits for
authors, illustrators, etc.
Si Ninay ay batang di mahilig magsuklay.
Paggising niya sa umaga di man lang manuklay.
Makikipaglaro siya ng walang suklay suklay.
Papasok sa Paaralan ng hindi man lang nanunuklay.

1
Minsan ay hindi na nakatiis na sabihan siya ng
kanyang kaibigan.
"Ano ba yan Ninay hindi ka man lang manuklay" sabi ni
Mia
"Magpakalbo kana lang kaya" sabi naman ni Lora at
sabay na tumawa ang dalawa.

2
Umiyak na tumakbo si ninay dahil sa kahihiyan.
Tumakbo siya ng tumakbo hanggang sa may naapakan
siyang isang bagay.
Isa pala itong suklay. Kumikinang na kulay ginto ang
suklay.
"Ang gandang suklay" sabi ni Ninay
"Mahiwaga siguro itong suklay" sabi niya sa kaniyang
sarili.
Pinulot niya ang suklay at iniuwi sa kanilang bahay.

3
Pagdating sa kanilang bahay ay agad niyang ginamit
ang mahiwagang suklay.
Agad agad ay naging maayos ang kanyang buhok.
Umaliwas ang kaniyang itsura.
"Ang galing naman, mahiwaga talaga itong suklay"
sabi ni ninay.

4
Mula noon ay lagi na siyang nagsusuklay.
Napansin ng mga kaibigan niya na gumanda na si
ninay.

5
Isang araw, habang naglalakad ay nalaglag ang
suklay.
Hindi na makita ni ninay ang mahiwagang suklay ng
itoy kaniyang gagamitin.
Nalungkot si ninay.
"Paano na yan wala na ang mahiwagang suklay"
nalulungkot na sabi ni Ninay
"Hindi na ako magiging maganda" sabi pa niya

6
Papasok na sana siya sa paaralan ng maalala niya na
hindi pa siya nakakasuklay.
Naalala niya ang mahiwagang suklay.
Muli ay nalungkot siya.
Nakita niya ang suklay ng kaniyang Ina.
Naisip niya na gamitin ito.

7
Nagulat Siya dahil gumanda parin siya.
Umaliwalas ang kaniyang Mukha.

8
Pumasok siya ng masaya.
Dahil ang suklay ng kaniyang Ina ay Mahiwaga rin
pala.

You might also like